noveltoon logo noveltoon
Rose Tattoo (Kristine Series 12)

Chapter 20

Ch. 21 / 25 Apr 09, 2022

Chapter Twenty

N AKAUPO sa ibabaw ng stretcher si Lance at ginagamot ng isang nurse ang galos nito sa kaliwang braso nang hangos na dumating si Franco kasunod si Billie na hindi na nakuhang magbihis at nakasuot ng silk pajama na kulay rosas.

“Lance!” ani Franco sa may bungad pa lang ng ER. “Ano ang nangyari? Are you alright?” sunod-sunod nitong tanong, halos mawalan ng kulay ang mukha sa matinding pag-aalala.

“W-were you hurt?” nag-aalalang susog naman ni Billie na agad na humawak sa braso ng asawa.

“Stop play acting as if you’re worried,” he snapped sa halos pabulong na tinig. May mga nurses sa paligid at naroon din ang resident doctor. “And what are you both doing here? I instructed those damned medics not to contact anyone!”

“Karapatan kong malaman kung ano ang nangyari sa iyo, Lawrence,” sagot ni Franco sa kalmado na subalit mariing tinig. Nilingon ang resident doctor. “Nasuri na ba ninyo ang anak ko? May dapat bang—”

“So far, wala kaming nakitang palatandaang nasaktan ang anak ninyo, Mr. Navarro, maliban sa galos na nasa kaliwang braso niya,” sagot ng doktor na nilingon si Lance. “Tumama marahil sa nabasag na windshield. But he will undergo scanning to—”

“I am perfectly all right,” agap ni Lance at bumaba ng stretcher. “There’s no need for further examinations. Hindi ako nasaktan and I am getting out of this damned place bago pa madagdagan iyong nag-iisang reporter sa labas.” m ahigpit nitong hinawakan sa braso si Billie. “And you are coming with me...”

Wala sa loob na nilingon ni Billie si Franco na tila humihingi ng desisyon mula rito. Bahagyang tango ang ibinigay ni Franco sa manugang at nakita ni Lance ang palitan ng tingin ng dalawa. Tumaas ang dibdib nito kasabay ng pagtagis ng mga bagang sa pinipigil na galit.

“You are still my wife, Billie,” he said clenching his teeth habang halos kaladkarin ang asawa palabas ng ER. “Hindi mo kailangang humingi ng permiso sa p apa kung sasama ka sa akin!”

“You’re hurting my wrist, Lance,” daing niya. “Hindi mo ako kailangang hilahin, sasama ako sa iyo.”

“Ihahatid ko na kayo,” habol ni Franco.

“Don’t bother. Maraming taxi sa labas.” n agbabaga ang mga matang nilingon nito ang ama. “Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa iyo. Ang tanging nag-uugnay sa atin sa mga sandaling ito’y ang katotohanang ama kita!”

“Dammit, what are you talking about?” galit na wika ni Franco. Si Billie ay nagsasalubong ang mga kilay at pinaglipat-lipat ang tingin sa mag-amang nagsusukatan ng tingin.

“And I wish to hell you’d never see my wife again!” huling sabi nito bago hinila sa labas ang asawa. Si Billie ay nalilitong nililingon si Franco na nanatiling nakatayo at nakatanaw sa kanila.

Isang taxi ang sadyang nag-aabang ng mga pasahero sa bukana ng ospital ang kinawayan ni Lance. Pasadlak na ipinasok si Billie sa likurang upuan habang sa harap ito umupo. Ilang sandali pa ay nasa daan na ang taxi.

Hindi malaman ni Billie kung ano ang sasabihin. Halos gusto niyang maiyak sa relief na hindi naman pala nasaktan ang asawa pero hindi niya maiparamdam iyon. At hindi rin niya naiintindihan kung bakit ito nagagalit. She attributed his anger to the near-death accident na bagaman hindi ito nasaktan ay nakapagpaalala naman dito ng aksidenteng nangyari ilang taon na ang nakaraan. Bumabalik marahil kay Lance ang trauma ng nakaraang aksidente.

Subalit ang hindi niya kayang hanapan ng paliwanag ay ang binitiwang salita nito sa ama.

Walang kibuan ang dalawa hanggang sa makarating sa bahay. Si Lance ay sa bar nagtuloy at agad na nagsalin ng brandy sa kopita and took it all in one swallow.

“A–ang… sabi ng mga pulis na tumawag sa bahay ay nakainom ka and you were driving fast,” banayad niyang akusa kasabay ng paghakbang palapit dito. “You nearly cause m—Franco his first stroke...” ang sa halip na nasabi gayong gusto niyang sabihing halos mapugto ang hininga niya sa pag-aalala habang patungo sa ospital.

Pabagsak na ibinaba ni Lance ang kopita sa counter ng bar na ikinapitlag niya. “So, it’s Franco now, huh?” he mocked bitterly and angrily.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Billie. Hindi niya gustong patulan si Lance sa mga sinasabi nito. Sa halip ay natuon ang paningin sa kaliwang braso ng asawa na may bahid ng gamot na pula ang dalawang mahaba at may kalalimang galos.

Banayad niyang dinama iyon. “Does it hurt?” she asked softly kasabay ng pagtingala sa asawa.

Napahugot ng matalim na paghinga si Lance. He felt a sudden ache in his groin. He could still faintly smell her perfume and her face void of any makeup. Her eyes worried, her lips slightly parted. Passion overrode his hatred. Desire intertwined with anger and jealousy, he roughly pulled her and hungrily claimed her lips.

He needed her. Sa kabila ng matinding galit nito ay naroon ang tensiyon dahil sa nangyaring aksidente. He considered it a miracle that he came out of the accident with only a scratch on his arm at bahagyang pananakit dahil nabugbog sa pagtama sa windshield na nabasag. Sa ikalawang pagkakataon, he got his new lease of life.

Bagaman nabigla ay nagpaubaya si Billie at gumanti ng halik. And suddenly realized how much she wanted the kiss. A reassurance na walang masamang nangyari dito. Angkin pa rin ni Lance ang mga labi niya nang umatras ito patungo sa malaking sofa at ihiga siya roon. He rained kisses on her face and throat as he fumbled the buttons of her pajama top only to get impatient pagdating sa ikatlong butones and ripped it apart.

“L-Lance...” n akulong sa lalamunan niya ang paghinga nang marahas na damhin ni Lance ang dibdib niya. His teeth erotically biting her lips and when she moaned in pleasure-pain, grazed it with his tongue. White heat flowed down to her belly.

“Tell me you want me, too, Billie, tell me!” he commanded harshly. “Kahit magsinungaling ka!”

Ipinagsalubong niya ng mga kilay ang huling sinabi nito subalit hindi magawang pag-ukulan ng pansin dahil sa ginagawa ng mga kamay at mga labi nito sa katawan niya.

“Oh, I want you, Lance...” you’ll probably never know how much. And you’ll never know how much I started to care... s he sobbed silently as emotions and passion overflowed together.

Muli nitong inangkin ang mga labi niya and she helped him undressed. His hunger matched hers. And it was a normal human emotion to want someone matapos mapaharap sa takot at panganib. Sex, normally is the ultimate outlet of emotions.

MAY ilang minuto nang tulog si Lance ay nanatiling nakatitig sa kisame si Billie Rose. Bagaman malaki ang sofa ay mabigat ang asawa na nakatulog sa dibdib niya, his hand on her breast. Subalit hindi niya makuhang gumalaw dahil hindi niya gustong magising ito. Two hours more and and the sun will start to come out and she knew Lance was exhausted and tensed. Huwag nang idagdag pa ang sa palagay niya ay maraming nainom nito.

“Sometimes I wonder if we will ever get to the bed,” bulong niya at niyuko ito. Still amazed by the intensity of their lovemaking.

“Oh, I need you so much, my darling Rose... love me, baby...”

Lance was wild and passionate and spoke the sweet-nothings in the spur of the moment. How she wished they were true. And that he really needed her. She sighed deeply at masuyong hinaplos ng kamay ang buhok ng asawa at hinawi mula sa balikat.

“You’ve used me again, Lance,” bulong niya. “And I wonder why I stayed with you and allowed you to do this to me.”

“My marriage with you didn’t bother me, Billie Rose. Not even with my constant affairs with your sex...”

Ang kinasusuklamang pagpapakasal ni Lance sa kanya ay ginamit nitong advantage para sa mga affair nito sa ibang babae. Hindi nga naman ito obligadong magpakasal dahil may-asawa na. Isang asawa na sa loob ng tatlong taon at kalahati ay ngayon lang lumitaw. A wife who was so naive and uncomplaining and foolishly allowed herself to be used because she couldn’t resist her husband’s charm.

Then she remembered Luke Wendell. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya. Bagaman nagpapasalamat siyang nakilala niya ang tunay na pagkatao nito, hindi niya maintindihan ang pag-aaksaya ni Lance ng panahon at pera upang paimbestigahan ito.

Muli niya itong niyuko, her fingers softly moved down to his muscled back. “But I can’t let you use me forever, my dearest,” mariing bulong niya. “Annulled or not, I am going back to Colorado.”

LIWANAG na nagmumula sa glass wall ang unti-unting nagpamulat kay Lance. Ilang sandaling inikot ang paningin sa paligid hanggang sa maramdaman ang malambot at hubad na katawan ni Billie sa ilalim niya. Mabilis ang realisasyon sa nagdaang pangyayari.

The anger, the accident, and the passion. Kasabay ng pagkabuhay ng pagnanasa ay ang pagbangon din ng galit nang maalala ang dahilan kung bakit siya naaksidente.

He tried to move nang maramdamang nasa dibdib pa rin ni Billie ang kamay niya. He went still and resisted the urge to softly knead it. Oh, dear l ord, she was warm as the morning sun and her skin velvety soft. As his lips touch her shoulder blade very gently, he fought the urge to touch and take her again.

Hesitantly, maingat siyang bumangon at dinampot ang polo shirt sa sahig at itinakip sa katawan ni Billie as his eyes momentarily lingered at the beautiful and young body. Pagkatapos ay naupo sa dulo ng sofa at sinapo ng dalawang kamay ang ulong sumasakit dahil sa hangover at panlulumo. Nagdidigmaan ang isip at katawan. Anong klaseng tao siya? Bakit hindi niya makontrol ang sarili pagdating sa asawa? Hell, but he should be hating her for having an affair with his father, not want her for distraction.

Nasaan ang delicadeza nilang tatlo? Ganito na ba sila kaasal hayup?

Nag-igting ang mga bagang niya at mahigpit na ikinuyom ang mga kamay. Pagalit na tumayo at dinampot ang briefs sa sahig at isinuot. Lumakad patungo sa lanai. Binuksan ito at tuloy-tuloy na tumalon sa swimming pool. Inubos ang galit sa pabalik-balik na paglangoy.

Nang mahapo ay umahon at lumakad sa may gate. Dinampot ang pang-umagang peryodiko na regular na inihahagis ng delivery boy. Bitbit ito patungo sa dining room. Agad na tiningnan ang headline. Nakahinga nang maluwag nang makitang wala roon ang nangyari sa kanya kaninang madaling-araw. Tuloy siya sa pagbuklat patungo sa sports page nang may madaanan ang mga mata.

Franco Navarro is constantly seen with his son’s rumored wife. A reliable source informed us that Beatriz Navarro is out of the country and—

“Nakalagay ba sa news ang nangyaring aksidente at ganyan ang hitsura mo?” banayad na wika ni Billie na pinagmamasdan ang anyo ng asawa mula sa may pinto.

Napalingong bigla si Lance. Bahagyang nakasabog ang buhok mula sa pagtulog. His eyes moved down to her body. Suot ni Billie ang polo shirt niya. She looked sexy in his oversized polo shirt. Ang butones lang na natapat sa baywang nito ang nakasara. He had a glimpsed of her breast dahil lumaylay sa balikat nito ang kuwelyo and he was glad na nakatagilid siya or his immediate arousal must have been very obvious.

Natuon ang mga mata niya sa tattoo na nasa dibdib ng asawa and suddenly a savage joy leaped from him. She was his! Patunay niyon ang tatak na nasa dibdib ni Billie Rose. No man, not even the great Franco Navarro, can take his wife from him!

Bumaba ang mga mata niya sa dulo ng polo shirt and took his breath savagely... damn, damn, her!

“Hindi mo na ako sinagot,” ulit ni Billie na humakbang patungo sa counter sink at naglagay ng tubig sa percolator at isinalang. Sumunod ang mga mata ni Lance.

Pagkatapos ilagay sa kalan ang percolator ay tumingkayad si Billie at binuksan ang cupboard upang kumuha ng dalawang tasa. Kasabay ng matalim na paghinga ay ang pagpikit ni Lance ng mga mata.

“Iwanan mo sa akin ang paggawa ng kape, Billie Rose,” pormal nitong sinabi sa malamig na tono. “Pumanhik ka at ayusin mo ang sarili mo.”

Napalingong bigla si Billie Rose. Hindi niya mapaniwalaan ang distaste na nasa mukha at tinig nito na tila ang ayos niya ay sa isang bayarang babae.

“Well, I’m sor—ry kung naiiskandalo ka sa suot ko,” she said in a fake apology at nairita sa tono nito. “Sa pagkakatanda ko’y pinunit mo ang pajama top ko and I never thought for one moment that you’re a prude.”

“Wala akong balak makipagtalo, Billie,” he said impatiently. “...make yourself decent and let’s talk.”

“Oh, I see,” patuloy siya sa panunuya. “You don’t mind my nudity if you want to have sex with me. Pero dapat nakabihis ako kung makikipag-usap sa iyo,” she sneered. “...you have a very nice dress code, Lance, though I have no wish to obey your command. Kung gusto mo akong kausapin, kausapin mo ako ngayon.” Sandaling hindi sumagot si Lance pero nakita niya ang paggalaw ng muscle nito sa mukha.

“Very well,” simula ni Lance. “Mula sa oras na ito’y ayokong makikipagkita o makikipag-usap ka sa p apa.”

Sandaling natilihan si Billie. Narinig niyang sinabi ni Lance sa ama kaninang madaling-araw ang tungkol dito.

“I don’t understand you,” pailing niyang sinabi. “Bakit kailangang bawalan mo akong makipag-usap sa p apa o ang p apa sa akin?”

Nagbuka ng bibig si Lance upang ipamukha sa kanya ang lantarang akusasyon subalit biglang nagbago ng isip. Sa halip ay inihagis sa harap niya ang peryodiko. “Basahin mo ang balita. May kumakalat na tsismis tungkol sa inyo ng p apa dahil sa loob ng tatlong araw ay hindi na kayo naghiwalay!”

Nakakunot ang noong tinunghayan ni Billie ang peryodiko sa harap niya. “This is unbelievable!” bulalas niya nang madaanan ng mga mata ang artikulo at ang larawan nila ni Franco na nagsasayaw. Hindi na nagawang intindihin at pagtuunan ng pansin ang ipinahihiwatig ng tono ni Lance.

“Kahit sinong walang isip na tao’y mag-iisip that you love my father!”

Napatingala si Billie sa asawa at wala sa loob na sinabing: “But I love your father, Lance, you must have known that...”

It took Lance all the will power upang huwag lapitan ang asawa at saktan.

Hindi makapaniwalang umiling si Billie. Muling niyuko ang larawan sa peryodiko. Nagsasayaw sila ni Franco at sa anggulong walang makalalampas sa pagitan nila kahit hangin. And she was lovingly staring at his face habang nakayuko naman ito sa kanya.

In seconds ay nasa tabi na niya ang asawa at marahas na hinawakan siya sa braso. “You ungrateful bitch!” he snorted angry disbelief. “Wala ka bang pakialam kung makasakit ka ng damdamin ng ibang tao? Ano sa palagay mo ang iisipin ng m ama sa sandaling makarating ang balitang iyan sa kanya?”

She was horrified. Hindi niya naisip si Beatriz. Walang malisya ang nasa larawan but press can create forest fire mula sa isang walang kakuwenta-kuwentang bagay.

“Now you’ve started a gossip na pag-uusapan ng mga tao tungkol sa mga Navarro. My own wife and my father!” patuloy ni Lance na nag-iigting ang muscles sa pisngi sa galit.

She opened her mouth to say something in defense of herself but she changed her mind. Tumaas ang dibdib niya as she took a deep breath then said softly: “I’ll have my ticket and passport confirmed today. I am going home, Lance...”

“No.”