Chapter Twelve
“W HAT?” hindi makapaniwalang tanong ni Billie. Tama ba ang narinig niya mula rito?
“Ibalik mo sa akin ang perang ipinantubos mo sa ranch ninyo. Iyon ang naging kapalit ng pangalan ko, `di ba?” he said cruelly. “...and you’re free.”
Gusto niyang manlumo. Lance couldn’t be possibly that ruthless. But she knew he was. Taglay niya ang patunay niyon.
“Y-you know I can’t do that...”
“Bakit hindi, Billie? Wala na ang daddy mo at kaya mong ibalik sa akin ang halagang ipinantubos sa ranch, `di ba?”
“N-nasa pangalan ni Angeli ang ranch.” h alos hindi lumabas sa bibig niya iyon. Siya mismo ang nagsabi sa ama na ipangalan sa kapatid ang property dahil hindi niya gustong maalala kung paano muling nabalik sa kanila ang lupain. “It’s hers legally when she comes to age...”
Muling nagsalubong ang mga kilay ni Lance. “At paano ka?”
Itinaas niya ang mukha. “I have my job, Mr. Navarro.”
“Then I’m sorry, Billie, hindi kita mapagbibigyan sa gusto mong mangyari,” wika nito sa walang emosyong tinig.
“Oh, no,” she cried. “Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ka papayag!”
Bahagyang ikiniling ni Lance ang ulo. “I am a businessman, darling. You don’t get anything in this world out of nothing. My marriage to you doesn’t bother me a bit. Not even as a hindrance to my affairs with your sex. If you want your freedom, fine. But give me something back worthy of it.”
Nanlulumong napaupo si Billie. Hindi siya makapaniwala sa narinig. “Y-you can’t do this to me, Lance...”
He twisted his lips in half-amusement, half-boredom. At kung hindi sa sitwasyong kinakaharap niya ay she would find the gesture very sensual.
“The Navarros do not favor divorce, Billie Rose,” patuloy nito. “Our marriage had done enough damage between me and my family. At kung hindi dahil sa Mama—”
“But what about me, Lance?” agap niya sa galit at nanlulumong tinig. “I cannot live my life just like this.”
Hindi sumagot si Lance. Ilang sandali muna ang pinalipas bago nagsalita. “You’ve just arrived, Billie,” wika nito sa mababang tono. “Bakit hindi mo muna i-relax ang sarili mo? Mamasyal kaya. My car is at your disposal anytime. Pagkatapos ay pag-usapan natin ang problema nang walang tensiyon, okay?”
“But—”
“Oh, c’mon,” he urged in a friendly tone at nagpakawala ng isang ngiti. And she found herself slowly melting with that smile, like snow under the sun. “Maybe our marriage wasn’t the normal one at hindi tayo nagkaroon ng tsansang makilala ang isa’t isa.”
“H-hindi na kailangan,” mabilis niyang sagot bagaman nalilito sa biglang pagbabago ng mood nito. At lalong higit na nakalito sa kanya ang sariling damdamin. “We will soon part ways kung... kung aasikasuhin mo ang sinasabi ko.”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Lance. “It isn’t that easy, you know. Pero ipinangangako ko sa iyong magiging advantageous para sa atin ang magpalipas muna ng ilang panahon. Tulad ng sinabi mo, we will soon part ways but can’t we do it as friends? Hindi tulad noong huli tayong nagkahiwalay.”
Bakit nga ba hindi? The Navarros were almost family because of Nick. Banayad siyang tumango. Siya namang pagtunog ng door chime mula sa gate. Parehong natuon sa labas ang tingin nila.
“May… inaasahan kang bisita?”
“It could be the damned reporters na hindi makatiis...”
“Y-you wouldn’t let them in, would you?” nag-aalala niyang tanong.
“No,” mariing sagot nito. “Malibang may kasamang hindi ko matanggihan. Pumanhik ka na muna,” utos nito.
Walang kibong sumunod si Billie. Nagmamadaling pumanhik patungo sa guest room.
MULA sa siwang ng steel gate ay natanaw ni Luke si Lance na lumabas mula sa bahay at lumakad patungo sa gate. Sa nagsasalubong na mga kilay ay nilingon ang ilang reporters na nasa kalsada. Umiiling na muling ibinalik ang tingin kay Lance na nasa bakod na.
“If you’re one of the reporters,” bungad ni Lance sa may steel gate. “ m akabubuting—” h indi nito itinuloy ang sasabihin nang mamukhaan ang lalaki.
“Billie’s expecting me,” wika nito at banayad na ngumiti.
Walang anumang emosyong makikita sa mukha ni Lance at tumingala sa itaas ng bahay. Hindi niya gustong patuluyin ang lalaki pero magpipiyesta lang lalo ang mga reporter. Binuksan ang gate at pinapasok si Luke at hindi pinansin ang pagtawag at paglapit ng mga reporter.
“You must be her ex-husband?” patuloy ni Luke habang umaagapay sa malalaking hakbang ni Lance at suspetsosong hinagod ng tingin ang lalaking naka-bikini trunks pa rin.
A mocking brow rose. “Ex? Wala akong natatandaang may legal na patunay na hiwalay na kaming dalawa ng asawa ko, Mister.”
“Iyan ang dahilan kaya umuwi ng Pilipinas si Billie, Mr. Navarro,” patuloy ni Luke. “Kahapon ay tinawagan niya ako at sinabing mag-uusap kayo and probably have settled everything in the morning. At nagpapasundo siya sa akin bago magtanghali.”
“I see,” sagot ni Lance sa malamig na tono. “Make yourself comfortable, Mr—”
“Luke Wendell, Mr. Navarro,” sagot ni Luke na komportableng umupo sa malambot at malaking sofa. “At tawagin mo akong Luke. I really hope your lawyers will process the legalities fast since Billie and I plan to get married in Colorado pagkatapos maayos ng mga papeles. And... I advice her to settle to a smaller amount of... alimony para wala nang maraming pag-usapan.”
Lance stiffened bagaman hindi nagpahalata sa kaharap. Gritting his teeth, patalikod na tumingala sa itaas. Alimony. Ibinalik niya kay Luke ang paningin.
“Ah... yes, the alimony,” he said smoothly, humakbang patungo sa minibar. Luke silently hated the calm of the man. Hating Lance dahil wala itong mabasa kahit na anong emosyon sa mukha ng kausap.
Kinuha ni Lance ang isang bote ng brandy at nagsalin sa dalawang kopita. Damn. Hindi siya umiinom nang ganito kaaga but he needed the shot to smoothen his nerves. Hindi niya maintindihan kung saan galing ang galit na nasa dibdib na gusto niyang bigyan ng flying kick ang kaharap.
“At magkano naman kung saka-sakali itong mungkahi mong smaller amount ?” he added in dangerous calm. Bitbit sa dalawang kamay ang kopita at walang tinig na inalok sa lalaki ang isa.
Isang ngiti ang pinakawalan ni Luke kasabay ng pag-abot sa alak. “Knowing the Navarro resources, natitiyak kong anumang halaga ang ipagkakaloob mo kay Billie ay hindi makakabawas sa iyo.”
Lance took one swallow at hindi niya maiwasan ang roughness sa tinig nang muling magsalita. “I hate subtleties, Mr. Wendell, how much do you think Billie wants para sa alimony?”
Gumawa muna ng ekspresyon sa mukha nito si Luke na tila nag-iisip. “I remembered she said something like... fifteen million, Mr. Navarro, and I agreed with her. Maliit na halaga, hindi ba? t o set you both free?”
Ilang sandali ang pinalipas ni Lance bago nagsalita. A faint humourless smile curved his lips at inubos ang laman ng brandy glass. Then gave a fake sigh.
“I wonder where you got the idea that I wanted to be free of my wife, Mr. Wendell. If I did, ako na sana ang unang gumawa ng paraan. At gusto kong ipaalam sa iyong nagbago ang isip ni Billie...”
Nag-angat ng tingin si Luke at nahinto sa ere ang pagdadala sana ng kopita sa bibig.
“What do you mean? Did she... did she ask something lesser?” wika nito, ignoring Lance first statement. Pagkatapos ay ngumiti ito. “Of course, gusto na lang marahil ni Billie na mapadali ang annulment. But you wouldn’t do that to her, Mr. Navarro, would you?”
“Of course,” sang-ayon ni Lance. “I wouldn’t want my wife to settle for less so annulment is out of the question, Mr. Wendell. Billie will remain my wife and as such will be entitled to just more than fifteen million... which is, as you very well know, ay tuldok lamang sa vast resources ng mga Navarro.”
Nanlaki ang mga mata ni Luke. “You don’t—”
“I really hate to end this conversation, Mr. Wendell,” agap niya sa sinasabi ng lalaki. “...but you happened to... interrupt—” he smiled at tumingala sa itaas. “...you know what I mean, we would like to spend the day in bed.”
Napatayo bigla si Luke. “Gusto kong makausap si Billie, Mr. Navarro!” wika nito sa mataas na tinig.
“I’ll tell her to give you a ring later.”
“I need to—”
“Good day, Mr. Wendell.” Humakbang si Lance patungo sa pinto at binuksan ito. “And please be kind to close the gate.”
Nagpupuyos sa galit na lumabas si Luke habang pasulyap-sulyap sa itaas.
PABALYANG binuksan ni Lance ang pinto ng guest room. Mula sa pagkakaupo sa tokador ay mabilis na tumayo si Billie. Subalit ang paghakbang ay nahinto nang makita ang galit sa mukha ni Lance.
“S-sino ang dumating?”
“My visitor happened to be Luke Wendell.” He was still fuming with anger. Kumislap ang mga mata ni Billie na lalong nagdagdag sa galit nito.
“Oh, yes. Tinawagan ko siya kahapon dahil...nagpapasundo ako ngayong umaga, Lance.”
“Well, sad to say, you and your boyfriend won’t get any alimony from me, Billie, because—”
“Alimony?”
“Don’t play innocent!” he snapped. “So you want nothing from me but freedom, ha?”
“Iyon ang totoo,” aniya. “Iyon ang dahilan kaya narito ako. Sinabi ko na sa iyo, hindi ba?”
“Right! Fifteen million worth of freedom. In dollar ba iyon o sa peso?” he taunted angrily. Billie opened her mouth to protest pero nagtaas ng kamay si Lance. “Huwag kang magkaila. Inamin ng boyfriend mo na napagkasunduan ninyong hingan ako ng labinlimang milyon!”
“Labinlimang milyon!”
“You will not get a cent from me, Billie! Not a red cent!” nagpupuyos nitong sinabi. “And I almost believed you when you said you were not interested in my money. Nang sabihin mong may trabaho ka’y nawala agad sa isip ko na sa loob ng tatlong taong mahigit ay pera ko ang ginagasta mo.”
“That is not true!” tanggi niya. Inisip na ang tinutukoy ni Lance ay ang kinikita ng ranch na tinubos ni Franco Navarro. “Ang kaunting kinikita ng rancho ay tama lang na pambayad ng real property taxes. At kung may natitira man ay nauuwi sa trust ni Angeli!”
“Who cares about that damn ranch!” hiyaw nito na nagpaatras nang bahagya sa kanya. “Ang sinasabi ko’y ang sarili kong perang ipinapadala sa iyo buwan-buwan ng FNC branch sa Texas para sa allowance mo dahil iyon ang gustong mangyari ng p apa at m ama!”
“Pero ang perang iyon ay—”
“Kulang?” patuyang agap ni Lance. May sinabi itong halaga sa dolyares na kung tutuusin ay higit na malaki kaysa normal na suweldo ng isang American executive. “At kulang sa iyo? And as far as I could remember I instructed the branch to increase your allowance yearly. So by now, your allowance must have reached heaven high!”
Naguluhang napailing si Billie. At bago pa siya makapagpaliwanag ay muling nagsalita si Lance.
“Mananatili ka sa bahay na ito, Billie, at ngayon din ay ipakukuha ko ang mga gamit mo sa bahay ni Nick,” pinal nitong pahayag.
Nanlaki ang mga mata niya. “No, Lance. H-hindi ako maaaring manatili rito.”
“Hindi natin pinag-uusapan kung ano ang maaaring gusto mo. You will stay here hanggang sa mapag-isipan ko kung ano ang dapat sa ating dalawa!”
“Bakit pinagugulo mo ang sitwasyon? I can’t stay here with you, you know that,” nalilitong wika niya. “Luke will—”
“Dammit, Billie!” agap ni Lance sa tinig na bagaman hindi malakas ay nagpahigit ng hininga kay Billie. His eyes in cold fury. “You are still my wife! You even announced it to the world. Hindi ako papayag na dumihan mo ang pangalan ko sa pakikipagkita sa lover mo!”
“But—” Gusto niyang magprotesta sa salitang “dumihan” subalit muling pinutol ni Lance ang sasabihin niya.
“Shut up! Wala akong pakialam kung ano ang ginagawa mo sa Colorado pero hindi rito sa Pilipinas. Do not start a scandal, Billie Rose. Franco Navarro had already broke his rule when he married me to you! And for the life of me, hindi ko maintindihan—”
“What rule?” wala sa loob niyang tanong.
Isang nakamamatay na tingin ang ibinigay ni Lance sa kanya. “That his sons would only marry decent women, poor or otherwise! But Franco Navarro didn’t know that you are everything but decent.” h is voice would have cut diamond. “Little did he know that he married his youngest son to a w—” h indi nito naituloy ang sinabi, isang right hook ang pinakawalan niya at bumagsak sa panga ni Lance.
Lance’s instinct moved for him. Sa isang iglap ay nahawakan nito si Billie, caught her arms and pinioned in midair. At sa isang iglap pa uli, she found herself being raised from the floor at iniupo siya sa ibabaw ng chest of drawers.
“You little viper!” His voice rough with anger as he growled in her ears. “Don’t do it again, Billie. Because if you want to get physical—I can easily oblige you.”
Hindi siya bayolenteng tao, and she was slow to anger. Wala siyang natatandaang sinaktan kahit na hayop. As a horse breaker, hindi siya naniniwala sa paggamit ng latigo. But a mixture of animal satisfaction and regret filled her. Satisfaction, dahil ilang beses na siyang ininsulto ng aroganteng lalaking ito. Regret, dahil totoong napalakas ang suntok niya at namula ang panga nito. At bahagya siyang nakadama ng takot.
“W-will you hit me back?” she stupidly asked.
She knew Lance Navarro wouldn’t stand by meekly at hayaang suntukin sa panga kahit na nga ba babae pa ang may gawa niyon. But she also couldn’t believe that he would strike back.
Suddenly, his eyes gleamed in amusement. Dinama ng palad ang nananakit na panga. “Alam mo ang sagot doon, Billie Rose, and you deliberately took advantage that I don’t hit women.”
“What you said was hitting me below the belt, Lawrence Navarro,” she accused.
Biglang nawala ang amusement sa mga mata nito. Pinakawalan ang mga kamay niya na nananakit na sa mahigpit nitong pagkakahawak.
“Alright, I apologize,” wika nito sa walang emosyong tono. Ni hindi matiyak ni Billie kung taimtim ito sa sinasabi. “But as my wife, I am expecting you to behave like a Navarro!”
Nakalabas na ng silid si Lance ay nasa ibabaw pa rin ng chest of drawers si Billie. Hindi man niya aminin ay may katwiran si Lance. Totoong wala silang ginagawa ni Luke na labag sa moralidad, hindi dahil hindi pinagpilitan ni Luke iyon, kundi hindi niya magagawa iyon nang nanatiling kasal kay Lance. Not to mention Nick’s interference sa tuwing nalalaman nitong nakikipag-date siya.
Sa Amerika ay walang nakakaalam na nag-asawa siya at hindi ilang kabinataan ang nagtangkang mapaugnay sa kanya. Ang iba ay malinis ang intensiyon. Tanging si Luke ang binigyan niya ng pagkakataong makalapit na kung tutuusin ay siyang pinakamatanda sa mga nanliligaw sa kanya. Labintatlong taon ang tanda sa kanya. Tingin niya rito ay responsable at maygulang. At nakikita niya na mabuti rin ang pakikitungo nito sa nakababatang kapatid at balewala kay Luke kung mananatili sa kanila si Angeli sa sandaling makasal sila.
Iyon ang nag-udyok sa kanyang sulatan si Lance na mag-usap sila. Sa ikalawang sulat ay pahapyaw niyang sinabi ang tungkol sa nais niyang annulment. Subalit tulad ng naunang sulat niya ay hindi rin ito pinag-ukulang pansin ni Lance.
At ngayon ay hindi niya matiyak kung ano ang kahihinatnan ng pagparito niya. Kahit sa bahagi niya manggagaling ang pagkuha ng annulment, hindi rin iyon aaprubahan kung hindi papayag si Lance.