Chapter 10
PAGKATAPOS ng wedding cemerony, pinaupo ang bride at groom sa harap naming lahat. May tinanong kina Ciara at Jeremy ang host ng event kung anong klaseng karelasyon daw ang isa’t isa noon. Lalong-lalo na noong college pa lang daw sila. Puro papuri lang ang sinabi ni Jeremy tungkol sa personality ni Ciara.
“Brace yourselves, girls,” bulong ni Glenna sa amin. “Alam nating hindi maganda `yang sasabihin ni Buntis.”
“This is exciting!” sagot naman ni Aireen. “`Can’t wait.”
Nagtawanan kaming tatlo dahil nai-imagine na namin kung ano ang mga sasabihin ni Ciara tungkol kay Jeremy. Si Ciara naman, medyo katulad ni Mau. Walang preno kapag nagsasalita. Though, mas grabe pa rin si Mau dahil may halong kadugyutan ang mga sinasabi.
Napatingin naman ako sa gilid ko at nakita kong nakatutok lang ang paningin ni Brixx sa harap. Nang mapansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya, napatingin na rin siya.
“Why?” nagtatakang tanong ni Brixx. “Guwapong-guwapo ka na naman ba sa akin?”
I rolled my eyes. “As if!”
Tumawa si Brixx, saka niya ibinalik ang tingin sa harap para hintayin ang sagot ni Ciara. Kasama namin nina Glenna si Brixx sa isang table. Hinila nila si Brixx nang makita nila ito para sumama sa amin. Hindi na naman ako nag-inarte since alam na naman nina Glenna ang nangyari sa aming dalawa ni Brixx. Pero alam kong inaya nila si Brixx at pinaupo sa tabi ko dahil may binabalak sila. Naku, girls. Ayusin ninyo lang.
Itinuon ko ang atensiyon ko sa harap at hinintay ang isasagot ni Ciara. Dinampot niya ang microphone. Nakangiti siyang nakatingin sa aming lahat.
“What kind of boyfriend was Jeremy before?” simula ni Ciara. “He’s the most asshole guy I’ve ever met,” sabi niya kaya pinaghalong gulat at tawanan ang reaksiyon ng mga bisita. “Oh, my God, I’m so sorry. May mga kids pala rito. Parents, pakitakpan muna ang tainga ng mga anakis n’yo.” Then she looked at Jeremy. “And hon, sorry sa nasabi ko pero umpisa pa lang `yon. Marami pa akong sasabihin kaya humanda ka.”
Napailing-iling na lang si Jeremy sa sinabi ng asawa niya habang tumatawa.
“He’s the most asshole guy I’ve ever met. Why?” pagpapatuloy ni Ciara. “Dahil ilang beses siyang nambabae noong mag- jowa pa lang kaming dalawa. Swear, guys. Ilang beses niya akong niloko. Matatanggap ko pa kung ang mga babae ni Je, mas maganda kaysa sa akin—pero hindi. Mga pusit at hipon. Akala ko allergic `tong si Je sa mga gano’n pero gano’n ang ipinalit sa akin. Nakakataas ng dugo kapag naaalala ko!”
“Hon, kalma. Baka mapaanak ka ng wala sa oras,” pagpigil ni Jeremy sa asawa. Medyo nahihiya pa ito.
“Tse! Pinipigilan mo lang akong magkuwento, eh. Manahimik ka diyan,” sagot ni Ciara kaya nagtawanan na naman kaming lahat. “Pero ayon nga. Babaero si Je noon. Hanggang sa mapuno ako at nakipag-break na—official. Nagsawa na ako sa paulit-ulit na nangyayari, eh. Puro sakit na lang ang nakukuha ko sa tukmol na `to.
“Pero after namin maka-graduate, muling bumalik si Jeremy sa buhay ko.” Napangiti si Ciara. “He was asking for a second chance. `Kapal ng mukha, `di ba? Second chance raw ang nais. Hindi marunong magbilang. Ilang beses na kaya siya humingi ng chance sa akin. Ako naman `tong si Timang, nagbibigay kahit na magloloko lang uli. `Tapos babalik siya sa buhay ko’t hihingi uli? Ano’ng akala niya sa chance ko? Unlimited? Nagpapatawa ba siya?” Natawa si Cia. “Pero, siguro nga mas tanga ako. Ako naman kasi `tong si Gaga at muling nagbigay ng another chance. Wala, eh. Mahal ko kasi `tong tukmol na `to.”
Natahimik ang mga tao dahil seryoso na ang boses ni Ciara. Kapansin-pansin din ang mga luha na nabuo sa mga mata niya. She was being emotional. Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Ciara nang mahigpit.
“I remember one of my closest friends said to me before. Na kapag mahal mo raw, kahit ayaw ng ibang tao sa kanya, papaniwalaan mo pa rin siya. Na bibigyan mo siya ng chance na magbago. Kapag mahal mo raw, patuloy kang maniniwala sa kanya na magbabago siya.” Ciara looked at me then smiled. “At gano’n ang ginawa ko. Binigyan ko uli ng panibagong chance si Jeremy. Nag-risk ako—sumugal. Walang guarantee na hindi na niya uli ako sasaktan at lolokohin but I did it anyway. Wala, eh. Mahal ko kasi.”
Napahinto saglit si Ciara dahil patuloy na siyang lumuluha. Mabuti na lang waterproof ang makeup niya kaya hindi kumakalat. Nang maging maayos na siya, muli siyang nagsalita.
“Naisip ko noon na, kung si Lord nga, paulit-ulit tayong binibigyan ng chance para magbago, sino naman ako para ipagdamot kay Jeremy `yong chance na patunayan ang sarili niya, `di ba? So, I gave him another chance. Sabi ko sa kanya, last na `to at huwag na niyang sayangin,” pagpapatuloy ni Ciara. “And who would have thought na hindi na nga sinayang ni Je? Pinatunayan niya ang sarili niya sa akin. Kaya tingnan n’yo kung ano ang nangyari. Buntis na ako’t ikinasal na kami. Naging saksi kayong lahat sa sumpaan namin.
“Giving another chance to someone is so hard. Lalo na kung nasaktan ka niya sa unang chance na ibinigay mo.” Iniikot ni Ciara ang paningin niya sa aming lahat hanggang sa mapatingin siya sa akin. “Sure, nakakatakot magtiwala uli. Pero minsan, kailangan nating mag-risk. Sumugal. Magbakasakali. Kailangan nating bigyan ng panibagong pagkakataon ang taong mahal natin na patunayan ang sarili niya. Kasi kung hindi mo gagawin `yon, mabubuhay ka na puro what ifs. What if binigyan ko siya ng pagkakataon na magbago? Pagkakataon na patunayan uli ang sarili niya? Puro what ifs na lang. And what’s next? Regret.
“Iyon ang ayaw kong mangyari.” Naluha na naman siya. “Ayokong mapuno ng what ifs ang buhay ko. Ayokong magsisi. Ayokong mangyari na makikita ko si Jeremy isang araw na masaya sa ibang tao habang ako, mapapaisip ako ng what if. Kaya, sumugal ako. And thank, God. He did really change.”
Nagpalakpakan ang mga tao sa speech na ginawa ni Ciara. Tumayo si Jeremy at hinalikan si Ciara sa labi at saka sa noo. He uttered I love you na lalong nagpaiyak kay Ciara. Saka sila nagyakap sa harap namin na parang takot silang mawala ang isa’t isa. It was a heartwarming scene.
Napansin kong nag-iiyakan na rin sina Glenna at Aireen. Touch na touch daw sila sa speech ni Ciara. Masyado raw puno ng hugot ang mga linya niya. Halata raw na maraming pinagdaanan kay Jeremy. Natawa tuloy ako dahil doon. Totoo naman kasi. Marami siyang pinagdaanan bago sila ikinasal. Kaya deserving silang dalawa para sa wedding ceremony nito.
“It’s so nice.”
Napatingin ako kay Brixx nang marinig ko siyang nagsalita.
“Ang alin?” nagtataka kong tanong.
Tumingin sa akin si Brixx. “Them. It’s so nice to see them ended up with each other,” sabi niya. “Ang dami nilang pinagdaanan. Kahit on and off ang relasyon nila back then, they had realized na ang bawat isa pa rin ang kailangan nila. Na they can’t live without each other. I was glad that Ciara made a right decision to give him another chance. Bilang na lang ang mga taong matatapang na kayang sumugal uli at mag-risk,” dugtong niya saka malungkot na ngumiti. His smile made me sad, too. May kurot iyong dala sa puso ko.
“Sana ganyan ka rin kay Ciara, Cha. I hope you are strong enough to give me another shot so I could prove to you that I have really changed. And I won’t mess up this time like I did before.”
Sana gano’n lang kadali ang lahat, Brixx.
Hindi na ako nakasagot kay Brixx dahil biglang sumingit sina Glenna at Aireen.
“Anong pinag-uusapan n’yo? Mukhang seryoso, ah?” usisa ni Glenna.
“Oo nga. Share n’yo naman. Hindi lang kayo ang anak ng Diyos,” sabi ni naman ni Aireen.
“Wala,” pagsisinungaling ko. “Pinag-uusapan lang namin `yong project namin ni Brixx. `Di ba, Brixx?”
“Hindi naman `yon ang pinag-uusapan natin,” pag-amin naman ng ulupong.
Pinandilatan ko siya ng mga mata pero tinawanan lang niya ako.
“Uy kayo, ha. Ang fishy n’yo. May something na ba talaga?” pag-push pa ni Glenna.
“Tumpak! Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig na ba ang theme song n’yo?” nakangisi akong tiningnan ni Brixx.
“Ewan ko rito kay Cha.” Ngumiti si Brixx. “Siya lang naman ang hinihintay ko, eh.”
“Tse! Tigilan n’yo nga akong tatlo!” Napasimangot ako kaya nagtawanan sila.
Kumain na lang ako nang dumating sa table namin ang pagkain. May mga waiters na nag-iikot sa mga tables para magbigay ng iba’t ibang pagkain at inumin. Napansin ko ang mag-asawang bagong kasal—umiikot sa mga table para kausapin at pasalamatan ang mga bisita.
Todo alalay si Jeremy kay Ciara sa paglalakad dahil nga masyadong garbo ang suot na wedding gown ng asawa niya, saka malaki na rin ang tiyan ni Ciara. Halatang natatakot ito na baka matisod ng asawa.
Habang kumakain, nagkukwentuhan naman sila Brixx, Glenna, at Aireen. Nag-uusap sila about sa kani-kanilang mga trabaho. Napag-alaman kong teacher na talaga si Glenna doon sa school na pag-aari nila Sir Ruiz. Hindi na siya part-time job lang. Si Aireen naman hindi nagwo-work dahil focus sa mga anak at asawa.
Ang sarap nilang tingnan habang nag-uusap at nagtatawanan. Akala mo matagal na silang magkakaibigan. Samantalang noong college kami, ayaw na ayaw talaga nila kay Brixx. Kapag nakikita nila ito, napapasimangot sabay irap pa sila. Pero ngayon, todo tawa pa sila sa mga funny stories ni Brixx.
Bigla ko tuloy naisip na kung naging ganito ang pakikitungo nila kay Brixx noon, maraming bagay ang nagbago—walang iyakan na nangyari, walang sakitan. Walang pag-alis. Walang takot na nabuo. Nakakapanghinayang lang dahil hindi sila ganito noong kami pa ni Brixx. Sana binigyan nila ng pagkakataon si Brixx noon at hindi agad nila hinusgahan. Eh, di sana… uhm, ano nga sana kaya ang mangyayari?
Habang kumakain ako, biglang kinuha ni Brixx ang celery sa ulam kong chopseuy. Nagulat ako sa kanya kaya galit ko siyang tiningnan.
“Kung gusto mo rin, kumuha ka na lang,” sabi ko. “Hindi `yong kukuha ka pa sa ulam ko.”
Tinaasan lang ako ng kilay ni Brixx. “Kinuha ko lang naman `tong celery, ah. `Di ba, hindi ka kumakain nito?”
Saka ko na-realized ang sinabi ni Brixx. Tama nga siya. Hindi ako kumakain ng celery. Paborito ko ang chopseuy pero ang celery lang ang katangi-tanging hindi ko kinakain na gulay.
“Oh… thanks,” pagpapasalamat ko.
“No prob. Basta ikaw,” sabi ni Brixx. “So, ano na nangyari doon sa natanggal, Glen?” baling uli ni Brixx kay Glenna. May pinag-uusapan silang teacher na kabit pala ng isa pang teacher sa school nina Glenna.
Napatingin ako kay Aireen nang makita kong nakatingin siya sa akin habang nakangiti.
“Ano?” tanong ko kay Aireen.
Umiling lang siya. “Wala naman. Ang cute n’yo lang kasi.”
“Cute ka diyan,” sabi ko naman.
“Obvious naman, Cha.”
Nagsalubong ang mga kilay ko. “Ang alin?”
“Obvious naman na may feelings ka pa rin sa kanya,” tukoy niya kay Brixx. “Nagho-hold back ka lang,” bulong ni Aireen. “Bigyan mo ng chance. Narinig mo naman `yong sinabi ni Ciara kanina, `di ba? `Yong mabubuhay ka na puro what ifs. What if, binigyan mo siya nang pagkakataon na magbago—pagkakataon na patunayan uli ang sarili niya? Puro what ifs na lang. Then, next. Regret. You have to live with regret for the rest of your life even if you don’t want to.”
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Aireen. Patuloy lang akong kumakain.
“Makakaya mo ba iyon? `Yong isang araw makikita mo si Brixx na masaya na sa iba. Habang ikaw, mapapaisip ka na lang na what if, binigyan mo siya ng chance. What if, sumugal ka. Right?”
Binigyan ko na lang ng matipid na ngiti si Aireen at hindi na sumagot pa. Wala akong maisagot sa mga sinabi niya. And isa pa, buo na rin naman ang desisyon ko. Hindi ko pa alam kung mabibigyan ko ng panibagong pagkakataon si Brixx but at least, handa na akong pakinggan ang side niya.
“Okay lang ba `yong food?”
Pare-parehas kaming tumingin nang dumating na si Ciara sa table namin. Siya lang mag-isa dahil si Jeremy nasa kabilang table pa at kausap ang family niya.
“Yap! The best!” sabi ni Aireen. “Mukhang marami-rami ang makakain ko.”
“Go on lang, `te. Marami kaming pinahanda,” sabi ni Ciara at tumingin kay Brixx. “Uy, Brixx. I’m glad nakarating ka. Akala ko hindi ka na sisipot, eh.”
Natawa si Brixx. “Thank you sa pag-invite. `Yong gift ko `ando’n na sa harap.”
“Nag-abala ka pa,” sabi ni Ciara. “And, sorry din pala kahapon. Napagkamalan ko kayong dalawa nitong si Cha na nagkabalikan na. Akala ko kasi gano’n ang nangyari, hindi pala.”
Ngumiti si Brixx. “It’s okay. Doon din naman mapupunta `yon kung hahayaan lang ako nitong kaibigan n’yo.” Brixx looked at me. “Ang tigas kasi ni Cha, eh. Ayaw magpatinag.”
“Whatever!” Napa-rolled eyes ako.
“Naks! Improving. Dati sasabihin mo ako na ang kapal ng mukha ko o in my dreams o wala akong aasahan sa `yo,” baling ni Brixx sa akin. “Pero ngayon, whatever na lang.”
“Eh, kasi naman, nag-iisip na si Cha,” dagdag na pang-aasar pa ni Glenna.
Tumawa tuloy sina Aireen at Ciara.
“Tigilan na natin si Cha baka mapikon,” awat ni Ciara. “Anyway, Brixx, I heard, engineer ka na talaga. Sa `yo namin balak magpagawa ng bahay ni Jeremy. Ako ang nag-design ng dream house ko.”
“Sure,” Brixx said with a genuine smile. “Bibigay ko sa `yo ang calling card ko later para mapag-usapan natin `yan.”
“Sige thanks. Bigyan mo `ko ng discount, ah!”
“Jusko! Kung anong bongga ni Jeremy, ito namang kinuripot mo,” komento ko. “Hindi pa rin nagbabago!”
“Gaga. Haha. Siyempre, kailangan magtipid. Malapit na lumabas si Baby, eh,” sabi ni Ciara at hinimas ang tiyan niya. “Hindi birong magpalaki ng bata. Magastos mag-anak.”
“True!” sang-ayon ni Aireen. “Nakakabutas ng bulsa.”
“Hay naku, nakaka-out of place,” pagsingit ko. “Respeto naman sa wala pang anak dito.”
“Gusto mo mag-anak na rin tayo?” tanong ni Brixx. “Kahit ilan, Cha. Just call me.”
“Call me your face! Heh!” sabi ko kaya humalakhak na naman si Brixx.
“Speaking of anak,” nagsalita si Glenna. “May anak na rin pala si Ivy.”
“Sinong Ivy?” sabay-sabay naming tanong nina Aireen at Ciara.
Seryosong napatingin si Brixx kay Glenna.
“Si Ivy… whatever. Nakalimutan ko `yong apelyido niya. Basta schoolmate natin `yon at madalas kasama ni Brixx dati. Ah, tama. Classmate ni Brixx `yon.” Napatingin kami kay Brixx. “May anak na pala siya? I saw her last time. Lalong gumanda si Ate Girl. `Tapos `yong anak niya, two or three years old na babae.”
“Hindi ko siya matandaan,” sabi ni Aireen.
“Ako rin,” segunda ni Ciara.
“Eh, paano mo matatandaan, Cia? Problemado ka kaya palagi kay Jeremy dati.” Baling ni Glenna kay Ciara.
Napatingin ako kay Brixx, bigla na lang siyang natahimik nang mapunta ang usapan naming tungkol kay Ivy. Parang ang lalim ng iniisip niya. Lumingon siya sa akin nang mapansin siguro niyang nakatingin ako sa kanya—ngumiti siya—nang alanganin. Para ba siyang biglang kinabahan at nawalan ng sigla sa usapan.
Ayoko namang tanungin si Brixx kung bakit dahil baka isipin niyang ang tsismosa ko masyado.
“Brixx…?”
Sabay-sabay kaming napatingin sa matandang tumawag kay Brixx. He was wearing a suit. Para siyang businessman. Nakita ko na siya kanina rito at sigurado akong bisita rin siya nina Ciara.
“O, Tito!” nagulat na sabi ni Brixx saka siya napatayo. “What are you doing here po?”
“Kaibigan ko `yong tatay ng groom,” sagot ng matanda then he looked at Ciara and smiled. “Congratulations, hija. Sana hindi na pasakitin ni Jeremy ang ulo mo. Maloko talagang bata `yan mula noong bata pa siya.”
“Oo nga po, eh. Thank you po,” magalang na sab ni Ciara.
“Ikaw, Brixx? What are you doing here?” baling naman ng matanda kay Brixx.
“Ah… eh… friend po namin si Ciara—ang bride, tito,” hindi mapakaling sagot ni Brixx. Napatingin siya at mabilis na nag-iwas ng tingin.
Parang bigla akong nakaramdam ng kakaiba.
“Where’s Briana, by the way? Okay na ba siya? Nakalabas na ba ng ospital?”
“Ah… opo,” mahinang sagot ni Brixx. “Let’s talk outside na lang po, tito.”
“Better idea. Masyadong maingay dito, eh. Let’s go.”
Tumingin sa amin si Brixx. “Wait lang, ha?” pagpapaalam niya.
Hindi pa kami nakasagot nang tumalikod na si Brixx at sumunod sa tinatawag niyang tito. Hindi ko alam kung kamag-anak na niya ang matanda o ano. Pero siguro, kamag-anak since tinatawag niyang tito, `di ba?
Ang hindi lang maialis sa isip ko ang naging kilos ni Brixx. Parang bigla siyang kinabahan at nataranta. Kung susumahin maigi, asta iyon ng taong parang may tinatago. Ayoko lang masyadong mag-over-estimate.
Napatigil lang kami sa pagkukuwentuhan nina Glenna nang bigla na namang tumugtog ang sound system. Nag-play ang kantang “My Valentine.” First dance raw para sa bride and groom.
Napatingin kami nang lumapit si Jeremy sa table namin at inilahad ang kamay niya kay Ciara.
“Can I dance with my wife?” nakangiting tanong ni Jeremy kay Ciara.
Kinikilig na sumagot si Ciara na akala mo teenager pa rin.
“I don’t see any reason why I should not, husband,” sagot ni Ciara at hinawakan na ang kamay ni Jeremy.
Lumakad sila sa space sa gitna ng function hall at sumayaw. Halos matunaw kaming lahat habang pinagmamasdan sila na sumasayaw. It was sweet and so gentle. Kitang-kita ang pagmamahal nila sa isa’t isa. They were looking at each other as if they were the only people in this room.
Ganoon talaga kapag mahal mo ang isang tao, `no? Kahit na sobrang daming tao sa paligid mo, siya at siya lang talaga ang makikita ng mga mata mo. Your eyes won’t search for someone else because they had found the best one already. Parang ang sarap tuloy na magmahal uli.
Nagpalit ng kanta—“Destiny” ni Jim Brickman kaya in-announce ng host na puwede nang samahan ang bride at groom sa pagsayaw. Ang dami agad partners na pumunta sa gitna para sumayaw.
Lumapit ang dalawang kuya ni Ciara sa amin at inalok si Glenna at Aireen na sumayaw. Agad silang pumayag dahil kilala naman daw nila ang mga ito at walang malisya. Besides, they were loyal to their husbands daw.
Nang may lumapit sa akin na isang lalaki na hindi ko kilala, inalok din niya akong sumayaw. Napatitig ako sa mukha at kamay niya na hindi sigurado kung tatanggapin ko ba ang offer niya o hindi. Nag-aalangan ako sa hindi ko alam na dahilan. Nang hahawakan ko na ang kamay niya, nagulat ako dahil biglang sumulpot si Brixx at siya ang humawak sa kamay ko. Saka niya binalingan ang lalaki.
“She’s mine, dude,” seryoso pero nakangiting sabi ni Brixx. “Find someone else.”
Napaatras ang lalaki, saka napakamot na lang ng ulo at umalis sa harap namin ni Brixx. Tiningnan ako ni Brixx na hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.
“Nawala lang ako ng ilang minuto, may lalaki na agad na poporma sa `yo? Tsk!”
“Poporma ka diyan! Inaya lang niya akong sumayaw, `no,” sagot ko.
Hindi ko pa rin binibitawan ang kamay ni Brixx. Somehow, I loved holding his hand. I missed holding his hand. It had been five years since we last did this. Nakaka-miss din pala.
“Gano’n na rin `yon,” sabi niya. “Uunahan pa ako ng kulukoy.”
“Uunahan saan?”
“Sa pagsayaw sa `yo.” Umayos siya nang pagkakatayo. “Can I have a dance with the most gorgeous girl in this room?”
Napatitig ako kay Brixx habang nakangiti siya bago ako gumanti ng ngiti sa kanya.
“Sure,” sabi ko, saka tumayo. “Wala naman akong magagawa dahil paniguradong kukulitin mo lang ako.”
He grinned at me, saka niya ako inalalayan papuntang gitna.
Si Brixx ang naglagay ng mga kamay ko sa leeg niya. Humawak naman siya sa baywang ko. Ilang inches lang ang layo ng mga katawan namin sa isa’t isa. At naulit na naman ang naranasan ko kanina. Pakiramdam ko kaming dalawa na naman ang natirang tao sa function hall. Everyone else had disappeared.
It was him and me once again. Para kaming nagkaroon ng sarili naming mundo.
What if I never knew.
What if I never found you.
I’d never have this feeling in my heart.
How did this come to be.
I don’t know how you found me.
But from the moment I saw you.
Deep inside my heart I knew.
“Have I already told you that you’re so gorgeous?” biglang tanong ni Brixx.
Magkatinginan lang kaming dalawa ngayon. Kitang-kita ko na ang sarili kong reflection sa mga mata ni Brixx. I saw my reflection in his beautiful eyes. Come to think of it, bakit lahat yata ng physical features ni Brixx sobrang ganda? Ang perfect masyado ng mukha ng lalaking ito, nakaka-insecure.
“Nasabi ko na bang hindi mo na ako madadaan sa mga pambobola mo?” sagot ko habang nakangisi.
“Hindi `yon pambobola.” Umiling siya. “You’re the most gorgeous in my eyes, Cha.”
“Sabi mo, eh,” sabi ko. “Alam mo bang guwapong-guwapo ako sa `yo no’ng college tayo?”
Tumaas ang kilay ni Brixx. “No’ng college lang? How about now?”
“Ewan. Nagsawa na yata ako sa mukha mo.” Tumawa ako. “Pero seriously, guwapong-guwapo ako sa `yo dati.”
“That’s why you fell in love with me?” He smirked.
“I guess. Pero hindi `yang mukha mo ang dahilan kung bakit ako na-in love sa `yo noon,” I confessed.
“Then, what?” tanong ni Brixx. “Sa muscles ko? Abs?”
“No. Wala sa physical appearance mo. Brixx, I don’t fall in love with the outside look. That outside look will fade someday. Nawawala `yan—lumilipas. People should realize that they should fall in love with the heart, not with the face.”
“Yeah. Yeah. Whatever. So, ano nga? Paano ka na-in love sa akin dati?” Marahan akong hinila ni Brixx kaya halos magdikit na ang katawan naming dalawa.
Baby you’re my destiny.
You and I were meant to be.
With all my heart and soul.
I give my love to have and hold you.
And as far as I can see.
You were my meant to be.
My destiny.
“I fell in love with you noong una kitang nakita sa school library na gulong-gulo at hindi alam ang isasagot sa assignment mo.” Natawa ako dahil naalala ko uli ang hitsura niya noon. “Weird, `no? Pero basta. Gustong-gusto ko `yong scene na `yon. Gustong-gusto kong makitang nakakunot ang noo mo dati.”
He smiled. “`Tapos nilapitan mo ako then you offered to help me,” sabi niya. “And that was the beginning of everything,” dagdag pa niya. “Alam mo ba kung paano ako na-in love sa `yo dati?”
“You never fell in love with me,” sabi ko. “Ginamit mo lang ako, `di ba?”
Napatitig sa akin si Brixx, saka umiling. “Akala ko rin gano’n, eh,” he confessed. “But I was wrong. I wasn’t aware that I fell in love with you. Puwede pala mangyari `yon — `yong unti-unti ka nang nahuhulog sa isang tao na hindi mo namamalayan. You just did.”
“So, paano?”
“I fell in love with you when I saw you reading a book.” Natawa si Brixx. “Ang weird rin, `di ba? Basta isa `yon sa mga rason. Sa tuwing magkasama tayo no’n at walang ginagawa, nagbabasa ka ng libro. `Tapos bigla-bigla kang kikiligin at tatawa mag-isa. Ikukuwento mo sa akin `yong binabasa mo. Sinasabi mo kung gaano mo kamahal `yong bida. You told me everything about that book as if it was real. You are so beautiful every time you talk about the things that you love. And because of that, I slowly fell for you then.”
I wanted someone like you.
Someone that I could hold on to.
And give my love until the end of time.
But forever was just a word.
Something I’d only heard about.
But now you’re always there for me.
When you say forever I believe.
“There are too many reasons why I fell in love with you before,” pagpapatuloy ni Brixx. “Aabutin tayo ng isang linggo kapag inisa-isa ko pa.” Napahugot siya ng malalim na buntong hininga. “If I could turn back the time, I would. I guess, tama ka nga. Wala na rin mangyayari kahit magsisi pa ako.”
Napakagat si Brixx sa ibabang labi niya kaya lumabas na naman ang mga dimples niya sa magkabilang pisngi.
“It’s not,” sagot ko habang nakatitig sa mga mata ni Brixx. “I’m ready now.”
“Ready for what?” naguguluhang tanong ni Brixx.
I smiled. “To hear your explanation,” sagot ko. “Hindi ko maipapangakong mabibigyan agad kita ng chance pero papakinggan ko ang side mo kung ano’ng nangyari dati. Kung bakit mo sinabi sa akin na ginagamit mo lang ako and such. I’m ready to listen now.”
“Seriously?” Napahinto kami sa pagsayaw. “As in?” Gulat na gulat talaga siya.
I nodded. “Yes.”
“Holy shit.” Napatakip ng mukha si Brixx na parang nahihiya o dahil sa sobrang saya. “It’s okay kahit hindi mo agad ako mabigyan ng chance. Malaki nang improvement `yong papakinggan mo ang explanation ko.”
“Good.”
Hinawakan niya ang kamay ko. He kissed it. “Thank you, Cha.” Nanginginig ang boses ni Brixx. “Thank you very much.”
Then he smiled like the way he used to smile at me before.
Baby you’re my destiny.
You and I were meant to be.
With all my heart and soul.
I give my love to have and hold you.
And as far as I can see.
You were my meant to be.
My destiny.
Muli kong nakita ang ngiti ni Brixx na isa sa mga naging dahilan kung bakit ko siya minahal noon. And that smile was the most beautiful smile I had ever seen in my entire life.