noveltoon logo noveltoon
Stupidly In Love Again

Chapter 8

Ch. 9 / 22 May 18, 2024

Chapter 8

DALAWANG araw nang absent si Brixx. Actually, pangatlong araw na pala ngayon na hindi siya pumapasok.

Hindi siya pumasok kinabukasan after naming i-celebrate ang birthday ni Carla. Nagtataka kaming lahat dahil walang sino man sa amin ang may alam kung ano ang nangyari sa kanya. Hindi rin siya umuuwi sa unit niyang katapat lang ng unit ko. Hindi sa inaabangan ko siya, sadyang alam ko lang talaga.

Wala silang ideya kung bakit hindi siya pumapasok. Wala rin naman daw siyang text message. Ang nangyari, lang iyong sasabay na sana siya kina Joe pauwi noong gabi, may tumawag daw sa kanya. At pagkatapos, nagmadali raw umalis si Brixx na parang natataranta.

Hindi nasabi ni Brixx kina Joe kung sino ang tumawag o kung ano ang nangyari. Nagpaalam na lang daw ito bigla at nag-taxi paalis. Hindi na rin sila nakapagtanong dahil nga nagmamadali na si Brixx na umalis.

“Ugh! Ang lonely ng office kapag wala si Brixx!” reklamo ni Andrea. “Makaalis na nga muna!” kinuha niya ang shoulder bag at nagmadaling lumabas ng office.

Iyang hitad na si Andrea, no’ng nakaraan pa bad trip at wala sa mood. Palaging nakasimangot. Palibhasa, hindi pumapasok si Brixx at wala siyang nahaharot. Napakahitad talaga ng babaeng iyon.

“Ang lonely daw ng office kapag wala si Brixx? O, baka pechay baguio lang niya ang lonely kasi wala siyang maharot? Hindi talaga nagda-diet sa kalandian si Gaga, `no?” sabi ni Mau kaya nagtawanan kami.

Nasa likuran kaming lahat ng office dahil kumakain kami ng graham cake na dala ni Carla. New dessert daw iyon sa resto-bar ng ate niya kaya pinatikim niya sa amin para malaman kung okay lang daw ang lasa.

Lunch break namin kaya sama-sama kami. Pag-oras kasi ng trabaho, hindi na kami makapag-tsismisan. Unless kami si Mau na kayang pagsabayin ang work at tsismis. Napaka-multitasking kasi niyang babae—kayang pagsabay-sabayin ang mga ginagawa.

“Pero, nakakapagtaka nga, `no? Bakit kaya absent si Brixx?” tanong naman ni Gio.

Napakibit-balikat kaming lahat dahil wala kaming ideya kung bakit hindi pumapasok si Brixx.

“Basta no’ng pasakay na kami sa van ni Joe,” sabi si Aila. “May tumawag sa kanya. Lumayo pa nga siya sa amin para kausapin in private kung sino `yong tumawag sa kanya. Then after ng call, natataranta siyang nagpaalam na magta-taxi na lang daw. Nagmamadali talaga siya. Nag-offer pa nga si Joe na ihatid siya pero tumanggi siya.”

“Baka emergency?” singit ni Carla.

“O, baka manganganak na ang girlfriend niya?” Si Mau naman habang kumakain ng graham cake.

“Wala nga siyang girlfriend!” sabay na sagot nina Carla at Aila. “May babae nga siyang hinihintay, `di ba?”

Napa-rolled eyes si Mau. “O, kalma. Itong mga asong `to.”

Napahalakhak si Gio. “Mga aso? Bakit naging aso sina Carla at Aila?”

“Puro ‘aww’ kasi ang sagot nila sa tuwing sumasagot si Brixx no’ng birthday ni Carla,” sagot ni Mau. “`Tapos nang kumanta si Brixx, ang mga ate, hala, napa-aww na naman. Asong-aso. Haha.”

“Tse! Babaeng dirty!” inis na sabi ni Carla. Napahalakhak tuloy si Mau.

“Hello? Babaeng open-minded lang ako,” sabi ni Mau.

Pinapakinggan ko lang silang mag-usap dahil abala ako sa pagkain.

“Kumanta si Brixx?” tanong ni Gio.

“Yesterday once more, Gio,” sabi ni Mau na ang ibig sabihin—yes. “Tulog ka na kasi no’n. Ang aga mong nalasing gaga ka. Brokenhearted ka ba kay Jose?”

“Jose ka diyan? Jocelyn kasi!” sagot ni Gio. “Sayang. Hindi ko narinig.”

“Maganda ang boses ni Brixx,” puri ni Carla.

“True. Ang lamig pakinggan,” dagdag naman ni Aila. “Pero ano nga kaya ang nangyari sa kanya?”

“Baka tinawagan siya no’ng gabi ng isa sa mga babaeng ka-fubu niya?” sagot naman ni Mau. “`Tapos sa sobrang miss na ni Ate Girl si Brixx, nonstop sila sa pag- chechenelan . Kaya napagod si Brixx at um-absent?”

“Ang dugyot talaga ng utak mo, Mau!” sabay na naman na sagot nina Carla, Aila, at kasama na si Gio.

“Magkaiba ang dugyot sa open-minded. Huwag nga kayo!” pagpupumilit ni Mau. “I’m the latter.”

“Hindi naman siguro gano’n `yon. Feel ko totoo ang sinasabi ni Brixx about sa babaeng hinihintay niya.” Si Aila.

“Kahit na ba. Lalaki pa rin si Brixx at may pangangailangan. He needs to get laid sometimes,” sabi ni Mau. “O, baka naman, nanganak na ang isa sa mga babae niya? Kaya natataranta siya no’n?”

“Hala siya, o. Pinu-push niya talaga. Walang tigil, Mau?” nakabusangot na apela ni Carla.

Tumawa si Mau. “ Charot lang. Kayo naman hindi na mabiro.” Tumingin sa akin si Mau. “Ikaw, Cha, wala ka bang ideya kung bakit siya absent?”

Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang tissue na nasa ibabaw ng table bago sumagot. “Wala. Bakit ako ang tinatanong n’yo? Alangan naman na bawat galaw ni Brixx sabihin niya sa akin?” mabilis kong sabi. “Hindi ko naman kailangang alamin kung papasok ba siya or what.”

“O, kalma, ate girl. Nagtatanong lang ako since schoolmate kayo, `di ba? Schoolmate,” sabi ni Mau. “Besides, partner kayo sa newest project, `di ba? Nasimulan n’yo na ba?”

“Ohhh,” ang naisagot ko na lang kasi naging defensive nga ako. “Wala rin akong alam.”

“Kung ano-ano kasi ang iniisip. Huwag mong isipin `yon. Mahal ka n’on,” sagot ni Mau na nakangisi.

“Wait, schoolmate? Mag-schoolmate sina Brixx at Charry?” gulat na tanong ni Gio.

Sabay-sabay napa-rolled eyes sina Carla, Mau, at Aila.

“Jusko , Lord. Ilayo n’yo po ako kay Gio!” Si Mau na naman.

“Nagtatanong ako kasi hindi ko alam!” Napasimangot si Gio.

“Paano mo malalaman, tulog ka na nga no’n! Nagpakalasing ka kasi agad!” naiiritang sagot ni Mau. “Masyado mong pinoproblema si Jose. Binasted ka lang akala mo end of the world na!”

“Jose ka diyan! Jocelyn nga sinabi!” pikon na sabi ni Gio.

“Jose sa umaga, Jocelyn sa gabi? Transgender siya?” pangbubuwisit na naman ni Mau.

“Heh!” Mukhang hindi na alam ni Gio ang sasabihin sa pang-aasar ni Mau. Nagtawanan na naman kami dahil sa pagbabangayan nilang dalawa.

After naming ubusin ang graham, bumalik na kami sa trabaho. Nagtira rin kami ng graham cake para kay Joe dahil mayamaya lang babalik na iyon. Pumunta kasi siya sa ongoing project niya.

Tinanong pa kami kanina ni Carla kung titirahan din daw ba si Brixx. Pero ang sabi ni Mau, hindi na. Mukhang hindi na naman daw ito papasok ngayon at baka masayang lang ang graham cake.

Patigil-tigil ako sa pagtatrabaho at hindi tuloy ako makapag-drawing nang maayos. Iniisip ko kasi ang project naming dalawa ni Brixx na hindi pa namin nasisimulan. Kailangan pa naman naming i-check iyong lugar. Ayoko rin namang hingin kina Carla ang number niya dahil… basta ayaw ko lang.

Nakakainis itong si Brixx. Bigla-bigla na lang nawawala nang walang pasabi. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Hindi sa nag-aalala ako. More like na-curious ako kung bakit bigla siyang nataranta nang nakatanggap siya ng tawag that night. Emergency? Huwag naman sanang malala.

Habang naka-focus ako sa ginagawa ko, biglang nag-vibrate ang cell phone ko na nasa ibabaw ng desk. Napatingin ako kung sino ang tumatawag at nakita kong unregistered number ang caller.

Hindi ko ugaling sumagot ng tawag galing sa unknown caller dahil ang creepy lang ng dating. Pero sinagot ko na rin dahil baka isa ito sa mga past clients ko na baka gusto akong kausapin.

“Hello.”

“Cha,” sabi naman ng tumawag.

Agad kong nabosesan kung sino ang nasa kabilang linya.

“Brixx!!” napasigaw kong sagot.

Nang ma-realize kong napasigaw ako, bigla akong napatingin sa paligid ko. Nakita kong nakatingin sila sa akin at nakataas ang kilay. Hindi ko na lang sila pinansin.

Napatakip ako ng bibig, saka ako napayuko dahil sa sobrang hiya. Shit! Bakit ganito ang reaction ko nang dahil sa boses ni Brixx? Para akong na-excite na ewan. Ugh. Self, stop being like that.

“Ouch. Bakit ka sumigaw?” Napatawa si Brixx. “Na-miss mo ba `ko?”

Napa-rolled eyes ako as if nakikita niya iyon.

“Bakit naman kita mami-miss?” tanong ko. “Uma-absent ka nang walang pasabi. What happened to you?”

“Naks, concern. Thanks for the concern, Cha.”

“I’m hanging up.”

“I’m just kidding. Ito naman pikon.” Ramdam ko na nakangiti si Brixx sa kabilang linya. “May emergency lang so I needed to take a leave for three days. Pero babalik naman ako sa Monday.”

“Take a leave for three days? Dude, hindi ka nag-leave. Um-absent ka lang.”

“What makes you think na hindi ako nag-leave? I called our boss last, last day. And he approved.”

“What? Ang daya! Bago ka pa lang pero pinayagan ka na agad mag-leave?” I hissed.

“Well, perks of being handsome as hell.”

“Good-bye!”

He laughed again. “Wait, Cha.”

“Bakit ka ba tumawag? Marami akong ginagawa.”

Tumahimik si Brixx sa kabilang linya — ilang segundo lang, saka siya nagsalita. “Na-miss lang kita. Hindi ako sanay na hindi kita nakikita.”

Seryosong-seryoso ang pagkakasabi ni Brixx. Napakirot na naman ang puso ko.

“Wala akong narinig,” sabi ko habang nakakapit sa dibdib ko.

He chuckled. God, bakit pati iyon ang guwapo pakinggan?

“Tumawag ako kasi alam kong inis ka na sa akin. Naikuwento sa akin ni Joe kanina na gusto mo na raw simulan `yong project natin pero absent naman ako. By the way, sa kanya ko hiningi ang number mo.”

“I am glad you did. Kasi hindi ako makapagsimula nang dahil sa `yo. Hindi madaling mag-drawing.”

“Sorry na. Kaya nga tumawag ako, `di ba?” sabi niya. “So, magkita tayo sa coffee shop later?”

“Saang coffee shop?” tanong ko.

“`Yong malapit sa condo? `Yong malapit sa park. Sa tapat ng grocery store.”

“Okay. What time? Puwede na ako ng alas-singko.”

“Wow! Maaga kang aalis ngayon? Usually, ikaw pinaka-last umaalis sa office, `di ba?”

“Ayaw mo? O, huwag na.”

Natawa na naman si Brixx. “I was just asking. `Bilis magalit. Mabuti na lang, mahal kita.”

Mabuti na lang, mahal kita.

Nakaramdam na naman ako ng kung ano sa tiyan ko.

Oh, God, stop doing this to me.

“Choppy ka na. Good-bye.”

“Haha. See you later, Cha.”

Then I ended the call.

Nakatitig pa ako sa cell phone ko nang may marinig akong magsalita sa gilid ko. Nakatayo sa gilid ko ang number one tsismosa sa office.

“Ngiting-ngiti siya. Ano’ng sabi ni Brixx?” tanong ni Mau.

Nakangiti… ako?

Bigla akong napatingin sa maliit na salamin na nakasabit sa desk ko. Kitang-kita ko nga ang sarili ko na nakangiti—umayos ako at nagseryoso.

“O, bakit tumigil ka sa pagngiti? Nagtatanong lang naman ako,” natatawang sabi ni Mau.

“Tse! Doon ka na, busy ako.”

“`Ayan, kapag sa akin busy ka pero kapag kay Brixx, kahit working hour sinasagot mo ang tawag?”

“Mau, work related `yon. Puwede ba?”

“Aysus! Pikon. Defensive!” tumatawang sabi ni Mau. “Pero, ano’ng sabi niya?”

“Nakikipagkita siya mamaya.”

“May date kayo?” Namilog pa ang mga mata ni Mau sa gulat.

I gave her a blank look.

“Haha. Charing lang, `te. Pero ano raw sabi niya? Bakit daw siya absent?”

“May emergency lang daw sa kanila. Pero okay na naman daw.”

Binuksan ko ang laptop ko para i-check ang isang files.

“I see. O s’ya, work-work na uli tayo,” sabi niya, saka tumalikod. “Magkikita ang mag-ex later. Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal.” At talagang kumanta pa si Mau.

“Anong sabi mo?” nataranta kong tanong.

Nilingon ako ni Mau habang nakangisi siya. “Wala akong sinabi. Sa isip mo lang `yon. Hihi.”

Inirapan ko na lang siya dahil narinig ko ang mga sinabi niya. Alam kong may alam na si Mau at hinihintay lang niya akong magkuwento sa kanya.

Magkukuwento naman ako sa kanya one of these days kapag kaya ko na. Hindi kasi birong magkuwento ng nakaraan sa isang tao, it takes an effort dahil muli mong bibisitahin ang masakit mong nakaraan na pinilit mong kalimutan. Alam kong kapag nagkuwento ako sa kanya, masasaktan na naman ako.

Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho and unconsciously akong napapatingin sa wall clock sa office para tingnan kung alas-singko na ba para makaalis na.

“Check nang check ng oras `yong isa. Hindi na makapaghintay makaalis,” pagpaparinig ni Mau.

Tiningnan ko siya at nagkibit-balikat lang siya na as if hindi ako ang pinaparinggan niya. Hindi ko na lang siya pinansin at nag-focus na uli sa trabaho ko.

Nang sumapit ang alas-singko ng hapon, mabilis akong nag-ayos. Ipinasok ko sa leather bag ko ang laptop ko pagkatapos iyong mga anek-anek ko sa hand bag. Saka ako tumayo at paalis na.

“O, himala. Ang aga mong aalis, ah?” tanong sa akin ni Gio.

Nagtatakang tumingin din sina Carla at Aila sa akin na parang nakasaksi ng himala. Ito kasi ang unang beses na mauuna akong umalis sa kanila.

“May date kasi si Ate Girl natin,” sagot ni Mau. “Goodluck sa date, Ate Girl. Linis mabuti ng pechay Baguio!”

“Date? Kanino?” tanong ni Carla.

“Tse! Hindi `to date!” sagot ko, saka tiningnan si Mau. “May meeting ako. Huwag kayong maniwala diyan kay Mau. Malisyosa lang ang utak ng babaitang `yan.”

Iniwan kong tumatawa sina Gio nang dahil sa sinabi ko. Saka ako nagmadaling sumakay ng elevator at sumakay sa kotse ko. Medyo traffic pa dahil naabutan ako ng mga papauwi rin.

Habang stuck sa traffic, narinig kong may nag-text sa akin.

Andito na ako :)

Si Brixx ang nag-text. So I replied.

I’m on my way. Medyo traffic lang.

Mabilis naman siyang nag-reply.

It’s okay. I’ll wait for you. Nahintay nga kita ng ilang taon. Ano pa ba `yong paghihintay ko ng ilang oras, `di ba?

Nag-reply ako ng tanging emoji lang. Iyong naka-rolled eyes emoji.

Haha. Hintayin na lang kita rito. Huwag ka na mag-reply at nagmamaneho ka. Ingat, Cha! :)

Napatitig ako sa cell phone ko at wala sa sariling napangiti.

Bumalik lang ako sa reyalidad nang makarinig ako ng ilang busina mula sa mga kotse na nasa likuran ko. Kanina pa pala umandar ang mga sasakyan pero nakatigil pa rin ako.

Nawawala na naman ako sa sarili ko. Ugh.

P-in-ark ko na ang sasakyan ko nang makarating ako sa coffee shop na sinabi ni Brixx. Medyo crowded ang place nang pumasok ako sa loob. Hinanap ko si Brixx sa paligid. Nakita ko naman agad siya dahil kumaway siya sa akin. Naglakad ako papunta sa gawi niya.

Habang naglalakad, wala sa sarili kong pinagmasdan ang suot niya. Naka-sky-blue polo shirt siya na ang mangas, fit na fit sa muscles niya. I loved how the polo shirt fitted his body. Naka-ripped jeans siya. Almighty God, bakit ang hot ni Brixx ngayon? And God, bakit ko siya pinupuri?

Hindi na ako magtataka kung bakit ganito na lang lingunin si Brixx ng ilan sa mga kababaihan sa coffee shop. Mas mukha kasing artista si Brixx kaysa engineer. Mali yata ang trabahong pinasok niya.

Tumayo si Brixx para ayusin ang upuan na pag-uupuan ko.

“Thank you,” sabi ko sa kanya, saka umupo.

Umupo naman siya sa harap ko.

“Parang ang tagal kitang hindi nakita. I miss you, Cha. Really,” sabi niya, saka ngumiti.

Naglabasan na naman ang dimples ni Brixx.

“Three days lang tayong hindi nagkita. Parang ang tagal ka diyan.”

“You know, isang oras lang na hindi kita makita, it’s like, forever to me,” sabi ni Brixx. “Kung puwede nga lang na gawin kitang keychain, gagawin ko na. Para naman kahit saan ako pumunta, kasama kita.”

“Ilang babae na ang sinabihan mo n’yan? Halatang gamit na gamit mo `yang linya na `yan.”

Hindi nawala ang ngiti niya. “Wala akong ibang naging babae simula nang iwan mo ako, Cha. Hinihintay kasi kita.”

“Brixx,” tawag ko sa pangalan niya. “Work related ang ipinunta ko rito, hindi tungkol diyan. Kung `yan na naman pag-uusapan natin, aalis na lang ako.”

“Okay, sorry,” malungkot na sagot ni Brixx.

Napatitig ako sa mukha ni Brixx at napansin kong malamlam ang mga mata niya. Halatang ilang araw siyang walang maayos na tulog. Mukhang emergency nga talaga ang pinuntahan niya kaya siya absent.

“How’s the emergency? Okay na ba?” pagtatanong ko.

Napalunok si Brixx. “Yes. Thank, God.”

“Anong klaseng emergency ba `yan at halatang wala ka pang tulog?”

Binigyan niya ako ng matipid na ngiti. “Ayoko nang pag-usapan, Cha. Maybe, I’ll tell you soon.” Tumayo siya. “Mag-o-order ako ng frappe. Ano ba ang gusto mo? Coffee o frappe?”

“Frappe.”

“Frappe,” pag-ulit niya. “Java chips, right?”

“You remember?”

He nodded. “I never forget everything about you, Cha.”

Tumalikod si Brixx at naglakad papuntang counter. Pati likuran ng lalaking ito sobrang sexy. Kitang-kita ko ang mga babaeng dinaanan ni Brixx na hinahabol siya ng tingin. Iyong iba, halatang kinilig pa.

Back off, girls. He’s mine—I mean, he used to be mine.

Ano na naman ba itong mga pinagsasabi ko.

Kinuha ko na lang ang laptop at inilagay sa mesa. Mabuti na lang at free Wi-Fi rito. Habang abala ako sa laptop, biglang nahulog ang bag ko at kumalat ang ilang laman.

“Geez,” sabi ko sa sarili ko at pinulot isa-isa ang mga nalaglag.

Nang pupulutin ko na ang journal ko, biglang may babaeng dumampot niyon. Napatingin ako sa kanya at napansin kong buntis ang babae.

“Thank you,” pagpapasalamat ko when she handed me my journal.

Nagkatinginan kaming dalawa at sabay nanlaki ang mga mata.

“Oh, my God, Charry, is that you?” sabi niya nang makilala niya ako.

“Ciara?” banggit ko ng pangalan niya. “Oh my God, ikaw na ba `yan? And you’re pregnant!”

“Yes, ako nga!” Hinawakan ni Ciara ang kamay ko. “Hindi ko inaakalang magkikita tayo rito. It’s been… what? Four or five years? Huling pagkikita natin no’ng college pa. Na-miss kita, girl!”

Isa sa mga college friend ko si Ciara before. Isa rin siya sa nakagalitan ko nang dahil kay Brixx. Kung makapag-usap kaming dalawa ngayon parang walang awayan na nangyari sa amin before.

“Oo nga, eh. Ang dami nang nagbago. Buntis ka na. Sino’ng ama?” tuwang-tuwa kong tanong.

“Si Jeremy,” sagot ni Ciara. “In fact, we’re getting married tomorrow.”

Si Jeremy ang boyfriend ni Ciara noong nasa college pa kami.

“Wow! I’m glad, kayo ang nagkatuluyan! Congratulations, Cia!” sabi ko.

“Thanks, girl. Ikaw, kumusta na ang buhay? May asawa ka na ba?”

Umiling ako, “Wala pa akong asawa. In fact—”

Naputol ang usapan namin nang biglang sumingit si Brixx.

“Sorry natagalan.” Napatingin si Brixx sa akin. “Oh, hi.”

Napatitig si Ciara kay Brixx at unti-unting lumaki ang mga mata. “Oh my God. Brixx Harris? Ikaw `yan, `di ba?”

Naiilang na ngumiti si Brixx. “Ah, yes. And you are?”

“Ciara. I’m Ciara. Isa sa mga college friends ni Charry noon, remember? Isa ako sa mga kinukulit mo noon.” Natawa pa si Ciara. “Hindi ko ine-expect na magkasama kayong dalawa ni Charry. Kailan mo siya nakita? Kayo na ba uli? Errr… ano ba `tong tanong ko. For sure, kayo uli. Hindi naman kayo magkasama ngayon kung hindi, `di ba?” dagdag pa ni Ciara. “I’m happy na nagkabalikan na kayong dalawa.”

“Wait, Cia. Actually—”

She cut my sentence. “Look, Cha. As much as I want to catch up with you right now, hindi puwede. May pupuntahan pa kami ng kapatid ko. Kanina pa niya ako hinihintay sa labas,” sabi ni Ciara, saka may kinuha sa bag niya. “Here are two invitations for the both of you. Kailangan n’yong pumunta sa kasal ko tomorrow, okay? Lalo ka na, Cha. Pumunta ka. I’m expecting you. Pupunta rin sina Glenna at Aireen. We need to catch up with you, okay?” Then she looked at Brixx. “Ikaw din, Brixx. Samahan mo si Cha, okay?”

“Teka nga, Cia.” Mag-e-explain pa sana ako.

“Girl, save the chika for tomorrow, okay? I really need to go.” Then she kissed my cheek. “Brixx, masaya ako at natagpuan mo na si Charry uli, at muli kayong nagkabalikan. And I’m so sorry too for what I did before. I was wrong. You proved me wrong. Deserving ka nga talaga kay, Charry.”

Hindi na ako nakapagsalita nang dahil sa sinabi ni Ciara kay Brixx. Parehas lang kaming nakatingin sa kanya hanggang sa maglakad siya papuntang exit. She waved to us for the last time before she went off.

Napatingin ako sa hawak kong invitation, saka ako nagsalita.

“Hindi mo `ko kailangang samahan bukas. Kaya kong pumunta doon ng mag-isa,” I said to Brixx. “Sasabihin ko na lang din sa kanya na misunderstanding lang ang lahat. Na hindi tayo nagkabalikan.”

“No. Sasama ako sa `yo,” sabi ni Brixx habang tinitingnan ang invitation.

“What? Why?” naalarma kong tanong.

Ngumisi si Brixx. “Because I was invited by the bride,” sabi niya. “At hindi mo rin ba narinig ang sinabi niya? Masaya raw siya na nagkabalikan tayo. So, as your boyfriend, hindi kita hahayaang mag-isa.”

“Ang kapal! Hindi kita boyfriend, `no!” Napataas ang boses ko.

Napatingin tuloy sa gawi namin ang mga tao rito sa coffee shop. Tumawa lang si Brixx. Swear, he was enjoying this.

“Oo na. Hindi mo na ako boyfriend,” sabi niya sa malakas na boses. “Kasi asawa mo ako. Yes, girls. I’m already married to this girl. So, stop staring at me. I don’t want her to get jealous.”

At napuno ng tilian ang coffee shop dahil sa sinabi ni Brixx.

My goodness, ano ba’ng nahithit ng lalaking ito?