noveltoon logo noveltoon
Stupidly In Love Again

Chapter 18

Ch. 19 / 22 May 18, 2024

Chapter 18

DIS-ORAS na ng hating gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama at pilit pinapaantok ang sarili ko dahil maaga pa akong gigising bukas. Pero kahit anong pilit ko na matulog na, hindi pa rin ako inaantok. May mga bagay talaga na hindi puwedeng ipilit sa sarili natin. Gising na gising pa rin tuloy ang diwa ko ngayon kahit anong oras na.

Si Mama naman kasi. Kanina inaantok na ako pero bigla siyang tumawag. Ang tagal na raw since nang last naming pag-uusap at hindi raw niya ako ma-contact lately. Ang busy-busy ko raw. Kaya `ayon, nag-usap kami sa cell phone nang mahigit tatlong oras. Inalam niya ang rason kung bakit ang busy ko nitong mga nakaraan.

Sinabi ko sa kanya ang mga nangyari sa akin. Siyempre hindi ko sinabi ang tungkol kay Brixx. Ayokong mag-aalala na naman si Mama sa akin gayong ang layo-layo niya at baka maapektuhan ang trabaho nila ni Papa. Sinabi ko na lang na nagkaroon kasi ako ng latest project at magta-transfer sa Cebu.

Tinanong niya kung bakit ako magta-transfer sa Cebu. Ang layo-layo raw niyon. Biniro ko siya na mas malayo pa rin ang Canada mula sa Maynila kaysa ang Cebu sa Maynila. Puro raw ako kalokohan kaya tawa ako nang tawa. Nangako na lang ako kay Mama na sa darating na Christmas, uuwi ako sa Canada. Miss na miss ko na silang dalawa ni Papa. Lalong-lalo na ang yakap niya. Sana ngayon nayayakap niya ako.

Nagseryoso ang boses ni Mama pagkatapos kong sabihin na gusto ko magpayakap sa kanya. Tinanong niya ako kung may problema raw ba ako at kailangan ko ng mapaglalabasan ng sama ng loob.

Ang sabi ko, wala naman. Sadyang na-miss ko lang talaga siya. Hindi na ako pinilit ni Mama na magsalita pa. Hinayaan na lang niya ako. Siguro, ramdam ni Mama na may problema ako ngayon pero hindi na lang niya ako pinilit magkuwento dahil alam niyang mag-o-open up naman ako sa kanya kapag kaya ko na.

Mother knows best talaga. Nakikita kasi nila ang totoo nating nararamdaman sa kabila ng mga pekeng ngiti at pagtawa na ginagawa natin. Sila lang ang tanging tao na higit na nakakakita ng katotohanan kahit na puro pagbabalat-kayo na lang ang ipinapakita natin sa mundo.

Nakatitig na naman ako sa kawalan nang bumalik sa isip ko ang nangyari sa pag-uusap namin ni Ivy kanina. Muling bumalik sa isip ko ang mga big revelations niya tungkol sa building na pag-aari nito na nakapangalan sa akin at pati na sa bahay na ipinagawa ni Brixx para sa akin.

Nangilid ang luha ko nang maalala ko ang mga sinabi ni Ivy. Kung paano siya lumuhod sa akin at magmakaawa na bigyan ko uli ng chance si Brixx dahil ako lang daw ang magpapasaya dito. Mahal na mahal daw ako ni Brixx at hindi na nito alam ang mangyayari sa sarili nito kapag muli pa akong nawala.

Ito ang ayaw kong maalala kaya nagligpit ako ng mga gamit ko kanina. Mula pag-uwi ko kanina, umiyak lang ako nang umiyak. Ang hirap-hirap ng kalagayan ko ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahal ko si Brixx. God, mahal na mahal ko siya. Pero hindi ko alam kung nararapat pa ba kaming magsama.

Hindi na kasi kami iyong tulad ng dati. May responsibilidad na siya. Kung muli ko siyang tatanggapin, ayokong mangyari na lumaking may galit sa akin si Brianna dahil mas inuuna ako ng daddy niya kaysa sa kanya. Ayokong matulad sa mga napapanood ko na may hinanakit ang isang tao sa ibang asawa ng daddy niya . It just felt so wrong. Ayokong maging dahilan ng hindi pagiging magkasundo ni Brixx at Brianna sa future. At alam kong magiging ganoon ang sitwasyon namin kapag nagpatuloy si Brixx na mahalin ako.

Don’t break his heart. Cha.

Hindi lang naman puso ni Brixx ang nawasak ko. Winasak ko rin ang sarili kong puso na paulit-ulit na minamahal si Brixx. Kahit ayokong wasakin at durugin ang mga puso namin, wala akong ibang choice. Ito lang ang nakikita kong paraan para maitama ang pagiging makasarili ni Brixx ngayon.

Habang nag-iisip at nakatitig sa kisame ng kuwarto ko, bigla kong narinig na may bumagsak sa gilid ko. Pagtingin ko, nakita kong bumagsak ang box na pinaglalagyan ng mga kung ano-ano na nasa itaas ng cabinet ko. Nakalabas na ang ilang gamit ko mula rito dahil natumba iyon.

Tumayo ako at nilapitan para ayusin. Saka ako biglang napatitig nang makita kong pati iyong portfolio ay nasa labas na rin ng box. Nakabukas pa iyon sa pahina na mismong picture naming dalawa ni Brixx ang nakalagay. Iyong kuha naming dalawa sa school field noon at nag-star gazed pero nakatulog ako. He was smiling that time. Kumirot ang puso ko nang muli kong makita ang larawan na ito.

Isinara ko na ang portfolio at ibabalik na sana sa loob ng box nang mapatingin naman ako sa puting sobre na naiwan. Ito ang sulat ni Brixx para sa akin na hindi ko binasa. Parang nagpaparamdam iyon na basahin ko ngayon. Pinulot ko at hinaplos ang sulat kamay ni Brixx ng pangalan ko na nasa harap.

Hindi ko alam kung maganda ba na basahin ko ang sulat na ito ngayon. Pero namalayan ko na lang na binuksan ko na iyong sobre at kinuha ang papel na nasa loob. Saka ko iyon dahan-dahang binasa.

Charry,

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sulat kong ito. Ito lang ang paraan para malaman mo ang gusto kong sabihin. Sa sulat na lang na ito ko ipapaalam ang nararamdaman ko ngayon. Alam ko kasing ayaw mo na akong makita at makausap pa. Alam kong nasasaktan ka rin sa tuwing nakikita ako kaya isusulat ko na lang ang lahat ng nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Ang dami kong gustong sabihin sa iyo, sa totoo lang. Ang dami kong gustong ipaalam sa iyo. For the past five years, ang daming nangyari sa akin. Ang dami kong naramdaman at naranasan. Pero kung isusulat ko ang lahat ng iyon, baka hindi na papel ang kailanganin ko kundi manila paper na. Kaya ang mga mahahalagang bagay na lang ang isusulat ko. Mga mahahalagang bagay na sana nasabi ko sa iyo ng personal.

God, this is so hard. Habang sinusulat ko ito, hindi ko talaga alam kung paano ko sisimulan. Siguro, magso-sorry muna ako. Sorry for everything I did. Sorry kung patuloy kang nahihirapan sa akin. Sorry kung mula noon until now, puro sakit at pagpapahirap na lang ang nararamdaman mo. Sorry kung wala akong naidulot na maganda sa buhay mo. Sorry kung pagkatapos ng limang tao, heto na naman ako na bumalik sa buhay mo para pahirapan at saktan ka. Cha, I’m so sorry for everything.

God knows how much I regret the pain I inflicted on you. Kung may alam lang ako na paraan para tanggalin ang lahat ng sakit na naidulot ko sa iyo, kahit buhay ko pa ang kapalit, gagawin ko, Cha. You’re the least person I wanna get hurt. And it kills me every time I see you hurting. Cha, I’m so sorry for all the pain. I’m so sorry for what I’ve done until now. Nagsisisi ako na nasasaktan kita at nahihirapan ka nang dahil sa akin.

Pinag-isipan ko ang lahat ng sinabi mo sa akin simula lahat noong last tayong nag-usap. Kahit ayokong aminin sa sarili ko, siguro tama ka nga. Tama ka na hindi na tayo maaaring bumalik sa dating tayo. Ang dami na kasing nagbago sa atin pagkatapos ng limang taon na lumipas. We can’t go back to the time we once were. Hindi na ako si Brixx na walang iniisip sa buhay. Mayroon na akong anak na si Brianna. Alam kong kahit hindi mo aminin, isa iyon sa nagpapahirap sa iyo na tanggapin ako. Paano mo nga naman matatanggap ang isang lalaking may responsibilidad na sa iba. Again, sorry, Cha. Sorry dahil sarili ko lang ang iniisip ko.

Noong una kitang makita after five years, alam ng Diyos kung gaano ako kapigil sa sarili ko na huwag kang yakapin. Na huwag kang hawakan. Na huwag kang halikan. Ang hirap, Cha. Sa bawat araw na lumilipas na magkasama tayo, sobrang hirap. Ang hirap na makita mo’t makasama sa iisang lugar ang taong mahal mo pero hindi mo naman siya pwedeng hawakan. Kaya todo pigil ako sa sarili ko. Sabi ko, kaunting tiis lang. Ipaparamdam ko nalang sa `yo na mahal na mahal kita. Na sa mga oras na `to, seryoso na ako sa `yo. Sa atin. Na this time, wala nang mangyayari. Ipaglalaban na kita. Hindi na kita papakawalan pa.

Pero, akala ko magiging okay din ang lahat kapag pinatunayan ko ang sarili ko sa iyo. Hindi ko naisip na… siguro ako na lang ang may gustong bumalik tayo sa dati. Na ako na lang ang may gusto sa ideya na magkaroon uli ng panibagong tayo. Hindi ko naisip ang gusto mo. Iyong kaligayahan mo. Masyado akong na-focus sa sarili kong kagustuhan at hindi na inalam kung ano ang nararamdaman mo. Siguro tama ka nga, na ang selfish ko. Na sarili ko lang ang iniintindi ko. I’m so sorry, Cha, kung ganoon ang naisip mo. Ikaw lang kasi ang gusto ko sa mundong ito kaya na-focus ako sa sarili kong kaligayahan which is you.

Nasabi mo na makikipagbalikan ka na sa ex-boyfriend mong si Seth… o Sen? Hindi ko maalala ang pangalan niya. Noong nasabi mo kasi na tatanggapin mo na ang alok niyang kasal, bigla akong nabingi sa biglaang pagguho ng mundo ko. Cha, hindi mo alam kung ilang beses mo akong pinatay sa loob-loob ko nang dahil doon. Napaiyak ako. Ang sakit isipin na mapupunta ka sa ibang lalaki. Ang sakit-sakit isipin na ang babaeng hinintay ko ng limang taon, ibang lalaki ang papakasalan.

Gusto kong magalit sa mundo, Cha. Bakit kailangan kong maranasan ito. Bakit kailangan ako masaktan nang ganito? Gusto kong magalit sa iyo, Cha. Kasi… bakit hindi mo ako kayang piliin? Bakit, Cha. Bakit siya pa? Eh, alam ko naman na kung pagmamahal lang sa iyo, mas malalim ang akin at mas tunay ang akin.

Pero bago pa ako magalit sa iyo, nawawala na agad ang galit ko sa tuwing naiisip ko ang mga pinaggagawa ko sa iyo noon. Kung gaano kita nasaktan at kung paano ka mapilitang umalis nang dahil sa ginawa ko.

Naiintindihan ko na kung bakit hindi mo ako kayang piliin this time. Alam ko na kung bakit mas pinili mo siya kaysa sa akin. Siguro dahil hindi mo naranasang umiyak sa kanya kung gaano kita napaiyak noon. Siguro dahil hindi ka niya nasaktan sa paraan kung paano kita nasaktan. Kahit sino namang tao, ganoon ang gagawin,`di ba? Mas pipiliin nila ang taong may less tears and less pain na pagpipilian.

Kung kaya ko lang talaga na ibalik ang oras, matagal ko nang ginawa. Para naman mapigilan ko ang sarili ko na saktan ka nang lubos dati. Para naman mabalaan ko ang sarili ko na huwag kang paiyakin nang husto. Nang sa ganoon, ako ang piliin mo ngayon. Nang sa ganoon, ako ang lalaking papakasalan mo.

Pero nabubuhay tayo sa isang katotohanan na tuloy-tuloy ang agos ng buhay. Walang pause, replay, rewind at fast forward. Tanging play na lang ang pagpipilian natin. Kailangan ko na lang tanggapin ang katotohanan na may mga tao talagang minamahal natin nang lubos pero hindi naman napupunta sa atin. Na kahit ano ang gawin natin, hindi nila tayo maaaring mahalin pabalik kung gaano natin sila mahalin. Na kahit umiyak tayo ng dugo at magmakaawa, hindi natin puwedeng ipilit ang isang bagay na hindi puwede.

Cha, sana mapasaya ka niya sa darating na hinaharap. Sana hindi ka niya mapaluha kung gaano kita napaluha noon. Sana hindi ka niya masaktan kung paano kita nasaktan dati. You’ve hurt enough because of me. Ayokong maranasan mo uli ang naranasan mo dati. You deserve happiness, Cha. I wish happiness for the both of you. Sana magkaroon kayo ng isang matiwasay at masayang pamilya someday.

Gusto ko ring magpasalamat sa lahat-lahat, Cha. Thank you for coming into my life. Thank you for being my inspiration. Thank you, Cha. Thank you for everything until now. Ikaw ang naging inspiration ko sa buhay ko at utang-na-loob ko sa iyo kung bakit ako naging better version of myself now. Tama nga si Mama sa sinabi niya noon. May darating sa buhay natin na magpapabago sa buhay natin. Pero ang taong iyon, hindi magtatagal. Dumating lang siya sa buhay natin para baguhin tayo. At ikaw iyon, Cha. Ikaw ang tao na iyon.

Charry Pineda, mahal kita. Mahal na mahal kita. Hindi iyon nagbago at mas lalo kitang minahal pagkatapos ng limang taon. Kahit saan ka magpunta, o ano man ang maging buhay mo sa hinaharap, palagi mong tatandaan na may isang Brixx Harris na minamahal ka. Na may isang Brixx Harris ang pinagkakautangan ka nang malaki ngayon. I love you, Charry. I’ll love you whenever and wherever.

You are my light, Cha. And you are the best thing I ever had.

Good luck in the near future, and again I wish you nothing but true happiness.

I’m forever yours even though you’re no longer mine.

Hanggang dito na lang,

Brixx Harris

Medyo malabo na ang paragraph ng sulat dahil medyo nabubura na iyon. Parang nabasa iyon ng tubig. Kaya alam kong habang sinusulat ito ni Brixx, umiiyak siya. Lumuluha siya habang sinusulat ang lahat-lahat ng nararamdaman niya sa sulat na ito. Mas lalo akong umiyak sa ideyang iyon. Parang hindi ko kayang isipin ang imahe ni Brixx habang nagsusulat na umiiyak. Muli ko na naman siyang napaluha.

Niyakap ko ang sulat at umiyak nang umiyak. Pakiramdam ko, muli na namang sasabog ang dibdib ko nang dahil sa sakit nang nararamdaman ko. God, kailan ba titigil ang pananakit ng dibdib ko? Ito na lang ang madalas kong maramdaman lately. Palagi na lang akong umiiyak.

Hindi ko na alam kung ilang beses kong binasa ang sulat ni Brixx sa akin nang gabing iyon. Ang tanda ko na lang, umiiyak ako habang binabasa ko uli ang sulat hanggang sa makatulog ako. Nagising na lang ako dahil tumatawag si Seph at kanina pa raw niya ako hinahantay sa meeting place namin.

Nagmadali tuloy akong mag-ayos kanina at umalis na ng unit ko. Hindi ko na nagawang kumain pa dahil kanina pa nga naghihintay sa akin si Seph. Mabuti na lang nakapagsuot ako ng eyeglasses para matakpan ang pamamaga ng mga mata ko. Para kasing kinagat ng ipis sa sobrang pamamaga.

“Hello, Cha? Still there?”

Bigla akong napatingin kay Seph nang magsalita siya. Nasa isang coffee shop kami ngayon para i-discuss sana ang magiging trabaho ko sa Cebu. Kung saan daw ako titira and such. Pero walang kahit na anong pumapasok sa isip ko ngayon. Lutang ang isip ko at lumilipad papunta kung saan. Papunta sa kung sino .

“Oh, yes?” sabi ko at humarap sa kanya. “Ano nga ulit `yon?”

He sighed. “Sabi na, eh. Kanina pa ako nagsasalita pero hindi mo ako pinapakinggan. Nakikipag-usap lang ako sa hangin.”

“I’m so sorry,” sabi ko at napayuko.

Itinuon ko ang atensiyon sa pancake na in-order ko kanina pero hindi ko pa nababawasan. Kahit wala akong kinain kagabi, hindi ako nakakaramdam ng gutom ngayon. I didn’t feel the need to eat. Or to talk. Or to do anything right now. Parang mas okay pa sana kung hindi na lang ako umalis ng unit.

“It’s okay. Mukhang wala ka lang sa mood makipag-usap,” sabi ni Seph.

“I’m so sorry to waste your time,” sabi ko nang biglang may nag-text sa phone ko na nasa ibabaw ng table.

Napatitig lang ako sa text na alam ko naman kung kanino lang galing.

“Hindi mo naman sinasayang ang oras ko. You know, alam kong kailangan mo ng makakausap ngayon,” sabi ni Seph. “Titingnan mo na lang ba `yang phone mo? Hindi mo babasahin kung kanino galing ang message?”

Umiling ako. “Hindi na. Alam ko naman kung kanino galing `yan.”

“Kay Brixx?” tanong ni Seph.

“Hindi. Kay Ivy, `yong mommy ng anak ni Brixx,” sabi ko. “Kanina pa siya nagte-text sa akin at pinapaalam kung ano na ginagawa nila. Ngayon kasi ang flight nila papuntang US.” Natawa ako. “Nakakatawa lang na binabalitaan niya ako. Inaasahan niya `ata na susugod ako sa airport at pipigilan sila. TV drama lang?”

Hindi tumawa si Seph sa sinabi ko, seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

“Wala ka talaga planong sumunod doon? Hindi para pigilan sila. Para makipag-usap lang kay Brixx bago siya umalis,” sabi ni Seph. “Para naman magkaliwanagan na kayong dalawa.”

I shook my head. “Hindi na. Tinapos ko na rin naman ang namamagitan sa amin.”

“Hindi pa, Cha.” Ngumiti si Seph. “Kitang-kita sa mukha mo na hindi ka pa tapos sa kanya.”

Muli akong natahimik sa sinabi ni Seph at umiwas ng tingin. Bahagya kaming natahimik na dalawa. Hanggang sa muli siyang nagsalita.

“I have this old client in Cebu,” sabi niya. “Nakilala ko siya nang magpa-renovate siya ng bahay. Habang ongoing ang project, nagkuwentuhan kaming dalawa. Sabi niya, wala raw siyang asawa. May anak siya pero anak daw iyon ng kapatid niya na inampon niya. When I asked him kung bakit hindi siya nag-asawa, hindi na raw niya nakayang maghanap ng iba pagkatapos nang first love niya na hindi niya nakatuluyan.”

Napatingin ako kay Seph dahil sa kuwento niya. He smiled at me saka siya nagpatuloy. “Hindi sila nagkatuluyan dahil umalis siya ng bansa at nagbakasakali sa London dati. Ayaw daw siyang payagan ng girlfriend niya dahil sobrang layo niyon at hindi sigurado kung kailan siya babalik. Kahit ayaw ng girlfriend niya, tumuloy siya. Naisip niya noon na para sa kanila ang pag-alis niya,” sabi ni Seph. “Naisip din na may sulat naman. So, pagdating niya doon sumulat siya agad. Nagsulatan sila nang mahigit isang taon `tapos biglang naputol. Hindi alam ni Lolo kung ano’ng nangyari. Hanggang sa itinuon na lang niya ang pansin niya sa trabaho at tumagal na ang limang taon kung kailan may ipon na siya at puwede na silang magpakasal.”

Malungkot na ngumiti si Seph. “Kaso pagbalik niya, huli na ang lahat.”

“Ano’ng nangyari?” curious kong tanong.

“Namatay `yong babae. Naaksidente. Hindi alam ng pamilya ng babae na may boyfriend siya kaya hindi nasabi kay Lolo ang nangyari.” Tiningnan ako ni Seph nang maigi. “Umiyak daw siya nang umiyak nang nalaman niya iyon. Kung kailan okay na ang lahat. Kung kailan puwede na silang magsama. Saka naman hindi pumayag ang tadhana. Dahil sa nangyari, hindi na niya nagawang mag-asawa pa. Masyado niyang minahal `yong babae.”

Uminom ng kape si Seph. “Ang dami raw niyang pagsisisi sa buhay niya. Sising-sisi siya na hindi niya nasabi sa girlfriend niyang mahal na mahal niya ito. Na kung gaano siya kahalaga sa kanya. Na hintayin ang pagbabalik niya dahil bubuo na sila ng pamilya. Sabi sa akin ni Lolo, mahirap mabuhay ng katulad niya. Mahirap mabuhay ng may regret. Kinakain daw kasi nito ang buhay mo. Lulunurin ka sa mga katanungan na hindi mo na masasagot. Sabi rin niya sa akin, habang bata raw ako sabihin ko na `yong mga gusto kong sabihin sa taong mahal ko. Kasi hindi natin alam kung ano’ng possible na mangyari sa hinaharap.”

Natawa si Seph. “Alam mo, Cha, isa rin `yan sa dahilan kung bakit ako umuwi. Gusto ko sanang sabihin sa `yo na mahal pa rin kita. Na ikaw pa rin hanggang ngayon. Pero hindi ko na sinabi sa `yo. Alam ko kasing useless na. Alam kong hindi na tayo puwede. Kasi, in love ka pa rin sa ex mo. Na hanggang ngayon si Brixx pa rin,” malungkot na sabi ni Seph. “Hindi lang coincidence na muli kayong magtagpo ni Brixx. Fate might bring you together again this time. Mahal kita, Cha. So I want you to be happy. Sabihin mo sa kanya ang mga gusto mong sabihin ayokong matulad ka kay Lolo na tumanda na punong-puno ng pagsisisi.”

Napatitig ako kay Seph, saka ko na lang namalayan na bigla akong napatayo.

“Thank you, Seph. `Yan lang pala ang kailangan kong marinig ngayon,” sabi ko sa kanya at mabilis na kinuha ang bag ko.

“Where are you going?” naguguluhan niyang tanong.

“Ayokong mabuhay na punong-puno ng pagsisisi,” sabi ko, saka ngumiti. “Gusto ko ring maging masaya at pupuntahan ko ang taong makakapagpasaya sa akin.”

Seph gave me a genuine smile. “Good,” sabi niya. “Go, chase your happiness!”

Ginantihan ko siya ng ngiti, saka ako dali-daling tumakbo papunta sa kotse ko.

Habang nagmamaneho pauwi ng unit para kunin ang bagay na kailangan ko, t-in-ext ko si Ivy. Tinanong ko kung nakasakay na ba sila. Sabi niya hindi pa. Hinihintay pa daw niya ang tito niya dahil may pinakuha siya na nakalimutan niyang dalhin. Nag-reply ako na papunta na ako sa airport at bibilisan ko lang. She replied thank you. And I did, too. I thanked her dahil sa mga sinabi niya sa akin, nakapag-isip-isip ako.

Mabilis kong kinuha iyong bagay na kailangan ko sa unit. Halos takbo na ang ginawa ko at hindi na paglalakad. Saka ako muling bumalik sa kotse ko at pinaandar iyon papuntang airport. First time kong magmaneho nang sobrang bilis at mabuti na lang hindi ako naaksidente.

P-in-ark ko agad ang sasakyan ko sa airport, saka naglakad habang ka-text si Ivy. Hindi pa rin daw sila nakakasakay dahil may oras pa naman daw at wala pa rin daw ang tito niya. Na-stuck daw sa traffic. Tinanong ko si Ivy kung nasaan sila, ang sabi niya nasa waiting area lang daw. Good thing na nandoon lang sila dahil ibig sabihin puwede pa akong makapasok at makausap si Brixx.

Tinago ko sa bulsa ang cell phone at naglakad nang sobrang bilis. Nang makarating ako sa waiting area, ang daming tao. Palinga-linga ako sa paligid para mahanap sila. Nang makarating ako sa bandang dulo, natanaw ko na sina Ivy. Magkaharapan silang nakaupo ni Brixx. Nakaupo si Brianna sa mga binti ni Brixx habang nilalaro niya. Patingin-tingin rin si Ivy sa paligid na parang hinahanap ako.

Nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti siya, saka niya tinawag si Brixx at itinuro ako. Napatingin si Brixx sa akin na halatang gulat at hindi makapaniwala na nasa malapit lang niya ako. Kinuha ni Ivy si Brianna. Tumayo si Brixx mula sa kinauupuan niya at naglakad palapit kung nasaan ako.

Naglakad din ako para magkalapit kaming dalawa. We met halfway. Hindi pa rin kumukurap si Brixx habang nakatingin sa akin. Halatang naguguluhan siya kung bakit ako nandoon.

“Cha,” he called my name. “What… what are you doing here?”

Hindi agad ako nakapagsalita dahil titig na titig ako sa mukha ni Brixx. Parang ang tagal-tagal naming dalawa na hindi nagkita. Muli kong sinaulo ang bawat features ng mukha niya.

Nginitian ko si Brixx bago sumagot. “`Andito ako para itama ang bagay na matagal ko na sanang ginawa.”

“Anong itatama?” naguguluhan pa rin siya.

Huminga ako nang malalim. “Natakot ako noong una, Brixx. I was really, really scared kaya hindi ko sinagot ang sinabi mong mahal na mahal mo pa rin ako until now. Ang dami kasing pumasok na katanungan sa akin. Ang daming what ifs na nabuo kapag naging tayo uli. Tulad nga ng sabi ko, hindi na tayo `yong dating Brixx at Charry. Marami nang nagbago. May responsibilidad ka na,” I said. “Pero kahit may responsibilidad ka na at may Brianna na, ako pa rin ang inuuna mo. Ako ang palagi mong iniintindi. Iyon ang maling-mali, Brixx. Ayoko ng ganoon. Ayokong mas unahin mo ako kaysa kay Brianna.”

“Cha…”

“Wait, mamaya ka na magsalita. Pakinggan mo muna ako,” pigil ko sa kanya. “So, I pushed you away. Nagsinungaling ako sa `yo about kay Seph. Nagsinungaling ako na nag-offer siya ng kasal sa akin at tatanggapin ko. Nagawa ko lang `yon para ipakita sana sa `yo na tapos na ako sa `yo. Na hindi na kita mahal. Na wala na akong nararamdaman sa `yo kahit na hindi `yon ang totoong nararamdaman ko. God, Brixx. Hindi `yon ang nararamdaman ko ngayon. Nasaktan ko ang mga sarili natin dahil akala ko mas okay kung hindi na tayo magkakabalikan pa. Pero, Brixx, hindi `yon ang gusto kong mangyari.”

Pinakita ko sa kanya ang dala-dala ko—ang portfolio ko na punong-puno ng pictures niya at pictures naming dalawa na magkasama. Kinuha iyon ni Brixx at sinuring mabuti. Tinitingnan niya ang bawat pahina.

“Brixx, mahal din kita. Mahal na mahal din kita.” Napaluha na ako kaya muling napatingin sa akin si Brixx. “Mula noon hanggang ngayon, katulad mo, mahal na mahal pa rin kita. Sa limang taon na lumipas, hindi rin pala ako tumigil sa pagmamahal sa `yo. Nagpahinga lang ako. Pero ngayon okay na. Kaya ko nang aminin sa `yo. Brixx Harris, I’m stupidly in love with you,” I said as my tears were falling. “I’m stupidly in love again.”

“Oh, God.” Napansin ko ang panginginig ng mga kamay ni Brixx nang makalapit siya sa akin bago niya ako niyakap nang sobrang higpit. Kitang-kita ko na rin ang pangingilid ng mga luha niya. “God, kung panaginip man `to. Please, don’t wake me up anymore. I want to stay in my dream where Charry still loves me, too.”

Tumawa ako nang bahagya dahil doon. Marahan ko tuloy hinampas ang dibdib niya.

“Totoo `to, baliw ka!” sabi ko, saka ako humiwalay sa pagkakayakap namin. “`Yang portfolio na `yan ginawa ko pa `yan noong college para sa `yo. Marami pang page `yan na walang mga pictures.” Napalunok ako. “Puwede bang bumuo ulit tayo ng mga memories na puwede natin ilagay diyan?”

“Of course!” napalakas ang sagot ni Brixx kaya napatingin ang mga tao sa gawi namin. “Cha, hindi mo na kailangan itanong `yan. Iyan ang plano ko. Cha, wala kang ideya kung gaano ako kasaya ngayon. Akala ko… aalis ako ng wasak ang puso pero hindi pala. Binuo mo uli ang puso ko.”

I smiled. “I’m gonna wait for you return.”

Nawala ang ngiti ni Brixx. “Are you sure? Baka matagalan kami doon sa pagpapagamot kay Brianna.”

“I’m sure,” mabilis kong sagot. “You waited for me these past five years so it’s my time now to do my part. I’ll wait for your come back, Brixx. Maghihintay ako sa muling pagbabalik mo.”

“Promise.” Itinaas ni Brixx ang kanang kamay niya. “Babalik agad ako. Babalikan agad kita.”

Hinawakan ni Brixx ang baba ko at unti-unting lumalapit na ang mukha niya sa mukha ko. Ilang inches na lang ang layo namin sa isa’t isa nang mapatigil kami parehas at mapatingin sa humawak sa mga binti namin. Pagyuko namin ni Brixx, nakita namin si Brianna na nakatingala sa amin.

“Tita Cha,” sabi ni Brianna. “Love mo ba, Daddy to?” inosente niyang tanong. “ Tasi nakaraan, iyak ti Daddy to. Tabi niya ta akin, love na love ka raw niya. Tita Cha, love mo ba daddy to? Love mo na siya, please. Para `di na iyak ti Daddy to. Love mo na t’ya please. Para dalawa na mommy to . Tita Cha, puwede ba kita maging mommy?”

Napatingin ako kay Brixx at kitang-kita ang maligaya niyang ngiti. Nang mapalingon ako kay Ivy, nakangiti rin siya sa akin, saka tumango. Then I looked at Brianna once again. Umupo ako para magkapantay na kaming dalawa. Saka ko hinubad ang suot kong kuwintas na may krus.

“Bigay ito ni Mama sa akin dati. Sabi niya may magic daw ito,” sabi ko kay Brianna. “Kapag sinuot mo raw ito, gagaling ka sa kahit anong sakit mo. Kaya ibibigay ko na ito sa `yo. Para gagaling ka na.”

“Talaga, Tita Cha—ay Mommy Cha pala?” tanong ni Brianna. “Akin na `yan?”

Tumango ako. “Yes. Sa `yo na `to. Come here. Isusuot ko sa `yo.”

Lumapit sa akin si Brianna para isuot ko ang kuwintas sa kanya.

“`Ayan, gagaling ka na,” sabi ko. “Promise mo sa akin, ha? Magpapagaling ka.”

“Opo, Tita Cha—ay Mommy Cha pala. Magpapagaling ato ,” nakangiting sabi ni Brianna. “Saka, `di ba, Mommy Cha, sabi ko ta `yo, ako maggagawa ng bahay mo? Kaya, gagaling ato . Para maging engineer din ako tulad ni Daddy to !”

Marahan kong kinurot ang ilong ni Brianna, saka ko siya niyakap nang sobrang higpit at hinalikan sa pisngi.

Nang muli akong tumayo, nakasimangot si Brixx.

“Bakit siya may kiss ako wala?” pagtatampo niya.

“Selos naman agad `to.” Natawa ako, saka ako lumapit sa kanya at mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi niya.

“Bakit sa pisngi lang? Ano ako si Brianna?” tanong ni Brixx sa akin. “Sa lips dapat!”

“Tse! Sa pagbalik mo na.”

“Ano ba `yan!” pagmamaktol ni Brixx. “Isa lang,” ungot pa niya.

Nagpaikot ako ng mga mata. “No!” sagot ko kaya mas lalong napasimangot si Brixx.

Saka ako muling lumapit sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. Then I pressed my lips on his. It was just a quick kiss. Pero ramdam na ramdam ko ang lambot ng mga labi ni Brixx.

“There,” sabi ko. “Okay na?”

Saglit na natigilan si Brixx dahil gulat at ilang sandali lang, nagtatalon-talon na siya habang sumisigaw.

“Shit! Shit! I’m the happiest man alive!” sabi niya kaya muling tumingin ang mga tao sa kanya. “Sobrang saya ko! Wooohh!! Ang saya-sayang mabuhay!”

Parehas kami ni Ivy na natampal ang noo dahil sa ginawa ni Brixx. Nakakahiya ang lalaki na ito. Si Brianna naman napatalon-talon dahil ginaya ang daddy niya. Natawa tuloy ako.

Patuloy lang si Brixx sa pagtalon-talon. Halos lumayo na ako sa kanya dahil nakatingin na ang mga tao sa amin. Hanggang sa mapangiti na lang ako dahil sa na-realized ko.

Oh, well. I’m stupidly in love again .

And it was really possible to fall in love with your ex-boyfriend for the second time around.