Chapter Eleven
N ATUON ang tingin ni Lance sa iilang freckles na nakakalat sa bridge ng ilong ni Billie and found himself fascinated by it. Itinaas niya ang kamay at banayad na hinaplos iyon.
Gumalaw si Billie, mabilis na inalis ni Lance ang kamay. “Hmm…” naalimpungatang nagmulat ng mga mata. “L-Lance...” she murmured huskily.
“Sorry,” he whispered. “I got tied up...”
“With a woman?” she sleepily teased, also whispering. A faint smile curved her lips. And Lance was stunned by himself for wanting to bend and kiss her soft mouth.
All his life, there were only two instances that he felt a sudden urge to kiss a woman. Ang tanging kaibahan, he’d really kissed Jewel then. Habang gabundok ang pagpipigil nitong huwag gawin iyon ngayon kay Billie. Which is really strange dahil nasa kanya ang lahat ng karapatang hagkan ito. She was his wife.
He cleared his throat at nagpaliwanag nang wala sa loob. “Hindi ko sinasadyang makatagpo sa club si Jewel at Bernard...”
Jewel.
Tuluyang nagising si Billie. “Oh, that’s okay. I know what you feel for her...”
Nagsalubong ang mga kilay ni Lance. “Sino ang nagsabi sa iyo niyan?”
“Sshh... y ou’ll wake her,” aniya at niyuko ang bata bago muling tumingala. “And wasn’t your feelings for her a common knowledge?” dagdag niya bilang sagot sa tanong nito.
Hindi sinagot ni Lance iyon. Sa halip ay sinulyapan ang pamangkin and gently touched her hair. “Bakit nandito ang brat na ito? Mabuti at hindi nangilala?”
She smiled. “I like children. And Zandro and Jenny were here this evening and—”
“Never mind,” awat nito sa sasabihin niya. “Knowing my sister’s curiosity, hindi ako magtataka. I’ll assume then that I am forgiven for not making it to dinner since they occupied your time anyway.” t umayo ito at humakbang patungo sa pinto. “Go back to sleep, Billie.”
TANGHALI na nang magising si Billie kinabukasan. Wala na rin ang bata sa tabi niya. Kinuha na marahil ng yaya nito. She took time in the shower at ganoon din sa pagbibihis. Lance must be still sleeping.
Wala sa dining room si Lance subalit natuon ang pansin sa labas nang marinig ang splash ng tubig. Her eyes went through the glass wall at mula roon ay nakita si Lance na lumalangoy sa pool. Humakbang siya patungo roon and watched him doing the butterfly strokes. Muscles bunched and stretched. Pabalik na si Lance nang makita siyang nakatayo sa gilid ng pool.
“G-good morning...” t ipid siyang ngumiti nang umahon ito and noticed the sudden leap of her heart at the sight of him.
He stood at the pool edge, dark and shimmering mula sa pinagsamang tubig at sinag ng pang-umagang araw. Almost naked in his bikini trunks. Humakbang ito patungo sa kanya habang tumutulo ang tubig sa matipunong katawan nito. His arms and legs were long and powerful beneath the wet skin. Naipon sa likod ang mahabang buhok and water dripping from his hair down to his chest and to his groin like diamonds.
Franco Navarro must have looked like him during his younger days except that Franco was fair at marahil ay kay Beatriz nakuha ni Lance ang pagiging dark.
“Good morning yourself,” ani Lance na ngumiti, flashing perfect set of white teeth. “Want to swim?” Hinagod ng tingin ang suot niya, in white walking shorts and white cotton blouse.
“No, thank you,” sinabayan niya iyon ng linga sa paligid. “Where are they?” Ang tinutukoy niya ay ang bata at ang yaya nito.
“Kinuha na ng mag-asawa maaga pa lang at hindi kita gustong ipagising though Jenny wanted to say thank you,” sagot nito at inabot ang tuwalya at nagpunas ng basang katawan. “Be wifely, Billie, and pour us coffee,” he said smiling.
“Of course,” aniya at lumapit sa mesa at nagsalin ng kape sa dalawang tasa. “I really need to talk to you, Lance...” t umingin siya rito nang lumapit ito sa mesa at umupo.
“What about?” Dinampot nito ang kape at dinala sa bibig.
“H–hindi ko dinala ang mga gamit ko rito. Wala akong intensiyong dito tumira sa—”
Biglang naibaba ni Lance sa platito ang kape at bahagyang natapon. “Ano ang ibig mong sabihin?”
Bigla siyang nailang sa anyo nito. “Will you stop snapping at me, Lawrence Navarro?” angil niya. “You make me feel nervous. Hindi naman ako ganito sa ibang tao. It must have been the traumatic experience I had with you!”
“Hell!” ani Lance na sinuklay ng mga daliri ang basang buhok. The words hit home at agad na bumangon ang guilt. “Very well. Ano ang ibig mong sabihing hindi mo dala ang mga gamit mo? Didn’t you check out of the hotel?”
“I did. Pero nagpahatid ako sa driver sa bahay ni Nick. Kilala ng driver mo ang mga maid doon. I only slept here last night because I promised to be here at dahil gusto kitang makausap. Pero wala akong intensiyong manatili rito. Pagkatapos nating mag-usap ay aalis na ako,” tuloy-tuloy niyang sinabi. Hindi pinansin ang paglabas ng matalim na paghinga ng kaharap.
“You don’t know what you’re doing,” ani Lance. Dinampot ang peryodiko sa ibabaw ng mesa at binuklat sa society page. “Come here and see this.” h inawakan siya nito sa braso at ipinakita ang mga larawan.
Pilit niyang hindi binigyang pansin ang brasong nakahawak sa kanya at ang init na inilalabas ng hubad nitong katawan at itinuon ang mga mata sa peryodiko.
Lance Navarro’s mysterious wife known. A beautiful brunette introduced herself to the shock faces of FNC employees as Mrs. Lance Navarro. It is recalled that the most sought after jet-setter, youngest son of business tycoon Franco Navarro, was rumored to have secretly married the daughter of a family friend barely three months after his accident in Houston more than three years ago. Though the gorgeous jet-setter did not deny rumors about his marriage, his mysterious wife was never known until…
Hindi niya tinapos ang pagbabasa at nagbuntong-hiningang tumingala rito. “I... I am sorry, Lance. I don’t know how the news would affect you but—”
“Hindi ang sarili ko ang iniintindi ko, Billie,” mariing wika nito. “Tulad nga ng sinabi ko sa iyo, hindi ko kailanman itinangging nagpakasal ako and the news will not do me any harm. I am more concerned about you.” b inigyan nito ng emphasis ang huling sinabi.
“Concerned about me!” bulalas niya, in an honest surprise. At sa kabila ng kalituhan ay hindi niya maiwasang hindi haluan ng sarcasm ang tono. “My ass!” At lalong hindi niya napigil ang huling sinabi.
“You have a foul mouth, sweetheart.” h indi malaman ni Lance kung maiinis o matatawa.
“Look who’s talking,” ganting asik niya. Ang tinutukoy ay ang masasamang salitang lumabas sa bibig nito noong nag-usap sila sa verandah sa villa sa Sto. Cristo.
Impatiently, muli siya nitong hinawakan sa braso. “Halika, at may ipakikita ako sa iyo.” m ula sa makakapal na halamang tumatakip sa swimming pool at back garden ay hinila siya nito patungo sa may gate.
“Ano ba! Bitiw—” h indi niya natapos ang sasabihin. Napahugot siya ng paghinga nang mula sa siwang ng mga steel bars ay may mga camerang nagkislapan mula sa tatlong reporters na nasa labas ng steel gate.
“Mr. Navarro, maaari ka bang ma-interview?” sigaw ng isa. “Is that brunette really your wife?”
“Ano ang pangalan ng wife mo, Lance?”
“Saan mo siya itinago sa nakalipas na tatlong taong mahigit? Ano ang sasabihin ni Charry de Luna? She revealed to us that you will soon tie the knot! Is it possible?”
Niyuko ni Lance ang asawang nanlalaki ang mga mata. “Nakita mo na ang ibig kong sabihin?”
Ganoon na lang ang sindak at pagkalito niya. Ngayon natiyak nang husto na hindi niya kayang pakiharapan ang mga taga-press.
“L-let’s go back inside...” m abilis siyang tumalikod at muntik nang matalisod sa pagmamadali kung hindi siya naagapang hawakan ni Lance sa baywang.
“How can you cope with them, my American Rose?” he mocked at inakay siya pabalik. “They’re bloodthirsty and will hound you to death. Hindi ko kailangang sabihin sa iyong sa harap ng bahay ni Nick ay may nakaabang doon. I’m glad na walang nakakaalam sa numero ng telepono ko dito sa bahay except my immediate families. Though I’ve turned my CP off dahil maaga pa lang ay nasusunog na ang linya.”
Sa loob ng bahay ay naguguluhang umupo sa sofa si Billie. Tama si Lance, hindi niya kayang pakibagayan ang mga reporter na iyon. Hindi siya sanay doon at hindi kailanman masasanay.
“Then we must talk now, Lance.” s he raised weary face to him. “At pagkatapos ay babalik na ako ng Colorado.”
Nagsasalubong ang mga kilay na niyuko siya nito. Nang matuon ang pansin sa mga kamay niya. “Nasaan ang wedding ring mo?”
Hindi inaasahan ni Billie ang tanong na iyon. She stared at her bare finger stupidly. Pagkatapos ay tumingala sa malaking lalaking halos hubad sa harap niya.
“B-binigay ko sa... sa... pulubi... noong araw na ihatid ako ni Alvaro,” marahang sagot niya.
“Binigay mo sa—” ani Lance and stopped in mid-sentence at pagkatapos ay humagalpak ng tawa sa pagkamangha niya. His white teeth shone in a disarmingly devilish laugh.
She stared at the dark gorgeous man who was her legal husband. He was so different when he smiled and laughed. It made him less intimidating.
He was still laughing nang yumuko ito at hawakan siya sa magkabilang balikat at itayo. She shivered at the warmth of his naked body next to hers. And she gasped softly when his arms went around her.
“Maglalagay ako ng karatula sa labas ng bahay, Billie Rose Navarro, na bawal ang pulubi, or else you’ll render us bankrupt in no time at all,” he teased, still smiling. His warm breath fanning her cheek. At hindi niya maintindihan kung saan galing ang sensasyong kumalat sa katawan niya na tila kamandag.
“I hated what it stands for,” she said hotly upang pagtakpan ang kakaibang damdaming dulot ng asawa.
Binitiwan siya ni Lance. “Really?” wika nito sa nagsasalubong na mga kilay. “Hindi ba dapat na ako ang magsabi niyan? Kung natatandaan mo’y sinabi ko sa iyong mag-back out ka sa kasal natin. But you wanted my name and my money!”
She sighed. He was angry again, though controlled this time. But she’d rather want him in that mood than the unfamiliar feelings he was affecting her when he is amiable and in teasing mood.
“Sinabi ko lang iyon to save my pride,” aniya sa normal na tono. “You hated me na para bang isa akong kasuklam-suklam na bagay. You made me feel like a whore dahil lang sa nakita mo kami ni Quinn. You were so judgmental.” n aroon ang banayad na akusasyon.
“Dahil iyon ang totoo!” baling ni Lance sa kanya. His eyes in slits sa pagkabanggit niya sa pangalan ni Quinn. “I saw you with my own eyes, Billie. That bastard fondling you at isiping napakabata mo pa noon... not that I care.” i dinagdag nito ang huling sinabi sa matabang na tono.
“Nothing happened, damn you!” ganting asik niya. Tuluyang nawala ang kalma. “I wasn’t that promiscuous as you wanted yourself to believe. At hindi ko alam na nagagalit siya sa iyo, ginamit niya ako upang gantihan ka sa pag-aakalang magkamag-anak tayo!”
“But you can’t deny that you married me to save your ranch!”
“Yes!” she hissed. “My own father used me too, to get back the ranch.”
A muscle in his face jerked sa huling sinabi niya. Tinitigan nito si Billie.
“I didn’t want to marry you, Lance Navarro, just as you didn’t want to marry me.” Hindi niya gustong palawakin ang sinabi nang makita ang tanong sa mga mata ni Lance. Itinaas ang mukha. “We both benefitted from that marriage, Lance, aminin mo man o hindi. My father’s ranch and your inheritance. We both accomplished the purpose for that marriage, now I want out!”
Lumalim ang gatla sa noo ni Lance sa pagkakatitig sa kanya. Nagpatuloy si Billie.
“I want an annulment. Iyon ang dahilan kung bakit narito ako. You read it in my last letter. At alam kong sasang-ayon ka dahil alam ko kung gaano mo kinasuklaman ang nangyaring kasal... taglay ko ang patunay niyon.” s he added the last sentence bitterly. He seemed to wince. Pero sandali lang iyon, marahan itong humakbang palapit sa kanya.
“Ano ang rason? Alimony?” He gave her a furious glance.
She gritted her teeth. Ang tingin talaga sa kanya ng lalaking ito ay mukhang pera.
“I want nothing from you, Lawrence Navarro! You can keep your damn money. Give me back my freedom quietly, as a matter of fact, my own life. I am entitled to marry someone of my choice, too!”
Why it jolted him, he couldn’t understand. She wanted freedom. She wanted annulment to marry the man of her choice.
Dammit, but he never even thought about it himself sa kabila ng sirkumstansiya ng pagpapakasal nila.
“Hindi na siguro kailangang hulaan kung kanino mo gustong magpakasal uli?” he snarled. “It was very obvious...”
“That is none of your business! Sa narinig kong isinigaw ng reporter kanina’y nakatakda ka ring pakasal sa... sa...” h indi niya matandaan ang pangalang isinigaw. “Ayusin mo ang annulment natin at tinitiyak ko sa iyo, you’ll never hear from me again.”
Halos bumaon sa kanya ang mga mata ni Lance. Ni hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito. His face unreadable. The dark eyes now calmly gazing at her. He stood there tall, dark and broad-shouldered. And she had to endure watching the well-sculpted body, shimmering under the morning sun rays, and let him make her feel uncomfortable.
“Very well,” wika nito makalipas ang mahabang sandali. “I’ll set you free provided you give me back the money my father gave you for the ranch, Billie,” wika nito makalipas ang ilang sandali.
“W-what?”