Chapter Fifteen
S I LANCE ay nagtuloy sa sariling kuwarto. Kung sino man ang nasa ibaba ay maghintay ito. Humugot ng maong mula sa cabinet. Hindi na nag-abalang magsuot ng pang-itaas.
He was snapping his jeans nang sandali siyang natilihan. He had never made love to a woman nang walang proteksiyon. Maingat siya roon. Iyon ang cardinal rule nilang magkakapatid. No unwanted pregnancy.
Paanong nawala sa isip niya iyon kanina? Was it because Billie was his wife and subconsciously hindi niya kailangang mag-alala kung magbunga man ang pagtatalik na iyon? But how come he cried her name during the endless climax? Hindi niya iyon ginagawa sa mga nakatalik niya, lest he mixed his girlfriends’ names.
And why was the pleasure so intense his body ached to take her again? Why was she affecting him this way? Why was the feeling so different that he couldn’t give a name to it? That he even thought Billie Rose gave a new meaning to the word lovemaking? He doesn’t give in to emotions so easily. Pero hindi niya maintindihan kung bakit mula nang magkita sila ni Billie ay sarisaring damdamin ang kaybilis nitong pinupukaw.
From tenderness to anger to passion to confusion.
NASA kalagitnaan siya ng hagdan nang matanawang papasok ang mga magulang. He felt like laughing. Nahuhulaan na niyang puputulin ng mga magulang ang bakasyon sa Kristine Resort sa imbitasyon ni Nathaniel sa sandaling mabasa ang mga balita.
“Lance.” s i Beatriz na nagmamadaling lumapit. “Why can’t I reach you through the phone? Totoo ba ang itinawag ni Jenny? Narito ba si Billie Rose?” sunod-sunod nitong tanong.
Napatingala sa kisame si Lance. Naunahan ng kapatid ang mga peryodiko. Hinagkan niya ang ina nang makababa. “Isa-isa lang, Mama,” he said in amusing tone at sinulyapan ang ama na nagtuloy sa bar. “First, I took the phone off the hook at totoo ang sinabi ng bunsong anak ninyo. Nasa guest room si Billie...”
“Oh, dear!” bulalas ni Beatriz.
Sa sulok ng mga mata ni Lance ay nakita niyang nahinto sa pagsasalin ng alak ang ama at tumingin sa itaas at muling ibinalik ang mga mata sa kanya.
“I don’t want to ask why your wife has finally come home, Lawrence.” s i Beatriz na kitang-kita ang kasiyahan sa mukha. “I hope hindi mo siya itataboy pabalik ng Colorado!” May banta sa tinig nito.
“Convince her, Mother,” matabang niyang sagot. Pagkatapos ay tinitigan ang ama. “You’re an expert at that, Papa, `di ba?” wika niya sa bahagyang nanunuyang tono. “...convincing people. And she wanted annulment.”
Ibinagsak ni Franco ang bote ng alak sa bar counter. “And I don’t blame her!”
“Franco!” Si Beatriz. Nasa tinig at mga mata ang babala. Pagkatapos ay bumaling sa anak. “Ano ang sinabi mo?”
“What do you want me to say, Mother?” ganting tanong niya.
“All right.” s i Franco bago pa makapagsalita si Beatriz. “I give up, Lawrence. Inaamin kong nagkamali ako nang ipakasal kita kay Billie. Annul your marriage and make it fast. I know I have been unfair with her. May sariling buhay iyong bata at ikinulong ko sa pagpapakasal sa iyo.” Nilingon nito ang asawa. “Tayo nang umuwi, Beatriz.”
Alanganing sumunod sa asawa si Beatriz. Nasa gitna na sila ng sala nang mapatingala ito. Nasa bungad ng hagdan si Billie at bumababa.
“Hija...”
Napahinto rin si Franco at tiningala ang manugang, hinintay na makababa siya.
“T-Tita Beatriz,” aniya at hinagkan ang pisngi ng matandang babae. Pagkatapos ay nagmamadaling humakbang patungo kay Franco at masuyong yumakap dito. “Hello, Tito Franco...”
Si Lance ay nagsalubong ang mga kilay na pinagmasdan ang asawang kumikislap ang mga matang nakatingala kay Franco Navarro. Ang huli ay nakayakap sa baywang ni Billie.
“How are you, Billie Rose?” masuyong tanong nito. “Hindi ka na nasanay na tawagin kaming mama at papa.”
“It doesn’t really matter what I call you, does it?” malambing niyang sagot. Pagkatapos ay nilingon si Beatriz na nakamasid lang. “You were on vacation?”
Pormal na ngumiti si Beatriz. “Nagyakag kaagad na umuwi si Franco nang malamang narito ka, Billie Rose.”
“Well, this calls for a celebration,” nakangising wika ni Franco. Still as handsome as ever. Nilingon ang anak na hindi na naalis ang kunot sa noo. “Magbihis ka, Lance, ikaw rin, Billie. This is my treat para sa inyong mag-asawa.”
Gustong tumanggi ni Lance pero wala siyang maidadahilan. At sa duration ng dinner, nakita nito kung gaano kapalagay ang loob ng asawa sa ama. Ipinagsasalubong ng mga kilay nito ang paraan ng titigan ng dalawa sa mismong harap ni Beatriz na walang anumang kumakain at tila hindi binibigyang pansin.
Halos lahat ng usapan ay ginawa nina Franco at Billie. Si Beatriz ay manaka-nakang humahalo sa usapan. Pagkatapos ng dinner ay nagyayang mag-ball room dancing si Franco Navarro. Sa ikalawang pagkakataon ay hindi naisatinig ni Lance ang pagtanggi.
Kung dati ay itinataboy ni Franco ang mga kislap ng mga camera ngayon ay tila hindi nito napapansin iyon. He was alternately dancing with his wife and daughter-in-law. At sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ni Lance na tila binata ang ama na napapagitnaan ng dalawang magagandang babae.
“Hindi ko alam na mahusay ka sa mga lumang sayaw?” he asked drily when it was his turn to dance with his wife.
“Oh, my mom loved to dance,” at sukat sa sinabi ay nawala ang kislap sa mga mata ni Billie kasabay ng pagsulyap kay Franco at Beatriz na nagsasayaw rin.
Sinundan ni Lance ang mga mata niya at nahuli ang kindat na ibinigay ni Franco kay Billie. Then she was smiling again.
NAKASISILAW na liwanag ang gumising kay Billie.
“Alas-onse na.” s i Lance na bahagyang ngumiti at hinahawi ang kurtina. “We’re leaving for Alta Tierra today, remember?”
“Do we really have to go?” inaantok pa niyang sabi. Alas-dos na ng madaling-araw sila umuwi. Paglapat ng katawan niya sa higaan ay nakatulog na siya kaagad. Sukat doon ay itinaas ang kumot and found herself naked. At bago pa siya makapagtanong ay nagsalita na si Lance.
“Naparami nang kaunti ang nainom mo kagabi,” matabang nitong sinabi. “Hindi mo na nakuhang magpalit ng damit so I took the privileged of undressing my wife.”
Hindi totoo iyon. Alam niyang hindi marami ang nainom niya. But she was too tired nang makauwi sila, her whole body was aching at nagsilbing pampatulog ang champagne.
She raised her eyes to him. “Did you—I mean did you—sleep—”
“I know what you mean,” sagot nito sa walang emosyong tinig. “I don’t make love to a drunk woman, Billie, just to satisfy myself. Love making is a two-way traffic. Besides, even if you were sober, I don’t think you can take me again.” b iglang nag-iba ang tono nito and smiled at her gently. “You’re so small and I’m afraid my body will physically break you...”
Doon siya tuluyang namula. Pagkatapos ay nakita niyang nawala ang ngiti sa mga labi ni Lance nang muling magsalita.
“And I wonder though how you never missed every piece last night with my father...” t umayo ito at tinungo ang pinto. “Start packing while I’ll make some calls.”
Mabilis siyang tumayo at pumasok sa banyo. She smiled habang tinitimpla ang tubig. Her body was aching. From dancing and from making love? Who cared? Yesterday, Lance made her a woman and she would never regret it. And last night, she danced with her husband and... Franco Navarro. Her only regret ay dalawang beses lang siyang isinayaw ng asawa.
At siguro ay pagtatawanan siya ni Lance kung sasabihin niyang iyon ang unang party niyang talagang nag-enjoy siya. She couldn’t afford to party with friends in Colorado. Hindi siya papayagan ni Nick at magagalit ito sa sandaling malaman. She was a married woman and must behave as such. Bukod pa roon, hindi niya maiiwan ang bunsong kapatid sa mag-asawang matandang pareho nang may rayuma.
Kaya nga excited siya noong unang gabi niya sa hotel at niyaya niya sa ballroom si Luke upang muli ring bumalik sa silid niya sa itaas nang makita si Lance.
Si Luke! Sandaling natigilan si Billie. Paanong sa nakalipas na mga sandali ay hindi pumasok sa isip niya ang kasintahan?
Kasintahan? Oh, dear l ord, wala siyang karapatang tawagin itong kasintahan. At sa nararamdaman niya ngayon ay hindi niya natitiyak kong gusto pa nga niyang ipagpatuloy ang pagpa-file ng annulment. Lalo at hindi naman papayag si Lance.
Minadali niya ang pagsa-shower at mabilis na nagbihis at nag-empake. She was ready at hinila na palabas ang malaking de-gulong na maleta. Nasa puno siya ng hagdan nang marinig ang boses ni Lance na may kausap sa telepono.
“Ihahatid ko si Billie sa Alta Tierra, Charry,” wika nito. “Yes... u uwi rin ako ngayong araw na ito. May meeting sa FNC bago umalis patungong Houston si Alvaro at ang pamilya niya kasama ang Mama. Yes... `bye.” Ibinaba na nito ang telepono. Napatingala si Lance nang marinig na bumababa siya. Sinalubong siya at kinuha ang bagahe niya.
LANCE piloted the chopper to Alta Tierra. Sa buong oras na biyahe ay namagitan ang mahabang katahimikan sa kanilang dalawa. Nagkasya si Billie sa pagtanaw sa dagat at bundok and at the same time missing Colorado. Ibinalik niya ang tingin kay Lance at nagtanong nang may maalala.
“N-narinig kong... kong... sinabi mo sa kausap mo sa telepono na kasama ni Alvaro ang Tita Beatriz sa——”
“You don’t call your mother-in-law Tita Beatriz, Billie,” pagtutuwid ni Lance bagaman hindi siya nilingon. She shrugged her shoulders at hindi sinagot iyon. Nagpatuloy si Lance. “Kabuwanan ni Kristine ngayon sa pangalawang anak nila at nakiusap si Alvaro na sumama ang m ama dahil magiging abala ito sa sunod-sunod na meeting.” Hindi na sinabing ito dapat ang pupunta sa Houston para sa annual board meeting at pinakiusapan lang si Alvaro.
Hindi na muling nag-usap ang dalawa hanggang sa ilapag ni Lance ang chopper sa airstrip.
“Villa Navarro,” Lance announced proudly.
“Beautiful!” bulalas ni Billie nang makababa at makita ang kabuuan ng villa. Red bricks at adobe, puting pintura sa ibang kahoy at mahogany sa mga balustre. “It looked like an old castle maliban sa walang tore. Ang villa sa r ancho Montaño ay hindi ganyan kaganda at kalaki, Lance.”
Hinawakan siya ni Lance sa braso at inakay. “I’m glad you liked the place. At least, hindi magiging boring ang pananatili mo rito.”
Sinalubong ni Donya Erlinda ang apo sa may portico. Isang halik ang ikinintal ni Lance sa matandang babae. Isang masuyong tapik sa mukha ang ibinigay ni Erlinda sa apo at binalingan si Billie.
“Ikinatutuwa ko ang muli mong pagbabalik, hija,” bati ni Erlinda kay Billie.
Iyon ang ikalawang pagkakataong nakita niya ang matandang donya. Noong araw na umuwi siya sa Sto. Cristo ilang araw matapos ang kasal ay sinadya siya ng matandang babae sa r ancho Montaño. Hinikayat na manatili.
“Kumusta na po kayo?” Isang halik sa pisngi ang ibinigay ni Billie.
“Halika, apo.” i nakay siya nito papasok sa loob. “Kuwentuhan mo ako tungkol sa daddy mo. Ikinalulungkot kong hindi ko na kayang magtungo sa ibang bansa nang mamatay ang ama mo...”