noveltoon logo noveltoon
Rose Tattoo (Kristine Series 12)

Chapter 16

Ch. 17 / 25 Apr 09, 2022

Chapter Sixteen

“A RE YOU all right, Lance?” Si Franco Navarro sa anak.

Biglang nag-angat ng paningin si Lance upang makitang sa kanya lahat nakatingin ang mga lalaki sa conference table. Kahit si Dolly na kumukuha ng minutes sa meeting ay nagtatanong ang mga mata.

“Sa loob ng tatlong araw na meeting ay para kang wala sa sarili mo,” patuloy ni Franco nang hindi sumagot ang anak. “Are you sick or something?”

Tumikhim siya at muling nilinga ang mga miyembro ng board. Iba-iba ang reaksiyon sa mukha ng mga ito, ang iba ay amusement at natitiyak niyang kung wala lang sa mahalagang pinag-uusapan ay manunukso. Ang mga may-edad ay concern naman ang nasa mukha.

“Mainit, Papa,” aniya at nilinga ang labasan ng centralized airconditioning. Sukat doon ay nagtawanan ang mga nakapaligid na puro mga nakaamerikana kung hindi man naka-long sleeves and ties.

“Then I guess you’re sick, son,” matabang na sagot ni Franco. “We’re freezing here, `tapos ikaw sasabihin mong mainit. Anyway, you are excused to step out of the room kung hindi mabuti ang pakiramdam mo,” wika nito at binalingan ang mga ka-meeting at ibinalik sa topic ang usapan. Sandali lang sinulyapan ang anak na hindi na kailangan ng ikalawang pagtataboy at mabilis na lumabas ng conference room.

Papasok siya sa kuwarto niya nang bumukas ang elevator at lumabas si Charry na agad ngumiti pagkakita sa kanya.

“Oh, hi,” bati nito. “Is the meeting over?” Malambing itong kumapit sa braso niya.

“Nasa loob pa sila, Charry, kasama ang daddy mo,” sagot niya at humakbang patungo sa private room kasama ang dalaga. Hustong nakasara ang pinto when Charry passionately kissed him.

“I miss you, lover boy,” wika nito nang bitiwan ang mga labi niya. “You’ve been neglecting me for four days now.” l umabi ito sa malambing na akusasyon. “You promised to dine me out pagkagaling mo ng Alta Tierra. Kung hindi dahil sa meeting ay iisipin kong sa r ancho Navarro ka nagpalipas ng gabi.” h inaluan nito ng bahagyang panibugho ang tinig.

“Pagod ako pagdating ko, Charry.” h e excused himself at umupo sa mahabang sofa sa halip na sa executive chair at niluwagan ang necktie. Tinulungan siya ng dalaga roon. At sinasadya nitong idikit ang katawan sa kanya. Strange, pero wala siyang ibang maramdaman gayong halos isang buwan na silang hindi lumalabas.

Isinandal niya ang sarili sa sofa at pumikit.

“Are you all right, Lance?” tanong ng dalaga na nagsasalubong ang mga kilay.

Nagmulat siya ng mga mata and gave her a faint smile. “Sa sunod-sunod na meeting sa loob ng tatlong araw, I’m burned out, Charry...”

Tumango ang dalaga bilang pagsang-ayon. Ilang butones ng polo shirt ni Lance ang binuksan nito at pinaglaro ang malambot na palad sa dibdib niya.

“Yeah. Tatlong linggong mahigit na rin tayong hindi nag-a-out-of-town, honey. Why don’t we do that to recharge? Nariyan naman ang Tito Franco, `di ba?”

Inalis niya ang mga kamay nito at bumuntong-hininga. “Charry, my wife is here. Paano ko gagawin ang sinasabi mo?” mahinahon niyang sagot.

“My wife,” banayad na bulalas ni Charry at matiim siyang tinitigan. “Have I detected possessiveness there?” sarkastikong wika nito.

“C’mon—”

“According to you, you’ve been married for more than three years and that never bothered you. Why now, Lance?”

“Narito sa Pilipinas ang asawa ko, Charry,” he answered impatiently. “Ano sa palagay mo ang dapat kong gawin, balewalain ang presensiya ni Billie?”

Nang-aarok ang tinging ibinigay ng dalaga sa kanya. Pagkatapos ay binuksan ang bag at kinuha mula roon ang sigarilyo at nagsindi. Blew the smoke ceiling ward at muling tumingin kay Lance.

“Sabi mo’y gusto niya ng annulment, give it to her, Lance, fast. Your lawyers can do that kahit na bumalik na lang siya agad ng Colorado.”

Matagal bago sumagot si Lance. Pagkatapos ay sinalubong ang tingin ng dalaga. “I have no wish to annul my marriage, Charry,” he said calmly.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. “What?”

Tumayo si Lance at tinungo ang mesa at dinampot ang intercom at tinawagan ang sekretarya. “Dulce, try to get through Nick. I want to talk to him again.”

“Ano ang sinasabi mo, Lance?” patuloy ni Charry na tumayo na rin. “Paano tayo? Paano ang mga plano natin? Ang sinabi ko sa media tungkol sa plano nating pagpapakasal?”

“Charry,” he sighed. Hinagod ng tingin ang maladiyosang babae sa harap. The epitome of beauty and elegance. Just like all his other women. And all of a sudden, he got tired of them all. Itinuwid niya ang sarili sa pagkakaupo at nagpatuloy. “Sa on-set pa lang ng relasyon nating dalawa, I never give promises I can’t make. I am a married man. I never confirmed nor denied rumors.

“At iyong tungkol sa anunsiyo mo sa media, honey.” b inigkas niya ang endearment sa sarkastikong paraan. “ t hat was your own doing, so suffer the consequences,” he said ruthlessly. “Hanggang may magagawa, the Navarros do not break their marriages or I would have done it a long time ago,” idinagdag niya.

Gustong magprotesta ni Charry, magalit at murahin ang lalaki. Subalit hindi si Lance ang natitigatig sa mga ganoong outburst ng isang babae. Bukod pa roon, kinakabahan itong maging dahilan iyon upang matapos ang relasyon nila. At wala siyang intensiyong tapusin ang relasyon nilang dalawa, may asawa man ito o wala.

Hindi si Billie Rose ang uri ng babaeng gugustuhing makasama ni Lance Navarro. That Amerisian wasn’t his type. Unsophisticated and young. At natitiyak nitong hindi gusto ni Lance ang pagkapangasawa rito. He was bound only by family honor and traditions.

She sighed at lumapit dito. Curled his hair around her fingers seductively. “I’ll be around, honey, hihintayin kong matapos ang problema mo sa... asawa mo.”

“Charry, don’t you think it’s time to end—”

Tinakpan ng dalaga ng daliri ang bibig niya. “Don’t say anything. You are hurting me, Lance....”

“C’mon, Charry,” napapailing na wika ng binata na hindi malaman kung mangingiti o maiirita. “This isn’t like you. I always believe that ours is good while it lasts.”

“You can’t get me out of your life that easy, lover boy.” h inagkan nito sa mga labi ang lalaki. “I’ll call you. Alam kong magulo ang isip mo dahil sa pagdating ni Billie Rose at nataon pa sa busy week ng FNC.”

MULA sa ere ay nakita ni Lance ang mga baka na itinataboy patungo sa grazing ground ng dalawang ranchero... no, tatlo. Nagsalubong ang mga kilay niya sa pagkakayuko at pagsino sa ikatlong ranchero. Kung hindi siya nagkakamali ay babae ang isa.

Si Billie Rose!

Ibinaba pa niya ang lipad ng chopper at umikot sa kinaroroonan ng mga baka, sa paraang tatakbo ang mga ito sa talagang pagdadalhan at hindi palayo. Nakita niyang tumingala si Billie at kumaway. Gumanti siya ng kaway at sinenyasan ang asawang pumaroon sa isang kapirasong clearing.

Tumango si Billie at agad na pinatakbo ang stallion upang habulin ang chopper.

Nailapag na ni Lance ang helicopter at nakababa na rin subalit malayo pa si Billie bagaman alam niyang mabilis ang takbo ni Shadow. Hindi niya mapigil ang paghanga habang pinanonood ang asawa sa pangangabayo nito patungo sa kanya.

He adored his sister Jenny on horseback and never thought that any woman could look as good as his sister. But Billie Rose was poetry in motion, not even Jennifer Navarro could ride as gracefully as she did. As if she came out straight from the painter’s canvass. And she wasn’t even wearing a riding habit. Naka-summer printed dress ito. Inililipad ng hangin ang damit kung paanong ganoon din ang dark brown hair na mamula-mula sa sinag ng araw. Billie Rose was the most captivating female he’d seen in a long time.

Sa nakalipas na mga araw ay nililigalig ni Billie ang pag-iisip niya. Kahapon, wala sa loob siyang pumasok sa guest room na para bang makikita niya ang asawa roon. Sa halip, napuna niyang hindi dinala lahat ni Billie ang mga gamit. That was when he saw her album and out of curiosity ay binuklat niya.

Puro larawan ni Franco Navarro ang nasa scrapbook with captions. May mga solo shots at mga larawang may mga kasama ito. Mga larawang kuha may walong taon na ang nakalilipas hanggang sa nakaraang apat na taon. Mga larawang ginupit mula sa magazines at peryodiko. Ang iba ay natatandaan niyang nasa pag-iingat ni Nick sa apartment nito. Ang iba ay mula sa family album na iniingatan ni Monica noong nabubuhay pa ito.

Kung bakit may album na ganoon ang asawa ay hindi pa rin niya mahanap ng kasagutan. And she must have stopped collecting his father’s photographs months before their wedding.

He walked towards her upang salubungin at ibaba mula sa kabayo subalit hindi pa gaanong nakakahinto si Shadow ay tumalon na si Billie Rose.

Hawak pa rin ni Billie ang renda ni Shadow at hindi malaman kung hahakbang palapit o hindi. Her pulse started to race at the sight of him.

“Hi,” bati niya na sinamahan ng alanganing ngiti. Why she missed this insufferable man, beat her. Lance’s handsomeness and masculinity had never been in dispute pero nang angkinin siya nito sa unang pagkakataon ay higit pa roon ang gusto niyang isipin sa lalaki. He was devastating.

It has been almost a week mula nang huli silang magkita. Her eyes roamed his body. His hair tied at the back. In round-necked pale yellow shirt na nakapaloob sa lumang maong na hapit sa katawan at leather boots. He was well over six feet and his muscle hardness was no longer hidden by slacks and long sleeves. Lance was a powerful man who walked tall, like some beautiful yet dangerous jungle beast.

Nang gumanti ng ngiti si Lance, the world around her stood still at may palagay siyang kahit ang mga ibon sa paligid ay nagpipigil ng kanilang paghinga.

She wondered anxiously what was the matter with her. Lance wasn’t her type, hindi rin niya ginustong magpakasal dito at kaya lamang naiisip niya si Lance sa loob ng tatlong taon at kalahati ay dahil sa ginawa nitong pagta-tattoo sa kanya at ang sirkumstansiya ng kanilang pagpapakasal. All those years, ang nakaukit sa isip niya ay ang galit nito.

Paanong biglang nagbago ang lahat nang dahil lang sa ilang sandaling pagtatalik? May bahagi ng isip ni Billie ang gustong tumanggi sa kaisipang iyon. Nagsimulang magbago ang lahat nang dumating siya sa Pilipinas.

“Now I really believed you’re a horse breaker,” nakangiting wika ni Lance at pinagmasdan ang pagbaba-taas ng dibdib ng asawa sa paghingal. Billie didn’t realize how lovely she looked. Young and all natural, sa gitna ng kagubatang nakapaligid sa kanila. His heart started to pound madly na tila ba ito ang nagpatakbo ng kabayo. Bumaba sa mga binti niya ang mga mata nito. “I’m glad you had the sense to wear your riding boots.”

“Oh, but this is not mine,” aniya at niyuko ang sarili. “Ang sabi ng Lola Erlinda ay kay Jenny ito. Do you mind?”

“Silly question,” sagot nito, still smiling. Nang may naisip na biglang nagpawala sa ngiti sa mga labi. “Bakit nga pala kasama kang nagtataboy sa mga baka? Sino ang nagbigay sa iyo ng trabahong iyon?”

Nagkibit siya ng mga balikat. “No big deal. I love the job. Ayaw nga nila akong payagan, eh. And I really persuaded Lola Erlinda this afternoon to allow me to help bring the cows to the grazing area.”

Bumalik ang ngiti sa mga labi ni Lance. “You wouldn’t miss Colorado here, Billie Rose. Look at you, the climate here suited you perfectly. You tanned beautifully...”

She made a face. “Not as beautiful as your Charry...” n agsalubong ang mga kilay ni Lance doon subalit bago pa ito makapagsalita ay sinundan ni Billie ang sinabi. “You look like a rancher than an executive. I wonder how you fare in the board room.”

“Sa nakalipas na ilang araw sa board room?” Tumaas ang kilay ni Lance doon. “I was Franco’s nightmare. I wasn’t myself.”

Gumuhit ang kunot sa noo ni Billie. “Ano ang ibig mong sabihin?”

In two huge steps, Billie found herself imprisoned in his arms. “This is what I meant,” he whispered huskily and claimed her mouth. Kissing her in aching hunger, almost bruising her lips. But she didn’t mind. It surprised and excited her at the same time. She melted into her arms.

The devastating kiss could have lasted forever. She tried to catch her breath back nang bitiwan ni Lance ang mga labi niya. “I’ve missed you like crazy, Billie Rose,” he murmured as he touched his forehead to hers. “My mind was filled with you. Sa boardroom ay ikaw ang laman ng isip ko... kung ano ang gusto kong gawin sa iyo `pag nagkita tayo that I felt like taking a shower in the middle of the conference...”

Nagsalubong ang mga kilay na tumingala si Billie, her breath uneven. Hindi niya matiyak kung dapat siyang matuwa sa sinasabi nito. “L-like what?” she stammered and kept still, still dazed by the intensity of his kiss.

“Like kissing you and more till we ran out of breath, like fill you with my body and do all the pleasureable things I could possibly think of—”

“Carnal thoughts, Lance Navarro,” she tried to tease sa kabila ng nananayo ang mga balahibo niya sa batok and the butterfly in her stomach made her feel dizzy. He was still holding her so tightly, his warm clean breath is tickling her senses. At may pakiramdam siyang gusto niyang manatiling nakakulong sa mga bisig nito.

“And I have this carnal longing for you, wife...” he whispered as he tried to capture her mouth again pero humakbang palayo si Shadow at dahil hawak pa ni Billie ang renda ay nawalan siya ng panimbang at napahakbang paatras.

She had no idea kung dahil kay Shadow kaya sila bumagsak sa damuhan o sadyang nagpahila si Lance pababa sa damuhan. Pero hindi na niya magawang isipin iyon. He was kissing her fiercely, hungrily habang ang isang kamay nito ay pumailalim sa palda niya.

“L-Lance, ano ang ginagawa mo?” She was breathless and excited at the same time. His calloused hand on her soft flesh is igniting fire.

“What do you think?” His eyes bored into hers. His hands were working overtime on her body.

“H-here?”

“Here.” He smiled wickedly as his eyes travelled to the shadowy vee between her breasts, pagkatapos ay muling bumalik sa mga mata niya.

Shocked na luminga sa paligid si Billie. “B-but—”

“Don’t worry, my little butterfly. This is more than one mile from the grazing ground.” h is voice was a low and sexy growl as he teased her lips. “It would be awkward to rush home at magkulong sa silid. You wouldn’t want that, would you?”

Ano na lang ang sasabihin ng Lola Erlinda at ng mga maid? she thought. Mabilis siyang umiling, the light blue eyes wide filling her face. She had no idea how breathtaking she looked that Lance took his breath sharply.

“W-with... our clothes on?” She was gasping softly, she could feel through their clothing the hardness of his powerful body.

“With our clothes on.”

“You... are mad, Lance Nav—” a ng anumang sasabihin niya ay tinakpan ng mga labi ni Lance as his hungry kisses consumed her.

The horse whined nang makita ang dalawang amo sa damuhan sa ilalim ng isang matandang punong akasya.