Chapter Eight
S HE jolted from her reverie nang marinig ang katok sa pinto.
“Who is it?” sigaw niya.
“Room service, m a’am...”
Muli niyang ibinalik ang blouse at nagmamadaling binuksan ang pinto. Ipinasok ng roomboy ang cart na may dalang pagkaing in-order niya. Kumuha siya ng pera sa bag at ibinigay rito bilang tip. Ilang sandali pa ay nag-iisa na siyang muli.
Tinitigan niya ang pagkain and all of a sudden ay nawalan siya ng gana. Kinuha ang munting telephone directory niya sa bag. Dinampot ang telepono at humingi ng outside line. Ilang sandali pa ay nagri-ring na ang telepono sa FNC. At pagkatapos ay ang boses ng operator.
“FNC International, good afternoon...”
Tumikhim siya bago nagsalita. “M-may I speak to Mr. Lance Navarro, please...”
“One moment,” narinig niyang sagot nito at alam niyang ikinokonekta siya nito sa office ng lalaki.
“Mr. Navarro’s office, may I help you...” ang kabilang linya. Husky ang boses. Natitiyak niya, ang sekretarya.
“Is… is…” n autal siya. “I w-wish to speak to Mr. Lance Navarro...”
“Ow...” ang kabilang linya. Sa dalawang letrang salitang iyon ay nakahimig siya ng pang-uuyam. Marahil ay itinuturing nitong isa lang siya sa mga babaeng mayamaya ay gustong makausap si Lance.
“I am very sorry, Miss, but I cannot put you through him. Mr. Navarro is in the middle of an important meeting right now and cannot be disturbed. May I have your message, please?” Itinago ng politeness ang mockery sa tinig nito.
“Nevermind,” at ibinaba na niya ang telepono. Hating the secretary who must have only done her duty keeping Lance Navarro from callers-at-bay. Hating herself for sounding like an uncertain woman-friend.
Sa inis niya ay pinagbuntunan ang pagkain sa tray. Na dahil gutom naman siyang talaga ay naubos niya. Pagkatapos ay tinawagan si Luke na niyaya siyang mag-dinner sila sa labas.
“I’ll pick you up at seven thirty,” wika nito na hindi alam na nasa hotel siya.
“Naka-check in ako sa Manila Penn, Luke.”
“What?”
“I’ll meet you at the lobby around seven thirty and I’ll explain later...” iyon lang at ibinaba na ang telepono. Hindi na niya hinintay na makapagtanong pa ang kasintahan.
Kasintahan? Ano ang karapatan niyang magkaroon ng kasintahan? She is very much married sa kabila ng katotohanang mula nang araw na ikasal sila ay hindi na sila nagkita pang muli ni Lance.
Pero hindi ba at iyon ang dahilan kaya siya narito sa Pilipinas ngayon? Ang sabihin kay Lance na pakawalan na siya sa pagkakatali rito at mag-file ng legal separation o annulment. Kung alinman ang akma. Lance never contacted her for the past three years and six months sa kabila ng katotohanang ilang beses din itong bumalik sa Houston mula noon.
Hindi iilang beses niya itong nakikita at nababasa sa mga society page kasama ang kung sino-sinong famous personalities. May mga magasin at peryodikong Pilipino rin ang nakararating sa Texas at paminsan-minsan ay nababasa niya ito. At sa nakalipas na mga taon ay hindi lang ang jet-setting at ang pagiging society debonair ang nababasa niya. Isa na rin itong matagumpay at iginagalang na negosyante just like Nick. But her cousin maintained his distance and privacy at malayo sa mapanuring mga mata ng paparazzi.
Kung bakit hindi siya nito kinontak man lang upang mapawalang-bisa ang kanilang kasal ay hindi niya alam. At hindi rin nito sinagot ang dalawang sulat niya rito sa nakalipas na buwan upang ipaalam na kailangan nilang mag-usap. Didn’t his status bother him? Hindi pa ba nakakatagpo ng talagang gustong pakasalan ang bunsong lalaki ni Franco Navarro?
Pagkaisip sa matandang Navarro ay bahagyang napangiti si Billie. Kung hindi man nakikipagkita sa kanya si Lance ay taliwas naman sa mag-asawang Navarro. Sa loob ng tatlong taong mahigit ay apat na beses niyang nakita at nakausap ang mag-asawa. Two weeks matapos siyang bumalik sa Colorado ay nagtungo si Franco Navarro doon upang humingi ng paumanhin at pauwiin siya. But she firmly said no.
Mula noon ay dalawang beses pa uli silang nagkausap upang kumustahin siya. Ang ikaapat ay nang mamatay si Luis Montaño and both Franco and Beatriz wanted her to come home with them. And to Franco’s frustration, nanatili siya sa desisyon niya.
Pinalipas ni Billie ang isang oras at saka muli tumawag sa FNC. Subalit tulad ng naunang tawag niya ay hindi niya nakausap si Lance. Inilatag niya ang sarili sa kama at pinag-isipang mabuti kung paano makakausap ito.
Nakatulugan na niya ang pag-iisip. Quarter to seven nang magising siya at nagmadaling pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nag-blower ng buhok upang matuyo agad. Binuksan ang maletang naroon pa rin sa ibabaw ng kama at namili ng isusuot. Isang haltered ocean blue gown na high-necked subalit halos kalahati ng likod ay bare showing soft and silky flesh.
Inayos niya ang buhok in f rench bun upang bumagsak din ang ilang masuwaying curl sa mukha niya. She finally decided na hayaan na lang. Put on some makeup at nag-spray ng Estee l auder’s White Linen sa likod ng tainga at mga pulso. Pagkatapos ay isinuot ang silver shoes na katerno ng evening bag at muling sinuri ang sariling reflection sa salamin.
“Who would have thought na ikaw ang dalagitang pinakasalan ni Lance Navarro three and a half years ago?” she smiled at herself. “Alam kaya ng mundo na may-asawa na si Lance Navarro at ikaw iyon? At makilala ka kaya ni Lance sa muli ninyong pagkikita?” dagdag niya na tila sasagot ang reflection niya sa salamin. “No. I don’t think so.” Umiling siya at dinampot ang bag na nasa kama at lumabas.
Hindi iilang mga mata ang nakatitig sa kanya sa loob ng elevator which she smiled demurely. Walang nag-iisip na Filipina siya kundi isa marahil turista. Pagbukas ng elevator ay nagulat pa siya nang mapuna si Luke sa harap.
“Papanhikin na talaga kita sa itaas,” wika nito na nasa mga mata ang paghanga at hinagod siya ng tingin. “Beautiful!”
She smiled. “Thank you.” Ikinawit ang braso dito. “Sa ballroom ng hotel. I feel like dancing.”
“As you wish, my Queen,” wika nito. “You’re stunning. People are staring at you...”
“Ikaw rin, Luke. You look good tonight.”
Inakay sila ng waiter sa bakanteng mesa. Um-order ng brandy si Luke para sa kanilang dalawa.
“You didn’t ask what I prefer,” banayad niyang akusa nang makaalis ang waiter. “I have no intention of getting myself drunk...”
“Ano ang inaalala mo?” nakangiting sagot nito na ginagap ang kamay niya. “Nasa itaas lang ang silid mo, `di ba?”
“I am worried about you,” dobleng pakahulugan niya na ginantihan ng mahinang tawa ng lalaki. Pagkatapos ay pumormal.
“You’re beautiful. Your eyes matched your gown,” wika nito na tinitigan siya.
“Do I really have blue eyes?” she asked smiling.
“Your eyes is the color of the snow na mangasul-ngasul dahil sa reflection mula sa mga bundok na nakapaligid...”
She laughed huskily. “Poetry in tagalog!”
“Be serious, Billie,” pormal pa ring wika ni Luke though his eyes are smiling. “I am paying you compliment...”
“I know,” nakatawa pa rin niyang sagot. Katatapos lang ng tango at humalili ang isang slow drag music. “Let’s dance, Luke.” n auna na siyang tumayo at sumunod ang lalaki at nakisabay sila sa ilang naroroon na pumagitna sa bulwagan.
Pero hindi instrumental ang tugtugin dahil nasa gitna na sila when the voice of Perry Como vibrated around the ballroom. And she stiffened in Luke’s arms pagkarinig sa lumang kanta.
He wore the rose tattoo
To prove his love was true
But hearts can lie so why deny
That roses fade and love can die
She’ll wave her whole life through
Like fools and dreamers do
She’ll go on caring and for one who’s wearing
The rose, the rose tattoo....
“What’s wrong?” nagtatakang yuko ng lalaki sa kanya when she faltered her steps.
“N-nothing. I… I happened to like the song. And if it was a girl who sung, then the lyrics might have suited me...” s he heard the song a couple of times noong nabubuhay pa si Luis. May mga tapes ang ama ng mga awiting luma na hindi niya maiwasang mapakinggan.
“Dahil Rose ang pangalan mo?” tukso ni Luke.
“And I have a tattoo...” dugtong niya na nagpangyari upang bahagya siyang ilayo ni Luke at titigan.
“You’re kidding.”
“I am not.” She smiled sa pagkakakunot ng noo ng lalaki.
He broke into a smile. “Where? Or should I guess?” pilyong wika nito sa pag-aakalang nagbibiro siya.
“Keep on guessing.” She smiled back at muling idinikit ang sarili sa binata at nagpatuloy sa pagsayaw upang muli ring mamangha. Her eyes flew to the tall, dark man who was holding a woman in his arms.
Ilang parehas mula sa kanila ay si Lance Navarro! He was dancing with a beautiful woman who was wearing an off-shouldered white gown. Bumagay ang virginal gown sa pagiging morena ng babae.
And it was that moment when Lance met her eyes. Gusto niyang iiwas ang paningin subalit hindi magawa. May tila paruparong naghahabulan sa sikmura niya. She was expecting him to recognize her pero hanggang sa inikot siya ni Luke ay nanatiling walang bakas na nakilala siya nito.
“L-lumabas tayo, Luke,’’ yakag niya rito na biglang pinanginigan ng mga tuhod. “It’s getting crowded here,” dahilan niya. Pagkatapos ay bahagyang lumingon.
Naroon pa rin ang mga mata ni Lance na nakasunod sa kanya. He was frowning a little this time.
Did he... did he recognize me? bulong niya sa sarili. Subalit siya na rin ang sumagot na hindi siya nakilala nito. She was so different from the teenager he married angrily three and a half years ago.
“Sure,” agad na sang-ayon ni Luke na hindi rin gusto ang maraming tao. Subalit pagkalabas nila ay nagyaya nang bumalik sa silid niya sa itaas si Billie. “Ano ang nangyari sa iyo?” naguluhang tanong ng lalaki sa iritadong tinig.
“I... I saw him at the ballroom...”
“Saw who? Your husband?” Tumango siya kasabay ng buntong-hininga. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi mo sinasabi sa akin kung sino ang pinakasalan mo, Billie. That could have been the chance to meet and talk to him...”
“Please, Luke, hindi ito ang tamang oras para kausapin si Lance. But I promise to see him tomorrow...” m ay pakiramdam siyang gustong manakit ng ulo niya.
“Lance. Iyan ba ang pangalan niya?” ulit ni Luke. “Hindi mo sinabi sa akin ang married name mo, Billie. Maaari ko bang malaman?”
Iniyakap niya sa katawan ang mga braso at umiwas ng tingin. May iilang tao sa lobby na nakatingin sa kanila at humakbang siya patungo sa elevator.
“I... I married a Navarro, Luke...” marahang wika niya habang lumalakad.
“Navarro,” wika nito na sumunod sa kanya. “Lance Navarro!” bulalas nito nang maiugnay ang pangalan. “You married Franco Navarro’s youngest son!”
Diniinan niya ang elevator at sumandal sa wall. “Does that shock you?” matabang niyang tanong.
“Of course, honey,” sagot nito na bigla ay may misteryosong ngiti ang sumilay sa mga labi. “At kung hindi ikaw ang nagsabi’y hindi ko paniniwalaan. Years ago, it was rumored that he got married at hindi ko akalaing totoo iyon at ikaw ang babaeng pinakasalan niya.”
Hindi siya sumagot at sa halip ay nagbuntong- hininga.
“Hindi basta-basta ang napangasawa mo, Billie. And why you wanted to annul your marriage with him beats me. But the most important is you could get a considerable sum of alimony at balewala sa mga Navarro iyon!”
She closed her eyes at isinandal ang ulo sa dingding. She was going to be sick kung magsasalita siya. Bumukas ang elevator at agad na pumasok si Billie, sumunod si Luke. Muling bumukas ang elevator sa floor niya.
“Honey, let’s talk about this annulment thing,” ani Luke nang binubuksan niya ang silid.
“Masakit ang ulo ko, Luke, please. We can talk tomorrow.”
Akma pa sanang magsasalita ang lalaki nang magbago ang isip. Hinayaang pumasok siya sa silid. Nakasara na ito pero nanatiling nakatayo roon si Luke with a smile on his lips.
HINUBAD niya ang sapatos at ibinagsak ang sarili sa kama. Hindi siya nakilala ni Lance. Ganoon ba kalaki ang changes niya sa nakalipas na tatlong taon at kalahati? But they had met years before their wedding at hindi rin siya nito nakilala bilang pinsan ni Nick. So it boils down na hindi interesado sa kanya si Lance. Ugly duckling or not.
She took a deep breath at naglaro sa isip ang anyo ni Lance. Ang lalaking pinakasalan niya at ang malimit makita sa mga magazine ay kakaiba sa nasulyapan niya ngayong gabi. The papers didn’t do him justice. Dark and handsome and dangerous. Charming yet cruel when crossed. Humalili sa isip niya ang babaeng kasayaw nito.
Morena. Honeyed-skin. Iyon ang type ni Lance Navarro. Minsan ay dinala siya ni Nick sa bahay ng isang Mrs. Anna Fortalejo, that was two months after her wedding. Sa pretext na dumadalaw lang ang binata sa matandang babae bilang kaibigan at nangumusta. But Nick showed her a life-size photo of Jewel Fortalejo katabi ang isang mestisang babae na nalaman niyang kapatid nito.
“She was my brother’s first frustration and heartache, Billie,” wika nito. Upang marahil ay bigyan ng justification ang ginawang pagtalikod ni Lance sa kanya.
“She’s beautiful!” bulalas niya at hinagod ng tingin ang life-size portrait ni Jewel.
“Oh, yes.” Nick smiled faintly at nilinga siya. Hinawakan sa baba at itinaas. “And so are you, my pet. You’re both beautiful in different ways...”
Umirap siya. “Don’t make fun of me, Nick. You know I am not.”
“Alam mo ba kung ano ang tawag ni Bernard sa kanya?” patuloy ni Nick na hindi pinansin ang sinabi niya. “Black diamond. She has long straight raven hair, mga matang kasingkulay ng gabi and a honey-colored skin,” patuloy nitong tinitigan ang dalagita. “Your exact opposite.”
Bumuntong-hininga siya. “I can understand his hatred for me, Nick...”
“Kilala ko ang kapatid ko, Billie. Sabay kaming lumaki at nagkaisip. And Lance didn’t hate you... not personally. He hated the circumstances na inilagay sa kanya ni Franco Navarro and you happened to be the pawn in Franco’s game. Idagdag pa ang katotohanang sariwa pa sa puso’t isip ni Lance si Jewel.
“And for whatever it is worth, you are not an ugly duckling tulad ng iniisip mo sa sariii mo.” s he raised her head and smiled at him tenderly. Nagpatuloy si Nick. “Have you seen your new filly at the ranch?”
“What about that?” nagtatakang tanong niya. “Did you find that filly beautiful?”
She wrinkled her nose. “No...”
“Precisely,” sang-ayon ni Nick. “You wouldn’t be able to appreciate the beauty of that filly until it grew into a beautiful stunning mare. Now do you know what I mean?”
Lumapad ang ngiti niya. “Thank you, Nick, for giving me so much confidence. But I’m sure I won’t be as exotic as that woman...” t iningala niya ang life-size portrait ni Jewel.
“Maraming uri ng mamahaling bato, Billie Rose,” he said gently.
“Diamond is the most expensive and black diamond is very rare if there was any,” natatawa niyang sagot.
“Perhaps,” muling sang-ayon ni Nick na titig na titig sa mga mata niya. “But there are colored diamonds, Billie, priceless than the whites since they are rare. And you are the bluish one, my darling...”
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Billie. Nick had always been there as her pillar of salt.
Bumuntong-hininga si Nick. Hindi kailangang idagdag na kasalanan ni Luis ang pagkakaroon ng inferiority complex ni Billie pagdating sa sariling anyo.
“Isa kang Montaño, Billie Rose. You have a soft and forgiving heart like my mother and a fighter like our grandfather.” h uminga nang malalim sa bahaging iyon si Nick. It saddened him na naging mahina si Luis Montaño dahil lamang sa pagkawala ng material na pag-aari. He smiled faintly at nagpatuloy: “You have the combination of your mother’s beauty and the Montaño’s, I want you to put that in your head.” m asuyo nitong ginulo ang buhok niya. “Learn to appreciate yourself, pet.”
“I love you, Nick...” i nihilig niya ang ulo sa dibdib ng pinsan.