Chapter 17
NANATILING tahimik si Sir Carlos pagkatapos kong sabihin sa kanya ang pakay ko kaya ako pumunta sa office niya. Halatang pinag-iisipan niyang mabuti ang magiging desisyon niya sa gusto kong mangyari. Alam kong biglaan ang ginawa kong request pero alam kong hahayaan naman niya ako.
After all, tapos ko na ang mga kailangan kong gawin dito. Doon ako nag-focus lately para wala akong maiwan na trabaho. Ginawa kong busy ang sarili ko para hindi bumalik sa isip ko ang nangyaring pag-uusap naming dalawa ni Brixx ng nakaraan. Ayokong maisip kung gaano ko siya dinurog. Kung paano ko paulit-ulit winasak ang mundo niya sa mga kasinungalingan na kailangan kong sabihin para mapabuti kami.
Ang weird lang dahil isa pa naman ako sa mga taong galit na galit kapag hindi nagsasabi ng totoo ang isang tao sa akin. Naisip ko noon na, mahirap bang sabihin ang katotohanan? Ganoon ba kahirap sabihin iyong totoo mong nararamdaman? Bakit kailangan mo pang itago at magsinungaling?
Pero ngayon naiintindihan ko na. Naiintindihan ko na kung bakit kailangan magsinungaling ng isang tao. Minsan, kailangan nating magsinungaling hindi para manloko kundi para itago natin iyong katotohanan na alam nating mas magpapahirap sa isang sitwasyon. O, mas makakaapekto sa ibang tao.
Some people lie not because they want to. But because they need to and there’s no other choice.
Masakit kapag nagsinungaling sa iyo ang isang tao. Pero hindi lang naman sila ang masasaktan if ever. Bago pa sila masaktan, nasaktan na nang lubos iyong taong nagsinungaling sa kanila. Mahirap magsinungaling sa taong mahal na mahal mo. They deserve the truth no matter what.
Pero ano ang gagawin mo kung ang tanging pagsisinungaling na lang ang nakikita mong solusyon para matapos ang lahat? Para matuldukan ang paghihirap ninyong dalawa?
“Are you sure about this, Charry?” tanong sa akin ni Sir Carlos. “Napag-isipan mo na ba itong maigi? Baka nabibigla ka lang… Puwede mo pa itong pag-isipan nang mabuti.”
Tumitig ako sa mga mata ni Sir Carlos para ipakita sa kanya na sure na sure na ako sa sinabi ko. Na desidido ako sa pag-transfer sa branch namin sa Cebu.
“Sir, napag-isipan ko na itong mabuti lately,” seryoso kong sabi. “Tinanong ko na ang sarili ko ng ilang beses. Kung gusto ko bang mag-transfer sa Cebu. Pero isa lang ang palaging nakukuha kong sagot. I want, Sir.”
“Hindi na talaga magbabago ang isip mo?” muli niyang tanong kaya umiling ako. “Mukhang desidido ka na nga at hindi na magbabago ang isip mo. Nakakapanghinayang lang na mawawalan na naman ako ng isa sa magagaling na architect dito. Malaki kang kawalan dito, Charry.”
I smiled. “Sir, hindi naman ako aalis sa kumpanya mo. Lilipat lang ako ng ibang branch.”
“Kahit na ba. Mas prefer ko na `andito ka sa main branch,” sabi ni Sir Carlos na halata ang panghihinayang sa boses. “Ano ban’g nangyayari at nag-request ka ng transfer out of the blue? Pati si Brixx, nagpaalam na rin. Well, I understand his reason. Talagang kailangan niyang umalis para sa anak niya.”
“Para sa anak niya?” nagulat kong tanong.
Hindi ko inaasahan na umalis si Brixx nang dahil kay Brianna. Nag-resign na rin kasi siya after matapos iyong project naming dalawa. Akala ko nag-resign siya dahil ayaw niya akong makita at nahihirapan siya. Pero good thing na umalis si Brixx nang dahil sa anak niya. Mukhang sinunod niya ang hiling ko sa kanya.
Sir Carlos nodded. “Yes. Ang sabi niya, dadalhin daw nila `yong anak niya sa US para ipagamot.” Biglang nalungkot ang mukha ni Sir. “Hindi ko inaasahan na may anak na pala si Brixx. At may malubha palang sakit. Mabuti naisip niyang dalhin sa US ang anak niya dahil mas magagaling ang mga doctors doon.”
Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa sinabi ni Sir Carlos. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako na aalis na si Brixx ng Pilipinas tulad ng gusto ko. O, matutuwa dahil nga sinunod niya ang hiling ko sa kanya. Sinunod niya ang katangi-tangi kong gusto, na ipagamot niya si Brianna.
I was so happy for Brianna yet sad at the same time for myself. Totoo na ito. Totoong tapos na ang namamagitan sa aming dalawa. Totoong tapos na ang limang taon na paghihintay sa akin ni Brixx na napunta lang din sa wala. Well, that’s life. Hindi naman lahat ng paghihintay, may magandang resulta.
“I see… Mas mabuti naman kung gano’n ang gawin ni Brixx.”
Tumingin sa akin si Sir Carlos. “May… may nangyari ba sa inyong dalawa?” tanong ni Sir. “Sorry for my sudden question. Nagtataka lang ako, Charry.”
“None, Sir,” sabi ko. “At kung may nangyari man, para ito sa ikakabuti ng lahat.”
He sighed. “Hay, mga kabataan talaga ngayon hindi ko na maintindihan,” sabi ni Sir Carlos. “Oh, well. Kung ito ang gusto mo, wala akong magagawa kundi payagan ka. After all, halatang kailangan ka rin sa Cebu. Kailangan ng branch doon ng isang tulad mo na napakagaling na architect.”
“Thank you, Sir.” Napangiti ako. “Thank you!”
“No problem.” Ngumiti rin si Sir Carlos. “Ipapaayos ko na lang agad ang mga kailangan mo for your transfer.”
Muli akong nagpasalamat kay Sir Carlos dahil pinayagan niya ako. Pero halata ang pag-aalangan niya. Nanghihinayang daw talaga siya sa talent ko. Natawa na lang ako sa sinabi niya. Para kasing ang labas, lilipat ako sa ibang kumpanya. Eh, sa kanya rin namang branch iyong lilipatan ko.
Paglabas ko ng office, napahugot ako ng malalim na hininga. Akala ko kasi hindi ako papayagan ni Sir Carlos sa biglaan kong request. Mabuti na lang madali siyang kausap at agad akong pinagbigyan. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko habang naiisip ko ang paglipat ko sa Cebu.
It was a new environment, new workmates, and well, new life for me. Baka doon na ako maging masaya. Baka doon na ako totoong maging maligaya na hindi nasasaktan pa.
Sa totoo lang, nahihirapan din akong mag-transfer sa Cebu dahil napamahal na sa akin ang lugar na ito. This workplace became a huge part of me. Kumbaga, mahigit tatlong taon din akong nagtrabaho rito at naging parte na ito ng daily routine ng buhay ko. Kahit mahirap para sa part ko na umalis, I really needed to. Mahihirapan lang akong makalimot kapag mas pinilit kong manatili. Siya lang kasi ang naalala ko sa bawat sulok dito.
It was so funny, wasn’t it? That he occupied a large space of my surrounding. Before, I didn’t search for him. But now, he became my everything. He was everywhere. Kaya mas kailangan kong umalis. Kailangan kong umalis sa lugar na nagbibigay sa akin ng dahilan para maalala siya. I wanted him to forget. I wanted to move on.
As for him, nag-resign na rin siya right after matapos ang project namin. Nalungkot sina Carla dahil sa biglaang pag-anunsiyo ni Brixx sa kanila. Pagkukuwento ni Gio sa akin. Kailangan niya raw umalis para sa anak niya. Nagulat sila sa pag-amin ni Brixx. Pero agad din daw silang naka-move on nang ipinakita ni Brixx ang picture ni Brianna. Kamukhang-kamukha nga raw ni Brixx. Walang pagkakailang anak niya ang bata.
Lumabas din sila no’ng nakaraan as a farewell party kay Brixx. Of course, hindi ako kasama. Kumain lang daw sila kung saan at nagsiuwian na rin. Nasa unit lang ako noon at abala sa pag-aayos ng mga gamit ko.
Umalis na rin si Brixx sa unit niya. Unfortunately, wala ako sa mga oras na kinuha niya ang mga gamit niya. Pagdating ko doon, nakabukas na ang unit niya at wala na rin ang mga gamit niya.
May naabutan lang akong isang sulat na nasa ilalim ng pinto na may nakasulat na Charry sa unahan. Alam ko agad kung kaninong sulat galing iyon. Hand written iyon ni Brixx.
Hindi ko binuksan o binasa ang sulat ni Brixx. Ayokong alamin kung ano ang nakasulat doon. Ayokong malaman kung ano ang inilagay niya dahil alam kong madudurog lang ang puso ko.
Instead, isinama ko na lang ang sulat niya sa portfolio ko ng mga pictures naming dalawa dati. Doon ko na lang inilagay ang sulat na hindi ko alam kung mababasa ko ba isang araw. Isasama ko na lang siya sa mga bagay na hindi ko na kailangan alalahanin pa at mas mabuting kalimutan na lang.
Sa totoo lang, I felt really bad sa ginawa ko kay Brixx. Alam kong sobrang sakit ng ginawa ko sa kanya. He waited for me for these past five years pero napunta lang sa wala ang paghihintay niya. Pero ayon nga, hindi lahat ng kuwento nabibigyan ng panibagong panimula. Minsan, natatapos na iyon sa kung anong katapusan na naranasan ninyo. Iisipin ko na lang na lahat ng sakripisyo ko, para sa bata—para sa anak niya.
It was so sad to live without him. Pero alam ko namang kaya ko. Kakayanin ko para sa aming dalawa ni Brixx. Saka isang panibagong buhay naman ang magbabago sa pagtatapos ko ng kuwento naming dalawa.
Katulad nga ng sabi nila, hindi lahat ng kuwento, may masayang pagtatapos. Hindi man maganda ang katapusan ng kuwento ninyo, at least, naging bahagi kayo ng kuwento ng bawat isa. Iyon ang mas mahalaga.
Pagbalik ko sa ibaba, kung saan mismo ang office namin—na iiwan ko na, naabutan ko sina Aila at Carla kasama si Mau na nasa likuran at kumakain. Mukhang may dala na namang pagkain si Carla na galing sa resto-bar ng ate niya. Napatingin sila sa akin pagdating ko.
“Cha, tara dito, may brownies akong dala,” aya niya sa akin.
Ngumiti ako kay Carla. “Sige, mamaya na. Busog pa ako.”
Napatango na lang si Carla at muling binaling ang atensiyon kina Mau. Nagkukuwentuhan silang tatlo at nagtatawanan na parang ang saya-saya nila. Umupo na lang ako sa working table ko at nag-laptop.
Mula nang mag-away kami ni Mau at masampal ko siya, ramdam na ramdam ko na rin ang gap nina Carla at Aila sa akin. Parang pati silang dalawa, nakaaway ko. Expected ko na naman na mangyayari iyon. Mas matagal nilang naging kaibigan si Mau kaysa sa akin. Bago pa ako dumating sa office na ito, magkakaibigan na sila. Kaya kung magkaroon man ng awayan, talagang kay Mau sila papanig.
Si Gio naman, katulad pa rin ng dati. Kinakausap pa rin niya ako as usual. Wala siyang kinakampihan pero sinabihan niya ako na makipag-ayos na kay Mau dahil ang lungkot daw na makita niyang hindi kami nag-uusap ni Mau. Sabi ko hindi na muna ngayon. Oo, mali na nasampal ko siya. Pero deserve iyon ni Mau dahil sinabihan niya ako na malandi na alam niyang hindi totoo. Nasaktan niya ang feelings ko.
Nakatanggap ako ng text message galing kay Seph at tinatanong niya kung ano ang naging sagot ni Sir Carlos para sa request ko. Nasabi ko kasi sa kanya na magpapaalam na ako ngayon. Next week na kasi ang balik ni Seph sa Cebu at kasabay niya ako, saka iyong isang engineer. Medyo nag-extend ng ilang araw si Seph sa Manila dahil nahirapan siyang makahanap ng engineer. Mabuti na lang may nahanap na siya.
Sinabi ko kay Seph na pumayag si Sir Carlos sa akin pero malaki ang panghihinayang. Well, natural lang naman daw na manghinayang si Sir Carlos dahil, after all daw, magaling akong arhictect. Natawa ako sa kanya kasi parehas sila ng sinabi ni Sir Carlos. At bakit ba sila nanghihinayang sa akin, hindi naman ako lilipat sa ibang kumpanya? Ang lilipatan ko, pag-aari pa rin nila. Ang weird lang talaga nila.
Nag-usap lang kami at tinanong din ni Seph kung okay na raw ba kami ni Mau. Ang sabi ko, hindi pa kami nag-uusap. He felt bad daw. Alam daw niya kasi kung gaano kami ka-close na dalawa ni Mau. Kahit naman ako, hindi sanay na may gap kaming dalawa ni Mau.
Kumbaga, naging parte na ng daily routine ko na makausap si Mau at makarinig ng mga dirty niyang kuwento o mga reklamo niya sa buhay. Kahit gusto ko na siyang makausap, I didn’t see any reason na mag-sorry ako sa nagawa ko. Siguro kung siya ang unang kakausap sa akin, mapapatawad ko pa siya.
Pagkatapos naming mag-usap ni Seph, agad kong inilapag ang cell phone ko. Hindi pa lumilipas ang ilang minuto, bigla na naman iyong nag-ring. Akala ko si Seph uli at may nakalimutan siyang sabihin kaya tumawag na siya. Pero pagtingin ko sa screen, napakunot ang noo ko.
Unregistered number kasi ang nakalagay sa screen. I answered it anyway.
“Hello…?” alangan kong sabi. Awkward talaga ako kapag hindi naka-register ang number sa phone ko.
“ Hi, Charry ,” sagot sa kabilang linya—boses babae.
“Uhm… who’s this?”
“Si Ivy `to—mommy ni Brianna.”
Biglang nag-loading ang isip ko sa narinig ko. Bakit tumatawag si Ivy sa akin? Ano ang kailangan niya?
Malamig akong nagsalita. “Ano’ng kailangan mo and where did you get my number?”
“Nakuha ko ang number mo kay Brixx,” sabi niya. “Hindi niya alam na kinuha ko ang number mo sa phone niya. So, don’t get mad at him. And don’t think na nakikipag-usap ako sa `yo nang dahil sa kanya. Well, partly yes, pero hindi niya alam ang tungkol dito. So, puwede ba tayong mag-usap?”
“Go on. Talk,” sabi ko.
“I mean, can we talk personally?”
Napahinto ako at hindi agad nakasagot. Wala akong nakikitang rason para makipag-usap sa kanya. Pero namalayan ko na lang ang sarili ko na pumayag sa sinabi niya.
“Okay. Thank you,” sabi niya. “I’ll text the location.”
I said okay and ended the call.
Wala pang isang minuto ang lumilipas nang makatanggap ako ng text galing kay Ivy kung saan sinasabi niya ang place kung saan kami magkikita. Alam ko ang lugar na iyon.
Isa iyong malaking building na may iba’t ibang business ang nagre-rent sa bawat floor. Saka iyong coffee shop na nasa ibaba, ako ang nag-design ng place. Pag-aari kasi iyon ng anak ni Boss.
Sabi pa ni Ivy na nandoon na raw siya at maghihintay daw siya sa akin. I said okay again at sinabi kong papunta na rin ako dahil wala naman akong ginagawa. Might as well makipag-usap na sa kanya at malaman kung ano ang pakay ni Ivy na sinasabi na tungkol kay Brixx.
Nag-taxi lang ako papunta sa place dahil coding ang sasakyan ko ngayon. At habang bumibiyahe papunta roon, hindi ko alam kung ano ang dapat isipin sa pakikipag-usap sa akin ni Ivy. Bakit bigla-bigla niya akong gustong makausap? Magpapasalamat ba siya dahil, finally, ni-let go ko na si Brixx? Natutuwa ba siya sa akin dahil puwede na niyang masolo si Brixx?
I smiled bitterly. Well, kanyang-kanya na si Brixx ng buong-buo. Tutal naman may anak na sila at alam kong lubos na magiging masaya si Brianna kung magkakasama na ang mommy at daddy niya.
Nang dumating ako sa tapat ng malaking building, agad akong bumaba. Papasok na sana ako sa loob nang may tumawag sa akin. Paglingon ko, nakita ko si Ivy. Naka-business suit na naman.
Lumapit ako kay Ivy habang nakatingin sa suot niya. Hindi ko maiwasan na hindi magandahan kay Ivy. Lalo talaga siyang gumanda ngayon at nakadagdag pa sa kagandahan niya ang pagiging professional niyang tingnan sa ayos niya. Naiilang siyang ngumiti sa akin.
“I’m so sorry kung ganito ang ayos ko. May meeting kasi ako kanina,” pagpapaliwanag ni Ivy. “Isa akong financial consultant. Ang weird lang dahil ang layo sa kurso ko noong college.”
“It’s okay,” sabi ko. “Mag-uusap lang naman tayo.”
“Right,” sabi niya. “Let’s go.”
Kumunot ang noo ko. “Where?”
“May pupuntahan tayo,” sabi niya.
Bigla akong nag-alangan na sumama sa kanya.
“Don’t worry. Wala si Brixx sa lugar kung saan tayo pupunta. Kasama niya ngayon si Brianna for her checkup. Saka, may ipapakita ako.”
“Oh, okay,” sagot ko na parang nabunutan ng tinik.
Mabuti na lang at wala si Brixx sa pupuntahan namin. Pero nagtataka talaga ako kung saan kami pupunta ni Ivy. Well, it didn’t matter. Sasama na lang ako kahit walang kasiguruhan kung saan para matapos na itong pag-uusap na sinasabi niya. Mukhang may kailangan siyang sabihin.
Habang naglalakad kami ni Ivy papunta kung saan naka-park daw ang sasakyan niya, biglang siyang huminto sa isang puting Hyundai. Saka siya humarap sa akin na nakangiti.
“Napansin mo ba ang malaking building na `yan?” pagsasalita niya habang nakaturo sa building.
Nilingon ko ang building na binabaan ko kanina kung nasaan iyong coffee shop na pag-aari ng anak ng boss ko. Saka ako tumingin kay Ivy na nakakunot na naman ang noo.
“Oo napansin ko. Anong meron?”
She smiled. “Napansin mo? Ano ang pangalan ng building?”
Alam ko ang pangalan ng building pero muli pa rin akong lumingon para tingnan kung ano ang nakasulat doon. Ilang beses na akong nakapunta sa malaking building na iyan at ilang beses na akong natutuwa tuwing nababasa ko ang malaking mga letra na nasa itaas. Pakiramdam ko kasi ako ang tinutukoy ng building.
“Charry,” sagot ko. “Charry ang pangalan ng building.”
Charry ang pangalan ng buong building. Natuwa ako noong first time ko iyon mabasa at tinanong ko pa sa ilang tao roon kung sino ang may-ari ng building pero hindi raw nila kilala at napaka-private raw ng may-ari. Naisip ko tuloy na isang babae ang may-ari nito at kapangalan ko siya o ang anak niya. O, kung lalaki man ang may-ari, siguro may tao siyang mahal na mahal na Charry ang pangalan.
“Pag-aari ni Brixx `yang building,” Ivy informed me.
Napaawang ang bibig ko nang dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan ang sinabi ni Ivy. Pag-aari ni Brixx ang buong napakalaking building na iyan? Hindi ko inaasahan ang narinig ko. Hindi ako makapaniwala.
Hindi nawala ang ngiti ni Ivy sa mga labi niya.
“Noong namatay ang father ni Brixx after two years nang maka-graduate siya, may nakuha siyang pera. Hindi niya alam kung ano’ng gagawin sa pera until he decided na bilhin ang lupa at patayuan ng building na puwedeng rentahan ng mga gustong mag-business,” pagkukuwento niya. “And he named that building after you. Sabi niya sa akin noon, gusto niyang maging katulad mo ang building na `yan sa mga taong gustong magbago ang buhay. Sa mga taong hindi alam kung anong gagawin sa buhay. At masaya siya sa naging resulta, ever since itinayo niya ang building na `yan at may mga nag-rent for their business, wala pang nalulugi. Suwerte raw ito.”
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Ivy. Ibinaling ko uli ang mga mata ko sa malaking building na nasa likuran ko. Wala sa isip ko na pag-aari pala ni Brixx iyon at sa akin pa niya ipinangalan ang building.
Lumapit si Ivy sa sasakyan niya, saka niya binuksan ang pinto.
“Pero hindi `yan talaga ang ipapakita ko sa `yo,” sabi ni Ivy. “Come on. May iba akong ipapakita sa `yo.” Saka siya pumasok sa loob ng kotse niya. Sumunod na rin ako at pumasok sa kabila. Habang umaandar ang sasakyan niya, hindi ko maialis ang tingin ko sa building na pag-aari ni Brixx na ipinangalan niya sa akin.
Walang nagsasalita sa amin ni Ivy habang nagmamaneho siya. Tahimik lang kaming dalawa. The drive lasted for about twenty minutes hanggang pumasok ang sasakyan ni Ivy sa isang magarang subdivision. Iba’t ibang magagandang bahay ang nadaanan naming dalawa na hindi ko matanggal ang mga mata ko.
Hanggang sa huminto ang sasakyan ni Ivy at nagtanggal siya ng seat belt.
“`Andito na tayo,” sabi niya. “Let’s go. `Andito ang ipapakita ko sa `yo.”
Naunang bumaba si Ivy kaya sumunod na ako. Pagbaba ko, nakita ko si Ivy na nakatayo sa isang magandang bahay. Bigla na naman umawang ang bibig ko sa bahay na nakita ko.
Oh, my God. This was not real. Hindi totoo itong nakikita ko.
Nakangiting nakatingin sa akin si Ivy. Halata na inaasahan niyang magiging ganito ang reaksiyon ko once makita ko ang ipapakita niya sa akin. Para akong nakakita ng multo ngayon nang dahil sa design ng bahay na ito na hindi ko inaasahang makita. Nanunuyo ang lalamunan ko.
“Are you familiar with the house’s design?” tanong ni Ivy. “Ay, ano ba `tong tanong ko. Of course, familiar ka. After all, sa `yo ang design ng bahay na `to, right?”
Totoo ang sinabi ni Ivy. Ako ang may-ari ng design ng bahay na ito. Mula sa bubong at sa mga design na nasa harap ng bahay. Alam na alam kong akin iyon. Iyon kasi ang plano para sa dream house ko noong college ako. Ang sabi ko sa sarili ko, kapag yumaman ako, ganitong bahay ang ipapatayo ko.
Kaso noong umalis na ako at pumunta sa Canada, hindi ko makita ang sketch pad ko na pinaglalagyan ko ng design. Naisip ko na naiwan ko iyon sa Pilipinas o naisama kong itapon sa mga bagay na hindi ko kailangan at hindi ko na nadala. Ilang weeks din akong hindi maka-move on nang dahil sa design na iyon. Pero hindi ko na masyadong naisip dahil abala rin ako sa pagmo-move on kay Brixx.
“Sinong may-ari ng bahay?” tanong ko kay Ivy na hindi maialis ang pagtitig sa bahay.
“Pag-aari rin `to ni Brixx.” Napatingin ako kay Ivy. “He owns this place like the building earlier. Again, that building and this house are dedicated to you, Charry.”
Napatakip ako ng bibig nang dahil sa gulat. Akala ko, masyado nang big revelation ang building na pag-aari ni Brixx kanina na sa akin pala niya ipinangalan. Pero higit na big revelation pala itong bahay na pag-aari ni Brixx na based sa design ko noon. This was really too much. Oh, my God. Ano itong mga nalalaman ko?
“Noong umalis ka at iwan si Brixx, sketch pad mo lang ang mayroon siya,” pagkukuwento ni Ivy. “Sabi niya noon, ipapagawa niya iyon into real house. `Tapos, dito raw kayo titira dalawa kapag naging okay na ang lahat. He was too positive when he talked before. That’s why I supported him.”
May kinuha siyang susi sa bulsa at isinusi niya ang gate ng bahay. Then she looked at me.
“Tara sa loob,” aya ni Ivy sa akin kaya sumunod ako. “Hindi alam ni Brixx na kinuha ko ang susi sa mga keys niya na palagi niyang dala-dala. Kinuha ko `to noong busy siya sa pakikipaglaro kay Brianna kanina.”
Pumasok kami sa loob ni Ivy at nilibot naming dalawa ang kabuuan ng bahay. Amazed na amazed ako sa bawat anggulo na nakikita ko. Magmula sa sala, kitchen, entertainment room, mini-library, pati mga kuwarto at kuwarto ng magiging anak ko… sana, ganoon na ganoon ang design. Pati iyong design ng pool sa likuran na infinity pool, design ko rin. Lahat ng nakikita ko, design ko.
Wala pang mga gamit ang bahay pero sobrang linis nito. Sabi ni Ivy, weekly daw na may pinapadalang maglilinis si Brixx dito para masiguradong hindi iyon aalikabukin. Gusto raw niya kasi na once makita ko ito, sobrang linis nito at wala akong maipipintas. Natawa pa si Ivy. Parang bata raw kasi si Brixx magkuwento.
Naglalakad lang kaming dalawa hanggang sa mapunta kami sa pinaka-sala ng malaking bahay. Iyong nadaanan daw namin kanina, hindi talaga sala. Tatlong beses ang laki nitong sala na ito kumpara sa unang sala na nadaanan namin. Nang mapatingin ako sa dingding ng malaking sala, nalaglag ang panga ko.
May kaisa-isang malaking painting kasi doon. Para na itong picture sa sobrang realistic nang pagkakapinta. Nilapitan ko iyon para matingnan mabuti. Saka pumasok sa isip ko na ako itong nasa painting. Painting ito noong college ako kung saan nga na gumanap ako bilang Rapunzel. Naka-gown ako at may hawak na isang sky lantern. Nakangiti ako sa painting. Parang ang saya-saya ko sa eksenang iyon.
Hanggang sa na-realized ko kung bakit ako masaya rito. Hindi dahil successful ang stage play namin. Kundi dahil, nasa harap ko si Brixx that time. Ganyan ang ngiti ko dahil nasa harap ko si Brixx.
“Tinanong ko si Brixx dati kung anong paborito niyang parte sa bahay na `to,” muling nagsalita si Ivy. “Hindi na siya nag-isip ng isasagot sa akin. He said, ito raw. Dito raw niya kasi nakikita ang painting na `yan na parang buhay na buhay at nakangiti ka sa kanya. Sa tuwing dinadalaw ni Brixx ang bahay, `yan agad ang tinitingnan niya. Napapangiti siya sa tuwing nakikita niya `yan.”
Humarap ako kay Ivy at nakita ko na nangingilid ang luha niya.
“I know, Charry, I know. Isa ako sa naging dahilan kung bakit nagkasira kayo ni Brixx dati. Inggit na inggit kasi ako sa `yo noon. Naisip ko, ano ba’ng meron sa `yo at napansin ka ni Brixx? Hindi ka naman maganda. Hindi ka sexy. Matalino ka lang. Pero bakit ka napansin ni Brixx? Bakit ako? Hindi niya mapansin-pansin?” tanong niya. “Kaya nang makakuha ako ng chance na magkasira kayo, I took the opportunity. Akala ko kasi, mapapansin na niya ako finally. Pero, hindi. Hindi pa rin.” Umiling siya. “Paano ka nga ba mapapansin ng taong may ibang hinahanap? Nang nawala ka, wala pa rin. Wala pa rin akong pag-asa. Ikaw pa rin, Charry. Nasa harap niya ako pero ikaw pa rin ang hinahanap ng mga mata niya. Hindi pa rin niya ako nakikita.”
Pinakinggan ko lang si Ivy sa mga sinasabi niya. Medyo garalgal ang boses niya.
“Lalo akong nagalit sa `yo nang dahil doon. Sabi ko noon, sana hindi ka na niya makita. Baka makapag-move on din si Brixx sa `yo. Kaso, malabo, eh. Kahit taon na ang lumipas, ikaw pa rin talaga. Ikaw pa rin ang hinahanap niya. Ikaw pa rin ang gusto niyang makita. Puro Charry. Charry here. Charry there. Puro na lang ikaw.” Tumulo na ang luha ni Ivy. “`Tapos, nakita ko si Brixx one time sa bar. Napag-alaman kong kakamatay lang ng daddy niya that time. Lasing na lasing siya. Nagluluksa. Umiiyak sa harap ko. So I seduced him. Akala ko, kapag may nangyari sa amin at mabuntis ako. Puwede na kami.”
Umiling-iling uli si Ivy. “Pero hindi pa rin. Nang sinabi ko sa kanya na may nabuo sa nangyari sa amin, he cried in front of me, Charry. He cried hard. God, until now, hindi ko pa rin makalimutan kung gaano katakot si Brixx noon habang umiiyak. Natatakot siya na kapag nakita ka niya at malaman mong may anak na siya, lalo kang lumayo sa kanya. And worst, hindi na magpakita pa. I suggested na huwag nang ituloy ang pagbubuntis ko. Nag-isip siya and he said no. Itutuloy daw ito. Sigurado daw kasi na magagalit ka kapag nalaman mong mas pinili ni Brixx na ipalaglag ang anak niya. So tinuloy ko. Sabi niya, susuportahan niya ako sa lahat. Pero huwag daw akong umaasa na magkaka-something sa amin. Ikaw lang daw ang nagmamay-ari sa kanya.”
Pinunasan ni Ivy ang mga luha niya. Pero patuloy pa rin iyon sa pagpatak. Walang katapusan ang mga mata niya sa pagluha. Parang ako si Ivy kung umiyak. Parehas kaming lumuluha sa sakit na nararamdaman namin.
“Hindi naging pabaya si Brixx sa pagbubuntis ko. Suportado siya sa akin. Kinakabahan pa siya no’n at todo isip kung paano ipapaliwanag sa `yo ang nangyari. Sabi ko sa kanya, huwag siyang mag-aalala, tutulungan ko siya,” pagpapatuoy niya. “Brixx became my huge support these years. Hindi lang ako ang tinutulungan niya kundi rin ang pamilya ko. Noong nagkasakit si Papa, nagbigay ng tulong si Brixx. Noong nagkaproblema si Kuya sa pera, nagpahiram agad si Brixx ng malaking halaga. Kay Brianna, hindi rin siya nagkulang. Naging mabuting tao raw siya nang dahil sa `yo. Hanggang sa naisip ko na kung bakit ka sobra kung mahalin ni Brixx. Kasi tinulungan mong baguhin ni Brixx ang sarili niya. Naisip ko tuloy, bakit ang sama-sama kong tao? Bakit ako gumawa ng isang malaking pagkakamali dati?”
Nagulat ako sa sumunod na nangyari. Hindi ako nakapagsalita agad—lumuhod si Ivy sa harap ko!
“Charry, I know, hindi tayo friends. Pero sana pagbigyan mo ako sa kaisa-isa kong hiling,” sabi niya habang nakaluhod. “Please, bigyan mo pa si Brixx ng isa pang chance. Mahal na mahal ka talaga niya. He waited for you these past five years. Hinintay ka niya. Pero no’ng nakaraan, nagulat ako sa sinabi niya. Na dadalhin na raw namin si Brianna sa US para ipagamot. Gusto kong maging masaya dahil siya lang talaga ang hinihintay ko. Pero kitang-kita ko ang mga mata niya. He was so empty. Hanggang sinabi niya sa akin ang mga sinabi mo raw sa kanya. Na tinapos mo na raw talaga ang lahat. Cha, he was so lost. Hindi niya alam ang gagawin niya. Niyakap niya si Brianna at umiyak nang umiyak. Pati si Brianna napaiyak na rin kasi nakikita niyang umiiyak si Daddy niya. Sobrang sakit na makita kong gano’n ang nangyayari kay Brixx.”
Napatakip ako ng bibig dahil umiiyak na rin ako. Kasabay nang pag-iyak ko ang pagluha ni Ivy.
“Alam kong ang kapal ko para humingi ng request sa `yo. After everything I did to you and Brixx? Pero, kakapalan ko na ang mukha ko, Charry. Please, nagmamakaawa ako. Give him another chance. Huwag mong tapusin ang namamagitan sa inyo. Kahit hindi niya ikuwento sa akin ang childhood niya? Alam kong hindi iyon maganda. Cha, Brixx has suffered long enough. Ikaw lang ang magpapasaya sa kanya. Please, Cha, I’m begging you. Make Brixx the happiest man alive. Ikaw lang ang makakapagbigay ng kasiyahan sa kanya.”
“Bakit… bakit mo sinasabi sa akin `to? Hindi ba, mas okay nga `to. Para makuha mo si Brixx? Na baka… baka this time ikaw na ang mahalin niya? Para kay Brianna?”
Umuling si Ivy. “I love him, Cha. Kaya ginagawa ko `to. At alam kong kahit ano’ng gawin ko o kahit pumikit si Brixx, ikaw lang ang nakikita niya. Brianna needs him. Pero, Cha, ikaw naman ang kailangan ni Brixx. Ikaw ang naging inspiration niya kaya naging mabuti siyang tao at naging mabuti siyang tatay kay Brianna.” She looked at me. “At sa mundong ito, ikaw lang ang patuloy na kailangan ni Brixx. So, please, don’t leave him again. Don’t break his heart. Cha, please, make Brixx happy.”
Hindi na ako nakasagot sa mga sinabi ni Ivy. Patuloy na lang akong umiyak nang umiyak sa harap niya.
I didn’t know what to feel anymore. Parang sasabog ang puso ko sa tuwing naaalala ko si Brixx.
I loved Brixx with all my heart. God, I loved him so much.
Pero sapat ba ang pagmamahal na iyon para bumalik kami sa isa’t isa?
Is love enough for us to give each other a second chance?