noveltoon logo noveltoon
Rose Tattoo (Kristine Series 12)

Chapter 23

Ch. 24 / 25 Apr 09, 2022

Chapter Twenty-three

“B AKIT hindi mo kasama ang asawa mo, hijo?” Si Beatriz na kausap ang anak sa telepono. “Gusto kong makita si Billie. Nangako kang isasama mo siya sa pagluwas mo.”

“Hindi mabuti para kay Billie ang bumiyahe, `Ma,” sagot niya makaraan ang ilang sandaling pag-iisip. “Nasa first month na siya ng last trimester niya. Hindi nga sana ako luluwas kung hindi lang iniradyo ng p apa na gusto ni Nick na ayusin ko ang problema sa Gascon Enterprises.” a ng tinutukoy niya ay ang kompanyang bagaman pag-aari ni Nick ay na kay Bernard Fortalejo na ang controlling share.

“Sasama ako sa iyo pauwi ng Sto. Cristo, hijo,” giit ni Beatriz. “Aba’y nami-miss ko na ang mga apo ko sa villa bukod pa sa gusto kong makita’t makausap ang asawa mo...”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Lance at napilitang sumang-ayon. Nang hapong iyon ay dumating si Beatriz sa opisina. Labag man sa loob ay hindi niya magawang magsalita nang malamang kasama si Franco na uuwi sa Sto. Cristo.

SI BILLIE ay napatingala sa ere. Sa siwang ng makapal na mga puno ay natanaw at naririnig niya ang chopper sa himpapawid. That must be her husband. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya at binilisan ang pagpapatakbo sa minamanehong pickup patungo sa villa. Pitong buwan na ang tiyan niya at hindi na niya kayang mangabayo maliban pa sa hindi papayag si Lance.

Sa loob ng dalawang buwan ay hindi umalis ng Sto. Cristo si Lance maliban nitong nakaraang dalawang araw kung saan si Franco mismo ang nagpatawag. At wala siyang pagsidlan sa tuwa. Lalong wala siyang masasabi sa pakikitungo nito sa kanya bagaman paminsan-minsan ay nakikita niya itong nakatingin sa malayo. Maraming alalahanin ang pumapasok sa isip niya tuwing nakikita niyang ganoon ang asawa. Subalit hindi niya gustong lagyan ng lambong ang pagbabago ng pakikitungo nito. She loved him so much na handa siyang makibagay rito.

Pagdating niya sa villa ay naroon na ang chopper. Nagmamadali siyang bumaba at pumasok sa loob. Papanhik na siya sa itaas nang mapunang nakabukas nang bahagya ang library at mamataan si Franco. Muling bumaba at lumakad patungo sa library.

“Papa...”

“Billie, hija,” nakangiting bati ni Franco. Mabilis na lumapit si Billie at yumakap sa biyenan. “How have you been?”

“I’m fine,” nakangiting sagot niya. “Ang m ama?”

“Nasa itaas at kalaro marahil ng dalawang bata. Patungo kaming talaga sa kabila upang dalawin ka.” Inakbayan siya nito at dinala sa may bintana. “I was really worried about you, hija. Natakot akong totoong baka malaman ni Lance ang tungkol sa—” h indi nito natapos ang sasabihin dahil bumukas nang maluwang ang pinto.

“Ano ang ikinatatakot mong malaman ko, Papa?”

Sabay na napalingon ang dalawa. Biglang tila may sumuntok sa dibdib ni Billie sa galit na nasa mukha ng asawa. Though his voice as deceptively soft and calm, she knew Lance was at his most dangerous. Tulad ng isang mabining hangin bago ang pagdating ng bagyo. Sandali siyang nalito at kinabahan.

“Oh, nothing, Lance,” kalmanteng sagot ni Franco. “Alam kong may kasalanan ako sa iyo, hijo, at totoong natakot akong—”

“Have you really no decency at all?” he said furiously. “Hanggang dito ba naman? Inilayo ko na si Billie sa iyo. I have learned to forgive you both at ipinangako ko sa sarili kong magsisimula kaming mamuhay tulad sa isang tunay na mag-asawa.”

b agaman naguguluhan sa mga sinasabi ay nilapitan ni Billie ang asawa at hinawakan sa braso. “Then there’s no need to be angry, Lance. Patawarin mo ang p apa at—”

“At ikaw?” Namumula ang mukha nito sa galit. “Wala ka na ba talagang kahihiyan at pagsasaalang-alang sa m ama? Nariyan lang sa itaas ang m ama at anumang sandali ay maaari niyang makita kayo ng p apa. Hindi ko kayo patatawaring pareho kung may mangyaring masama sa m ama dahil sa inyo!”

“A-ano ba ang sinasabi mo?” naguguluhang tingala niya sa asawa.

“Let’s stop playing fools, Billie. Pinilit kong kalimutan ang tungkol sa relasyon mo sa sarili kong ama and gave you the benefit of the doubt and another chance. But I’d rather kill you than hurt my own mother!”

Nanlaki ang mga mata niya as the words registered. “P-pinag—pinaghihinalaan mong may r-relasyon kami ng...” h indi niya masabi-sabi nang deretso ang mga salita, nilingon niya si Franco sa hindi makapaniwalang tinig. “...ng p apa?”

“Shut up!” wika nito sa nagpipigil na tinig. Hinawakan sa braso ang asawa. “Let’s get out of this house bago pa bumaba ang m ama. Many crimes had been committed for less and killing you now for having an affair with my father is justice! At sa mismong pamamahay ng mama!”

“Lawrence!” Si Franco na hindi makapaniwalang umabot sa ganoon ang kaisipan ng anak. “Bago ka mag-isip ng masama’y pakinggan mo muna ako...”

Akmang magsasalita si Lance subalit naunahan na ito ni Billie. “Huwag, Papa,” she said in cold fury habang ang mga mata ay matiim na nakatitig sa asawa. She was horrified and had never been angrier in her whole life that her voice trembled. “I have been asking myself a hundred times what made me fall in love with you,” wika niya sa pagitan ng pagtatagis ng mga ngipin. “...when you’re nothing but an asshole!” At sa isang kisap-mata ay isang sampal ang dumapo sa mukha ni Lance na bagaman nabigla ay tinangka siyang hawakan. Mabilis na umatras si Billie. “F— you, Lance Navarro! Try to come near me and I’ll kill you myself!” Pagkasabi niyon ay mabilis na tumalikod si Billie at lumabas ng library.

Si Beatriz na nakatayo sa may malapit sa pinto ay akmang pipigilin ang manugang subalit halos takbuhin ni Billie ang malaking pinto ng villa palabas.

Si Lance ay tinangkang habulin ang asawa nang hawakan siya sa braso ni Beatriz. “Pakinggan mo muna ang sasabihin ng papa mo sa iyo, Lance,” mahinahon nitong sabi. Hindi agad nakakilos si Lance. Nahati sa ina at asawa ang pag-aalala. May narinig ba ang mama niya?

“Ano ang dapat kong marinig? Hindi ko na alam kung ano ang iisipin! My wife is out there in anger at baka mapaano siya.”

“Billie Rose is stronger than you thought, Lance,” ani Beatriz.

“Mama, please...”

“Did you really think na may relasyon ang papa mo sa asawa mo? Shame on you, Lawrence Navarro!” akusa ni Beatriz sa tonong pinagsamang amusement at galit. Hindi makuhang magsalita ni Lance. Hindi nakatitiyak kung matutuwang hindi naniniwala si Beatriz.

“I admit I enjoyed what I did, Lance.” s i Franco sa seryosong tono. “ u ntil that accident. Tinakot mo ako nang husto. I wouldn’t forgive myself kung may nangyari sa iyo....”

Nagsalubong ang mga kilay niya. “What is this? Ano ang gusto mong sabihin?”

“Nasa silid ko si Billie nang madaling-araw na iyon dahil kinausap siya ng mama mo nang mag-overseas call si Beatriz. Kabababa lang niya ng telepono nang tumawag ka. I added the endearment for the effect....”

Parang gustong sumabog ang ulo niya sa narinig. Sa pinagsamang relief at galit sa ama. Niyuko ang ina. “And I was so worried for you, iyon pala’y—”

“Thank you so much for caring, Lance.” b anayad na ngumiti si Beatriz at idinagdag. “And so jealous, too, with your own father. Ye of little faith!”

“I don’t believe this!” Gusto niyang magalit sa ina pero hindi iyon magkapuwang sa dibdib. Nilingon ang ama. “You’ve been making a fool of me,” he accused angrily.

“No, son. I helped you get to your senses and see for yourself how lucky you are with your wife.”

Pagkarinig sa sinabi ng ama ay ibinalya ni Lance ang pinto pabukas at nagmamadaling lumabas. Sa kuwadra siya nagtuloy at inilabas si Shadow. Kulang na lang ay paliparin iyon.

“SAAN ka ba pupunta, ha, Billie Rose?” Si Nana Tonya na inaawat siya sa pag-eempake. “Magagalit ang asawa mo `pag—”

“Uuwi na ako ng Colorado, Nana Tonya, at wala akong pakialam kung magalit man si Lance. He can rot to hell for all I care!” sagot niya at inihagis sa maleta ang mga damit at pilit inaalis sa isip ang bahagyang paghihilab ng tiyan mula pa kanina.

“Magpapahatid ako sa Tata Resting sa kabisera at—” h indi niya natapos ang sasabihin nang pabalyang bumukas ang pinto ng silid at sumungaw si Lance na humihingal pa.

Si Nana Tonya ay mataktikang lumabas ng silid.

“If you think you can stop me from leaving, think again!” she snarled. Patuloy sa paglalagay ng damit sa maleta sa kung papaano na lang.

Nakailang tikhim si Lance bago nagsalita. “I know I am despicable, insufferable, a big fool, an asshole, but can’t you forgive me, Billie?”

“Right. I can’t forgive you,” pabagsak niyang sagot na hindi lumilingon at tuloy sa ginagawa. “At hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo rito...”

“Para humingi ng tawad at sabihing—”

“You’re... wasting your breath, Lance Navarro.” b ahagya nang may kabang bumabangon sa dibdib dahil tumitindi na ang hilab ng tiyan niya.

“You said you love me,” patuloy nito. “You can’t lie about that...”

“I wonder what made me say that,” she snapped at sunod-sunod ang ginawang inhale, exhale. “You’re wrong because I really lied... and didn’t mean it at all.”

“Come on, Billie Rose. Hindi ka marunong magsinungaling. You love me, don’t you? Please, darling, tell me you do.” h is voice pleading and moved towards her at hinawakan siya sa mga balikat. Mabilis na umatras si Billie upang umiwas.

“Don’t darling me, damn you! How can you ever think that I had an affair with your father?” she sobbed angrily. Sa pinagsamang galit, sama ng loob, at takot sa nararamdamang sakit ng tiyan. “No wonder you always talked as if I am a slut,” pagkatapos ay may biglang pumasok sa isip. “And w-what about t-this baby?” Niyuko niya ang tiyan. “D-did you...did you think that—!” Hindi niya itinuloy ang sasabihin. Lance face flooded with guilt kasama na ang pagbabalik sa isip ng mga sinasabi nito bago siya dalhin ng Sto. Cristo. Nanlaki ang mga mata niya sa shock at galit.

“You sonofabitch!” Nilapitan si Lance at pinagsusuntok ang dibdib nito while sobbing hysterically. “I hate you! Oh, how I hate you for your sewer mind! I hate you for thinking the worst of me!”

Hinayaan ni Lance ang asawang ibuhos ang galit. Pagkatapos, sa naghihirap na loob ay mahigpit na hinawakan sa mga kamay si Billie at dinala sa dibdib at niyakap nang napakahigpit.

“Hush, darling, hush...” he whispered agonizingly kissing the top of her head. “Please forgive me, baby...”

Marahas na kumawala si Billie. Naglalabas ng apoy ang mga mata. “No! How dare you for thinking that I carried somebody else’s child and—oh!” Hindi niya napigil ang mapayuko at sapuhin ang tiyan.

“Billie!” Muli nitong hinawakan ang asawa na umatras upang umupo sa kama. “Billie, what—what’s wrong? Oh, please don’t do this...” n ataranta na si Lance nang patuloy siya sa pamimilipit. Nilingon nito ang pinto at sumigaw. “Nana Tonya!”

“`Pag—`pag may nangyari sa anak ko, I’ll hate you forever, Lance!” banta niya kasabay ng paghikbi at pagdaing. Nararamdaman niyang may likidong lumalabas sa kanya. “M-my water... broke!”

Nawalan ng kulay ang mukha ni Lance. Pinangko ang asawa at inilabas sa silid habang tinatawag si Nana Tonya na patakbong pumapanhik sa may hagdan.

“A-ano’ng nangyari? Billie Rose?”

Patuloy sa pamimilipit at pagdaing si Billie. “M-m-masakit na masakit ang tiyan ko, Nana Tonya... m-manganganak na ako...!”

Nanlalaki ang mga matang napatuon ang tingin ng matanda sa likuran ni Billie, may dugo sa damit niya. “Ibalik mo sa silid ang asawa mo, Lance, at magpapainit ako ng tubig!”

Natarantang sumunod si Lance. Maingat na inihiga si Billie sa kama. Hinawakan sa dalawang kamay ang asawang umiiyak na. “Sweetheart, please hang on, everything will be all right. Dadalhin kita sa Maynila, darating ang chopper, ira-radio ko ang p apa,” sunod-sunod nitong sinabi at hinugot ang transceiver sa pantalon. “Huwag kang umiyak, please, lalong makasasama sa iyo.”

“H-hindi ako... aabot sa Maynila... ma—manganganak na ako, oh!” Isang masakit na hilab ang nagpahigit ng paghinga kay Billie. Lalong nataranta si Lance at nabitiwan ang radio sa kama. Hindi malaman ang gagawin. Akmang bubuhatin muli ang asawa.

“Dadalhin kita sa ospital sa bayan...” nagpapa-panic nitong sinabi.

“Isang oras mula rito ang kabisera sa sasakyan pero duda akong aabot si Billie ng ospital.” s i Nana Tonya na muling pumasok at may mga dalang gagamitin. “Pumutok na ang panubigan niya at may dugo na,” kalmanteng wika ng matandang babae at nilapitan si Billie at inayos. “Itaas mo ang asawa mo, Lawrence at aalisan ko ng panloob,” utos nito.

“Damn it! Hindi manganganak ang asawa ko rito nang walang doktor!” sigaw nito sa magkahalong nerbiyos at matinding pag-aalala.

Isang tipid at matabang na ngiti ang pinakawalan ni Nana Tonya at hinawakan sa balikat si Lance. “Ang magkapatid na Montaño ay sa bahay na ito ipinanganak, Lance. At walang doktor...”

“Oh, g od!” bulalas nito at muling tinitigan ang asawa. “But you’re not even due yet.” w alang tinig na lumabas sa bibig nito. Nagsisimula nang mag-panic.

“Pitong buwan si Monica nang ipanganak ni Donya Isabelita, Lance,” wika ng matandang lalaki na may dalang mainit na tubig at palanggana. Inilapag sa sahig. “Ang Nana Tonya mo ang nagpaanak,” dugtong nito at tahimik na kinabig ang pinto nang lumabas muli.