Chapter 4
MULI ko na namang narinig ang pagtunog ng doorbell sa unit ko.
Mariin akong napapikit para pigilan ang sarili ko na huwag na lalong mainis pa. Kahit na gustong-gusto ko nang sumabog at magsisisigaw ngayon hindi ko ginagawa. Sinusubukan ko pa ring kumalma.
Sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na mas marami pang mangyayari sa araw na ito na positive vibes. Kahit na nasimulan na ang araw ko ng punong-puno ng negatives vibes dahil sa impakto sa tapat.
Simula ngayon ng weekend kaya dapat stress free ako. Dapat chill lang. Pero paano ako magiging stree free at chill lang kung may kapitbahay akong hinayupak na walang ibang ginawa kundi buwisitin ako oras-oras?
Hindi ko pinansin ang pagtunog ng doorbell dahil alam ko naman agad kung sino ang nasa labas ng pintuan. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa sketch pad kung saan ko dino-drawing ang mga bookstores design na naiisip ko. Pangarap ko kasing magkaroon ng sariling bookstore someday at ako mismo ang magde-design ng place.
*Ding-Dong*
Kalma, Cha. Hayaan mo lang. Titigil din `yang impakto na `yan.
*Ding-Dong*
Mapapagod din `yan, Cha. Magbingi-bingihan ka lang. Kunwari wala kang naririnig.
*Ding-Dong*
Cha, lalo `yan uulit kapag pinapakita mo sa kanya na apektado ka sa bwisit niyan presensya.
*Ding-Dong*
Cha, hayaan mo na—
“Ugh! Buwisit ka talagang Brixx ka!” Padabog kong inilapag ang sketch pad sa table. Sa sobrang lakas nang pagdabog ko, muntik pang matumba ang baso na may lamang orange juice sa mga blue prints ko na nakapatong din sa mesa. Mabuti na lang mabilis kong nahawakan ang baso at hindi ito natapon dahil paniguradong iiyak ako sa sobrang buwisit kay Brixx.
I couldn’t take it anymore. Mukhang hindi papatahimikin ni Brixx ang doorbell kapag hindi ako lumabas at inalam kung ano na naman ang walang kuwentang bagay na kailangan niya ngayong umaga.
Kahit labag sa loob ko na harapin si Brixx, wala akong choice kundi gawin iyon. Tiyak kasing patuloy niya akong ririndihin gamit ang doorbell kung hindi ko siya haharapin.
Oh, God. Wala na ba akong peace of mind hanggang dito sa condo ko? Sobrang stress na ako kahapon nang dahil sa kanya, hanggang ngayon ba naman? Talaga bang hindi niya ako titigilan?
Dumeretso ako sa pintuan habang patuloy pa rin ang pagtunog ng doorbell. Walanghiyang Brixx. Hindi talaga titigil sa kagaguhan niya sa buhay. Marahas kong binuksan ang pintuan.
“Ano na naman ba’ng kailangan mo? May plano ka bang sirain ang doorbell ko?” bulyaw ko sa kanya.
Mukhang nagulat si Brixx sa ginawa ko dahil napaatras siya. Pero ang gulat sa mukha niya ay bigla agad nagwala, napalitan ng matamis na ngiti. At ewan ko ba, parang biglang huminto ang puso ko mula sa pagtibok nang makita ko ang ngiti niya. Huminto sa sobrang inis sa impaktong ito.
“Hello there, neighbor. Good morning,” bati niya sa akin na hindi pa rin nawawala ang ngiti niya.
Kung makangiti siya akala mo walang ginawang kalokohan sa doorbell ko. Galing talaga magpanggap.
Nagsalubong ang mga kilay ko at sasagot na sana nang mapadako ang mga mata ko sa topless na katawan ni Brixx. Kulay puting walking short lang ang suot niya at nakalitaw pa ang kulay itim niyang brief o boxer ba iyon. Tama nga ako dahil mas gumanda ang katawan niya. God, those abs and v-line.
I gulped really hard because of that. Pakiramdam ko may napasarap na putahe sa harap ko.
Oh my God. Nahahawa na ako kay Mau. Hindi ako ganito dati. Nakakahawa pala ang pagiging mahalay na utak ni Mau dahil pati itong abs at v-line na nasa harap ko, iniisip ko na ring napakasarap na putahe.
“Like what you seeing?” narinig kong nagsalita si Brixx. “You can touch it.”
Napatingala ako sa kanya at nakangising Brixx ang nasa harap ko. Ngisi na para bang sinasabi na ‘I know you like what you’re seeing because I’m so goddamn irresistible.’ And well, gusto kong magkulong sa ilalim ng kumot ko para magtago dahil totoo ang sinabi niya. He was so irresistible.
Anong irresistible? Baka irritating? Nakikipag-usap na naman ako sa inner self ko, my God.
“Sa bawat araw na lumilipas, lalo pa lang kumakapal ang tabas ng pagmumukha mo,” sabi ko. “Ano na naman ba ang kailangan mo at alas-nuwebe pa lang ng umaga nambubuwisit ka na?”
“Ouch. Nambubuwisit talaga?” Nagkunwaring nasaktan si Brixx sa sinabi ko. “Hindi ba puwedeng nakikipagkaibigan lang ako sa neighbor ko? Hello, neighbor. How’s your day?” Muli siyang ngumiti.
“Don’t ask how day was my like we’re friends since third grade. We’re not, okay?”
“Ohhh,” tugon niya. “But we were lovers during our college days, right?” he joked.
Alam kong nagbibiro lang si Brixx pero hindi ako natuwa sa joke niya. It brought an ache in my heart. Hindi ko alam kung bakit ganoon. Naka-move on na naman ako. Pero may mga bagay talagang masakit pa rin hanggang ngayon kahit na matagal nang nangyari at matagal mo nang nakalimutan.
Napansin siguro ni Brixx ang pagbabago nang expression sa mukha ko kaya nawala ang ngiti niya.
“Look, I’m so sorry. I didn’t mean to bring up the past again,” Brixx said sincerely. “I’m so sorry.”
“Don’t worry, I didn’t get offended,” sagot ko. “We’ve never been ex-lovers in the first place. Parehas nating alam na hindi totoo `yon. Kaya nga nagtataka ako sa `yo kung bakit mo pa ako paulit-ulit na kinukulit nang dahil doon. Hindi mo na kailangan pang mag-apologize, Brixx. Gusto mo bang mag-apologize dahil ginawa mo akong tanga noon? Hindi na kailangan. It was my fault that I trusted you before, not yours.”
“Gusto kong mag-apologize hindi dahil sa ginawa ko noon. Sure, partly yes,” he answered, looking straight in my eyes. “But there’s much more I need to tell you that I should have told you a long time ago.”
Marami pa raw sasabihin sa akin si Brixx na sana matagal na niyang nasabi? Katulad ng ano? Na tumatawa siya everytime sinasagot ko ang ‘I love you’ niya noon? Na nagmumukha akong tanga sa paningin niya sa tuwing nag-ba-blush ako dahil sa pagho-holding hands namin? Hindi na kailangan. Alam ko na naman iyon.
Umiling-iling ako, “Hindi na kailangan, Brixx. Hindi ko na kailangan marinig ang mga `yan. I am already okay.” Hinawakan ko ang pinto at bago ko isara. “May kailangan ka pa ba? Kung wala puwede ka nang umalis.”
Tumitig pa si Brixx sa akin ng ilang segundo then he sighed. Para bang may gusto siyang sabihin ngayon pero pinipigilan lang niya ang sarili. Punong-puno ng iba’t ibang emosyon ang mga mata niya. Mga emosyon na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. Mga emosyon na gusto niyang ilabas.
O baka naman… baka naman bahagi na naman ito sa mga pakitang tao ni Brixx? Gusto niyang maniwala na naman ako sa kanya para muli ko siyang pagkatiwalaan at para muling masaktan katulad nang ginawa niya sa akin dati? Hindi pa ba siya nasiyahan sa ginawa niya noon? Pinaglaruan lang niya ako at ginamit!
Pagkatapos ng ilang segundo, finally, nagsalita na rin si Brixx. “Pahingi ako ng kamatis.”
Tumitig ako sa kanya. “Kamatis?” balik kong tanong. “Pinagpipindot mo ng ilang beses ang doorbell ko `tapos hihingi ka lang pala ng kamatis?”
Napakamot si Brixx ng ulo niya kaya hindi nakaligtas sa akin ang biceps niya sa braso.
Kakatapos ko lang mag-breakfast pero parang muli na naman akong nagutom nang dahil sa biceps niya.
Oh, shoot! Kailangan ko na yatang magkumpisal bukas.
“Yeah,” sabi niya. “Itlog na maalat ang ulam ko ngayon at hindi `yon perfect kung walang kamatis.”
“Wala ka bang stock diyan?” naiinis kong tanong.
Umiling si Brixx. “Wala, eh. Kakalipat ko lang kahapon kaya wala pa akong stock. Unless sasamahan mo ako mag-grocery mamaya para makabili na rin ako ng iba pang kailangan ko. Deal?”
Nagtaas-baba pa ang kilay ni Brixx na akala mo sasamahan ko talaga siya kapag ginawa niya iyan.
Huwag kang magpa-cute sa akin. Immune na ako sa iyo. Hindi na iyan tatalab. Sure, na-fall ako sa mga ganyan mo noon. Noong panahon na tatanga-tanga pa ako. Pero ngayon hindi na. Hinding-hindi na, Brixx.
“No, thanks. Busy ako,” sagot ko. “Wait ka lang diyan. Kukuha lang ako ng kamatis para hindi ka na mambuwisit dahil marami akong ginagawa at istorbo ka na sa totoo lang.”
“Ano naman ang ginagawa mo? Baka matulungan kita.”
“I don’t need your help. At mas makakatulong ka kung papatahimikin mo na lang ako.”
Tinalikuran ko na si Brixx at hindi na hinintay ang sagot niya. Nagtungo ako sa kusina at dumeretso sa fridge para kumuha ng kamatis. Mabuti na lang may nabili akong kamatis no’ng nakaraan. Kumuha ako ng tatlo at muling bumalik kung nasaan si Brixx para ibigay ang kailangan niya at makalayas na siya.
Halos mabitiwan ko ang hawak na kamatis nang makita kong nasa sala si Brixx na nililibot ng tingin ang pagkakadesign ko sa unit. Kapansin-pansin ang pagkamangha sa mga mata niya.
“Wow,” he said, amazed without looking at me. “Ikaw lahat ang nag-drawing niyan?” Nakatuon lang ang pansin niya sa mga frames na para bang he was so captivated by them.
“These are really beautiful, Cha.” He looked at me while smiling. “Ang gaganda nito grabe. Ang sarap makita na maging totoong mga bahay `tong mga designs mo. These designs are gems.”
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Brixx. He stared back at the frames again. Tuwang-tuwa at the same time manghang-mangha talaga siya. He was like the old Brixx that I admired and loved before.
Ganyan din ang reaction niya noong nasa library kaming dalawa para sa everyday tutor ko sa kanya sa isang subject na hirap na hirap siya. Nakita niya ang sketch pad ko na punong-puno ng different drawings ng mga bahay. Naubos ang oras namin noon na titig na titig lang siya sa mga drawings ko.
“Ang galing mong mag-drawing. May future ka talaga bilang architect, Cha.”
“Really? Pero tingin ko kulang pa, eh. Hindi pa ako gano’n kagaling.”
“What? Ang galing mo na kaya! Tingnan mo nga `tong mga drawing mo, o? Pang-professional na `to!”
“Thank you, Brixx. Nakaka-motivated `yang mga papuri mo. Someday, gusto kong ako rin ang magde-design ng magiging bahay namin ng magiging husband ko. Sana lang pumayag siya.”
“I’m sure, papayag siya. O, kung ako ang mapapangasawa mo? Hinding-hindi ako magrereklamo. You can design our house as much as you want. Then magiging successful engineer naman ako. Ako ang magpapatayo ng dream house mo. Perfect, right? Isang engineer at isang architect? Match made in heaven!”
Isa iyon sa mga rason kung bakit hulog na hulog ako kay Brixx noon. Naisip ko na bigla dati na ‘Wow! May pag-asa pala ako kay Brixx if ever. Naisip niya kasi ang mga `yon.’ Masyado akong naging assuming para isipin iyon.
I was too stupid to think that it was true. Na totoo lahat ng mga sinasabi niya. I should have known better.
“Cha?”
Bumalik lang ako sa reyalidad nang tawagin ni Brixx ang pangalan ko. Sa akin na ngayon nakatuon ang atensiyon niya at wala na sa mga frames sa dingding. He looked so worried at me.
“Did I say something wrong? Nakatitig ka lang kasi sa akin.”
I shook my head slowly. “No. Wala naman. Ito na `yong mga kamatis.”
Lumapit ako sa kanya then I placed the tomatoes on his hand. Saka ko siya hinawakan sa braso at hinila. Pagkabukas ko ng pinto, tinulak ko siya palabas. Wala naman siyang sinabi. Sumunod lang siya.
“Hey, Cha! Are you okay? You are so pale. Masama ba ang pakiramdam mo?” natatarantang tanong ni Brixx.
“I’m okay. Bigla lang akong nahilo. Kailangan ko lang `tong ipahinga.”
Humarang ako sa pintuan. Baka kasi muli na naman siyang pumasok.
“Gusto mo bang samahan kita sa hospital? Ipagda-drive kita,” nag-aalala niyang sabi.
“I’m fine. Hindi ko kailangang magpaospital,” tanggi ko. “Magpapahinga lang ako kaya huwag ka na lang manggulo, okay? Wala akong sapat na tulog dahil hanggang hating-gabi ka nangungulit!”
“Cha. . .”
“I said I’m fine, ano ba?” Napataas na ang boses ko. “Please, don’t disturb me again!”
Then I slammed the door so hard. Nayanig pa nga ang dingding ng condo dahil sa sobrang lakas niyon.
Napasandal ako sa likuran ng pinto nang marinig kong bumalik si Brixx sa sarili niyang unit. Saka ako dahan-dahang napaupo sa sahig habang nakahawak sa sarili kong dibdib nang maramdaman ko na naman ang familiar feelings five years ago. Iyong feeling na parang hinihiwa ang puso mo nang dahan-dahan.
Muli akong tumayo at dumeretso sa kuwarto. Sumalampak sa kama at nagtalukbong ng kumot. Ganito ang ginagawa ko dati sa Canada tuwing naaalala ko si Brixx. Nagtatalukbong ng kumot na tipong ayaw magpakita sa ibang tao. Ayaw na ayaw kong ipakita sa kanila na umiiyak ako.
I tried so hard to move on before. Hindi ko alam kung paano ako tumigil sa pag-iyak. Basta nagising nalang ako isang araw na hindi na ako umiiyak sa tuwing may nababasa akong Brixx kung saan. His name didn’t make me smile or cry anymore. May kirot pa rin pero hindi na katulad ng dati.
I was really thankful nang maka-move forward na ako. Pakiramdam ko noon ang gaan-gaan na ng pakiramdam ko. Hanggang sa lumipas ang panahon at tuluyan ko na siyang nakalimutan. Nang masigurado ko nang okay na okay na talaga ako, kinausap ko sina Mama na dito na ako sa Pilipinas maghahanap ng trabaho. Ayaw sana nila pero napapayag ko rin sila eventually.
I used to think that the world was so big. Na tipong maliit lang ang chance na muli kong makikita si Brixx. Sigurado pa ako noon na if ever makita ko man siya, wala akong mararamdaman sa kanya. Na tuluyan nang nawala ang pagmamahal ko kay Brixx.
Ngayong okay na ako, muli na naman kaming pagtatagpuin ng tadhana. Ngayong okay na ako, saka naman siya babalik sa buhay ko para muli akong guluhin. Na akala ni Brixx, madadaan sa sorry niya ang lahat ng pinagdaanan ko dati? Na kapag pinakinggan ko siya, muli akong maniniwala sa kanya?
No, Brixx. Matalino na ako ngayon. Hindi na ako katulad noon, na nagpakatanga sa iyo. I’m smarter than that. Hindi na ako babalik sa dating ako na kaya mong bilugin ang ulo.
Pinipilit ko nang matulog pero ayaw naman ng sarili ko. Tumayo ako at kumuha ng tuwalya, saka dumeretso sa banyo para maligo. Napagdesisyunan kong pumunta na lang sa bookstore para tumingin ng mga newest books na available. May kukunin din pala akong book na order ko last week.
Habang naliligo ako, naisip ko bigla na mabuting hindi na nangungulit si Brixx. Kagabi pa siya nangungulit sa totoo lang. Inabot ng alas-dose ang pangungulit niya. Nanghihiram ng kung ano-ano. Katulad ng kutsilyo, ng hammer. Nanghingi ng suka, patis at paminta.
Nang matutulog na ako, nanghiram naman siya ng kumot. Wala pa raw siyang kumot at nilalamig na raw siya. Antok na antok na ako kagabi kaya pinahiram ko na agad para matapos na ang pangungulit niya. Nang bumalik ako sa kuwarto ko nagsalpak ako ng earbuds para hindi ko na marinig ang doorbell.
Agad akong nagbihis nang matapos akong maligo. Hindi ako nag-ayos masyado. T-shirt at pants lang then backpack. Hindi talaga ako fan ng mga hand bag o shoulder bag pero iyon ang kailangan kong gamitin sa trabaho. Pero mostly, backpack girl ako. Hindi na rin ako nag-contact lens. Sinuot ko ang eyeglass ko.
Ganito lang ang attire ko since diyan lang naman ako sa mall na malapit. Napahinga ko rin ang paa ko sa mga heels dahil naka-rubber shoes lang ako ngayon.
I took a last glance at the mirror then I was off.
Pagbukas ko ng pinto, sumalubong sa akin ang pagmumukha ni Brixx na kakatok na sana. Naka-fitted black shirt na siyang may print na I’M HOT then jeans. Naka-stan smith na white shoes.
“Ano na naman ang kailangan mo?” bulyaw ko sa kanya.
Pero hindi agad nakasagot si Brixx. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang nagulat pagkakita sa akin. Para bang hindi niya inaasahan ang ayos ko.
“Hoy!” sigaw ko para makuha ko ang atensiyon niya.
“Uhm.. ano...” he was stammering.
“What?”
“You are breathtaking,” he said in awe. “Wow.”
Kumunot ang noo ko sa sinasabi ni Brixx.
“Ginagago mo ba ako? Breathtaking? Ang breathtaking ko dahil sa ayos kong T-shirt at pants? Gago!”
“I’m serious,” he said, smiling.
“You were never serious, Brixx. Tabi nga!”
Itinulak ko si Brixx para makadaan ako. Umaatras naman siya kaya nakalabas na ako. Dali-dali akong naglakad patungong elevator nang maramdaman kong nakasunod siya sa akin.
“Bakit mo `ko sinusundan?”
“Hindi kita sinusundan. Nagkataon lang na isang elevator lang ang sasakyan natin,” may ngiti niyang sagot.
“Whatever. Don’t talk to me.”
“Ikaw kaya ang kumakausap sa akin.”
Napakuyom ako ng kamao dahil naiinis na naman ako. Magaling talaga mambuwisit si Brixx. Tsk.
Tahimik lang kaming dalawa nang nakasakay na kami sa elevator. Hanggang magsalita na naman siya.
“Saan ka pupunta?”
“Sa lugar kung saan hindi kita makikita.”
“Oh, honey. I’m everywhere.”
I looked at him and I caught him smirking. I gave him a disgusted look.
“Honey your ass.”
He chuckled.
“Hindi nga, Cha. Saan ka pupunta?” muling tanong ni Brixx. “Mag-grocery ako ngayon.”
“Eh, di mag-grocery ka.”
“Hindi ko alam ang mga bibilhin ko. Can you accompany me? Please?”
Nag-puppy dog-eyes look pa siya na akala mo naman bagay sa kanya.
“What made you think na sasama ako sa `yo kapag nagganyan ka?”
“O, hindi ba?” sabi niya. “It works most of the times.”
“Not for me. Immune na ako sa pagpapa-cute mo. Nagmumukha ka lang aso.”
“But you used to love this puppy.”
Hayan na naman siya sa pagbabalik ng nakaraan. Hay. Hindi na lang ako kumibo. Jusko. Bakit ang tagal yatang bumaba ng elevator na ito.
“Sigh. Please, accompany me? Kapag sinamahan mo ako, hindi na kita kukulitin pa.”
And with that, he caught my attention.
“Are you sure?” paninigurado ko. “Hindi mo na ako kukulitin? Hindi ka na magdo-doorbell sa unit ko para manghiram ng kung ano-ano? Papatahimikin mo na ako?”
Ngumiti si Brixx. “Yes.” Then he raised his right hand. “I promise.”
“Deal,” mabilis kong pagpayag.
Brixx didn’t answer. Pero alam kong masayang-masaya siya sa pagpayag ko. Para siyang bata na hindi maialis ang sobrang ngiti dahil bibilhan siya ng laruan. Napangiti ako pero agad ring nawala nang mapaisip ako bigla—tama nga ba itong ginawa ko, na samahan siya?
But I opted to look at the brighter side, ilang oras lang naman iyong kasama si Brixx. Pagkatapos nito, hindi na niya ako guguluhin tulad nang ipinangako niya. Magiging tahimik na uli ang buhay ko.
Nakarating kami sa parking lot at dumeretso sa sasakyan ni Brixx. Siya pa mismo ang nagbukas ng shotgun seat para sa akin. Hyper na hyper talaga siya. Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ni Brixx. Maggo-grocery lang naman kaming dalawa. Never pa ba siyang nag-grocery mag-isa?
Nagsimula nang umandar ang kotse ni Brixx. Walang nagsasalita sa amin. Nakatuon lang ang pansin ko sa labas nang bigla akong makarinig ng tunog na nanggagling sa radio kaya napatingin ako sa kanya.
“‘I See The Lights’ ang tugtog,” pagsasalita ni Brixx. “Memories from college days.”
Sa dinami-raming tugtog na puwedeng mag-play, iyon pa talaga? Nang-aasar talaga tadhana.
“Do you still remember this song, Cha?”
Napaiwas ako ng tingin.
“No. Hindi ko alam ang kanta na `yan,” I lied.
I would never ever forget that song. That song na kinanta naming dalawa ni Brixx noong college kami kung saan nagkaroon ng school play for Tangled as our project requirement. I was nominated bilang Rapunzel at si Brixx naman ang gumanap bilang Flynn.
May isang scene na kinanta naming dalawa ang “I See The Lights.” It was a huge success. Ang taas ng grade naming lahat dahil doon lalong-lalo na kaming dalawa ni Brixx kaya tuwang-tuwa siya. He thanked me a lot before dahil tinulungan ko siyang mag-rehearse ng mga lines niya.
After that, naging favorite ko na ang Disney movie na Tangled . Ilang beses ko iyong pinapanood. Pati ang “I See The Lights” naging new favorite song ko rin. Pero nang nagpunta ako sa Canada at sinubukan ko uling panoorin ang movie, iyak lang ako nang iyak. Hanggang sa tumigil na ako sa panonood at sa pakikinig sa kantang iyon. It wasn’t good for the heart and that song could even break me unlimited times before.
“Tandang-tanda ko pa noon na halos mautal-utal ako sa pagsasabi ng linya ko,” Brixx said happily while driving. “Pero sabi mo lang sa akin no’n ‘you can do this, Brixx.` Andito ako. Kung mapapahiya ka, ipapahiya ko rin ang sarili ko. Para dalawa tayong pagtatawanan.’ Kaya gumaan ang loob ko no’n.” Then he looked at me. “You were my light before, Cha. And you still are.”
Ginantihan ko siya ng tingin. Brixx’s eyes were saying something to me. Hindi ko alam kung ano pero alam kong mayroon siyang gustong sabihin. And I just chose to ignore it. Ayoko nang maniwala.
“Brixx, kung patuloy mong ibi-bring up ang past, bababa na lang ako.”
He looked at me like he was in pain. Saka niya pinatay ang radio. Pagkatapos niyon, wala na uling nagsalita sa aming dalawa. Hanggang sa makarating kami ng supermarket.
Nag-usap lang kami uli nang magsimula kaming mamili ng mga i-stock niya sa unit. Mga pangunahing supplies. Mga sabon and shampoo. Mga frozen goods. Agad namin iyong binayaran.
Masyadong maraming plastic bag ang pinamili namin kaya tumulong na ako sa pagbubuhat. Ayaw pa nga sana niya dahil kaya naman daw ni Bixx pero obvious namang hindi, so tumulong na ako.
Pabalik na kami ng kotse ni Brixx nang may marinig kaming dalawa na tumawag sa kanya. Sabay kaming napalingon, nakita namin ang isang lalaki.
“`Oy, bro. Kumusta? `Tagal na nating hindi nagkikita, ha?” bati ng isang lalaki kay Brixx.
Mukhang kaibigan ito ni Brixx. Magkasingtangkad lang kaming dalawa.
“Ayos lang. Medyo busy lang lately,” sagot ni Brixx saka tumingin sa akin. “Do you still remember her?”
Tumingin sa akin ang kaibigan ni Brixx at dahan-dahan lumaki ang mga mata.
“Shit. Joke ba `to? Si… si—Ano nga uli ang pangalan niya?”
I awkwardly smiled. Hindi ko alam ang gagawin ko.
“Charry,” Brixx answered happily.
“`Ayon. Tama. Si Charry nga. Siya `yong ex-girlfriend mo no’ng college, `di ba? `Yong pinagtripan mo?” Tumawa pa siya. “Siya `yong manang na ginawa mong girlfriend para may tagagawa ka ng school works. Nagkabalikan pala kayo? Holy shit, p’re. Ano na naman ba ang pinapagawa mo sa kanya ngayon kaya binalikan mo?”
Binalingan ako ng kaibigan ni Brixx. “Ingat ka rito, Charry. Gagamitin ka lang uli nito,” dagdag niya at muling tumawa.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Nabitiwan ko tuloy ang plastic bag na hawak ko at tumakbo palayo kay Brixx at sa kaibigan niya. Narinig kong paulit-ulit akong tinatawag ni Brixx pero hindi ko siya nilingon.
Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa sasakyan ni Brixx. Lumabo ang mga mata ko dahil sa mga luha na nagbabadyang tumulo. Iiyak na sana ako nang marinig ko ang boses ni Brixx.
“Cha, don’t listen to him. He was just joking,” natataranta at hinihingal na sabi ni Brixx. “He already said sorry. Cha, please, look at me. Huwag kang makikinig sa mga sinabi niya. He is an ass but he didn’t mean anything bad.”
Marahas kong tiningnan si Brixx. Hindi ko na naitago sa kanya ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko naitago sa kanya ang sakit at alam kong kitang-kita ngayon.
“Ano `kamo, Brixx? He was just joking?” sigaw ko sa kanya. “He wasn’t joking, Brixx. Lahat naman ng sinabi niya, totoo. Lahat `yon totoo—na manang ako. Na ginawa mo lang akong girlfriend noon para may tagagawa ka ng school works mo. Walang biro sa mga `yon, Brixx. Tulad nga ng sabi niya, ano na naman ba ang ipapagawa mo sa akin ngayon kaya gusto mong bumalik sa buhay ko? Sabihin mo na para magawa ko na agad at tigilan mo na ako. Kasi, Brixx, ginugulo mo na naman ang buhay ko, eh!”
Ibinababa ni Brixx ang mga plastic bags na hawak bago sumagot.
“Wala akong kailangan sa `yo, Cha. Gusto ko lang uling bumalik sa buhay mo kasi kailangan kita. I just realized na for the past years, mahal kita. Na hindi biro ang nararamdaman ko para sa `yo. Na naging bulag ako,” he said softly. “I love you, Charry. I really do. Mula noon hanggang ngayon. Mahal pa rin kita. Mahal na mahal.”
Tumulo ang mga luha ko dahil sa mga sinabi ni Brixx. Hindi natuwa ang puso ko sa mga narinig ko. In fact, pinakirot lang niya ang puso ko nang paulit-ulit. My heart didn’t want to hear that anymore again.
“Mahal? Mahal mo kamo ako, Brixx? Shit ka! Hindi mo ako mahal. Hindi mo alam ang totoong ibig sabihin ng salitang mahal kaya huwag mong basta-basta sasabihin `yan,” I screamed at his face because of the sudden pain in my heart. “Hindi mo ako mahal, Brixx. Gusto mo lang uli akong pagmukhaing tanga sa paningin mo. Gusto mo lang uli akong maging tanga!”
“Hindi, Cha. Hindi gano’n.” Umiling-iling siya. “Naiintindihan ko na ayaw mong maniwala dahil galit ka pa rin sa akin nang dahil sa ginawa ko sa `yo noon. Alam ko ang pinagdaanan mo noon kaya nahihirapan kang maniwala sa mga sinasabi ko ngayon. Pero, Cha, hindi ako titigil. Papatunayan ko sa `yo na, this time, totoo ang lahat ng sasabihin ko—na totoong mahal pa rin kita.”
“Alam mo kamo ang mga pinagdaanan ko noon? No, Brixx. Hindi mo alam. Hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko noon. Kung gaano kahirap magpaalam kahit na gusto pa ng puso mo na mag-hold on. Kung gaano kahirap kumbinsihin ang utak mo na tapos na ang lahat pero ang puso mo, umaasa pa rin na hindi pa. Na baka may pag-asa pa.” Patuloy lang akong lumuluha. “Na baka puwede pang maisalba. Na baka puwede pang pag-usapan. Hindi mo alam kung gaano kahirap na tuwing naaalala kita, mapapaiyak na lang ako bigla. Kaya huwag mong sasabihin na alam mo kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko noon, Brixx. Kasi sa totoo lang, wala kang ideya. Wala kang alam kahit isa.”
Pinunasan ko ang mga luha ko, saka siya tinalikuran at nagsisimula na akong maglakad palayo kay Brixx. Napahinto lang ako nang muli siyang magsalita.
“Hindi ako susuko para sa atin dalawa, Cha. Sa nararamdaman ko sa `yo. Hindi ako susuko, tandaan mo `yan.”
Sumagot ako nang hindi lumilingon sa kanya. “News flash, Brixx. I already gave up the two of us a long time ago. I already let you go. Not because I was bitter or hated you for what you did to me. But because you were too heavy to hold on to. So get over yourself already. Oras na para ikaw naman ang mag-move on.”
Hindi ko na hinintay ang sagot ni Brixx dahil nagdere-deretso na ako sa paglalakad.
I’m okay now, Brixx.
I’m okay now and so done with you.