noveltoon logo noveltoon
Stupidly In Love Again

Chapter 15

Ch. 16 / 22 May 18, 2024

Chapter 15

“WHAT did I do?”

“It doesn’t matter. It’s done. We’re done.”

“Woah. What are you talking about.”

“Did you feel sorry for me? Was I your charity case? Is that why you asked me out?”

“What does that even. . .”

“You figured you could toy with me until someone better came along, and I wouldn’t mind because I was a lucky big star and you wanted me. Well, you know what really sucks about falling for a guy you know you’re not right for? You fall anyway because you think he might turn out to be different.”

“Mary. . .”

“Anyway, thanks for all the dance movies, but I’m done dancing. Good-bye.”

Then I turned off my laptop and put it on the center table.

Hindi ko na nagawang tapusin ang pinapanood kong movie na Another Cinderella Story . Hindi ko rin kasi maintindihan ang pinapanood ko dahil ang daming gumugulo sa isip ko ngayon. Pangwalong movie na sana iyon pero katulad nang nauna kong pinanood, wala rin akong maintindihan.

Ang naintindihan ko na lang sa palabas, hindi ako katulad ng mga bidang babae.

I wasn’t like them who were brave enough to confront the guy. Iyong dalawang babaeng bida, masyadong matapang para harapin ang lalaking nagpaasa sa kanila. Iyong mga lalaking nangako ng kung ano-ano sa kanila pero in the end, hindi pala iyon ang mga lalaking inakala nilang sila.

They were in pain when they found out but they were brave enough to face the truth and say good-bye. Hindi sila natakot magpaalam sa lalaking nanakit sa kanila.

I wished I was like them or I could be like them.

Sana kaya kong harapin ang nararanasan ko ngayon. Sana kaya kong tapusin agad ang masakit na sitwasyon na kinaiipitan ko ngayon. I wished I could easily confront Brixx for what happened and bid him good-bye. Sana… sana kaya kong tapusin nang ganoon kadali ang pighati sa loob-loob ko.

But I wasn’t like that. My God, confronting the guy you love and saying good-bye in reality was much more painful and harder than in the movies. Mas masakit magpaalam sa realidad. Mas maraming mawawasak sa iyo.

Nasa reyalidad ako na higit na mas masakit ang mararamdaman ko kapag nagkataon. I was done hurting. This was the kind of pain I didn’t want to live with. Nangako ako noon sa sarili ko na hindi na uli masasaktan nang lubos. Na ayoko nang maranasan ang pinaranas sa akin ni Brixx noon.

Pero, sino ba ang mag-aakalang muli akong masasaktan at sobra-sobra pa? Sino ang mag-aakalang parehas na tao uli ang magpaparamdam sa akin nang ganito? Akala ko, kapag binigyan ko siya ng chance, may magbabago na. Na wala na siyang itatago sa akin. Na alam ko na ang lahat-lahat ng tungkol sa kanya.

But I was wrong. Muli siyang may itinago sa akin. Muli akong sinaktan ni Brixx. Pero sa mga oras na ito, higit ito na mas masakit. Hindi na lang kasi mga sarili namin ni Brixx ang naapektuhan. May batang musmos na may malubhang sakit ang nadadamay pa. Nakadagdag pa ako sa iniintinding sakit na narararanasan ni Brianna nang dahil sa pagiging makasarili ni Brixx.

Hanggang ngayon, sinusundan pa rin ako ng inosenteng mga mata ni Brianna. Iyong mga mata niyang nagtatanong kung bakit wala si Brixx sa tabi niya sa tuwing nasasaktan siya. Kung bakit hindi niya palagi nakakasama ang ama niya. Iyong mga mata niyang walang ideya sa posibleng kasagutan sa mga tanong niya.

And it was really painful to me. Nasasaktan ako nang lubos dahil ako ang kasagutan sa mga tanong niya. Ako ang dahilan kung bakit hindi palaging nakakasama ni Brianna si Brixx sa tuwing inaatake siya ng sakit. Ako ang dahilan kung bakit wala palagi ang ama niya sa tabi niya. I was the painful answer.

Dalawang araw na akong hindi pumapasok sa office at tatlong araw na hindi lumalabas sa unit ko. Nagpaalam ako sa boss ko na uuwi muna ako ng Olongapo para dalawin ang tita ko. Pero ang totoo, hindi naman ako pumunta roon—hindi ako umaalis o pumupunta sa kung saan.

Nasa unit lang ako at nagkukulong. Nag-iisip-isip pero walang sagot na makuha. Pagiging makasarili lang ni Brixx ang naaalala ko. Ang pagiging sagot ko sa mga walang muwang na tanong ni Brianna. At kung paano niya indahin ang sakit niya ngayon na isa ako sa nagiging sanhi.

Pagkatapos ko makauwi galing ospital noong nakaraan, pumunta si Brixx sa unit ko. Paulit-ulit siyang kumakatok at tinatawag ang pangalan ko pero hindi ko siya pinagbuksan. Hindi ko siya hinarap. Nagpanggap ako na wala ako rito sa unit. Nakailang tawag at text na rin siya sa akin pero hindi ko rin sinasagot.

Hindi ko pa kaya ngayon. Hindi pa ako handang makipag-usap sa kanya. Nasasaktan pa rin kasi ako. Nasasaktan nang dahil sa sitwasyon na ginawa niya sa akin.

Alas-otso na ng umaga nang tumayo ako mula sa sala ng unit ko at nagtungo sa kuwarto para mag-ayos. Napagdesisyunan kong pumasok na ngayon. Kailangan kong maging busy. Kailangan kong may ibang isipin dahil para na akong mababaliw sa mga tumatakbo sa isip ko.

Alam kong hindi ko makikita si Brixx ngayon dahil nandoon siya sa site at abala sa building project namin. I sighed. Kailangan ko palang pumunta roon para tingnan ang progress. Gusto kong pumunta roon na wala si Brixx. Ayoko siyang makita. I sighed again. Pati trabaho ko nadadamay na nang dahil sa personal problem ko.

Nag-apply ako ng makeup para maitago ang haggard kong mukha at mga mata kong ilang beses nang umiyak. Gladly, natakpan nila kahit paano ang mukha kong ilang gabing umiiyak.

Pagdating ko ng office, abala sina Carla at Aila sa ginagawa nila. Si Mau naman nandoon sa sulok at busy din. Wala sina Gio at Joe. And thank, God—wala rin si Brixx. Kahit paano makakahinga ako nang maluwag.

“Ate girl, saan ka galing?” kaswal na tanong ni Aila sa akin.

“Sa Olongapo,” I lied at dumeretso sa desk ko.

“Ang layo, `te. Saka bakit biglaan?” Si Carla naman. “Saka, Cha, kakatawag lang uli ni Brixx kanina. He was asking kung pumasok ka na raw ba. Hindi mo ba sinasagot ang mga texts niya?”

Napatigil ako sa pag-aayos ng laptop nang dahil sa tanong ni Carla. Hindi ko inaasahan na pati sa office, magtatanong si Brixx tungkol sa akin. Pero mukhang wala pa rin silang ideya sa nangyari. I’m sure hindi nagsalita si Brixx. Natural, hindi niya hahayaan na sumama ang tingin nila sa kanya.

Hindi aamin sa kanila ni Brixx kung gaano niya ako pinagmukhang tanga.

Nakangiti kong hinarap sina Carla and Aila. “Hindi, eh. Ang dami ko kasing ginawa sa Olongapo kaya wala akong time na tingnan ang phone ko,” sabi ko. “Pero, don’t worry. Ite-text ko na siya,” I lied again.

Tiningnan nila akong mabuti at ngumisi.

“Wow! Naka-make up ka. Blooming si Ate Girl!” pangangasar ni Aila.

“Mukhang maganda ang resulta ng birthday celebration mo, ah?” dagdag pa ni Carla. “Naku, Cha. Kailangan namin ng kuwento mo. In full details, please. Baka may, you know, something naughty na nangyari.”

Then they giggled. Kung alam lang nila ang totoong nangyari.

Matipid akong ngumiti. “Sira kayo,” sabi ko. “Walang ganyan.”

“Walang ganyan ka diyan. Ayaw mo lang magkuwento, eh,” nakangusong sabi ni Aila.

“O s’ya, hindi ka na namin pipilitin pero…” Si Carla naman. “Magkuwento ka pa rin.”

I faked my laugh. “Wala nga akong ikukuwento.”

“Whatever, Cha!” sabay na sagot nina Aila and Carla.

Napailing-iling na lang ako, saka itinuon ang pansin sa pag-aayos ng laptop kasabay ang pagkawala ng pekeng ngiti sa labi ko. Bigla akong napatingin kay Mau nang maramdaman kong nakatingin siya sa akin.

I smiled at her but she didn’t return my smile. Napailing-iling na lang siya at muling tinuon ang pansin sa ginagawa niya. Mukhang may ideya siya sa nangyayari o alam niyang may nangyayari sa akin.

I did my usual routine. Sumagot ng mga e-mails and inquiries ng clients. Nag-drawing and everything. Minsan napapahinto na lang ako sa ginagawa ko at napapatulala sa kawalan.

Sabi nga ni Carla kanina parang wala raw ako sa sarili. May tinatanong kasi si Carla sa akin pero wala akong maisagot sa kanya kundi hindi ko alam. Ang sabi ko pagod lang ako sa biyahe dahil dumeretso na ako rito sa office galing Olongapo. Na-stucked pa ako sa traffic ng sobrang tagal.

I lied, of course. Sinabihan pa ako ni Carla na sana raw bukas na lang ako pumasok dahil halata nga raw na pagod ako. Hindi lang niya alam na mas napapagod ang isip ko kung mananatili lang ako sa unit ko.

Kapag nandoon kasi ako, pumapasok sa isip ko ang mga tanong ni Brianna sa akin. Saka uli ako masasaktan at bigla-bigla na lang mapapaluha. Okay na ako rito sa office. At least dito, nawawala panandalian ang mga tanong sa isip ko. Natutuon ko ang isip ko sa ibang bagay.

Dumating ang lunch break namin. Nag-aya sina Aila na kumain na sa baba pero sabi ko hindi ako gutom kaya sila na lang. Marami pa rin kasi akong kailangan gawin. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom. Tinanong nila ako kung may gusto raw ba akong ipabili, sabi ko wala rin. They nodded and left.

Habang abala ako sa pag-i-sketch ng something, biglang tumunog ang cell phone ko. When I looked at my phone, nakita ko ang pangalan ni Brixx. He was calling again.

Nakatitig lang ako sa cell phone ko at hinahayaan si Brixx na magsawa at putulin ang tawag. Makaramdam naman sana siya na ayoko siyang makausap. Bakit ba hindi niya iyon maintindihan? Hindi ko sinasagot ang mga tawag ni Brixx lately dahil nga iniiwasan ko siya.

“Why don’t you answer it?”

Biglang akong napatingala nang marinig ko ang boses ni Mau. Nakatayo na pala siya sa gilid ko nang hindi ko namamalayan. Masyado kasi akong naka-focus sa cell phone ko at nagdadasal na sana huwag nang tumawag si Brixx at lubayan na lang niya ako. Seriously—lubayan na niya ako.

Huminto ang tawag ni Brixx kaya dali-dali kong pinatay ang cell phone ko at kinuha iyon at inilagay sa loob ng bag ko—saka ako tumingin kay Mau at ngumiti.

“Hindi naman `yon importante,” sabi ko. “Saka marami akong ginagawa. Tiyak, mangungulit lang `yon.”

“Marami kang ginagawa o sadyang gusto mo lang siyang iwasan?” pag-usisa pa ni Mau.

“It’s not like that,” sagot ko na hindi nakatingin kay Mau.

“Cha, may problema ka ba? O kayong dalawa ni Brixx?” seryosong tanong ni Mau.

Umiling ako. “Wala.”

“That’s not the face you make when you don’t have a problem,” sabi ni Mau. “Alam kong may problema ka, Cha. Kung `yong dalawang aso, maloloko mo sa pagngiti mo, puwes ako hindi. I know better.”

Hindi ako sumagot sa tanong ni Mau. She was really sharp ever since at hindi iyon magbabago.

Alam na alam talaga ni Mau kung may itinatago ako o wala. Pero wala ako sa mood para ikuwento sa kanya ang nararamdaman ko o kung ano ang nangyayari sa akin ngayon. Wala akong gana para i-voice out lahat ng tumatakbo sa isip ko. Gusto ko lang ng katahimikan.

“Wala akong problema, okay!” Napataas na ang boses ko. “Pakilubayan mo muna ako, Mau. I’m not in the mood to talk! Masyado akong maraming ginagawa para makipagtsismisan!”

“Tsismisan?” dama ko ang hurt sa boses ni Mau. “Ganyan ang tingin mo sa ginagawa ko ngayon? Tsumitsismis lang, ha, Cha? Iyan ang tingin mo sa akin? Isang tsismosa lang? I’m trying to care!”

“I don’t need your care!” malamig kong sagot na kinatigil ni Mau. “Seriously, just leave me alone!”

Hindi na nagawang sumagot ni Mau dahil biglang may isang boses na nagsalita.

“Hey, girls. Bakit kayo nagsisigawan?”

Pagtingin ko sa pinanggalingan ng boses, bigla akong napatayo nang dahil sa gulat.

“Oh God,” sabi ko. “What are you doing here, Seph?”

He grinned. “Isn’t it obvious? Na-miss ko kayong lahat,” sabi ni Seph. “Lalong-lalo ka na!”

Saka ako lumakad para bigyan si Seph ng isang mahigpit na yakap.

Tawa siya ng tawa habang nakayakap ako sa kanya pero ginantihan rin niya ako ng yakap. Hinaplos ni Seph ang buhok ko katulad ng palagi niyang ginagawa sa akin noon.

Isa iyon sa mga nami-miss ko kay Seph dati. Nami-miss kong hinahaplos niya ang buhok ko na para bang pinaparamdam niya sa akin na magiging okay din ang lahat.

“Hindi halatang miss na miss mo ako, Cha,” Seph said when we broke our hug to each other.

“Siyempre naman, `no! Na-miss talaga kita,” galak na galak na sagot ko. “Almost a year since the last time I saw you. After…. after what happened to us.” Nawala ang ngiti ko.

But Seph gave me a genuine smile like he always did. Siya ang katangi-tanging tao na kahit nasaktan ko noon, nagagawa pa rin akong ngitian at intindihin ang nararamdaman ko. Isa iyon sa katangian ni Seph na kinaiinisan ko pero at the same time nagustuhan ko sa kanya. He was so matured to understand everybody.

“Cha, it’s been almost what… a year? Kalimutan na natin `yon,” sabi niya. “I’m not here for that.”

“Pero nakakagulat na bigla-bigla kang sumusulpot,” sabi ko. “Bakit ka napapunta rito sa Manila?”

“Mamaya na natin pag-usapan `yan,” sabi niya. “Tara lunch tayo, my treat.”

“Sure,” mabilis kong pagpayag. “Wala naman akong ibang gagawin.”

“Game.” Then Seph looked at Mau. “Ikaw, Mau. Tara?”

Napatingin ako kay Mau. Nagkatinginan kaming dalawa at napailing siya.

“I can’t,” sagot ni Mau. “May gagawin pa ako. Need to meet with the clients.”

“That’s sucks.” Ngumiti si Seph. “But it’s okay. Three weeks naman ako rito. We still have time.”

Bumaling si Seph sa akin. “Let’s go?” aya niya.

“Sure. Wait, kunin ko lang ang bag ko,” I said then took my bag.

Bago kami makalabas ng office ni Seph, napansin kong seryoso pang nakatingin si Mau sa akin at umiling-iling. Hindi ko na lang pinansin dahil abala akong pakinggan ang mga kuwento sa akin ni Seph hanggang sa makasakay kaming dalawa ng elevator. Kinuwento niya sa akin ang buhay niya sa Cebu.

We talked like it was still our first time meeting each other. Kahit may hindi magandang nangyari noon sa amin ni Seph at nasaktan ko siya, hindi niya pinaparamdam sa akin na may galit siya o hinanakit. Seph was still the same. Wala pa ring nagbago sa kanya simula noong mas piliin niyang mag-transfer sa Cebu. Siya pa rin ang Seph na una kong naging kaibigan dito at sinubukan kong mahalin.

Tawa ako nang tawa habang nasa elevator kami. Good thing, kaming dalawa lang ang sakay kundi nakakahiya sa ibang tao na ang ingay-ingay ko. May kinuwento kasi si Seph sa akin na may isang client daw doon na gustong magpagawa ng millions worth of mansion pero ang condition, papakasalan siya ni Seph para matuloy ang project na iyon. Ilang weeks daw nagtatago si Seph ng dahil doon.

It was good to laugh like this again. Kailan ba ako huling tumawa nang ganito kasaya?

Ah, tama. Nang dahil sa kanya. Nang dahil kay Brixx.

“O, bakit ka bigla-biglang napatigil sa pagtawa?” nagtatakang tanong ni Seph sa akin.

Hindi ko na namalayan na napatigil na pala ako sa pagtawa nang maalala ko si Brixx.

Napailing ako. “Wala. May naalala lang.”

Napatango na lang si Seph at hindi na nagsalita pa. Lumabas na kami ng elevator nang marating namin ang ground floor at naglakad patungong lobby. May ilang kakilala si Seph na nakasalubong at natuwa na muli siyang nakita. Tinanong nila na kung for good na ba raw ang pagbabalik ni Seph and he said hindi raw. May ilang bagay lang daw na kailangang ayusin kaya bigla siyang napabalik ng Manila.

Ang daming nakakakilala kay Seph at ang dami niyang kaibigan. It was one of the proofs that he was a really good guy. Gentle, understanding, mature. Parang hindi ko na nga puwedeng gamitin ang guy para kay Seph. Iyong personality niya kasi, for a man na. Seph was really a good man.

“Seriously,” sabi ko habang naglalakad kami sa parking lot. “Why didn’t we work out before?”

Nakalimutan ko na ang rason kung bakit hindi nag-work out ang relasyon namin ni Seph dati. Kung bakit hindi naging successful kung ano man ang nabuo sa amin. Kung tutuusin, Seph was really a perfect boyfriend—fiance rather—and soon- to-be husband. Siguro masaya ako sa kanya kung tinanggap ko lang ang offer niya noon. Maybe, mayroon na akong masayang buhay ngayon at hindi nahihirapan ng ganito.

Kaya hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko at hindi ko binigyan ng chance si Seph para patunayan ang sarili niya at makita kung mapapasaya niya ako. Why did I give the chance to someone who kept hurting me ever since the beginning? Bakit sa isang tao pang paulit-ulit nagtatago sa akin ng isang lihim ko ibigay ang pagkakataon na iyon? Why not kay Seph? He was far more worth it to be given a chance. Bakit kay Brixx pa?

Ngumiti lang si Seph sa akin. “Because, remember?” sabi niya. “You were still with your ex before.”

Sasagot pa lang ako sa sinabi ni Seph nang bigla kaming parehas mapatingin sa tumawag sa akin.

“Charry!”

Shit. That voice.

Pagtingin ko sa tumawag sa akin, nakita ko si Brixx na nakasakay sa sasakyan niya. Hindi na niya maayos na nai-park ang kotse dahil dali-dali na siyang bumaba at pumunta kung saan kami nakatayo ni Seph.

“Let’s go,” sabi ko kay Seph at dali-daling naglakad papunta sa dulo. Kung nasaan ang kotse ni Seph.

“Wait, Cha. Mukhang kailangan kang makausap.”

“Hindi `yan!” napataas ang boses ko at nagmamadali na sa paglalakad.

Pero mabilis kaming nahabol ni Brixx. Agad siyang huminto sa harap ko. Pagtingala ko sa kanya, hindi siya nakatingin sa akin. Tumingin muna si Brixx kay Seph bago bumaling sa akin.

“We need to talk,” Brixx said seriously.

Nagtagis pa ang mga bagang ni Brixx na parang hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya. What the hell! Siya pa ang may ganyang reaction ngayon? Siya pa ang parang galit?

“Wala tayong dapat pag-usapan,” sagot ko, saka tinabig siya para makapaglakad uli ako.

Nakailang hakbang pa lang ako nang hawakan ni Brixx ang braso ko nang sobrang higpit.

“Marami tayong dapat pag-usapan, Cha. Come on. Huwag mo naman akong iwasan,” sabi niya na parang nagmamakaawa na. “Hindi masusolusyonan `tong problema natin kung iiwasan mo lang ako.”

“Aray! Ano ba, Brixx? Bitiwan mo nga ako!” sabi ko na nasasaktan sa paghawak ni Brixx.

Biglang nagsalita si Seph. Masyadong seryoso ang mukha ni Seph. He didn’t like what he was seeing.

“Pare, respetuhin mo ang sinabi ni Cha. Ayaw niyang makipag-usap sa `yo.”

Then, hinawakan ni Seph ang kamay ko at siya na mismo ang bumawi niyon sa pagkakahawak ni Brixx.

Binalingan ng tingin ni Brixx si Seph. Kitang-kita ko kung paano magdilim ang mga mata niya. Kung paano kumuyom ang kamao niya na parang naghahanda nang suntukin si Seph.

Saka ko itinulak nang malakas si Brixx. Bahagya siyang napaatras.

“Ano ba, Brixx? Sinabi ko na ngang ayokong makipag-usap sa `yo. Wala naman tayong dapat pag-usapan!” sigaw ko. “Ano bang hindi mo maintindihan doon? Just leave me alone, Brixx! Kung may oras ka para makipag-usap sa akin, gamitin mo na lang `yon para sa anak mo. She needs you, Brixx! And I don’t!”

Pagkatapos kong magsalita, tumalikod na ako at dumeretso sa pick-up na sasakyan ni Seph. Sumunod naman agad siya sa akin para buksan iyon. Bago pa ako tuluyang makasakay, Brixx called my name.

Hindi ko na nilingon si Brixx. Alam kong nandoon pa rin siya nakatayo sa parking lot hanggang sa makaalis kami. Hindi ko na siya binigyan ng kahit anong tingin.

Ayoko siyang tingnan dahil baka maawa lang ako sa sarili ko at bigla akong bumaba sa sasakyan ni Seph. Ayoko siyang tingnan dahil paniguradong makakaramdam na naman ako ng awa sa kanya.

Tapos na akong bigyan siya ng awa. Tapos na akong bigyan siya ng chance.

Sa mga oras na ito, sarili ko naman ang kakaawaan ko. Sarili ko naman ang bibigyan ko ng chance.