noveltoon logo noveltoon
Rose Tattoo (Kristine Series 12)

Chapter 5

Ch. 6 / 25 Apr 09, 2022

Chapter Five

“A NO ANG pag-uusapan natin, Papa?” tanong niya sa ama na nasa likod ng executive desk nito sa library. Si Beatriz ay nasa settee at sa tingin niya ay natetensiyon.

Itinuro sa kanya ni Franco ang upuan sa harap ng mesa. Naupo ang binata at itinaas ang kaliwang binti sa silya sa tapat.

“Post-accident conference?” biro nito sa ama.

Subalit hindi ngumiti si Franco at nag-alis ng bara ng lalamunan bago nagsalita. “Halos isang buwan na mula nang dumating ka, Lance. At ganoon na rin katagal kang nagkukulong sa bahay. Ni hindi mo hinaharap ang mga kaibigan mong dumadalaw sa iyo... ayaw mo ring mamasyal...”

“Nagsasawa ka na ba sa mukha ko, Papa?” sagot niya habang marahang minamasahe ang kaliwang binti.

Franco could see the silent anger in his son’s eyes habang ginagawa ang banayad na pagmamasahe sa sariling binti. Hindi madali para kay Lance na tanggaping matatagalan bago nito mahihiwalayan ang crutch. And knowing his son, baka mas matagal pa kaysa sa sinasabi ng mga doktor dahil inaapura ng anak ang paggamit sa binti bukod pa sa kinasusuklaman nito ang de-oras na pag-inom ng mga kapsula.

“H-hindi iyon ang ibig sabihin ng papa mo, Lance.” s i Beatriz na humalo sa usapan ng mag-ama.

“Hindi dahil nangyari ang aksidente’y habang panahon ka nang nagkukulong dito sa bahay,” patuloy ni Franco. “Nagagawa mong makapaglakad kung hindi sumusumpong ang sakit ng mga binti mo...”

“Not without this damn crutch!”

“Alam nating lahat iyon,” mahinahon pa ring wika ni Franco. “Don’t you think that’s more preferable than sitting all your life in a wheelchair?”

Tumiim ang mukha ni Lance. “Don’t beat around the bush, Papa. I can feel it in my bones na hindi iyan ang gusto mong sabihin...”

Nagkatinginan ang mag-asawa. Nasa mukha ni Beatriz ang matinding pag-aalala. May dalawang beses na nag-alis ng bara ng lalamunan si Franco. Tumayo at lumakad patungo sa wine cabinet at nagsalin ng alak sa wine glass. Took a swallow at pagkatapos ay humarap sa anak.

“I have planned for your marriage, Lance,”’ he said bluntly.

Napaangat mula sa pagkakahilig sa silya si Lance at iglap na tiningala ang ama. “What?”

Saglit na tinitigan ni Franco ang anak bago inulit ang sinabi. “I said I have planned for your marriage...”

Unti-unti ang pagrehistro sa isip ng binata ang sinabi ng ama. Nangunot ang noo. “Are you—are you out of your mind? Or this is some kind of a joke?”

“Hindi ko ginagawang biro ang ganitong bagay, Lance,” pormal na pahayag ni Franco sa pagkamangha ng binata. “You are twenty-six and it’s high time you settle down and raise a family.”

“That is for me to decide, Papa!” sagot nito sa mataas na tinig.

“Kung hahayaan kitang pagpasyahan sa bagay na iyan, malamang na maghahanap ka ng babaeng carbon copy ng asawa ni Bernard Fortalejo, Lawrence!” Sinikap ni Franco na huwag bahiran ng galit ang tinig. “Which is lunacy!”

Hindi na mapigilan ni Lance ang galit sa mukha. “What has Jewel got to do with this conversation?”

“Because I choose the right woman for you...”

Ilang sandali muna ang pinalipas ni Lance bago nagsalita. Holding on to his temper as much as he could. “Unbelievable!” bulalas nito in half-sarcasm, half-anger. “You planned for my marriage without even consulting me and choosing what you called the right woman for me?”

“You’ve been playing around for so long. Nasa panahon na para mag-asawa ka,” kalmanteng pa ring sagot ni Franco.

Tumango-tango ang binata. At sa sarkastikong tono ay: “I see. Kanino mo naman naisip na ipakasal ako?”

“There’s no need for sarcasm here. Pag-usapan natin ang bagay na ito nang maayos—”

“Maayos?” Biglang tumayo si Lance, sandaling nakalimutan ang kaliwang binti upang muli ring ibagsak ang sarili sa silya and winced in pain. Nadoble ang galit nito dahil sa sakit na nadarama sa binti and uttered an oath bago tumingala sa ama.

Si Beatriz ay ipinako ang sarili upang huwag daluhan ang anak.

“Paano mo nasasabing maayos ang pag-uusapan natin gayong buhay ko ang gusto mong manipulahin?” galit niyang tingala sa ama makaraan ang ilang segundo. “At inilalahad mo sa akin ang bagay na ito na tila isang business proposal.”

Nagpalakad-lakad si Franco habang hawak ang walang lamang kopita ng alak. “Hindi ko kinontra ang alinman sa mga ginagawa mo sa nakalipas na mga taon, Lawrence, though I didn’t like some of the things that you did. Isa na roon ang pagkahilig mo sa karera ng sasakyan na siyang naging dahilan ng kalagayan mo ngayon.” s andaling dinaanan ng matalim na tingin ni Franco ang binti niya. “Enough is enough, son. Naipagkasundo na kita sa anak ni—”

“Wala akong pakialam kung kaninong anak ng diablo mo ako ipinagkasundo!” bulyaw ni Lance. “I cannot allow you to do this to me, Papa. I will only marry with someone of my choice, not yours. And as of this moment, I have no intention of marrying any woman!”

Si Beatriz ay nanatiling nakamasid sa mag-ama with worried eyes.

Isang malalim na paghinga ang binitiwan ni Franco. Muling tinitigan ang anak. “May palagay akong wala kang magagawa kundi ang sumunod sa gusto ko, Lance...”

“No!” Halos maglabasan ang mga ugat nito sa leeg sa galit. “I can’t believe you’re doing this to me na tila ba nasa medieval age pa tayo upang ipagkasundo mo ako.”

“I will disinherit you, Lance,” kalmanteng isinusog ni Franco. Mindless of his son’s anger. “…sa sandaling hindi ka pumayag na pakasal sa anak ni Luis sa katapusan ng buwang ito.”

Napahugot ng matalim na paghinga ang binata sa narinig. “Hindi mo magagawa iyon!” bulalas nito sa pagitan ng disbelief at galit.

“Ask your mother at saka mo sabihing hindi ko kayang gawin.” n ilingon nito si Beatriz na itinaas sa mukha ang panyolito at ipinahid sa mga mata. Humakbang ito patungo sa chest at dinampot ang attaché case. “Mamili ka, Lance, aalis tayo patungong Sto. Cristo mamayang gabi or give away your inheritance,” humakbang patungo sa asawa. May babala sa mga mata nito nang yumuko at hagkan sa pisngi si Beatriz. “Do your part, darling, or see your son waste his life away in bitterness...” bulong nito sa asawa.

“Hindi mo ako mapipilit, Papa!”

Subalit ni hindi nilingon ni Franco ang anak at tuloy-tuloy lumabas ng library. Mahabang katahimikan ang namagitan sa mag-ina. Parehong walang unang gustong magsalita.

He was too angry to speak to his mother. Kung magsasalita siya ay baka kung ano lang ang lumabas sa bibig niya so he kept silent bagaman inilalabas ng katawan ang galit. Si Beatriz ay tumayo at lumapit sa anak. Naupo sa kabilang silya at ikinulong sa mga palad ang nakakuyom na kamay ng anak.

“I was shocked myself when your father brought out the idea. Believe me, I tried to talk to your father out of this, Lance,” she said softly and added in a weary tone: “But if there is one thing that my children had in common with their father, that is stubbornness. Gagawin niya ang sinabi niya, Lance. At hindi mo papayagang ipamigay ang bahagi mo sa FNC sa kawanggawa. Your father wouldn’t even divide your share with your sister and brothers. At magbibigay siya ng provision sa mamanahin ng mga kapatid mo na mananatili ang mga propriedad sa mga pangalan nila...”

“That is cruelty!” he shouted furiously.

Nagbuntong-hininga si Beatriz. Hinawakan sa braso ang anak. “Dahil alam niyang hindi mo nanaising mawalan ng mamanahin...”

“Surely, hindi iniisip ng Papa na mahalaga sa akin ang salapi niya. You know I can survive without his damned money! But—”

“...we are talking about rights,” agap ni Beatriz sa gustong sabihin ng anak. “Alam nating lahat iyon... alam ng Papa mo iyon. Hindi mo wawalaing-bahala ang FNC empire na pare-pareho ninyong pinaghirapang mag-aama.”

“Damn his em—”

“When Alvaro was born,” patuloy ni Beatriz na pumutol sa sasabihin ng anak. “...your father was already a millionaire. Pero hindi kayo lumaki sa luho. You were given just enough for what you need. You were trained to work hard for your allowances, you never get anything for free. Do you remember when you asked your father for a pony?” Hindi sumagot si Lance pero sandaling nakita ni Beatriz ang kislap sa mga mata ng binata. “Your father assigned you to clean the stables for one month. That horse is old now but you wouldn’t part with it dahil pinaghirapan mo iyon and he was your first possession.”

“Some millionaire’s son...” matabang na sagot ni Lance.

May tipid na ngiti na sumilay sa mga labi ni Beatriz at nagpatuloy. “At ganoon din ang ginawa ni Franco sa unang kotse mo, hijo, at sa iba pang mga bagay. When you started earning that was the only time na hinayaan kayo ng papa ninyo na bilhin ang anumang gusto ninyo...”

“What was the point of this reminiscence, `Ma?” angil niya. Inabot ang crutch at tumayo. “Trying to point out that Franco Navarro could never do wrong? That he could run our lives as he pleases? And marrying me to someone I know nothing of is right?”

“Your father had his faults, Lance. At hindi ko sinasabing tama ang ginagawa niyang ito sa iyo. Maaaring mali ang paraan ni Franco pero tama ang motibo niya...”

“But this is my life! Wala siyang karapatang gawin ito anuman ang motibo niya!” Hindi sumagot si Beatriz. Nauunawaan niya ang damdamin ng anak pero alam niyang tototohanin ni Franco ang banta.

“And what about you, `Ma? Naniniwala ka bang sa ikabubuti ko ang ginagawa ng Papa?” patuloy ng binata makalipas ang ilang sandali. Sinisikap na maging mahinahon. Hindi niya gustong siya ang maging sanhi ng pagdaramdam ng ina. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag nag-breakdown si Beatriz dahil sa kanya.

Umiwas ng tingin si Beatriz, torn between husband and son. But she couldn’t betray Franco.

“Your father never acted on impulse, Lance. He must have thought this over when he was in Houston with you,” banayad na sagot nito and with pleading eyes, tumingala sa anak. “Ako na ang nakikiusap sa iyo, Lance. Please...”

He was lost for words. Hindi makapaniwalang nakatitig lang sa ina. He opened his mouth to say something subalit muli ring itinikom. At bago pa siya may masabi na maaaring ikasama ng loob ni Beatriz ay paikang lumakad patungo sa hagdan. Nakadalawang baitang na siya nang lingunin ang ina.

“Who’s the lucky choice, kung hindi ninyo mamasamaing malaman ko?” he mocked.

“Billie Erika Rose Montaño...”

“Billie Eri... Montaño?” Nagsalubong ang mga kilay niya. “Do I know her?”

“Ang panganay na anak ni Luis Montaño, remember your Tita Monica’s elder brother...”

“Nick’s cousin!” hindi makapaniwalang bulalas ni Lance. Agad na gumana ang isip at nag-flash ang natatandaang anyo ng Billie Rose na ito.

The last time he saw her was at Monica’s wake in Sto. Cristo. A gawky teenager na mas mukhang American kaysa Filipina. He even silently laughed at her freckled nose. And he mistook her for a boy kung hindi lang dahil sa mahabang buhok nitong nakatirintas. And he wouldn’t have noticed her just as he hadn’t noticed her during Nick’s graduation kung hindi nga lang halos kapamilya na. Bukod pa roon, isa-isang ipinakilala ni Beatriz silang magkakapatid dito.

Bagaman alam niyang pana-panahon ay nagbabakasyon sa Sto. Cristo ang mag-anak na Montaño noong nabubuhay pa si Monica ay hindi pa nangyaring nagkakatagpo sila sa rancho. Bibihira siyang umuwi sa Alta Tierra at taon ang binibilang bago maisipan ng mga Montaño na dumalaw ng Pilipinas.

“And my father arranged my marriage to that... that freckled Amerisian? Oh, hell!” Muling tinalikuran si Beatriz at halos hilahin ang kaliwang paa sa pagpanhik.

“NO! Tell me you’re only joking, Daddy!” she cried passionately at tinitigan ang ama na bagong ahit at paligo.

Mula nang dumating sila sa Pilipinas ay wala siyang natatandaang bagay na maaaring asikasuhin ng ama. He was busy drinking himself to death at wala siyang magawa. Gusto niyang magtanong kung bakit sila umuwi subalit natitiyak niyang sisinghalan siya nito. Kahit ang mag-asawang katiwala ni Nick na si Nana Tonia at Tata Resting ay napapailing.

At kaninang dumating siya mula sa pangangabayo ay ikinatuwa niyang makitang hindi lasing ang ama subalit tuwang dagling napalis nang marinig ang sinabi nito.

“Nagkausap na kami ni Franco Navarro, Billie,” patuloy nito sa seryosong tono. “Ikatuwa mong gusto ka niya para kay Lance Navarro.”

“No,” mariing tanggi niya. “I won’t allow you to do this to me! I won’t marry that arrogant man and you can’t force me!”

“What have you got against Franco’s youngest son, Billie? Most women would welcome him as their husband and you must be thankful.” t initigan nito ang anak kasabay ng pagkunot ng noo. Iniisip kung paanong ang tulad ni Billie ay gugustuhin ni Lance Navarro at kung paano mapapapayag ni Franco Navarro ang anak na magpakasal sa kanya.

Parang lalaki kung gumayak. And Billie is young. Unsophisticated unlike the women he knew na napapaugnay sa jet-setter na anak ni Navarro. Agad ding inalis ni Luis sa isip iyon. Nagpapasalamat na sa pamamagitan ni Billie ay malaking problema ang nawala rito.

“I am not most women!” sagot niya sa mataas na tinig. “How can you think that I would want to marry that man not to mention that I have no wish to marry yet? Pilay na nga, mayabang at arogante pa!”

Tumalim ang mga mata ni Luis. “Obligasyon mo sa akin iyan at sa kapatid mo, Billie!”

“Oh!” Isinubsob ng dalagita ang mukha sa mga palad. “Why do you have to blame me always that I am a girl and you didn’t inherit Hacienda Montaño?” pahikbi at buong kapaitan niyang sinabi.

Wala siyang natatandaang hindi isinumbat sa kanya ng ama ang pagiging babae niya. Billie. Ang daddy niya ang nagbigay ng pangalan niyang iyon na dinagdagan lang ng mommy niya ng “Erika Rose” to make it sound feminine. Iyon marahil ang dahilan kung bakit nitong huling taon na lang ng buhay niya siya natutong mag-ayos bilang babae kahit paano.

She wanted to please her father by wearing boy’s clothes at kumilos ng tulad sa isang lalaki. Subalit na-realize niyang anuman ang gawin niya ay hindi ikatutuwa ni Luis Montaño. Isinisi nito sa kanya na ipinanganak siyang babae. Dahil dito ay nauwi lahat kay Nick ang ownership ng Hacienda Montaño na dati ay nasa pangalan ng ama.

Maliwanag ang testamento ni Don Vicente Montaño na ang panganay na lalaki lamang ang magmamay-ari ng buong lupain ng mga Montaño bagaman may karapatan ang sinumang babae ng angkan na manirahan sa asyenda. At kung nagkataong ipinanganak siyang lalaki ay paghahatian nila ni Nick ang buong lupain tulad ng nasa testamento ng matanda.

At dahil naging babae siya ay ang minana ni Luis Montaño mula sa ama ay ang salapi nito sa bangko na kung tutuusin ay hindi biro ang halaga. Iyon ang ginamit ni Luis sa pangingibang bansa. Sa pamamagitan niyon ay nabili nito ang kasalukuyan nilang cottage at maliit na rancho.

Nang muling magkaanak ang mag-asawa ay isa uling babae ang naging anak. Ganoon pa man ay hindi dinanas ng bunsong kapatid ang dinanas ni Billie na hantarang paninisi at pagkasuklam mula sa ama. Hanggang sa ipagdalang-tao ng mommy niya ang ikatlong anak na siyang naging dahilan ng kamatayan nito. Doon lalong lumala ang relasyon nilang mag-ama dahil natutong uminom at magsugal si Luis. Ang tanging ipinagpasalamat niya ay hindi sila sinasaktang magkapatid.

“At ngayon ang pagkakataon mo upang bawiin sa akin na ikaw ang naging anak ko, Billie,” patuloy ni Luis na nagpaangat ng mukha niya. “Ang buong cottage ranch ay nakasangla sa bangko and is facing foreclosure in two weeks’ time.”

“That’s not true!” hiyaw niya sa nanlalaking mga mata. Hindi gustong paniwalaan ang sinasabi ng ama subalit naglaro sa isip ang sunod-sunod na sulat mula sa bangko nitong nakaraang mga buwan. Ganoon din ang tawag sa telepono mula sa bank personnel, ang paghinto niya sa pag-aaral nitong nakaraang semester, ang krisis nila pagdating sa pera.

Luis have long lost his job bilang computer analyst sa bangko dahil nga sa malimit itong lasing.

“Nasa loob ng study ang mga papeles, dala ko. You can take a look para maniwala ka,” utos nito sa kanya na hinayon ng mga mata ang study.

“Y-you have no right,” aniya sa gumagaralgal na tinig. “P-paano kami ni Angeli?” Ang tinutukoy ay ang apat na taong gulang na kapatid. “Ang pag-aaral ko?” she asked in a horrifying tone.

“Just as you didn’t have the right to be born a girl!” balikwas nito sa kanya sa humihiwang tono.

“You’re so unfair...” h umikbi siya nang tuluyan. “At kung tungkol sa pag-aaral mo’y problema na ng magiging asawa mo iyon. You know they’re rich that I couldn’t even think how much. At kung inaalala mo ang kapatid mo’y gagawin mo ang gusto kong mangyari.”

Nag-angat siya ng luhaang mukha nang may biglang pumasok sa isip. “Kung... kung nakasangla ang buong cottage ranch then we can seek Nick’s help, d addy. Hindi niya tayo tatanggihan!” Nakabanaag siya ng pag-asa. She was only nineteen to be married to someone she doesn’t love and almost a stranger for that matter. At natitiyak niyang hindi rin siya gustong mapangasawa ni Lance Navarro. Hindi ang tulad niya ang nakikita niyang laging kasama ni Lance sa mga magazine. And he hated her kung ang pagbabasehan ay ang dalawang beses nilang pagtatagpo.

“Naisip ko na iyan nang ialok ni Franco Navarro ang tulong niyang tubusin ang buong rancho, Billie. Kung paano niya nalamang nakatakda ang foreclosure, the devil knows. Hindi ko gustong tumanggap ng charity mula sa lalaking siyang naging dahilan ng kamatayan ng kapatid ko.” m uling tumiim ang mukha nito.

“Kung ganoon ay walang problema, d addy.” s he smiled a little at pinahid ang luha sa mga mata. “Kausapin natin si Nick...”

“Don’t be stupid, girl!” angil ng ama. “Nick’s rich dahil nasa pangalan niya ang buong Hacienda Montaño subalit hindi niya magagawang ipagbili ang alinmang bahagi nito dahil maliwanag ang nakasulat sa testamento ng Papa na wala kahit isang metro kuwadrado ang ipagbibili. At ang share ni Jerome Gascon sa FNC na minana ng pinsan mo’y nanatiling kumikita sa FNC. Subalit sa palagay mo ba’y madali para kay Nick na kumuha ng napakalaking halaga nang hindi malalaman ni Franco Navarro? Dolyares ang pinag-uusapan dito at hindi peso. You can think again, Billie...”

Muling lumaylay ang mga balikat ng dalagita. Ang bahagyang pag-asang natanaw ay tuluyang naglaho. Patakbo siyang lumabas ng silid bago pa siya tuluyang humagulhol ng iyak.