noveltoon logo noveltoon
Stupidly In Love Again

Chapter 9

Ch. 10 / 22 May 18, 2024

Chapter 9

SA TAAL Vista Hotel somewhere in Tagaytay gaganapin ang wedding nina Ciara at Jeremy. I went there last year to attend a seminar at hindi ko inaasahang babalik uli ako. Pero this time, para um-attend naman ng wedding ceremony. Nakakatuwa lang isipin na ikakasal na sina Ciara and Jeremy. Samantalang noong college kami, on and off ang relasyon nilang dalawa dahil may-pagka-playboy si Jeremy.

Iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit naging against sina Ciara at ang dalawa pa naming mga kaibigan kay Brixx. Parehas lang daw sina Brixx at Jeremy na babaero at hindi kailan man magseseryoso. Nang maging official ang break up nina Ciara and Jeremy dati, sinabihan ako ni Ciara na makipag-break na rin daw kay Brixx. Ayaw da niya akong matulad sa kanya na sobrang nasaktan sa panloloko ng boyfriend.

Of course, pinaglaban ko si Brixx sa kanila noon dahil mahal na mahal ko siya. Sinabi ko sa kanila na hindi parehas sina Brixx at Jeremy. Hindi rin ako makikipag-break just because nag-break silang dalawa. Huwag siyang maging unfair sa akin. Hindi naman daw siya nagiging unfair. Gusto lang daw niyang mapabuti ang kalagayan ko at hindi ko maramdaman iyong nararamdaman niya.

Sinabi din nila na halatang hindi raw seryoso sa akin si Brixx. Na ginagamit lang ako ni Brixx for his own benefits. Matalino raw ako kaya sana raw alam ko iyon. Nagkasagutan na kaming apat noon hanggang sa mapunta ang usapan sa friendship over. I said to them na hindi ko sila kailangan. Kung ipipilit nila na hiwalayan ko si Brixx, might as well, magkalimutan na lang kami.

After nang pagsasagutan naming apat, umiwas na ako sa kanila. Umalis ako sa grupo namin. Ang lungkot lang ng walang kaibigan pero hindi ko iyon masyadong naramdaman dahil nga palagi kong kasama si Brixx. He filled the loneliness that I felt back then. Minsan nagsisisi ako na nakipag-away ako sa mga kaibigan ko pero inisip ko na lang na wala akong maling ginawa. Pinaglaban ko lang ang lalaking mahal ko.

At isa iyon sa mga pagkakamali ko noon. Kung nakinig siguro ako kina Ciara, siguro hindi ako nasaktan nang sobra noon. Hindi ako nawalan ng kaibigan. Hindi ko kinailangang umalis at magpakalayo-layo.

Ang dami kong chance na sinayang dahil mas pinili kong pakinggan at sundin ang puso ko kaysa sa mga sinasabi nila sa akin noon. And it’s true that real friends want nothing but the best for us.

Anyway, kakatapos ko lang ayusin ang sarili ko. Mabuti na lang, marunong na talaga akong mag-make up kahit paano dahil nagagamit ko ito sa mga urgent situations like this.

Tiningnan ko ang sarili ko sa full length mirror na nakakabit sa closet ko. Nakasuot ako ngayon ng color peach na off-shoulder dress na above knee. White and peach kasi ang motif ng wedding nila Ciara. Tinernuhan ko ng gold necklace and earings. Nilugay ko lang ang buhok ko dahil wala akong alam sa pag-aayos ng buhok. Mabuti na lang bumagay siya. Hindi na ako mahihiyang humarap sa mga tao.

Kinuha ko ang purse ko na nasa ibabaw ng kama pati ang paper bag na pinaglalagyan ko ng regalo para kina Ciara and Jeremy. Hindi iyon bonggang gift dahil wala na akong time kahapon para mag-isip.

Hindi na kami nakapag-usap ni Brixx kahapon about sa project namin dahil sinabi kong next time na lang. Nagmadali tuloy akong umalis sa coffee shop para bumili ng canvas, saka frame. Pinagpuyatan kong gawing charcoal painting ang mukha ni Ciara at Jeremy na magkasama. Nag-searched ako sa mga Facebook photo nila para sa reference ko. Okay naman ang kinalabasan kahit rush.

Palabas na sana ako ng unit ko nang makasalubong si Brixx. Kakalabas lang din niya ng unit. Boxer lang ang suot niya at may towel na nakasabit sa balikat. Jusko. Para siyang model sa mga woman’s magazine sa get up niya. Those abs. God. Para akong inaakit na hawakan ko iyon.

“Ehem — ” He faked a cough.

Inayos ko ang sarili ko at tiningnan si Brixx. “I’m not staring at your abs. Huwag kang feeler,” I explained.

Natawa ang walanghiya. “I didn’t say anything. Did I?” He smirked. “Masyado kang defensive. Napaghahalataan ka.”

I wanted to wipe off that smirk. Argh.

“Hindi ako defensive. Nagpapaliwanag lang. Duh!”

“Okay. If you say so.” Napakagat-labi siya. Pinipigilan na naman niyang huwag tumawa.

“Makaalis na nga! Good-bye!”

“Teka lang!” pigil ni Brixx. “Aalis ka na? Hintayin mo na ako. Sabay na tayong pumunta sa Tagaytay.”

“At bakit naman ako sasabay sa `yo, aber?” pagtataray ko. “I told you. Hindi mo naman kailangang um-attend doon. Ako na nga ang mag-e-explain sa kanila na hindi naman tayo nagkabalikan. You don’t have to go there. I’m sure, busy ka. Gawin mo na lang ang mga dapat mong gawin.”

“Nothing comes before you, Cha. Kapag ikaw ang involved, palagi akong may time,” pambobola na naman ni Brixx. “Saka, ilang ulit ko bang sasabihin sa `yo na invited din ako? Kaya sa ayaw at sa gusto mo, pupunta ako.”

“Eh, di pumunta ka doon mag-isa. Huwag kang sasabay sa akin. You have your own car.”

“Coding ako. Ang hassle mag-commute,” sabi ni Brixx. “Kapag pinabayaan mo akong sumabay sa `yo, ako magda-drive. Ayaw mo n’on? May bodyguard ka na, may driver ka pa. Guwapo at yummy pa.” Saka siya nag-flex ng biceps niya. “See these biceps? Walang magtatangka sa `yo kapag nakita nila `to.”

I almost drooled dahil sa ginawa ni Brixx. He was sexy as hell doing that. Mabuti na lang tinamad ako.

“I declined,” tanggi ko. “Hindi mo ako maaakit sa ginagawa mo.”

Napataas ng kilay si Brixx. “How about I take off my boxers in front of you?” Hinawakan niya ang garter ng boxers na parang handa na niya itong ibaba. “Ano, deal? Huhubarin ko talaga `tong boxer ko sa harap mo? Wala pa naman akong brief.”

Again, muntik na akong mapa-yes sa offer ni Brixx. Mabuti na lang nasa wasto pa akong katinuan.

I gave him a disguted look. “Alam mo, nakakadiri ka minsan!” sabi ko. “Heh! Ayokong kasabay ka!”

He tsked. “Ano ba naman, Charry? Bakit ba ayaw mo?” sabi niya. “Brixx na `to, o. Tinatanggihan mo pa?”

“Iyon nga, eh. Brixx na `yan kaya ko tinatanggihan.”

Lumapit si Brixx sa akin—as in tumayo siya sa harap ko. Ilang inches na lang ang layo ng katawan niya mula sa katawan ko. Naramdaman na ng balat ko ang katawan ni Brixx. He was hot. Ang init ng skin niya.

“Please?” he begged. “Please, Cha… pasabay na?”

Naging seryoso ang boses ni Brixx. Para siyang puppy na inaamo ang amo niya. Iyong mga mata niya naka-fixed lang sa mga mata ko. Parang nakikiusap ang mga iyon na hayaan ko siyang gawin ang gusto niya.

“Please, Cha…” pakiusap ni Brixx.

Hindi ako nakagalaw nang biglang haplusin ni Brixx ang pisngi ko. Marahan niya iyong hinahaplos na para bang may gusto siyang gawin. Parang gusto niya akong halikan. What the heck.

“Please, gorgeous?”

I gathered all my strength para itulak si Brixx. Napahawak ako sa matipuno niyang dibdib, saka ko siya tinulak para lumayo ang katawan niya sa akin. Pakiramdam ko kasi nag-iinit na rin ang katawan ko dahil sa kanya. It was not good for my health. Hindi healthy na nasa paligid ko si Brixx.

“Oo na,” pagsuko ko. “Sumabay ka na.”

Lumiwanag ang mukha ni Brixx at napangiti pa. “Really?”

Tumango ako. “Oo na. Basta, bilisan mong mag-ayos kundi iiwan kita.”

“Promise. Mabilis lang akong mag-aayos. Thanks, Cha. You’re the best talaga. I love you.”

Tumalikod na siya at papasok na sana sa unit niya nang bigla siyang mapahinto at mapatingin uli sa akin. Tumingin siya mula ulo hanggang paa ko na parang tinitingnan ang buong ayos ko.

“Bakit ganyan pala ang ayos mo? Masyadong maikli `yang dress! Nakikita tuhod mo!” Itinuro pa ng walanghiya ang tuhod ko.

Napakunot ang noo ko. “Eh, ano naman? Ano naman kung nakikita ang tuhod ko?”

“Magseselos ako kapag may titingin sa tuhod mo. Ayokong mapaaway sa wedding na pupuntahan natin.”

Are you for real, Brixx Harris? Naririnig mo ba mga pinagsasabi mo?

“Natural na mag-dress ako. Ano’ng gusto mong isuot ko, aber?”

“Magpantalon ka! Ayoko niyang dress na `yan,” sabi niya na seryosong boses.

“What? Pantalon? Ano sa tingin mo ang pupuntahan natin? Birthday party?” hindi makapaniwalang sabi ko. “Shut up! Susuotin ko ang gusto kong suotin. Wala kang karapatan na bawalan ako. Hindi mo `ko pag-aari. Hindi kita boyfriend.”

“Ouch. Ang sakit, ah.” Napahawak pa siya sa dibdib niya. “Hindi man kita pag-aari. At least ikaw, magmula noon hanggang ngayon, pag-aari mo pa rin ako. Hindi `yon nagbago.”

Binigyan ko siya nang blangkong tingin.

“O, tapos?” bale-wala kong tanong. “Mag-aayos ka na ba o iiwanan na kita?”

“Hindi ka man lang kinilig?” Napanguso siya.

“Hindi. Nandiri ako actually,” sabi ko. “Aalis na ako. Iiwan na talaga kita.”

“`Sus, diyan ka naman magaling. Ang iwan ako. Kahit iwan mo ako nang paulit-ulit. Paulit-ulit pa rin akong maghihintay sa `yo,” seryosong sabi ni Brixx.

“Huwag mo `kong hugutan. `Nyeta ka!”

“Oo na. Sandali lang. Mag-aayos na,” sabi niya at pumasok sa unit niya. “Wait for me, yam .”

Napatitig ako sa kawalan nang umulit sa isip ko ang huli sinabi ni Brixx.

Wait for me, yam.

YAM.

Dating endearment sa akin ni Brixx. YAM ang tawag niya sa akin in short for You Are Mine raw. Ang korni lang pakinggan ngayon pero noon kilig na kilig ako. Naging favorite ko ang word na iyon dati. Yuck.

Pinaghalong kilig at pagkainis na naman ang naramdaman ko at alam kong hindi iyon healthy. Tiningnan ko ang pinto ng unit ni Brixx at nakasarado pa iyon. Saka ako dahan-dahan lumabas at maingat na isinarado ang pinto ng unit ko. Aalis na ako at hindi ko na siya hihintayin.

Bahala siya. Ayoko talaga siyang kasabay. Ayokong maipit sa isang sitwasyon na kaming dalawa lang. Ngayon pa na may unti-unting bumabalik na feelings? No, thanks. Pipigilan ko na iyon bago pa lumala. Hindi ko hahayaan ang sarili ko na bumalik na naman sa dating ako.

Hindi naman ako nangako sa kanya, `di ba? So, wala akong pangakong babaliin. Saka, ano naman kung hindi ko tuparin ang sinabi ko sa kanya na puwede siyang sumabay sa akin? Siya nga hindi tinupad ang pangako niyang habang-buhay akong mamahalin, eh. LOL. What a joke. Kaya walang sumbatan.

Mabilis na akong kumilos at sumakay ng elevator. Mayamaya lang, nakasakay na ako sa kotse ko at bumibiyahe papuntang Tagaytay. Medyo nakaramdam ako nang kaunting guilt habang nasa biyahe dahil sumagi sa isip ko ang tuwa at ngiti ni Brixx nang sabihin kong isasabay ko siya papuntang Tagatay.

Ano kaya ang mararamdaman ni Brixx kapag nakita niyang wala na ako roon at iniwan na siya?

Pero bago pa lumaki ang guilt na nararamdaman ko, agad na iyong nawala nang maisip ko na siya nga walang guilt na naramdaman noong niloko niya ako, `di ba? So why bother thinking about guilt?

Walang traffic sa naging biyahe ko dahil weekend ngayon. One and half hour lang ang ginugol ko sa biyahe. Ang dami nang naka-park na kotse sa parking lot ng Taal Vista Hotel. Mukhang maraming inaasahang bisita sina Ciara. Excited at may halong kaba ang naramdaman ko—makikita ko na uli sina Glenna at Aireen.

Sa function hall daw gaganapin ang wedding ceremony. Alas-diyes y medya pa lang ng umaga at may thirty minutes pa before mag-start ang wedding ceremony. Pagpunta ko sa function hall, ang dami nang tao. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid para maghanap kung may kilala ako.

“OMG! Charry?”

Bigla akong napatingin sa likuran ko nang may tumawag sa pangalan ko. Pagtingin ko, agad kong namukhaan sina Glenna at Aireen. Kahit lumipas na ang limang taon, nakilala ko pa rin ang mga mukha nila. Medyo naging matured si Glenna. At si Aireen naman nagkalaman na considering na ang payat niya dati.

“Glenna at Aireen?” pagkilala ko sa kanila. “OMG!!”

Nagyakapan kaming tatlo at nagtilian. Para kaming mga timang dahil pinagtitinginan kaming tatlo ng mga tao sa paligid. Hindi na lang namin sila pinansin dahil wala naman silang alam sa nararamdaman namin kung gaano kami kasaya ngayong nagkita-kita uli kami.

“Grabe! After five years, nakita ka na rin namin!” sabi ni Glenna.

“Oo nga, girl. Akala namin forever ka na naming hindi makikita,” sabi naman ni Aireen na naiiyak pa.

Hindi pa rin nagbabago si Aireen. Iyakin pa rin. Noong nag-away kami dati, si Aireen ang pinakagrabe umiyak. Ayaw daw niya kasing magkawatak-watak kaming apat.

“Hehe. Sorry na, girls. Nagtago lang talaga ako.”

“Oo nga, gaga ka! Pati social media accounts mo hindi namin mahanap,” sabi ni Glenna.

“Iba na kasi ang gamit kong name sa mga social accounts ko. Besides, hindi ako active. Work, work, work lang.”

“Wow. Iba ang gamit mong name? Artista lang?” Tumawa si Aireen. “Anyway, ang laki ng pinagbago mo, `te! Wala ka nang suot na eyeglasses. At nagmi-make up ka na rin! Ang bongga!”

“Hindi naman. Natuto lang mag-ayos at magsuot ng contact lens,” Nahihiyang ngumiti ako. “Kayo rin. Ang laki ng pinagbago. Lalo ka na, Ai. Tumaba ka.”

“Siyempre naman, `te. Dalawa na anak ko, eh!” kaswal na sagot ni Aireen.

“What?!” napalakas kong tanong. “For real?”

“Oo. Kasal na rin ako,” sabi niya. “Nakilala ko ang husband ko sa work ko three years ago.”

“Hindi ko ine-expect!”

“Mas hindi mo ine-expect kung sino ang napangasawa ni Glenna,” pagkukuwento naman ni Aireen.

“Sino?” Tumingin ako kay Glenna. “Sino, Glen?”

“Si—”

Hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil si Aireen na ang sumagot. “Si Sir Ruiz, Cha! Si Sir Ruiz na nakaaway niya no’ng nahuli si Glenna na natutulog sa klase!”

Napatakip na naman ako ng bibig dahil sa gulat.

OMG. Hindi ko ine-expect ang nalaman ko. Expect the unexpected nga talaga. Nakakagulat na revelation ito.

Si Sir Ruiz ang pinakabata naming professor noong college. Five years ang tanda niya sa amin at madalas kabangayan ni Glenna dahil palagi siyang natutulog sa klase nito. Nakakaantok daw kasi magturo.

“Gaga ka, Ai. Ikaw ba ako? Bakit ikaw ang sumagot?” Natawa si Glenna.

“Hehe. Sorry, na-excite lang.”

“Teka, paanong nangyari?” tanong ko. “Eh, `di ba, sabi mo pa sa kanya noon na malas ang magiging asawa ni Sir Ruiz dahil ang boring niyang tao? `Tapos ikaw pa pala ang mapapangasawa niya?”

“Oh well, I guess, ang malas ko nga,” sabi ni Glenna na nakangiti. “Pero ako naman ang pinakamasuwerteng malas mula nang mapaibig ako at pakasalan ko si Ruiz. God, hindi ko inaasahang ang sweet-sweet pala niya.”

Nagkuwento si Glenna kung paano nangyari iyon. After daw nila gr-um-aduate, naging part-time art teacher si Glenna sa isang private school. Iyong private school pala na iyon, pag-aari ng pamilya nina Sir Ruiz. So ayon, palagi silang nagkikita at nagkakaasaran. Hanggang ang asaran, nauwi sa pag-iibigan.

Kitang-kita ko ang kaligayahan ni Glenna kay Sir Ruiz habang nagkukuwento. Halatang masaya ito sa buhay may asawa. Si Aireen naman ganoon din. Parehas silang in love na in love habang nagkukuwento ng mga buhay nila. Nakaramdaman ako ng inggit pero mas nanaig ang kasiyahan ko para sa kanilang dalawa.

“Wait, nasaan pala ang kasama mo?” pag-iiba ng topic ni Glenna.

“Kasama?” naguguluhan kong tanong.

Ngumisi si Aireen. “Girl, nakuwento na sa amin ni Ciara. Nagkabalikan na raw kayo ni Brixx.”

“Papunta pa lang siya at correction—hindi kami nagkabalikan.”

“Tse! In denial ka pa!” Parehas nila akong hinawakan sa magkabilang braso. “Punta tayo sa room ni Ciara. Kanina ka pa namin hinihintay actually. Para mabuo na uli ang wondergirls,” sabi ni Glenna.

Natawa ako. “Wondergirls. Haha. So nostalgic!”

Wondergirls ang tawag namin sa grupo namin noong college. Pare-parehas kasi naming naging favorite ang Korean Girl Group na Wondergirls.

Kausap ni Ciara ang mommy niya nang pumunta kami sa room niya. Nang makita niya kaming tatlo, sinabi muna niya sa mommy niyang iwan kami para makapag-usap in private.

Nagtilian na naman kaming apat. Halos maiyak-iyak pa si Ciara at Aireen dahil sa reunion daw namin. Tawa tuloy kami nang tawa ni Glenna. Para kasi kaming mga bata.

Ang ganda ni Ciara sa ayos niya ngayon. Grabe ang gown niya. Halatang ginastusan ni Jeremy.

“Grabe naman `tong gown mo, Cia. Magkano ginastos ni Jeremy dito?” tanong ko.

Nakaupo kaming tatlo sa gilid ng kama habang si Ciara naman ay nakaupo sa upuan sa tapat namin.

“Malaki. Actually, ayoko nga sana, eh. Pero pinilit niya ako. Deserve ko raw ang ganitong kamahal na wedding gown,” nahihiyang sagot ni Ciara. “Malaki ang pinagbago ni Jeremy after naming gr-um-aduate. Pinangako niya sa akin na magbabago siya. Kaya binigyan ko uli siya ng chance. Nang dahil iyon sa sinabi mo sa akin noon, Cha. Na kapag mahal mo, kahit ayaw ng ibang tao sa kanya, papaniwalaan mo siya at bibigyan mo siya ng chance na magbago. Kapag mahal mo, patuloy kang maniniwala sa kanya na magbabago siya.’”

“May gano’n ba akong sinabi noon?” Natawa ako. “Hindi ko na maalala, eh.”

“Meron, sira,” sagot ni Ciara kaya nagtawanan kami. “Kaya, gusto kong kunin ang oras na `to para mag-sorry sa `yo. Sa inyong dalawa ni Brixx. Gusto naming mag-sorry dahil naging against kami sa inyong dalawa noon.” Malungkot akong nginitian ni Ciara. “We were wrong about him, Cha.”

“Oo nga, Cha. Sising-sisi kami noon. Lalo na no’ng bigla kang umalis.” Si Glenna naman. “Hindi namin alam kung saan ka nagpunta. Wala kang paalam. Siguro kasi, galit ka nga sa amin. So, bakit ka magpapaalam?”

“It’s okay, girls. Past is past na naman. Kalimutan na natin `yon,” sabi ko. “May mali rin naman ako, eh. Saka, gusto ko lang linawin ang mga bagay-bagay.”

“Anong linawin ang mga bagay-bagay?” tanong ni Aireen.

Nginitian ko silang tatlo. “Na misunderstanding lang `yong kahapon. `Yong nakita kami ni Cia na magkasama ni Brixx.” Tumingin ako kay Ciara. “Hindi kami nagkabalikan ni Brixx, Cia. Walang namamagitan sa amin. Kaya kami magkasama kahapon, para pag-usapan `yong project namin.”

“Project? Anong project?” tanong ni Glenna.

“Magkasama kami sa work ngayon. Coincidence na maging workmate kaming dalawa. Isa akong architect at engineer naman si Brixx,” pagkukuwento ko. “Project namin `yong library sa school natin.”

“Hindi `yan coincidence, girl. Fate na `yan. Fate na maging workmate kayo at fate na `yong project n’yo `yong lugar na palagi n’yong tinatambayan noong college tayo,” sabi ni Aireen.

“Hindi,” tanggi ko. “Wala na talaga, girls.”

“Ouch. Nakakahiya,” sabi Ciara. “Nakakahiya kay Brixx.”

“It’s okay. Sinabi ko naman sa kanya na ipapaliwanag ko na lang sa inyo.”

“Kaya pala hindi mo siya kasama?” tanong naman ni Glenna.

“Actually, pupunta siya. Kaso iniwan ko lang. Ayoko kasi siyang kasabay.”

“That’s mean. Iniwan mo.” Tumawa si Aireen. “Iniwan mo na naman.”

“Iniwan mo siya?” nagtatakang tanong ni Ciara. “So, magkasama kayo sa iisang bahay?”

Umiling ako. “Nope. Kapitbahay ko siya. Another coincidence.”

“OMG! Confirm. Hindi na talaga coincidence `yan. Fate na talaga `yan, Cha!” pagpipilit ni Aireen.

“So, wala talagang namamagitan sa inyo?” tanong ni Glenna.

Umiling ako. “Pure workmates lang as in.”

“Hindi ba nagpaparamdam si Brixx sa `yo? I mean, you know, makipagbalikan sa `yo?” tanong uli ni Ciara. “Kasi, nang nakita ko kayo kahapon, he looked at you like he was longing for you. Gets n’yo ba? `Yong tingin na nasa harap mo `yong taong mahal mo pero may limit. Gano’n.”

Ikinuwento ko sa kanila ang mga sinabi sa akin ni Brixx. Na pilit ngang nakikipagbalikan si Brixx pero hindi ako naniniwala. Ayoko na kasing maging tanga. Ayoko na uli paniwalaan si Brixx dahil ayoko na uling masaktan. Then, ikinuwento ko rin sa kanila ang nangyari five years ago. Iyong nahuli ko si Brixx na may kasamang babae sa unit niya at mga pinagsasabi niya sa akin—na ginamit lang niya ako and such.

“Kaya pala bigla kang umalis ng school, kasi sinaktan ka niya?” tanong uli ni Aireen.

I nodded. “Oo. Sobrang sakit kasi nang nangyari sa akin. Imagine? Buong akala ko, totoo ang pagmamahal niya sa akin. Pero in the end, ako lang pala ang nagmamahal habang siya pinagtatawanan ako behind my back. Saka, natakot ako na pagtawanan ako ng buong school. Pagtawanan dahil umasa ako na seseryosuhin ako ni Brixx.”

“Wala namang nangyaring ganyan, Cha. Walang issue na kumalat,” sabi ni Ciara kaya napatingin ako sa kanya. “Kaya ko nga sinabi sa `yo na gusto kong mag-sorry kasi nakita kong seryoso talaga si Brixx sa `yo after mong mawala sa school. Hinanap ka niya sa amin. Nagmakaawa siya sa amin na sabihin kung nasaan ka.”

“True,” pagsingit ni Aireen. “Nasa canteen kami no’n at kumakain. `Di ba, girls?”

Tumango sina Ciara at Glenna.

“`Tapos bigla siyang lumuhod sa harap namin at nagmamakaawa nga. Sabi pa niya no’n… Alam kong hindi kayo pabor sa akin para kay Cha. Pero, please, gusto kong ayusin ang gulong ginawa ko. I really want to see her. Gusto kong i-explain lahat. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Gusto kong malaman niyang mahal na mahal ko siya… Hindi ko na maalala `yong eksaktong linya basta ganyan `yong thoughts.”

Natigilan ako sa narinig. Wala akong maisagot sa kanila. Hindi ko inaasahan na may ganoong eksena na nangyari noong nawala ako sa school.

“Nakailang pagmamakaawa siya sa amin. Ilang araw niya kaming kinukulit. Awang-awa na kami sa hitsura niya noon, Cha,” pagpapatuloy naman ni Glenna. “Kasi kitang-kita namin na miserable siya nang mawala ka sa school. Pati sa dorm mo raw no’n, nakailang pakiusap siya sa landlady na sabihin kung saan ka pumunta. Pero wala siyang makuhang sagot. Walang nakakaalam.”

Hindi ko kasi sinabi sa landlady ko noon kung saan ako pupunta.

“Pati rin sa school’s admin,” dagdag ni Ciara. “Nakiusap siya kay Dean na sabihin kung saan ka pumunta. Pero, bawal daw maglabas ng information ng student unless kamag-anak si Brixx. `Yong naging issue pala—`yong pagluhod ni Brixx kay Dean para malaman kung saan ka pumunta after mong mag-drop out.”

“`Tapos minsan nakita ko si Brixx sa mall. Parang may hinahanap. Nang makita niya ako, sinabi niyang nagbabakasali raw siya na makita ka sa mga lugar na pinupuntahan n’yo,” sabi uli ni Glenna. “Gano’n palagi ang ginagawa niya after school. Hinahanap ka raw niya at inaabangan sa mga lugar na palagi n’yong pinupuntahan na magkasama. Nagbabakasakaling bigla kang sumulpot doon.”

“Kaya magso-sorry sana kami sa `yo, Cha. Kasi nagkamali kami ng tingin kay Brixx. Na seryoso at mahal ka pala talaga niya,” sabi ni Ciara. “Kaya nang nakita ko kayo kahapon na magkasama. Sobrang saya ko. Kasi, finally, `yong paghihirap ni Brixx na makita ka, natupad na. He found you again. Akala ko nagkabalikan kayo.”

Umiling ako. “Hindi kami nagkabalikan.”

“Wala na bang chance?” Glenna’s question caught me off guard.

Napatingin ako sa kanilang tatlo at pare-parehas ang mga tingin nila. They were hoping. Kitang-kita ko sa mga mata nila na mayroon pa ring pag-asa para sa aming dalawa ni Brixx.

“Hindi ko alam,” I admitted. “Mahirap na kasi uli magtiwala kapag minsan nang sinira ng taong mahal mo ang buong tiwala na binigay mo sa kanya. Nakakatakot nang magbigay ng second chance kasi, alam mong this time, mas marami kang iri-risk. Mas malaki ang mawawasak sa `yo kapag nasaktan ka uli.”

“Pero paano kung this time, nagbago na talaga siya?” umaasang tanong ni Aireen.

“Pero paano kung this time, katulad lang din ng dati? Hindi mag-work out? At this time, hindi lang masakit. Kundi sobrang sakit na tipong hindi mo na alam kung paano mo na naman aayusin ang sarili mo?” sagot ko naman. “Paano kung masayang na naman ang chance na ibigay ko sa kanya?”

Napatahimik silang tatlo. Walang nagsalita sa amin sa loob ng ilang minuto. Nagpapakiramdaman kami. Nang biglang may kumatok—mommy ni Cia ang iniluwa ng pinto.

“Anak, may problema,” sabi ng mommy ni Ciara. “Hindi makakarating `yong singer. Bigla raw sumakit ang tiyan. High blood na `yong wedding organizer sa function hall.”

“What?” Napatayo si Ciara sa gulat. “Paano `yan? Wala silang pinadalang kapalit?”

Umiling ang mommy ni Ciara. “Wala, `nak. Fully booked daw lahat ng singers nila.”

“Oh, God, nakaka-stress,” sabi ni Ciara at napasalampak na naman sa upuan niya.

“Huwag kang ma-stress, Cia. May solusyon tayo diyan.” Tumayo si Glenna.

“Oo nga. Hello. Nandito lang ang sagot sa problema mo,” sabi rin ni Aireen.

“Paano?” tanong ni Ciara na tumingin sa kanilang dalawa.

“Anong paano?” balik-tanong ni Glenna.

“Sino kamo,” sabi ni Aireen at sabay-sabay silang tumingin sa akin.

“Ako?” gulat kong tanong. “Ako ang kakanta?”

“Oo nga pala. Bakit hindi ko naisip `yon!” Lumapit sa akin si Ciara. “Please, Cha. Ikaw na lang ang kumanta? Mas prefer kita kaysa sa original na kakanta ngayon. Please. Please?”

“Oo nga, Cha. Please? Para marinig namin uli ang boses mo…” pagpilit ni Glenna.

Tumingin ako sa kanila at napabuntong-hininga.

“Okay, fine. Kung hindi ko lang kayo na-miss, eh!”

“Yehey!!” sabay nilang sabi.

Nagyakap uli kaming apat bago kami bumaba nina Aireen at Glenna sa function hall. Maghahanda na raw kasi dahil magsisimula na ang wedding ceremony. Iniwanan ko sina Aireen at Glenna sa likuran dahil part sila ng entourage. Nanghihinayang sila na hindi ako kasali pero sabi ko, ayos lang. Ako naman ang kakanta kaya parang kasali na rin ako.

Nakipag-usap ako sa banda na tutugtog. Sinabi nila sa akin ang mga kakantahin ko. Two songs lang pala at parehas ko pang alam kaya hindi ako mahihirapan. Nagpasalamat sila sa akin sa pagsalo ko sa kanila at sinabihang bibigyan daw ako ng part sa ibabayad nina Ciara. Pero tumanggi ako at sinabing hindi na kailangan.

Nasa harap ako at hawak ang microphone. Nagsimula nang tumugtog ang intro ng “It Might Be You.” Ang cute tingnan ng entourage kasi ang ganda sa mga mata ng motif. Nag-thumbs up sa akin sina Aireen at Glenna nang pumasok na sila. Binigyan ko sila ng ngiti.

Nag-change into “Runaway” ng The Corrs ang kinakanta ko nang pumasok na ng function hall si Ciara. She was so beautiful while walking. Todo ang ngiti niya habang naglalakad at mas lalong lumaki ang ngiti niya nang magkatinginan silang dalawa ni Jeremy na hinihintay siya sa harap ng altar.

“Say it’s true, there’s nothing like me and you.

I’m not alone, tell me you feel it too. And I would run away. I would run away, yeah... yeah. I would run away. I would run away with you.”

Kitang-kita ko ang mga luha na nabuo sa mga mata ni Jeremy habang nakatingin kay Ciara. He was proud and joyful at the same time. Who would have thought na iyong relasyon na on and off before, iisa lang din ang kahahantungan? Isa rin pala ang ending ng magulo nilang pag-iibigan noon. Ang kasalan.

Pinunasan ni Ciara ang mga luha ni Jeremy nang dumating ito sa harap. Muntik akong matunaw sa scene na iyon. It was one of the most beautiful scenes I had ever seen. Ang lalaki ang umiiyak sa kasal instead ang bride. Hindi ko inaakalang may pagkaiyakin pala si Jeremy.

“Cause I am falling in love with you. No never I’m never gonna stop. Falling in love with you.”

Habang nag-iiyakan ang bride at groom sa harap, bumalik sa isip ko iyong mga pinag-usapan namin sa hotel room ni Ciara. Iyong paghahanap sa akin ni Brixx noon nang mawala ako nang basta-basta. Iyong pagmamakaawa niya kina Ciara para lang sabihin kung nasaan ako pumunta.

Bigla akong naluha sa ideyang iyon. Parang bigla kong nakita si Brixx na miserable noon nang dahil sa pagkawala ko. I wanted to laugh because that was what I wanted him to feel before. Umaasa ako noon na sana maging miserable rin ang buhay ni Brixx dahil sa ginawa niya sa aking panloloko. Ang unfair lang na ako lang ang nasasaktan. Gusto ko ring mahirapan si Brixx. Pero hindi ko kayang matuwa ngayon. Mas nangingibabaw sa akin ang sakit. Iyong sakit na naging miserable si Brixx.

“Close the door, lay down upon the floor. And the candlelight, make love to me through the night. (Through the night, through the night.)”

“Pero paano kung this time, nagbago na talaga siya?” Muli rin bumalik sa isip ko ang tanong ni Aireen kanina.

Paano nga kung this time nagbago na siya? Bibigyan ko ba siya uli ng chance? May mangyayari ba kapag nag-risk uli ako? O, lalo lang akong masasaktan?

Ito talaga ang mahirap kapag nasaktan ka na nang sobra, natatakot ka na uling umulit sa isang bagay na walang kasiguruhan ang dulo. You’re too scared to risk again. You’re too much of a coward to give it another shot.

But, what if, he really did change? Na this time, itatama na niya lahat ng pagkakamali niya before?

“Cause I have run away. I have run away, yeah... yeah. I have run away, run away. I have run away with you.”

Then I made a promise to myself—na sa pagsarado ko ng aking mga mata at sa pagbukas nito, at siya ang una kong makita sa napakaraming tao sa harap ko, papakinggan ko na iyong side ni Brixx. Hindi ko maipapangakong mabibigyan ko agad siya ng chance pero papakinggan ko na iyong explanation niya na gusto niyang marinig ko.

Alam kong mahirap ang deal na ginawa ko sa isip ko dahil ang daming tao. Imposibleng si Brixx agad ang makita ko. Pero, handa akong sumugal. Susugal ako ngayon para sa akin—para sa kanya. At para sa dating kami na matagal ko na dapat kinalimutan at binaon sa limot.

Patuloy pa rin ako sa pagkanta ng “Runaway” habang nakapikit.

“Cause I am falling in love (falling in love) with you. No never I’m never gonna stop.”

Pagkatapos ko kantahin ang huling linya, doon ko bubuksan ang mga mata ko.

“Falling in love with you. With you...”

Then I opened my eyes.

My eyes landed on the function hall entrance.

Parang tumigil ang mundo ko nang bigla ko siyang makita na nakatayo roon. Brixx was staring at me! Tutok na tutok siya sa akin habang nakangiti. Mas lumaki ang ngiti ni Brixx nang makita niyang nakatingin din ako sa kanya. Nag-thumbs up siya sa akin as a sign na I did well. Halatang proud siya sa pagkanta ko.

Parang unti-unting nawawala ang tao sa paligid at si Brixx na lang ang nakikita ko. Bigla kong naranasan iyong mga scene sa movies na napapanood ko. Iyong biglang lalabo ang paligid at panandaliang hihinto ang mundo habang nakatingin ka lang sa isang tao.

Tadhanang ito, ang hilig ako paglaruan. Bakit mo ba ako pinapahirapan nang ganito?

But, oh, well. I made a promise to myself. Kailangan ko itong tuparin.

Nag-thumbs up din ako kay Brixx.

“I give up,” sabi ko sa sarili ko habang nakatingin kay Brixx. “You win, Brixx.”

Kumunot ang noo ni Brixx, halatang hindi niya naintindihan ang sinabi ko. Natawa tuloy ako. Hindi ko rin naintindihan ang sarili ko. Brixx made me like this once again.

He made me stupid for the second time around. In a good way though.