noveltoon logo noveltoon
Rose Tattoo (Kristine Series 12)

Chapter 24

Ch. 25 / 25 Apr 09, 2022
Prev Next

Chapter Twenty-four

N I HINDI g ustong kumurap ni Lance habang nakatitig sa asawa na mariing kinagat ang labi upang hindi mapasigaw sa paghilab ng tiyan. Mahigpit na nakahawak sa braso niya si Billie at tila doon kumukuha ng lakas.

“Honey, tell me what to do... talk to me, please...”

“I’m scared,” pahikbi niyang sinabi. “M-my mother... she—she d-died in my arms after she... she gave birth to Angeli.”

Napahugot ng matalim na paghinga si Lance. Gumuhit na ang butil-butil na pawis sa noo. Dumaan sa isip ang sandaling namatay si Donya Erlinda. His grandmother, too, died in his wife’s arms. No wonder she was so shocked! And he was consumed with jealousy sa pag-iisip na may namamagitan kay Franco at kay Billie. Lalo itong nakadama ng pagkamuhi sa sarili sa mga sandaling iyon.

Billie raised teary-eyed to him and saw the guilt ang agony. Nahuhulaan ang laman ng isip ng asawa. Nangibabaw ang pag-ibig. “I… I wasn’t lying when I said I love you, Lance...”

“Sshh... I know, I know,” bulong nito. Dinala sa bibig ang kamay ng asawa at hinagkan. His eyes got misty. “And I love you, too, sweetheart. So much you can’t begin to know...”

“Oh!” m uling impit na dumaing si Billie Rose at humigpit ang hawak sa braso ng asawa.

“Billie!” Napatayo ito sa pagkataranta at hindi malaman kung saan at paano hahawakan ang asawa.

He was scared to death. Hindi niya patatawarin ang sarili sa sandaling may mangyari sa mag-ina niya. Hindi niya dapat dinala sa hacienda si Billie Rose.

“Lumabas ka muna, Lance,” utos ni Nana Tonya nang naiayos na si Billie. “Iwan mo kami ng asawa mo.”

“No!” halos sabay na sagot ni Billie at ni Lance.

“D-don’t leave me, Lance...” s he held on to his arms tightly as if they were her lifeline.

“Hindi ako aalis sa tabi mo, Billie,” mariin at determinadong sagot nito. “Nana Tonya, bilisan na ninyo at nahihirapan na ang asawa ko...”

Buntong-hininga at iling ang ginawa ng matanda at sinimulang hawakan sa tiyan si Billie at banayad na hinihilot pababa. “Umiri ka, Billie, sige na, anak...” utos nito.

“Push, sweetheart,” dagdag ni Lance nang lalong lumalim ang kunot ng noo ng asawa at tumingala sa kanya na hindi marahil maunawaan agad ang sinabi ng matanda.

“Ohh!” Hindi mapigil ni Billie ang mapasigaw sa mahaba at malakas na hilab.

“Nana Tonya!”sindak na sigaw ni Lance.

“Heh!” singhal ng matanda. “Huwag mo akong tarantahin. Sinabing lumabas na muna, eh. Umiri ka, Billie, sige...”

Halos bumaon sa mga braso ni Lance ang mga daliri ni Billie kasabay ng malakas na pag-iri.

“Sige pa, uli, hija... s ige pa...”

“Hmppp....!”

Oh, g od, oh, g od! Si Lance na gusto nang panawan ng malay sa pag-aalala at nerbiyos. Gusto niyang lumabas ng silid dahil tila nauupos ang lakas niya sa takot habang pinapanood ang asawa. But he didn’t want to leave her either. He would give his strength, his life, kung kailangan ng mag-ina niya. He tried to keep his calm. Took a deep breath and swallowed. Hinawi niya patalikod ang buhok ng asawang basa na ng pawis. Pinahid ng palad ang pawis sa noo ni Billie, ni hindi napupunang basa na ng pawis ang buong polo shirt niya. Na nahihilam na ang mga mata niya sa pawis.

“Nakikita ko na ang ulo ng anak mo, Billie,” nakangiting wika ng matanda. “Sige pa, hija. Isang malakas at tuloy-tuloy na iri... sige...”

“Push, honey, come on,” he encouraged as Billie took her strength from him. At kung gaano kahaba ang iri ni Billie ay ganoon din kahaba ang pagpigil ng paghinga ni Lance.

Napuno ng malakas na uha ang buong silid. “Lalaki, Billie Rose!” bulalas ng matanda na ngumiti at nakahinga nang maluwag. “Lalaki ang anak mo, Lance!”

Inilapag ni Nana Tonya ang bata sa tiyan ng ina at nahahapong tinitigan ng may ngiti. Sino ang mag-aakalang ang isa sa mga tagapagmana ng FNC empire ay ipinanganak sa lumang villa na ito? At na ito mismo ang naglabas sa bata sa sangmaliwanag.

“My baby...” nahahapong niyuko ni Billie ang anak, humalo na ang luha at pawis. Pagkatapos ay tumingala sa asawa na nakatitig sa kanilang mag-ina.

Lance was momentarily stunned as he watched his wife and new born son in awe. Two months premature pero malakas na nagpapalahaw. Nag-uumapaw ang hindi maipaliwanag na damdamin sa dibdib. His throat constricted. His eyes misty.

Welcome, Lawrence Montaño Navarro, Jr.!

SUMUNGAW sa pinto ng hospital suite si Lance, in his arms are bunch of yellow roses.

“Hi,” nakangiting bati nito sa asawa. Inilagay ang mga bulaklak sa bedside. Kumuha ng isang stem ng rosebud at iniabot kay Billie. “For the mother of my son and the woman I love so much...”

She giggled bagaman dinala sa ilong ang rosas at sinamyo. “You’re corny.” p agkatapos ay seryosong tumingala sa asawa, whose eyes lovingly gazed at her. “Do you really love me, Lance?”

“I have my lifetime to prove it, Billie Rose,” he whispered huskily. Kinuha sa kamay ng asawa ang stem ng rosas at idinampi sa mga labi niya.

“Kahit na wala sa akin ang mga katangiang hinahanap mo sa isang babae?” she teased gently.

“I was a fool para isiping may yardstick sa pagmamahal.” She opened her mouth to speak pero muling nagsalita si Lance. “No, I don’t think so.” i sang malalim na paghinga ang pinakawalan nito. “Years ago, I fell in love with Jewel, with so many reasons to justify my feelings. She represented my ideal woman, ang uri ng babaeng inilagay ko sa ulo ko bilang katulad ng m ama. I hated you and my father because I don’t want being manipulated. Pero nang makita kitang muli nang pumasok ka sa pinto ng opisina ko, hesitant, and yet with a smile so tender, I was lost.

“My heart was captured and before I knew what hit me, my soul surrendered.” h e smiled wickedly as he quoted a line from a song. “Can’t help falling in love with my wife. And when I started to think what made me fall in love with you...” h e shook his head smiling. “Strange, but I couldn’t find one single reason that would come first in my mind. No reasons, no yardstick. I fell in love with you because you are you, my own Billie Rose Navarro. I love everything about you.”

Nag-uumapaw ang dibdib ni Billie sa pag-ibig sa lalaking ito. “I love you, too, Lance. Must have loved you all along only didn’t realize it. Perhaps because I knew I was the exact opposite of the woman you loved. I silently hated it when you said at the field that I tanned beautifully.” p inamulahan siya ng mukha nang maisip ang nangyari sa parang nang hapong iyon. “I thought you were trying to compare me with Jewel...”

“Jewel is a dear friend, darling. I got over my feelings for her a long time ago.” Sinuyod nito ang mukha niya, his eyes lingered on her lips. “No lips have excited me as much as yours did. At hindi ako kailanman nagselos kay Bernard tulad ng nakababaliw na panibugho ko kay Luke at sa sarili kong ama that I almost went out of my mind, lalo na nang sabihin mong mahal mo ang p apa.”

“Hindi katulad ng iniisip mo, Lance...”

“I know,” he whispered. “Sinabi ng p apa sa akin. You had this childish crush on him at nakita mo sa kanya ang ipinagkait sa iyo ng Tito Luis and almost wished he was your own father.” p abiro itong nagmura kasabay ng pag-iling. “He planned it all, ang sadyaing magselos ako to test my feelings...” y umuko ito at banayad na inangkin ang mga labi niya. Pagkatapos ay may dinukot na kahita sa bulsa ng pantalon at inabot sa asawa.

“Hmm...” nakangiting wika ni Billie at nasasabik na binuksan. “Oh!” she exclaimed softly. Dalawang singsing ang naroon. Isang tiffany na kumislap ang bluish diamond sa liwanag ng ilaw ng ospital at isang simpleng gold band ring na may nakabaong nag-iisang bato.

“Ang isa’y engagement ring. I owe you one,” he smiled sheepishly at kinuha sa kanya ang singsing at isinuot sa kaliwang ring finger. “The other is our wedding ring. Mayroon din akong katulad niyan. In three weeks’ time, darling, we will be married. Kahit saan mo gusto and we will invite the whole world. Get well soon at piliin mo ang wedding gown mo. Ipapa-rush natin. I already have asked Nick na iuwi rito si Angeli bilang flower girl...”

She was speechless. Ano ang maaari niyang sabihin? Kumislap ang mga mata sa mga luhang namuo roon. Suminghot and shrugged her shoulders.

“Well,” she said matter of factly. “I’m glad you had the sense of repeating our vows. I really hated the way you said your ‘I do’ then. Para bang pinirmahan mo ang death sentence ko. I hope you will say it with feelings this time...”

Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Lance sa loob ng silid.

ANG mag-asawang Navarro na kanina pa sa labas ng silid ay hindi na nagtuloy pumasok. Ipinasyang tingnan na lang sa nursery ang bagong silang na apo na bagaman malusog ay ipinasyang ipasok sa incubator.

“Do you believe me now, darling?” nakangising akbay ni Franco sa asawa. Nagkibit ng mga balikat si Beatriz tanda ng pagsang-ayon. “Maraming mga bagay sa sarili ko ang nakita ko kay Lance, Bea. He adored you at ikaw ang yardstick niya sa pagpili ng kakasamahin sa buhay. You pampered that son of yours too much kaya nasa isip ni Lance na ikaw ang epitome ng perfection...”

Umirap si Beatriz. “I pampered and loved all my children, Franco Navarro. And I pampered you, too!” Isang halakhak ang pinakawalan ni Franco at kinabig ang asawa. “At sana’y dito na natapos ang panghihimasok mo sa buhay ng mga anak mo...”

Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Franco Navarro.

WAKAS