Chapter Nine
M AAGA pa kinabukasan ay nasa FNC na si Billie. Wala sana siya roon kung nakausap niya si Lance sa bahay ng mga Navarro kagabi. Subalit ayon sa mga maids ay hindi roon umuuwi ang lalaki kundi sa bahay nito. Nang hingin niya ang phone number ay hindi ibinigay ng mga katulong.
“Good morning,” bati niya sa receptionist, using her a merican accent. “Where can I find Mr. Lance Navarro’s office...”
Nagkatinginan ang receptionist at ang telephone operator. Ganoon din ang ilang bisitang naroon sa reception na marahil ay may hinihintay na executive.
“I’m afraid Mr. Navarro hasn’t arrived yet, Miss,” magalang na sagot ng receptionist. “He’s usually in at ten. And you’re thirty minutes early.”
“But I saw his carat the parking area,” giit niya. Hindi niya kilala ang kotse ni Lance pero may nakaparadang Alfa Romeo sa parking space na may pangalan nito. One of the most expensive luxury cars.
Nagkatinginan ang dalawang babae. Ang receptionist ay dumayal at ilang sandali pa ay may kausap.
“Dulce, ang aga-agang may naghahanap sa boss mo rito sa ibaba. Papapanhikin ko ba?” wika nito na pasulyap-sulyap sa kanya. “As usual, babae, ano pa ba? Brunette ang isang ito, `day.” h ininaan nito ang huling sinabi bagaman nakatitiyak sa sariling hindi nakakaintindi ng t agalog si Billie. “Okay,” ibinaba nito ang telephone-intercom.
“Do you have an appointment, Miss?” baling nito sa kanya.
Umiling siya. “N-no. But I’m sure Lance will see me...” alanganing sagot niya. Hindi matiyak kung kakausapin nga siya nito kung ang pagbabasehan ay ang galit nito sa pagpapakasal sa kanya at ang hindi nito pagsagot sa dalawang sulat na ipinadala.
Sukat doon ay sabay na makahulugang ngumiti ang dalawang babae. “I am very sorry, Miss, but Mr. Navarro won’t see you unless you have an appointment with him today. He’s kinda busy and his meeting with the staff will start ten minutes from now.”
Itinuwid ni Billie ang sarili at natitiyak niyang sa determinasyong nasa mukha ng receptionist ay hindi siya papayagang makapanhik man lang. Sinikap niyang pigilin ang inis at itinaas ang mukha.
“I don’t think I need an appointment to see my husband, Miss. Dial his secretary and tell her that Mrs. Billie Navarro would like to see her boss!”
Sabay na napasinghap ang dalawang babae at bago pa naintindihan ni Billie ang nangyari ay kumislap ang isang camera sa mukha niya na sinundan ng isa pa. Ang receptionist ay nagmamadaling muling dumayal sa itaas habang mabilis na nakapaikot kay Billie ang dalawang reporter.
“Dulce, makinig kang mabuti,” ang receptionist na patingin-tingin kay Billie na iniiwas ang mukha sa mga camera. “Ang brunette na narito sa ibaba’y sinasabing asawa siya ni Mr. Navarro... yes!” Ilang sandaling naghintay sa interphone ang receptionist.
Si Billie ay inulan ng tanong ng mga reporters.
“Excuse me, Miss... what did you say your name is?” ang isang lalaki na kanina ay alam niyang nakaupo sa mahabang sofa para sa bisita. “And did you say you are Mrs. Lance Navarro...?” Itinaas nitong muli ang camera at kinunan siya ng larawan na biglang nagpalito sa kanya.
“Oh, please...”
“It was rumored three years ago that Lance Navarro secretly married a daughter of a family friend. Is it true?” tanong naman ng isang kasama nito.
“Miss...” ang receptionist, hawak ang telepono bagaman tinatakpan ng kamay ang mouthpiece. “Mr. Navarro wants to know your full name...”
Inis na humakbang palapit si Billie at kinuha ang telepono sa nabiglang babae. “Hello...”
“Hello,” the deep and husky voice mula sa kabilang linya.
“L-Lance...” s unod-sunod ang kabang bumangon sa dibdib niya kasabay ng pagkalito sa mga kislapan ng camera at tanong ng mga reporters. “... it’s... it’s Billie...” she answered worriedly.
She was expecting Lance to hang up dahil mahabang sandali ang namagitang katahimikan. At baka hindi siya gustong kausapin nito.
“Give the phone to the guard,” utos nito makalipas ang mahabang sandali. She sighed her relief at sinulyapan ang guwardiya at ibinigay ang telepono. Mabilis itong lumapit.
“Yes, s ir... right away, s ir...” i binalik nito ang telepono sa nakatangang receptionist. “This way, please, Mrs. Navarro...” s inenyasan nito ang isang security guard upang awatin ang dalawang lalaki sa tangkang pagsunod.
Nakahinga nang maluwag si Billie nang sumara ang elevator. Isinandal ang ulo sa elevator wall at pumikit. Hindi niya alam kung alin ang higit na nakabigla sa kanya, ang dalawang reporter o ang tinig ni Lance Navarro?
Bago pa niya masagot ang sarili ay muling bumukas ang lift at iginiya siya palabas ng security guard. Isang silid ang binuksan nito. Nakatayo na ang sekretarya na tila inaabangan sila. Nasa mukha nito ang matinding pagkamangha.
“Please have a seat, Mrs. Navarro.” i tinuro nito ang settee sa malapit. “May kausap lang si s ir sa kabilang linya.”
“Thank you,” aniya sa security guard na umalis na rin. Hindi pa siya nakakahakbang nang tumunog ang intercom. Narinig niya mula roon ang tinig ni Lance.
“Send my wife in, Dulce...”
“Yes, s ir...” t umingala ito sa kanya. “Pumasok na ho kayo, m a’am...”
“Send my wife in...”
“Mrs. Navarro?” ulit ng sekretarya nang makitang natitigilan siya sa pagkakatitig sa intercom.
She took a deep calming breath bago humakbang patungo sa pinto. Gustong ayusin ang sarili pero hindi magawa dahil sinusundan siya ng tingin ng sekretarya. She took time choosing the right dress for this meeting. Pero hindi niya gustong isipin ni Lance na nagpapaganda siya para dito. Isa pa ay ano ang magiging silbi niyon, so she settled for a tight original blue jeans and white tank top and high heeled boots. Little did she know that she looked much younger, beautiful and sexy, with her dark brown hair hanging down on her shoulders.
Binuksan ni Dulce ang pinto at pinapasok siya. Nakita niya si Lance na nakaupo sa may gilid ng mesa. The same Lance she saw last night at the ballroom. Older and handsomer. Hindi na ang dating masayahing debonair before the accident and marriage took place. His face showed the classic example of a cynic look.
“Hold all my calls, Dulce,” pahabol ni Lance sa sekretarya bago kinabig ng empleyado pasara ang pinto.
“H-hello...” bati niya.
Huminto siya sa paglakad upang kalmahin ang sarili. Nanunuot sa mga buto niya ang titig ni Lance. Nanginginig ang mga tuhod niya, kung bakit hindi niya alam. Kahapon pa niya napagpasyahan na hindi kailangang matakot siya rito. But facing him now after the years made her knees weak.
And if he was attractive then, he was even more today in semiformal attire. Light blue long sleeves na nakapailalim sa itim na slacks and black leather shoes.
But just the same, she didn’t like tall, dark and sinfully handsome men. He was still wearing his hair long and though she didn’t like men with long hair, she couldn’t help but admire the way he carried it carelessly.
“This is quite a surprise, Billie. Kailan ka dumating?” he said huskily. A smile broke into Lance’s face that she was momentarily stunned. Sa iilang pagkakataong nagkasama at nagkatagpo sila ay wala siyang natatandaang ngumiti ito.
She cleared her thought. She couldn’t be deceived by his smile. She knew how ruthless and dangerous he could be. At hindi siya interesado kay Lance physically no matter how gorgeously attractive he might be. Nandito siya for a reason at kailangang matapos iyon and the sooner the better.
“Kahapon lang ng umaga...”
“I see.” t umango-tango si Lance at umiba ng puwesto. “Don’t you know that I postponed my scheduled meeting today because my wife came unannounced?” wika nito na patuloy sa pagsuri sa kanya.
“I... I called twice yesterday but I c-couldn’t get through...”
“I presumed hindi mo ipinakilala ang sarili mo bilang Mrs. Navarro?” Tumaas ang kilay nito and twisted his lips in amusement. “But you did today, why?”
She shrugged her shoulders. “They’ll never let me get through either kung hindi ko sinabi iyon. I’m sorry...” mabilis niyang idinagdag ang huling sinabi. “There were photographers downstairs at... at... narinig nilang—”
Nakita niya ang biglang pagbabago ng mukha nito. His eyes darkened in controlled anger. Bahagya siyang kinabahan. May alaalang nagbabalik sa anyong iyon ni Lance.
“Please,” aniya. “How would I know that there were photographers in the building,” nasa isip na dahil nalaman ng mga photographer na may-asawa si Lance kaya ito nagagalit. “I have no intention of coming here. And I tried calling you up last night but—”
“Forget those damned press!” pagalit nitong agap sa sinasabi niya. Pagkatapos ay muli ring nagbaba ng tono. “So it was you at the ballroom.” It was more of a confirmation than a question.
Nanlaki ang mga mata ni Billie, “Y-you recognized me!”
“No.” u miling si Lance. “Your face bothered me pero hindi ko inisip na ikaw iyon.”
Nanalim ang mga mata niya sa tila ipinahihiwatig nito. Biglang nawala ang kaba. “You couldn’t believe that the ugly duckling turned out to be a swan?”
“Though you’ve changed a lot.” m uling humagod ang tingin ni Lance sa kabuuan niya. “.... I didn’t mean to insult you,” pagtutuwid nito. “Walang nagsabi sa akin na narito ka sa Pilipinas. I thought about it moments ago when my secretary informed me that there’s a lovely brunette down at the reception claiming to be my wife...” m uling nagbalik ang amusement sa mukha nito, he gave her a devastating smile that weakened her knees. “You shocked them all, sweetheart.”
Nakalilito sa kanya ang pabago-bago nito ng moods. “It... will be on the papers tomorrow. I... I can retract what I said and you can deny it. Sasabihin kong sinabi ko lang iyon para paakyatin ako ng mga empleyado mo...”
“Why should I deny the truth?” wika nito sa pagkamangha niya. “Hindi iilang tao ang nagtanong sa akin niyan sa nakalipas na mga taon and I have been very honest to inform them that I am very much married though I doubt if they believed me since I hate giving details...”
“I don’t understand,” nalilitong sagot niya. “Why should you not—”
“Forgive my manners.” h indi nito pinansin ang sinabi niya. “Meeting you today really took me by surprise.” t umayo ito mula sa mesa at itinuro ang sofa. “Have a seat...”
“I won’t take long of your time,” mabilis niyang sinabi. “D-did you receive my letters?”
Banayad na nagtaas ng mga balikat si Lance. “Yes, I did.”
“You could have spared a little of your time contacting me.” h er voice raised a fraction sa iritasyon. Natanggap naman pala pero hindi nag-abalang tawagan siya. “You could have saved us a lot of trouble...”
Hinagod siya ng tingin ni Lance. May amusement na nakatago sa likod ng mga mata nito.
“On the contrary, Billie Rose, a visiting wife doesn’t trouble me.”
Hindi maintindihan ni Billie kung ano ang dapat na maramdaman. Hindi ito ang Lance na inaasahan niyang makaharap. She was expecting a still angry man and it surprised her na balewala rito ang malaman nang marami mag-asawa sila.
At naiilang siya sa pakikiharap nito. She cleared her throat. “Gusto kitang makausap but I know you’re busy. Maybe we can schedule a meeting, kung kailan ang convenient time mo. There’s only one thing that I’d like to request...”
“Name it.”
“Call Nick’s house at sabihin mo sa mga katulong na kilala mo ako para papasukin nila.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Lance sa sinabi niya. “Where are you staying?”
“S-sa Manila Penn...”
“With that mestisong hilaw you were with last night?”
Hindi agad nakasagot si Billie. Muling bumalik ang animosity sa mukha ni Lance. Lumalim na nang husto ang pagkalito niya.
“N-no... but I arrived with him. He—he was a... a friend...”
“I see,” he said drily.
“Will you inform the maids?”
“No.”
Muling nanlaki ang mga mata niya sa monosyllabic nitong sagot. “But—”
“You will move to my house today.”
“To your house!” she exclaimed.
Muli ang pagtaas ng sulok ng bibig ni Lance. “Ano ang nakakagulat doon? You are my wife and you’ve just announced it to the world. And expect my parents to cutoff their holiday as soon as they heard you’re here. What would they say kung dumating silang nasa bahay ka ni Nick?”
“But—”
“C’mon, Billie Rose, you’ve done enough damage between me and Franco Navarro,” patuloy nito, ignoring her protest. “Mag-checkout ka and don’t worry about the bills, I’ll call Manila Penn on your way there.”
“Wait a minute!” naiirita niyang asik dito. “Hindi ako nagpunta rito para anyayahang sa bahay mo tumira, Mr. Navarro. Available ang bahay ni Nick at ubod ng laki. Surely I will be comfortable there kung tatawagan mo ang mga maids. And about my hotel bills, I can afford to pay it, thank you!”
“Just the same, with my money,” kaswal nitong sinabi.
“Damn you, Lance Navarro, I have my own money. I worked for it. I am a professional photographer and a horse trainer at the same time!” Bahagya lang ang pagkabigla sa mukha ni Lance. Kung tutuusin ay halos hindi naman niya nakita. He was too contained to show emotions.
Ilang segundo ang lumipas bago muling ngumiti si Lance. “Well, I’m impressed and glad to hear that my wife is a resourceful woman. After all, the Navarro’s are hardworking people, that includes my mother who used to work in the ranch.”
“You’re impossible, Lance Navarro!”
“Everybody seemed to think so,” bale-walang sagot nito. “Come now, sweetheart. We’ll talk tonight. Aside from the scheduled meeting that I postponed this morning, may biglaang appointment akong hindi matanggihan. It came habang pumapanhik ka dito sa itaas.”
She was speechless. He was treating her like a child na nakakaabala. And when he had decided what to do with her, terminated the meeting immediately.
Be reasonable, Billie, he’s a busy man since Franco Navarro is out of town, ang isip niya. At kung sakali mang gusto ni Lance na sa bahay niya ikaw tumira ay dahil may mga nakakaalam nang mag-asawa kayo. He was protecting himself from rumors and scandal should people know na magkahiwalay kayo ng bahay.
“All right,” she finally conceded. “We’ll talk tonight.”
Pinindot nito ang intercom at tinawagan ang matandang sekretarya ni Franco Navarro. “Dolly, be a darling and do me a favor, please...” i sang mahinang tawa ang pinakawalan ni Lance at sinulyapan siya. “My wife is here... yes. Don’t be so shocked darling. Take her to my house, please...” Ini-off na nito ang intercom.
“I’ll wait outside,” aniya at tumalikod upang buksan ang pinto.
“Billie Rose Navarro.”
Napalingon siya. Humakbang palapit si Lance at sa kauna-unahang pagkakataon ay naalala niya ang binti nito.
“You can use your left leg again...!” marahang bulalas niya bago muling ibinalik ang tingin sa mukha nito na nasa harap na niya.
“What do you expect? It’s been more than three years,” sagot nito. Napaatras si Billie sa may pinto. Kay lapit-lapit ng lalaki and she could feel his breathing on her face.
“W-what do you want?” Sunod-sunod ang pagdamba ng kaba sa dibdib niya. He was too close for comfort.
“I didn’t get to kiss my bride,” he said huskily at bago pa makakilos si Billie ay yumuko si Lance and claimed her mouth. The kind of kiss that temporarily suspended all her thoughts, except the soft, firm and sensual mouth that was kissing her.
Hindi siya hinahawakan ni Lance. Ang mga kamay nito ay nakatukod sa pintuan, just above her shoulders. But his lips imprisoned her in what she called a shattering kiss. At kung wala ang pinto na kinasasandalan niya ay dumaloy na siya sa carpet na tila tubig.
Kung gaano katagal ang halik ay hindi niya alam. Confused, she stared at the dark unreadable eyes na nakatunghay sa kanya.
“See you tonight, my American Rose.” Binuksan nito ang pinto at lumabas si Billie, hating herself for acting like a love-crazed teenager. Pero hindi niya maapuhap ang isip para sa tamang sasabihin.
Sa labas ay may babaeng dumating na bumati sa sekretarya at pagkatapos ay tinitigan siya at alanganing nginitian. Bahagya lang siyang tumango at naupo sa sofa at hinintay si Dolly. Sinundan niya ng tingin ang babae na pumasok sa silid ni Lance na kung hindi siya nagkakamali ay si Jennifer Navarro.
She saw her picture at Nick’s apartment years ago. She’s older pero kamukha pa rin nito ang teenager na napapagitnaan ng magkakapatid na Navarro.