Chapter Seven
A RAW ng kasal. Naroon na sa loob ng malaking library ang magkakasal, ganoon din ang mag-amang Luis at Billie. Billie was wearing a simple white dress which she hated dahil lalo siyang nagmukhang dose anyos. Kung siya ang nasunod, she would have opted for jeans and cotton blouse.
“There will be no visitors, Daddy,” katwiran niya na itinirintas ang buhok. “Lance hates me... hates this wedding and I don’t want to marry him. Tama lang ang ganitong ayos.”
“You are behaving ridiculously, Billie Rose,” patuloy ni Luis sa galit na tono. “Change that jeans right now!”
Naniningkit ang mga matang lumingon siya sa ama. “I have nothing but jeans and t- shirts, Daddy! You should know that by now...”
Biglang lumambot ang mukha ni Luis Montaño at umiwas ng tingin at tumalikod upang lumabas ng silid.
“Daddy...” banayad na tawag ni Billie. Lumingon si Luis and she swore she saw mist in his eyes na gustong magpahikbi sa dalagita. “You are so handsome in that Barong. I have never seen you wear that before...”
Nag-alis ng bara ng lalamunan si Luis. “Luma... na ito,” he smiled and brokenly said: “Kasintanda mo, nineteen years old. I... I wore this on my wedding with your mother...”
Sa dalawang hakbang ay nasa mga bisig ng ama si Billie at humagulhol ng iyak. “Hush... you will wet my... my...” h indi nito nakuhang tapusin ang sinasabi at mahigpit na kinabig ang anak. “I’m sorry, Billie Rose, I’m sorry. I know I have been a lousy father to you...”
“I love you, Daddy, and I missed Mommy, too...”
“Sana’y kaya kong baguhin ang mga nangyari, Billie,” patuloy nito sa basag na tinig at masuyong dinaanan ng daliri ang freckles niya sa may ilong. “I don’t know how you can cope with Lance Navarro... you’re young, naive and innocent. But—”
Kumawala sa ama si Billie and smiled through tears at pinahid ng palad ang mga mata. “I don’t want our ranch to be foreclosed either. Now, let’s get started, Mr. Montaño. We don’t want the groom to keep on waiting, do we?” As usual ay nagawa niyang pagaanin ang sitwasyon. Sa huling sandali ay nakita niya ang totoong Luis Montaño na sa loob ng maraming taon ay kinain ang puso ng maraming kapaitan at hinanakit. Idagdag pang higit ang pagkawala ng mommy niya.
Alam niyang may mababago sa relasyon nilang mag-ama simula sa sandaling iyon. At sapat na iyon upang magbigay ng lakas sa kanya upang harapin si Lance Navarro at ang kahihinatnan niya sa pagpapakasal dito.
Ibinigay sa kanya ni Nana Tonya ang isang puting damit na ginamit ni Alaina sa graduation nito sa high school. At bagaman maluwag nang bahagya ay hindi na niya binigyang pansin. The dress was perhaps preferable than jeans and cotton blouse.
Napukaw ang pag-iisip niya nang halos pabalyang bumukas ang pinto ng library. Natuon ang pansin ng lahat sa pagsungaw ni Lance. Beatriz gasped in horror nang makitang nakamaong at nakakamiseta lang ng puti ang anak. Paika itong pumasok sa loob.
Sinulyapan ni Lance ang magkakasal na nakanganga sa ayos ng binata. “Let’s go on with this wedding and get over with sa pinakamabilis na paraan,” utos nito sa pormal at malamig na tono.
“Oh, yes.” s i Billie who forced a smile para maibsan ang tensiyon. “I can’t wait to be Mrs. Lance Navarro...”
Tumalim ang mga mata ni Lance na noon lang siya pinagtuunan ng tingin. Tumikhim ang magkakasal at ilang sandali pa ay sinimulan na nito ang rituals. Hindi sinasadyang napatingin sa may pinto si Lance at nakita roon si Alvaro na nakasandal sa nakasarang pinto. Walang anumang emosyon sa mukha nito habang gusto niyang magmura sa galit. He didn’t want his brother’s presence.
“Lance Navarro,” ang nagkakasal na nagpabaling sa tingin ng binata rito. “I repeat, do you take this woman to be your lawful wedded wife and—”
“I do,” mabilis nitong sagot na hindi na pinatapos ang sasabihin ng kaharap na napahugot ng paghinga. Hindi man gustuhing mag-angat ng mukha ni Billie ay nagawa niya. Nakayuko sa kanya si Lance, his eyes full of contempt and hatred.
In minutes, the wedding was over.
“You can kiss the bride now,” wika ng nagkasal na halatang hindi malaman kung paano ngingiti.
“Oh, let’s dispense the traditions.” i winasiwas ni Lance ang kamay. “We can do it in private,” dugtong nito na hinawakan sa braso si Billie sa gulat niya. At bago pa nagawang kamayan sila ng mga magulang ay inakay nito palabas ang bride. Huminto sa tapat ni Alvaro.
“I didn’t invite you here, brother,” galit nitong sinabi. “At dahil nandito ka na rin lang, make yourself useful and drive us.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Alvaro. “Where?”
“To our honeymoon, where else?” Isang misteryosong ngiti ang pinakawalan ni Lance na nagpabangon ng matinding kaba kay Billie.
“Do you have to leave so soon, Lance, Billie?” s i Franco na nakabawi sa pagkabigla at humabol sa dalawa sa gitna ng sala.
“I’ve done my duty, Papa.” n ilingon nito ang ama sa nakatiim na mga bagang. “Now, leave us alone,” at tuloy-tuloy na nitong hinila ang asawa palabas kahit na nahihirapan dahil sa crutch.
Si Billie ay nilingon ang mga magulang na hindi malaman ang sasabihin.
“Oh, hayaan na natin ang mga bata,” ani Franco na pilit ngumiti at hinarap ang tatlo. “They’re married now. Let’s toast to that...” h umakbang ito patungo sa wine decanter.
MALIBAN kay Alvaro na humihingi ng direksiyon mula kay Lance ay walang nagsasalita sa mahigit kalahating oras na biyahe. Sa isang two-storey apartment sa Xavierville sa Quezon City ipinahinto ni Lance ang kotse.
“Ano ang gagawin mo dito, Lance?” tanong ni Alvaro na nilingon ang kapatid at pagkatapos si Billie na nasa likod ng kotse. “You can’t possibly spend your honeymoon here...”
Ngumisi si Lance. And Billie swore it was a devil’s grin. Si Alvaro man na kilala ang kapatid ay naghihinala pero hindi magawang magsalita. Hindi nito gustong dagdagan ang bigat ng mga pangyayari. Kilala nito ang kapatid, kung mayroon mang kinamumuhian si Lance ay ang ipilit dito ang bagay na hindi gusto.
“Wait for us, big brother,” ani Lance sa kapatid. “We won’t be long,” pagkatapos ay niyakag lumabas si Billie na alanganing sumunod. Sa pahirap na paglakad ay pumasok sa nakabukas na gate si Lance at diniinan ang buzzer sa may pinto.
Ilang sandali pa ay isang magandang babae ang lumabas na sa tingin ni Billie ay inaasahan na ang pagdating nila.
“Siya ba, lover boy?” tanong nito, a seductive smile curving her lips.
“Yes, Maureen.” h inawakan nito sa braso si Billie at ipinasok sa loob. “Make it fast, my brother’s waiting.”
“Sure, honey,” nakangiting sagot ng babae. “Tara kayo sa loob.”
Muli ay naramdaman ni Billie ang braso ni Lance sa likod niya at halos minamadali siyang pumasok sa silid sa ibaba. Kung gaano kadisente ang receiving area ng apartment ay siya namang kabaligtaran ng silid na pinasok nila na napahugot ng malalim na paghinga si Billie.
Nakapaskil sa buong silid ang iba’t ibang uri ng disenyo ng tattoo that she shivered. Ano ang gagawin nila roon? Napatingin siya sa babae na may kinuhang mga gamit sa isang cabinet. Hindi man siya pamilyar ay alam niyang mga gamit iyon sa pagta-tattoo.
“You can sit here, Miss.” i tinuro sa kanya ng babae ang isang divan. “Just relax and make yourself comfortable...”
Nanlaki ang mga matang napatingala kay Lance si Billie. “A-anong ibig sabihin nito?”
Isang ngisi lang ang isinagot ni Lance sa kanya. “C’mon, Billie, ayokong magtagal...”
“No!” Akma siyang lalabas subalit nahawakan siya ni Lance sa bisig. Totoong nakasaklay ang kaliwang binti nito pero hindi siya makakawala mula rito.
“Don’t just stand there, Maureen,” wika nito sa babae. “Paupuin mo siya at nang makapagsimula ka na...”
“Lance, hindi mo sinabi sa aking hindi willing na magpa-tattoo ang pasyente?” naguguluhang wika ng babae.
Magpa-tattoo! Palalagyan siya ng tattoo ni Lance! Nanlalaki ang mga mata ni Billie Rose at naipon sa lalamunan ang paghinga sa takot.
Impatiently, dumukot sa bulsa niya si Lance at isang kumpol ng salapi ang inilabas at inihagis sa mesa. “Get on with it, Maureen. My wife won’t say no!”
“Your wife?” bulalas ng babae bagaman ang mga mata ay sinundan ng tanaw ang salaping bumagsak sa mesa.
“Narinig mo and i can’t lie about that. Now, get started.”
“No, Lance, please!” pahisteryang pakiusap ni Billie. “Ayoko! Huwag mong gawin ito...”
Ipinaupo na siya nito katulong ang babae sa kabila ng pag-ayaw niya. Tumingala ang babae kay Lance.
“Saan mo gustong lagyan siya, Lance?”
Tumaas ang isang sulok ng bibig nito at yumuko. Binuksan ang zipper sa likod ni Billie at sa panggigilalas niya ay ibinaba nito ang damit hanggang sa malantad ang puno ng dibdib niya.
“Sa tapat ng puso, Maureen. Ilagay mo ang pangalan ko over a rosebud. That’s my wife’s name, Rose,” he instructed ruthlessly.
“Y-you can’t do this, please... oh, g od, g od, please.” m ay pakiramdam siyang wala namang tinig na lumabas sa bibig niya. She was staring at her husband in horror and all she saw in his eyes was the cruel gleam.
“Sinabi mong gusto mong maging Navarro, hindi ba, Billie?” wika nito, his eyes in slits. “Your wish is granted and not just in papers. Body and soul, you are a Navarro. My possession for life!”
She gasped in pain as she felt the first prick of a needle on her soft skin. Iyon lang at nawalan ng malay si Billie.
“Lance?” Nag-aalalang napatingala si Maureen dito.
Sandaling natigilan si Lance. Tinitigan ang dalagitang walang malay sa divan. The mischievous face that taunted him many times and yet looked angelic sa pagkakawala nito ng malay. May kung anong damdaming biglang bumangon sa dibdib. Something like indecisiveness and compassion. But he abruptly set the emotions aside. He was furious with her.... with her father... with Franco Navarro!
“That will make your job easier, Maureen” agad nitong sinabi, naggalawan ang mga muscles sa mukha. “Bilisan mo...”
SI ALVARO na nainip ay lumabas ng sasakyan upang alamin kung ano ang ginagawa ng dalawa roon. Isinasara na nito ang kotse nang matanawang lumabas si Lance.
“What took you so long?” bati nito. “Ano ba ang dinaanan ninyong mag-asawa diyan?” Subalit hindi ito pinansin ni Lance at sa halip ay luminga-linga sa kaliwa’t kanan ng daan.
“Taxi!” Kinawayan nito ang isang natanaw na taxi subalit may sakay.
Nagsalubong ang mga kilay ni Alvaro. “What do you want that taxi for?”
“Take Billie back to Sto. Cristo, Alvaro,” utos nito sa kapatid in cold voice. “Nasa loob siya at kasalukuyang walang malay. Hindi ko siya gustong makita sa mansiyon.”
Mabilis na pumasok sa loob ng apartment si Alvaro only to come out as fast as he entered. Biglang pinitsirahan ang kapatid.
“What have you done to your wife?” galit nitong sinabi.
“What she deserved. She wanted my name, so she got it. Both in papers and in her body,” balewala nitong sinabi.
“You unfeeling son of a bitch!” Isang suntok ang pinakawalan ni Alvaro sa kapatid na nagpabalandra dito sa pinto ng kotse. Muli sana nitong uundayan ang kapatid nang makitang tumilapon ang wooden crutch at napadaing si Lawrence na mas hinawakan ang binti kaysa sa dumudugong ilong.
“You are the hotheaded among us pero hindi ko mapaniwalaang kapatid kita sa ginawa mo! I wish Nick will kill you for this, Lawrence!” Tumaas-baba ang dibdib ni Alvaro sa galit.
“Go ahead, tell everybody,” he answered furiously and wincing painfully dahil sa pagkakatilapon ng saklay at nagamit ang binti nang wala sa oras. “...nang magkagulo-gulo tayong lahat dahil sa babaeng iyan.”
Alvaro was too angry to speak. Nakatitig lang sa kapatid at kahit paano ay naiintindihan nito ang nararamdaman ni Lance. Kung hindi pa kay Nana Tonya na nasalubong nito sa bayan ng Sto. Cristo ay wala itong malalaman. He was shocked himself and argued with his father this morning. Subalit sa pagtataka niya ay kinampihan ni Beatriz ang ama. Ang argumentong naputol nang dumating ang magkakasal na sinundan ng mga Montaño.
Matalim na paghinga ang pinakawalan ni Alvaro at muling pumasok sa loob ng apartment. Nang lumabas ito ay buhat na si Billie at ipinasok sa loob ng sasakyan. Wala na si Lance subalit natanaw pa nito ang papalayong taxi.
Mahaba-haba na ang natatakbo nila nang magkamalay si Billie. “Uhmnn... A-Alvaro?”
“How are you feeling?” asked the baritone voice. Nasa mukha nito ang concern.
Niyuko ni Billie ang sarili at sa puting damit ay may bahid ng dugong marahil ay bumakas mula sa dibdib niya. Bumangon ang sindak na kanina ay naramdaman pero agad na sinupil. Nasulyapan niya ang pagtiim ng mga bagang ni Alvaro.
“I am sorry. Kung nalaman ko kaagad ay hindi mangyayari ang ganyan sa iyo,” tiim-bagang nitong sinabi. “If you wish to take any legal action against my brother, I won’t stop you.”
Umiling si Billie. “H-he was so angry...” pabulong niyang sagot. Hindi maintindihan ang nararamdaman. Naghahalo sa dibdib ang galit at pagkaunawa. Pero hindi ba alam ni Lance na siya man ay hindi rin gustong pakasal dito?
Pero hindi iyon ang ipinahiwatig mo sa kanya, Billie Rose, ang kabilang bahagi ng isip niya. You made him think that you wanted him and his money.
“Temporarily,” kaila ni Alvaro. “Lilipas din ang galit ni Lance, Billie, at—”
Mabilis siyang umiling. “Sinabi niyang hindi na niya ako gustong makita sa mansiyon, Alvaro,” wika niya sa walang emosyong tinig. Para bang ang nangyari ay nagpaubos sa anumang damdamin mayroon siya. She was void of any emotion sa mga sandaling iyon. Nilingon niya ang lalaki. “P-please... can I ask you a favor?”
“Anything, Billie...”
“G-gusto kong magpalit ng damit and take me back to Sto. Cristo with you. Now...”
Hindi sumagot si Alvaro at binilisan ang sasakyan patungo sa pinakamalapit na department store. So the gods help him pero sa sandaling iyon ay wala itong makitang solusyon sa suliraning kinahaharap ng kapatid at ng bagong hipag.
And damn Franco Navarro!
He would have gone straight to his father today kung hindi lang nag-flash sa isip ang pakiusap ni Beatriz na huwag itong makialam.
Na-traffic sila sa isang intersection. Isang pulubi ang kumatok sa bintana ng salamin. Si Alvaro ay nakatutok ang pansin sa stoplight. Si Billie ay niyuko ang kamay at ang wedding ring na naroon. Isang pasya ang mabilis na nabuo. Mabilis na hinubad ang mamahaling wedding ring. Doon siya nalingunan ni Alvaro na nangunot ang noo.
“Pakibaba ang salamin ng kotse,” aniya sa lalaki. May pinindot si Alvaro sa may manibela na nagpadausdos sa salamin. Nilinga ni Billie ang nakalahad na kamay ng pulubi na umaasang bibigyan ng pera. Inilapag niya ang wedding ring sa palad nito. “Sa iyo na iyan...”
Sandaling nanlaki ang mga mata ng pulubi. Ilang saglit ding pinakatitigan ang kumikislap na limang brilyante sa bond ring na nasa maruming kamay bago mahigpit na ikinuyom ang kamay at mabilis na lumayo.
Si Alvaro ay walang nasabi sa pinaghalong shock at amusement. And he even thought na dahil sa pera kaya nagpakasal si Billie kay Lance. And knowing Franco Navarro who bought the ring, parang nanalo sa lotto ang pulubi.
Si Lance ay sa bachelor’s pad nito nagtuloy at doon nagpalipas ng ilang araw. Si Luis Montaño ay nagulat pa nang madatnan ang anak sa asyenda.
“Ano ang—?”
“I’ve married him, d addy,” agap ni Billie. “Natubos na ang ranch natin sa Colorado, so let’s go back home...”
“Billie?”
“Please, Dad,” aniya. “Napagkasunduan namin ni Lance ang ganito at sana’y natapos na sa araw na kami’y ikasal ang panghihimasok ninyo ni Franco sa amin,” she said firmly.
Gustuhin man ni Luis na mag-usisa ay nakikita nitong determinado ang anak na hindi na pag-usapan iyon. Ilang araw makalipas ay bumalik sa Colorado ang mag-ama.