Chapter Two
“N AGKAMALAY na ba siya?” Si Nick kay Alvaro.
Isang buntong-hininga muna ang pinakawalan ni Alvaro bago sumagot. “Hindi pa rin. Pero narinig mo ang sinabi ng doktor kanina. Nilampasan na niya ang critical stage. But I am also worried about him.” i tinaas nito ang paningin sa may salamin ng ICU at mula roon ay tinanaw ang nakatayong si Franco Navarro at tinutunghayan ang anak.
Tumango si Nick. “Yeah. Hindi pa siya natutulog mula nang dumating tayo kahapon ng hapon.”
“I haven’t seen him like this, Nick,” patuloy ni Alvaro na umiling. Hindi inaalis ang paningin sa ama na nakayuko sa anak. Nangingitim na ang paligid ng mukha sa mga tumutubong balbas. Tila nadagdagan ng maraming taon ang edad. “Idagdag pa ang kalagayan ng Mama sa Pilipinas...”
Hindi sumagot si Nick, sa halip ay tumingala sa kisame at hinagod ang batok kasabay ng malalim na paghinga. For four days, it was touch and go for Lance. Mula nang idating ito sa ER ay kaninang umaga lang idineklara ng mga doktor na ligtas na sa panganib ang binata. At hindi umalis si Franco sa tabi ng anak kahit na nang sabihin ng mga doktor dito kanina na ligtas na ito.
“Your son is going to be all right, Mr. Navarro,” ayon sa doktor kaninang umaga sa kanilang mag-aama, itinuon ang tingin sa monitor na nagbabadya ng normal na pagtibok ng puso ni Lance.
Halos sabay-sabay ang paghugot ng hininga ng mga Navarro sa narinig. Bawat isa ay umusal ng pasasalamat.
“You may go home now. We will contact you the moment he wakes up...” patungkol sa kanilang lahat ang sinasabi ng doktor.
“Tayo na, Papa.” s i Jennifer na bahagya pang humihikbi at hinawakan sa braso ang ama.
“Sige na kayo,” mahinang sagot ni Franco. “Gusto kong narito ako `pag nagkamalay si Lance...”
Gustong magprotesta ni Jenny subalit nang mapasulyap kay Alvaro ay itinikom na muli ang bibig.
“Alright, but you could, at least take a cup of coffee,” patuloy ni Jenny sa nag-aalalang tinig. “You haven’t taken anything since you arrived yesterday afternoon and I doubt if you ate at the plane.”
“Ako na ang bahala rito, Jennifer,” ani Alvaro na sinulyapan si Zandro. “Take your wife home. Hindi pa rin kayo natutulog...”
“Ihahatid ko na sila sa cottage, Alvaro,” alok ni Nick. “Magpapalit lang ako ng damit at babalik uli ako dito...”
That was this morning. At pasado alas-dos na at nakabalik na muli si Nick ay naroon pa rin si Franco. Gusto nitong manlumo para sa ama. Nang malaman nila ang nangyaring car crash ni Lance ay nag-breakdown si Beatriz. Ganoon na lang ang pagkakagulo ng sambahayang Navarro. Nahati ang isip sa nangyari kay Lance at sa ina. Mabuti na lang at tiniyak ng mga doktor na matinding shock ang nangyari kay Beatriz at wala itong diperensiya sa puso.
Hindi malaman ni Franco ang gagawin. He was dead worried for his son and his wife. The doctors advised his wife to have a complete rest. At si Beatriz mismo ang nag-utos sa asawa na umalis kaagad. Hindi gustong iwan ni Franco ang asawa kung hindi nito sinabing ito mismo ang aalis patungong Texas. At kinailangan pang matiyak ni Franco mula sa mga doktor ang ligtas na kalagayan ni Beatriz bago sila sabay-sabay na umalis na mag-aama ng Pilipinas.
“Hindi pa ba lumalabas mula kanina ang Papa?” muli niyang tanong kay Alvaro.
“For a while. Napilit ko siyang kumain.”
“Ikaw naman ang umuwi, Alvaro. Ako na ang bahala rito,” wika niya sa kapatid.
Tumango ito. “Thanks. I need a shower.” t inapik nito sa balikat si Nick at sinulyapan muli ang loob ng ICU bago lumakad palabas.
Si Nick ay tinungo ang isang coffee machine sa dulo ng pasilyo at naghulog ng coin para magkape. Pabalik na ito nang bumukas ang elevator at lumabas ang isang dalagita.
“Billie!”
“Nick,” lingon ng tinawag na bahagya lang kinakitaan ng pagkabigla. “So you’re here. How’s Lance?”
“Thank God, he’s out of danger,” sagot nito sa nagsasalubong na mga kilay. Hinagod ng tingin ang dalagita. “Kasama mo ba ang Uncle Luis?”
Sandaling nailang ang dalagita. “I... I’m a-alone. I am staying at my friend’s house. I came at the start of the race...”
Lalong nagdikit ang mga kilay ni Nick. “Pinanood mo ang race ni Lance? I can’t believe it. You don’t know each other... personally, at least. At pinayagan ka ng Uncle Luis na magpunta rito nang nag-iisa?” Ang cottage ranch ng mga ito ay mahabang oras ang biyahe mula Houston.
Bahagyang tumalim ang mga mata ng dalagita. “C’mon, Nick. I am nineteen years old. Hindi ko kailangan ng chaperone para—”
“What exactly did you tell your father para payagan ka niyang magpunta rito nang nag-iisa, Billie Rose?” agap ni Nick sa mapanganib na tono.
“As if Dad would care what ever happens to me?” she murmured. Umiwas ng tingin.
“Billie Erika Rose!”
She sighed. Kapag gumamit na ng ganoong tono si Nick at binuo ang pagkahaba-haba niyang pangalan ay alam niyang galit na ito. And she was scared of her cousin kaysa sa daddy niya. Marahang humakbang patungo sa mahabang upuan sa labas ng ICU at naupo.
“Sumagot ka, Billie or I’ll call your father right this very moment!” banta nito sa kontroladong tinig.
Si Billie ang panganay na anak ng tiyuhin nitong si Luis Montaño, ang nakatatandang kapatid ng mama nitong si Monica Montaño Gascon. Sa Amerika ipinanganak at nagkaisip dahil isang American ang napangasawa ni Luis Montaño bagaman namatay ito sa panganganak sa ikatlong anak. Pana-panahon at tuwing may okasyon ay dumadalaw ang pamilya sa Sto. Cristo. Pagdalaw na dumalang magmula nang mamatay si Monica.
“All right!” baling ng dalagita rito na itinaas ang dalawang kamay at sinikap na huwag lakasan ang boses. “S-sinabi ko sa d addy na narito ka to watch the race kaya niya ako pinayagan. And that I will be staying at the Navarro cottage with you,” sagot ng dalagita sa t agalog na may accent. Kahit paano ay sanay itong managalog dahil kay Luis at sa dalawang matandang katiwala nilang mga Pilipina na hindi pinangarap magsalita ng e nglish maliban sa yes at no.
Tumiim ang mukha ni Nick. “You were never interested in car racing, Billie, para magsinungaling sa daddy mo.” n aghihinalang tinitigan nito ang pinsan.
Muling iniwas ng dalagita ang paningin. She couldn’t tell her cousin the truth or Nick would kill her kung hindi man siya kakaladkarin nito pabalik sa Colorado sa oras na iyon. Sa totoo lang ay hindi niya inaasahang makikita ang pinsan ngayon. Alam niyang maaaring nasa Houston ang pamilya dahil sa nangyari kay Lance but she wasn’t expecting to see him soon.
At narito na rin lang siya sa ospital ay gusto na niyang silipin si Lance Navarro. Out of curiosity at pag-aalala na rin dahil kahit paano ay kapatid ito sa ama ng pinsan bagaman hindi naman sila talaga magkakilala ni Lance.
“W-well... it’s... it’s different with L-Lance, Nick. I had a c-crush on him...” she lied.
“What!” Muntik nang matapon ang kape sa styropor sa sinabi ni Billie.
Nagkibit ng mga balikat si Billie at bahagyang lumabi. “Is it unusual na magka-crush ako kay Lance? Everybody does...”
Hindi pa rin makahuma si Nick. Ilang segundo ang lumipas bago muling nagsalita. “Since when?”
Tumingala sa puting kisame ang dalagita na tila iniisip kung kailan siya nagka-crush kay Lance Navarro. “I think it’s when... yes, when Lance started to—”
“Kailan ka nagsimulang mag-ukol ng pansin sa lalaki?” agap ni Nick. “You were more interested in horses than boys, Billie, and I cannot imagine my dear little tomboyish cousin na mag-ukol ng pansin sa lalaki. At hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit,” he said drily.
Matamis na ngumiti ang dalagita, tumayo at ikinawit ang braso sa pinsan. “Now, don’t let us talk about me. I’m really glad I saw you here, Nick. How’s Lance? Nandito rin ba ang Tito Franco at Tita Beatriz?”
SI LANCE ay bahagyang umungol na nagpakislot kay Franco. Humakbang palapit sa anak. “Lance...?”
Si Lance ay unti-unting nagmulat ng mga mata. Kumurap-kurap bago tuluyang naipokus ang paningin sa nasa harap.
“Papa...” he whispered in a hoarse voice. Nagtangka itong kumilos subalit napangiwi.
“It’s all right, Lance,” bulong ni Franco na banayad na hinawakan sa magkabilang balikat ang anak.
“Ano’ng... nangyari? Why am I in pain? What happened to my leg?” Niyuko nito ang naka-cast na kaliwang binti at muling napangiwi sa sakit dahil sa pagpilit na maiangat ang ulo.
“Huwag mong piliting kumilos, anak. It is to be expected that you will feel pain. Naaksidente ang—”
“Yes. Naalala ko na.” m ariing napapikit ang binata nang mag-unahan sa isip ang pangyayari bago siya tuluyang nawalan ng malay. Pagkatapos ay nagtagis ang mga bagang nang maalala ang dahilan ng pagtaob ng sasakyang pangkarera niya.
“It’s okay, Lance. Magpasalamat tayo at buhay ka.” t ipid na ngumiti si Franco.
Banayad na tumango si Lance at tinitigan ang ama. Pagkatapos ay nagsalubong ang mga kilay. “You look like hell...”
Lumapad ang ngiti ni Franco. “Look who’s talking,” tukso nito at masuyong hinagod ng tingin ang anak. May limang stitches sa may bandang itaas ng noo.
Gumanti ng ngiti si Lance. “Thanks for coming.” p inisil nito ang palad ng ama. “Ang Mama?”
Biglang nawala ang ngiti ni Franco. “She’s fine...”
“Hindi iyon ang ibinabadya ng mukha mo. How is she?” mapilit nitong tanong.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Franco. “She didn’t take it lightly. But she’s okay now, I talked to her this morning. She’s burning the lines...”
Sasagot sana ang binata nang lumapit ang doktor. “I am sorry, Mr. Navarro, but the patient must rest.” i tinaas nito ang manggas ng hospital robe na suot ni Lance at tinurukan ng injection ang binata.
“What was that?” kunot ang noong tanong nito sa doktor.
“Sedative...” sagot ng doktor na tinapik sa balikat si Franco. “Let him rest, it’ll do him good...” wika nito at tuloy-tuloy nang umalis.
“Damn doctor,” usal ng binata na unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata. “I don’t want... to sleep...”
Ginagap ni Franco ang kamay ng anak at pinisil. “I’ll be around when you wake up...”
“Tawagan mo... ang... Mama. Tell her... not to... worry...”
Tumango si Franco. “I love you, son. Sometimes I wonder if I have told you that often enough...”
Nagpakawala ng inaantok na ngiti ang binata. “You... didn’t have to. I... know you do...” t uluyan na itong pumikit.
“Yeah. Only you didn’t know how much.” Sinikap ni Franco na huwag bumagsak ang namumuong luha at itinuwid ang sarili. Tinitigan ang anak at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga kasabay ng pagtiim ng mga bagang.
Damn jet-setting and car races, Lawrence Navarro! It almost took your life. I will see to it na mananatili ka sa FNC at kalimutan ang racing car!
SA labas ng ICU ay nagulat pa si Franco nang makilala ang kausap ni Nick.
“Billie Rose!” bulalas nito. “Is it really you?”
“Hello, Tito Franco,” bati ng dalagita na mabilis na lumapit dito at humalik sa pisngi. “Kumusta na po si Lance?”
“Nagkamalay na siya pero muling pinatulog ng doktor.” n iyuko nito ang pamangkin ni Monica. Mabibilang sa daliri ang mga pagkakataong nagkikita sila ng dalagita. Pero tinitiyak nitong sa tuwing nasa ibang bansa ay dinadalaw nila ni Beatriz ang kapatid ni Monica na si Luis. “When did you grow so tall and pretty?”
Ngumiti ang dalagita. “So you did notice that I am pretty, huh?” masuyo niyang sagot na tumingala rito. Singkuwenta nang mahigit si Franco Navarro. Pero sa tingin niya ay walang nagbago. Handsome as ever.
Si Franco Navarro ang kauna-unahan niyang crush. She first saw him when the Navarro’s along with Monica attended Nick’s graduation at UCLA. She was almost sixteen then. Tomboyish. Laging naka-jeans. Anybody could have mistaken her for a boy had it not been for her long dark brown hair.
She adored him. At sa tuwing dumadalaw ang mag-asawang Navarro sa daddy niya ay hindi niya pinagsasawaang pagmasdan si Franco. At nang araw na mamatay si Monica ay gusto niyang yakapin ito and comfort him. He was troubled then dahil sa nangyaring iskandalo. And she didn’t blame her Aunt Monica for falling in love with the man. Ipinagtanggol niya si Franco Navarro sa daddy niya nang magalit ito. Para sa kanya ay si Franco Navarro ang epitome ng ideal man niya.
Funny that she never had a crush kahit sa isa sa mga binata nito. Oh, well, she loved and adored Nick dahil pinsan niya ito. Pero nakapagtatakang hindi niya napagtuunan ng pansin ang sino man kina Alvaro at Lance who were both as handsome as their father. Lance most especially dahil maliban sa kulay ng balat, ito ang younger version ni Franco.
And if truth be told, kinaiinisan niya ang parating nababasa at naririnig na mga affairs ni Lance Navarro. Para sa kanya ay napakairesponsable nito sa pagiging jet-setter habang nasa likod ng executive desk ang ama.
Bagaman tulad ni Lance ay hindi naman din siya personal na kilala ni Alvaro ay mas kinikilingan pa niya ang nakatatandang anak ni Franco. Tahimik at siyang namamahala sa rancho sa Alta Tierra.
And seeing Franco Navarro now ay naroon pa rin ang admiration niya. And she thought that childish crush had gone when she met his first and current boyfriend, ang dahilan kung bakit siya talaga naroon sa ospital.
“Bulag lang ang hindi makakapansing maganda ka, Billie Rose,” ani Franco na nagsalubong ang mga kilay sa pagtitig sa magandang mukha ng dalagita. “Hindi ba, Nick?” dugtong nito bagaman hindi sinulyapan si Nick na natawa.
“The classic American...” matabang na sagot ni Nick.
Patuloy sa pagtitig si Franco sa dalagita. “Dark brown hair, the classic brunette in riot curls... your eyes, what color are they?” Hinawakan siya sa baba at itinaas ang mukha at tinitigan ang mga mata niya.
She wrinkled her nose. “I don’t like the color of my eyes. I wish they were black or brown just like my hair.”
“But they’re beautiful, Billie Rose,” patuloy ni Franco. “Deep set and the faintest of blue. The romantics called it ice blue. And fair skin.” w ala sa loob na umiling ito. Pagkatapos ay may misteryong ngiti na sumilay sa mga labi. “...the exact opposite...” anas nito.
“What are you talking about, Tito?” Si Billie na nakakunot ang noo na tumingala sa lalaki. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Nick ang sinabi ng ama at biglang napabaling ito ng tingin sa matandang lalaki.
“I want to talk to your father, Billie, bago ako bumalik ng Pilipinas.”
“S-sure, Tito...” nagtataka pa ring sagot ng dalagita. Sinulyapan si Nick na tulad niya ay nagsasalubong ang mga kilay.
You will hate me for this, Lance, but enough is enough.