NAPAKUNOT ang noo ni Lander nang makitang nasa harap ng laptop niya si Vienna na abala sa kung ano ang ginagawa nito nang pumasok siya sa kanyang opisina. He had issues when it came to other people using his laptop. Baka maulit na naman ang nangyari noon... Pero si Vienna naman gumagamit niyon at hindi ibang tao.
Speaking of which...
Matamang tinitigan ni Lander ang babae na abala pa rin sa harap ng laptop niya. Curious siya sa kung ano ang ginagawa nito roon. Tumikhim siya para kunin ang atensiyon ni Vienna. Mabilis na isinara nito ang laptop kasabay ng pag-angat ng tingin sa kanya.
“Hey.” Ngumiti ito. “Tapos na ang board meeting mo?”
“Yeah,” sagot niya habang nakakunot pa rin ang noo. “Why are you using my laptop? Ibinigay ba sa `yo ni Stephanie ang password?”
Wait, Stephanie was with me the whole time.
Lalong kumunot ang noo ni Lander habang iniisip kung paano nabuksan ng babae ang laptop niya, lalo na’t may password iyon.
“Sino si Stephanie?” tanong nito at tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair niya, saka tumingin sa glass wall ng LaCars Building kung saan kitang-kita ang nangyayari sa labas.
“My secretary,” aniya at naglakad palapit dito. “Sa kanya mo ba nalaman?”
“Ano naman ang big deal kung kanino ko nalaman? Wala naman akong ginawang masama sa laptop mo. Na-bore kasi ako habang naghihintay na matapos ang board meeting mo, so pinakialaman ko na `yon.”
Napabuntong-hininga si Lander. “Ayoko lang na pinapakialaman ng iba ang laptop ko. Minsan na kasi akong nanakawan ng files. Pinagkatiwala ko noon sa dati kong sekretarya ang laptop ko at ninakaw lang naman niya ang mga confidential files ng kompanya.”
Tumango-tango si Vienna at humarap sa kanya. “At wala kang tiwala sa akin? Wala naman akong ginawang masama sa laptop mo. Hindi ko pinakialaman ang files mo. Aanhin ko naman ang mga `yon? So trust me when I say that I didn’t do anything with your freaking files.”
“The last time I trusted you, I ended up like a trash in the gutter.”
Nagbaba ito ng tingin at may malungkot na kislap ang mga mata. “Hindi mo na ba ako pagkakatiwalaan uli?”
“That’s the thing about trust—” Iniangat niya ang mukha ng babae at hinaplos ang pisngi nito. “—madaling makuha pero napakadali ding masira. At kapag sira na, napakahirap nang ibalik pa.”
Tinitigan siya ni Vienna sa mga mata. “Kahit mahirapan ako, gusto ko pa ring makuha uli ang tiwala mo.”
Mapait na napangiti si Lander. “Vienna, hindi na ako ang Lander na nakilala mo eight years ago. Nagbago na ako. Hindi na ako madadala sa pangako mo na hindi mo ako iiwan. Hindi na ako maniniwala sa kahit na ano’ng sabihin mo. Hindi na ako aasa sa matatamis na salita na lumalabas diyan sa bibig mo. I’ve changed and there are lots of things that you don’t know about me—”
“Wala akong pakialam kung malaki man ang ipinagbago mo.” Tumingkayad ito, saka siya ginawaran ng halik sa mga labi. “Just give me a chance, Lander. Kung ayaw mo akong bigyan ng isa pang pagkakataon, hindi pa rin ako titigil. Kukulitin kita hanggang sa magsawa ka na sa pagmumukha ko.”
Mahina siyang natawa. “Hindi kita bibigyan ng isa pang pagkakataon dahil mas gusto kong makita at maranasan kung paano mo ako kukulitin.” Nginisihan niya ito. “Tingnan natin kung kaya mo akong papaniwalain uli sa mga kasinungalingan mo.”
Tumalim ang mga mata ng babae. “Hinahamon mo ba ako?”
Tumango si Lander. “Oo. Hinahamon kita.”
Vienna smirked at him. “Challenged accepted.”
Lihim siyang napangiti sa sinabi nito pero kaagad din naman iyong nawala nang maalala ang itatanong niya rito. “Teka, ano pala ang ginagawa mo dito? Bakit ka nandito sa opisina ko? At saan ka ba nagpunta?”
Nag-iwas ng tingin ang babae at naglakad patungo sa visitor’s chair kung saan nandoon ang dala nitong purse. “Kailangan ko na palang umalis,” sabi nito na parang umiiwas sa tanong niya.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Ano nga ang ginagawa mo dito? Na-miss mo ako, `no?” biro niya.
Bumaling si Vienna sa kanya, saka ngumiti. “Oo na-miss kita, masaya ka na? Okay na ba? Puwede na ba akong umalis?”
Pinigilan niya ito sa braso at pinaikot paharap sa kanya, pagkatapos ay hinapit palapit sa kanyang katawan. Nahigit ni Lander ang hininga nang maramdaman ang mayayamang dibdib ng babae na nakalapat sa kanya. Biglang nag-init ang katawan niya dahilan para mabuhay ang bagay na nasa pagitan ng kanyang mga hita.
“L-Lander... b-bitiwan mo ako—”
“Bakit ko naman gagawin `yon?” Inilapit niya ang mukha sa mukha ni Vienna. Ramdam na ramdam na niya ang paninigas ng pagkalalaki niya! “Hindi ba sabi ko, may itatanong ako sa `yo?”
Lalong naging mailap ang tingin ng babae sa kanya. “A-ano’ng i-itatanong mo sa `kin?”
“Ano ang totoong ginagawa mo dito?” tanong ni Lander habang nag-uumpisang lumalim ang paghinga dahil sa magkadikit nilang katawan. “Pagkatapos mong mawala ng ilang araw, babalik ka na parang wala lang. Saan ka ba nagpunta?”
“Bitiwan mo ako.” Pilit siyang itinutulak ni Vienna palayo pero hindi niya hinahayaang makawala ito. “Lander, bitiwan mo ako kung ayaw mong humandusay sa sahig—”
“No.” Lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak dito. “Saan ka nagpunta at ano’ng ginawa mo do’n?”
“Wala—”
“You want my trust, right? Then tell me where you were and why were you there?”
Tumigil ang babae sa pagpupumiglas at tumitig sa kanyang mga mata. “Kung saan man ako nagpunta, hindi ko puwedeng sabihin.” Nawala ang kislap ng emosyon sa mga mata nito. “Pasensiya ka na, pero kahit pa tiwala mo ang pabuya, hinding-hindi ko puwedeng sabihin sa `yo.”
Mataman siyang napatitig dito. “Bakit? Hindi ba ako karapat-dapat sa sagot mo?”
Umiling si Vienna. “Hindi. Basta hindi lang puwede. It’s confidential.”
Confidential? Lalo siyang na-curious. “Bakit naman ‘confidential?’”
“Kasi ayaw ng boss ko na may nakakaalam n’on.”
“Boss mo?” gagad ni Lander.
Tumango ito. “Yeah.”
“Okay,” sabi niya at pinakawalan ang babae. “Makakaalis ka na.”
Pilit na ngumiti si Vienna, saka umalis sa opisina niya.
Nang makaalis ito, ilang segundo ang binilang ni Lander para mapagdesisyunang sundan ang babae. Nang mapadaan siya sa mesa ni Stephanie na abala sa harap ng computer, mabilis na tinawag niya ang atensiyon nito. “Stephanie.”
Nag-angat ang sekretarya ng tingin. “Yes, Sir?”
“Cancel all my appointments this afternoon. And, oh, cancel my reservation in Yanzee’s Restaurant, too.”
Tumango ito. “Magpapa-deliver po ba ako ng Chicken Joy at French fries sa bahay n’yo?”
Lihim na napangiti si Lander. Kilala na talaga siya ng sekretarya niya. Kapag ayaw niyang kumain sa restaurant, alam kaagad nito na fast-food ang gusto niya, lalo na ang pagkain sa paborito niyang fast-food restaurant. “Nah. Ako na lang ang o-order,” sabi niya at mabilis na tinahak ang direksiyon patungo sa elevator para sundan si Vienna.
LUMABAS si Vienna sa opisina ni Lander kahit ayaw pa niyang lumayo rito. She missed him. Pero kailangan niyang umalis. Baka kapag tumagal pa siya sa piling ng lalaki ay bumigay na siya at baka masabi na niya rito ang totoo.
Nakapasok na siya sa elevator at sasara na sana nang may humarang na braso para hindi iyon tuluyang sumara. Nang bumukas uli ang elevator, bumalaga sa kanya si Lander na habol ang hininga na parang tumakbo.
“Lander...”
Pumasok ang binata at nang sumara iyon ay hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at walang sere-seremonyang sinakop ang kanyang mga labi.
Hindi rin nagpatumpik-tumpik si Vienna. Mabilis niyang sinagot ang halik ni Lander na parang uhaw na uhaw at nanggigigil na kinagat ang ibabang labi nito.
He moaned and then pinned her on the wall. Itinaas nito ang damit niya hanggang sa lumantad ang dibdib niyang natatakpan pa ng itim na lacy bra. The look in his eyes was intense as he stared at her breasts. Akmang ilalapit nito ang bibig sa mayayaman niyang dibdib nang biglang tumunog ang elevator, senyales na bubukas iyon at may papasok.
Mabilis silang naghiwalay ni Lander at inayos ni Vienna ang damit. Nang pumasok ang mga empleyado sa loob, kaagad na binati ng mga ito ang lalaki.
“Good noon, Sir,” bati ng isang babae na binigyan ng nang-aakit na ngiti si Lander na hindi naman pinansin ng binata.
“Happy lunch time, Sir,” sabi ng isa pang empleyado na may dalang folders.
“Happy lunch time, Sir,” bati naman ng isang lalaki na sa hula niya ay kaedad niya.
Nang magtama ang mga mata nila ng lalaki ay nginitian siya nito. Kaagad na napansin ni Vienna na naakit ito sa taglay niyang ganda. Hindi naman sa pagmamayabang pero may ibubuga naman siya kung kagandahan ang pag-uusapan.
Magiliw niyang nginitian ang lalaking empleyado. Hindi siya ang tipo ng babae na nagtataray sa kalalakihan. Ayaw niyang husgahan ang nakikita niyang kislap ng paghanga sa mga mata nito. Malay niya, baka mali pala ang observation niya.
“Hi,” nakangiting bati ng lalaki sa kanya.
“Hello.”
“Ahm…” Inilahad nito ang kamay. “I’m Matt Enriquez, mechanical engineer.”
Tinanggap ni Vienna ang pakikipagkamay ng lalaki. “I’m Vienna Sugon, part-time fashion designer.” Full-time agent.
“And I’m Lander Storm.” Inagaw ni Lander ang kamay niyang hawak ni Matt. “Come on babe , let’s go.”
Nang marinig ng lalaking empleyado na tinawag siyang “babe” ni Lander ay namutla ito at halatang kinabahan at nagulat. Kahit man siya, nagulat din sa itinawag ng binata sa kanya.
“S-sorry, Sir— Ahm… I… ahm,” nauutal na sabi ni Matt habang nakayuko. “H-hindi ko po alam na girlfriend n’yo si Miss Vienna—”
“Ngayon, alam mo na. Kaya huwag mo siyang hahawakan kundi puputulin ko `yang mga kamay mo,” pananakot ni Lander sa kawawang lalaki. “At huwag mo siyang tawaging ‘Vienna’, ako lang ang puwedeng tumawag sa kanya ng ganoon. And it’s ‘Miss Sugon’ for you. Kapag tinawag mo siya sa pangalan niya, I. Will. Fire. You. Understood?”
“Yes, Sir,” mabilis na sagot ng namumutlang si Matt.
Hinila si Vienna ni Lander palabas ng elevator nang bumukas iyon. “That was rude,” naiinis na sabi niya. “Sana hindi mo naman siya ipinahiya nang ganoon, kawawa naman `yong tao.”
Tumigil ito sa paghila sa kanya at matalim na tumingin sa kanyang mga mata. “Rude? Sana hindi ko ginawa? So, what are you insinuating? Gusto mo si Matt?” Madilim ang mukha ng lalaki. “Do you want her to fuck you like I did?”
Mabilis na umigkas ang kamay ni Vienna para sampalin si Lander. Naramdaman niyang napatingin sa kanila ang lahat ng tao sa lobby. He ruled this building and she just slapped their so-called king.
Nanlalaki ang mga matang napatitig sa kanya ang lalaki na parang hindi makapaniwalang sinampal niya ito. Kahit man siya ay hindi rin makapaniwala. Naisulto lang talaga siya sa sinabi nito.
“Para iyon sa pang-iinsulto mo sa `kin,” nanginginig ang boses na sabi ni Vienna. “For your fucking information, wala pang ibang lalaki na umangkin sa akin, kundi ikaw lang. Kaya wala kang karapatang sabihin sa `kin `yan—”
“That’s good to hear,” sabi ni Lander at hinila na naman siya.
“Ano ba?!” Nagpumiglas siya. “Bitawan mo ako, Lander!”
“No,” matigas ang boses na sabi nito. “Sasama ka sa akin.”
Kahit patuloy pa rin sa pagpupumiglas si Vienna ay hindi siya binitiwan ng lalaki hangga’t hindi siya nito naisasakay nang sapilitan sa sasakyan. Akmang bubuksan niya ang pinto sa passenger seat para makalabas pero naka-lock iyon. Kaya wala siyang ibang choice kundi ang manatili na lang doon.
“Saan mo ba ako dadalhin?” tanong niya kay Lander nang makapasok ito sa loob ng sasakyan.
“Bili tayo ng lunch sa fast-food, `tapos doon natin kainin sa bahay,” sabi nito habang pinapausad ang sasakyan paalis sa parking lot.
Biglang natakam si Vienna. “Fast-food?” Matagal na rin mula nang makakain siya roon.
“Yep.” Tipid itong ngumiti. “Nami-miss ko nang kumain sa fast-food. No’ng huli akong kumain do’n, hindi ka pa umaalis no’n.”
Napatitig siya kay Lander. “Ganoon na katagal?”
Tumango ito habang nakangiti pa rin. “Nang umalis ka, nawalan na ako ng ganang kumain sa fast-food. Lalo na’t naalala kita palagi kapag nakakakita ako n’on.”
Napatitig lang si Vienna sa lalaki. Mukhang naapektuhan talaga ito sa pag-alis niya noon. Pero wala naman siyang ibang pagpipilian.
Pero kinain siya ng konsiyensiya nang malaman niya ang kinalabasan ng pagiging makasarili niya noon... Nang malaman niya ang nangyari dahil sa kagustuhang makasama pa nang matagal si Lander. Marahas niyang ipinilig ang ulo nang pumasok sa kanyang isip ang alaalang gusto na niyang ibaon sa limot. Ayaw na rin niyang maalala pa ang mukha ng kaibigang namatay nang dahil sa kanya.
Napukaw ang pag-iisip ni Vienna nang maramdaman ang mabilis na pagmamaneho ni Lander. “Ganito ka ba talaga magmaneho?” usisa niya habang isinusuot ang seat belt. “Hindi ka naman ganito magmaneho dati, ah.”
“Namatay ang mga magulang ko sa isang car accident kaya natakot akong magmaneho nang mabilis noon. Pero na-realize ko, wala naman `yon sa bilis ng pagmamaneho. Kung oras mo na, oras mo na.”
“Bakit hindi ko alam na namatay ang mga magulang mo?” nagtatakang tanong niya. “Alam ba ito ng mga kaibigan mo?” Hindi man lang kasi sinabi ni Cali sa kanya.
“Oo, alam nila. Sila nga ang dahilan kaya kahit papaano, hindi ako nahirapang tanggapin na wala na sina Mommy’t Daddy,” pagkukuwento nito habang nakatutok ang mga mata sa kalsada.
“I’m sorry.” Nakaramdam siya ng lungkot para dito. “Hindi ko alam.”
Sinulayapan siya ni Lander, parang naguguluhan. “Hindi sa `yo naikuwento ni Cali?”
Umiling si Vienna. “Hindi. Ngayon ko lang nalaman.”
“Namatay sila ilang buwan mula nang umalis ka noon.” Kumunot ang noo nito pagkatapos. “Pero bakit hindi sinabi ni Cali sa `yo?”
Nagkibit-balikat siya. “Baka nakalimutan niyang ikuwento sa `kin.” Napabuntong-hininga siya habang nakatitig sa lalaki. “Is that the reason why you took over the LaCars Import and Export in an early age?”
“Kailangan, eh,” anito. “Ayaw ng kapatid ko dahil gusto niyang maging photographer. `Yong kapatid kong babae naman, ayaw din kasi gustong maging wedding organizer. Kaya sa akin napunta ang family business namin at pinalago ko iyon sa abot ng makakaya ko.”
May pagtatampo siyang naramdaman. “Hindi ko rin alam na may mga kapatid ka.”
“Bago kita maipakilala sa kanila noon, umalis ka na.”
Tumingin si Vienna sa labas ng bintana. “I have my reason, Lander.”
“And what is that?”
“Nothing.” Huminga siya nang malalim at sumandal sa kinauupuan.
Kung siya lang ang masusunod, gustong-gusto na niyang sabihin kay Lander ang rason ng pag-alis niya. Pero baka mapahamak ito nang dahil sa kanya at hindi niya gugustuhin iyon. Siya na lang ang masaktan, huwag lang ang lalaki. Hindi na kakayanin ng konsiyensiya niya kung may isa pang taong mahalaga ang mawala nang dahil sa kanya.
“Anyway, kumusta na pala ang kapatid mo? `Yong nasa ospital,” pag-iiba ni Vienna ng usapan. “Okay na ba siya?”
“Tumawag si Eizel, `yong girlfriend ng kapatid ko, okay na daw si Lance. Sa wakas, nagising din.”
Eizel? Girlfriend ng kapatid ko? Napakurap-kurap siya. “She’s not your girlfriend? `Di ba, sa may cafeteria...”
“She’s not.”
“Kung gano’n, bakit tinawag mo siyang ‘babe?’”
“I want to push you away.”
“You can’t,” sabi ni Vienna, saka lihim na napangiti. Para siyang nakahinga nang maluwag sa nalaman. Parang nakahinga ang puso niyang nasaktan noon nang tawagin ni Lander si Eizel na ‘babe.’ “Mabuti naman pala at maayos na ang kapatid mo,” pag-iiba niya uli ng usapan. “Siyanga pala, ano’ng oorderin mong pagkain?”
“Tingnan ko mamaya,” sagot ni Lander habang naka-focus sa pagmaneho.
Ilang minuto ring namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan nang basagin iyon ng lalaki.
“Nandito na tayo,” anunsiyo nito.