Chapter Twenty-two
“D ON’T do this to me, Lance,” pakiusap niya rito sa huling sandali. Nasa pilot’s seat na si Lance at binubuhay na ang makina ng helicopter. The rotors were turning habang isinusuot nito ang aviator sunglasses. “Ano ang gagawin ko sa Sto. Cristo sa kalagayan ko?”
“You’re a horse breaker, aren’t you?” sarkastikong sagot nito while he slipped on his headset. “Malaking bagay ang kaalaman mo sa asyenda at sa rancho. Tinitiyak ko sa iyo, Billie Rose, hindi mo kaiinipan ang mga araw sa magkarugtong na lupain. Your service is very much needed there.”
Naningkit ang mga mata niya. Naubos ang lahat ng pagtitimpi. “Kung inaakala mong maikukulong mo ako sa Sto. Cristo ay nagkakamali ka!”
He sneered. “You want to bet on that?” Isang nang-uuyam na ngiti ang pinakawalan nito. “Kung sakali mang makakatakas ka sa asyenda ay saan ka pupunta? Nasa akin ang passport mo.”
Biglang napayuko sa bag niya si Billie. Mabilis na binuksan at hinanap ang passport subalit wala iyon doon. “You despicable son of a— give me back my passport!” bulyaw niya rito. “Wala kang karapatang itago iyon!”
Hindi sumagot si Lance at nag-concentrate sa pagpipiloto. Si Billie ay nagpupuyos ang dibdib na tumanaw sa labas ng chopper. Sa mga kuwa-kuwadradong taniman ng palay sa ibaba na lumiliit habang tumataas sila. Ano man ang sabihin niya ay balewala sa lalaking ito. It was wiser to remain silent. Ang tanging pag-asa na lang niya ay si Nana Tonya at Tata Resting. Hihingi siya ng tulong sa mga ito na ihatid siya sa kabisera hanggang sa may pantalan. At sa sandaling makarating siya sa Maynila ay tatawagan niya si Nick.
“Matatanda na ang mga katiwala ni Nick, Billie Rose,” ani Lance makalipas ang ilang sandali. “Hindi mo gugustuhing mawalan sila ng tirahan. You may be a Montaño at matagal silang naglingkod sa ama mo, but I am more closer to them kaysa sa iyo. Gagawin nila ang anumang iuutos ko,” dugtong nito na tila nahuhulaan ang nasa isip niya.
Napahugot ng paghinga si Billie. “I can’t believe you are Franco’s son! And I hate you, Lawrence Navarro!”
Pagkabanggit sa pangalan ng ama ay tila lalong sinisigahan ang dibdib ni Lance sa galit. His nostrils flared that Billie thought he was breathing out fire.
“Ano na nga iyong sinabi mo sa akin years ago? We’re a match. Pare-pareho tayong walang delicadeza. Masahol pa tayo sa hayop, `di ba?” Galit na galit ito na sa palagay ni Billie ay may apoy na nagsisiklab sa loob ng katawan nito.
“I don’t know what you’re talking about. Ni hindi kita naiintindihan...” m agkakasama ang panlulumo, galit at kalituhan sa isip niya.
“You can play dumb and innocent hanggang gusto mo,” patuloy ni Lance. “But I won’t touch you again. Iyan ang itanim mo sa isip mo!”
“Why, thank you, my dear husband,” she mocked in equal anger. “Ganoon mo ako kadaling pinagsawaan? And I thought you can’t get enough of me and that you want my sweet, soft, and beautiful body? Hindi ba’t iyon ang ibinubulong mo sa akin sa tatlong beses na pag-aangkin mo?”
“I probably thought you were somebody else,” he said coldly.
“You—!” Kumawala ang kamay ni Billie Rose bago pa niya napigil ang sarili. Naging sanhi iyon upang sandaling mawalan ng control sa manibela si Lance at tumagilid ang chopper.
Agad na nakabawi si Lance at muling umayos ang lipad ng helicopter. Si Billie ay gustong umiyak sa galit at sama ng loob sa oras na iyon subalit pinigilan ang sarili.
Lance hated himself for the outright lie pero hindi nito aaminin iyon. Ano ang malay nito at baka sa panahong nagtatalik sila ay si Franco Navarro ang laman ng isip ni Billie Rose.
He felt like laughing. How I wish your wife will break your heart as you did mine! Ano kaya ang iisipin at sasabihin ni Charry sa sandaling malaman nito ang damdamin niya ngayon? She’ll probably laugh to her heart’s content.
NAKAPANGALUMBABA siya sa bintana ng log cabin sa may likod sa harap ng gubat na ang kabila ay ilog. Naririnig niya ang marahang lagaslas ng tubig. Narinig niya kanina ang pagdaan ng chopper. Natitiyak niyang si Lance iyon at patungo sa rancho. And she was foolish for missing him so much.
It had been four months mula nang iwan siya ng asawa sa Sto. Cristo at maglilimang buwan na rin ang tiyan bagaman hindi pa halata dahil maliit siyang magbuntis. At sa loob ng mga buwang iyon ay tatlong beses lang siyang dinalaw nito bagaman alam niyang minsan sa isang linggo ay naroon ito sa villa. Iyon ang ibinabalita sa kanya ni Nana Tonya at ng mag-asawang Alvaro at Kristine na may dalawang buwan nang nakabalik mula sa Amerika.
At sa loob ng tatlong pagkakataong dinalaw siya nito ay halos hindi siya kausapin. Naroon lamang ito upang ibalita sa kanya ang kalagayan ni Angeli sa Colorado. At kahit papaano ay nagtatanong ito kung may nararamdaman siyang kakaiba at kung ano ang kailangan niyang personal. Nothing but moral obligations.
Minsan ay ipinakita sa kanya ni Kristine ang log cabin na pahingahan ng magkakapatid na Navarro noong mga binatilyo pa lamang ang mga ito. She instantly fell in love with the place at ito ang nagsilbing refuge niya sa tuwing nakadarama siya ng matinding lungkot. Dito niya inuubos ang halos buong maghapon kung wala man siya sa hacienda. At kung wala ang mga anak ni Kristine ay malamang na nasiraan na siya ng bait sa kaiisip sa kalagayan niya. At kung bakit pinarurusahan siya nang ganito ni Lance. He could have just sent her home if he hated her that much.
Bagaman malayo ang Villa Navarro sa log cabin ay may shortcut sa kabila ng ilog patungong hacienda Montaño. Hanggang baywang ang tubig at nagagawa niyang tumawid dito kasama ni Arab, ang stallion ni Nick.
Huminga siya nang malalim at nilakasan ang katabing battery-operated radio-cassette upang sa musika matuon ang isip at huwag kay Lance. Nang mapakislot siya sa biglang pagbukas ng pinto ng log cabin.
“You’re five months pregnant, hindi ka na dapat pang narito at magtatawid sa ilog pauwi,” bungad ni Lance bago pa siya makabawi sa pagkabigla.
She was angry with him, hated him. Subalit hindi niya maintindihan kung bakit kailangang lumukso nang ganoon ang dibdib niya tuwing nakikita ang asawa. How could anyone hate and love at the same time?
“P-papaano mong nalamang narito ako?” Halos hindi ilabas ng bibig niya ang tinig sa pagpipigil na mahalata ni Lance ang excitement sa tinig niya.
Niyuko nito ang transceiver na nakasabit sa sinturera ng maong. “Nagradyo ako sa hacienda. Sinabi ni Nana Tonya na baka narito ka. Iyon din ang sinabi ni Kristine at Alvaro.” Hinahagod nito ng tingin ang asawa habang nagsasalita.
So pretty. Namumula ang balat sa pananatili sa hacienda. Her eyes bluer. Pregnancy became her. At ganoon na lang ang pagpipigil nitong huwag lapitan si Billie at dalhin sa dibdib. Lord, but he missed her madly. And who cared kung si Franco ang ama ng ipinagdadalang-tao niya? He wasn’t sure of that.
“I–I love it here. Tahimik,” she whispered softly.
“Pinagbabawalan kitang magtungo rito, Billie Rose,” awtorisadong wika ni Lance. “Baka kung ano ang mangyari sa iyo ay hindi malalaman ng mga kasama mo sa bahay. Ni wala kang dalang radyo at lalong hindi ka na dapat pang nangangabayo.”
Pilit siyang ngumiti. She could see concern in his eyes pero hindi na siya padadaya sa mga mood nito. Lahat ng naririnig at nakikita niya rito ay dala lang ng obligasyon.
“Bakit ka nga pala narito?”
“I—brought you some maternity dresses. Baka masikip na ang huling dinala ko.” m uli ang paglalakbay ng mga mata nito sa katawan niya. Huminto ang mga mata sa tiyan at nakita ni Billie ang pagguhit ng kung anong galit sa mga mata nito bagaman hindi nagtagal iyon.
She laughed softly. “Nalulunod ako sa mga maternity dresses, Lance. Baka hanggang sa makapanganak ako’y hindi ko magamit lahat ang mga binili mo.”
Naupo si Lance sa may kawayang papag. Enchanted by the sound of her voice as she laughed. Bumuntong-hininga ito. “Kung gusto mo rito’y magsama ka ng katulong at—”
“Kasama ko ang anak ko, Lance.” n iyuko niya ang sarili. “Kinakausap ko siya at—” b igla ang paghigit niya ng paghinga kasabay ng panlalaki ng mga mata. Napatayo si Lance at lumapit sa bangkong kinauupuan niya.
“What’s wrong? May masakit ba sa iyo?”
“I–I felt the baby moved.” k umislap ang mga mata ni Billie at dinama ang tagilirang bahagi ng tiyan. Wala sa loob na sumunod ang palad ni Lance sa itinuro niya only to take his breath sharply nang mismong sa palad nito gumalaw ang bata.
“Oh, my g od!” bulalas nito kasabay ng pagtaas ng isa pang kamay at dinama ang bahaging iyon ng tiyan. “It really moved, Billie Rose!” Tumingala ito sa asawa nang makitang kumikislap ang mga mata ni Billie sa namumuong luha habang titig na titig sa kanya. “You’re crying! Does it hurt? Nasasaktan ka ba sa paggalaw niya?”
She forced a smile between misty eyes at umiling.
“Then why are you crying?” nag-aalalang tanong nito.
“I–I don’t know.” t he lump in her throat must be as big as a pingpong ball. “...siguro dahil nandito ka when the baby moved. You see, I have always wanted to share the feelings with you. I mean—” s he stopped in mid-sentence nang makitang nakatitig sa kanya si Lance. “I–I am sorry, Lance. That was very foolish of me.” m alayang pumatak ang mga luha sa pisngi niya kahit na anong pilit niyang pigilin iyon.
Kinuha ni Lance ang mga palad niya at dinala sa bibig nito and kissed them, his eyes never left hers.
“You—want me to stay with you?” he whispered.
Hindi siya agad nakasagot. Lance was different again. Muli ay itinago niya ang pait na nararamdaman at pilit na ngumiti. Pinakawalan niya ang mga palad mula sa pagkakahawak ng asawa at pinahid ang luha sa pisngi.
“Sagutin mo ako, Billie Rose,” ulit nito. “Do you want me to stay with you?”
Marahang suminghot si Billie. “I–I guess I... I want to tell you all the news around here... a-and how I spent my time and—”
“...and how sunshine made you cry because it burnt your skin,” masuyong dugtong ni Lance as he traced the teardrops on her cheek with his forefinger. Natatawang ibinalita rito ni Kristine kung paanong umiyak si Billie dahil inabutan ng katanghalian sa parang at nagtuklap ang sunburn.
“I’m being—foolishly sentimental. I d-don’t know what made me say that. I know you’re busy and you—you—hate me.” h alos hindi niya masabi ang huling salita.
“FNC can manage without me,” mabilis nitong sagot. “And I don’t hate you now... and I want to stay with you if that is what you want...”
Walang salitang namutawi sa bibig ni Billie Rose. Nanatili siyang nakatitig sa asawa. Kahit nang marahas siyang kabigin nito at yakapin.
“Lord, how I missed you, Billie,” Lance whispered as he searched for her lips and claimed it in a kiss filled with so much longing and hunger he couldn’t put words to it.
But not as much as I missed you, Lance, bulong ng isip niya and returned his kisses with wild abandon.
His mouth was still on hers and ran a fingertip over the swell of her breast. She moaned against his lips and her stomach contracted violently. Nang biglang pakawalan ni Lance ang mga labi niya.
“I know I said I won’t touch you again, Billie,” wika nito sa gumagaralgal na tinig. His fingers slid into the deep valley between her breasts. “But I’d die if I didn’t. And I’m worried if it’s still possible for us to make love while you’re heavy with my baby...” n i hindi nito napuna ang ginawang pag-aangkin.
Her eyes caressed his face tenderly and whispered reassuringly. “We can still make love, Lance, but is it really me that you want? Won’t you be pretending that I am someone else—”
Muli siyang kinabig ni Lance at mahigpit na niyakap. “I didn’t mean that. I only said it to get back at you. Oh, Billie, please, don’t let us talk. We might end up quarelling...”
Hindi siya sumagot. Ang sariling mga kamay na mismo ang nagkusang magtaas ng polo shirt ni Lance while his lips possessed hers. She’s probably foolish pero hindi niya kayang pigilan ang damdamin para sa asawa.
LANCE gazed at his sleeping wife tenderly. Confused, so much in love and tortured. Iyon ang sama-samang nararamdaman niya habang pinagmamasdan si Billie.
Sa kauna-unahang pagkakataon, he was tender. He was able to get hold of his passion for this woman who was his wife dahil sa kalagayan nito. Still, naroon pa rin ang intensity. Every lovemaking is always better than the last.
And yes, he was in love with his wife. Madly and foolishly in love. A bitter laugh rose inside him. How come he fell in love with the wrong woman for the second time around? Jewel was the wrong woman for him in a sense that she was married and hopelessly in love with Bernard.
Oh, yes, Billie was his wife, chosen for him by his own father. Hated her from the very beginning at ni sa panaginip ay hindi niya inaakalang pag-uukulan niya ito ng ganitong damdamin. So intense that he can forgive her anything. Her betrayal, her admission that she loved his father at pinapatay siya ng katotohanang iyon. He wished she just lied about that.
Maingat niyang ginagap ang isang palad ni Billie Rose at dinala sa bibig.
“So small and yet this hand held my whole life. Why can’t I help falling in love with you, Billie Rose Navarro?” bulong niya.
Billie purred at marahang nagmulat ng mga mata. “Have I slept too long?” she asked huskily, smiling a little. There was a light in her eyes that made him feel warm.
He smiled back. “Half an hour...”
Nilinga niya ang hinihigan. “So we finally made it to bed, huh?” she teased.
“Kawayang papag, but nevertheless, a bed,” he agreed grinning. Then a worried frown on his forehead. “Are you all right? I didn’t hurt you and the baby?”
Itinaas ni Billie Rose ang kamay at hinaplos ang pisngi ng asawa. “You were very gentle and thank you so much for it, Lance,” she whispered emotionally.