noveltoon logo noveltoon
Rose Tattoo (Kristine Series 12)

Chapter 17

Ch. 18 / 25 Apr 09, 2022

Chapter Seventeen

H ABANG tumataas ang chopper ay nilingon ni Billie Rose si Shadow na itinali ni Lance sa puno. “Huwag mo siyang intindihin,” wika nito nang makitang nakatanaw pa rin siya sa stallion. “Ipakukuha ko iyan sa tauhan pagdating natin sa villa.”

Hindi sumagot si Billie. Nanatiling nakatanaw sa labas. Hindi niya makuhang tumingin kay Lance. She couldn’t believe the intensity of their lovemaking, on bed of grass, with clothes on. At lalong hindi niya mapaniwalaan ang sariling pagtugon. She responded to him with a wantonness that amazed her.

Bahagya pa siyang napapitlag nang maramdaman ang kamay ni Lance sa buhok niya.

“Inaalis ko lang ang damo sa buhok mo,” he teased gently as he showed her the blade of grass na lalo lang nagpamula sa mukha ni Billie.

Bumaba ang tingin ni Lance sa mga labi niya, a little bit swollen from his kisses. Dinama nito iyon na bahagyang nagpasinghap kay Billie. Tila iyon isang kuryenteng idinikit sa kanya. And cursed herself dahil katatapos lang ng masidhing pagtatalik at hindi siya dapat makadama ng ganoon.

“H-how long will you keep me here, Lance?” tanong niya upang iiwas ang isip sa nararamdaman. “Not that I don’t like it here, kaya lang may trabaho ako sa Colorado at naiwan doon ang kapatid ko. Besides—”

“Pag-usapan natin iyan sa bahay, Billie,” kalmanteng sagot ni Lance at ibinaba ang chopper nang unti-unti. “Sinabi sa akin ni Nick na hindi mo tinanggap ang allowance na allocated sa iyo noon pa man. Why?”

She sighed at muling tumingin sa ibaba. Hindi sumagot. Ano ang sasabihin niya? Gusto niyang ingatan ang sandaling namagitan sa kanila sa parang at kung mauuwi sa nakaraan ang pag-uusap ay baka mag-away lang sila. Hindi nagpilit si Lance hanggang sa lumapag na sila at hindi na niya hinintay na umikot sa tabi niya ang asawa at nagmamadaling tumalon pababa.

Nasa ikalawang baitang na siya ng hagdan papanhik nang mapuna si Erlinda na lumabas mula sa silid nito sa ibaba at tutop ang dibdib.

“Lola?” Mabilis siyang bumabang muli at dinaluhan ang matanda. Si Erlinda ay napakapit sa kanya. “A-ano ho ang nangyayari sa inyo?”

“H-hija...”

Sa labas ay tili ni Billie ang biglang nagpatakbo kay Lance papasok. Inabutan niya ang asawang kalong si Erlinda. Magkapanabay ring nagtakbuhan ang mga katulong palapit.

“Lola!”

“Lance, dalhin natin siya sa ospital, please!”

“T-take... care of my... grandson, Billie...” ang huling sinabi ni Erlinda bago pa makalapit si Lance.

Nanlaki ang mga mata ni Billie sa pagkakatitig sa walang-buhay na matandang babae sa kandungan niya. “N-no... no, please!”

“Oh, g od!”

HINDI na dinala sa Maynila ang mga labî ni Donya Erlinda Navarro Gascon. Sa villa na rin ito ibinurol. Gustuhin man ay hindi magawang umuwi ni Beatriz, Alvaro, at Nick sa pagkamatay ni Erlinda. Ilang araw makarating ng Texas ay nanganak si Kristine. Bukod doon ay nagsisimula na ang annual board meeting at hindi maaaring i-postpone.

IKATLO at huling araw ni Erlinda sa villa. Sa kinahapunan ay dadalhin na ito sa family mausoleum. Tatlong araw na ring halos walang tulog si Billie. Gusto niyang sisihin ang sarili sa pagkamatay ng matanda. Kung hindi siya sumama sa mga ranchero sa kabila ng pagtutol ng matanda ay di sana ay naagapan niya ang gamot nito. Hindi sana ito namatay sa kanyang kandungan.

Nakaupo siya sa isang sulok ng sala grande at malayo sa karamihan at natatakpan ng malaking piano. Nakamasid sa mga nagsisidating na mga panauhin nang makita niya ang pagpasok ni Charry de Luna. Ama marahil ng dalaga ang kasunod na kumamay kay Franco. Pagkatapos ay yumakap kay Lance.

“Oh, I’m sorry, honey. I know you loved that dear old lady so much,” pahikbing wika ni Charry. Ilang sandali itong nagtagal sa mga bisig ng lalaki bago bumitaw at lumapit kay Franco upang bumati at pagkatapos ay muli ring bumalik sa tabi ni Lance.

Nagpakawala siya ng isang mapait na buntong-hininga. She would have turned away nang makita naman ang pagpasok ng isang pamilya. Agad na sumalubong si Lance and planted a kiss on her cheek. Pagkatapos ay hinawakan sa ulo ang batang kasama nito.

Sa larawan lang sa Houston niya nakita ang babae subalit alam niyang si Jewel iyon kasama ang pamilya. The portrait didn’t do her justice. She was very pretty in person sa kabila ng sa tingin niya ay nagdadalang-tao ito.

Marahan siyang tumayo at lumakad papasok sa library at naupo sa mahabang sofa. Bagaman ipinakikilala siya bilang asawa ni Lance, may pakiramdam siyang estranghero siya sa bahay na iyon. Ni hindi niya kilala ang mga naroong bisita. At kung hindi pa niya unang nakilala ang mag-asawang Zandro at Jenny ay lalo marahil niyang naramdamang isa rin lang siya sa mga naroong nakikiramay. Ni hindi sila halos nag-uusap ni Lance matapos ang hapong mangyari ang fatal attack ng namatay. Naging lubhang abala ito maliban pa sa pamimighati.

At hindi lingid sa kanya ang bulong-bulungan, lalo na nang dumating si Charry at yumakap at humalik kay Lance. She closed her eyes at sinikap na huwag tumulo ang pinipigil na mga luha. Inihilig ang ulo sa sandalan nang bumukas ang pinto.

“Here you are, hija, gusto kang makilala ni—” n ahinto sa sinasabi si Franco nang makitang tila hapong-hapo siya. “Are you all right?”

“Y-yes... no...” h indi niya alam ang isasagot. Naupo si Franco sa tabi niya. “I-it’s my fault, Papa. I should have not left her...” she sobbed.

“Sshh... ano ba ang sinasabi mo, hija?” wika nito na nagsasalubong ang mga kilay. “Matagal nang maysakit ang m ama at alam naming lahat na anumang sandali’y mawawala siya.”

Sama-samang pagod, tensiyon at puyat sa nagdaang ilang araw at sama ng loob sa nakita kanina sa labas, tuluyang kumawala ang damdaming pinipigil ni Billie.

“S-she died in my arms! Oh, g od!” pahisteryang wika niya at tuloy-tuloy sa pag-iyak.

“Hush,” ani Franco na hindi malaman kung paano siya aaluin. Kinabig siya patungo sa dibdib nito at banayad na hinaplos ang likod. “You will make yourself ill if you don’t calm down, Billie.”

“What—?” Nahinto si Lance sa pagpasok nang makita ang ama at asawa. Nagsalubong ang mga kilay nito sa pagkakatingin sa dalawa. Iyon ang ikalawang pagkakataong nakita nito ang asawa at ama sa ganoong tagpo.

Ang una ay nang dumating si Franco sa mismong araw na iyon.

Naguluhan ito nang ang asawa ay sumalubong sa ama at yumakap dito.

And the controlled Billie started weeping hysterically.

Nilingon ni Franco ang anak. “She’s tired and upset, Lance. Ayusin mo ang asawa mo.” b initiwan nito ang manugang at tumayo. “Uutusan ko ang katulong na dalhan ka ng isang basong gatas, Billie.” Pagkasabi niyon ay humakbang palabas ng library si Franco.

Pinahid ni Billie ng mga palad ang mga luha at sinikap na kalmahin ang sarili.

“M-may kailangan ka sa akin?” tingala niya sa asawang matiim pa ring nakatitig sa kanya.

“Jewel wanted to meet you.” h is voice cold. “Pero sa nakikita ko sa iyo, I guess I’ll have to make excuses...”

“I–I am sorry, Lance. H-hindi ko napigil ang sarili ko...”

“Hindi kita naiintindihan,” patuloy ni Lance na may bahid na ng galit ang tinig. “Sa nakalipas na mga araw mula nang mamatay ang Lola Erlinda’y you’ve been acting strangely. You grieved as if you were that close to my grandmother at lagi na lang nasa likod mo ang Papa. Aren’t you overdoing this, Billie?”

Bago pa siya makasagot ay muling lumitaw si Franco na may dalang baso ng gatas.

“Here, inumin mo ang gatas na ito, Billie.” Iniabot sa kanya nito ang dalang isang basong gatas. Gusto niyang magtanong at magprotesta but she was too tired and upset para gawin iyon.

NAGMULAT ng mga mata si Billie. Nasilaw siya sa liwanag ng araw na pumapasok mula sa mga nakabukas na bintana. Napabalikwas siya ng bangon nang matantong umaga na. Ibinaling niya ang sarili sa relo sa ibabaw ng chest at lalo siyang nanggilalas nang makitang alas-siyete y media ng umaga.

She must have slept for almost seventeen hours!

Ang huli niyang natatandaan ay ang tila paghila ng antok sa kanya matapos inumin ang gatas na ipinasok ni Franco. May inilagay ba ito sa gatas niya?

Nagmadali siyang pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos magbihis ay bumaba. Maaliwalas at malinis na ang buong kabahayan. Nailibing si Donya Erlinda kahapon ng hapon nang hindi niya namalayan. May lungkot na humaplos sa dibdib niya sa kaisipang wala na ang matandang donya. Sa sandaling pananatili niya sa villa ay naging malapit sila sa isa’t isa.

“Gising na ho pala kayo, m a’am,” ang katulong na may dalang isang tray ng almusal. “Dadalhin ko nga ho sana ito sa silid ninyo.”

“Nasaan ang mga tao rito, Aning?”

“Nasa komedor po ang Senyor Franco at si Sir Lance kasama ang dalawang bisita nila.”

Lumakad siya patungo sa komedor. Nasa kabisera si Franco, sa kanan nito ay si Lance na katabi naman si Charry at kasunod ang ama. Abala sa pagkukuwentuhan ang dalawang matandang lalaki habang si Charry ay kausap si Lance.

“Good morning,” bati niya para sa lahat. Nag-angat ng ulo si Franco at agad tumayo upang salubungin ang manugang.

“Good morning, Billie,” wika nito at masuyong hinawakan ang manugang sa braso. “Sleep have done you good, hija. You look better.”

Tumingala siya sa biyenan. “Did you put something in my milk, Papa?”

Ngumiti si Franco. “Kaunti lang, Billie Rose, para makabawi ka. Kung hindi ko ginawa iyon ay baka nag-break down ka na. I hope you don’t mind?”

Alanganin siyang umiling pagkatapos ay sinulyapan si Lance na walang ekspresyon ang mukha at patuloy sa pagkain. Naupo siya sa kaliwa ni Franco at kaharap ang asawa. Si Franco na rin ang nagsalin ng kape sa tasa niya.

“Nakilala mo na si Mr. de Luna at ang anak niyang si Charry, `di ba, hija?” ani Franco na nilinga ang dalawang bisita. Si Mr. de Luna ay magalang na ngumiti. Ganoon din si Charry.

“Y-yes,” sagot niya. Inabot ang baso ng juice.

“I have invited them to stay for a few days, Billie,” pagbibigay-alam ni Franco.

“Salamat sa pagpapakuha mo ng ilang gamit namin, panyero.” s i Mr. de Luna. In his mid-fifties, mataba nang kaunti. “Ang ikinalulungkot ko nga lang ay sa malungkot na pagkakataon nangyari ang pagkabakasyon naming mag-ama rito.”

Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ni Franco. “Kami ang namimighati, panyero, at hindi dapat maging hadlang iyon sa pagbabakasyon ninyo,” sagot nito, inabot ang isang papaya slice at inilapag sa pinggan ni Billie. “Kumain ka,” bulong nito.

Lance saw it subalit nanatiling walang kibo. Sandali lang sumulyap kay Billie at muling niyuko ang pagkain.

“Your daughter-in-law must be very young and very fragile, Tito Franco, she’s pale. Hindi siya hiyang dito sa Pilipinas.” m ay simpatya sa tinig ni Charry nang magsalita at tingnan siya.

“Looks can be so deceiving, Charry, hija.” s i Franco sa neutral na tono. “Si Billie ay isang horse breaker at sanay sa rancho. They owned a small ranch in Colorado.”

Hindi naitago ni Charry ang pagkamangha. “Horse breaker!”

“Did that surprise you?” ani Franco na bahagyang natawa. “I couldn’t believe myself nang sabihin ni Billie ang isa sa mga gustong gawin niya. She’s a professional photographer but she loves horses and no wonder na agad niyang napaamo si Shadow at ang Arabian stallion ni Nick na si Arab.”

“Hindi naman sila ganoon kahirap sakyan, Papa,” nahihiyang wika ni Billie. Sinulyapan ang asawa and wondered why Lance was so quiet.

“Don’t be so modest, hija,” patuloy ni Franco. “Matagal nang gustong sakyan ni Jenny si Arab pero ang mga lalaki lang ang nakakasupil sa kabayong iyon.”

“Knowing Jennifer then you must be a good rider, hija,” may paghangang wika ni Mr. de Luna. “At isang napakagandang horse breaker, huh?”

Si Charry ay malambing na nilingon sa Lance. “Nangako kang tuturuan mo akong mangabayo, Lance.”

“Of course,” wika ni Lance na nagsalita sa kauna-unahang pagkakataon.

NASA bintana si Billie at tinatanaw ang dalawa na kararating lang mula sa pamamasyal sa buong rancho. Naunang bumaba ng kabayo si Lance at pagkatapos ay inabot si Charry sa kabayo nito. Nakita niya ang kunwang pagkawala ng panimbang ng dalaga at ang sadyang pagyakap kay Lance. Nakita niya rin kung paano inabot ng dalaga ang asawa upang hagkan ito sa mga labi at pagkatapos ay humalakhak.

Ibinaba niya ang kurtina at sumandal sa may bintana. What’s wrong with her? Bakit tila may hapding dulot ang tanawing nakita?

Naturally, he’s your husband, ang kabilang bahagi ng isip niya. Napailing siya. Hindi siya dapat makaramdam ng ganoon. Having sex with her husband did not guarantee na magiging normal na ang pagsasama nila. In fact, hindi niya alam kung saan siya nakatayo.

“Let’s both satisfy the curiosity we have for each other, Billie Rose.” Hindi ba at iyon ang sinabi ni Lance sa kanya sa bahay nito? Curiosity. That was all there was to it. Ginamit na lisensiya ni Lance ang pagiging legal nilang mag-asawa para sa lovemaking nila. At pinayagan niya iyon. Wantonly enjoyed and longed for it if truth be told.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at lumabas ng silid. Sa may pasilyo ay nadaanan niya ang bukas na silid ni Franco. Naroon ito at nagsusuot ng pang-itaas. Huminto si Billie sa may bungad.

“May I come in?” aniya.

“Sure, hija, halika’t pumasok ka,” ani Franco at itinuro ang settee. Nahinto sa pagbubutones ng polo shirt. “May kailangan ka ba?”

“Gusto kong sumama sa inyong pabalik ng Maynila, Papa,” aniya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Franco roon. “Napag-usapan ba ninyo ni Lance ang bagay na iyan?”

She sighed wearily. “You know I love it here, Papa. Pero alam ninyo ang sirkumstansiya ng pagparito ko. Lance thought I’d create scandal kung patuloy na makikipagkita kay Luke.”

“Which is understandable,” neutral na sagot ni Franco. “You are married to my son, Billie Rose...”

“Thanks to you. My life’s miserable,” sarkastikong wika niya sa pabulong na paraan. Franco smiled silently.

“I’m sure Lance does not want you to leave the ranch. Why don’t you talk it over with him?”

“I don’t care what he wants,” banayad niyang asik. “He does not even want to talk about it. And he wouldn’t agree to an annulment. And, Papa, it may not be right pero obligasyon kong ipaalam kay Luke nang pormal ang tungkol sa amin.”

“Do you really have to talk to him?” May warning sa tinig ni Franco na matiim na tinitigan ang manugang. “Hindi ko maaaring salungatin ang gusto ng anak ko sa pananatili mo rito lalo at kaya ka luluwas ng Maynila ay para makipag-usap sa lalaking iyon.”

“Papa, please, you knew me better than that,” pakiusap niya. “Luke and I planned to marry dahil inaasahan naming papayag si Lance sa annulment considering the circumstances of our marriage. And I just couldn’t disappear, could I?”

Matagal na hindi sumagot si Franco. Huminga nang malalim at nilapitan ang manugang. “Very well, isasama kita pabalik ng Maynila ngayon. Pero sa sandaling magkausap kayo ng Luke Wendell na ito’y ipahahatid kita uli dito sa rancho.”

Ngumiti si Billie at yumakap sa biyenan. “Thank you, Papa...”

“But promise me one thing, Billie, just this once, hija...”

“THAT was exhilarating, honey.” s i Charry na nakahawak sa baywang ng lalaki habang pumapanhik sa hagdan. “I never thought I’d enjoy horseback riding...”

“Well, I’m glad you enjoyed today, Charry,” ani Lance na ngumiti. Binabagtas na ang pasilyo patungo sa isang guest room kung saan nakatoka sa dalaga. “Sana’y hindi naligaw ang papa mo. Nagkahiwalay tayo...”

“Hindi mawawala ang Papa dito, Lance,” nakatawang sagot ni Charry. “Kasama naman niya ang isang tauhan, hindi ba?”

Ang akmang pagsagot ni Lance ay napigil nang mapalingon sa nakabukas na silid ng ama. Ang mga braso nito ay nasa katawan ng asawa habang si Billie ay isa-isang isinasara ang mga butones sa polo shirt ni Franco.