PANAY ang mura ni Vienna habang nagdo-drawing ng disenyo ng damit, pagkatapos ay buburahin din dahil hindi niya gusto ang kinalabasan. Hindi niya alam kung bakit hindi siya makapag-focus. Dahil ba palaging pumapasok si Lander sa kanyang isip at ang eksenang nakita niya sa labas ng ICU?
Kinakain ng selos ang buong sistema niya.
Inis na nagsalin si Vienna ng tequila sa shot glass at ininom iyon. Kanina pa niya paunti-unting inuubos ang isang bote ng tequila mula nang mag-sketch siya na itinatapon din naman niya.
Tequila always had the power to calm her nerves. Iyon ang palagi niyang kasama kapag nai-stress siya sa pagdidisenyo ng mga damit.
Bumuga siya nang marahas na hininga, saka nagsalin uli sa shot glass at ininom iyon. “Shit!” mura ni Vienna nang tumayo siya ay umikot ang kanyang paningin. Mukhang marami na siyang nainom.
Hinilot niya ang sentido, saka inilibot ang tingin sa inuupahang condo. Napakagulo niyon. Nagkalat ang mga tela at lahat ng kagamitan niya. Kailangan niya nang mas malaking bahay.
Si Cali! Hihiramin muna niya ang bahay nito, tutal naman ay hindi tumitira doon ang kapatid dahil may masamang karanasan ito sa bahay na iyon.
Mabilis na pinulot ni Vienna ang susi ng kotse na hiniram niya kay Cali, saka lumabas ng unit niya. Napahawak siya bigla sa dingding ng hallway nsng maramdamang umikot ang kanyang paningin.
“Shit.”
Gusto niyang kutusan ang sarili dahil uminom siya ng ganoon karaming tequila. One or two shots were enough, but she drank half of the bottle. Darn it!
Sumakay si Vienna sa elevator at nagpahatid sa ground floor. At sa halip na magkotse, naghanap na lang siya ng taxi. Hindi niya kakayaning magmaneho kung ganoong medyo nahihilo siya. Baka mabunggo pa siya.
Habang naghihintay ng taxi, tinawagan niya si Cali. Ilang ring pa lang, sinagot kaagad ng kapatid ang tawag niya.
“May kailangan ka, little sis?” tanong nito.
“Nasaan ka? Puwede ko bang hiramin pansamantala ang bahay mo? Nasisikipan kasi ako doon sa condo ko. Kailangan ko ng mas malaking space para sa paggawa ko ng mga damit habang on vacation ako.”
“At bakit sa bahay ko pa?” iritadong tanong ni Cali.
“Kasi nga malawak do’n!” naiinis niyang sagot. “So, ipapahiram mo ba sa akin ang bahay mo na ilang taon nang pinugaran ng mga multo dahil walang tao o hindi?”
“Ikaw na nga itong nanghihiram, ikaw pa ang mataray,” hindi makapaniwalang sabi nito. “Punta ka na dito sa cruise ship ko, sa Suldaga’s Port, kunin mo ang susi. Bilisan mo. Pagabi na.”
“Pupunta na po d’yan, kamahalan,” puno ng sarkasmong sabi ni Vienna, saka pinara ang nakitang taxi na papalapit.
NANG tumigil ang taxi na sinasakyan ni Vienna, tumingin siya sa labas ng binata.
“Dito na ho, Ma’am?” tanong ng driver.
Napatitig siya sa karatulang may nakasulat na “Sudalga’s Port.” “Oo, dito na.” Binayaran niya ang driver, saka lumabas ng taxi. Napatigil si Vienna sa akmang paghakbang nang umikot na naman ang paningin niya. “Shit.” Mariin niyang ipinikit ang mga mata. “Bakit ba kasi ang dami kong nainom?”
Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa malaking royal cruise ship na pag-aari ng kapatid. Natigilan sa paglalakad si Vienna nang makapasok sa mini-bar niyon nang makita niya ang mga kaibigan ni Cali. Mayamaya ay natuon ang mga mata niya sa lalaking minahal niya sa loob ng walong taon.
At dahil siguro nakainom ng alak at tipsy siya, walang maramdamang hiya si Vienna. Lumapit siya sa mga ito at ngumiti nang mapatingin ang lahat sa kanya. “Hello, everybody!” bati niya at gumigiwang na naglakad palapit sa kapatid. “Hello, dear stepbrother.” Inilahad niya ang palad kay Cali. “Give it to me.”
May kinuhang susi si Cali sa bulsa nito at inilagay sa palad niya. “Vienna, ngayon pa lang sinasabihan na kita, huwag mong babaguhin ang pintura ng bahay ko. I can still remember what you did to my penthouse. Ipapahiram ko lang iyon sa `yo kasi kailangan mo ng malaking space para sa kung anuman ang ginagawa mo. Pagkatapos mo, lalayas ka na sa bahay ko. Nagkakaintindihan ba tayo?”
Inirapan ni Vienna ang kapatid. Oo, naaalala niya ang ginawa sa penthouse nito eight years ago. Naaalala pa niya `yon? “Dear stepbrother, hindi ko kasalanan kung napinturahan ko ng pink ang penthouse mo noon,” sabi niya, saka napabungisngis. “Ang boring kasi ng kulay, eh. Kasing-boring mo.”
Wala sa sariling napatingin siya sa gawi ni Lander. Ayaw niyang kausapin ito sa lugar na iyon pero hindi niya napigilan ang sariling lumapit dito. Pinakatitigan niya ang guwapo nitong mukha.
Damn, she missed that handsome face!
“What do you fucking want, Vienna?” matigas ang boses na tanong ng lalaki nang hindi man lang tumitingin sa gawi niya.
Dahil siguro sa kalasingan, napabungisngis si Vienna nang walang dahilan. Basta natutuwa lang siya sa seryosong mukha ni Lander at ang pagtagis ng bagang nito.
“Oh, my Lander. Aren’t you excited? Magiging kapitbahay mo na ako.” Inilapit niya ang mga labi sa mukha nito at hinalikan ito sa pisngi. “Hope we could talk though.” Pleaure shot through her with that simple kiss. Kailangan niyang pigilan ang sarili bago pa niya mahalikan uli ang lalaki at itulak siya nito palayo.
So she left.
Nasa labas na si Vienna ng cruise ship nang makarinig siya ng papalapit na mga yabag. Nilingon niya kung sino iyon at lumukso ang puso niya nang makita si Lander.
“Lander,” aniya.
“Mag-usap tayo,” sabi ng lalaki, pagkatapos ay hinawakan siya sa braso at hinila patungo sa Audi nito. Nang maipasok siya sa kotse, umikot si Lander patungong driver’s seat at pumasok sa sasakyan. “Talk,” sabi nito na walang emosyon sa mukha. “Gusto kong marinig kung ano ang sasabihin mo, saka ako magtatanong.”
Biglang naumid ang dila ni Vienna. Oo nga at nakabuka ang bibig niya pero wala namang lumalabas na salita mula roon. Nang mapansin ng lalaki na hindi siya makapagsalita, humarap ito sa kanya.
Still, his face was void of any emotion.
“Bakit ka umalis nang hindi man lang nagpapaalam sa akin?” tanong nito.
Nagbaba siya ng tingin dahil alam niyang kasinungalingan ang isasagot niya rito. “I left because—” Kinagat niya ang ibabang labi. Kailangan niyang magsinungaling! Shit! Bawal niyang sabihin dito ang rason kung bakit siya umalis dahil ipinagbabawal iyon. Bumuga si Vienna ng marahas na hininga. “Hindi ko puwedeng sabihin.” Ayokong magsinungaling.
Mapaklang tumawa si Lander. “Okay. Kung wala ka naman palang balak sabihin, makakalabas ka na sa kotse ko.”
“No. Please, hear me out.” Magbilis siyang nagtaas ng tingin at nangungusap ang mga matang sinalubong ang tingin nito. “N-nandito ako kasi gusto kong bumawi. I still love you, Lander,” pag-amin niya. “After all these years, I still do—”
“I really don’t care.” Parang nagyeyelo sa sobrang lamig ang mga mata ng lalaki habang nakatitig sa kanya. “Umalis ka nang walang paalam, iniwan mo ako, nakapag-move on ako, nakalimutan na kita, at ngayon babalik ka na parang may iniwan kang naghihintay sa `yo? Vienna, noong umalis ka, pinutol mo na kung anumang relasyon meron tayo noon. Nang iwan mo ako nang walang paalam, nang mga oras ding iyon, binura na kita sa puso’t isip ko. `Tapos ngayon babalik ka. Para ano? Para makipagbalikan? Para bumawi? O para manakit uli?”
Napipilan si Vienna sa mga sinasabi ni Lander. She was guilty kaya wala siyang maisagot dito. “Lander...”
“Just leave, Vienna.” Napailing-iling ito. “Hindi ako naniniwalang mahal mo ako. Dahil kung totoo ang pagmamahal na sinasabi mo, hindi mo ako iiwan nang basta-basta. Umalis ka na. Doon ka naman magaling, `di ba? Ang umalis nang walang paalam. Why don’t you do it now? Umalis ka na at huwag ka nang babalik pa.”
Hindi napigilan ni Vienna ang mga luhang kumawala sa kanyang mga mata. Masyadong masakit ang mga binitawang salita ng lalaki. At para sa puso niyang nagmamahal, parang paulit-ulit iyong sinaksak ng patalim.
“Lander... please, give me another chance.” Napahikbi siya. “I’m not going to leave you again—”
“Ayoko. Wala nang chance kasi hindi na kita mahal at hinding-hindi na kita mamahalin uli.” Wala pa ring emosyon sa mukha nito. “Nakipag-usap lang ako sa `yo kasi kailangan ko ng closure. Makakaalis ka na.”
Hilam ng luha ang mga mata na lumabas si Vienna sa kotse ng lalaki. Parang may pumipiga sa puso niya sa sobrang sakit habang naglalakad palayo sa sasakyan nito. Akala niya, may pag-asa pa siya pero nag-iilusyon lang pala siya.
Kagagahan na bumalik siya para bumawi at makipagbalikan kay Lander. Isang kagagahan na inalagaan niya ang pagmamahal niya para sa binata.
Vienna left Sudalga’s Port with a torn heart. Pero kahit nagkagutay-gutay ang puso niya, tumitibok pa rin iyon para sa lalaking gumutay-gutay niyon.
Sumakay siya ng taxi at nagpahatid sa bahay ni Cali sa Bachelor’s Village. Nang makapasok sa bahay, binuksan niya ang mga ilaw at nahiga sa mahabang sofa. Kahit tatlong taon nang walang tao ang bahay na iyon, alaga pa rin iyon ng kapatid. Araw-araw, may naglilinis doon para mapanatiling malinis at maganda.
Habang nakahiga sa sofa, napatitig si Vienna sa kisame at namalayan na lang niya na tumutulo na ang kanyang mga luha. Lander words kept on replaying in her mind and she couldn’t help but let her tears flow. Wala siyang ibang masisisi kundi ang sarili. Siya ang umalis. Siya ang nang-iwan. Tama lang na magalit ang lalaki sa kanya. Tama lang na paalisin siya nito at hindi na pabalikin pa.
Gusto ni Lander na umalis siya at mawala tulad noon, pero may gusto rin siyang gawin bago niya sundin ang gusto nito.
Kapag naibigay ng lalaki ang request niya, aalis na siya at ibibigay ang lahat ng oras sa trabaho niya. Iyon naman talaga ang rason kung bakit siya umalis nang walang paalam. Wala na ang tanging tao na dahilan kung bakit ginagawa niya ang lahat para mabuhay.
Tinuyo ni Vienna ang mga luha at bumangon. Pagkatapos ay lumabas siya ng bahay, saka nagtungo sa katabing bahay na pag-aari ni Lander at hinintay doon ang binata. Sana nga umuwi siya dito ngayong gabi.
NAPAILING-ILING si Lander matapos ihiga ang kaibigang si Calyx sa kama. Nang magyaya itong uminom, hindi niya akalain na balak nitong laklakin lahat ng alak sa mini-bar ng cruise ship ni Cali. Mukhang malaki ang problema ni Calyx sa pag-ibig.
Hay. Bakit nga ba naimbento ang salitang pag-ibig? Dahil sa salitang iyon, maraming nasasaktan.
Akmang lalabas na si Lander ng penthouse ni Calyx nang may mahagip ang kanyang mga mata—isang bote ng vodka at rum. Mabilis niyang kinuha ang dalawang bote ng alak na nasa center table at tuluyan nang lumabas ng penthouse.
Habang sakay ng elevator, binuksan niya ang takip ng bote ng rum at deretsong uminom doon. Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang lunukin ang alak. Ramdam niya ang mainit na likido pababa sa kanyang lalamunan.
Nang makarating ang elevator sa ground floor ng gusali, malalaki ang hakbang na tinungo ni Lander ang kanyang sasakyan sa parking lot. Nang makasakay sa kotse, inilagay niya ang bote ng vodka sa passenger seat habang patuloy pa ring iniinom ang rum.
Itinigil niya ang sasakyan sa harap ng LaCars Building nang makarating doon. Akmang lalabas na siya nang maalala niya ang nangyari sa cruise ship. Kapitbahay ni Lander si Cali at ang nakatira ngayon sa bahay nito ay si Vienna. Hindi niya magawang kalimutan ang pinag-usapan nila ng babae sa kotse niya kanina. Nakita niya pang lumuha ito at naiinis siya sa sarili dahil naapektuhan pa rin siya.
He wanted to wipe those tears away but he was too hurt to even move. Nanariwa ang sakit na naramdaman niya nang iwan siya ni Vienna noon. Hindi nga nito masabi sa kanya ang rason kung bakit ito umalis. Was he not worthy to know the reason why she left?
“Damn it.” Binuhay uli ni Lander ang sasakyan at pinaharurot iyon patungo sa bahay niya sa Bachelor’s Village. “Bakit ko ba ginagawa `to?” tanong niya sa sarili habang nagmamaneho.
Nang makarating sa bahay niya, kaagad na ipinark niya ang sasakyan sa labas ng gate at naglakad patungo sa pinto. Napatigil si Lander sa paglalakad nang makita si Vienna na nakaupo sa may pinto at nakahilig doon. Mahimbing itong natutulog habang yakap ang sarili.
Ano’ng ginagawa ng babaeng `to dito? tanong niya sa isip at nilapitan ang babae.
“Vienna?” Nag-aalangang niyugyog niya ang balikat nito. “Vienna? Wake up.”
Umungol ito at unti-unting nagmulat ng mga mata. When her almond eyes looked at his blue at once, he sighed in defeat.
Ano ba ang mayroon sa babaeng ito at nawawala sa tamang huwisyo ang utak niya? Dapat itinutulak niya ito palayo, dapat umiwas siya rito, pero bakit hindi niya magawa?
“Lander?” Kinusot nito ang mata. “Hey... nandito ka na pala,” sabi ng babae, saka nag-inat ng braso. “Sorry, nakaharang ako sa pinto.” Tumayo ito at pinagpagan ang damit. “Gusto lang kitang makausap.”
Matiim na tinitigan ni Lander si Vienna na matapang na sinalubong ang kanyang titig. “Nag-usap na tayo kanina. At wala na akong sasabihin pa sa `yo,” sabi niya sa malamig na boses.
Kinagat nito ang ibabang labi. “Alam ko. Pero, may... hiling sana ako.”
Pagak siyang tumawa. “May hiling ka? `Kapal din ng mukha mong humiling pagkatapos mo akong iwan. Ni hindi mo nga masabi sa akin ang dahilan ng pag-alis mo.”
“Makapal na kung makapal.” Huminga nang malalim ang babae. “Last na `to at aalis na ako. Tulad ng gusto mo, aalis na ako at hinding-hindi na magpapakita sa `yo.”
That’s good, right? But why did he feel sad all of a sudden?
“Okay.” Huminga si Lander nang malalim, saka pinilit ang sariling walang maramdaman. “Ano’ng gusto mo at nang makaalis ka na?”
Tumingin uli sa mga mata niya si Vienna at matapang na nagsalita. “I want you to make love to me. One last time.” Inisang hakbang nito ang distansiya nila at hinaplos ang kanyang pisngi. “I just want to feel your body pressed against mine, your lips on my lips, and I want to feel and remember how breathtaking it is to be filled by you. Kahit ngayong gabi lang, pagbigyan mo ako. Pangako, bukas hindi mo na ako makikita pa.”
Nang hindi siya magsalita ay niyakap siya ng babae. Nanigas si Lander sa kinatatayuan nang ilapat nito ang mga labi sa mga labi niya. Nakalimutan niyang huminga at napahawak siya sa baywang ni Vienna. Ramdam na ramdam niya ang mga labi nito sa mga labi niya. Those tingling sensation was now coming back. Akala niya hindi na niya mararamdaman ang ganoong sensasyon sa isang halik pero heto at nararamdaman na niya ngayon.
Only Vienna could make him feel like this.
Pinakawalan nito ang mga labi niya, saka tumingin sa kanyang mga mata. “Please, pagbigyan mo na ako. Pagkatapos nito, aalis na talaga ako. Hahayaan na kita.”
Humugot si Lander ng malalim na hininga, saka maingat na pinakawalan. May sagot na siya sa kahilingan ng babae. Inilapag niya sa semento ang dalawang bote ng alak na hawak at tinitigan ang mga labi nito na bahagyang nakaawang.
Fuck it!
He crashed his lips against hers.