noveltoon logo noveltoon
Stupidly In Love Again

Chapter 3

Ch. 4 / 22 May 18, 2024

Chapter 3

I USUALLY stay late at the office after our office hours.

Ako iyong palaging nahuhuling umalis dahil palagi kong tinatapos ang mga kailangan kong gawin. Kung mayroong best in over time, siguro sa akin nga raw iyon mapupunta. Iyan ang pang-iinis sa akin ng mga workmates ko. Lalong-lalo na si Mau. Parang ayaw ko raw kasi umalis sa office kahit oras na ng uwian.

Pero ngayong araw, may ilang minuto pa ang nalalabi bago matapos ang office hours namin pero nakaayos na agad ang mga gamit ko. Para bang handa na akong tumakbo palabas kapag sumapit na ang alas-singko. Inip na inip akong nakatitig sa orasan na nakasabit sa dingding.

Nang makita kong alas-singko na at oras na ng uwian, dali-dali kong kinuha ang hand bag ko at leather bag na naglalaman ng laptop ko. Dederetso na sana akong maglakad palabas nang tawagin ako ni Mau.

“Hoy! Hoy! Ate kong pechay baguio!” sigaw niya. “Saan ka pupunta at nagmamadali ka?”

Nakita kong nakatayo na rin si Brixx sa gilid ng work station niya at nakatingin sa akin bago ko nilingon si Mau. Jusko. Ang ingay kasi ng bibig ng babaeng ito. Hayan tuloy, nakita pa ako ng hinayupak.

“Uuwi na,” sagot ko. “May kailangan akong gawin.”

Kumunot ang noo ni Mau. “Anong uuwi na? Friday ngayon, `te. It means, walwal night natin!”

Ouch. Oo nga pala. Tuwing Friday night, lumalabas kami at nag-iinom sa favorite naming bar. Wala kaming pasok tuwing weekends kaya nagpapakalasing kami para maglabas ng stress gawa ng trabaho.

Nawala iyon sa isip ko dahil puro si Brixx and his shitty speech earlier lang ang laman ng isip ko kanina. Hindi tuloy ako makapag-focus sa trabaho ko dahil sa kanya. Buwisit. Panira ng working hour ko.

“I can’t, `te. Pass muna ako,” sabi ko.

“What? Anong pass-pass ka diyan! Walang pass, `te!” pagpupumilit ni Mau. “Pass-in ko kaya `yang pechay mo?”

“Oo nga, Charry. Ang daya mo naman kung hindi ka sasama!” narinig kong sumagot si Carla na nakatayo na rin pala. “Kapag isa sa amin ang hindi nakakasama, todo pangungonsensiya ka. `Tapos ngayon ikaw naman ang hindi sasama? Ang daya mo rin minsan, `no?”

Bigla tuloy akong nakonsensiya dahil sa sinabi ni Carla. Usually kasi, kapag may isa sa kanila na hindi sasama, todo pangungonsensiya ang ginagawa ko. Kesho tinutulungan ko sila sa designs nila and such. Kaya ang ending, mapipilitan silang sumama sa walwal night namin tuwing Friday.

“Sumama ka na, Cha.” Si Gio naman. “Kasama rin si Brixx, o. Itong gabi ang official welcoming party natin sa kanya. Lalasingin natin siya para umamin siya sa mga darkest secrets niya.”

“Hindi ako madaling malasing,” sagot ni Brixx habang nakangiti at umiiling.

Okay. There were more reasons why I should not go with them tonight.

Si Brixx ang number one reason kung bakit ako nagmamadaling umuwi dahil ayoko nang ma-stuck sa isang lugar kasama siya dahil pakiramdam ko hindi na ako makahinga nang maayos. Pagkatapos sasama pala siya sa walwal session mamaya. Sorry, friends. Lalo akong hindi sasama sa inyo ngayon.

Tumingin ako sa kanilang lahat then kay Mau.

“I’m so sorry but I really can’t,” sabi ko. “My deadlines are approaching.”

“Lies!” Mau answered as she rolled her eyes. “Alam natin pareho na sa ating lahat ikaw palagi ang pinakaunang nakakapagpasa ng projects natin, Cha. So, what now? Bakit hindi ka sasama?”

I gulped. Nag-isip ako ng ibang dahilan.

“Mag-i-Skype kami nina Mama, eh. Naiinis na kasi siya dahil hindi na kami nakakapag-usap lately,” I said. OMG, `Ma. I’m so sorry for using you. “Alam mo naman `yon masyadong clingy, `di ba?”

Mau stared at me. Para bang tinitingnan niyang maigi kung nagsasabi ako ng totoo o hindi.

Well duh. Nagsasabi naman ako ng totoo. Totoong nagrereklamo na si Mama sa akin dahil hindi kami nakakapag-video call lately dahil nga sa sobra kong busy. Pero hindi totoong magbi-video call kami mamaya.

Gusto ko lang talagang makaalis ngayon sa lugar kung nasaan si Brixx. Hindi ako sanay sa isang lugar na magkasama kaming dalawa. This day with him was too much already. I really really needed some rest.

“Ang clingy naman ni Tita forever,” sagot ni Mau. “Para namang hindi ka pumupunta sa Canada every occasion. Hindi ka na nga nakakasama tuwing Christmas Party dito.”

“Pumupunta kang Canada?” narinig kong tanong ni Brixx.

Nilingon ko siya at kitang-kita ko na seryoso ang mukha niya. Para bang may nalaman siya ngayon na matagal na sana niyang alam. He looked at me as if he was waiting for my answer.

“Oo, Brixx.” Si Mau ang sumagot. “Naglalagi `yan sa Canada. Tuwing Christmas at minsan kapag summer `andoon siya. Kaya palagi `yan nagsa-submit ng project on time kasi nagpapalakas siya kay Boss. Para every summer, papayagan siyang mag-take ng leave. Smart move si Pechay Baguio, `no?”

“I didn’t know that,” Brixx said, confused.

Pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Mau. Then his eyes fixed on me.

“Since when? Since kailangan ka pa nagpupunta sa Canada?” Brixx added.

“Bakit ganyan ang reaction mo, Mr. Egglant ng Valenzuela? Bakit kailangan mong malaman? May something ba kayo nitong si Pechay Baguio? Ikaw, ha! Ang bilis mo! Kakapasok mo pa lang dito may gusto ka na agad pasukan.” Nagtawanan sina Gio dahil sa sinabi ni Mau.

Nanatili kaming tahimik ni Brixx. He was looking at me while I was trying to avoid his gaze. Hindi ako makatingin sa kanya hindi dahil wala akong maisagot. Hindi ako makatingin sa kanya dahil nag-iisip ako kung bakit ganyan ang reaction niya. Para bang may itinago akong kasagutan sa kanya na matagal na niyang inaalam na sagot. He was so weird and confusing. And a bastard for acting like he cared for me.

Well, whatever. I didn’t need his care. Kanya na iyon. Lamunin niya nang buong-buo.

“Since. . . kailan ka nga nagsimulang pumunta sa Canada, Cha?” tanong sa akin ni Mau.

Seryoso ko siyang tiningnan. Iyong tingin na nangangahulugang, ‘Huwag mo nang sabihin.’

Pero may pagka-slow at mahadera minsan si Mau. Sinasabi talaga niya kung ano ang gusto niyang sabihin.

“Hindi mo na natapos `yong college mo rito, Cha, `di ba? Last year mo na nang lumipad ka sa Canada `tapos doon mo na tinuloy ang pag-aaral mo,” pagkukuwento ni Mau. “Basta nag-college si Cha sa… sa… saan nga ba `yon? Basta `yon na `yon. Then, after niyang makapagtapos doon, nag-stay muna siya ng two and half years then bumalik na rito sa `Pinas. `Tapos `ayon, bumabalik-balik na lang siya doon minsan.”

“Kaya pala,” sagot ni Brixx. “Kaya pala hindi kita mahanap dati. Umalis ka pala ng Pilipinas.”

His voice was so weak. I could barely hear it, too.

Ano na naman ang eksena niya? Hindi mahanap? Huwag niya akong gawing tanga.

“Teka… teka. Ano’ng meron? Magkakilala na ba kayo dati?” naguguluhang tanong ni Mau.

“Of course not,” mabilis kong sagot. “Ewan ko ba diyan kay Brixx at kung ano-ano ang sinasabi. Nakasinghot `ata `yan ng marumi niyang brief kaya ganyan.” Nagtawanan sila pero si Mau nakataas lang ang kilay. “Aalis na talaga ako, Mau. Guys, next time na lang. I-shot n’yo na lang ako.”

Tumalikod ako at naglakad. I stopped midway sa tapat ni Brixx.

“Brixx, welcome sa team. Please, drink moderately. Kalimutan mo na `yong mga pinagsasabi mo ngayong araw. It’s no good. Baka akalain nila nag-aadik ka.” I laughed as I tapped his shoulder. “Forget it.”

“I can’t.” Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa balikat niya. “I can’t do that.”

Marahas kong binawi ang kamay ko nang maramdaman kong mahigpit niya itong hawak.

“Well, you must teach yourself how to forget,” mahina kong sagot na si Brixx lang ang nakakarinig. “Like how you taught me before to live without you. Kaya mo `yan. Kinaya ko nga, eh.”

“Ano’ng pinag-uusapan n’yo?” curious na tanong ni Mau.

Bahagya akong lumayo kay Brixx at lumingon kay Mau.

“Binibigyan ko lang siya ng tips na huwag masyadong magpakalasing dahil baka pagtripan n’yo siya,” I lied. “Katulad nang ginawa n’yo sa akin before,” sagot ko, saka muling nilingon si Brixx. “Good-bye, Brixx.”

Good-bye and I never want to see you again.

Naglakad na ako palabas ng pintuan. At habang naglalakad papunta sa elevator, bigla akong napahinto nang marinig kong may tumawag sa akin. Boses ni Brixx iyon. Pinag-iisipan ko kung lilingon ako but I did anyway. Gusto ko kasing patunayan sa kanya na wala na siyang epekto sa akin like before.

“Yes?” tanong ko habang nakangiti. “You need anything?”

Nasa tapat siya ng office namin. Nakasarado ang pinto kaya alam kong hindi maririnig sa loob kung ano na namang kasinungalingan ang lalabas sa bibig ng artistang ito.

Napalunok muna si Brixx bago siya nagsalita. He was looking at me like he was too afraid to blink because I might disappear from his sight. I shrugged that thought off. How foolish was I to think that way.

“I did search for you back then,” he started. “I did. For every fucking day. I searched for you.” He smiled but his smile didn’t reach his eyes. He looked as if he was gonna cry.

Such a good liar. Gusto ko siyang palakpakan. Sa mukha. Gamit ang baseball gloves.

“Thank you for searching for me but I’m glad you never found me,” sagot ko. “Brixx, do me a favor. Don’t mess with my life again. My life is better now. Kung gusto mong maging ayos tayo bilang workmates, huwag mo nang i-bring up ang nakaraan natin. Matagal ko na `yong ibinaon sa limot. Sana ikaw din.”

“I can’t, Cha,” umiling siya “Hindi ko kayang kalimutan `yon. Those days were my most wonderful days.”

Mapakla akong napatawa sa sinabi ni Brixx. Wonderul days my ass.

“No, Brixx. What we had was just a mistake. Isa lang `yon pagkakamali. Lalong-lalo na sa part ko. Isang pagkakamali na sa tuwing naaalala ko, gusto kong iuntog ang sarili ko sa dingding nang makalimot,” I told him. “Brixx, okay na ako. Tama na, please. Hindi na kasi ako tanga. Hindi na ako `yong dating Charry na tatanga-tanga para sa `yo. Hindi na ako gano’n.”

“No, Cha. What we had was the best moments of my life. But I was just too stupid to waste it,” he said. “Sabi nila, malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag nawala na ito sa `yo. But I guess, alam mo na naman ang halaga niya sa `yo pero hindi mo lang inaasahan na mawawala siya sa `yo. It’s really true that pain doesn’t last long. Regret does. Kasi sising-sisi ako.”

“It’s too late to regret now, Brixx,” deretso kong sagot. “Ano pa ba’ng gusto mong mangyari?”

“Gusto ko lang marinig mo ang side ko. I will tell you everything. Everything you wanna hear,” pagmamakaawa ni Brixx. “And I really wish there is something that I could do to make you fall in love with me again.”

“Hindi ko na kailangan ang paliwanag mo,” sabi ko. “And sorry but none.”

Tumalikod ako at dumeretso na sa loob ng elevator. Hahabulin pa sana niya ako pero mabuti na lang napindot ko na ang button kaya agad sumarado ang elevator.

Napahugot naman ako nang malalim na buntong-hininga ng mawala na si Brixx sa paningin ko. Napasandal ako sa dingding ng elevator na para bang na-drained ang energy ko buong maghapon.

Nakasakay na ako sa kotse ko pero hindi ko pa ito pinapaandar. Nananatili pa rin akong nasa parking lot.

“Ughhh! Buwisit! Buwisit!!” sumisigaw ako at nilalabas ang inis. Pinagsusuntok ko ang manibela, “Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking `yon. After niyang gaguhin ako noon, gusto niyang bigyan ko siya ng chance para magpaliwanag? Gusto niyang marinig ko ang explanation niya? Ugh!!!”

Mas dumami ang rason nang pagkabuwisit ko kay Brixx sa totoo lang. Unang araw pa lang niya sa office ngayon pero ganito na niya ako nabuwisit. What more pa talaga sa mga susunod na araw.

Hindi ko siya kinakaya sa totoo lang. Hindi ko kinakaya ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

Akala niya ganoon kadali lang pakinggan ang paliwanag niya? Maibabalik ba nang paliwanag at sorry niya ang nangyari dati? Maibabalik ba ni Brixx ang mga luha ko tuwing gabi kapag pinakinggan ko ang side niya? Sa tingin niya, magiging okay kami kapag pinakinggan ko siya?

To hell with him. Hindi ganoon kadali iyon. Hindi alam ni Brixx ang mga pinagdaanan ko pagkatapos niya akong gaguhin. Hindi niya alam kung gaano kasakit umiyak tuwing gabi habang tinatanong mo ang sarili mo kung ano ba ang naging mali sa iyo para tarantaduhin ka lang ng lalaking minamahal mo.

Ngayon sasabihin niyang “ I really wish there is something that I could do to make you fall in love with me again.” Ano’ng tingin ni Brixx sa akin? Tanga pa rin katulad noong college?

No, Brixx. Hindi na ako tanga katulad noon. Hindi na ako tanga para maniwala sa mga sasabihin mo.

Sinimulan ko nang i-start ang makina ng sasakyan ko at umalis na sa parking lot. Kailangan ko nang umuwi para manood ng rerun ng Supernatural. Mas gusto ko pang pakinggan ng ilang beses ang boses ni Sam Winchester kaysa ang pakinggan ang boses ni Brixx.

Sana totoo ang supernaturals, hindi lang mga demons and supernatural creatures ang tinatapos ang buhay ni Dean and Sam. Sana puwede rin nilang tapusin ang mga manloloko particularly si Brixx Harris.

Bago ako dumeretso sa condo ko, dumaan muna ako sa supermarket para mag-grocery. Wala na kasi akong stock sa bahay. Bumili rin ako ng ice cream para habang nanonood ako mamaya.

Nakarating na ako sa building kung saan ang condo ko at nakasakay na sa elevator. Pasarado na sana ito nang biglang may kamay na humawak kaya mabilis akong pumindot para muli iyon nagbukas.

“Oh, thank you,” sabi ng lalaking pumasok sa elevator.

“You’re wel—” Napatigil ako sa sasabihin ko nang ma-realized ko kung sino ang lalaking iyon—si Brixx.

“Ano’ng ginagawa mo rito? Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako?” bulyaw ko sa kanya. “Hindi mo man lang ba ako papatahimikin? Buong araw mo na akong ini-stress sa office pati ba naman dito?”

“Ouch. Nakilala mo `ko?” bale-walang sabi ni Brixx imbes na sagutin ako.

“Well, duh, of course. Tingin mo hindi kita makikilala por que nakasumbrero ka na at shades?” Pagpo-point out ko sa disguise niya. “Besides, `yan pa rin ang suot mo. Pero—teka nga. Ano ba’ng ginagawa mo rito?”

“I live here.” Ngumiti pa siya.

“Hindi ako pinanganak kahapon. Again, Brixx, ano’ng ginagawa mo rito?” nanggagalaiti kong tanong.

“Dito nga ako nakatira,” sabi niya uli. “Baka ikaw ang sumusunod sa akin. Bakit `andito ka?”

“Get over with your delusion,” sabi ko at pinindot na kung saang floor ako.

Pinakiramdaman ko kung pipindot din si Brixx para sa floor kung saan siya bababa pero hindi siya kumikilos. Pagtingin ko sa kanya, nakatuon lang ang pansin niya sa harap na nakangiti.

“Akala ko ba dito ka nakatira? Eh, bakit hindi ka pa pumipindot kung saang floor ka?”

“You did it for me,” he said, still smiling. “Thirty-seventh floor. Thanks, Cha.”

“Alam mo ulol ka,” hindi ko na napigilan na hindi siya mamura.

Napatitig siya sa akin nang bahagya at tumawa nang malakas. He laughed really loud. Jesus.

“Did you just curse me?” tanong ni Brixx. “Dati hindi ka nagmumura, ah. You’ve changed big time.”

“And you haven’t changed. You are still a bastard and a good liar and a good actor like you were before.”

Nawala ang ngiti ni Brixx dahil sa sinabi ko.

Did I just hit some nerves? Awww. Poor you. But it serves you right.

Hindi na sumagot si Brixx habang umaakyat ang elevator patungo sa floor kung saan ang unit ko. Nang bumukas ito, dali-dali akong lumabas ng elevator at naglakad patungo sa unit ko.

Napahinto lang ako sa kalagitnaan nang maramdaman kong nakasunod sa akin si Brixx.

“Ano ba? Kailan mo ba ako titigilan? Stalker ba kita?” sigaw ko. Napansin ko ang ilang tenant na napatingin sa direksiyon namin.

“Tatawag na ako ng police kung hindi ka titigil!” pananakot ko kay Brixx.

Nakita kong nagbulung-bulungan na ang mga tao sa paligid kaya napangiti ako.

“Hala, Miss. Hindi kita inaano diyan. Hindi kita sinusundan. Taga-rito ako,” sagot ni Brixx at nilampasan ako. Naglakad siya patungo sa pintuan na katapat ng unit ko.

Ang mga tingin ng mga tao sa paligid biglang nalipat sa akin. Pakiramdam ko tuloy iniisip nilang ang feeler ko dahil sa sinabi ko na sinusundan ako ng magaling na Brixx na ito, eh, hindi naman pala.

Ughhh! Buwisit ka, Brixx Harris.

Padabog akong lumakad papunta sa unit ko at pinasok ang key card. Mabilis kong binuksan ang pintuan.

At bago ko maisara ang pintuan ng unit ko, napatingin ako kay Brixx na kasalukuyang nakadungaw ang ulo sa pintuan ng unit niya.

“Hello there, neighbor,” he said then he winked.

“Neighbor your face, you piece of monkey’s arse!” sigaw ko sa kanya at padabog na nagsara ang pinto.

Rinig na rinig ko ang malakas na pagtawa ni Brixx mula sa labas.

Todo pigil tuloy ako sa sarili ko na huwag siyang labasin at baka matapos ko ang buhay niya ngayon.

My God, so much stress. Wala na ba akong katahimikan?

Nabanggit ko kanina na mabuti na lang na may lilipat na sa bakanteng unit sa harap ng unit ko pero hindi pala mabuti iyon. Masama pala. Masamang tao ang lumipat at naging kapitbahay ko.

Una sa trabaho ko. Ngayon, kapitbahay ko na si Brixx. Para akong aatakihin sa puso sa sobrang bad trip.

Talaga bang hindi ako tatantanan ng hinayupak na Brixx na ito? Talaga bang hanggang dito sa condo, susundan niya ako? Bakit ba kasi humihinga pa si Brixx? Mas okay sana kung tumigil na siya sa paghinga.

Ughhhhh!