Chapter 11
“ARE YOU sure, girls? Ayaw n’yong mag-stay? Marami kaming naka-reserve na room dito sa hotel,” sabi sa amin ni Ciara nang nasa labas na kami ng Taal Vista Hotel. “Sayang `yon kung hindi magagamit.”
Siya na lang ang naghatid sa amin sa labas dahil abala na rin si Jeremy na magpasalamat at magpaalam sa mga iba pang bisita. Okay lang naman sa amin ni Glenna dahil alam naming busy siya. At least, nakausap namin siya kanina kahit paano at nagkumustuhan.
Parehas kaming umiling ni Glenna sa offer ni Ciara. Parehas kasi kaming hindi puwedeng mag-stay.
Kaming dalawa na lang ang natira since isang oras na rin ang nakakalipas simula nang magpaalam si Aireen. Sinundo kasi siya ng asawa niya dahil may family dinner pa raw sila mamaya kasama ang mga magulang nito. It was their family tradition ever since she got married into Marco’s family.
Kaya kahit palagi raw silang busy, they made sure na nakakapunta sila ng family dinner dahil iyon lang ang oras na nakikita ng magulang ni Marco ang mga anak nila. Medyo malayo raw kasi sila ng tinitirahan.
“Hindi na, `te,” sagot ni Glenna. “May evening class si Lemuel mamaya, eh. Walang magbabantay kay Lily.” Lemuel ang pangalan ni Sir Ruiz at si Lily naman ang kaisa-isa nilang anak na babae na dalawang taong gulang na.
“Aw.” Ciara looked at me. “Ikaw, Cha? Hindi ka rin puwede?”
Umiling ako. “Hindi rin, `te. May kailangan akong puntahan bukas, eh.”
“Ano ba `yan. Ang KJ n’yo naman. Ngayon na nga lang tayo nagkita-kita, eh,” sabi ni Ciara na nagtatampo.
“Okay lang `yan,” sabi ni Glenna. “Mag-set na lang tayo ng date. Girls’ date some other time. Besides, wedding day mo ngayon. Kailangan mong mag-focus mamaya kay Jeremy.” Ngumisi si Glenna.
“Tse! Walang mangyayaring ganap mamaya,” sabi ni Ciara. “Ang laki-laki na ng tiyan ko. `Tapos honeymoon pa?”
“Nauna kasi agad ang honeymoon n’yo.” Tumawa ako. “Eh, di paglabas n’yan, sundan n’yo na agad.”
“Wow, Cha, ah. Ikaw talaga nag-suggest n’yan?” baling sa akin ni Glenna. “Ikaw na virgin pa `til now?”
“Ano naman? Ano’ng masama sa pagiging virgin?” despensa ko. “Bilang na lang kaming virgin ngayon, `no. Saka, ang gusto ko sa first time ko, ibibigay ko sa lalaking papakasalan ko. Para sa tamang lalaki. `Yong lalaking makakasama ko habang buhay. Para it’s magical and romantic at the same time.”
“Wala ngang masama pero paano kung mabulok na `yang ovary mo?” tanong ni Ciara na tumatawa.
“Mabulok agad? Grabe naman `to!” sabi ko. “Hindi ba puwedeng kalawangin lang?”
“Gusto mo ang first time mo para sa tamang lalaki? Ay, girl. `Andiyan na `yong right guy mo!” sabi naman ni Glenna na nakanguso. Itinuro niya si Brixx na nakasandal sa kotse nito.
Abala si Brixx sa pagse-cell phone niya. Nang mapansin niyang napatingin kami sa kanya, bigla siyang ngumiti at tumango. Ugh. Bakit ang cool niya kahit simpleng ganoon lang ang ginawa niya?
“Hay, naku. Tigilan n’yo ako!” sabi ko. “Teka nga. Bakit ba napunta diyan ang usapan? Eh, magpapaalam lang naman kami nitong si Glenna sa `yo. Ang bilis natin mag-shift ng topic.”
Nagtawanan kaming tatlo. “Eh, ganito naman tayo ever since, right?” sabi ni Ciara.
“So, paano, girl? Una na kami, ha?” Niyakap ni Glenna si Ciara. “Congratulations again.”
“Thanks, girl!” sabi ni Ciara. “Thank you rin sa pagpunta.”
Niyakap ko rin si Ciara. “Thank you rin, Cia. And congratulations too!”
“Thanks, Cha.” She hugged me back. “I’m glad we got you back.”
“Me, too!” I smiled. “Nabuo uli tayo.”
Nag-usap uli kami ng ilang sandali kung kailan namin ise-set ang girls’ date naming apat. Pag-usapan na lang daw kapag balik ni Jeremy and Ciara galing Hawaii. Pupunta raw kasi sila doon next week at mahigit dalawang linggo rin sila doon para magbakasyon at umiwas sa stress.
We bid good-bye again. At pagkatapos, pumasok na si Ciara sa loob para magpaalam din sa ibang bisita. Si Glenna naman nagpaalam na rin sa akin dahil nasa labas na raw ang kotse ni Sir Ruiz. Hindi na raw nakapasok dahil wala nang available space sa parking lot. Sabi ko sayang hindi ko siya nakita pero ayos lang daw. Sa susunod na lang daw. We hugged each other for the last time at saka umalis si Glenna. Tumango pa ito kay Brixx.
Naglakad na ako papunta kay Brixx. Nang mapansin niya ako, tinago na niya ang cell phone niya. He looked at me then he smiled. Bigla tuloy akong nahiya dahil naalala ko kung paano kami sumayaw kanina na parang kami lang ang tao sa function hall.
Inusi pa ako nina Glenna about doon kanina. Kung ano raw ang pinag-usapan naming dalawa ni Brixx at kung bakit abot tainga ang ngiti niya. Siyempre hindi ko sinabi. Hindi ako umamin. Mas mabuting sa aming dalawa na lang ni Brixx muna iyon. Saka ko na lang ikukuwento sa kanila kapag okay na ang lahat.
“Hi,” bati sa akin ni Brixx.
“Hello,” naiilang kong sagot.
Parehas kaming napatingin sa isa’t isa at sabay na tumawa.
“Para tayong mga teenager kung umasta,” sabi niya na tumatawa pa rin.
“You lied to me!” sabi ko.
Napatigil si Brixx at naalarma siyang nagtanong. “What? How?”
“Sabi mo coding ka?” Itinuro ko ang kotse niya. “Eh, bakit dala mo `yang sasakyan mo?”
Tiningnan ni Brixx nang bahagya ang kotse niya, saka tumingin sa akin at ngumiti. “Siyempre, excuse ko lang `yon para makasabay sa `yo,” sabi niya. “Kaso iniwan mo pa rin ako.”
I rolled my eyes. “Here we go again.”
“Ikaw, eh. Palagi mo na lang akong iniiwan. Magmula noon hanggang ngayon.” Hindi pa rin siya tumitigil. “Pero kita mo ako. Ito pa rin at paulit-ulit kang hinihintay sa pagbabalik mo.”
“Parang gusto ko nang bawiin ang sinabi ko sa `yo kanina,” pagbibiro ko.
“Joke lang, ito naman. Ang galing mag-blackmail.”
Bigla akong nanginig nang umihip ang malamig na hangin. Nakalimutan kong magdala ng jacket. Ang lakas pa ng loob kong mag-off-shoulder na dress pero mahina naman ako sa lamig.
Napansin kong binuksan ni Brixx ang sasakyan niya at may kinuha siyang damit. Pagtingin ko, isa iyong jacket na may zip na kulay itim. He handed his jacket to me.
“Here,” offer niya. “Halatang nilalamig ka na, eh. Tsk. Ganyan pa kasi `yang isinuot, eh.”
“Hindi na,” I declined his offer. “Kaya ko naman.”
“Hindi mo kaya. Alam kong lamigin ka,” sabi niya saka lumapit sa akin.
Sinabit niya ang hood ng jacket sa ulo ko. Nakaramdaman agad ako ng warm feeling dahil sa jacket ni Brixx. Parehas ng amoy ang jacket at katawan ni Brixx. Para tuloy nakayakap siya sa akin.
“There. It suits you perfectly.”
“Pati pagiging lamigin ko hindi mo nakalimutan?”
“Of course. I already told you na hindi ko nakalimutan ang bawat detalye na sinasabi mo sa akin noon,” sagot ni Brixx. “Saka, hindi ba, ilang jacket ko na rin noong college ang napunta sa `yo pero hindi mo binabalik? Nasaan na pala ang mga `yon? Lima rin ata `yon o anim, `di ba?”
Bigla akong natawa nang dahil sa alaala na iyon. Tama naman kasi si Brixx. Hindi ko na binabalik ang mga jacket niyang pinapahiram sa akin. Sa tuwing nasa labas kami at inaabot ng gabi, palagi niyang pinapasuot ang jacket niya sa akin. Gustong-gusto kong inaamoy ang jacket ni Brixx noon dahil kaamoy iyon ng pabango niya. Kaya sa tuwing pinapahiram niya ako, hindi ko na binabalik. Pakiramdam ko kasi binigay na niya iyon.
“It’s seven actually,” sabi ko. “Saka… nasa Canada ang mga `yon. Iniwan ko roon.”
Napalitan nang malungkot na ngiti ang ngiti ni Brixx. “So, you really went there?”
I nodded. “Yes. After mag-drop out ako sa school, umuwi muna ako sa tita ko sa Olongapo, then I flew to Canada afterwards,” I confessed. “Doon ko na `tinapos ang pag-aaral ko.”
“I’m so sorry.” Napayuko si Brixx. “Nang dahil sa ginawa ko noon, kailangan mo pang umalis ng school.”
Ramdam na ramdam ko ang pagsisisi at guilt sa boses ni Brixx nang magsalita siya.
“We shouldn’t talk about it right now. Bukas na lang natin pag-usapan.”
Bumalik ang ngiti ni Brixx pero may bahid pa rin iyon ng lungkot.
“Right,” sabi ni Brixx at biglang lumakas lalo ang ihip ng hangin. “Ihatid na kita sa sasakyan mo. Lumalakas na ang hangin at gumagabi na rin.”
Tumango ako at naglakad na kami papunta sa sasakyan ko na ilang sasakyan ang layo mula sa kotse ni Brixx. Muntik pa nga akong ma-out of balance nang dahil may natapakan akong bato pero mabilis naman akong naalalayan ni Brixx. Napahawak siya sa braso at likod ko.
At sa hindi ko inaasahang pagkakataon, biglang may kuryente na dumaloy sa buong katawan ko nang dahil sa paghawak ni Brixx sa akin. I knew. It was a spark. Spark na matagal ko nang hindi naramdaman. Spark na sa kanya ko lang naramdaman. Spark na siya lang ang nakakagawa sa katawan ko.
“Be careful,” sabi ni Brixx.
“Thanks.”
Nagpatuloy na kami sa paglalakad ni Brixx at hindi na niya inihinto ang pag-alalay sa akin. Nang marating namin ang sasakyan ko, inilahad niya ang kamay niya, saka siya nagsalita.
“Where’s your key?” tanong niya.
Kinuha ko sa purse ang susi ng sasakyan ko at ibinigay sa kanya kahit na hindi ko alam ang gagawin niya. Lumapit siya sa kotse ko at siya na mismo ang nagbukas nito. He handed back my key to me. Binuksan lang niya pala ang driver’s seat para hindi na ako mahirapan. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Huhubarin ko na sana ang jacket nang pigilan niya ako.
“Huwag na,” sabi ni Brixx habang nakangiti. “Isuot mo na lang `yan hanggang pauwi. Malamig ang biyahe.”
“Are you sure?” nag-aalangan kong tanong.
“I’m always sure when it comes to you, Cha.”
Tumawa na lang ako para pagtakpan ang kilig na naramdaman ko.
“Okay. Wala na `tong balikan,” I joked.
“Okay lang. Basta puso mo uli ang kapalit.”
“Brixx…”
“I know.” Napakamot siya ng ulo. “I’m too fast. Sorry.”
Ngumiti ako. “So, paano? See you tomorrow?”
He nodded. “Yup! After lunch. Sa old school natin.”
“Noted,” sagot ko. “You must tell me everything tomorrow. No lies. Understand?”
Bahagya na namang napatitig si Brixx sa akin for a few seconds. Then he raised his hand. “I promise,” sabi niya. “I’ll tell you everything tomorrow,” sagot niyang parang hindi sigurado.
Siguro hindi siya sigurado dahil nahihirapan siyang alalahanin iyon. Siguro katulad ko, masyado ring masakit ang mga nangyari sa kanya kaya niya nagawa sa akin iyon.
It was natural, right? When we’re hurting, we tend to hurt someone else without even noticing it. We’re too focused in our own pain and how to deal with it in a way that we forget that others have feelings, too.
“Okay. Good-bye, Brixx.”
Umiling si Brixx. “Nah. It’s not good-bye,” sabi niya. “It’s see you tomorrow.”
“Okay, okay. `Daming alam.” I laughed. “See you tomorrow then.”
“Right!” Then he stepped back para maisara niya ang pinto ng driver’s seat.
Nakatayo lang siya sa gilid nang simulan ko nang paandarin ang makina ng sasakyan. Kumaway sa akin si Brixx nang umandar na ito. I waved back, too. Nakatayo lang siya roon hanggang sa makaalis ako.
Napag-usapan namin kanina ni Brixx na bukas namin pag-uusapan ang nangyari five years ago. Bukas niya ikukuwento ang lahat-lahat. Kaya magkikita kami sa dati naming school. It was hitting two birds with one stone. Kasi mapag-uusapan na rin namin ang project naming dalawa which is the school’s library.
Habang nagmamaneho pauwi ng Manila, hindi ko maialis sa akin na mapangiti. Hindi ko alam kung bakit. Siguro, para kasing gumaan ang pakiramdam ko. May parte sa loob ko na mabigat na unti-unti nang nawawala. Parte siguro iyon ni Brixx na nabuo noong nasaktan niya ako nang sobra noon.
I kept asking myself before where I went wrong in loving him. Kung bakit ako pinagmukhang tanga at ginagago ni Brixx. Kung bakit kahit ibinigay ko na lahat ng pagmamahal ko sa kanya, sakit at pighati lang ang iginanti niya sa akin. Itong mga tanong na ito siguro ang nabuo sa loob ko at nagpabigat sa puso ko. Unti-unti na iyong nawawala dahil sa ideyang bukas malalaman ko na ang mga sagot sa tanong ko.
Nang dumating na ako sa unit ko, napatingin ako sa unit ni Brixx. Of course, nakasara iyon. Nabanggit niya kanina na hindi raw siya uuwi ngayon dahil may kailangan pa siyang puntahan. Iyon siguro ang dahilan kung bakit palagi niyang hawak ang phone niya kanina. Mukhang importante nga.
Pumasok na ako sa loob ng unit ko at dumeretso sa loob ng kuwarto. Hinubad ko ang jacket ni Brixx pati ang dress ko. I took a quick shower para naman mawala ang pagod ko. Kabilin-bilinan palagi sa akin ni Mama noon na huwag agad maliligo paggaling sa biyahe. Gusto ko sana siyang sundin kaso naglalagkit naman ako. Besides, hindi ako nakakatulog kapag feeling ko ang dumi ng skin ko. I needed to take a bath.
Nakasuot na ako ng pangtulog. T-shirt at sweat pants lang. Hindi na ako kakain dahil busog pa naman ako. Hihiga na sana ako sa kama nang mapatingin ako sa itim na jacket ni Brixx. Dinampot ko iyon at inamoy. Para ko na rin tuloy naamoy ang katawan niya. Saka ko uli iyon isinuot.
Umupo ako saglit sa tapat ng laptop ko para mag-check ng mga emails. Nang masiguro kong nasagot ko na ang mga importante, papatayin ko na sana iyon. Pero namalayan ko na lang ang sarili ko nang mapunta ako sa YouTube at i-type ang kantang “I See The Lights” na OST ng Tangled . I don’t know why. Parang nasa mood lang akong pakinggan ang kantang iyon at tingnan kung same pa rin ba ang magiging reaction ko like five years ago.
All those days watching from the windows
All those years outside looking in
All that time never even knowing
Just how blind I’ve been.
Biglang bumalik sa alaala ko ang unang beses kong makita si Brixx noon sa school noong third year college na ako. Nakaupo ako noon at nagbabasa nang mabangga niya ako. He smiled and said sorry to me. And like a typical teenage girl, I got a crush on him instantly. Ang guwapo-guwapo niya kasi.
After niyon, palagi na siyang hinahanap ng mga mata ko. Naging crush ko na talaga si Brixx. Hindi naman tumagal at nalaman ko ang pangalan niya. Sikat pala siya sa school dahil nga guwapo siya. Hindi naman na ako nagulat dahil ang mga ganoong mukha talaga, magiging sikat sa mga college girls.
Now I’m here blinking in the starlight
Now I’m here suddenly I see
Standing here it’s all so clear
I’m where I’m meant to be
Bigla ko ring naalala ang bagay na pinakatago-tago ko na never ko nang binuksan kahit kailan. Hindi ko sure kung nadala ko ba iyon pauwi ng Pilipinas o naiwan ko sa Canada. Kinuha ko ang malaking box na nasa ibabaw ng cabinet ko kung saan nakalagay ang mga abubot ko.
Napangiti ako nang makita ang portfolio ko. It was nothing special. Mga pictures lang ang nakalagay doon. Mga stolen pictures ni Brixx noong naging crush ko siya hanggang sa mga pictures na naming dalawa nang maging kami na. Ako lang ang katangi-tanging nakakaalam nito. Wala pang ibang nakakakita nito bukod sa akin.
Medyo luma na ang print na nakalagay sa unahan dahil sobrang tagal na nito. It had been six years I think? Sinimulan ko kasi ito nang maging crush ko siya. Medyo nabubura na rin ang print ng title na It’s All About Him na may line sa middle dahil pinalitan ko iyon ng It’s All About Us nang maging kami na.
And at last I see the light
And it’s like the fog has lifted
And at last I see the light
And It’s like the sky is new
And it’s warm and real and bright
And the world has somehow shifted
All at once everything looks different
Now that I see you.
Napangiti ako nang bumungad sa akin ang mga unang litrato ni Brixx. Mga stolen pictures niyang naglalakad. Nakangiti siya. Nakikipag-usap sa kaibigan niya. Kumakain. Naglalaro siya ng basketball. Naka-dirty finger siya sa kaibigan niya habang nakatawa. Ang creepy ko pala before my God—para akong stalker.
Binasa ko ang isang caption sa litrato niyang kumakain.
How did he do this? Paano niya nagagawa na maging guwapo habang kumakain? <3
Tawa ako nang tawa sa sarili ko habang binabalikan ko ang bawat litrato. Ang creepy-creepy ko talaga. Napatigil na lang ako sa pagtawa nang tingnan ko ang susunod na page sa portfolio.
Iyon na ang mga pictures na naging close kami ni Brixx. May pictures na kaming dalawa ang magkasama. Pictures namin noong naging partner kami sa stage play. Stolen picture niya habang tinuturuan ko siya. Picture niyang natutulog habang naghihintay sa akin na matapos ang duty ko sa school’s library.
May picture rin si Brixx na nakadila at nakaduling. Ito iyong inaasar ko siya na hindi siya puwedeng mag-wacky kasi masyadong guwapo ang mukha niya. Kaya dumila siya sa akin sabay dumuling.
All those days chasing down a daydream
All those years living in a blur
All that time never truly seeing
Things, the way they were
Now she’s here shining in the starlight
Now she’s here suddenly I know
If she’s here it’s crystal clear
I’m where I’m meant to be
Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ko nang makita ko ang sunod na larawan. Picture naming dalawa iyon ni Brixx noong first monthsary namin. Nanood kami ng fireworks festival sa Marikina Riverbank. Hindi ako nakatingin sa picture dahil naka-focus ang mga mata ko sa mga fireworks habang si Brixx naman nakangiti sa picture habang turo-turo ako. Siya ang kumuha niyon.
Ang next picture naman, nakahiga ako sa braso ni Brixx. Naalala ko iyon. Ito iyong time na nag-star gazed kami sa field ng school. Hindi ko na namalayang nakatulog ako. Nakahalik si Brixx sa ulo ko habang nakangiti siya. Again, siya rin ang kumuha ng litratong iyon gamit ang cell phone ko.
And at last I see the light
And it’s like the fog has lifted
And at last I see the light
And it’s like the sky is new
And it’s warm and real and bright
And the world has somehow shifted
All at once everything is different
Now that I see you.
Now that I see you.
Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko habang nakatingin sa mga pictures at mapunta ako sa mga blangkong pahina. Ang dami pang blank pages dahil hindi na naman kami nagkaroon ng pagkakataon na makapag-picture together dahil naghiwalay na kami noong second monthsary namin.
Binalak ko sanang itapon ito noon pero hindi ko alam kung bakit hindi ko ginawa. Kahit galit na galit ako sa kanya patuloy ko pa ring minamahal iyong dating kami na alam kong hindi na babalik pa sa dati. Iyong dating kami na ako lang pala ang nag-isip na totoo.
Pinunasan ko ang luha ko at ibinalik sa box ang portfolio. Masakit pa rin palang alalahanin ang mga alaalang itinuring kong sobrang importante sa akin noon. Pinatay ko na rin ang laptop ko at humiga sa kama. Bigla akong nakaramdam ng antok sa nangyari. Kahit kailan talaga nakakapagod umiyak.
Papikit na sana ang mga mata ko nang tumunog ang cell phone ko. May text galing kay Brixx.
Thank you for this day, Cha. You made this day so much more memorable. Good night :)
Hindi ako nag-reply. Instead, niyakap ko ang cell phone ko.
“Thank you, too, Brixx. You made my college days so much more memorable,” I said to myself.
And just like that, I cried once again when I remembered our almost perfect love story.
MAAGA ako nagising kinabukasan and surprisingly, hindi na ako inaantok.
May limang oras pa akong natitira bago kami magkita ni Brixx sa school. Dahil marami pang oras, napagdesisyunan ko na lang na mag-general cleaning sa unit ko. Medyo matagal na rin kasi since last akong nakapag-general cleaning dahil sobra kong busy lately.
Nagpalit ako ng mga kurtina, naglaba ng mga damit, naglinis ng kusina, nagkuskos ng tiles sa banyo, nag-ayos ng sala. Napahinto lang ako saglit nang nag-overseas call si Mama. Nangamusta lang siya at tinanong kung anong ganap sa akin lately. Sabi ko, as usual, work. Of course, hindi ko sinabi ang tungkol kay Brixx.
Tinanong ako ni Mama kung plano ko ba raw magbakasyon doon sa Christmas o sa next summer na lang. Sinabi kong, hindi ko pa alam since matagal pa naman iyon. Anong matagal daw? Ber months na raw kaya ilang kembot na lang daw iyon. Pag-isipan ko raw agad para alam nila ang plano ko. Mahilig pa naman daw ako sa biglaang desisyon at ayaw na raw nilang maloka. Iyon talaga ang term na ginamit ni Mama—feeling bagets.
Alas-diyes na nang matapos ako sa paglilinis at wala na akong magawa. Nakaligo na rin ako at nakakain. Nakatanggap ako ng text galing kay Brix.
He said, See you in an hour! :)
I replied, you too, at umalis na ako sa unit at nagpunta na sa dati naming school.
Maaga na akong bumiyahe dahil medyo malayo iyon. Saka, gusto ko munang mauna sa school para makapaglibot-libot. Gusto kong makita ang dati kong school. Kung marami na bang nagbago roon o katulad pa rin iyon kung paano ko iniwan noon. I took two hours sa pagda-drive dahil sobrang traffic gawa ng banggaan.
Hinarang ako ng security guard dahil bawal daw pumasok doon kapag Sunday. Ang strict na ni Manong Eddy. Nagpakilala ako na—ako ang architect na kinuha ng school. Nang makita niya ang ID ko, bigla siyang natuwa. Naalala raw niya ako. Ang laki na raw ng pinagbago ko.
Natuwa rin ako dahil naaalala pa rin niya ako. Medyo nagkaedad na si Manong Eddy pero malakas pa rin siya. Sabi ko mabuti at hindi pa siya nagre-resign. Hindi pa raw puwede dahil nagpapaaral pa rin daw siya ng mga apo niya. Wala raw trabaho ang anak niya. Nagkuwentuhan kami sandali tungkol sa buhay-buhay namin hanggang sa pinayagan na niya akong makapasok sa loob ng school.
Parehas pa rin ang parking lot ng school sa parking lot five years ago. Mabilis na akong nag-park at lumabas ng sasakyan ko saka ko nilibot ang paningin ko. Napangiti ako nang mapakla nang maalala ko rito sa parking lot na ito ang eksena dati na kasama ni Brixx ang babaeng kaklase niyang hindi ko alam ang pangalan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at naglibot-libot. Ang dami nang bago sa school. Bagong pintura ang ilan sa mga building. Iyong art building wala na. Ginawa nang garden para sa mga bulaklak. Inilipat daw ang art building sa likuran ng Science building ayon sa nakasalubong kong student.
Walang masyadong tao sa school dahil nga Sunday. May ilan na gumagawa ng thesis nila na nandoon sa mini-park ng school kung saan maraming bench at table. Pumunta ako sa school’s gym kung saan ginaganap ang mga events sa school noon. Habang nakatayo at nililibot ang paningin sa buong school’s gym, bumalik sa alaala ko ang panahon na nag-stage play kami nina Brixx.
Kahit mag-isa lang ako sa loob ng school’s gym, parang muli kong nakita kung gaano karami ang tao rito noong stage play namin. Para kong napanood uli ang sarili ko na umaarte sa stage kasama si Brixx. Nakita ko ang sarili namin doon na nagbabatuhan ng linya. Napangiti ako at napailing-iling.
Ang daming feels na bumabalik sa akin. Ganito pala ang feeling kapag bumalik ka sa isang lugar na ang daming memories na nabuo sa iyo dati. Noon, ayaw na ayaw kong bumalik sa school na ito dahil alam kong masasaktan lang ako. Ang dami kasi naming mga alaala ni Brixx dito. Pero sino nga naman ang mag-aakalang babalik din ako rito at si Brixx din ang dahilan? Fate is really unpredictable.
Lumabas na ako ng school’s gym at nagtungo sa faculty office para bisitahin ang ilang professors ko noong college. Most of them, wala dahil nga Sunday. Iyong ilang professors na nandoon,mga bago na. Nagpaalam na ako sa kanila na tutungo na sa library upang tingnan iyon. Sobrang saya nila na ako raw ang gagawa ng plano para sa new design ng building. Alam daw nila na maganda ang kakalabasan niyon.
Binigay sa akin ang susi ng building ng library dahil isinara daw muna iyon for the meantime para nga i-renovate. Pagpasok ko sa loob, wala nang mga libro na naka-display. Ilang bookshelves na lang din ang natitira na mga luma na—may ilang mga table at upuan na lang din ang natira.
Mas maraming feels ang bumalik sa akin nang pasukin ko ang library. Muli kong nakita ang sarili ko na abala sa mga librong inaayos sa bawat shelves habang pasimpleng natutulog si Brixx doon sa table na malapit sa bintana na nasa likuran at hinihintay ako. Pinuntahan ko ang gawing iyon.
May upuan at table pa rin na nandoon kaya umupo ako at tumingin sa bintana. Isa iyon sa paborito kong upuan noon dahil madalas kong makita si Brixx mula rito na nakikipaglaro ng basketball sa barkada niya.
Humangin nang malakas dahil binuksan ko ang bintana at nakaramdam ako ng antok. Siguro napagod ako sa haba ng biyahe at paglilinis ng condo ko kanina. Yumuko ako at bahagya kong ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko planong matulog pero hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Naalimpungatan na lang ako nang maramdaman kong may naglalaro sa dulo ng buhok ko. Antok na antok akong iminulat ang mga mata ko at nakita ko si Brixx na nakaupo sa harap ko. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Humikab ako at inayos ang buhok ko.
“Kanina ka pa?” antok na antok kong tanong sa kanya.
Umiling si Brixx. “Hindi naman. Mga one hour ago, I think?”
“So, kanina ka pa nga nakaupo diyan at pinagmamasdan ako sa pagtulog?”
“Parang gano’n na nga,” sabi niya. “Ngayon na lang uli kita napagmasdan matulog. It is still the same.”
“What do you mean it is still the same?”
“Nagsasalita ka pa rin sa pagtulog mo,” he teased me. “`Tapos naglalaway ka pa rin.”
“The heck!” Napahawak ako sa gilid ng labi ko. “Wala naman, ah!”
“Hahaha. I’m just kidding.” Ngumiti si Brixx. “I mean, it is still the same. Your face is still angelic when you are sleeping. I could watch your sleeping face forever.”
“Walang forever!” sabi ko.
“Meron,” sabi niya. “Ewan ko ba kung bakit nasasabi ng tao na walang forever. Dahil ba walang forever sa mundong ito? Dahil lahat namamatay? Hindi lang naman sa buhay ng tao puwedeng i-apply ang forever, eh. For example, `yong nararamdaman mo na pagmamahal mo sa taong mahal mo. It can last forever. `Yong tipong kahit wala na siya sa mundo, o wala ka na sa mundo, still, mahal mo pa rin siya. `Tapos sa next life n’yo if ever ma-reincarnate kayo parehas, kayo pa rin ang magmamahalan. Siya pa rin ang pipiliin at mamahalin mo. Mamahalin mo pa rin siya katulad kung paano mo siya minahal sa past life mo. Love lasts forever.”
Natawa ako sa explanation niya about forever.
“Ang deep mo sa part na `yan,” I said, laughing.
Ngumiti lang si Brixx. “I guess nagiging deep lang talaga ako sa tuwing bumabalik ako sa school na `to. Ang dami kasing masasaya at masasakit na alaala ang nabuo dito,” sabi ni Brixx. “Kaya sabi ko sa sarili ko noon, hangga’t hindi pa kita muling nakikita, hindi ako babalik sa school na `to. I don’t want to break all over again.”
Parehas kaming napatahimik ni Brixx at napatingin sa bintana. Pinagmasdan namin ang tanawin. May ilang students na naglalaro ng basketball doon.
Ilang minuto kaming natahimik ni Brixx. Parang nagpapakiramdaman. Hanggang sa marinig ko siyang humugot ng malalim na buntong-hininga.
“Anak ako sa labas,” pagsasalita niya. “Ako ang resulta ng affair ng isang kasal na lalaki at dati nilang katulong. It might sound cliché, pero yeah, parang drama sa TV ang buhay ko.”
Hinarap ko si Brixx, nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan iyong lumabas sa bibig niya. Hindi ko alam na anak siya sa labas dahil hindi niya iyon sinabi sa akin dati.
“Hindi… hindi ko alam `yan,” nauutal kong sabi.
“Hindi ko sinabi `yan kahit kanino.” He gave me a dry smile. “Sa `yo ko lang ito sinabi ever since. Kahit sa mga friends ko noong college, they didn’t know. Hindi ko sinabi sa kanila dahil tinatago ko o hindi ko sinabi sa kanila dahil hindi naman `yon worth it para ikuwento pa. I’ve lived my college life full of façades.”
Napaiwas ng tingin si Brixx sa akin at pinakinggan ko na lang siyang magkuwento.
“High school couple sina Daddy at ang biological mom ko. Mahal nila ang isa’t isa pero against ang family ni Daddy kay Mom dahil mahirap lang sila. Typical rich family. Ayaw nila sa babaeng mahirap. Kaya pinaghiwalay sila. After a year, my Dad got married sa anak ng kaibigan ng dad niya. So, basically. May sarili na siyang family,” pagpapatuloy ni Brixx. “Until they found each other again. Pumasok na katulong si Mom sa family ni Dad. Very careful sila noon pero wala, eh. They still loved each other kaya nabuo ako.
“Nalaman iyon ng asawa ni Dad kaya ipapakulong sana ang mom ko. Tumakas siya at nagpakalayo-layo gamit ang maliit na halaga na naipon sa pagiging katulong. Years went by at naipanganak na ako. Pero never kong nakita si Daddy. Okay lang sa akin. Okay lang sa akin na kahit kaming dalawa lang ni Mama. Until I reached high school. Unexpectedly, namatay si Mama because of a fatal disease. May malubha na pala siyang sakit.”
Napahinto si Brixx at pansin na pansin ko ang ilang beses niyang paglunok. Pinipigilan ang sarili niyang huwag maluha kahit kitang-kita na sa mga mata niya ang mga luha na nabuo. Iyong sakit na mawalan ng nag-iisang karamay lang niya sa buhay, nasa puso pa rin niya at dala-dala pa rin niya until now.
Hinawakan ko ang kamay ni Brixx na nakapatong sa ibabaw ng mesa.
“Wala akong ibang malalapitan no’n kasi wala nang kamag-anak si Mama. Baka sa ampunan ako mapunta. Hanggang sa sumulpot ang isang lalaki sa bahay. Nagpakilala siyang daddy ko at kinuha niya ako. He took me into their family. Akala ko okay lang na mangyari iyon. Pero hindi.” Umiling siya. “It was a nightmare being there, Cha. Naranasan ko doon na isumbat ang bawat pagkain na kinakain ko. Bawat pera na ginagastos sa akin. Bawat bagay na binibigay sa akin na hindi ko hiningi. Doon ko naranasan kung paano maalipusta at maapi ng dalawang anak ni Daddy sa asawa niya. Doon ko naranasang matulog sa kulungan ng aso dahil minsan kong ginantihan ang pagbubugbog sa akin ng half older brother ko.”
“Hindi mo ba `to kinuwento sa daddy mo? Alam niya ba `to?”
Umiling si Brixx. “Hindi niya alam. Busy siya at most of the times wala siya sa bahay. Saka hindi ko ugaling magsumbong, Cha,” sabi niya. “Naging gano’n ang buhay ko sa bahay na `yon. Minsan hindi pinapakain. Minsan umaalis na gutom. Medyo nahinto `yon nang mag-college na ako. Bahagya lang akong nabunutan ng tinik noon nang regaluhan ako ni Dad ng kotse at condo. Na ilang ulit pang isinumbat sa akin ng asawa niya. And to be honest, gusto ko ng mamatay noon. Kung hindi ko lang naaalala ang sinabi sa akin ni Mom na kailangan kong mabuhay baka matagal na ako nagpakamatay nang dahil sa paghihirap at sama ng loob ko.
“No’ng college na ako, akala ng ibang tao ang saya-saya ko. Hindi nila alam na nagpapanggap lang ako. Hindi ako `yong taong nakilala nila. Ibang-iba ako sa totoong ako. `Yong ako sa reyalidad,” pagpapatuloy ni Brixx. “Naging maloko ako, babaero, tarantado at pabaya sa pag-aaral. Wala, eh. Pakiramdam ko kasi wala naman akong future. Bakit pa ako magseseryoso, `di ba? Sabi nga ng asawa ni Dad, katulad ako ang mama ko—basura at walang kuwenta. Gano’n ang naging usual routine ko, Cha. Until I met you.”
Iniabot ni Brixx ang kamay ko at hinawakan iyon nang mahigpit.
“Nang nakilala kita, dapat gagamitin lang kita for my own benefits, Cha. Sabi ko kailangan kita para gr-um-aduate ako at magkaroon ng magandang trabaho. Para makaalis na ako sa impyernong pamilya na `yon. Para maibalik ko na lahat nang nagastos nila sa akin. Para naman maipakita ko sa kanila na may mararating ako. Ayon ang plano ko sana. Ang gamitin ka lang,” sabi niya. “Pero nagbago ang lahat ng plano ko along the way. When I met you, it felt like I was alive for the first time in forever. You taught me how to breathe, to smile, to laugh, to feel every emotion that I had long forgotten. Noong nakilala kita, para akong nabuhay uli, Cha. You taught me everything. You didn’t just teach me in my studies. You also taught me how to live. How to trust myself. `Yan kasi ang ginawa mo sa akin. Ikaw ang kauna-unahang naniwala sa kakayahan ko.”
Naramdaman ko nang tumutulo na rin ang mga luha ko ng dahil sa mga sinasabi ni Brixx sa akin. Ramdam na ramdam ko ang sinsiridad sa boses niya. Iyong pagsisisi niya—lahat-lahat.
“I didn’t know that I was already in love with you, Cha,” pagpapatuloy ni Brixx uli. “Until I fucked up everything. Naisip ko kasi noon na sobrang guilty na ako sa mga ginagawa ko. Sabi ko, kailangan ko nang putulin ang ugnayan natin. Ayoko nang lalo kang ma-attached sa akin. Wala akong maipagmamalaki sa `yo. Wala akong matinong pamilya. Wala akong kahit ano, Cha. Wala.”
“But you were enough for me back then, Brixx. You were more than enough for me.”
“I know. But you deserve more than I could offer, Cha.”
Ngumiti si Brixx kasabay nang pagtulo na rin ng luha niya. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak. It broke my heart once more. Seeing the guy I used to love crying in front of me.
“Bumalik ako sa pagiging tarantado, Cha. Sa dating ako bago kita makilala. Kailangan na kasi kitang alisin sa buhay ko noon—sa sistema ko. Palagi kasing bumabalik sa isip ko ang mga sinasabi nila na wala akong future. Magiging basura lang ako. Malas ang taong mamahalin ko. So I got back to my previous fucked-up life. `Yong tarantadong Brixx. Kaya kita sinaktan.” Napalunok si Brixx. “But when you left me, doon ko na-realize na hindi ko na kayang bumalik sa dating ako na wala ka. Hindi ko na kayang mabuhay na hindi kita nakikita. Everything about you became my everything, too, Cha. Until I realized one thing, I really loved you. Until now, I really love you so much it damn hurts.
“Hinahanap kita noon pero hindi kita nakita. Nagmakaawa ako sa mga kaibigan mo pero hindi rin nila alam kung nasaan ka. Sa dati mong tinirahan. Kay Dean. Sa lahat, Cha. Para lang makita uli kita. Pero ni isa, walang nakakaalam kung nasaan ka after mong mag-drop out,” nanginginig ang boses ni Brixx. “Sinubukan ko ring hanapin ka sa mga lugar na dati nating pinupuntahan. Nagbabakasali ako na makita uli kita doon. Sabi ko sa sarili ko, kapag nakita kita, sasabihin ko na ang lahat-lahat sa `yo. Ipapaalam ko sa `yo kung gaano kita kamahal. Kung gaano mo binago ang mundo ko. But… but I didn’t find you.
“Siguro mahigit isang buwan akong wasted and devastated. Nagpapabaya na naman ako sa pag-aaral ko. Ano pa bang point? Eh, wala na `yong kauna-unahang babae na minahal ko. Wala na `yong kauna-unahang babae na naniwala sa akin na puwede pa akong magbago,” sabi ni Brixx. “Hanggang sa pumasok sa isip ko `yong mga sinabi mo. Nasa bar ako noon nang maalala ko ang lahat ng mga sinabi mo sa akin. I cried that night in the bar. It was the moment I realized I was truly in love with you after you left me. Pinangako ko sa sarili ko no’n na babaguhin ko na ang sarili ko. Na aayusin ko na ang buhay ko. Para kapag muli tayong magkita, may maipagmamalaki na ako sa `yo. Na may maipagmamayabang na ako sa iba. Lahat ng ginawa kong pagbabago dahil sa `yo, Cha.
“I am like this because of you. You were my only light in the darkest part of my life.” Humigpit ang kamay niya sa akin. “Nangako rin ako sa sarili ko na once muli kitang makita, hindi na kita papakawalan pa. Na hindi ko na sasayangin ang chance na ito. Ipapakita at ipaparamdam ko sa `yo kung gaano kita kamahal. Kung gaano ka kahalaga sa akin. I know you deserve so much better than me, but I promise you this time, I’ll give you my everything just to get your heart back.”
Hinalikan ni Brixx ang kamay ko habang umiiyak. Hindi ako makapagsalita sa mga sinabi ni Brixx. It was too much to bear. His lines made me speechless.
Oh, God. Hindi ko inaasahan na ganito kalalim ang nangyari kay Brixx noon. Kumpara sa pinagdaanan ko, walang-wala iyon kumpara sa hirap ng pinagdaanan niya.
Hanggang sa naalala ko ang unang beses kaming nagkita after five years. Iyong time na ipinakilala siya sa office bilang newest member ng team namin.
Alam kong galit ako sa kanya noon. For the past five years, puro galit lang ang naramdaman ko sa kanya. For what I thought he did to me. For breaking my heart. I had gone hating him for the five years that have passed.
And yet, after five years, the moment I saw him again, I knew that all my hatred for him were just in vain.