noveltoon logo noveltoon
Rose Tattoo (Kristine Series 12)

Chapter 6

Ch. 7 / 25 Apr 09, 2022

Chapter Six

H INDI maitago ni Lance ang pagkamangha nang muli silang magtagpo ni Billie. Pero saglit lang ang pagkabigla, muling humalili ang galit sa mukha. Hindi lang basta galit, he was furious that a muscle jerked in his face. At matapos ang sapilitang pagtango kay Luis Montaño ay muling lumabas ng verandah ang binata.

“Hello, hija...” s i Beatriz na hinagkan sa pisngi ang dalaga. “How’s your little sister?”

“She’s fine, Tita. Hindi isinama ni Daddy dahil school days pa.” s aglit niyang sinulyapan si Lance na nasa verandah at nakasandal sa balustre. She could feel his hatred habang nakatingin sa kanya na gusto niyang panayuan ng mga balahibo.

“Hija.” s i Luis. “Bakit hindi mo labasin si Lance at mag-usap kayo? Siguro’y hindi na kailangan ng introduction sa isa’t isa. Magkakilala na kayo, hindi ba?”

Tumango ang dalaga at nginitian ang mag-asawang Navarro bago humakbang patungo sa verandah. Nasa pinto pa lang siya ay kitang-kita na niya ang pagkasuklam sa mga mata ni Lance. Iniisip kung anong uring pakikiharap ang gagawin sa binata. If she opted for anger, magagalit sa kanya ang daddy niya at sa nakikita niya kay Lance ngayon, it would be a big mistake to show equal animosity. She sighed and decided na tratuhin ang sirkumstansiya sa pinakamagaan na paraang alam niya.

Hinagod niya ng tingin ang binata habang palapit siya. Handsome devil. Pero hindi niya type. Add the wavy dark hair na umabot hanggang balikat. Umikot ang mga mata niya sa bahaging iyon. This is not the medieval age, bakit kailangang humaba ang buhok ng mga lalaki na tila si Abraham Lincoln?

Her eyes moved down to his body. Tight fitting jeans that hugged his body like a second skin. Drop dead hunk, no doubt. Muscles all over, kung dahil sa exercise o sa sports na hilig nito o sa trabaho sa planta ng mga Navarro sa Texas, ay wala siyang ideya. Ang alam niya ay lahat ng mga Navarro ay nagtatrabaho, most of the times hard labor. Iyon ang sinabi ni Nick sa kanya.

Napadako ang mga mata niya sa wooden crutch sa tabi nito and suddenly ay nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Billie. Mula sa ordinary curiosity ay nauwi sa sympathy. Paano kaya tinanggap ng binata ang nangyari dito? Gaano katagal itong makukulong sa wooden crutch?

“Keep your damn sympathy to yourself,” magaspang nitong sinabi. “I’d rather you survey me with distaste...”

“Oh, hi. We’ve met again. I’m Billie Rose.” s he faked a smile at isinandal ang sarili sa balustre ng verandah sa kaliwa nito. “No matter how you dislike me, we will soon be husband and wife...”

“F... you.” h e gritted his teeth at walang pakialam kung babae ang kaharap sa sinabi. Si Billie ay bahagya nang naitago ang pagsinghap. “All along ay alam mong ipinagkasundo ako ng Papa sa iyo and you made a fool out of me. That bastard lover of yours must be laughing to death by now!” Hindi agad naipasok ng dalaga sa isip na si Quinn ang tinutukoy ng binata.

“I–I h-haven’t known it then that I... we… I mean my father informed me about the... the arrangement only a w-week ago...” she stuttered which is so unusual of her. She was smart and witty at hindi nara-rattle sa alinmang sirkumstansiya. But this man was unsettling and rough. Huwag nang idagdag ang matinding poot sa mukha nito.

“And you expect me to believe that?” Puno ng sarcasm ang tinig nito. “And what about Nick, alam din ba ng kapatid kong napagkasunduan na ng Papa at ng tiyo niyang ipakasal ako sa iyo?”

“I—really have no idea. I was surprised myself...”

“Really,” patuloy ito sa panunuya. The dark eyes darkened even more in anger. “At ano naman ang dahilan at pumayag kang pakasal sa akin, maaari ko bang malaman?”

She cleared her throat. Hindi agad makasagot. Why, the man is so intimidating. “Err... hrmp...”

“I’m rich.” a roganteng itinaas ni Lance ang mukha, the long hair swayed in his face that made her think of one Hollywood Mexican actor, she forgot the name. And gosh, the devil is really attractive. Ngayon lang niya napagtuunan ng hustong pansin. She was biased dahil nga hindi niya type ang lalaking kulay-kape ang balat.

“That must be the reason, hindi ba?” singhal na dagdag ni Lance.

Nakabawi sa pagkalito si Billie at ngumiti. “Aren’t we underestimating ourselves here?” Bahagyang tumaas ang kilay niya. “Surely you could say I want to marry you for your looks. Everybody swoon over the handsome jet-setter at halos lahat ng babae ay naghahangad na madala ka sa harap ng pari.”

A husky and bitter laugh vibrated around. Nakita niya ang paggalaw ng a dam’s apple sa leeg nito while laughing without humor. She saw the muscle movement on his face as he laughed his anger. And she found them all so fascinatingly male.

“Don’t play games with me, girl.” m uling itinuon ni Lance ang paningin sa kanya. “You were so eager to inform me that I wasn’t your type because I happened to have a dark skin. Unless, of course...” h e twisted his lips in malicious sarcasm, “...kunwari lang na hindi mo ako type upang pag-interesan kita? The usual cheap gimmick, you know. Aayaw-ayaw pero gusto mong magkandarapa sa akin...”

Pinigil ni Billie ang paglabas ng matalim na buntong-hininga. She was only five foot and four inches and Lance is over six feet and she felt so small and inadequate. She raised her chin to meet his eyes.

“As-a-matter-of-fact.” p inakadiin-diin niya ang mga salita tulad din ng kung paano sinabi ni Lance iyon sa eroplano. “You were right first about the reason why I agreed to marry you. You—are—rich. And though you are not the kind of man I’d like my husband to be, I have to set aside my idealism for practicality.” b ahagya niyang ikiniling ang ulo, for emphasis.

“Bitch.” His nose flared in fury. And for one fleeting moment ay naisip ni Billie na gusto siyang saktan nito na bahagya siyang napasiksik sa balustre.

“Tsk... tsk... they say you’re a charming devil,” wika niya trying to gain calm and composure. “Pero pinag-iisip mo ako kung paano ka hinahabol ng mga babae sa Amerika gayong bastos iyang bibig mo. But I guess money covers a multitude of sin, add the fact that you really are handsome.” She smiled sweetly, bahagyang ikiniling ang ulo. Too sweet that Lance could develop tooth decay if she was candy.

“And that—is a compliment,” dagdag niya, still smiling. Pagkasabi niyon ay tumalikod ang dalaga upang bumalik sa loob. Another minute with Lance Navarro would break her studied calm. At hindi niya gustong isipin ng binata na natatakot siya rito.

“Wait!” hiyaw ni Lance na nagpahinto sa kanya. Napatitig siya sa binata.

“How much do you want?” he asked in a chilling voice. “I have my own money and I can give you anything, umurong lang kayong mag-ama sa kasal na ito!”

Hindi agad nagsalita si Billie. She was seething with anger pero sinisikap na huwag ilabas. She was about to snap at him na wala siyang intensiyong pakasal dito kahit na ito pa ang pinakamayamang tao sa lupa nang mula sa library kung saan lumipat ang tatlong matatanda ay narinig niya ang malakas na tawa ni Luis Montaño. Wala sa loob na napalingon gayong hindi naman nakikita sa kinatatayuan niya ang ama. It had been more than a year since her mother died at ngayon lang niya narinig na tumawa ang ama.

Dahan-dahan niyang ibinaling ang paningin kay Lance. “The small ranch in Colorado is facing foreclosure, Mr. Navarro, in dollars! I don’t think your father will allow you to draw that much money and Franco Navarro promised to settle the bank. Maliban pa roon, I like being married to you. I will be the talk of the town having changed my name to yours. And as a husband, you will certainly provide for me,” she said without taking a breath at kung apoy ang lumalabas sa mga mata ng binata ay nagliyab na siya. Akma siyang tatalikod muli nang may maalala.

“What about you, what was your reason for agreeing to marry me? Hindi ka mapipilit ng Tito Franco kung ayaw mo talaga. Navarro men were known for stubborness. I have my cousin as proof...”

“Franco Navarro would disinherit me if I—” h indi nito itinuloy ang sinasabi when he saw her face broke into an annoying grin.

“Money,” she said and played her tongue around her teeth mischievously. “Aren’t we a match…?”

“Damn you, it is my money!”

She shrugged her shoulders. “Poor, Lawrence Navarro. Night, sweetheart.” s he blew him an imaginary kiss. “See you on our wedding day. I promise to be very pretty.” Tinalikuran niya si Lance na nagpupuyos sa galit.

Only she didn’t know how angry. And Lance was real furious. Had never been angrier in all his life. Never dreamed of tying himself to a freckled little chit like her.

Tuloy-tuloy siya sa silid niya at ibinagsak ang sarili pahalang sa kama. “I don’t really know how to deal with you, Lance Navarro,” she said wearily at matamang nakatitig sa kisame. “I can feel how angry you are and I can understand it. Pero tulad mo’y wala akong magagawa. But I don’t believe in anger hangga’t magagawa ko. I’ll fight you with humor and use your own game. If you hurled insults at me, I’ll give it back to you subtly...”

“MAPAPAHIYA ka, Papa, kung ipakakasal mo ako nang maraming imbitado,” banta ni Lance sa ama. “You won’t like the treatment I will give to your little pigeon sa harap ng mga bisita,” dagdag nito sa naghahamong titig.

“You son of a—” a kmang lalapitan nito ang anak subalit hinawakan ni Beatriz sa bisig ang asawa.

“Franco, please,” mariing awat nito. “Pumayag na ang anak mong pakasal kay Billie, bakit hindi mo gustong sundin ang nais niya sa sariling kasal?” Inakay nito ang asawang nagpupuyos sa galit patungo sa sofa.

“I have distributed some invitations to the Fortalejos, Beatriz, and to some of my close associates,” galit nitong sinabi.

“That is your problem.” s i Lance na tumaas ang sulok ng bibig. “I cannot promise pleasant behaviour during the death sentence, Papa. I cannot even pretend. And you wouldn’t want that. And don’t you dare asking my sister and brothers to come home just for this wedding, damn it, but I will be married with only you and mother and Luis Montaño in attendance!”

Nakita ni Beatriz ang sagupaan ng tingin ng mag-ama. Nararamdaman pareho ang galit na inilalabas ng dibdib. At gusto nitong manlumo. Natitiyak niya ang takdang alitan ng mag-ama nang dahil kay Billie Rose. At hanggang kanina ay nagamit na niyang lahat ang maaaring gamitin upang pigilan si Franco na ituloy ang balak.

“Nakita mo si Luis, `di ba, Beatriz?” wika nito sa kanya. “Ilang hakbang na lang sa hukay. He has become an alcoholic. Kaibigan mo siya, hindi ba? Tanging ang magkapatid na Montaño lamang ang kasa-kasama mo sa rancho noong kabataan mo. Luis was so fond of you, kung natatandaan mong sinabi mo sa akin iyan. He almost married you himself kung hindi ka nanghawakan sa pangako ko sa itay mo...”

Nagpakawala ng isang marahang paghikbi si Beatriz. Totoo ang sinasabi ng asawa. Lumayo lamang si Luis nang ipanganak ni Monica si Nick.

“He had lost his inheritance, a year ago, he lost his wife, and now he is about to lose his ranch in Colorado. Gaano man kaliit ang lupain, that was his...” patuloy ni Franco. “At kaya mo bang isipin ang mangyayari kung maiilit ng bangko ang ranch, Beatriz? He will kill himself!”

“Kaya mo siyang tulungan, Franco, nang hindi mo ipinapakasal si Lance kay Billie.”

“Sa palagay mo ba’y hindi ko naisip iyan at hindi sinubukan? Minsan ang pride ay nagpapangyaring hindi makaisip nang mahusay ang isang tao, Beatriz. And Luis silently hated me. Ako ang sa palagay niya ang sanhi ng kamatayan ni Monica. And I fathered Nick na siyang dahilan upang mawala sa kanya ang kalahati ng Hacienda Montaño, and I know he resented Nick bagaman hindi lantarang ipinakikita iyon. At alam din iyon ni Nick.

“And you woudn’t believe this, darling,” lingon nito sa asawa na nakakunot ang noo sa pagkakatitig sa kanya. “Luis hated his own daughter dahil ipinanganak itong babae...”

“No... h -hindi totoo iyan...” hindi makapaniwalang iling ni Beatriz.

Huminga nang malalim si Franco at hinagod ng masuyong tingin ang asawa. “Nang una mong sabihin sa akin ang tungkol sa mga Montaño, Beatriz, I got so interested dahil sa paraan ng pagkakahayag mo sa attachment mo sa magkapatid. Kung paanong hindi ka nila tinatrato tulad ng iba sa Sto. Cristo sa kabila na noong panahong iyon, they were the richest and can be very powerful, kung pinili ni Luis na maging tyrant.” m uling humugot ng malalim na paghinga si Franco and lovingly gazed at his wife.

“You are the best thing that ever happened to me, Mrs. Beatriz Navarro, and I love you so much. If I am to die and live again, I’d still want no one but you,” he said in soft and tender voice. “Ang mga kaibigan mo’y naging mga kaibigan ko. Tinatanaw kong utang-na-loob sa mga Montaño ang anumang tulong na ibinigay nila sa iyo bago tayo nagkakilala at kahit nang umalis ka sa bahay na ito at umuwi ng Sto. Cristo. What happened between me and Monica was beyond my control and by now, alam kong naintindihan mo iyon because you love Nick as if he was your own...”

Napahikbi nang tuluyan si Beatriz. At over fifty, Franco Navarro was very much a handsome and virile man not to mention his money. Hindi iilang babae ang nagpipilit na makuha ang atensiyon ng asawa. Perhaps there were little discreet flings but to the best of her knowledge, Franco remained faithful.

“But you cannot sacrifice your own son’s life dahil lang sa pagtanaw ng utang-na-loob, Franco,” patuloy niya. Pinunasan ng tissue ang mukha.

Matagal bago sumagot si Franco. Kung ilang beses sinulyapan ang asawa at tumingala sa kisame. Pagkatapos ay lumapit dito at inakbayan si Beatriz.

“Come, darling, and I’ll tell you something.”