noveltoon logo noveltoon
Stupidly In Love Again

Chapter 5

Ch. 6 / 22 May 18, 2024

Chapter 5

“WALA akong kailangan sa `yo, Cha. Gusto ko lang uling bumalik sa buhay mo kasi kailangan kita. I just realized na for the past years, mahal kita. Na hindi biro ang nararamdaman ko para sa `yo. Na naging bulag ako. I love you, Charry. I really do. Mula noon hanggang ngayon. Mahal pa rin kita. Mahal na mahal.”

Brixx’s confession echoed in my head for the ninth time.

Let me rephrase that. Brixx’s lie echoed in my head for the ninth time.

Kahit anong pilit kong ibaling sa ibang bagay ang isip ko o gawing busy ang sarili ko para hindi ko na iyon muling maalala pa, kusa naman itong pumapasok sa isip ko na akala mo, inaasahan kong bisita. Bigla tuloy akong napapahinto sa ginagawa ko at napapatulala na lang sa kawalan.

A part of me wanted to believe Brixx. Para kasing seryoso siya noong nagkasagutan kaming dalawa sa parking lot ng supermarket noong weekend. His eyes were sad that time. Para talagang marami siyang bagay na gustong sabihin sa akin pero nag-aalangan si Brixx dahil alam niyang hindi ako maniniwala. At iyon naman talaga ang totoo—hindi na ako maniniwala sa kanya.

May parte sa puso ko na gustong maniwala kay Brixx. Pero mas matimbang pa rin ang parte na ayaw ko na siyang paniwalaan sa kahit ano mang sabihin o ipangako niya. A big part of myself knew Brixx better. Alam na niyang walang magandang maidudulot si Brixx sa buhay ko if I let myself believe him once again. Ayoko na uling maranasan iyong narasanan ko noon. It was a nightmare I didn’t wanna experience again.

Hindi ko rin alam kung bakit ganoon ka-consistent si Brixx. Bakit pa niya sinasabi ang mga iyon sa akin. Ano pa bang sense? Kung noon niya sinabi na mahal niya ako, siguro magpapakatanga pa uli ako sa kanya. Siguro kakalimutan ko ang mga narinig ko na hindi siya seryoso sa akin at ginagamit lang niya ako.

Kung noon pa sinabi ni Brixx na mahal niya ako at kahit kasinungalingan lang iyon, handa akong talikuran ang reyalidad na hindi iyon ang totoong nararamdaman niya. Handa akong magpakantanga uli sa kanya. Mahal na mahal ko kasi siya… noon . Kaya handa akong magbulag-bulagan para sa kanya.

Kaya lang, nagbago na ako. Hindi na ako iyong tanga, bulag, at handang magpagamit na Charry para sa lalaking mahal niya. I had changed for the better. Kaya sana maisip ni Brixx na kahit magsisi siya—kung totoo man ang mga pinagsasabi niyang kasinungalingan—huli na ang lahat para sa aming dalawa.

“Ang pechay baguio, tulala na naman,” narinig kong sabi ni Mau kaya napatingin ako sa kanya. “Sabi ko tulungan mo akong maghanap ng magagandang designs for reference ko hindi tumulala ka diyan.”

“Sorry. May iniisip lang,” pagdadahilan ko sa kay Mau.

Nandito ngayon si Mau sa working station ko dahil nagpapatulong siya sa mga design reference na gagamitin niya for her newest project. Kakabigay lang sa kanya noong isang araw ng new project niya kaso agad na siyang na-stress nang na-meet niya ang client kahapon.

Sobrang arte raw nito kahit hindi kagandahan. Hindi na nga raw niya nabilang kung ilang beses siyang napa-rolled eyes nang palihim habang kausap ang client niya kaya nahilo-hilo raw siya nang matapos siyang makipag-usap. Gusto raw ni Mau na matapos agad ang design para wala na siyang stress.

“Ano na naman ang iniisip mo, `te?” tanong ni Mau habang nagba-browse ng mga magazine. “Huwag mong masyadong isipin `yon dahil paniguradong mahal ka n’on kahit malayo siya sa `yo.”

“Mahal?” balik tanong ko sa kanya. “Baka kamo may kailangan na naman sa akin kaya sinasabi na niyang mahal niya ako. Hindi pa yata sapat na ginawa niya akong tanga at pinagmukhang kawawa noon.”

Kumunot ang noo ni Mau. “Ha? Ano’ng pinagsasabi mo?” naguguluhan niyang sagot. “Kailan ka ginawang tanga ni Seph at pinagmukhang kawawa? Sa pagkakatanda ko kasi, ikaw `yong gumawa sa kanya n’on. Pinagmukha mo siyang tanga at kawawa sa harap ng maraming tao, eh.”

Hindi naman galit si Mau habang sinasabi iyon. Her tone was more like she was only saying the truth. And that was the painful and cruel truth. Pinagmukha kong tanga at kawawa si Seph noon. Haay.

Bakit ba kasi napunta kay Seph ang usapan naming dalawa? Hindi naman kasi siya ang gumugulo sa isip ko. Pero hindi ko iyon maaaring sabihin kay Mau dahil hindi naman niya alam ang tungkol sa amin ni Brixx noon. Ang alam lang niya at na-witnessed na naging past relationship ko—si Seph.

Hindi rin naman sa itinatago ko kay Mau ang tungkol sa amin ni Brixx. It was just that… parang wala namang point kung ikuwento ko pa. Matagal na namang nangyari iyon. Hindi rin ako iyong tipo ng tao na gustong-gustong ikinukuwento ang mga nangyayari sa akin noon.

“I’m not mad, `te, ha?” pagsasalita ni Mau. “I’m just saying the truth.”

“I know,” sagot ko. “At totoo rin naman `yon. Naging masama ako kay Seph. Pero ewan ko ba kung bakit never siyang nagalit sa akin. Even he had all the right to scream at my face and sumbatan ako? Hindi niya ginawa.”

“Simple lang,” sabi niya. “Kasi mahal na mahal ka nang tao at masyado ka lang bulag para hindi `yon makita.”

“Alam ko naman `yon. Kaya nga nagtataka ako kung ano’ng nakita niya sa akin. He deserves more than me.”

“But he chose to love you instead,” sabi ni Mau. “Kumusta na kaya si Seph sa Cebu? Sana okay siya.”

Napahugot na lang ako ng malalim na buntong-hininga nang maalala ko si Seph. Sana nga okay lang siya at masaya siya sa new branch ng office sa Cebu ngayon. After all, he deserved to be happy.

Nagkakilala kaming dalawa ni Seph noong kakauwi ko lang dito sa Pilipinas. Nasa iisang coffee shop kaming dalawa noon nang hindi ko sinasadyang mabangga ang table niya at matapon sa laptop niya ang kape. Sa sobrang daming natapon, hindi na agad gumana ang keyboard. Kabadong-kabado ako dahil mukhang natataranta si Seph nang mga oras na iyon. Nandoon daw naka-save ang mga files sa trabaho niya.

Nag-volunteer ako na ipaayos namin ang laptop ni Seph. Inako ko ang pagbabayad pero ayaw niya. Okay lang daw. Kahit ano ang pilit ko sa kanya ayaw niya talagang tanggapin. Fault niya rin daw na maglagay ng kape sa gilid ng laptop. Inako niya ang problema kahit ako ang may kasalanan. So sabi ko, ilibre ko na lang siya uli ng kape after naming iwanan ang laptop nang makabawi ako.

Nag-usap kaming dalawa na parang matagal na magkakilala. Ang gaan agad ng loob ko sa kay Seph. Napag-alaman ko na isa siyang engineer. Naikuwento ko sa kanya na tapos ako ng Architecture sa ibang bansa at kakauwi ko lang. Naghahanap ako ng trabaho then he offered me a job—sa Mendez Engineering and Architecture Services—si Seph ang naging dahilan para makapasok ako sa kompanya.

Kitang-kita ko na close si Seph sa lahat ng katrabaho namin. He got along so well with everyone. Sobrang bait niya. Nang dahil sa kanya naging kaibigan ko silang lahat lalong-lalo na si Mau. Until niligawan ako ni Seph. Mahigit dalawang buwan niya akong niligawan at dala siguro ng tukso ng mga katrabaho namin, sinagot ko siya. He was so really happy that time kahit pakiramdam ko mali ang desisyon ko.

Naging smooth ang relasyon naming dalawa ni Seph for the past seven months to be honest. Wala kami naging problema at kung mayroon man na kasalanan ko, siya pa mismo ang susuyo sa akin. Siya ang hihingi ng sorry. Katulad ng palagi niyang ginagawa, inaako niya ang hindi niya kasalanan.

I loved him while we were in a relationship. Pero hindi ako sigurado na iyong pagmamahal ba na nararamdaman ko for him, totoo. O baka pagmamahal lang as more than friends but less than lovers? Wala akong ideya. It just felt so wrong on my part. Nagi-guilty tuloy ako.

While him, on the other hand, alam kong mahal na mahal ako ni Seph. Ramdam na ramdam ko kasi. Kitang-kita ko sa kilos at galaw niya. The way he looked at me was like I was the one who put the stars in the sky. Or I was the only one he sees in this world. Ganoon kung tumingin si Seph sa akin. He made me his everything.

Sa bawat araw na dumadaan, lalo akong kinakain ng guilt na nararamdaman ko. Hanggang magkaroon ng party ang kompanya, habang nagsasaya ang mga tao, bigla siyang nag-proposed sa akin. Sabi niya, kahit na wala pa kaming isang taon na magkarelasyon, sure na raw siya sa akin. Ako raw ang babaeng gusto niyang makasama habang-buhay. Ako raw ang babaeng gusto niyang pakasalan.

Nakangiti ang lahat sa amin noon. Kahit si Mau sobrang kilig. Si Seph naman nakangiti lang habang pansin na pansin ang pag-asa sa mga mata niya. But that night, I broke his heart. Hindi ko tinanggap ang proposal niya. I turned him down. I ruined the night’s party. Pero wala akong ni isang sumbat na narinig mula kay Seph o sa kahit na sinong katrabaho namin. He just smiled and said he understood.

Alam kong kinausap din ni Seph ang mga katrabaho namin lalong-lalo na si Mau na huwag mainis sa akin. And Mau did it. Everyone did. Hindi sila nainis sa akin. Walang nagalit sa akin nang dahil sa pakiusap ni Seph. Wala ring nagtanong kung bakit hindi ko tinanggap ang proposal ni Seph. Nanahimik lang sila tungkol doon.

Nag-usap kaming dalawa ni Seph after a week, I cried in front of him. Kinuwento ko ang nangyari sa akin noon. Ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Brixx. Kung bakit hindi pa ako sigurado at kung bakit hanggang ngayon, takot ako. Instead na sabihing ‘dahil lang doon kaya mo ako ni-reject?’ he said ‘I’m so sorry kung kailangan mong pagdaanan ang bagay na `yon noon.’

Pagkatapos niyon, nagkaroon ng job offer si Seph para maging head sa new branch namin sa Cebu. Mabilis niyang tinanggap iyon. Hindi dahil tinatakbuhan daw niya ako at gusto niyang mag-move on. Kundi dahil gusto niyang bigyan ako ng space. Para makapag-isip-isip at hindi ma-pressure.

Seph was and still kind to me after I broke his heart. Imbes na magalit siya, inintindi niya ako. Imbes na sigawan ako, niyakap pa niya ako. Sobrang bait niya kaso tanga lang talaga ako.

“Ang galing mo talaga, Brixx! Hulog ka ng langit sa akin!”

Parehas kaming napalingon ni Mau nang marinig naming napatili sa sobrang tuwa si Andrea. Nandoon siya sa working station ni Brixx at nakaliyad habang nakaharap sa computer ni Brixx. “Nagpapatulong” daw ito simula ng nakaraan pa. May hindi raw kasi siya maintindihan kaya nagpapatulong siya.

Nagpapatulong o lumalandi? Ewan ko ba. Parang parehas lang ang ibig sabihin niyan para kay Andrea.

“Bilib din talaga ako diyan kay ate Andrea,” mapaklang sabi ni Mau. “Kahit obvious nang hindi siya trip ni Brixx, todo dikit pa rin. Tingnan mo, o. Todo niya kung ikayod sa braso ni Brixx ang mga melons niya. Nangangati na naman yata ang cauliflower ng lukaret na `yan kaya gusto niya ng talong ni Brixx.”

“Hayaan mo na lang,” sabi ko. “At least, hindi nambi-bitch si Andrea lately, `di ba? Bagay naman sila.”

Isang ahas at isang nagpapaahas. Bagay na bagay, `no?

“Anong bagay?” kunot-noong tanong ni Mau. “Hindi bagay ang tulad ni Brixx kay Andrea, `no. Matino si Brixx, `te. Ang tipo ni Brixx, pang-long term relationship. Seryoso sa buhay. One man woman. Mga gano’n.”

“Ano kamo?” gulat kong sabi. “Pang-long term relationship? Seryoso sa buhay? One man woman? Si Brixx?”

“Oo, `te. Gano’n si Brixx. Kitang-kita ko sa kanya.”

“Naku kung alam mo lang, Mau. Kung alam mo lang.”

Kung alam mo lang kung gaano katarantado at gago iyang si Brixx noon. Kung gaano siya manloko at gumamit ng babaeng walang ibang ginawa kundi mahalin siya. Hindi mo masasabi ang mga iyan.

“Kung alam ko lang na ano?” Nagdikit ang fake eyebrows ni Mau.

“Wala,” sabi ko. “Huwag kang masyadong kumunot noo, `te. `Yang kilay mo nasisira.”

“OMG!” Nawindang na si Mau. “Kilay is life ang motto ko. `Di puwedeng masira ang kilay ko!”

Dinampot ni Mau ang foundation niyang may salamin sa mesa at tiningnan ang kilay niyang peke. Tiningnan niya kung parehas pa ba ang haba sa isa’t isa at kung matulis pa rin ba ang dulo.

Napailing-iling na lang ako at muling dumako ang tingin kina Brixx at Andrea. Kitang-kita ko kung paano siya tumatawa sa pag-uusap nilang dalawa. Enjoy na enjoy pa yata siya sa pagkiskis ni Andrea sa boobs nito sa braso niya. Patay malisya kunwari pero sigurado akong pumapalakpak na ang mga tainga.

I love you, Charry. I really do. Mula noon hanggang ngayon. Mahal pa rin kita. Mahal na mahal.

Napangiti ako nang mapakla nang umulit na naman sa isip ko ang mga sinabi ni Brixx.

Mahal na mahal pala, ha! Utot niya. Iyan ba iyong mahal na mahal? Iyong nag-e-enjoy pa sa panlalandi sa kanya ng ibang babae? Sige nga, sabihin niya sa akin ngayon kung mahal niya ako. Baka tanga siya.

After nang naging usapan namin ni Brixx sa parking lot, hindi na niya ako ginulo pa. Hindi na siya nag-doorbell sa unit ko para manghiram ng kung ano-ano. Dito naman sa trabaho, nag-iiwasan kaming dalawa. Or more like ako ang umiiwas. Ayos nga iyon dahil hindi siya lumalapit sa akin.

Hindi rin namin magawang magtinginan. Sana lang manatili ang ganitong set up sa amin para tahimik na ang buhay ko. Marunong naman palang tumupad sa deal namin si Brixx. I will praise him for that.

“Mau, may tanong ako.” Baling ko kay Mau.

“Shoot it, `te.” sagot ni Mau na hindi ako tinitingnan.

Abala pa rin si Mau sa pagtingin sa kilay niya sa salamin. May hawak pa siyang ruler at sinusukat ang bawat haba. Gusto niyang masigurado na magkaparehas lang ang haba ng dalawa. Loka-loka talaga.

“Paano mo malalaman kung nagsasabi ng totoo ang ex-boyfriend mo kapag sinabi niyang mahal ka pa niya.” Napatingin sa akin si Mau. “I mean, sinabi niya sa `yo na mahal ka pa niya after he did cruel things to you in the past. Cruel things na naging dahilan para matakot kang magmahal uli. Na maging committed sa isang tao dahil pakiramdam mo mauulit lang ang nangyari noon?”

“Speaking for yourself ba `to?” tanong ni Mau. “Ano bang ginawa ni Seph before at hindi mo tinanggap ang proposal niya sa `yo? May cruel things ba by One Direction?”

“Cruel things by One Direction ka diyan. Adik. Little Things ang kanta nila.” Natawa ako. “Hindi nga sa akin. For example nga lang. And no, walang ginawa sa `kin si Seph. Ako nga ang may ginawa, `di ba?”

“Ah. I see,” sabi ni Mau. “Ano nga uli ang tanong mo?”

Napaikot ako ng mga mata, saka ko inulit kay Mau ang tanong ko.

“Duh? Eh, di tanungin mo `yang ex mo. Siya lang ang makakaalam niyan.”

“Hindi ko nga ex. Para sa ibang tao `to.”

“Sino `yang ibang tao na `yan nang masampal ko. Bakit ginagawa ka niyang tanungan?” pagbibiro ni Mau. “Pero seryoso, `te. Kunwari ikaw `yan for example. Mas mabuting tanungin mo na lang ang ex mo.”

“At ano naman ang itatanong ko?”

“Gaano kalaki ang patola mo?”

“Ano ba naman `yan, Mau. Magseryoso ka nga!”

She laughed. “Ganito ang itanong mo. Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako. O kailangan mo ako dahil mahal mo ako? Nang sa gano’n malaman mo kung ano ang sagot niya.”

Tsk. “Luma na `yan, Mau. Wala bang bago?”

“Ah, gano’n? Gusto mo ng bago?” sabi niya. “Ganito ang bago. Mahal mo ba ako dahil fresh pa ang pechay baguio ko. O, fresh pa ang pechay baguio ko kaya mahal mo ako?”

I groaned.

“Sabi ko bago. Hindi mahalay na tanong. Ay ewan ko sa `yo, Mau. Hindi ka makausap nang matino.”

Tumawa lang si Mau. “Ang witty kaya ng tanong ko.”

“Anong witty? Baka dirty!”

Nangalumbaba ako at nag-browse ng mga magazine. Wala talaga akong makukuhang matinong sagot kay Mau. Kung hindi walang kuwentang sagot, mahahalay naman. Minsan talaga nagtataka pa ako kung paano naging topnotcher si Mau sa board exam.

Nakita kong pumasok sa office si Sir Carlos at dumeretso sa working station ni Brixx. May sinabi siya kaya napatango-tango naman si Brixx. Pagkatapos niyon, naglakad naman patungo sa akin.

“Hello there, ladies,” bati sa amin ni Sir Carlos.

“Hay naku, `andito na naman si Sir Carlos. Na-stress na naman ako,” pagbibiro ni Mau.

Tumawa lang si Sir Carlos. “Don’t worry, Mau. Hindi ikaw ang kailangan ko ngayon.” Then he looked at me. “Cha, I have a new project for you. Siguradong matutuwa ka.”

“Ano po `yon?” excited kong tanong.

“Ikaw ang gusto kong gumawa ng design for a library,” he informed me while smiling.

“Wow!” sabi ko.“Hindi nga po? Totoo, Sir?”

“Hindi. Binibiro ka lang ni Sir,” pagsingit ni Mau. Hindi ko na lang siya pinansin.

He nodded. “Yes. Kaya tara sa office ko. Pag-usapan natin ang details.”

Then he bid good-bye at lumabas naman ng office namin para dumeretso sa itaas kung nasaan ang office ni Sir Carlos. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko kahit wala na si Sir Carlos sa harap namin ni Mau.

“Oy, `te. Kalma. Baka himatayin ka!”

“Baka nga mahimatay ako, `te!” sagot ko kay Mau. “One of my dream job `to!”

“Alam ko! Kaya umakyat ka na sa office ni Sir! Dalian mo!”

Wala na akong sinayang na oras kaya naglakad na ako at lumabas ng office namin. Pero bago muna ako umakyat sa office ni Sir Carlos, dumaan ako sa banyo dahil bigla akong naihi sa sobrang excitement.

Nasa tapat na ako ng pinto ng office ni Sir, kumatok muna ako. Narinig kong sinabi niyang come in kaya pumasok na ako sa loob. Napatigil ako nang makita kong hindi siya nag-iisa. Nakaupo sa harap niya si Brixx. Parehas kaming nagulat ni Brixx nang magkatinginan kaming dalawa.

“Sit down, Charry,” sabi ni Sir Carlos.

Umiwas ako ng tingin kay Brixx at dumeretso na sa pag-upo. Nasa harap ko nakaupo si Brixx. May ideya na ako sa kung ano ang mayroon pero sana hindi totoo. Sana hindi matuloy itong nasa isip ko.

“So, `andito na kayong dalawa,” simula ni Sir Carlos. “I want to inform you that you guys have been chosen as the engineer and architect for this project.”

Shit.

Sabi na! Parang gusto ko nang mag-backout.

“What project, Sir?” tanong ni Brixx.

“Isang building project. I’m sure, parehas kayong familiar sa building na `to since you both graduated there.” Tumingin sa akin si Sir Carlos. “Ay, hindi mo natapos `yong last year mo sa Holy Angel University, right, Cha?”

Muli kaming nagkatinginan ni Brixx hanggang siya na mismo ang umiwas ng tingin.

“Yes, Sir,” sagot ko na hindi komportable.

“But Brixx did?” he asked and Brixx nodded. “Sila ang client ngayon. Gusto nilang ipa-renovate ang library sa school n’yo dati. Personal choice nila si Brixx dahil topnotcher. And nang malaman nila na nandito rin si Charry, they were glad. Isa ka raw sa pinakamagaling na architecture student before, Cha. No doubt naman doon dahil nakita at nasaksihan ko kung gaano ka talaga kagaling.”

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi ni Sir Carlos. Tumatak kasi sa isip ko ang sinabi niya. Gustong ipa-renovate ng old school ko ang library—that library that Brixx and I used to go to. Ang library kung saan una niya akong kinausap. Ang library kung saan madalas kaming nagkakatabi na para bang kami lang ang tao sa mundo.

Ang library na naging saksi kung paano ako unti-unting nahulog kay Brixx. Ang library kung saan isinulat ni Brixx ang mga salitang ‘I like you. Can I court you, Cha?’ na naging dahilan para mapasigaw ako at tingnan ng ibang student na nag-aaral na para bang nababaliw na ako.

The library that holds so many memories of my past—my painful past.

“Sir, I think I can’t do this,” sabi ko.

Biglang napalingon sa akin si Brixx sa gulat. Hindi yata niya inaasahan ang sinabi ko.

“Why, Charry?” seryosong tanong ni Sir Carlos. “Is there any reason para i-decline mo ang project na `to?”

Napatingin ako kay Brixx for a moment. This time hindi na siya umiwas ng tingin.

“Sir kasi—”

“Charry, kung may personal reason ka para i-decline ang project na `to, please set that aside. This is work and the client personally chose you. Hindi natin sila puwedeng tanggihan sa request nila.”

“Oo nga,” sumagot si Brixx. “Bakit, Cha? May alaala ka ba sa library na `yon na natatakot kang maalala kapag nakita mo uli ang building na `yon? Sabi mo naka-move on ka na, `di ba?”

Napakayukom ako ng kamao.

“Of course!” Tumingin ako kay Sir Carlos. “Sige, Sir. I will accept it.”

“Good,” sabi ni Sir Carlos sa akin na nakangiti.

At nakangisi naman si Brixx.

“Very good,” sabi niya. “Patunayan mo sa akin na naka-move on ka na talaga.”

“I will,” I proudly answered. “Watch me.”

“Looking forward.”

Ugh! Jerk!

Kinausap muna kami ni Sir Carlos para sa ilang details at umpisahan na raw namin ang project as soon as possible para agad matapos. After that, he dismissed us.

Nagmadali agad akong tumayo at lumabas para hindi ko makasabay si Brixx sa elevator kaso nang-aasar ang tadhana dahil wala pa ang elevator nang maabutan ako ni Brixx na naghihintay.

“I’m looking forward to this project,” he said to no one in particular.

Hangin yata ang kinakausap ni Brixx. May sayad na yata siya.

“You know, ever since I graduated, dream ko nang na makatrabaho ka.”

I looked at him. “You know, you used to be my dream guy before,” sabi ko kaya napangiti si Brixx. “But it turned out that you were my worst nightmare.”

With that, nawala ang ngiti ni Brixx. `Buti nga . Pero agad ring bumalik ang ngiti niya sa labi. “I’ll do everything so I will be back as your dream guy again,” he answered confidently.

“Mabibigo ka lang. Hindi mo kaya.”

He smirked. “Oh, really? Pumasa nga ako sa board exam as the topnotcher. That’s impossible, right? Considering na ikaw pa ang gumagawa ng mga school works ko before. Pero, well. I did it anyway.”

“Oo nga, eh. Nakakapagtaka. Ano kayang kababalaghan ang ginawa mo?” I said, irritated.

Umiling si Brixx. “None. Ginawa lang kitang inspiration.” Napatigil ako dahil sa sinabi niya. “Sabi ko lang sa sarili ko noon, gusto ko kapag nagkita uli tayo I’m already a better person. Hindi na ako `yong tarantadong Brixx. `Yong gagong Brixx. Gusto ko na kapag minahal mo uli ako, maipagmamayabang mo na ako sa iba. Kaya nagpursige ako. This is all because of you. You were and are still my inspiration, Cha. Always.”

Walang salita na gustong lumabas sa bibig ko dahil sa sinabi ni Brixx. Wala akong maisagot sa kanya.

Nang bumukas ang elevator, parehas kaming pumasok. Nasa magkabilaan kaming side.

Great. Bakit ba sa tuwing nakakasabay ko sa elevator si Brixx walang ibang nakasakay. Trip na trip talaga ako ng tadhana. Ang galing talaga niyang magbiro.

“Sinabi ko noon sa sarili ko na kapag nagkita uli tayo,” basag ni Brixx sa katahimikan na bumabalot sa loob ng elevator. “Hindi na uli kita papakawalan pa. I’ve done terrible things to you before. Nawala ka sa akin. Kaya ngayong nakita uli kita.” Umiling-iling siya. “Hindi na kita papakawalan pa. Never, Cha. Never.”

“Brixx, I ran away before because I needed to move on from you. Gano’n sana ang gawin mo ngayon.”

Tumingin si Brixx sa akin. Seryosong-seryoso ang mukha niya. His gaze was so intense bago siya nagsalita. “I tried to run away before, Cha. Nang nawalan na ako nang pag-asa na muli kang makita. I tried running away from your memories,” sabi niya na hindi inaalis ang pagkakatingin sa akin. “Pero nabigo ako. How can I walk away from you if you were the only one who made me stay before? Paano ko tatakbuhan ang kaisa-isang tao na naniwala sa kakayahan ko noon na magiging better person ako?”

“ Hindi naman por que mahina ang ulo mo sa klas, nangangahulugan na wala kang kuwentang tao. Minsan talaga mahina lang tayo sa ilang bagay. Kaya huwag mong isipin na wala kang future, Brixx. Kasi naniniwala ako sa `yo na magiging successful ka someday. Naniniwala ako sa `yo.”

“Cha, I won’t let you go this time. You ran away from me five years ago and I don’t want that to happen again,” he said, “Just kill me if you want to run away again.”

Bumukas ang pinto ng elevator at naunang lumabas si Brixx at naiwan akong speechless at tulala sa mga salitang lumabas sa bibig niya ngayon.a