Chapter 20
Brixx HARRIS
I HAD a lonely childhood and I was an illegitimate child.
Bata pa lang ako noon pero alam ko na ang malas na sitwasyon na kinaiipitan namin ni Mama. Anak ako sa labas kaya namulat ako sa mundo na walang ama na magtuturo sa akin ng kung ano-ano na dapat kong matutunan habang lumalaki. Si Mama lang ang kasama ko sa buhay at nagpapakahirap para maiahon ako sa araw-araw. She had two jobs everyday. Naglalaba sa mga kapitbahay at naglalako naman ng tinapa sa buong baranggay tuwing hapon. Araw-araw ganoon ang ginagawa niya para lang kumita ng pera.
Naalala ko noon na sinabi ko kay Mama na titigil na lang ako sa pag-aaral para matulungan ko siya. She had said, hindi puwede. Kailangan ko raw makapagtapos ng pag-aaral dahil mahirap daw mabuhay sa mundo na walang diploma na maipapakita kapag magtatrabaho na. Ayaw daw niya akong matulad sa kanya na tanging paglalaba sa kapitbahay at pagtitinda ng tinapa ang kayang ibuhay sa anak.
Tinanong din niya ako kung ano raw ang pangarap ko sa buhay. Again, I laughed at her. Sabi ko kay Mama, kailangan ko ba niyon? Kailangan ko bang mangarap, pangmayayaman lang iyon. Hindi iyon puwede sa amin at lalong-lalo na sa akin dahil mahirap lang kami. Ayokong paasahin ang sarili ko sa isang bagay na alam ko namang hindi ko makukuha. May limitasyon ang pangarap at nililimitahan nito ang mga mahihirap na tao. Kapag nangarap ka, kailangan mo ng pera para makuha iyon. We didn’t have money back then. So, sabi ko sa kanya, wala akong pangarap. I didn’t have any. Ayokong paasahin ang sarili ko.
Ang isinagot sa akin ni Mama noon, mas may karapatan daw akong mangarap dahil mahirap lang kami. I should work hard to reach my goal. Lahat daw nang paghihirapan ko, may magandang kapalit sa dulo. Then, sinabi rin niya ang pangarap niya para sa akin. Ang pangarap ni Mama sa akin na kapag naalala ko dati, tinatawanan ko lang. Pakiramdam ko kasi walang tao na darating sa buhay ko para baguhin ako.
“Alam mo, anak, Brixx, pangarap ko sa `yo sa hinaharap na makakita ka ng babaeng mamahalin mo nang lubos. `Yong babaeng makakasama mo sa pagbuo ng pangarap mo. `Yong babaeng matatawag mong iyo. `Yong makakasama mo habang buhay at magbibigay sa `yo ng isang masaya at kumpletong pamilya na hindi ko naibigay. At, if ever na wala na ako sa mundong ito kapag nakilala mo ang babaeng sinasabi ko sa `yo, dalhin mo siya kung saan ako nakalibing at ipakilala mo sa akin. Gusto kong makita ka na masaya sa babaeng pinili mo, anak. Gusto kong makita na natupad na ang pangarap ko para sa `yo.”
Iyon na lang ang natatandaan ko sa usapan namin ni Mama na hinding-hindi ko makakalimutan. Tinawanan ko pa nga siya noon dahil nga sobrang bata ko pa para sabihin niya sa akin. Naisip ko noon na bakit kaya ganoon ang mga sinasabi ni Mama? Para na siyang nagbibilin. Parang namamaalam.
And I was right. Before I reached high school, she passed away unepexctedly.
May malala na palang sakit si Mama na hindi ko alam dahil hindi niya sinasabi sa akin. Ibinurol si Mama sa maliit naming bahay sa tulong ng mga kapitbahay namin. Nasa sulok lang ako noon at hindi nagsasalita. Narinig ko kasi iyong mga sinasabi ng kapitbahay na dadalhin ako sa isang bahay-ampunan dahil wala na akong pamilya.
Until may dumating na isang lalaki na halatang mayaman. Nagpakilala ito na siya raw ang ama ko. Ginastusan niya lahat ng pampalibing kay Mama at saka niya ako isinama sa malaki nilang bahay. May iba na pala siyang pamilya. They took me in. They changed my last name into Harris. Akala ko magiging okay na ako roon. Akala ko may bago na akong pamilya. Pero nagkamali ako. Maling-mali na sumama ako kay Daddy.
Minamaltro ako ng asawa ni Daddy. Binubugbog at madalas hindi pinapakain. Ganoon ang ginagawa niya tuwing wala si Daddy at may business trip sa ibang lugar o bansa. Nagkukunwari siya na parang isang tunay na anak ang turing niya sa akin kapag kaharap si Daddy pero kapag wala, halos isuka na niya ako. Kapag nag-aaway sila ni Daddy, sa akin niya ibinubunton ang galit at inis niya.
Ang sabi sa akin ng asawa ni Daddy, ang kapal daw ng mukha ko na guluhin pa ang pamilya nila. Basura raw ako at walang kuwenta gaya ni Mama—salot at sampid. Hindi ako lumalaban dahil minsang lumaban ako sa anak niya, sa bahay ng mga aso niya ako pinatulog. Sa labas ako nagpalipas ng gabi na walang kain-kain o kumot man lang na tutulong sa akin sa panlalamig. Nanginginig akong nagpalipas ng magdamag.
Umiyak ako nang mas grabe pa sa iniyak ko noong nawala si Mama. Nakaramdam ako ng galit kay Mama dahil iniwan niya agad ako sa mundo at kung bakit ko nararanasan ang ganoong kahirapan dati. The hell. Gusto ko na nga rin magpakamatay noon kung hindi ko lang naisip na kasalanan iyon sa Diyos.
Naging manhid ako sa mga lumipas na taon. Nagpatuloy ang pangmamaltrato nila sa akin na hindi nalalaman ni Daddy dahil hindi naman ako nagsusumbong. Nagpapasalamat na lang ako sa kanila na kahit papaano may natutulugan ako at nagkakalaman ang tiyan ko. Kahit na ang kapalit— sandamukal na panunumbat, pang-aapi at pagdukdok sa pagkatao ko na wala akong kuwenta at produkto ako ng isang kasalanan.
Nang tumuntong ako ng college, niregaluhan ako ni Daddy na isang condo at isang sasakyan. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko dahil finally, mawawala na ako sa impyernong bahay na iyon. Para akong nakalaya nang tumira na ako sa unit ko. Parang nawala ang kadena sa leeg ko. Parang sa unang beses sa matagal na panahon, muli akong nakahinga nang maluwag. Nawala kahit papaano ang paghihirap ko.
Habang lumilipas ang college days ko, naging tarantado ako. Naging babaero. Lahat na yata ng kalokohan—ginagawa ko noon dahil parang unang beses akong mabuhay. Hanggang dumating ang oras na pati ang pag-aaral ko napapabayaan ko na. Ang sabi ko pa naman sa sarili ko noon, kailangan kong makapagtapos at makahanap ng trabaho. Para lahat-lahat ng naibigay sa akin ni Daddy maibalik ko.
Para walang maisumbat sa akin ang asawa at mga anak niya. Para wala akong utang-na-loob sa kanila. Kailangan kong magsumikap at magkaroon ng diploma. Para maibabalik ko ng limang beses sa kanila ang mga perang nagastos nila sa akin at mapatunayan sa kanila na may narating ako na ilang beses nilang sinabihan na walang kuwenta at walang mararating dahil isa lang basura.
Pero paano ko magagawa iyon kung puro bagsak ang grades ko. Nasa likuran kami ng library noon kasama ang mga kaibigan ko at pinoproblema ang marka ko. Sabi nila hayaan na dahil mayaman naman daw ako at siguradong may magandang buhay pa rin.
I laughed at them. Hindi kasi nila alam ang nararanasan ko. Wala naman akong pinagsabihan ni isa sa kanila ng tunay kong buhay o tunay kong nararamdaman. Akala nila masaya ako kasi mayaman ako. Hindi nila alam na hindi lahat ng mayaman—masaya. May hindi pa rin kayang bilhin ang pera.
Hindi nila alam na ilang beses ko nang binalak na magpakamatay dati dahil wala na akong alam na paraan para ma-save ang sarili ko. O para mawala man lang ang bigat na dala-dala ng buong pagkatao ko.
All I ever wanted was for someone to save me back then. Pero tumigil na ako sa paniniwalang may darating at magliligtas sa akin. Walang ganoon na darating. Pati iyong pangarap sa akin ni Mama, matagal ko nang kinalimutan. Walang babae na ganoon akong makilala. I stopped believing in everything.
Napasulyap ako sa library at may nakita akong isang babae na nasa malapit sa bintana at seryoso sa kanyang pagbabasa. Napatagal ang pagtitig ko sa kanya dahil bigla siyang napalingon sa akin. Nanlaki ang mga mata niya sa ilalim ng makapal na suot niyang salamin. Saka siya nagtago para hindi ko na makita.
Natawa ako sa naging reaksiyon niya. Hindi ko alam ang pangalan niya pero kilala ko siya. Madalas ko kasi siyang makasalubong kapag napapalingon ako sa kanya, nakatitig siya sa akin, saka siya mapapaiwas nang tingin at hindi alam kung tatakbo ba o mahihimatay.
I knew she was smart. Hella smart! Ilang beses ko na rin kasi siyang nakita sa mga event ng school at palagi siyang binibigyan ng award. I really forgot her name. Saka na naman ako napangiti.
“What are you smiling Brixx?” Ivy asked me back then.
“Wala naman.” I shook my head. “Mukhang nahanap ko na ang kailangan ko,” bulong ko.
Hindi rin nagtagal at nakilala ko na rin ang babaeng may makapal na eyeglasses.
Her name was Charry Pineda and an Architecture student. She was really smart at sobrang galing mag-drawing. Naging tutor ko siya sa mga lessons na hindi ko maintindihan. I thought to myself back then that I really needed her. Kailangan ko ng tagagawa ng mga school works and plate shits and everything ko para makapasa. Mukhang madali naman siyang lokohin dahil ramdam na ramdam ko na gusto niya ako.
Alam kong masama ang gagawin kong panloloko at paggamit sa kanya. Pero wala na akong ibang pagpipilian. Kailangan ko si Charry para makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho. Para kumita ako ng sapat na pera at maibalik ko sa pamilyang iyon ang lahat ng naibigay nila sa akin. I turned into a heartless human for using her. Pero kailangan ko itong gawin para sa sarili ko at mawala ang paghihirap ko.
I made her fall in love with me. Naging sweet ako at umasta na parang boyfriend niya. Naisip ko noon na kailangan kong magkunwari na mahal ko siya para hindi niya matatanggihan lahat ng ipapagawa ko sa kanya. So I did. Lahat ginawa ko para ma-in love si Charry sa akin na tipong nalulunod na sa pagmamahal sa akin.
Halos araw-araw na kaming magkasama dahil palagi niya akong tinuturuan. Sinasamahan ko siya sa pag-uwi tuwing gabi dahil minsan kong na-discover na may nyctophobia siya or fear of darkness. Hindi siya gumagalaw nang makita ko siyang umiiyak sa girls’ bathroom. Para akong aatakihin sa puso nang makita ko siyang takot na takot. So, sinamahan ko lang siya doon at niyakap nang sobrang higpit. Pinaramdam ko sa kanya na wala siyang dapat ikatakot dahil nandoon ako at hindi siya iiwan.
Naging partner din kami sa isang stage play kung saan ako ang gumanap bilang Flynn at siya naman si Rapunzel ng Tangled. At first, ayoko sana dahil, una ang bakla lang, pangalawa, hindi ako umaarte at nakokornihan ako sa ganoon. Sure, I could sing. Pero hindi ako kumakanta sa harap ng maraming tao.
Pero nang malaman ko rin na si Charry ang gaganap bilang Rapuzel, automatic na akong napapayag na hindi na nag-iisip pa. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip ko noon. Natuwa pa si Charry nang malaman niyang ako ang ka-partner niya. She was really glad daw. Tinulungan niya akong mag-rehearse ng mga lines ko para sa stage play at nang marinig ko siyang kumanta… Holy shit! It was as if I heard an angel’s voice for the first time in my life. Sobrang ganda ng boses ni Charry na wala sa hitsura niyang may ganoon siyang talent na itinatago. Ilang beses kong pinakanta sa kanya iyong “I See The Lights” na theme song ng play namin at hindi ako nagsawa na pakinggan siya.
Noong stag play na namin, halos hindi ko matanggal ang pagkakatingin ko kay Charry. Hindi ko siya makilala sa sobrang ganda ng ayos niya. She looked like a real princess lalo na iyong dumating na sa part ng wedding namin sa play. Pagkatapos iyong scene na may mga fake sky lantern na lumilipad sa buong school gym, sobrang gandang pagmasdan ni Charry habang nakatingin siya sa mga iyon at nakangiti.
Ang usapan sa script sa pisngi ko lang siya hahalikan. Pero may nagtulak sa akin na hilahin at halikan sa mga labi si Charry. Ang dami ko nang nahalikan na mga babae na ibang-iba kay Charry. Mga magaganda at sobrang sexy na babae. Kaya nagtataka ako sa sarili ko noon kung bakit sobrang kaba ang nararamdaman ko nang halikan ko siya sa mga labi. Para bang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba.
Damn. I thought to myself back then. Ano ba `tong nangyayari sa akin?
Sabi ko sa sarili ko noon, para mapa-in love ko siya, kailangan ko siya patawanin. Pero bakit sa tuwing tumatawa si Charry, ako ang mas nahuhulog sa kanya? Naramdaman ko na in love ako sa kanya nang nasa library kami at seryoso siyang nagbabasa na isang novel. Nakatitig lang ako sa kanya pagkatapos bigla siyang tumili at kinuwento sa akin ang nangyayari sa binabasa niya.
Nakaka-in love raw iyong character sa libro. Kitang-kita ko si Charry kung paano ngumiti at tumawa. She was so beautiful when she talked about the thing she loved. I felt back then that I already lost to her. Na baka nga bago pa magsimula ang plano ko, natalo na ako. Na siya dapat ang lulunurin ko sa pagmamahal niya sa akin pero ako naman ang unti-unting nalulunod sa kanya.
Nawala sa isip ko iyong plano na sinimulan ko. Nakalimutan ko na gagamitin ko lang dapat siya. Iba kasi ang naramdaman ko nang makilala ko si Charry.
When I met her, it was as if I felt alive for the first time in forever. Tinuruan niya ako kung paano muling huminga. Kung paano uli maging masaya. Kung paano uli tumawa. She brought back every emotion that I had long forgotten. She taught me everything. At siya ang kauna-unahang tao na nagtiwala sa akin na puwede pa akong magbago. Na may pag-asa pa para baguhin ko ang sarili ko. Siya ang kauna-unahang tao na naniwala sa kakayahan ko. Nang dahil sa kanya, bumalik ang pag-asa ko sa buhay at sa sarili ko.
Dahil doon, lalo akong na-guilty sa mga ginagawa ko kay Charry. Totoo lahat ng ipinapakita niya sa akin pero ako hindi. Na sa kabila ng paglapit ko sa kanya, nagtatago pala ang katotohanang ginagamit ko lang siya. Sobrang guilty at nasasaktan ako nang dahil doon. So, I decided na putulin na ang namamagitan sa amin. Naisip ko na kapag pinatagal ko pa iyon, lalo ko lang siyang masasaktan.
Ayokong mas ma-attached siya sa akin dahil wala akong maipagmamalaki sa kanya. I had no decent family. I had no anything. Nabubuhay lang ako para maibalik sa pamilyang nagmulat sa akin na wala akong kuwentang tao iyong lahat-lahat na ibinigay nila sa akin. Kahit alam ko na hindi materialistic na tao si Charry, hindi ko siya deserve. She deserved more than I could offer.
Bumalik ako sa pagiging tarantado. Sa dating ako noong hindi ko pa nakilala si Charry. Kailangan ko siyang kalimutan at alisin sa sistema ko. Palagi kasing bumabalik sa isip ko ang mga pangaral sa akin ni Charry. Iyong paniniwala at pagtitiwala niya sa akin. I knew I didn’t have any future. Walang magandang hinaharap na naghihintay sa akin. Magiging basura lang ako. Malas ang taong magmamahal sa akin. Ayokong mahalin ni Charry ang basurang tulad ko. God, she deserved more than me.
But when I hurt she her and left me after I did terrible things to her, doon ko na-realized kung gaano ako kawalang kuwenta kapag wala siya. Hindi ko na kayang mabuhay na hindi siya nakikita o naririnig ang tawa niya o nakikita ang ngiti niya. Everything about her became my everything, too. Until I realized one thing in my life ever since she left me, I realized that I was truly in love with her. I really loved her. Naging in-denial lang ako sa feelings ko pero damn it. Mahal ko na siya. Mahal na mahal ko na siya.
Biglang nawala si Charry sa school after that. She dropped out. Hinahanap ko siya sa mga dati niyang kaibigan na kinalimutan ni Charry para sa akin. I cried in front of them, saying how miserable I was without her. Nagmakaawa ako para sabihin nila kung nasaan si Charry pero hindi nila talaga alam. Pati sa school’s dean at landlady na tinutuluyan ni Charry sa dorm niya hindi rin nila alam.
Hinanap ko rin siya sa mga lugar na madalas naming puntahan. Every. Fucking. Single. Day. I did search for her. Umaasa ako na isang araw muli ko siyang makikita at masasabi ko kung gaano ko siya kamahal. Kung gaano niya binago ang buhay ko. At kung gaano kawalang kuwenta ang sarili ko kapag wala siya. Pero, hindi ko na siya makita. I didn’t find her anywhere. Umalis na siya. Nasaktan ko kasi siya.
I know, deserve ko na iwan ni Charry. Ang kapal pa nga ng mukha ko na muli siyang hanapin pero gusto kong itama lahat ng pagkakamali ko. Gusto kong sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Gusto ko sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal. God, I loved her so much it hurt. So damn hurt.
Isang buwan akong wasted at devastated noon. Muli akong nagpabaya sa pag-aaral. Naisip ko, ano pang point na muli akong magseryoso, wala na rin naman sa tabi ko ang babaeng kauna-unahan kong minamahal. Ang babaeng naniwala sa akin na puwede pa akong magbago. Nasa isang bar ako noon kung saan ako nagpapakalasing. Umiyak-iyak ako na parang bata nang muling bumalik sa isip ko ang pangarap ni Mama para sa akin.
“Alam mo, anak, Brixx, pangarap ko sa `yo sa hinaharap na makakita ka ng babaeng mamahalin mo nang lubos. `Yong babaeng makakasama mo sa pagbuo ng pangarap mo. `Yong babaeng matatawag mong sa `yo. `Yong makakasama mo habang buhay at magbibigay sa `yo ng isang masaya at kumpletong pamilya na hindi ko naibigay. At, if ever na wala na ako sa mundong ito kapag nakilala mo ang babaeng sinasabi ko sa `yo, dalhin mo siya kung saan ako nakalibing at ipakilala mo sa akin. Gusto kong makita ka na masaya sa babaeng pinili mo, anak. Gusto kong makita na natupad na ang pangarap ko para sa `yo.”
Sobrang sakit ng buong pagkatao ko nang marinig ko ang boses ni Mama sa isip ko. Nasaktan ako dahil nahanap ko na ang babaeng sinasabi niya na pangarap niya para sa akin pero sinayang ko lang iyong chance. Nasaktan ko ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay at makakasama ko sa pagbuo ng pangarap ko. Iniwan na ako ni Charry—ang babaeng gusto kong makasama sa pagbuo ng isang pamilya.
Hanggang sa pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni Charry noon. Na habang may buhay, may pag-asa. Na habang humihinga ang isang tao hindi pa huli ang lahat para itama ang lahat ng pagkakamali niya. Muling bumalik ang tiwala ko sa sarili ko nang dahil kay Charry. Damn. She really changed me big time.
I vowed to myself na babaguhin ko ang sarili ko. Na aayusin ko na ang buhay ko. Para kapag muli kaming nagkita ni Charry, may maipagmamalaki na ako sa kanya. Na may maipagmamayabang na ako sa iba at hindi na nakakahiya kung mamahalin ako ni Charry. Hindi na ako magiging basura at walang kuwenta. I changed myself for her. Para maging deserving para sa kanya. Lahat ng pagbabago ko, dedicated para kay Charry. Para sa babaeng kauna-unahang naniwala sa basurang tao na tulad ko.
Nang maka-gruadate ako at naging topnother pa sa board exam. Gulat na gulat ang lahat ng tao. Hindi raw sila makapaniwala na nag-number one ako. Kahit naman ako hindi rin makapaniwala sa sarili ko. Pero wala—nagsumikap ako. Si Charry ang naging inspiration ko sa lahat.
Simula nang magkaroon ako ng sariling pera at nag-iipon na para maibalik lahat ng nagastos nina Daddy sa akin. Hanggang sa malaman ko na may malala na pala siyang sakit na hindi sinasabi sa amin. May taning na raw ang buhay niya. Humingi siya ng sorry sa lahat ng pagkukulang niya sa akin. Inamin niya sa akin na si Mama lang daw ang babaeng minahal niya. He died peacefully dahil nasabi niya ang lahat ng mga salitang kinikimkim niya. Pinatawad ko rin siya dahil kahit paano siya pa rin ang ama ko.
Nalaman din pala ni Daddy ang mga ginagawa sa akin dati ng asawa at mga anak niya. Pati iyon hiningi niya ng tawad. Huwag ko raw ibabalik lahat ng nagastos sa akin dahil akin na raw iyon. Nag-iwan din siya ng mana na ipinambili ko ng isang malaking lupain at ipinatayuan ng malaking building na pinangalan ko kay Charry. Sa kanya ko ipinangalan iyon dahil gusto kong maging katulad ni Charry iyong building na iyon na magpapabago sa buhay ng mga taong hindi nila alam kung ano ang gagawin nila sa mga sarili nila.
Pero kahit suwabe na ang buhay ko noon, hindi pa rin mawawala ang problema at pagkakamali. Nabuntis ko si Ivy at ipinanganak sa mundo si Brianna—ang anak ko. Sobra akong naiyak nang malaman ko iyon dahil alam kong lalayo uli si Charry kapag nalaman niya iyon. Pero hindi ko maatim na ipalaglag si Brianna dahil kasalanan iyon sa Diyos at alam kong lalong magagalit si Charry sa akin kapag nalaman niya.
So pinangatawanan ko ang pagiging ama ko kay Brianna. Naniwala na lang ako sa sarili ko na mapapatawad ako ni Charry at muli kaming magsasama sa kabila ng mga problema na maaaring dumating sa amin kapag muli ko siyang nakita. Nagdasal din ako bawat araw na lumipas noon na sana… sana muli ko na siyang makita dahil may maipagmamalaki na ako sa kanya. Successful na ako kaya puwede na ako sa buhay niya.
Iyong naiwan na sketch pad ni Charry na may nilalaman ng design niya sa dream house niya, ipinagawa ko into real house. Medyo nahirapan pa ang architect na kinuha ko para gawin iyong totoong plano dahil may mga details na kulang pero mabuti na lang nagawan niya ng paraan.
Ako ang tumayong engineer para sa pagpapatayo ng dream house ni Charry. At nang matapos iyon at makita ko ang resulta ng dream house ni Charry, para ko na rin nakita ang mga sarili namin sa loob na mayroong masayang pamilya. Napangiti ako noon at itinaga sa sarili ko na mangyayari rin iyon.
May bagong rumenta sa Charry Building ko sa pinakaibaba at gagawin daw iyong coffee shop so I agreed. Nang mag-o-opening na, in-invite ako ng coffee shop owner na isa pa lang anak ng isang may-ari ng architecture and engineering services. Late pa nga akong dumating noon dahil ayaw akong paalisin ni Brianna. Ayoko na nga rin sanang pumunta dahil hindi ko rin feel. Pero ewan ko ba, may nagtulak sa akin na pumanta pa rin.
Ang daming tao sa loob kahit na first day and grand opening pa lang. Ang dami ring pagkain na inihanda sa loob. Ang sabi ko noon, magpapakita lang ako at magpapaalam na rin. Busy din kasi ako. Nasa harap si Jasmine Mendez—ang coffee shop owner na ipinapakilala ang nag-design ng place niya. Sobrang galing ng nag-design dahil ang ganda sa mga mata ng buong coffee shop. Kahit ako napa-wow.
Pero imbes na mapa-wow ako, halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko kung sino iyong ipinapakilala ni Jasmine sa mga bisita niyang nag-design ng place. Hindi ako puwedeng magkamali. It was Charry. Nawala lang ang malaki niyang salamin sa mga mata dahil halatang naka-contact lens na siya pero alam ko at sigurado akong siya iyon. Nakangiti siya sa mga tao kahit halatang nahihiya.
Nang muntik na siyang mapatingin sa gawi ko, nagmadali akong lumabas para makalanghap ng hangin. Pakiramdam ko kasi hindi na ako makahinga sa loob. Saka, todo pigil ako sa sarili ko na huwag siyang lapitan at yakapin nang sobrang higpit. Ayoko siyang matakot sa akin. Kahit labag sa loob ko, pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan ko ng plano. At kasama sa planong iyon na pumasok sa kompanyang pinagtatrabahuhan ni Charry. Nakiusap ako sa daddy ni Jasmine na papasukin ako at luckily, pumayag siya.
Unang beses akong makita ni Charry nang ipakilala na ako as the newest engineer of their company. At halos tawang-tawa ako sa reaksiyon niya nang makita niya, ako. Para bang handa na siyang buhatin ang mesa na nasa tapat niya saka niya ihahambalos sa akin. Napangiti na lang ako that time.
Ang daming nagbago sa pagitan naming dalawa ni Charry sa mga nakalipas na taon pero alam ko at sigurado ako sa sarili ko na hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kanya. In fact, sa mga nakalipas na taon, mas lumalim ang nararamdaman ko sa babaeng kauna-unahan na nagpatunay sa akin na may pag-asa pa akong magbago. Na may pag-asa pa akong maging successful. Lahat ng ito—utang-na-loob ko kay Charry.
Lahat ng mayroon ako ay dedicated ko sa babaeng nagsilbing ilaw sa madilim kong mundo.
I am like this because of her. She was my only light in the darkest path of my life.
And I am always glad that I saw the lights because of Charry.
She was and always will be my light.