noveltoon logo noveltoon
Stupidly In Love Again

Chapter 13

Ch. 14 / 22 May 18, 2024

Chapter 13

“BAKIT kasi kapag sumasapit ang Ber months, ang daming pera ng mga tao?” pagrereklamo na naman ni Mau. “Ang daming nagpapagawa ng mga bahay. Ang daming nagpapa-renovate ng business place nila. God, ang dami ko tuloy ginagawa. Malapit na talaga akong maloka sa kakaisip ng ideya.”

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi matawa sa mga pagrereklamo ni Mau sa buhay niya. Kung iyong iba, gustong-gusto ng maraming projects para continuous ang pasok ng blessing sa bank accounts, siya hindi. Puro siya reklamo lately dahil ang daming projects na ibinibigay sa kanya.

“Tapos `yong iba. Todo apura pa sa akin na ipakita ang design na ipinapagawa nila,” siya niya uli habang abala sa sketching ng latest niyang project. “Akala naman nila ang dali-dali lang mag-drawing. Ano’ng akala nila sa ating mga architect, magician? Na isang kumpas lang ng ball pen, instant idea na agad? Nakakaloka, ha!”

Hindi ko na napigilang tumawa dahil sa pagka-bad trip ni Mau.

“Intindihin mo na lang sila. Ikaw ang inire-request nila kasi alam nilang magaling ka,” pag-cheer up ko sa kanya. “Besides, alam nilang topnotcher ka kaya ikaw talaga ang gusto nilang kunin. Kumbaga, gusto nila `yong dekaledad na resulta.”

Napahampas si Mau sa mesa. “Girl, sana intindihin din nila na tao lang din ako. Na nagkakaroon ako ng mental block. Nauubusan din ako ng ideya. `Tapos gusto nila rush pa. At kapag hindi nagustuhan ang resulta nang pangra-rush nila sa akin, sila pa ang galit. Nakikipagplastikan na lang talaga ako sa kanila to be honest.”

Bumulong-bulong na naman si Mau ng kung ano-ano. Hindi na raw siya nakakatulog nang maayos lately dahil halos twenty hours siyang gising para lang tapusin ang mga kailangan niyang gawin. Ang haggard-haggard na raw niya. Paano pa naman daw niya makikita si Mr. Right kung ganoon?

“Anong haggard ka diyan? Sino’ng nagsabi? Hindi kaya!”

Binalingan ako ni Mau. “Huwag mo `kong pinaglololoko, Charry Pineda. Parehas nating alam na haggard ako lately.” Dinampot niya ang maliit na salamin. “Look! `Yong wrinkles ko.” Itinuro niya ang noo niya. “`Tapos `tong mga eyebags ko nagmumura na sa sobrang laki. Parang everytime na tinitingnan ko sila sa salamin ang sinasabi nila ‘ano na, gaga ka?’ ako naman itong sasagutin sila ng ‘gaga ka rin.’”

Narinig naming tumawa sina Aila at Carla na nasa kabilang table lang.

“Ang benta talaga ni Mau kahit kailan!” sabi ni Aila. “Nakakawala ng stress `tong si Mau grabe!”

“True! Hindi talaga buo ang araw ko kapag hindi ko naririnig ang mga hirit ni Mau,” sabi naman ni Carla.

“Heh! Mga babaeng aso na `to. Huwag nga kayong makisali! Ginagawa n’yo pa akong clown.” Inirapan ni Mau ang dalawa kaya lalo lang silang tumawa.

Hinawakan ko si Mau sa balikat. “Trust me, `te. Kahit ikaw pa ang pinaka-haggard na babae sa buong mundo, kapag oras na makilala mo si Mr. Right mo, hindi niya mapapansin ang haggard mong mukha. He will look at you as if you are the most fascinating view in the world. He will look at you as if you are the most beautiful girl in the universe.”

Napasimangot si Mau. “Tse! Sinasabi mo lang `yan kasi in love na in love ka lately.”

“What? In love na in love ka diyan!” angal ko. “Hindi kaya!”

“Aysus, nag-deny na naman ang in denial queen,” sabat ni Carla. “Cha, pansin na pansin na naming lahat. Huwag mo nang itanggi. Kita na namin na may pagtingin ka rin kay Brixx.”

“Oo nga,” sabi ni Aila naman. “Kung makatingin kayo sa isa’t isa, parang kayo lang ang tao sa mundo, eh. `Yong tipong hindi n’yo na napapansin ang mga tao sa paligid n’yo. Abala na kasi kayo sa existence ng bawat isa.”

“Walang ganyan mga `te! Nakakaloka kayo!”

“Katulad kahapon,” sabi ni Mau. “Badtrip ka kahapon, `di ba? Pero nang tinawagan ka ni Brixx, halos mapunit na ang labi mo sa kakangiti.” Kinurot ako ni Mau sa tagiliran. “ Talandi ka!”

“Napangiti ako hindi dahil sa kanya!” sabi ko. “`Yong joke niya kasi ang benta.”

May tinanong kasi kahapon sa akin si Brixx about sa project namin. At out of the blue bigla niya akong tinanong na ano raw huling sinabi ni Rizal bago ito binaril—sabi ko hindi ko alam. Then ang sabi niya, pak ganern daw. Iyon daw ang huling sinabi ni Rizal kaya tawang-tawa ko dahil na-imagine ko.

“Alam natin pare-parehas na guwapo si Brixx pero dry ang humor niya.” Si Mau na naman. “Pero nang mag -joke lang siya sa `yo tawa ka nang tawa. Hindi ka naging masaya nang dahil sa joke niya, Cha. Naging masaya ka dahil nakausap mo siya at narinig mo ang boses niya. That’s what love does to people when they’re in love. They become happy just talking to the people they love.”

“Sinagot mo na ba siya?” usisa ni Carla.

I shook my head. “Not yet,” sabi ko. “Para kasing masyado pang maaga.”

“Girl, hindi naman panliligaw ang pinapatagal. Ang relasyon dapat,” sabi naman ni Aila.

Alam na nilang nanliligaw sa akin si Brixx dahil noong nag-usap kami sa school at nagkaliwanagan tungkol sa nangyari sa amin noon, one week after that, Brixx announced that he would court me.

Sinabi sa harap mismo ni Brixx sa office na liligawan daw niya ako. Hindi raw siya nagpapaalam o humihingi ng approval dahil raw kahit umangal sila, tuloy daw ang panliligaw niya sa akin. Sinasabi lang daw niya iyon para aware raw ang mga katrabaho namin sa mga gagawin ni Brixx if ever.

Siyempre, nagulat silang lahat sa pasabog ni Brixx. Kahit ako, hindi ko alam ang isasagot sa kanya noon. Napatitig lang ako sa kanya at ngisi lang ang iginanti niya sa akin at biglang nagtilian sina Carla at Aila. Confirm daw—alam naman daw nila na may gusto sa akin si Brixx dahil ibang-iba raw ito kung tumingin sa akin simula nang una niyang pasok sa amin. May sparks and hearts daw ang mga mata ni Brixx sabi pa ni Carla.

Si Mau naman hindi nagulat. Nginisian lang ako ni Gaga. Wala naman siyang sinabi kundi nag-thumbs up lang siya. Sa kanya ko lang din ikinuwento ang totoong nangyari about sa amin ni Brixx. Lahat-lahat nang pinag-usapan namin ni Brixx sa school. Ang sabi ni Mau, alam naman daw niya iyon. Alam niyang hindi lang daw ako ex-schoolmate ni Brixx. Alam din daw niyang sarili ko ang tinutukoy ko sa kuwento ko sa kanya dati.

Hinintay lang daw ni Mau na mag-open up ako sa kanya and she was glad that I did that. Suportado raw niya si Brixx sa pag-pursue nito sa akin dahil halatang-halata raw kay Brixx na mahal na mahal pa rin daw ako. Sabi pa niya, huwag ko raw sayangin iyong chance dahil limang taon daw naming naiwala ang isa’t isa at hindi lahat ng tulad namin, nabibigyan ng pagkakataon na muling mahanap ang bawat isa.

“Eh, doon din naman mapupunta `yang panliligaw ni Brixx, `di ba? Might as well, sagutin mo na habang maaga pa,” sabi uli ni Carla. “Kasi kung gabi na...”

“Tulog na si Brixx,” pagsingit naman ni Aila. Saka silang dalawa nag-apiran mula sa kabilang table.

“OMG! Aila, ang funny natin sa part na `yon!” tugon ni Carla kay Aila.

“True, `te. May funny side pala tayo, `no?” tuwang-tuwa naman na sabi ni Aila kay Carla.

“Ang mga aso, sinuportahan ang sariling joke,” sabi naman ni Mau.

“Ikaw, `te—aso na naging tawag mo sa amin!” pagkakareklamo ni Aila.

“Oo nga! Hindi naman kami mga aso. Ang ganda-ganda namin ni Aila,” sabi ni naman ni Carla.

Nilingon silang dalawa ni Mau. “May tanong ako. For example, may nanligaw sa inyong artista na sobrang guwapo tapos handa siyang iwan ang showbiz para lang sa inyo. Anong magiging reaction n’yo?”

“Aww,” sabay na sagot nina Aila at Carla.

Tumingin sa akin si Mau. “See? Napa-aww-aww na naman ang mga gaga. Mga aso talaga.”

Tawa na naman ako nang tawa sa kanilang tatlo. Hindi talaga nabubuo ang office day namin hanggang walang asaran na nagaganap. Ito ang masarap sa trabaho, iyong napakasaya ng work surroundings mo. Kahit stress ka sa ginagawa mo, hindi naman nakaka-stress iyong mga kasama mo.

Pinagpatuloy ko ang drawing na ginagawa ko nang bigla akong tinawag ni Carla. Nandoon siya sa may pintuan ng office. Mukhang may kausap.

“Bakit?” nagtataka kong tanong.

“May delivery uli sa `yo,” nakangising sabi ni Carla.

“Again?” tanong ko, saka tumayo at lumapit sa pintuan ng office.

Hinayaan na ako ni Carla sa pintuan dahil bumalik na siya sa table niya. Pagtingin ko sa sinabi niyang delivery, isang bouquet naman iyon ng mga tulips na kulay pink. I received it and signed the receiving form.

God, seryoso pala talaga si Brixx sa sinabi niya nang nakaraan. Isang linggo raw niya akong bibigyan ng mga regalo as a one week gifts ko sa birthday ko. Pang-anim na regalo na niya ito ngayong linggo. Noong una, isang malaking teddy bear na nahirapan pa akong iuwi dahil hindi kasya sa sasakyan ko. Then, isang gold necklace na puso na may wings ang design. He said puso raw niya iyon at palaging lilipad kung saan ako mapunta.

After that, isang Harry Potter wand na gawa sa silver. Pure silver talaga iyon kaya sobrang bigat. Iyon daw sana ang unang ibibigay ni Brixx sa akin kaso natagalan dahil pinasadya pa raw niya iyon. Alam daw kasi niya kung gaano ako ka-die hard fan ng Harry Potter dahil noong college kami, ilang beses kong naikuwento sa kanya na ilang beses kong binasa ang buong book series at pinanood ang movie series nito.

Pagkatapos, isang mamahalin na artwork ng paborito kong painter ang sunod na ibinigay ni Brixx. Naiyak pa ako nang ibinigay niya sa `kin iyon noong nasa condo kami. That was too much. Very rare kasi iyon at mahirap hanapin pagkatapos nakuha niya. Hindi naman daw nahirapan si Brixx dahil tinulungan siya ng kaibigan niya na mabili iyon.

Iyong panglimang gift naman niya, signed poster ng KathNiel. He knew how much I was a fan of those two. Nakita niya kasi iyong mga KathNiel magazines na collections ko sa sala. Pero hindi ko inaakalang makakakuha siya ng signed poster ng dalawang iyon with matching birthday greetings pa na nasa CD with autographs also.

Ngayong itong bouquet naman ng tulips. Alam kong naalala rin niya iyon dahil nasabi ko sa kanya noong college kami, na kapag makakatanggap ako ng flowers, gusto ko tulips. Iba kasi kapag tulips unlike sa mga typical na flowers lang. Tulips signified a declaration of love. Kaya iba kapag tulips ang ibinigay sa akin. Then, iyon nga ang bulaklak na ibinigay ni Brixx. Ugh. Why are you like that?

“Kanino galing?” tanong ni Aila nang naglakad na ako pabalik.

“Gaga, girl.” Si Carla naman. “Anong kanino galing? Malamang kay Brixx!”

“Charot lang,” sabi ni Aila. “Gusto ko kasi na si Charry ang magbanggit ng name ni Brixx para kiligin siya.”

“Naku, hindi na kailangang banggitin ni Charry ang name ni Brixx,” pagsingit ni Mau. “Kasi ngayon pa lang, sigurado na akong kilig pems na sagad si Ate Girl.”

“Ugh! Huwag nga kayo!” sagot ko sa kanila. “Hindi ako kinikilig!”

“Huwag nga kayo,” panggagaya sa akin ni Mau. “Akala mo thirteen years old kung kiligin, eh.”

“Hindi raw kinikilig pero `yong labi niya, mapupunit na sa kakangiti.” Si Carla naman.

I tried to stop myself from smiling pero hindi ko kaya. Ibinaon ko na lang ang mukha ko sa hawak kong bouquet ng tulips dahil nahihiya na akong ipakita kina Mau kung gaano ako ka kinikilig ngayon.

Brixx, kasalanan mo`to. Pinapakilig mo na naman ako na parang teenager. My God!

Napatigil lang kami sa pag-uusap nang bigla kaming makarinig ng nagdabog.

“Makaalis na nga!” sigaw ni Andrea. “Hindi na ako makapagtrabaho dahil sa ingay ng paligid.”

Tumaas ang kilay ni Mau. “As if naman nagtatrabaho ka,” sagot niya. “Eh, mas madalas ka pang lumandi kaysa magtrabaho, eh. Wala kang maloloko rito, ate girl.”

Kinuha ni Andrea ang bag niya. “Wala akong naririnig. Nye, nye, nye.”

“Tama `yan,” sabi ni Mau. “Wala kang naririnig kasi wala ka namang friends.”

“Ughhh! I hate you!” sabat ni Andrea, saka nagdabog palabas ng office.

“She hates me raw?” tanong ni Mau. “Akala naman niya, I like her. Duh!”

Saka uli kami nagtawanan dahil muling nagwagi si Mau laban kay Andrea.

“Ang hater talaga n’on ever since,” nakasimangot na sabi ni Carla. “Mula pa nang sabihin ni Brixx na manliligaw siya kay Cha, palaging ang sama-sama ng tingin kay Cha.”

Tumawa si Aila. “Gano’n talaga. Natalo kasi ni Cha si Andrea. Imagine, halos ipakita ni Andrea ang dyoga niya kay Brixx pero hindi siya pinansin ni Brixx,” sabi pa niya. “Isa lang `yang patunay na hindi palaging nagwawagi ang mga malalandi. Hindi palaging daig ng malalandi ang magaganda.”

“Loyal lang talaga si Brixx,” sabi naman ni Mau.

“Awww,” sabay na naman na sagot nina Aila at Carla.

Kumunot ang noo ni Mau. “Ayan na naman kayo sa kaka-aww n’yo. Mga aso talaga.”

Inasar-asar nila si Mau dahil puro aww-aww ang mga sinagot nila kay Mau.

Muli akong bumalik sa inuupuan ko, hindi ko pa nalalapag ang bouquet nang biglang tumunog ang cell phone ko. Brixx’s name flashed on the screen. Automatic na naman akong napangiti.

“Ssshh. Huwag na kayong maingay,” sigaw ni Mau. “Tumatawag na si Loverboy kay Lovergirl.”

Saka sila nagtilian nang dahil doon. Para talagang mga baliw. Ha-ha!

“Hello?” nahihiya kong sabi.

“Did you like it?” tanong ni Brixx. Medyo maingay sa background niya dahil nga nasa site siya.

“Yes,” I confessed. “Pero hindi mo na kailangan gawin ang one week gifts na sinasabi mo. Pagod ka na nga, `tapos dumadagdag pa ako sa pagod mo,” I said honestly.

Ayoko na naman kasing makadagdag pa sa pagod ni Brixx dahil sa workload niya ngayon. Kagabi hindi na siya nakatawag sa akin dahil sa sobra niyang pagod. Masyado talaga siyang hands on sa work niya. No wonder kaya in demand engineer si Brixx, aside sa naging topnotcher siya, talagang seryoso siya.

“You know, Cha,” sabi niya. “ I’m always tired these days but never of you.”

And his answer made me melt… again .

Napasulyap ako kina Mau at kitang-kita ko ang pagngisi nila. I rolled my eyes. Mabilis lang kaming nag-usap ni Brixx dahil busy kami parehas. Sabi pa niya see you tomorrow dahil may date kami bukas as my birthday celebration. Kaming dalawa lang muna dahil alam kong gusto ni Brixx iyon. Okay lang naman kina Mau at sa susunod na lang daw since marami rin daw silang gagawin.

Sabi pa ni Brixx na nawala na raw ang pagod niya dahil nakausap na niya ako. Sabi ko sa kanya ang baliw niya at tinawanan lang niya ako. Iyong tawa niya, ang sarap sa tainga. Bigla tuloy akong nagkaroon ng urge na gustong makita si Brixx. Kalma, self. Makikita mo siya bukas. Huwag masyadong atat.

Maaga akong nag-out dahil magkikita kami ng Wondergirls sa isang restaurant na pag-aari nina Ciara. Celebration daw ng birthday ko para bukas. Alam nilang hindi ako puwede bukas so they decided na ngayon na lang ganapin. Treat daw nila kaya huwag daw ako umangal so I agreed.

Two years na ang business nina Ciara at Jeremy ang Ciara’s Restaurant. Ipinangalan ni Jeremy ang business nila kay Ciara dahil daw siya mismo ang inspiration ni Jeremy para dito. Masarap ang mga pagkain kahit na medyo mahal pero worth it naman. Kilig na kilig si Ciara habang ikinukuwento sa amin iyon.

Nang dumating ako roon, nandoon na agad silang tatlo. Nakahanda na rin ang mga pagkain na bagong luto. May cake pa roon na dala nina Glenna at Aireen. Happy eighteenth birthday ang nakalagay so I giggled. eighteenth birthday daw ang ipinalagay nila dahil hindi naman ako mukhang twenty seven na. Galing mambola ng mga girls ko.

I thanked them, saka kami kumain at nagkuwentuhan. It was so amazing. Para kaming bumalik sa college days namin kung saan kami-kami rin ang nagse-celebrate sa tuwing may birthday ang isa. Ang pinagkaiba na lang ngayon, may kanya-kanya na silang pamilya at kasal na.

Noon napag-usapan namin na ako siguro ang mahuhuling mag-asawa. Ako kasi iyong pinakawalang dating noon. At totoo nga, ako nga ang pinakahuli dahil silang tatlo, may sarili nang pamilya.

But hey, at least, hindi na ako katulad noong college kami na may suot na malaking salamin at manang kung pumorma. Marunong na akong ngayon mag-ayos. But then again, I was still single. Sucks!

After namin kumain, binigay na nila ang mga regalo nila sa akin. Sabi ko, hindi na kailangan gawin iyon dahil enough na iyong birthday treat nila sa akin. Pero they insisted. Kulang pa nga raw iyon dahil ilang birthdays ko na raw ang nakaligtaan nila. Sa condo ko na lang daw buksan ang mga regalo nila.

“Ay girls, maiba ako,” sabi ni Glenna kaya napatingin kami sa kanya. “Remember `yong kinuwento ko sa inyo no’ng kasal ni Ciara—`yong may anak na si Ivy?”

“Oo, anong meron?” tanong ni Aireen. “Hindi naman namin maalala kung sino siya.”

“Iyon nga.” Inilabas ni Glenna ang cell phone niya. “Nakasalubong ko sila sa grocery store last time. Nakuhanan ko siya ng picture para maipakita ko sa inyo.”

“Jusko , Glen, ang creepy mo!” sabi ni Ciara. “Invasion of privacy `yan!”

Glenna rolled her eyes. “I didn’t invade her privacy. Picture lang `to, hello!” sabi niya. “Look, baka maalala n’yo siya kapag nakita n’yo. Ito s’ya `tapos anak niya `yang kasama niya. Then, yaya `ata ng anak niya `yong isa.”

Tiningnan ko ang cell phone ni Glenna. May nakita akong isang napakagandang babae roon na nasa grocery store nga at may kasamang bata at isang matanda na halata ngang yaya ng bata. Ang ganda-ganda ng babae. Nang mapatitig ako sa kanya, naalala ko siya. Siya iyong kasama ni Brixx sa condo noon.

“OMG! Naaalala ko na siya,” sabi ni Aireen. “Siya si Ate Girl na ang ikli-ikli kung manamit noon, right? `Yong kaunting yuko lang, makikita na ang kuyukot.”

“Right!” sang-ayon ni Ciara. “`Yong palaging nakadikit kay Brixx dati!”

Hindi ako nakaimik sa mga sinabi nila dahil sa alaalang bumalik sa isip ko. Hindi ako maaaring magkamali, siya ang babaeng kasama ni Brixx sa condo noon at palaging nakakasama ni Brixx noong college nang magsimula na siyang maging cold sa akin.

“May picture ka ba no’ng bata? I wanna see. Ang labo kasi rito,” sabi ni Aireen.

“Ako pa ba? Siyempre nakuhanan ko rin ng picture `yong anak niya,” sabi ni Glenna, saka ipinakita sa amin ang isa pang picture. “Look, `di ba? Ang gandang bata. Good combination. Sino kaya ang tatay n’yan?”

“Mukhang guwapo ang nabingwit ni Ate Girl!” sabi naman ni Ciara. “Hindi na nakakapagtaka `yon since pretty girl naman si Ate Girl noong college tayo, `di ba? Masyado lang revealing ang clothes na isinusuot niya.”

Nakatitig pa rin ako sa picture ng anak ni Ivy at sobrang ganda nga nito. Pero parang nakaramdam ako ng kakaiba. Para kasing nakita ko na ang bata na ito o parang may kamukha siya. Hindi ko lang maalala kung sino sa mga kakilala ko. O, baka sa tingin ko lang? Nonetheless, ang ganda ng anak ni Ivy.

Natapos kami sa pre-birthday celebration ko ng bandang alas-nuwebe na ng gabi. Masyadong tumagal sa chikahan dahil ang dami naming napag-usapan. Inasar pa nila ako na sagutin na si Brixx dahil tumawag na naman si Brixx habang nag-uusap kami. Ngayon, suportado na raw nila ako kay Brixx.

Nang makauwi ako sa unit ko, binuksan ko na ang mga paper bag na regalo sa akin ng Wondergirls. Halos tumatawa akong mag-isa nang makita ko ang mga iyon dahil puro sila kalokohan. Pare-parehas na bra at panty na magkakaiba lang ang design at color na galing Victoria Secret ang regalo nila.

May note pa sila na, ‘Suotin mo `to bukas. In case, alam mo na. :D’ That made me laugh even more. Napailing-iling ako habang binabalik sa paper bag ang mga regalo nila. Mga baliw talaga sila kahit kailan.

Naglinis muna ako ng katawan at humiga sa kama agad. Saka may tumawag sa akin. Akala ko si Brixx na pero sina Mama lang pala. Tumawag na raw sila dahil alam nilang bukas daw, busy na ako para sa birthday ko at ayaw daw nila akong istorbuhin. It was just a quick call dahil nasa trabaho sila parehas. I thanked them and said I missed them, too. Sabi ko sana sa Christmas makauwi ako ng Canada.

Nakatulog ako after that at nagising na lang nang marinig ko na naman ang cell phone ko na tumutunog. Antok na antok akong kinuha ito at sinagot.

“Uhm…”

“Cha,” narinig ko ang boses ni Brixx kaya biglang nawala ang antok ko. “Happy Birthday.”

Napatingin ako sa orasan na nasa tapat ko and it says twelve in the morning. Birthday ko na nga.

I smiled. “`Saktong-sakto, ha. Thank you.”

“No,” sabi niya. “I should be the one who says thank you to you.”

“Ha? Bakit naman?” Umupo ako sa kama.

“Because if you weren’t born, I wouldn’t have the chance to meet you. Kung hindi kita nakilala, malamang, hindi ako magbabago. For sure, I was still lost. Walang patutunguhan sa buhay. Or worse, baka matagal ko nang tinapos ang buhay ko,” marahan niyang pagsasalita. “So, thank you, Cha. Thank you for being born in this world. Thank you for giving me inspirations in life, for reasons to survive, for believing that I could still change for the better, for being my compass when I was lost. And…”

Napahinto si Brixx sa sinasabi niya kasabay nang may umilaw sa kalangitan. Bigla akong napatingin sa bintana ng kuwarto ko nang makita ko ang langit na umiilaw nang dahil sa iba’t ibang fireworks.

Tumayo ako at dumungaw sa bintana para makita ko nang maigi ang mga fireworks.

“And thank you for being my fireworks,” muli niyang pagsasalita. “For giving my darkest sky different colorful lights, Cha. Thank you… Thank you.”

Naramdaman ko na naman ang mga maiinit na luha na lumabas sa mga mata ko. Hindi ko inaasahan ang mga sinabi ni Brixx sa akin. It was so really overwhelming. Masyado akong naging malaking parte ng buhay niya. Nang dahil sa akin, parang sinasabi niya na malaki ang ipinagbago ng pagkatao niya.

“Thank you, Brixx. This is so wonderful.”

“Not as wonderful as you, Cha,” sabi niya. “Don’t cry.”

“Eh, pinapaiyak mo ako, eh. ‘Can’t help myself,” sabi ko. “So, these fireworks are my seventh birthday gift?”

“No,” sabi niya. “But those fireworks are for you, too.”

“Weh? Impossible!” sabi ko. “Where are you right now?”

He laughed. “ Cha, nothing is impossible when you’re in love,” sabi ni Brixx. “It doesn’t matter where I am. I’m always yours.”

Saka na naman ako napangiti nang dahil doon.

I had finally decided, bukas ko na ibibigay ang sagot na matagal nang hinihintay ni Brixx.

KINABUKASAN, late na ako nagising dahil alas-tres na kami natapos ni Brixx sa pag-uusap sa phone. Napag-usapan namin kung saan kami magkikita. Doon raw sa isang restaurant na may lake sa likuran. He said the name at kung paano pumunta doon. Hindi naman daw iyon kalayuan.

Ang daming birthday greetings sa akin na dumating. Text, calls, and emails. Iyong ibang naging clients ko dati nagpadala ng iba’t ibang flowers and gifts. Halos mapuno tuloy ang sala ng unit ko nang dahil doon.

Nothing unusual ang nangyari sa akin habang nagpapalipas ako ng oras. Alas-sais na ng gabi nang magsimula akong mag-ayos dahil alas-siyete ang usapan namin ni Brixx. Nagsuot ako ng white dress at nag-apply ng light makeup. Isinuot ko rin iyong gold necklace na ibinigay sa akin ni Brixx.

Alas-sais y medya na nang makasakay ako ng taxi papunta sa place na pinag-usapan namin ni Brixx. I didn’t bring my car dahil sinabi ni Brixx na sabay naman daw kaming uuwi. Okay na rin iyon dahil hindi ko feel magmaneho ngayon. Ewan ko ba kung bakit. Nae-excite ako na ewan.

Habang nakasakay sa taxi, pinaghalong kaba at sabik ang naramdaman ko. Halos bumaliktad ang sikmura ko sa sobrang tense and all. Kinakabahan kasi ako sa maaaring maging reaction ni Brixx once sabihin ko sa kanyang sinasagot ko na siya. I giggled when I imagined him. Siguro mapapatalon siya sa sobrang tuwa?

Eksaktong alas-siyete nang dumating ako sa restaurant na sinasabi ni Brixx. Pumasok ako sa loob pero walang kahit ni isang customer. Tanging nasa gitnang table lang din ang nakaayos. May sumalubong sa akin na isang waiter at sinabi niyang pumunta raw ako sa likuran ng restaurant. Nandoon na raw si Brixx kanina pa.

Itinuro sa akin ng waiter ang way kung nasaan si Brixx. Pagdating ko sa likuran, wala naman siya. Hindi naman nakakatakot maglakad dahil may mga ilaw. Hindi ko lang makita nang maayos ang lake dahil doong part ang sobrang dilim. Wala akong makitang kahit ano.

Out of nowhere, biglang namatay ang lahat ng ilaw. Matatakot na sana ako nang biglang may umilaw sa likuran ko at may magsalita. When I looked behind me, I saw Brixx. He was holding two sky lanterns.

He was wearing a black suit, puting panloob, faded jeans and black shoes. He was so dazzling in his getup. Lalo pa siyang naging guwapo nang dahil sa hawak niyang sky lantern. I didn’t know why pero ganoon ang naramdaman ko.

“Five years ago, ever since you left me, I vowed to myself that every birthday mo, gagawin ko `to.”

Kumunot ang noo ko. “Gagawin ang alin?”

“Ito,” sabi niya. “Itong magpapalipad ng sky lantern sa langit. Very Tangled -ish, right?” He shrugged and laughed. Lumapit si Brixx sa tabi ko. “Naalala ko noon sa Tangled. Palaging nagpapalipad ng mga ganito ang mga magulang ni Rapunzel. Mula nang mawala si Rapunzel, ginagawa na nila ito every birthday niya `ata or what. Nagpapalipad sila ng mga ganito dahil umaasa sila na makikita ito ni Rapunzel at babalik ito sa kanila.”

Hindi nakatingin si Brixx sa akin. Naka-fixed lang ang mga mata niya sa dalawang sky lantern na hawak niya.

“Kaya naisip ko noon, what if gawin ko rin ang ginawa nila? Na every birthday mo, magpapalipad ako ng ganito,” muli niyang pagsasalita. “Babalik ka rin kaya sa akin? Muli kaya kitang makikita? Parang tanga lang, `di ba? Umaasa ako na mangyayari sa akin `yong napanood kong Disney movie. Pero kahit na parang tanga `yong naisip ko, I still did it anyway. Wala, eh. Wala na akong ibang alam na gagawin para lang makita kita. So, sabi ko sa sarili ko, sana… sana isang araw, makita uli kita at dalawa na tayong magpapalipad ng mga `to.”

Tumingin si Brixx sa akin. “For the past five years, ito ang ginagawa ko. Nakakalungkot lang na magpalipad ng mga sky lantern mag-isa. Pero umasa ako dati… umasa ako sa isang bagay na hindi ko sigurado kung matutupad ba o hindi. Umasa ako na muli kitang matatagpuan.” He smiled. “And my dream didn’t fail me.”

Iniabot sa akin ni Brixx ang isang sky lantern. I took it, saka pinakawalan iyon sa ere kasabay ng pagpapakawala ni Brixx sa hawak niya. Then, out of the blue, biglang unti-unting nagliwanag ang lake. Saka ko nakita na may malaking bangka pala doon at sobrang daming sky lantern. Unti-unti iyong pinapakawalan sa ere ng apat o limang tao na nandoon sa bangka.

“Wow!!” Napatakip ako ng bibig nang dahil sa sobrang amazed.

Ang gandang pagmasdan ng mga sky lantern sa madilim na langit. Para itong mga bituin na sobrang lapit lang at kayang-kayang makuha. Napuno ng ilaw nang dahil sa mga sky lantern na lumilipad ang madilim na lake kanina. Saka ko gulat na nilingon si Brixx.

“Brixx!!” napataas ang boses ko. “This is so beautiful!!”

Nakatitig si Brixx sa akin na para bang isa akong artwork. Nakangiti siya habang pinagmamasdan niya kung gaano ako kasaya sa mga nakikita kong lanterns na lumilipad.

“So are you, Cha,” sabi niya, saka hinawakan ang kamay ko. “You came back. You’re finally back in my life.”

Napangiti ako kasabay ng mga luha na naipon na naman sa gilid ng mga mata ko.

“Brixx,” sabi ko habang nanginginig ang boses ko. “I’m back. I’m finally back.”

Huminga ako nang malalim. Kumukuha ako ng lakas para sa susunod kong mga sasabihin. I know, matagal na itong gusto marinig ni Brixx. I tried rehearsing earlier. Kung anong mga salita ang sasabihin ko sa kanya. But I didn’t come up with any. I guess, sasabihin ko na lang sa kanya kung ano ang nilalaman ng puso ko. Mas magandang sabihin ang nilalaman ng puso kaysa ang nilalaman ng isip.

“Brixx, listen,” sabi ko. “Minsan ko lang sasabihin `to—”

Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil biglang nag-ring ang cell phone ni Brixx. Parehas kaming natawa.

“Shit! I forgot to turn off my phone,” sabi niya, saka kinuha ang cell phone niya. Pagtingin ni Brixx sa screen ng phone niya, biglang nawala ang ngiti niya. Saka niya iyon natatarantang sinagot na akala mo nakadepende sa tawag na iyon ang buhay niya.

“Hello? Ano’ng nangyari?” tanong ni Brixx sa kabilang linya. “Shit. Nasaan siya? What? Pauwi pa lang? Okay, okay. Papunta na ako diyan. Anong room n’yo? Okay. Mabilis lang ako.” Then he ended the call.

Namutla si Brixx nang dahil sa tawag na iyon kaya bigla akong kinabahan.

Hinawakan ko siya sa braso niya. “Ano’ng nangyari?”

“Ikukuwento ko na lang sa `yo mamaya. Let’s go. Kailangan ko nang umalis.”

Saka na naunang tumakbo si Brixx na hindi niya ako hinihintay. Nagmamadali talaga siya at parang gusto agad makarating sa lugar na kailangan niyang puntahan ngayon. Kahit naguguluhan ako sa nangyayari, wala na akong ibang choice kundi sundan si Brixx. Kahit naka-heels ako at nagkanda-talisod na sa pagtakbo, hindi ako huminto hanggang makarating ako sa kotse ni Brixx.

Walang nagsasalita sa amin ni Brixx habang bumibiyahe kaming dalawa. Kitang-kita ko ang pagkataranta niya habang nagmamaneho. Medyo nanginginig ang mga kamay niya kaya hinawakan ko iyon.

“Hindi ko alam kung ano’ng nangyayari but everything will be okay,” marahan kong sabi.

Tumingin si Brixx sa akin then he gave me a dry smile. “Yeah… I hope.”

Masyadong mabilis magpatakbo si Brixx at nakailang overtake pa siya. Todo kapit tuloy ako sa inuupuan ko dahil kinakabahan ako kung paano siya magmaneho. Hanggang sa huminto si Brixx sa isang private hospital. Agad siyang nag-park at bumaba. Sumunod na lang ako sa kanya.

Halos tumakbo si Brixx papasok sa loob at sobrang bilis niya. Pumunta siya sa may nurse’s station para magtanong at muli siyang tumakbo. Mabuti na lang narinig ko kung anong room number ang sinabi ng nurse kaya kahit nawala siya sa paningin ko, nakasunod ako sa kanya.

Nang makarating ako sa room na pinasukan ni Brixx, bahagya iyong nakabukas. Hindi ko alam kung papasok din ba ako o ano. Bigla akong nakarinig ng pag-iyak ng bata at si Brixx naman ang nagpapatahan.

“Ssssh… It’s okay, baby. `Andito na si Daddy,” alo ni Brixx. “`Andito na si Daddy, baby. Hindi ako aalis. Okay lang `yan, baby. Hindi ka nila sasaktan. Papagalingin ka ng mga nurse.”

Kinabahan ako sa narinig. Halos umikot ang buong mundo ko sa narinig kong sinabi ni Brixx. Hinawakan ko ang pinto ng kuwarto at binuksan ko iyon.

Lalong kumabog ang dibdib ko nang makita ko si Brixx na may yakap-yakap na batang babae na sa tingin ko nasa dalawa o tatlong taong gulang. Hindi nakatingin sa akin si Brixx dahil abala siya sa pagpapatahan sa batang tinatawag niyang baby. Nang makita ko ang mukha ng bata, parang tumigil ang mundo ko sa pag-ikot.

Ang batang pinapatahan ni Brixx sa pag-iyak. Ang batang… anak ni Ivy.

Ibig sabihin… si Brixx ang ama ng anak ni Ivy.

Which meant, Brixx had already a daughter. And with that, I didn’t know what to feel anymore. It was as if everything was back to the beginning.

Where Brixx hid everything from me.