Chapter Twenty-one
“ N O?” Ulit ni Billie Rose sa nagsasalubong na mga kilay. Never knowing that that moment Lance was capable of violence.
Lance summoned all self-control. Ilang sandali ang pinalipas bago nagsalita. “Hindi ka aalis ng bansa, Billie Rose.” h is nose flared in anger. “You will stay and kill the rumor between you and my father. Tayong dalawa ang makikita nilang magkasama sa susunod na mga araw...”
“But—”
“Damn you!” he shouted. “Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kung malaman nilang pareho kayong aalis ng p apa!”
Lalo nang naguluhan si Billie Rose. She was having a difficult time keeping up with the man. “What are you talking about?”
“Don’t play dumb, Billie Rose!” nagpupuyos na wika nito. Galit sa ama at galit sa babaeng nasa harap.
“I am dumb so tell me!” ganti niya. “You are driving me mad with your temper at hindi kita naiintindihan! You must have allowed yourself to undergo a head scan!”
Kung hindi sa bigat ng mga nabuong pangyayari sa isip ni Lance, he would have laughed aloud sa sinabi ng asawa. He decided to play her game.
“Nakatakdang umalis ang p apa pagkatapos ng board meeting upang humabol sa meeting sa Texas. Nagkataong namatay ang Lola Erlinda so he was delayed. At nalaman ko mula sa sekretarya niyang tutuloy sa pag-alis ang p apa sa linggong ito!”
“Oh.”
“And you, my dear, will remain here with me and act your part as my beloved wife! ”
“Lance, the moment I’m gone at bumalik na rito ang p apa’t m ama ay tuluyan nang mawawala ang walang katotohanang tsismis na iyan,” she pleaded. Kailangang mawala sa paningin niya si Lance para sa katinuan ng isip niya. “At paano na lang si Angeli?”
“Naroon si Nick. Hindi niya pababayaan ang kapatid mo,” wika nito sa pinal na tono. “You can call her anytime.”
TATLONG araw matapos ang pag-uusap na iyon ay umalis si Franco patungong Texas. Isinama siya ni Lance sa paghatid dito sa NAIA and was extra-sweet with her. She was never allowed to leave his side at alam niyang dahil iyon sa mga nakamasid na press.
Inihatid lang siya ni Lance at pagkatapos ay umalis na rin ito. At sa loob ng natitirang oras sa maghapong iyon ay wala siyang ginawa kundi ang matulog. Masama ang pakiramdam niya at hindi niya gustong lumabas ng silid.
Kinahapunan ay tinawagan siya nito. “Get ready and we will dine outside,” wika ni Lance.
“Oh, no, Lance,” she answered weakly. “I don’t feel like going out today. Masama ang pakiramdam ko at gustong kong matulog na lang.”
“Billie—”
“You can’t force me,” agap niya sa naiinis na tono nang mahulaang hindi papayag ang asawa. “I want to have an early night, Lance, at kung gusto mong lumabas, suit yourself,” pagkasabi ay ibinaba niya ang telepono at muling ibinaon ang mukha sa unan.
Si Lance ay nagtiim ang mga bagang. Nasa isip na nagdadahilan lamang ang asawa at hindi nito gustong lumabas na siya ang kasama. Muli niyang dinampot ang telepono at tinawagan si Charry.
HATINGGABI na nang makauwi si Lance. Tuloy-tuloy sa guest room at binuksan ang pinto ng silid. Pagkatapos ay kinapa ang ilaw at ini-on. Nagising si Billie at bahagyang nagmulat ng mga mata at nilingon ang asawa sa may pinto.
“W-what time is it?” she asked huskily.
“Past twelve,” wala sa loob na sagot nito. Nakadapa sa unan ang asawa with her pajamas on.
“Good... morning then... and put the lights off,” she purred and went back to sleep.
Walang kibong pinatay ni Lance ang ilaw at muling isinara ang pinto. Nagtuloy sa sariling silid. Inihagis ang susi ng sasakyan sa tokador at naghubad ng damit. Pumasok sa banyo at itinapat ang sarili sa malamig na tubig. Gusto niyang sugpuin ang init na nasa katawan sa pamamagitan ng tubig.
Lord, but he hated and wanted her at the same time. Anong uri ng virus ang dumapo sa kanya at ganito na lang kasidhi ang pangangailangan niya sa asawa? Pangangailangang hindi kayang tugunan ni Charry. Charry who was more of his type at higit na maganda, higit na kaakit-akit kaysa kay Billie. Si Charry na ginagawa lahat ang paraan upang masiyahan siya sa alinmang pagtatalik nila. While he taught his wife what to do during their lovemakings.
Sa lagaslas ng tubig ay pumasok sa isip ang frustration ni Charry kanina sa unit nito.
“You were bad today, honey?” she said accusingly. A frustrated look in her beautiful eyes. Tumayo ito, ni hindi nag-abalang takpan ang katawang hubad at lumakad patungo sa dresser kung saan naroon ang sigarilyo.
Lance watched the goddess beauty in admiration. Dark and exotic. Flawless mula ulo hanggang paa. The man must be physically impotent upang hindi mapukaw sa harap ng babaeng ito.
And he was as healthy and normal as the next man. He obligingly performed his task and to his dismay, couldn’t reach for a satisfying release.
“What else do you want, Charry?” tanong niya and watched her blew the smoke ceilingward. “I’ve done my part...”
“Alam mong hindi ang sarili ko ang ibig kong sabihin,” wika nito sa nagtatampong tinig. “I can’t fault you with that. Ikaw ang gusto kong tukuyin, Lance.”
Tumayo si Lance at dinampot ang briefs at isinuot. Isinunod ang pantalon. “Perhaps I want my wife and find myself defiling our marriage bed. Don’t you think so?” he said brutally habang isini-zipper ang pants.
Naningkit ang mga mata ni Charry doon. “You hypocrite and heartless bastard!” ang hindi mapigil nitong bulalas.
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Lance doon at itinaas ang dalawang kamay. “Guilty as charged.” Pagkatapos ay inabot nito ang polo shirt at isinuot habang pinagmamasdan ang shock sa mukha ni Charry. “I have always been frank with you, Charry, honey, to the point of brutality. And I can’t pretend otherwise, dahil ako iyon, `di ba?”
“Get out, Lance Navarro!” she shouted hysterically. Tuluyang nawala ang iniingatang composure mula pa sa unang araw na nagkakilala sila. “And I hope your wife will break your heart to pieces as you did mine!”
“Paanong gagawin ng asawa ko iyon gayong kasasabi mo lang na heartless ako, Charry, honey?” he taunted.
“Oh!” Dinampot nito ang ashtray at ibinato sa kanya. Bahagya nang nakaiwas si Lance at tumama ang ashtray sa lampshade at bumagsak iyon sa sahig. Luminga ito sa paligid upang maghanap uli ng malaking bagay na ibabato nang magsalita si Lance.
“Don’t try that again.” h is voice calm pero nasa mga mata nito ang pagbabanta. Dumukot ito sa bulsa ng pantalon at isang velvet box ang inihagis sa kama. “And don’t pretend to give it back to me because I know you’ve wanted that. Good-bye, Charry, and thank you so much for the good times.”
“I hate you, Lance Navarro!” hiyaw nito nang palabas na siya ng pinto. Nahagip ng kamay ang bote ng pabango at ibinato sa pasarang pinto kasabay ng sunod-sunod na pagmumura.
Pagkatapos ay nanlulumong umupo sa kama. Hindi makapaniwalang natapos nang ganoon lang ang relasyon nilang dalawa. Sinulyapan ang velvet box at dinampot at binuksan. She gasped nang matambad sa kanya ang isang diamond studded bracelet, ang minsang itinuro niya kay Lance sa isang kilalang jewelry store. At alam niya kung magkano ang halaga ng alahas. It was a small fortune.
So the bastard have planned to end their affair today and made it in his usual gallant ways. Gusto niyang mainsulto pero natakpan iyon ng kasiyahan sa bracelet na nasa box.
TANGHALI na nang magising kinabukasan si Lance. Mag-uumaga na nang makatulog ito sa kaiisip sa asawang nasa katabing silid lang. Mabilis itong nag-ayos at nagbihis upang pumasok ng opisina.
Sa pasilyo ay marahan nitong kinatok ang silid ng asawa. Nang walang sumagot ay binuksan ang pinto. Nakahiga pa rin si Billie Rose at nakayakap sa unan subalit gising na.
“Hi,” inaantok niyang bati pagsungaw ni Lance. “` m orning...”
Nagsalubong ang mga kilay ni Lance. “Are you sick or something?”
“H-hindi ko alam,” tinatamad niyang sagot. “I just don’t feel like getting up.” n ang bigla niyang malanghap ang cologne ni Lance ay agad ang pagtakip niya ng ilong. “W-what’s that smell? I-I am going to be sick!” Kinapa ni Billie ang sikmura at mabilis na bumangon patakbo sa banyo.
She almost didn’t make it.
Si Lance ay itinulos sa kinatatayuan at pinigil ang sariling lapitan ang asawa. May kung anong hinala ang pilit na nagsusumiksik sa isip. Si Billie ay inabot ang tuwalya sa rack at nagpahid ng pawis at bibig. Nang biglang matilihan. Pagkatapos ay nilingon si Lance na ang mga titig ay bumaon sa kanya.
“Are you—”
“Pregnant?” she added in horror. Hindi niya alam kung kailan due ang period niya. But instinct told her of her condition. Ilang araw na niyang nararamdaman iyon.
Sa halip na sa opisina ay sa isang OB-Gyne nagtuloy ang dalawa. At ang parehong hinala ay kinumpirma ng doktor. Billie Rose was more or less one month pregnant.
Walang imikan ang dalawa pauwi. Billie had never been more insecured all her life. Maliban sa paggalaw ng muscles sa mukha ay walang ibang emosyon siyang mabasa sa mukha ni Lance. And she felt like crying. Hindi dahil hindi niya gusto ang dinadala niya kundi komplikado na nga ang walang katiyakang relasyon nilang dalawa ay nadagdagan pang lalo ng pagdadalang-tao niya.
Lance couldn’t believe that it was possible to feel happy, angry and bitter at the same time dahil hindi ito nakatitiyak kung siya nga ang ama ng dinadala ng asawa. Ang tanging konsolasyon nito ay hindi nakita sa mismong mga mata ang kumpirmasyon. Subalit ano pa ba ang maaari niyang isipin kung bakit nasa silid ng ama si Billie Rose nang madaling-araw na iyon? Ang pag-amin mismo ni Billie na mahal nito si Franco? Ang malalagkit na tinginan ng ama at asawa! Muli ay nagtagis ang mga bagang niya sa lihim na poot.
Ano’t anuman ay isang Navarro pa rin ang isisilang ni Billie Rose at titiyakin nitong hindi kailanman pag-iisipan ni Franco Navarro ang paternity ng bata. And he would give Billie Rose the benefit of the doubt gaano man kasakit iyon. Kung pagbabayad man ito sa mga kasalanan niya ay nakahanda siyang tanggapin. Bagaman wala siyang inagrabyadong babae dahil tinatapat na niya ang mga ito sa simula pa lang ng relasyon. But some of those women probably had loved him truly.
“Gusto kong umuwi ka ng Hacienda Montaño sa duration ng pagdadalang-tao mo,” ani Lance makalipas ang mahabang katahimikan.
Naguguluhang umiling si Billie. “A-ayoko, Lance,” tanggi niya. “Why should I stay there during the duration of my pregnancy? Ang layo ng Sto. Cristo sa Maynila. W-what if I have to see my doctor or—”
“Sa ayaw mo at sa gusto ay mananatili tayo nang walong buwan sa Sto. Cristo hanggang sa makapanganak ka,” matigas nitong sinabi. “Hindi kita pahihintulutang bumalik ng Maynila sa mga panahong iyon, Billie Rose! At kung kailangan mong makipagkita sa doktor mo’y ako mismo ang susundo ng doktor at magdadala dito sa Sto. Cristo.”
“I–I don’t understand this at all. Bakit mo ako tila ini-exile sa Sto. Cristo?”
“Dahil natitiyak kong hindi makapupunta ng Sto. Cristo ang p apa nang hindi ko malalaman at walang mabigat na dahilan!”
“What has your father got to do with this?” Lalo nang gumulo ang isip niya sa sinabi nito.
“Dahil ayokong pag-isipan ng p apa ang paternity ng bata, Billie Rose.” h e gritted his teeth. Nag-isang linya ang mga mata. “Ako ang iisipin niyang ama ng dinadala mo.”
“But of course,” mabilis niyang sagot sa kabila ng kalituhan. “Sino pa ba ang iisipin ng p apa na ama ng magiging anak ko?”
Lalong nag-igting ang mga bagang ni Lance. Tumaas-baba ang dibdib at kung madudurog ng mga kamay nito ang manibela ay nadurog na.
“Damn you! I feel like squeezing your neck with my bare hands. And how I hate my father and you for taking me a fool!”
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Billie Rose at inihilig ang sarili sa sandalan. After all these years ay ganoon pa rin ang damdamin ni Lance sa kanya. And how stupid of her na isiping kahit paano ay natutuhan na siyang tanggapin ni Lance bilang asawa.
Kung mayroon man siyang hindi naiintindihan ngayon ay ang mariin nitong pagtangging ipa-annul ang kasal nila. She bit her lip painfully. Family traditions ang nagtatali kay Lance sa kanya.