noveltoon logo noveltoon
Midnight Encounter

Chapter 14

Ch. 15 / 25 Jul 15, 2022

Matthaios’ Transformation

Kinabukasan ay isang nakagugulat na balitaang inihayag ni Dr. Helga Mortersen sa harap ng mga Filipinong doktor-siyentipiko sa isang pagpupulong ng mga sumunod na araw. Naroon din sina Rigor at Hagen, maging si Major Devon Sorrentino bilang kinatawan ng Philippine National Police.

“After a thorough research and investigation, our team found out that the deadly virus that can transform humans into nocturnal mutant is a man-made virus,” simula ng doktora.

Helga’s statement created an abrupt commotion among the people inside the conference room. Sari-saring emosyon ang nakalarawan sa mga mukha ng mga siyentipikong Filipino. May mga nagulat at may mga hindi makapaniwala.

“Are you sure?” may pagdududang tanong ng fifty-eight years old na direktor ng Philippine Research Institute na si Dr. Angeles Hernandez.

“It’s impossible,” bulalas ng Pilipinang doktor na si Emmanuelle Chen, ang head ng Infectious Disease Department ng pinakasikat na government hospital ng Pilipinas. “I don’t think Filipinos have the capacity to create a man-made virus. We are a third world country. And besides, what for? Saan naman namin gagamitin iyan?”

“That’s what we are trying to find out,” sambot ni Rigor habang hindi inaalis ang mga mata sa magandang doktora. Nakarehistro sa mga mata ng lalaki ang paghanga sa babae.

Hagen cleared his throat before he spoke. “Ladies and gentlemen, the medical report that

you have in your hands is the result of our collaborative effort to know the cause of the virus. Using the virus’ genetic sequence and the latest technology in decoding the virus’ genetic codes, our team from Athens Virology Institute found out that the virus actually came from a lab.”

“What lab?” giit ni Dr. Chen, doubt was evident in her chinky eyes. “To tell you people, no laboratory for the creation of any virus is existing in this country. Nanggagamot kami rito, hindi kami pumapatay,” pagtataray pa ng doktora.

“Hindi namin sinasabi na sa bansang ito nilikha ang virus, Dr. Chen,” hindi nakatiis na wika ni Rigor. Umayos pa ito ng upo upang higit na mabistahan ang kausap.

Bahagyang nangiti si Matthaios. Alam niyang paraan lamang iyon ni Rigor upang mapansin ito ng magandang doktora. Ngunit sa halip ay matalim na irap lang ang napala ng lalaki mula kay Dr. Chen.

“Could it be a…bioweapon?” hindi nakatiis na singit ni Major Sorrentino.

“Exactly,” walang gatol na tugon ni Hagen.

“That’s ridiculous.” si Dr.Chen uli. “Filipinos don’t have enough capacity and resources to create a virus that can cause too much destruction to humans.”

“But some foreigners can…” si Rigor ang muling nagsalita. Hindi pa rin nito inaalis ang pagkakatitig sa doktora ngunit mukhang hindi talaga iyon tumatalab sa babae. Nananatili itong naka-pokus sa pinag-uusapan.

“Are you insinuating a conspiracy theory, Dr. Lundgren?” prangkang tanong ni Major Sorrentino. “No foreigner can operate or run a secret laboratory here without our knowledge, except if he is protected by somebody in the government.”

Rigor shrugged his shoulders. “Who knows? International syndicates can do everything to put the world under their power. And having this virus as an invisible enemy and a brutal killer with a great possibility to become pandemic, they can paralyze economies and control world leaders.”

“It’s not important yet to find out who created the virus and to what purpose it was created for,” singit ni Dr. Hernandez. “We will leave that matter to our police. We should focus first on the possible invention of the antidote to kill the virus and control its further infection among our people here.”

Agad na lumarawan ang lungkot sa mukha ni Helga. “I’m afraid it would not be easy for us to invent the antidote in a short period of time.”

Umugong ang diskusyon sa pagitan ng ilang doktor-siyentipiko na naroroon. Nagpahayag ang mga ito ng kanya-kanyang opinyon. Marami ang sumang-ayon sa sinabi ni Helga na hindi talaga magiging madali ang paglikha sa gamot laban sa nasabing virus.

“But wait…” singit muli ni Dr. Chen. “If that virus is really man-made, there is a possibility that the creator whoever he is, might also created the antidote. They knew how infectious and deadly the virus they’ve made at maging sila ay prone na mahawa rito, and they must protect themselves beforehand.”

Lumikha ng ingay ang ipinahayag na iyon ni Dr. Chen. Maging ang mga Greek doctors ay napasang-ayon din. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Matthaios ang paghangang muling ipinukol ni Rigor sa magandang doktora. Sa tingin niya ay mukhang nakalimutan na ng lalaki ang iniwan nitong fiancee sa Athens ng mga sandaling ito.

“You maybe right,” sang-ayon ni Major Sorrentino. “So we need to find the culprit right

away. Maaaring nasa mga kamay nila ang gamot o formula laban sa lintek na virus na ito.”

“Dr. Levidis and Dr. Mortersen will help you, Major Sorrentino,” sambot ni Rigor sabay sulyap kay Matthaios.

Matthaios was about to spoke when he felt something unusual. Nakakaramdam siya ng pangangatal ng buong katawan. Kahapon pa hindi maganda ang kanyang pakiramdam kahit panay ang inom niya ng pain reliever at nagdagdag pa ng dose ng vitamins. Ang totoo ay pinilit lang niya ang sarili ngayon na bumangon mula sa higaan dahil sa napakahalagang pagpupulong na ito.

“What’s wrong with you?” bulong ni Hagen sa kanya na agad napansin ang pangangatal niya.

Ngunit sa halip na sagutin ang kaibigan ay nagmamadali siyang tumayo at lumabas ng conference room sa buong pagtataka ng lahat. Halos takbuhin niya ang buong pasilyo upang marating agad ang pinakamalapit na comfort room. Agad siyang dumukwang sa sink upang ilabas ang lahat ng laman ng sikmura niya. Maya-maya’y naramdaman niya si Hagen sa kanyang likuran.

“Matthaios, are you sick?” may pag-aalala sa tinig ng lalaki.

“I guess so…” hirap na tugon niya. He continued vomiting while his body trembled in pain.

“It’s impossible,” bulalas ni Hagen. “We don’t get sick. Ang uri natin ay hindi nagkakasakit. The blood of King Tereus made us invulnerable from all kinds of illness. Paanong…”

Sasagot pa sana si Matthaios nang bigla siyang bumagsak sa sahig. Ngunit kahit nanghihina

ang buong katawan ay pinilit niyang panatilihing gising ang kanyang diwa. Maya-maya’y naramdaman niya na parang binabanat ang mga braso at daliri niya. Nang tingnan niya ang mga ito ay sabay pa sila ni Hagen na napasigaw sa pagkagulat.

“Matthaios, you are changing into a …” hindi na naituloy ni Hagen ang sasabihin. Ang mga mata nito ay nanlalaki sa pagkakatitig sa dalawang braso niya na unti-unting humahaba ganoon din ang kanyang mga daliri. Unti-unti ring humahaba ang kanyang mga kuko na animo’y labaha. Naramdaman din niya ang pagbagsak ng ilang hibla ng kanyang buhok sa kanyang balikat kasunod nang mabilis na pamumutla ng kanyang balat.

“Hagen, do something. Please, do something…” nangangatal ang tinig na wika niya.

Mabilis na lumabas ng comfort room si Hagen at nang bumalik ay kasama na sina Rigor, Helga at Major Sorrentino. Nagulat man sa nakita ay agad na nagpasya ang mga ito. Binuhat siya ng tatlong lalaki saka palihim na dinala sa isang silid. Inihiga siya ng mga ito sa isang kama saka mabilis na itinali ng kadena katulad ng pagkakatali sa nocturno na nahuli niya noong isang araw.

“Jesus! You’re infected, Matthaios! Paano nangyari iyon?” Hindi naitago ng tinig ni Rigor ang pag-aalala.

Ngunit wala na siyang panahon upang isipin kung paano siya na-infect ng virus. Nakatuon siya sa walang kapantay na sakit na mabilis na yumayanig sa kanyang buong pagkatao. Wala siyang nagawa kungdi isigaw ang lahat ng hapding nararamdaman dulot ng patuloy na pagbanat ng lahat ng mga buto’t kalamnan niya. Iyon na ang pinakamasakit na pisikal na naranasan niya sa buong buhay niya.

Halos hindi naman makakilos ang apat na indibidwal na kaharap niya habang pinapanood

ang unti-unti niyang pagbabago. Dahil sa pagkabanat ng buo niyang katawan ay tumaas siya ng ilang talampakan mula sa orihinal niyang sukat. Ang kayumangging balat ay namumutla na ngayon habang patuloy na nalalaglag ang mga hibla ng kanyang buhok.

Maya-maya’y lakas loob na niyugyog siya ni Hagen. Si Helga naman ay walang tigil ang pagkausap sa kanya sa pagitan ng mga tapik sa kanyang mga braso at pisngi. Si Rigor naman ay abala sa paghahanap ng posibleng gamot na puwedeng ibigay sa kanya. Agad namang ikinasa ni Major Sorrentino ang hawak na baril bilang paghahanda sa posible niyang pagsalakay.

“No. Don’t,” sansala ni Helga nang makita ang paghahanda ng pulis. Ngunit nanatili itong nakatutok ang hawak na baril sa kanya at naghihintay sa maaari niyang gawin.

“Lumaban ka, Matthaios. Kaya mo ‘yan. Huwag kang magpapatalo,” tarantang sabi ni Helga. Alam niyang natatakot ito sa maaaring gawin ni Major Sorrentino sa kanya ngayon.

“Hindi ka puwedeng maging nocturno, Matthaios. You are a Thracian. The blood of King Tereus runs in your veins. Hindi ito puwedeng mangyari, for God’s sake!” si Hagen.

“Huwag kang susuko, Matthaios. Lumaban ka. Pilitin mong talunin ng iyong sistema ang virus na nasa loob ng iyong katawan.” Garalgal na ang tinig ni Helga. Basa na rin ng luha ang mga mata at pisngi nito.

Ngunit ano man ang kanyang gawin ay patuloy pa rin ang pagbabago ng anyo niya. At lalo pang tumitindi ang sakit na nararamdaman niya sa buo niyang katawan. Ang daing ay napalitan ng mga ungol. Ang pangangatal ay nauwi sa malakas na pagyanig ng buo niyang katawan.

“Matthaios, lumaban ka. Labaaaan!” sigaw ni Hagen.

“Huwag, Matthaios. Huwaaaag!” hagulhol naman ni Helga.

Sukat doon ay pinakawalan ni Matthaios ang napakalakas na sigaw kasunod noon ay ang tuluyang pagdidilim ng kanyang mga paningin.