A Love Withhold
“Mukhang napakalalim ng iniisip mo,” basag ni Matthaios sa katahimikan nang mapansin ang pananahimik ni Nica. Narito silang dalawa ngayon sa isang burol habang tinatanaw ang kagandahan ng bulkang Taal sa di kalayuan. Ikalawang beses ito ng pagdalaw ni Matthaios sa kanya bilang tanda ng panunuyo.
Bahagya pa siyang napapitlag nang marinig ang boses ng lalaki. Kagabi pa okupado ng mga alalahanin ang utak niya kung kaya hindi maiwasang mawala sa sarili kahit kasama niya si Matthaios. “A-ano’ng sabi mo?” pautal na tanong niya sabay baling sa lalaking nakatayo sa tabi niya.
Ngunit sa halip na sagutin siya ng binata ay nagtanong din ito. Matiim ang pagkakatitig sa kanya. “Si Garreth ba?”
Nagulat siya sa biglang pagbigkas ng lalaki sa pangalan ng kanyang kababata. “A-ano ba’ng sinasabi mo? Bakit binabanggit mo ang pangalan ni Garreth?” Kunwari ay may halong inis ang tinig niya pero ang totoo ay ikinasisiya niya ang tila pagseselos ng lalaki.
“I’m sorry.” Agad binawi ni Matthaios ang pagkakatitig sa kanya at sa halip ay ipinukol ang mga mata sa napakagandang tanawin. Ipinukol nito ang hawak na maliit na bato sa pag-asang aabot iyon sa lawa ng Taal. “Hindi ko maiwasang magduda na higit pa sa pagiging magkababata at magkaibigan ang namamagitan sa inyo ng lalaking iyon. Nababasa ko sa mga galaw niya na may pagtingin din siya sa iyo.” Malungkot na bumaling muli sa kanya ang binata. “Kelan lang ako dumating sa buhay mo, Nica, samantalang siya ay kapalagayang loob mo na mula pagkabata.”
Whoa! Naninibugho ba ang lalaking ito? Natatawang tanong niya sa sarili. “Nagseselos ka ba?” kunot-noong tanong niya sa lalaki habang pilit na itinatago ang kasiyahang nararamdaman.
Sa halip na sumagot ay matiim na tumitig sa kanya ang ang lalaki. His deep Greek eyes revealed his intense emotions toward her kung kaya hindi napigilan ni Nica ang kilig. Ngunit dahil sa nadala na siya sa naging karanasan sa nagdaang relasyon, ipinangako niya sa sarili na hindi siya ipagkakanulo ng nararamdaman sa binata. Not yet. Not at this very moment kahit ramdam niya na unti-unti na rin siyang nahuhulog dito. “Masama ba? Sinabi ko na ang aking nararamdaman para sa iyo, kung kaya hindi mo ako masisisi kung magselos ako sa sino mang lalaki na may kaugnayan o magkakaroon ng ugnayan sa iyo.”
“Pero hindi pa tayo…” Hindi na natapos ni Nica ang sasabihin. Matthaios cut her off.
“I know. But I will not stop pursuing you. And I will see to it that you will also fall for me. At hindi ako ipokritong tao, Nica. I am a possessive man. Ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa iyo na sa lahat ng ayaw ko ay iyong may nakikialam sa ano mang pagmamay-ari ko ng wala akong pahintulot. Kapag naging magkasintahan tayo, I want you to distant yourself from Garreth or from any man. Ayokong may ibang lalaking aaligid sa iyo.”
Oh! Wow! palatak ni Nica sa sarili. Ganito ba talaga ang mga Greek? Kahit wala pa silang pormal na relasyon ay gusto na agad siyang bakuran ng lalaking ito?
Natutop ni Nica ang sariling dibdib. Nakakaramdam siya ng takot hindi dahil sa ugali ni Matthaios na unti-unti na niyang nakikilala kungdi dahil sa pangamba na malaman nito ang kanilang nakaraan ni Borris. Ano na lang ang iisipin ng binata kapag nalaman nito na pumayag siyang magpagamit sa buktot na gawain ng Ruso na iyon?
An abrupt pain crushed her. Bakit kailangang maging hadlang ang kanyang pagkakamali para sa kanyang lubos na kaligayahan? Bakit kailangang maunang dumating si Borris sa buhay niya kaysa kay Matthaios? “H-hindi mo pa ako lubusang kilala, Matthaios. Sa palagay ko’y kailangan pa natin ng sapat na panahon upang kilalanin ang isa’t isa,” halos pautal niyang sabi.
Isang matipid na ngiti ang gumuhit sa maninipis na mga labi ng lalaki. His affectionate smile made him look even more gorgeous. Kung puwede nga lang na titigan niya ito sa buong maghapon at gabi ay ginawa na niya. “I will try to know you more once you become my sweetheart. Pero sa ngayon, all I want is a ‘yes’ from you.”
“Ano?” Ilang ulit siyang napakurap dahil sa kaprangkahan ng binata. Noong isang araw lang sila nagkakilala ng lalaki, ninakawan siya nito ng halik, tapos ngayon ay nagde-demand na ito ng sagot na ‘oo’ mula sa kanya.
“You heard it,” seryosong sambot ni Matthaios. Ni hindi man lang ito nagtaka sa pagkagulat niya. “I have a very short time here in your country and I have tons of work as a doctor in Manila. After this mission, babalik na ako agad sa Athens, at nais kong kasama kita pag-uwi ko sa aming bayan.”
“G-ganoon kabilis?”
“Ganoon kabilis.”
Gumuhit ang pangamba sa dibdib niya. Ganito rin si Borris noong nagpahayag ng huwad na pag-ibig sa kanya. Mabilis ang naging panliligaw ng lalaking iyon kasama ng pangakong isasama siya nito pag-uwi sa sariling bansa. At sa estilo ng panliligaw ni Matthaios ay malamang na maulit ang kanyang kasawian kung magpapadalos-dalos siya sa pagpapasya. “A-are you thinking na agad akong maniniwala sa mga pinagsasasabi mo?” Her doubt was evident on her voice.
Masuyong hinawakan ni Matthaios ang magkabilang balikat niya at dahan-dahan siyang ipinihit nito paharap sa sarili. His mere touch brought shivers on her body kung kaya hindi niya magawang magpahayag ng pagtutol. May kung ano’ng kakayahan ang lalaki na pasunurin siya sa nais nito.
Nang hinuli ni Matthaios ang mga mata niya ay wala na siyang nagawa kungdi salubungin ang mga tingin nito. Magkasabay na nanuot sa kaluluwa niya ang tumatagos na titig at madamdaming tinig ng lalaki. “I know you won’t believe me if I say that I have this strange feeling that you need me, Nica. The first time I saw you walking alone in that dark and dusty road, alone and nervous, I already sensed your need for someone like me. Our midnight encounter may, somehow, a blessing in disguise. I can’t explain, but… there was a strong urge in me that time to help you, at ipagpapatuloy ko iyon. Here I am, Nica, I am offering myself to you not just as a lover, but as your shield, your sanctuary. I am very much willing to love and to protect you now and forever.”
“Matthaios…” Ilang ulit napakurap ang mga mata ni Nica. Ramdam ng puso niya ang katapatan ng mga sinabi ni Matthaios ngunit naroroon pa rin ang takot at pag-aalinlangan.
“I don’t know what you’re going through. Pero ramdam ko na may matinding dahilan kung bakit nagpasya kang umuwi sa bahay ng lolo’t lola mo kahit gabing-gabi at delikado pa. It is not by chance that I found you there, I guess, someone up there sent me for you.”
“At gusto mong paniwalaan kita? Hindi ka lang pala isang doktor, kungdi isa ring psychic
wannabe?” Nang-uuyam ang ngiting gumuhit sa kanyang mga labi. Ngunit tila walang epekto sa lalaki ang pang-iinsulto niya.
“I love you. Nica. Kalabisan mang sabihin pero nais kong malaman mo na I want you to be my wife. It’s very unusual pero sa maniwala ka o sa hindi, that’s what I felt the first time I saw you.”
Sukat ay wala nang masabi pa si Nica at sa halip ay napako na lang ang kanyang mga pangingin sa mga mata ng lalaking kaharap. Nang unti-unting inilapit ni Matthaios ang sariling mukha sa kanya ay ni hindi na niya nagawang umiwas pa. Ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya dahil sa antisipasyon sa susunod na maaring mangyari. Malapit na malapit na ang mukha ng binata sa sarili niyang mukha. Nasasamyo din niya ang mabango nitong hininga. At dahil wala siyang maapuhap na sabihin ay nagkasya na lamang siyang pagmasdan ang guwapo nitong mukha. His face was really damn gorgeous and his smile, so warm. She just closed her eyes and waited for Matthaios lips to touch hers.
Ngunit nang ilang sentimetro na lang ang agwat ng mga labi nila ay bigla siyang natauhan. Biglang lumitaw sa utak niya ang mala-demonyong ngisi ni Borris at ang nakakatakot na anyo ni Peter Wilson nang maging nocturno ito.
Mabilis niyang itinulak ang dibdib ni Matthaios tanda ng pagtutol sa napipinto nitong paghalik. The man heaved a sigh of frustration. Ngunit ni hindi ito nagpakita ng galit. Masuyo pa rin siya nitong tinitigan at saka madamdaming nagsalita.
“I love you, Nica. Just give me a chance to prove my pure intention to you. You don’t have to love me right away. No, I don’t expect that. But just allow me to see you frequently while I’m here in your place. You can ask for my help. Puwede mo ring ipagtapat sa akin ang ano mang
bagay na humahadlang sa iyo ngayon upang mahalin din ako.”
Sukat sa narinig ay parang tuksong biglang nag-flashback sa kanya ang naging pag-uusap nila ni Borris noong nagdaang gabi. Iniutos sa kanya ng Rusong iyon na gawin din niya kay Matthaios ang ginawa niya kay Peter Wilson at sa kung ano’ng dahilan ay hindi niya alam. At duda rin siya kung sasabihin iyon ni Borris kung magtatanong siya. Sa estado ng nararamdaman ni Matthaios sa kanya ngayon ay sigurado siya na kayang-kaya niyang gawin ang iniuutos sa kanya ni Borris.
Ngunit kaya ba niya?
Isipin pa lang niya na magiging isang nocturno ang binata dahil sa kanya ay halos mabaliw na siya. She couldn’t let this man fell into the abyss of extreme misery and darkness because of her. Iniisip pa lang niya ay halos maiyak na siya sa takot at lungkot. Napakabuti ni Matthaios para idamay niya sa miserable niyang buhay.
“Nica, tell me. Ano’ng pumipigil sa iyo para mahalin din ako? May gumugulo ba sa isip mo? Bakit ayaw mong sabihin sa akin upang matulungan kita?” May bahid ng lungkot ang boses ng binata.
Sa nangangatal na tinig ay pinilit ni Nica na itago ang nararamdaman. “I cannot love you, Matthaios, at huwag mo nang itanong sa akin kung bakit. Wala kang aasahan kung kaya makakaalis ka na.”
Napapailing na nahawakan na lamang ni Matthaios ang sariling noo dahil sa pagkadismaya. “Hindi ako naniniwala. Hindi iyan ang naramdaman ko sa iyo ngayon. Alam kong may pagtingin ka rin sa akin. You cannot lie to me.”
“Puwes, mali ang pakiramdam mo,” sikmat niya. “Makakaalis ka na. Ayaw ko nang makita ka pa.”
“No. Gusto kong sabihin mo sa akin kung ano ang dahilan kung itinatago mo ang totoong nararamdaman mo sa akin. Si Garreth ba?”
“Hindi. Walang kinalaman dito ang kaibigan ko. At huwag mo na rin siyang mababanggit kailanman.”
“Kung ganoon ay sino? Ano?” Tumaas na rin ang tono ng boses ng binata.
“Wala! Basta ayoko sa iyo kaya makakaalis ka na! Umalis ka na!” pasigaw niyang utos kahit halos hinihiwa ang dibdib niya sa nagiging pagtrato niya sa lalaking unti-unti nang napapalapit sa kanya. Pero alam niyang kailangan niyang gawin ito upang ilayo ito sa tiyak na kapahamakan.
Rumehistro ang lungkot at pagtataka sa mga mata ni Matthaios. Ramdam niya ang sakit na pilit nitong itinatago sa kanya dahil siya man ay ganoon din. Naiiling na nahagpos nito ang batok saka dahan-dahang tumalikod. Alam niyang napipilitan lang ang lalaki na sundin ang iniuutos niya ngunit nanaig ang respeto nito sa kanya. Nang humakbang ito palayo ay saka lang niya pinakawalan ang luhang kanina pa tinitimpi.
Habang tinatanaw ang papalayong binata ay walang tigil ang pag-agos ng luha ni Nica. Labis-labis ang kanyang panghihinayang. Isang pag-ibig na naman ang nawala sa kanya at doble ang sakit na dulot noon. Ngunit alam niyang kailangan niyang gawin iyon upang hindi na siya magamit pang muli ng demonyong si Borris at lalong higit, ang may panibagong indibidwal ang mapahamak na naman dahil sa kanya.
Kakayanin niyang magtiis at pigilan ang nag-uumalpas na damdamin masiguro lang na ligtas si Matthaios sa tiyak na kamatayan. Gaano man ito kasakit. Gaano man ito kahirap.
Maya-maya’y marahas niyang pinahid ang luha sa magkabilang pisngi nang maalala ang puno’t dulo ng lahat ng kanyang pagdurusa.
You can no longer use me, Borris Ivanovich. Never at the expense of Matthaios. Patutunayan ko iyan sa iyo.