NAPAPALIYAD na si Vienna sa sarap tuwing pinapaikot ni Lander ang dila sa kanyang clitoris. Lander’s gravy-coated tongue was all over her mound. “Oh! Lander...” Para siyang nasa langit habang walang tigil ang pagdila nito sa kanyang kaselanan. “Oh... ang sarap niyan.” Napasinghap siya nang bigla na lang ipasok ng lalaki ang dalawang daliri sa loob niya at mabilis na inilabas-masok ang mga iyon habang ang dila ay patuloy pa rin sa ginagawa. “Oh...” Vienna’s toes curled at the sensation. “Ah...” Napahawak siya sa headboard ng kama at doon kumuha ng lakas para hindi mawalan ng ulirat dahil sa sobrang sarap na pinapalasap sa kanya ni Lander. Umangat na ang puwitan niya para salubungin ang bawat pagpasok ng mga daliri nito sa loob niya. “I’m coming—Lander... Faster! Harder! Please...”
Mas binilisan pa ng lalaki ang pag-ulos ng mga daliri at ng dila nito sa clitoris niya. Nanginginig na ang mga hita ni Vienna habang pinipigilan ang sariling huwag munang labasan. “Lander... Oh, lalabasan na ako... Malapit na ako,” hinihingal na sabi niya at lalo pang humigpit ang pagkakahawak sa headboard ng kama. “Oh— Hayan na! Lander!” Nararamdaman niya ang pag-agos ng katas mula sa kaloob-looban niya. Napaungol siya nang dilaan at sipsipin iyon lahat ni Lander na walang patid pa rin sa pagpapaligaya sa kanyang pagkababae.
“Lander...” Hinahabol ni Vienna ang hininga habang nakatingin sa lalaki na ngayon ay nakaluhod na sa kama at ibinababa ang pantalon, saka sinunod ang pang-itaas na damit. Napalunok siya nang makita ang matigas at nakatayo nitong pagkalalaki na parang handa nang makipaglaban. Nakagat niya ang ibabang labi nang hawakan ni Lander ang pagkalalaki at ikiniskis ang dulo niyon sa kanyang pagkababae. “Ipasok mo na, please?”
Kinubabawan siya ng lalaki, saka inilapit ang mukha sa mukha niya. “Isasagad ko ba?”
Mabilis siyang tumango. “Yes, please.”
“Hmm…” Hinalik-halikan nito ang ilong niya, ang kanyang pisngi, at pababa sa mga labi niya. “Gusto mong isagad ko?”
Muling tumango si Vienna. “Oo nga. Ipasok mo na, please?” Nararamdaman niya ang pagpintig ng pagkababae niya.
Bumaba ang mga labi ni Lander sa kanyang leeg at marahang kinagat iyon. Napasinghap siya nang maramdaman ang kirot na dulot ng ginawa nito. Mukhang hindi pa nasiyahan ang lalaki at sinipsip ang balat sa kanyang leeg. Pagkatapos ay tumitig ito sa kanyang mga mata—ang mga mata nito ay may kislap ng kasiyahan. “Ilang araw ba ang bibilangin bago mawala ang kiss mark?”
Kumunot ang noo niya. “Maybe two to three days?”
Pilyong ngumiti ang lalaki. “Two to three days?” Tumango-tango ito na parang nasisiyahan. “Sounds good to me.”
Napakunot-noo si Vienna nang mag-sink in sa utak niya ang ginawa ni Lander sa leeg niya. “Please, huwag mong sabihin sa `kin na ginawan mo ako ng hickey kasi—”
“Kung gano’n, hindi ko sasabihin,” nakangising sabi nito. “Huwag mong itatago, ha?”
“Nababaliw ka ba? Nakakahiya— Oh!” Bigla siyang napatigil sa pagsasalita at napaungol nang walang sere-seremonyang ipasok ng lalaki ang kahabaan sa pagkababae niya.
“Ayokong itago mo ang kiss mark na gawa ko. Gusto kong makita `yan ng lahat ng lalaking magtatangkang lumapit sa `yo.” Umulos ito at napaungol siya. “Akin ka lang, keep that in mind, Vien.”
Napalunok si Vienna at tumango kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso niya. Damn this man for making her heart beat so fast! “Stop saying those kind of words, Lander. Baka lalo lang akong ma-in love sa `yo.”
Matiim na tumingin sa kanya si Lander. “Then fall for me harder, Vienna,” sabi nito at inilapit ang bibig sa puno ng kanyang tainga at bumulong. “God knows how much I want you to fall harder.”
Umawang ang mga labi ni Vienna sa narinig. Hindi niya alam kung positive o negative iyon. Pero gayunpaman, bumilis pa rin ang tibok ng puso niya at parang magwawala iyon ngayon sa loob ng kanyang dibdib.
Nagsimula nang gumalaw si Lander sa loob niya dahilan para doon tumuon ang atensiyon niya sa ginagawa nito. Sa una, mabagal lang ang pag-ulos ng lalaki hanggang sa lumipas ang ilang segundo at pabilis na nang pabilis ang pagbayo nito.
“Oh! Lander!” palakas nang palakas ang ungol ni Vienna sa bawat sandaling lumilipas. “Lander! Lander!” Sinakop ng lalaki ang kanyang mga labi dahilan para sa bibig siya nito mapaungol. Walang humpay pa rin ang bawat malalakas at may diing ulos ni Lander sa loob niya. Napayakap siya nang mahigpit sa binata at bumaon ang kuko niya sa balat nito nang maramdamang malapit na niyang maabot ang rurok ng kaligayahan. “Oh! Oh! Lander!” ungol niya nang pakawalan nito ang mga labi niya at binayo nang malakas ang kanyang ari. “Oh— Lander, bilisan mo pa please! Malapit na ako. I’m coming, Lander!”
“Me, too,” hinihingal na sabi ni Lander. Napaliyad si Vienna nang maramdaman ang kanyang pagsabog, kasabay niyon ay ang pagpuno ng katas nito sa sinapupunan niya. “Oh, Vienna...” Bumuga ng malalim na hininga ang lalaki, saka bumagsak ang katawan sa kanya.
Napaungol na lang siya nang yumakap ito sa kanya. “Ang bigat mo.”
Mahinang natawa si Lander at hinalikan siya sa mga labi. “Sorry, Vien.” Tumabi ito sa kanya, saka siya niyakap nang mahigpit.
Bumaling si Vienna sa binata. “I feel so sticky.” Umalis siya sa kama. “Maliligo muna ako.”
“Sabay na ta—” Napatigil ito bigla sa pagsasalita at mabilis na bumangon, saka siya niyapos mula sa likuran. “Ano `tong nasa likod mo? Bakit may pasa ka?”
Dumagundong ang kaba sa puso ni Vienna. Shit! Nakita ni Lander ang pasa niya sa likod!
“Vien, ano `to?” ulit ng lalaki, halata ang pag-alala sa boses. “Bakit may mga pasa ka sa likod?”
Dahan-dahan siyang humarap dito. “Ahm…” Pero hindi siya makatingin kay Lander. “Natumba kasi ako kaya nagkapasa ako.”
Hinuli ng lalaki ang mailap niyang mga mata, saka matiim na tumingin sa kanya. “Nararamdaman ko, Vien, nagsisinungaling ka sa `kin. Bakit?” Dumilim ang mukha nito. “Saan mo ba nakuha `yang mga pasa mo?”
Umiling si Vienna. “It’s nothing.”
Mas tumiim ang tingin sa kanya ni Lander. “Stop lying to me, Vien.”
Nagbaba siya ng tingin. “I’m fine. Ayoko nang pag-usapan `to.”
Nang talikuran si Vienna ng lalaki ay pumasok na siya sa banyo. Ilang segundo lang ang lumipas, pumasok ito at niyapos siya mula sa likuran. “Let me bathe you,” sabi ni Lander, saka binuksan ang shower. “I won’t ask questions... just let me.”
“Okay.” Habang sinasabon ng lalaki ang kanyang katawan, napakagat-labi si Vienna nang maramdamang nasa may gitnang bahagi na ng mga hita niya ang kamay. “Lander...” Lumapat ang mga kamay niya sa malamig na tiles ng banyo nang magsimula na itong haplusin ang kanyang kaselanan. “Lander... Oh...” Napadaing na lang si Vienna nang sapuhin ni Lander ang mukha niya at halikan ang kanyang bibig.
“I’ll be gentle,” sabi nito, saka masuyong iniyakap ang braso sa kanyang baywang habang mas pinalalalim pa ang kanilang halikan.
DALAWANG beses inangkin ni Lander si Vienna habang nasa banyo sila. Una ay sa ilalim ng shower habang ang pangalawa naman ay sa bathtub habang nakakandong siya sa mga hita nito. Naging maingat ang lalaki sa kanya habang nagtatalik sila, lalo na sa likod niyang may mga pasa.
Nang makalabas sila ng banyo, eksakto ang pagtunog ng cell phone ni Lander. “Fuck,” mahinang mura nito, saka pinulot ang aparato na katabi ng hinubad nitong pantalon. Pagkatapos ay naupo ang lalaki sa gilid ng kama habang sinesenayasan siyang umupo sa tabi nito.
Kaagad naman siyang sumunod.
“Hello?” padaskol na sabi ni Lander at kumunot ang noo. Mukhang may sinabi ang nasa kabilang linya para magsalubong ang mga kilay nito. “I don’t care even if it’s the king of the fucking world. When I say that the meeting is cancelled, then it’s fucking cancelled!”
Napailing-iling si Vienna at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos ay inagaw niya ang cell phone ng lalaki para siya ang makipag-usap sa kawawang sekretaryang sinigiwan nito.
“—nagpipilit kasi si Mr. Lamar Exxon, ang may-ari ng Exxon Automobiles na kausapin kayo.”
Lamar Exxon? Oh, hell! Kumikilos na ang mga ito. Kailangan na rin nilang kumilos ni Hellion!
“Stephanie? This is Vienna Sugon. Lander’s—” Napatingin siya sa lalaki. “—friend.” Hindi niya alam kung ano ba talaga siya nito. Sana naman kahit papaano ay tanggap siya ni Lander bilang isang kaibigan. “Pakisabi kay Mr. Exxon na on the way na si Mr. Storm. Pakihintay na lang kasi traffic,” sabi niya, saka ibinaba ang tawag.
Kumunot ang noo ng lalaki, halata ang iritasyon sa mukha. “Bakit mo sinabi `yon? Ayoko ngang makipag-meeting—”
“Kailangan mo nang magtrabaho,” putol ni Vienna sa iba pang sasabihin nito.
“I don’t need to. Hindi naman kawalan ang Exxon Automobiles sa kompanya ko.”
“Alam ko pero kikita ka pa rin sa kanya,” pangungumbinsi niya. “Sige na.”
“Fine,” iritadong pagpayag ng lalaki, saka pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig.
Nang makapagbihis sila, kaagad na nagmaneho pabalik ng LaCars Building si Lander. Habang nasa sasakyan, binuksan ni Vienna ang heart locket na pendant ng necklace na suot niya palagi at pasimpleng kinuha roon ang maliit na mini-microphone transmitter na ginagamit niya kapag nag-eespiya siya.
Nang makarating sila sa LaCars Building, sabay silang lumabas ng sasakyan ng lalaki at naglakad sila patungo sa elevator. Nang bumukas iyon, hihilain sana siya ni Lander papasok pero inagaw niya ang kamay na hawak nito.
“No. Ikaw lang ang aakyat,” nakangiting sabi ni Vienna. “May kailangan kasi akong gawin, eh.”
Irritation filled his blue eyes. “Makikipagkita ka sa lalaking `yon? Kay Hellion?”
Ngiti lang ang isinagot niya rito, saka inisang hakbang ang pagitan nila para ayusin ang kuwelyo ng tuxedo na suot ng lalaki. Pagkatapos ay pasimple niyang iniligay roon ang mini-microphone transmitter para marinig niya ang pag-uusapan nito at ni Lamar Exxon.
“Bye,” sabi ni Vienna at hinalikan sa mga labi si Lander. “Ingat ka.”
Hinawakan siya sa baywang ng lalaki, saka tumitig sa kanyang mga mata. “`Yong pasa mo, pinalampas ko `yon ngayon. Pero sa susunod na makakita pa ako ng pasa sa katawan mo, hinding-hindi kita tatantanan sa katatanong. Ayokong nakikitaan ka ng pasa sa katawan.” He kissed her on the lips. “Rest for today, okay? Huwag ka nang makipagkita sa Hellion na `yon.”
Humakbang si Vienna paatras ng elevator, saka naglakad palabas ng gusali. Nang nasa parking lot na siya, tinawagan niya si Hellion. Isang ring lang ay sinagot na nito ang kanyang tawag.
“Yes, Light?” anang boses ng lalaki.
“I put a mini-microphone transmitter on Lander Storm, the owner of LaCars Import and Export. Ka-meeting ngayon ni Mr. Storm si Mr. Exxon. I-wiretap mo ang usapan nila.”
“Okay. `Yon lang?”
“Yeah. And can you pick me up?”
Napabuntong-hininga si Hellion na parang napakahirap ng ipinapagawa niya rito. “Seriously?” hindi makapaniwalang tanong nito. “Alam mo bang iniistorbo mo ako palagi?”
Ngumiti si Vienna. “Ngayon nga lang kita inistorbo. Susunduin mo ako o hindi?”
Mayamaya lang ay narinig na niya ang tunog ng mabilis na pagta-type ng lalaki sa keyboard ng laptop, saka ito nagsalita uli. “Got your location. I’ll be there in ten.” Pagkatapos ay nawala na sa kabilang linya si Hellion.
Hindi napigilang mapangiti ni Vienna. That was the perks of having a computer genius partner. You don’t have to tell him where you were but he could track you anyways.
PAGKATAPOS ng meeting ni Lander kay Mr. Exxon, kinuha niya ang cell phone at tinawagan si Cali Sudalga. Pagkatapos ng tatlong ring ay sinagot na nito ang tawag.
“Hey, Storm. What do you want?” tanong ng kaibigan.
“Can I get Vienna’s number?” tanong niya habang tina-tap ang mga daliri sa mesa. Baka kasi kasama pa ni Vienna ang lalaking katagpuan nito at hindi siya mapapakali hangga’t hindi nakakausap ang babae. “Kailangan ko siyang makausap.” Bakit naman kasi nakalimutan niyang kunin iyon kanina bago sila naghiwalay?
Malalim na napabuntong-hininga si Cali. “Seriously? Kayong dalawa, kapag hinahanap n’yo ang isa’t isa, palagi ako ang iniistorbo n’yo. I already had enough of Vienna constantly asking how you are for eight fucking years. `Tapos ngayon, ikaw naman? Puwede ba akong mag-pass ngayon?”
Nagsalubong ang mga kilay ni Lander. “Itinatanong palagi ni Vienna kung kumusta ako?” Nagulat siya sa nalamang iyon. “Sa walong taon na nawala siya?”
Nawalan ng imik ang lalaki at muling bumuntong-hininga. “Oo. Hindi naman `yon nakalimot sa `yo, eh.” Ilang segundo itong natahimik. “Hindi rin siya tumigil na alamin ang kalagayan mo. She asked questions about you all the time.”
“Like what questions?”
“Ahm, like, if you had a girlfriend; if you were okay; if you were happy; if you had already moved on and if you still love her—`yon palagi ang tanong niya sa `kin. Nakakasawa nang sagutin minsan kasi alam kong sa bawat tanong niya at pagsagot ko, masasaktan lang siya.” Bumuntong-hininga ito. “You know what, Storm? Vienna may be just my stepsister, but I consider her as my real little sister. At ayokong makita na naman siyang umiiyak nang dahil sa `yo. Baka masapak na talaga kita.”
“Crying over me? Again?”
Mahinang natawa si Cali na parang nang-uuyam ito. “`Yon ang mali sa `yo, Storm. Alam kong nasaktan ka pero i-consider mo rin sana ang nararamdaman ng kapatid ko. Alam kong hindi ka naniniwala, pero totoong mahal ka niya. At bago mo siya husgahan at sabihang sinungaling, makiramdam ka muna. Umalis si Vienna at iniwan ka hindi dahil hindi ka niya mahal o hindi ka mahalaga sa kanya, umalis siya hindi dahil gusto niya. Umalis siya dahil kailangan niyang umalis.”
Sumandal si Lander sa inuupuang swivel chair. “`Yon din ang mali kay Vienna, hindi niya sinasabi sa akin kung bakit siya umalis. Maiintindihan ko naman kung malalaman ko ang dahilan.”
“What if she’s not allowed to tell you?”
“Not allowed?”
“Yeah.” Napabuntong-hininga ang kaibigan na parang ang bigat ng dinadala nito sa balikat. “Mamahalin mo pa rin ba siya kahit hindi niya sabihin sa `yo ang dahilan ng pag-alis niya? Would you still trust her?”
“I have trust issues because of her,” mapait na sabi niya.
“Alam ko. Kahit nga kaming malalapit mong kaibigan, hindi ka nagsasabi ng mga bagay-bagay sa buhay mo.”
“I’m a strong believer of the word ‘privacy.’”
“If that’s your opinion, then I’ll respect it,” anito. “Anyways, ite-text ko na lang sa `yo ang number ni Vienna.”
“Thanks, man.”
“Don’t mention it.”
Ilang segundo pa lang ang lumipas pagkatapos ng pag-uusap nila ni Cali ay tumunog na ang message alert tone ni Lander. Nang buksan niya kung ano iyon, text iyon na galing kay Cali at naroon na ang phone number ni Vienna.
Mabilis niyang tinawagan ang babae, pero hanggang sa matapos ng pag-ring ng cell phone nito ay walang sumagot. Then he heard Vienna’s voice mail message.
Hey, this is Vienna. If you’re hearing this, then it means I’m busy and I’ll call you back.
Sa halip na tawagan uli, itinext niya ito.
It’s me, Lander. Call me when you get this.
Hindi pa lumilipas ang sampung segundo nang may matanggap uling text message si Lander. Galing iyon kay Vienna.
Hey. Sorry hindi ko nasagot ang tawag mo. Medyo busy ako e.
Ano ba ginagawa mo? Nasaan ka ba?
Kasama ba nito si Hellion? Kumuyom ang kanyang kamay.
Tumunog uli ang cell phone niya.
I’m busy. I’ll call or text you later.
Naiiritang tinawagan ni Lander si Vienna pero tulad kanina, hindi nito sinagot ang tawag niya. “Shit! Ano ba’ng ginagawa niya? Kasama ba niya si Hellion? Ano’ng ginagawa nilang dalawa?”
He was going nuts!
Hindi na niya napigilan ang sarili kaya tinawagan niya uli ang babae. Nakahinga siya nang maluwag nang sagutin na nito ang tawag. “Vien—”
“Look, whoever you are, don’t disturb us,” sabi ng isang boses-lalaki, saka ibinaba ang tawag.
Ibinaba ni Lander ang cell phone at napatitig sa screen niyon. Hindi. Hindi siya nagkamali ng numerong tinawagan. Kay Vienna iyon!
Who’s that man? Is that Hellion? Is he her other lover? Pamilyar sa kanya ang boses na iyon pero hindi niya matukoy kung sino at kung kailan niya narinig. Basta sigurado siya, narinig na niya ang boses na iyon.
Ano ang ginagawa ng dalawa na hindi niya dapat istorbuhin?
Mahigpit na kumuyom ang kamay ni Lander at tumalim ang kanyang mga mata. “No… she can’t do this to me. She’s mine. Mine!”