noveltoon logo noveltoon
Stupidly In Love Again

Epilogue

Ch. 22 / 22 May 18, 2024
Prev Next

Epilogue

Epilogue

Brixx Harris

NASABI

ko kay Charry na hindi na dapat namin patagalin ang kasal dahil gusto ko na siyang makasal sa akin as soon as possible. Noong una, ayaw pa niya at gusto niya munang palipasin ang isang taon bago kami maikasal dahil marami pa raw siyang gagawin at iisipin para sa magiging kasal namin.

Pero dahil sa paulit-ulit kong pangungulit sa kanya at pagtatampo na parang bata, she agreed with me. Kung hindi lang daw niya ako mahal, hindi raw niya ako pagbibigyan. Kasalanan ko ba iyon? Masyado akong excited maikasal kaming dalawa. I was too exited to turned her into Mrs. Brixx Harris.

Hindi na nag-renew ng kontrata si Charry sa trabaho niya sa Cebu dahil bumalik na rin kaming dalawa sa Manila para iplano ang kasal. Ang sabi niya, siya na raw ang bahala sa lahat. Huwag daw akong mangingialam dahil may gusto raw siyang mangyari. Nang tinanong ko siya kung ano iyon, ayaw niyang sabihin. Mukhang may surprise siyang gagawin para sa akin. Kaya pinabayaan ko na lang siya.

Of course, hindi rin ako magpapatalo. Sinabi ko kay Charry na siya ang hahayaan kong magplano sa kasal pero ako ang magpapa-design ng magiging wedding gown niya. Napaisip pa siya at mukhang nag-alangan pero dahil nga raw mahal niya ako, pumayag din siya. Akala niya siguro iyon lang ang surprise ko sa kanya pero hindi niya alam na kinausap ko rin ang wedding organizer.

I said to the wedding organizer ang gusto kong mangyari. Gusto ko kapag naglalakad na si Charry papunta sa altar, uulan ng mga tulips petals. Mag-order siya ng sobrang daming bulaklak na tulips para ipaulan lang kapag naglalakad na si Charry. She agreed with me. Secret lang naming dalawa iyon.

Nagpagawa rin ako ng design para sa wedding gown ni Charry. Pinatulad ko ang design ng wedding gown ni Rapunzel sa wedding niya sa

Tangled

. Naisip ko na masyadong plain iyong wedding gown niya so pina-adjust ko into something more extravagant. Naging medyo ball gown na iyon na may mga diamonds na design sa bandang dibdib. May terno pa itong maliit na korona.

“Ano ba `yan, Brixx! Ginawa mo naman akong prinsesa sa wedding gown ko, eh!” pagrereklamo ni Charry sa akin nang ipinakita ko sa kanya ang gusto kong wedding dress niya.

Kahit nagrereklamo siya alam kong hindi niya ako mahihindian. Besides, kitang-kita ko kung gaano niya kagusto ang design. Kitang-kita ito kung paano siya tumitig sa papel at kung paano siya ngumiti.

“Ginawa kitang prinsesa? Nope, babe,” sabi ko sa kanya. “You are not just a princess. You are my queen.”

Lumipas ang ilang buwan na pinaplano ni Charry ang kasal naming dalawa habang ako naman busy sa pagiging engineer. May ilang projects kasi akong tinatanggap lalo na kapag close friends ko ang nagpapagawa ng business o bahay nila. Pumapayag pa rin ako para naman maka-less sila ng gastos.

And after six long months, dumating na rin ang pinakahihintay kong kasal naming dalawa.

Ewan ko ba pero parang mas excited pa ako kay Charry na ikasal kaming dalawa. Halos hindi na ako makatulog sa pagbibilang ng araw. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Ganoon pala ang pakiramdam kapag papakasalan mo na ang pinakamamahal mong babae at mangangako kayo sa harap ng Diyos na magmamahalan kayo hanggang sa dulo ng inyong hininga.

Hindi kami sa simbahan ikakasal ni Charry tulad ng typical wedding. Ang napili niyang location—sa school’s gym sa dati naming school noong college. Nakangiti si Charry nang sinabi niya iyon sa akin. Doon daw kasi nagsimula ang love story naming dalawa. Smart move. So, wala akong angal sa gusto niyang mangyari.

Maraming bisita kaming in-invite. Mostly friends and family ni Charry. Wala naman akong pamilya kaya puro kaibigan ko lang din ang umattend. Ilan sa mga close friends namin ang gumanap na miyembro ng entourage, iyong iba puro pinsan at mga tito at tita na niya.

“Nandito na ang bride!” anunsiyo ng wedding organizer kasabay nang pagtugtog ng wedding song namin.

Ako rin pala ang namili ng theme song namin ni Charry ngayon. Siyempre, “I See The Lights” ang tugtog.

Nasa school’s gym na kami at halos mapuno ng bisita ang gitna sa dami nang pumunta. Pati mga professors namin noong college inimbita ni Charry. Hindi niya nakalimutan iyong mga naging parte ng college days namin. Sabi pa ng iba, hindi raw nila inaasahan na kami rin ni Charry ang magkakatuluyan. Kahit ako man. Sa dami ba naman na nangyari? Isang himala na lang na bumalik pa si Charry sa akin.

Muli akong napahinga nang malalim nang makita ko nang nag-line-up ang entourage sa likuran. Magsisimula na silang mag-martsa sa red carpet papunta sa ginawang altar sa harap kung saan ako nakatayo.

Una nang naglakad ang Primary Sponsors and Secondary Sponsors na mga ilang businessman na nakilala ko sa business world. They congratulated nang dumaan sila sa harap ko.

Then naglakad na ang bride’s maids na kasama ang mga partners nila.

Unang naglakad si Ciara na kasama ang asawa niya. Sina Aireen at Glenna na kasama rin ang kani-kanilang mga asawa. Sumunod naman si Mau na si Oliver ang partner. Aila na partner si Joe. Carla na ang partner, si Seph at si Gio na ang partner ang girlfriend niyang si Jocelyn.

Pare-parehas silang nakangisi sa akin nang dumaan sila sa harap ko.

Si Mau muntik pang madulas mabuti na lang naalalayan siya ni Oliver.

“OMG! Nahulog ako sa `yo!” sabi ni Mau nang nasa harap na.

“At least, nasalo kita,” nakangiting sabi ni Oliver.

Kaya ayon, kilig na kilig si Mau at todo kurot na naman sa ilong ni Oliver na tinatawag niyang Korean dog.

Napangiti ako nang malapad nang makita ko na ang sunod na naglalakad.

Si Brianna ang flower girl sa kasal namin ni Charry ngayon na nakasuot ng gown na katulad ng sa kanya. Si Charry ang nag-suggest nito. Gusto raw niyang magpagawa ng smaller version ng wedding gown niya. Maglilimang taon na si Charry at bumalik na ang sigla nito finally after her operations.

“Daddy, I look like a queen!” sabi sa akin ni Brianna nang makapunta siya kinatatayuan ko.

Pinunasan ko ang ilong niya dahil namamawis na ito. “Nope, baby. You’re a princess.”

Napahagikgik si Brianna.

“Ay, oo nga pala. Si Mommy Charry nga pala ang queen.”

“That’s right!” I smiled at her at itinuro na ang uupuan niya.

Wala si Ivy ngayon dahil may business trip siya. Nalungkot nga si Charry dahil wrong timing daw at gusto nga rin sana ni Ivy na i-cancelled iyong business trip niya—pero hindi na puwede. Nangako na lang si Ivy na babawi kay Charry at idi-date niya na lang daw si Charry kapag balik niya ng Manila.

Itinuon ko ang pansin ko sa mga sumunod na naglakad. Ring bearer, coin bearer, and bible bearer na ang mga sumunod na lumakad na puro anak nina Ciara, Aileen, and Glenna. Napangiti ako sa sarili ko na sooner or later magkakaroon na rin kami ni Charry ng sarili naming anak.

Tumigil ang background music kaya napatingin-tingin ako sa paligid para alamin kung bakit. Hindi ko pa kasi nakikita si Charry na naglalakad kaya bakit tumigil? Napatingin ako sa banda na nasa gilid ko na tumutugtog pero nakangiti lang sila sa akin. Then, biglang namatay ang ilaw sa buong gym.

Tanging mga sky lantern na nakasabit lang sa kisame ng gym ang nagbibigay ng liwanag sa buong gym. Kulay violet ang mga ilaw at may isang spotlight na bumukas. Nakatutok iyon sa pinakadulo kung saan nakatayo si Charry at ang kanyang ama na maghahatid papunta sa akin sa harap.

Mukhang reyna si Charry sa ayos niya ngayon nang dahil sa wedding gown na suot-suot niya. Hindi talaga ako nagkamali na iyon ang ipagawa. Nag-stand-out si Charry sa lahat.

Habang nakatitig kay Charry at nakangiti, bigla uling tumugtog ang banda na nasa gilid ko. Isang pamilyar na tugtog ang nagsimula. Bigla akong nagulat dahil napansin ko na may hawak na microphone si Charry.

Kakanta siya

? tanong ko sa sarili ko.

At nasagot nga agad ang tanong ko dahil nagsimula nang kumanta si Charry habang dahan-dahan na naglalakad. Nakahawak ang kanang kamay niya sa papa niya habang ang kaliwa naman para sa mic.

“I still hear your voice, when you sleep next to me.

I still feel your touch in my dream.

Forgive me my weakness, but I don’t know why

Without you it’s hard to survive.”

Lahat ng mga mata napatutok kay Charry habang naglalakad siya. Magkahalong ngiti at gulat ang nakita ko sa mga mukha nila. Siguro, nagulat sila dahil hindi nila inaasahan na kakanta si Charry ngayon.

Kahit naman ako, hindi ko inaasahan na kakanta siya. Hindi niya iyon nabanggit sa akin. Saka ako napailing-iling sa sarili ko. Iyon na nga yata ang surprise na sinasabi nila. Na-surprise nga talaga ako.

Saan ka nakakita ng bride na haharanahin ang groom sa mismong kasal nila? Unbelievable. Well, iyan ang isa sa mga katangian ni Charry. She will surprise you for something you thought she can’t do.

“‘Cause every time we touch, I get this feeling.

And every time we kiss, I swear I could fly.

Can’t you feel my heart beat fast, I want this to last.

Need you by my side.”

Nakita kong nag-iiyakan na ang mga close friends ni Charry nang dumaan siya sa kanila. Si Mau nakayakap pa kay Oliver habang hinahaplos-haplos nito ang buhok ni Mau.

Nang nasa gitna na si Charry, nagsimula nang umulan ng mga petals ng Tulips. Bahagya pang nagulat si Charry dahil napatingin siya sa itaas niya. Then she looked at me at ngumiti. She was surprised, too.

“Can’t everytime we touch, I feel the static.

And everytime we kiss, I reach for the sky.

Can’t you hear my heart beat so . . .

I can’t let you go.

Want you in my life.”

Itinuro pa ako ni Charry nang kinakanta niya ang part ng ‘want you in my life.’

Patuloy lang siya sa pagkanta habang patuloy na nahuhulog ang mga petals ng tulips sa itaas.

“Our arms are my castle, your heart is my sky.

They wipe away tears that I cry.

The good and the bad times, we’ve been through them all.

You make me rise when I fall.

‘Cause everytime we touch, I get this feeling.

And everytime we kiss, I swear I could fly.

Can’t you feel my heart beat, I want this to last.

Need you by my side.

‘Cause every time we touch, I feel the static.

And every time we kiss, I reach the sky.

Can’t you hear my heart beat so. . .

I can’t let you go.

Want you in my life.

Muli niya akong tinuro.”

Nakarating na si Charry kung saan ako nakatayo, bumitaw siya sa papa niya sa pagkakahawak. Saka siya lumapit sa akin at hinawakan ako sa leeg. Hindi ko maialis ang pagkakatitig ko sa kanya habang patuloy pa rin siyang kumakanta sa harap ko. It was as if she was singing the last sentence just for me.

“‘Cause every time we touch, I get this feeling.

And every time we kiss, I swear I could fly.

Can’t you feel my heart beat fast, I want this to last.

Need you by my side.”

Kasabay nang muling pagturo ni Charry sa akin ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko na namalayan na napaluha na pala ako habang kinakantahan niya ako. Saka ako napatingala hindi para pigilan ang mga luha ko sa patuloy na pagpatak. Tumingala ako para kausapin si Mama sa isip ko.

`

Ma, nanonood ka ba ngayon? Masaya ka ba ngayon? Nahanap ko na ang babaeng pangarap mo na makilala ko. `Ma, I wish you were here para makita mo kung gaano ako kasaya ngayon sa babaeng pinili ko. Sa babaeng naging dahilan para magbago ako. Siya ang nagpabago ng buhay ko. Siya ang inspirasyon ko.

“‘Cause every time we touch, I get this feeling.

And every time we kiss, I swear I could fly.

Can’t you feel my heart beat fast, I want this to last.

Need you by my side.”

Nang matapos kumanta si Charry, inabot niya sa isang nag-a-assist ang microphone. Then she hugged me so tight. Ginantihan ko rin siya ng sobrang higpit na yakap para maiparamdam ko sa kanya na thankful ako.

“Ikaw may kagagawan ng tulips, `no?” tanong ni Charry sa akin. “Nakakagulat `yon! I was surprised!”

Napangiti ako. “Pero hindi katulad nang pagkagulat ko nang kinantahan mo ako,” I said to her. “You know, hindi ko alam kung ano’ng kabutihan ang nagawa ko para maging deserving sa `yo, Cha. Para maging deserving sa buhay ko.”

Pinunasan ni Charry ang mga luha ko. “You deserve everything, Brixx. After ng lahat ng paghihirap mo? You deserve everything I could offer.”

And that line made me fall in love with her even more.

Nagbigay ng kaunting salita ang papa ni Charry sa akin, then we shook hands. At nagpatuloy ang ceremony para maging official Mr. and Mrs. Harris na kaming dalawa.

All I ever wanted was for someone to save me back then.

Until Charry came into my life and she saved my world that was almost falling apart.

Thank you, Cha. Thank you. For everything up until now.

You were not just a light to me now. You are now my entire world.

CHARRY

KANINA pa ako bumubusina sa tapat ng bahay namin pero hanggang ngayon hindi pa rin binubuksan ni Brixx ang gate. Hindi ko tuloy maipasok sa loob ng parking lot itong sasakyan ko.

I sighed. Mukhang nakatulog na naman iyon sa kakalaro. Sinabi nang huwag na masyadong pagurin ang dalawa dahil may pupuntahan pa kami mamaya. Minsan talaga si Brixx ang kulit-kulit. Masyado niyang ini-spoiled ang dalawa kapag sinasabi ng mga ito na maglaro sila.

Wala na akong nagawa kundi lumabas na lang ng kotse at pagbuksan ang sarili ko ng gate. Then bumalik ako sa loob ng kotse at pinaandar iyon papasok. Kinuha ko na rin ang ilang plastic bags na binili ko sa grocery store kanina. Saka ako nagtungo papasok sa loob ng bahay.

Pansin na pansin ang katahimikan sa buong bahay. Mukhang tulog na naman ang mag-aama dahil sobrang tahimik. Usually, maririnig mo agad ang ingay nila kahit nasa parking lot pa lang ako.

Dumeretso ako sa kusina para ilapag ang mga pinamili ko, saka nagtungo sa sala.

Pagdating ko sa sala, naabutan kong bukas ang TV pero wala namang nanonood. Pinapanood na naman nila ang

Tangled

na stage play namin ni Brixx noong college. Ilang beses na ba nilang napanood iyon? Hindi ko na mabilang dahil wala na silang sawa. Kinuha ko ang remote at pinatay ang TV.

Tulog na tulog sina Brixx sa sahig habang nasa magkabilaan niyang tabi sina Flynn Austin at Rapunzel Aurella—ang four year-old naming mga anak na kambal. Ginawa pang unan ng dalawa ang dibdib ng daddy nila.

Nakuha namin ang pangalang Flynn at Rapunzel sa

Tangled

, of course. After one year naming ikasal ni Brixx, nalaman naming ang pinagbubuntis ko pala—kambal. So, Brixx insisted na ipangalan daw namin ang Flynn at Rapunzel. Iyon daw ang gusto niya. Dinagdagan ko na lang ng Austin at Aurella para hindi weird.

Pinabayaan ko na lang silang matulog dahil may oras pa naman na natitira para dumalaw kami sa mama ni Brixx sa sementeryo. It was her twenty-second death anniversary kaya dadalawin namin. Kumuha rin ako ng kumot sa kuwarto, saka ko sila kinumutan. Bumalik ako ng kusina para kunin ang mga pictures.

Nagpa-print ako ng ilang pictures namin recently, saka pina-print ko rin ang ilang pictures na kuha naming mag-anak nang minsan kaming magbakasyon sa Japan, Korea, Brazil, and New York. Ngayon ko lang iyon naharap dahil sobrang busy ko sa pag-aalaga sa dalawang makukulit.

Ididikit ko kasi iyon sa portfolio ko na may iba’t ibang pictures naming dalawa ni Brixx.

Muli ko na namang tiningnan ang bawat pahina ng portfolio na naglalaman ng mga stolen solo shots noon ni Brixx hanggang sa mga pictures na namin together. Marami na ring nadagdag doon. Katulad ng mga pictures naming dalawa ni Brixx noong kasal. Noong honeymoon. Noong birthday ni Brianna—na ngayon, nakatira na sa US dahil ikinasal na si Ivy sa isang half Filipino-half American.

Doon na nakatira si Brianna sa US pero tuwing summer dito siya sa amin nagbabakasyon. Nakaka-nosebleed na ngang kausap dahil English speaking na siya. Pero sa tuwing umuuwi siya, hindi niya nakakalimutan pasalubungan ang mga kapatid niya. We do video calls sometimes para makita niya ang twins.

Nadagdag na rin pala sa portfolio iyong ipinagbubuntis ko na ang mga anak namin ni Brixx. Puro siya pictures sa akin noon dahil tuwang-tuwa siya sa laki ng tiyan ko. Then may mga pictures din doon noong mismong nanganganak na ako. May picture pa ako na todo ire. Bwisit na Brixx ito. Epic daw kasi ang mukha ko.

Pero hindi naman nakaligtas kuhanan ng isang nurse ang mukha ni Brixx nang unang beses niyang makita sina Flynn at Rapunzel sa mundo. Kitang-kita sa picture ang mukha ni Brixx na nakangiti pero lumuluha.

Habang abala sa pagdidikit ng ibang pictures sa portfolio, bigla kong naramdaman si Brixx na umupo sa likuran ko. Pagtingin ko sa mga bata, natutulog pa rin ang mga iyon habang balot na balot ng kumot.

“What are you doing?” nagtatakang tanong ni Brixx, saka niya sinandal ang baba niya sa balikat ko.

“Nagpa-print kasi ako ng mga pictures natin,” sagot ko. “Ididikit ko rito sa portfolio.”

“Ahh,” sagot ni Brixx at pinagmasdan na lang ang ginagawa ko. “Cha?” pagtawag niya sa akin.

“Hmm…” Hindi ko siya tinitingnan dahil abala ako sa pagdidikit ng mga pictures.

“Nasabi ko na ba sa `yo kung gaano kita kamahal?”

Dahil sa tanong ni Brixx bigla akong napalingon. He was grinning.

I rolled my eyes. “So many freakin’ times, Brixx.”

“Hindi pa, `di ba?” sabi niya. “I love you, Cha. I love you. Mahal na mahal kita sa paraang hindi na natapos.”

“Ay ewan ko sa `yo.”

“Mahal na mahal kita sa paraang mas malalim pa sa pinakamalalim na dagat.”

“Okay.”

“Mahal na mahal kita sa paraang hindi mo makikita ang umpisa o hanggang dulo.”

“Ang korni mo pa rin, Brixx.”

“At mahal na mahal kita dahil tinupad mo ang pangarap ko na magkaroon ng sariling pamilya.”

I looked at him again at nakita kong seryoso si Brixx.

“Cha, I love you,” sabi niya uli. “At hindi ako magsasawang sabihin sa `yo `yon. Kahit tumanda na tayo. O kahit kumulubot pa ang mga balat natin o pumuti lahat ng buhok ko sa katawan.”

Napangiti ako. “I love you too, Brixx,” sagot ko. “Mula noon hanggang ngayon.”

Nagkatitigan kaming dalawa hanggang sa papalapit na nang papalapit ang mukha namin sa isa’t isa.

Hindi pa nagdidikit ang mga labi namin nang bigla na kaming nakarinig ng nagsalita.

“Uy! Sina Mommy at Daddy, ang sweet-sweet!” pangangasar nina Flynn at Rapunzel.

Gising na pala ang dalawa.

“Ano ba `yan mga anak, minsan na nga lang maka-kiss kay Mommy n’yo, naistorbo pa!” Tumayo si Brixx at nilapitan ang mga anak namin. “Yari kayo sa akin. Kayo ang iki-kiss ni Daddy!”

“Waaahh!” sagot ng dalawa at nagtago sila sa ilalim ng kumot.

Napailing-iling na lang ako at napangiti sa kulitan ng mag-aama.

Saka ko ipinagpatuloy ang pagdidikit ng mga pictures at narating na pala ang dulong pahina nito.

Well, I guess, tapos na.

Kaya hanggang dito na lang. Maraming salamat sa pagsubaybay sa aming kuwento.

Our Magical Story

Ends Here