noveltoon logo noveltoon
Rose Tattoo (Kristine Series 12)

Chapter 1

Ch. 2 / 25 Apr 09, 2022

Chapter One

Manila

D INAMPOT ni Lance ang sobreng nasa ibabaw ng mesa niya. He recognized at once the feminine handwriting. Iyon ang ikalawang sulat na tinanggap niya sa buwang iyon mula sa iisang tao. Sa labas ng sobre ay may nakalagay na Personal and Confidential.

At ang mga ganoong mails ay hindi pinakikialaman ng sekretarya niya. He sighed at inabot ang letter opener at binuksan ang sobre. Lazily, he read the contents.

Dear Mr. Navarro,

This is my second letter. I have no idea if you received the first one which I sent two weeks ago. I know you are a busy man but I wish you’d give me a little of your time. Please call me at the ranch anytime during the night. It’s about us. I want annulment.

B. Navarro

His smile didn’t reach his eyes as he leaned on his swivel chair. The letter was signed Billie. Muli niyang sinulyapan ang pambungad. Mr. Navarro. Indeed.

Annulment?

SA TANAWIN sa labas ng maliit na bintana ng eroplano nakatitig si Billie. May ilang minuto na siyang nakayuko sa mga ulap. More than three years ago, she was on the same flight pauwi sa Pilipinas.

No. Mabilis na salungat ng isip niya. Hindi talaga pauwi. Philippines had never been her home. She wasn’t born there. She’s an American, ipinanganak sa America, may Amerikanong ina at... at Pilipinong ama. Ang daddy niya—may kirot na bahagyang bumangon sa dibdib. Kirot na hindi na nagkapuwang nang hawakan siya sa kamay ni Luke.

“A penny for your thoughts?”

Nilingon niya ang kasama and gave him a faint smile. Isinandig ang ulo sa balikat nito. “Nothing. Iniisip ko lang kung bakit napapayag mo akong sumama sa iyong bumalik ng Pilipinas,” she half-lied.

He gave an amused smile that made the handsome face even handsomer. Ang uri ng ngiti na hindi iilang babae ang nabighani. Tall, fair, and handsome and gray eyes. At may kulay ng buhok na kung tawagin ay dirty blonde. Matipunong katawan na utang nito sa gym at regular na pangangalaga.

Ang ngiti nito ay hindi dahil sa sinabi niya kundi kung paano niya iyon sinabi.

“Your t agalog is excellent, honey. I’m impressed,” tukso nito.

Lumabi si Billie. Alam niyang hindi totoo iyon. Bagaman deretso siyang managalog lalo at kung hindi naman malalim ang sinasabi ay para siyang loka sa pakiramdam niya sa paraan ng pagsasalita dahil sa American accent.

Pinisil niya ang kamay ni Luke na nakahawak sa kanya at ikinapit ang braso sa braso nito. Na para bang kumukuha ng assurance mula rito sa maaaring kahihinatnan ng pag-uwi nilang pareho.

“Dumadaloy sa mga ugat ko ang pag-aalala mo,” pabirong wika nito bagaman totoo ang sinabi. Hindi tulad niya, deretsong managalog si Luke. Sa Pilipinas ito ipinanganak at nag-aral.

Mestisong Amerikano rin ang lalaki sa Pilipinang ina at Amerikanong ama. But his parents divorced ten years ago at may iba nang pamilya ang ama nito. Ganoon din ang ina nito who married a department store franchiser. And Luke at thirty-six, had been married and divorced twice.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya. “Ipinaalam ko kay Nick na uuwi ako, Luke. He wanted me to stay at his mansion.”

Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki sa sinabi niya. “Hindi mo sinabi sa akin na nakipagkita ka sa pinsan mo.”

“Tulad ng sinabi ko sa iyo,” she sighed. “Every now and then he visits me mula nang mamatay ang Papa.” m uli ang bahagyang kirot sa dibdib niya.

“Your cousin hates me,” naiiritang wika nito.

“Nick doesn’t hate you, Luke,” pagsisinungaling niya. Kasabay niyon ang pagbabalik sa isip nang naganap na usapan nila ng pinsan bago ang flight niyang ito.

“Sa mansiyon ka uuwi Billie Rose” mariing wika ni Nick . “Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang sumama ka sa lalaking iyon sa pag-uwi. Ano na lang ang sasabihin ng Papa at Tita Beatriz?!”

“What do you think would they say , Nick?” wika niya sa pinaghalong pagkalito at banayad na galit. “It’s been more than three years and I am entitled to my life, too, so I needed that legal separation, annulment or whatever!”

“Nonsense!” sawata ni Nick sa sinasabi niya . Pagkatapos ay tinitigan ang pinsan at biglang nagbago ang mood. The handsome face softened and said gently, “I am sorry, pet. I know you have the right to do what you want. At hindi ko alam kung sino ang sisisihin ko, kung ang Tito Luis o ang Papa o ang Lolo Vicente...” a ng huling tinukoy nito ay ang ama ni Monica at Luis Montaño na matagal nang namayapa.

“Tapos na iyon, Nick,” she said wearily. “Matagal nang wala ang Lolo at ganoon din si... Daddy...”

Tumango ito at muling tumiim ang mukha. “Hindi kita kahit kailan kinunsinti sa pakikipag-boyfriend mo sa Luke na iyan, Billie. It’s uncalled for. Pero hindi kita masisisi at ako mismo ang gagawa ng paraan upang makawala ka sa pagkakatali kung tamang lalaki ang napili mo kaysa sa Luke Wendell na iyan.” b ahagyang gumalawang muscle sa mukha nito sa sinabi. “And let me remind you, Billie, hindi ako papayag na masabit sa pamilya natin ang lalaking iyan, if—inuulit ko, if you will be successful in your meeting with my brother.”

“What have you got against him, Nick?” Bahagyang umangat ang tinig niya sa nakatatandang pinsan. “Mature and responsible at may mabuting trabaho bilang ahente ng mga assembled furniture products.”

“That is your opinion,” magaspang nitong sagot. “Anyway, dahil pinlano mong lahat ang pagbabalik ng Pilipinas, I want you to stay at the mansion subalit tinitiyak ko sa iyo, Billie, na hindi madaling gawin ang gusto mo. And by gods, I want to hate my brother and father for this...”

Mula sa likod ay masuyo niyang niyakap ang pinsan at inihilig ang ulo sa malapad nitong likod. “I’m twenty-two, big cousin, remember? And thank you so much for caring though I know you have your own trouble and pain, Nick. I doubt if you have recovered from the loss yet.”

Hindi sumagot si Nick. Sa halip ay naramdaman niya ang pag-igting ng mga muscles nito sa likod and she sighed in sympathy.

“Huwag mong ipagtanggol ang pinsan mong mayabang, Billie,” paismid na wika ni Luke na bahagya pa niyang ikinagulat. “He is bitter at gusto niyang pati ikaw ay ikulong sa kapaitang taglay niya. He doesn’t want to set you free.”

Gusto niyang salungatin ang kasintahan pero minabuting magsawalang-kibo. Hindi siya naniniwalang hindi gusto ni Nick na mapalaya siya sa kalagayan niya. Only, Nick belonged to the old folks who believed that marriage is marriage. What God hath bound together let no man put asunder. At anuman ang suliranin ay nahahanapan ng paraan kung nananatiling kasal sa isa’t isa.

MAKALIPAS ang labintatlong oras ay lumapag sa NAIA ang eroplanong sinasakyan ng dalawa.

“May sasalubong ba sa iyo?” Si Luke sa kanya.

Umiling siya. “Sinabi ko kay Nick na huwag ipaalam sa mga Navarro ang pag-uwi ko.”

Nagsasalubong ang mga kilay na nilingon siya ni Luke matapos kuhanin ang bagahe. “And I thought you want to meet them?”

“Hindi agad ngayon, Luke. Kailangang pag-isipan kong mabuti kung ano ang dapat kong sabihin...”

“Honey, dalawang linggo lang ang bakasyong hiningi ko sa opisina. We have to be back to Houston then,” paalala nito na binitbit ang dalawang bagahe patungo sa cart.

“That’s long enough.” s he gave him an encouraging smile.

Inihatid siya ni Luke sa mansiyon ng mga Gascon at hindi na rin ito bumaba pa at umalis na agad. Hindi siya gustong pagbuksan ng security guard dahil hindi siya kilala. Tinawag nito ang isang katulong upang kilalanin siya subalit hindi rin siya kilala nito. Ni hindi inintindi ng security guard ang mga identifications niya. Para dito ay madaling gawin iyon. Sa kulang tatlong taong paninilbihan ng guwardiya kay Nick ay wala itong kilalang kamag-anak ni Nick Gascon.

In frustration ay naupo siya sa mababang bakod sa labas na umiikot sa mga halaman sa labas ng pader. Sa pagnanais niyang huwag ipaalam ang pagdating ay hindi rin nasabihan ni Nick ang mga katulong sa pagdating niya.

“Do you have a phone?” tanong niya sa security guard makaraan ang ilang sandali.

Umiling ito. “Intercom lang po, m a’am.”

Kumislap ang mga mata niya. “Gamitin mo at utusan mo ang katulong na tawagan ang bahay ng mga Navarro. Kausapin ang mag-asawang Navarro, they knew me, ako ang—” she stopped. “Please, tinitiyak ko sa iyong kilala ako ng mga Navarro.”

Hindi malaman ng security guard kung maaawa o maiinis sa kanya. Nag-iingat ito sa masasamang tao at ang isang magandang mukha ay luma nang taktika ng mga big time na magnanakaw. Lalo at nakita nitong ibinaba lang siya ng isang taxi kanina. Ganoon pa man ay dinampot ng security guard ang intercom at tinawagan ang mga tao sa loob. Narinig niyang inulit nito ang sinabi niya. Isang buntong-hininga ang ang pinakawalan niya at muling naupo sa bakod. Palingon-lingon sa security guard at hinihintay ang pagtawag mula sa loob o ang pagsungaw ng maid sa pinto.

Hindi nagtagal ay tumunog ang intercom. Napatayo bigla si Billie at lumapit sa guardhouse. Sinusulyapan siya ng security guard habang nakikinig sa sinasabi ng kabilang linya. Pagkatapos ay ibinalik nito ang receiver sa cradle.

“Wala ang mag-asawang Navarro, Miss. Umalis sila kaninang madaling-araw patungong Palawan kasama ang apong si Monique.” m ay hinala sa mga mata ng guwardiya nang titigan siya.

Nanlumong sinapo ni Billie ang noo. Bakit naman ngayon pa nataon ang pag-alis ng mag-asawang Navarro? At bakit ba naman hindi naisip ni Nick na hindi siya kilala ng mga katulong sa mansiyon?

“Gusto kong tawagan mo uli ang katulong sa loob at tawagan ang security guard sa labas ng gate ng subdivision para hanapan ako ng taxi,” utos niya sa guwardiya. At nang akma itong magbubuka ng bibig upang magprotesta ay naningkit ang mga mata ni Billie. Galit na idinagdag: “Alam kong ginagawa mo lang ang trabaho mo, but I’m tired. Ipinakita ko na sa iyo ang mga credentials ko pero ayaw mong maniwala. Now, if you don’t get me a taxi, tinitiyak ko sa iyong ipatatanggal kita sa trabaho, that you can believe!” tuloy-tuloy niyang sinabi sa galit at pagod. Huwag nang idagdag pa ang gutom. She hated airline food at hindi siya kumain maliban sa prutas at kape.

Bagaman nag-aalanganin ay sumunod ang security guard sa awtoridad ng tinig niya.

“Damn the rich!” bulong niya na muling bumalik sa pagkakaupo.

Beinte minutos ang lumipas nang isang taxi ang pumarada sa harap ng mansiyon. Ipinabuhat niya sa driver ang malaking maleta at walang lingong sumakay.

“What is the nearest hotel?” tanong niya sa driver nang tumatakbo na ang taxi.

“Manila Garden, m a’am, o di kaya ang Manila Peninsula o ang Mandarin...” s inulyapan siya nito sa salamin.

“Take me to Manila Penn,” utos niya at naiinis na isinandal ang sarili. It doesn’t really matter kung sa hotel siya tumuloy. She can afford to stay at the hotel kung ilang linggo rin lang. But it wouldn’t be comfortable. Bukod pa roon, magtataka si Luke at natitiyak niyang yayain siya nitong sa apartment nito sa Parañaque siya tumuloy.

Pinag-iisipan niya kung sino ang maaari niyang kausapin upang bigyan ng instruction ang mga katulong sa bahay ni Nick na papasukin siya. Kung wala ang mag-asawang Franco at Beatriz ay wala siyang mapagpipilian kundi si Lance Navarro.

She gritted her teeth. She wasn’t expecting to see him now. Perhaps a week or so. Pero hindi sa unang pagtapak ng mga paa niya sa Pilipinas.

PAGKAALIS ng boy ng hotel na naghatid sa kanya ay isinara ni Billie ang pinto. Pagkatapos ay naghubad ng damit upang maligo. Alas-dos pasado na ng hapon at hindi pa siya nanananghalian. Pagkaligo ay bababa siya sa isa sa mga restaurant ng hotel upang kumain.

Ibinagsak niya sa carpeted na sahig ang mga suot at tinatanggal na ang bra nang mapasulyap siya sa salamin ng tokador. She frowned at the sight na kumuha ng atensiyon niya. Humakbang siya palapit sa salamin at muling tinitigan ang partikular na bahaging iyon ng dibdib. Ilang libong ulit na ba na napapahinto siya sa tuwing nakikita niya iyon? At hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matiyak kung ano ang dapat niyang maramdaman kung bakit nalagay iyon doon.

Just a little over her left breast ay naroon ang tatak niya habang-buhay. Ang tatak ni Lance Navarro!

Sa maputing balat niya ay naroon ang rosebud. At sa ibaba ng hindi pa namumukadkad na rosas ay ang pangalang Lance Navarro.

Banayad niyang hinaplos ang tattoo. Who was that who sung the song Rose Tattoo? How ironic, bagay sa kanya. And smiled bitterly. The last time she saw the man who branded her was more than three years ago. She couldn’t forget the hatred in Lance’s eyes na nakamasid sa kanya habang tinatatakan siya ng kakilala nito.

Hanggang ngayon, she still shivered at the thought. Kasali ba siya sa dapat sisihin? Did she taunt him so much and added to the insult that he felt? Pero ginawa lang niya iyon upang pagtakpan ang sariling pride.

Sa pagkakatitig sa repleksiyon niya sa salamin ay unti-unting nagkaguhit sa isipan ni Billie ang nakaraan. Ikalimang araw mula nang maaksidente si Lance Navarro, sa Texas County Hospital...