NAGISING si Vienna na wala si Lander sa tabi niya. Kaagad niyang hinanap ito. Nahalughog na niya ang buong bahay, pero ni anino ng lalaki ay hindi niya makita.
Hindi maiwasang mag-alala ni Vienna. Pagkatapos ng mga nangyari, hindi na niya maiwasang mag-isip ng masama at mag-alala. Binalikan niya ang cell phone sa kuwarto ni Lander at kinakabahang tinawagan ang numero nito. Lalo lang nadagdagan ang pag-aalala niya nang out of reach ang lalaki. Nakalimang tawag siya bago siya tumigil.
“Nasaan ka ba?” nag-aalalang tanong ni Vienna sa hangin. Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili, saka tinawagan si Cali. Pagkatapos ng tatlong ring ay sumagot ito. “Cali, nandiyan ba si Lander?” tanong niya, pilit itinatago ang panic na nararamdaman. Please say yes.
“What?” Parang bagong gising ang kapatid dahil sa boses nito. “Ano naman ang gagawin ni Lander dito sa bahay ko?”
Lalong nadagdagan ang pag-aalala niya. “Alam mo ba kung nasaan siya?”
“Bakit ko naman malalaman?”
Bumuga si Vienna ng marahas na hininga. “May number ka ba sa opisina ni Lander?”
“Oo. Pasa ko sa `yo.”
Nakahinga siya nang maluwag. “Thank you.” Nang ibaba niya ang tawag, ilang segundo ang lumipas bago niya natanggap ang number ng opisina ni Lander. Kaagad naman niya iyong tinawagan.
“Mr. Storm’s office, this is Stephanie Torrero, how may I be of service?”
“This is Vienna Sugon,” pagpapakilala niya. “Nandiyan ba si Lander?”
“Wala pa po, Ma’am. Tinatawagan ko nga po para itanong kung papasok po siya, pero hindi ko ho ma-contact.”
Kinain ng kaba ang dibdib ni Vienna. “Gano’n ba? Sige, salamat.”
“You’re welcome po, Ma’am.”
Ibinaba na niya ang tawag, saka tinawagan si Hellion. Baka alam nito kung nasaan ang boyfriend niya.
“Hey, Light,” sabi ng lalaki sa kabilang linya.
“Hellion, can you find Lander?” She was starting to get scared. “Please?”
“Sure.” Mabilis nitong pagpayag. “Give me a minute.”
“Okay.”
Kumuyom ang kamay ni Vienna habang naghihintay ng sagot ni Hellion. Nararamdaman niya ang panlalamig niyon dahil sa takot na kanyang nararamdaman.
“Sorry, Light,” sabi ng lalaki. “I can’t seem to find him.”
Parang nanghina si Vienna sa narinig. Paano kung napahamak na si Lander? Paano kung may masamang nangyari dito? No! Don’t think like that, Vienna! He’s safe! Nothing bad happened to him! Baka na-lowbatt lang ito at baka nakalimutan lang ding magpaalam sa kanya.
“Please, hanapin mo siya... Baka may nangyari nang masama sa kanya!”
“Chill, Light.” Mahinang natawa si Hellion. “Baka may pinuntahan lang `yon, babalik din `yon kaagad. Hintayin mo lang.”
Kinagat niya ang ibabang labi. “Okay.” Mayamaya lang ay ibinaba na niya ang tawag, saka nagpabalik-balik sa sala habang nag-iisip ng susunod na gagawin.
Maghihintay ba siya o hahanapin si Lander?
Kinakabahang tinawagan ni Vienna ang ama, pero lalo siyang nag-alala nang out of coverage din ito. Ilang ulit niyang tinawagan pero hindi niya talaga ito ma-contact.
Huminga siya nang malalim, saka pilit na pinakalma ang sarili. Baka nasa labas si Lander. Baka bumili ng agahan nila. O baka nasa grocery o kaya naman nag-jogging lang. Pilit niyang kinumbinsi ang sarili na walang masamang nangyari sa lalaki, na babalik din ito pero hindi pa rin siya mapakali.
Kaya naman inabala ni Vienna ang sarili. Naglinis siya ng buong bahay. She even cleaned the back and front yard just to calm herself down but to no avail. Pinalitan na niya ang mga kurtina, iniba niya ang ayos ng ilang furniture, pati na rin ang mga kuwarto na inayos niya sa gustong ayos pero wala pa rin si Lander.
It’s been hours for Christ’s sake!
Iba-ibang scenario na ang pumapasok sa isip niya at hindi na niya kaya ang pag-aalalang nararamdaman. Natatakot na siya, lalo na’t manananghalian na pero wala pa rin ang lalaki.
Nag-iisip si Vienna ng dapat gawin nang tumunog ang cell phone niya. Mabilis niyang sinagot ang tawag ng isang unregistered number. “Hello? Sino `to?” tanong niya.
Isang magaspang na parang garalgal na boses ang nagsalita sa kabilang linya. “Nasa amin si Lander Storm. Kung gusto mo pa siyang makita at ayaw mong mamatay siya, pupunta kang mag-isa sa lugar na `to.” Ibinigay nito ang lugar na dapat niyang puntahan. “Mag-isa ka lang dapat. Kung hindi, papatayin namin ang boyfriend mo.”
Nagtagis ang mga bagang ni Vienna at tumalim ang kanyang mga mata. “Hayup ka! Kapag may ginawa kang masama kay Lander, papatayin kita!” nanggagalaiting sabi niya, saka tinapos ang tawag. Kinuha niya ang baril na itinago niya sa kuwarto ni Lander, saka nagmamadaling sumakay ng kotse nito pagkalabas niya ng bahay.
Habang nagmamaneho, pilit hinahalukay ni Vienna sa isip kung sino ang nakalaban niya sa bansa na posibleng nagtanim ng galit sa kanya, pero wala siyang maalala. May relatives ba si Lamar Exxon na hindi nila nalaman na nagtanim ng galit sa kanya?
Huminga siya nang malalim at humigpit ang hawak niya sa manibela. Nagtatagis ang mga bagang niya sa galit na nararamdaman sa kung sinuman ang kumidnap kay Lander. Magbabayad ito nang malaki. At hindi siya mangingiming pagbabarilin ang mga ito kapag sinaktan ng mga ito ang lalaki.
Nang makarating si Vienna sa lugar na sinabi ng lalaki sa cell phone, mukha iyong abandonadong bahay na matagal nang walang nakatira. Pero nakuha ng mga mamahaling sasakyang nakaparada sa labas ang kanyang atensiyon. Lalo siyang kinabahan. This could be a member of Lexxon GTA.
Kinuha niya ang baril na itinago niya sa small compartment ng kotse ni Lander, saka lumabas ng kotse. Nang makalapit sa pinto, kinasa niya ang baril, saka dahan-dahang binuksan ang pinto na bahagyang nakaawang na.
Maingat ang bawat hakbang ni Vienna habang papasok sa loob ng bahay. Handa ang baril niya at ang daliri niyang nasa gatilyo.
Kaagad niyang ipinalibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. Hanggang sa tumuon ang mga mata niya sa taong nakatali sa isang upuan. May nakabalot na pulang tela sa kalahati ng katawan nito habang may sampung lalaking nakabonet ang nakatayo sa likuran. May hawak namang baril ang isang lalaki at nakatutok iyon sa taong nakaupo.
Madilim ang buong bahay at tanging isang ilaw lang ang tumatanglaw sa bihag. Ni hindi maaninag ni Vienna ang sulok ng buong bahay na siyang ipinag-aalala niya. Baka biglang may umatake sa kanya mula sa kung saan at hindi siya agad makailag.
Kumabog nang mabilis ang puso niya habang patagal nang patagal na nakatingin sa taong nakaupo. Palakas nang palakas ang pakiramdam niya na baka si Lander iyon. “Lander?” kinakabahang tawag niya rito.
Biglang gumalaw ang taong nakaupo pero kaagad din namang tumigil nang ipagdiinan ng lalaking nakatayo ang baril sa ulo ng bihag.
“Ano’ng kailangan mo?” Itinutok ni Vienna ang baril sa lalaki. “Kung ako ang pakay mo, pakawalan mo siya at lumaban ka nang patas.” Nagtagis ang bagang niya. “Let go of him!”
Umiling ang lalaki, saka nagsalita ang katabi nitong isa pang lalaki. “Oo, may kailangan nga kami sa `yo.”
Lumapit sa kanya ang isang lalaki at akmang susuntukin si Vienna. Naging awtomatiko naman ang pag-angat ng kamay niya para salagin ang kamao nito. Pagkatapos ay pinilipit niya ang braso nito, saka ibinalibag sa sahig. Napaigik ang lalaki at kumiwal ang katawan sa sakit na dulot ng ginawa niya. Inapakan niya ito sa tiyan, saka tinutukan ng baril.
“Kapag hindi mo pinakawalan si Lander, babarilin ko `tong lalaking `to!” pananakot niya sa lalaking may hawak ng baril.
Dumaing ang lalaking nasa sahig, saka tumaas ang kamay nitong nakakuyom. Pipilipitin sana niya iyon nang magsalita ito. “I didn’t come here to... die.” Umubo ang lalaki, saka inilahad ang kamay. “I just... came here... to—” Umubo uli ito. “—to ask you—” Parang kinakapos ito ng hininga. “—something.”
Mas diniinan pa ni Vienna ang pag-apak sa lalaki dahilan para mapaubo ito nang malakas.
“Will—” Humugot ito ng malalim na hininga na parang naghihingalo. “—you—”
Kumunot ang kanyang noo. “Will I what?!”
Malakas na bumuntong-hininga ang lalaking may hawak ng baril. “Guys, let’s just ask her,” parang bored na bored na sabi nito, saka iminuwestra ang kamay sa lalaking inaapakan niya. “Maawa naman kayo kay Ream, nandito lang `yan para ihatid `yong order ng kumag na `to.” Binatukan nito si Lander.
“Oo nga,” segunda ng isa pang nakabonet. “Baka mawalan na `yan ng ulirat. Kawawa naman.”
“Teka, totoo bang baril ang dala niya?” tanong ng isang lalaki na sobrang pamilyar sa kanya ang boses. “Baka naman mamatay tayo dito, sayang ang kaguwapuhan ko nito.”
“Manahimik ka nga,” saway ng isa pang lalaki. “May bayad `to, remember?”
“Oo nga. Magpapainom daw ang kumag na `to kapag positive ang kinalabasan.”
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Vienna sa baril. “Sino ba kayo, ha? Ano ba’ng kailangan n’yo sa `kin?!”
Iniabot ng lalaki ang baril sa katabi nito, saka inumpisahang tanggalin ang nakabalot na pulang tela kay Lander. Abot-abot ang kabang nararamdaman niya habang hinihintay na makita ang kabuuan ng mukha nito.
If she saw even just one swollen part of his face, these men would pay dearly. Ipinapangako niya iyon.
Bago tuluyang mahubad ang pulang tela sa mukha ni Lander, sabay-sabay na hinubad ng kalalakihan ang mga bonet, saka biglang umilaw ang buong bahay. Napakurap-kurap si Vienna. Pero hindi pa rin nakatakas sa paningin niya ang mga kulay-pulang bulb na kasingliit ng Christmas light na nasa pader. Pinagmasdan niyang mabuti iyon.
“Will you...” basa niya sa katanungang binubuo ng lightbulb. Pagkatapos ay tumuon ang tingin niya sa kalalakihan. Nagulat siya nang makita sina Hellion, Lance, Cali, Train, at Calyx. Pamilyar naman sa kanya ang ibang lalaki pero hindi niya maalala ang mga pangalan, lalo na ang lalaking may hawak na baril.
“Hey,” nakangiting tumaas ang kamay ni Hellion.
“Hey, sis,” sabi ni Cali at kumaway pa sa kanya. “Surprise.”
Tinaasan ni Vienna ng kilay ang mga ito. “Will I what?” tanong niya, nakababa na ang baril na hawak.
Tuluyan nang tinanggal ni Cali ang pulang-tela na nakapalibot sa ulo ni Lander, saka kinalas ang pagkakatali nito sa upuan.
Napatitig siya sa lalaking nakangiti sa kania habang nangungusap ang mga mata. “What... A-ano’ng...” Hindi siya makapagsalita nang deretso sa kaguluhan at pagtatakang nararamdaman.
Kinagat ni Lander ang ibabang labi. “Sorry about this, but I really wanna surprise you and ask you...” Naging malamlam ang mga mata nito habang matiim na nakatitig sa kanya. “Will you marry me?” Napakamot sa batok ang lalaki. “Kinulang kami sa Christmas lights na kulay-pula kaya hanggang ‘Will you’ lang ang nagawa namin.” Itinuro nito si Cali. “Walang kuwenta kasi itong stepbrother mo, kaunti lang binili. Pati rin itong mga kaibigan ko, sinira pa `yong ibang bulb.”
“Hey!” sabay-sabay na reklamo ng lahat.
“Magiging brother-in-law mo `ko, so watch your words, moron,” sabi naman ng kapatid niya na hindi maipinta ang mukha. “Saka hindi ko kasalanan `yon.”
Lander just rolled his eyes and looked at her again. “Well, Vien?” Lumapit ito sa kanya at umuklo sa lalaking nakahiga sa sahig, saka kinuha sa kamay nito ang isang velvet box.
Kaagad namang inalis ni Vienna ang pagkakaapak sa pobre. “I’m sorry. I’m really sorry.” Tinulungan niya itong tumayo. “Pasensiya na. Ikaw kasi, eh.”
Tumango lang ang lalaki habang nakangiwing nakahawak sa likod ng ulo, saka iika-ikang naglalakad palapit kina Cali.
Tumuon ang tingin niya sa lalaking nakatayo sa kanyang harap, may hawak itong singsing at nangungusap ang mga mata.
“Vien?”
“Tinakot mo ako.” Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Vienna. Nakakahinga na rin siya ngayon nang maluwag. “Akala ko napahamak ka na talaga.”
Lander smiled sheepishly. “Pasensiya na. I just want my proposal to be different. And this will surely catch your attention.”
Inirapan niya ito. “Sa susunod, huwag mo nang gagawin `to, ah? Para akong mababaliw sa pag-aalala sa `yo.”
Tumango ito. “Sa isang kondisyon.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ano naman?”
“Marry me—”
“Deal.”
Nakangiting isinuot ni Lander sa daliri niya ang singsing na may kulay-pulang bato, pagkatapos ay hinalikan siya nito sa mga labi at mahigpit siyang niyakap.
Nagsigawan naman ang mga kaibigan nito nang maglapat uli ang mga labi nila ng lalaki na ngayon ay fiancé na niya.
“Woohoo! Magpapainom mamaya si Lander.”
“Ubusin natin ang pera ni Lander.”
“Teka, totoo ba `yang baril na hawak ni Vienna?”
“Bakit, Ymar, natatakot ka?”
“Shut up, Calyx, hindi kita kinakausap.”
“Lunatics.”
“So are you, Tyron Zapanta,” sabay-sabay na sabi ng mga ito.
Naghiwalay ang mga labi nila ni Lander, saka nito masuyong hinaplos ang kanyang pisngi. “Marry me now, Vien.”
Namilog ang mga mata ni Vienna.
“Marry me now. Ayokong bumilang ng buwan para ikasal tayo. I want to marry you now. Right here. Right now. I’m ready.” Inilahad nito ang kamay. “Are you?”
Nanunubig ang mga matang tumango siya. This was what she had been dreaming of. Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Parang sasabog ang puso niya sa sobrang saya.
Nilingon ni Lander si Cali. “She said yes.”
Lumapit sa kanila ang kapatid, saka ginulo ang buhok niya. “You sure, little sis?”
Inirapan niya ito. “Very.”
“Okay. Come on.”
Naguguluhan si Vienna nang hawakan siya sa kamay ni Lander at masuyong hinila palabas ng bahay na iyon, pagkatapos ay sumakay sila sa Audi nito. Samantalang nagsakayan naman ang ibang kaibigan nito sa mga kotseng nakaparada sa labas. “Saan tayo pupunta?” tanong sa lalaki habang nagmamaneho.
“You’ll see, Vien,” nakangiting sagot nito, saka siya kinindatan.
Hindi na nagtanong si Vienna hanggang sa makarating sila sa Sudalga’s Port kung saan naroon ang cruise ship ng kanyang kapatid. And speaking of which, hindi na niya makita si Cali at ang mga kaibigan nito maliban sa mga kotseng nakaparada sa labas.
Nang makalabas sila ng sasakyan ni Lander, niyakap siya nito at hinalikan sa noo. “I’ll wait for you inside.”
“Ha?”
Hindi na nakapagtanong pa si Vienna dahil tumakbo na ang lalaki papasok sa cruise ship. Kunot-noo namang pumasok siya sa entrance niyon. Ganoon na lang ang gulat niya nang may makita ang red carpet na puno ng nagkalat na red rose petals. Puno rin ng magagandang ilaw ang nilalakaran niya habang may malamyos na musika ang tumutugtog sa paligid. Napangiti na si Vienna. Halos maglupasay sa kilig ang puso niya.
Everything around her looked breathtaking. Para sa isang babaeng tulad niya na paborito ang kulay-pula, pakiramdam niya ay nasa isang dreamland siya.
Nilakaran ni Vienna ang red carpet at napahikbi siya nang makarating sa dulo niyon. It was none other than the love of her life, Lander.
Nakatayo ito sa gilid ng isang altar na napapalibutan din ng kulay-red at gold na tela. Nakatayo naman sa likuran ng lalaki ang mga kapatid nito. Naroon din si Stephanie, at siyempre, ang mga kaibigan nito.
Lahat ng tao roon ay nakakulay-pulang damit. Even Lander was wearing a red and black tuxedo! Damn! This man knew how to make her say I do . Gusto niyang matawa. Hindi man lang siya pinagbihis ng lalaki. Oh, well... hindi na importante iyon.
Umawang ang bibig ni Vienna. Hindi siya makapaniwala nang makita niya ang kanyang mga magulang na magkasamang naglalakad palapit sa kanya. May ngiti sa mga labi ng mga ito at halatang masaya para sa kanya.
Nang makalapit ang dalawa ay hinawakan siya ng mga ito sa magkabilang braso.
“Kailan ka pa dito, Daddy?” umiiyak nang tanong niya sa ama.
“Lander called me yesterday. That’s why I went home immediately for your wedding.
Lander really did plan this! Bakit hindi man lang niya nahalata?
Walang emosyon ang mga matang binalingan naman ni Vienna ang kanyang ina. “Ano’ng ginagawa n’yo dito?”
“Alam kong mali ang nagawa ko no’n sa inyo at hindi ko na mababago iyon. But I’m really sorry, Vienna. Alam kong makapal ang mukha ko para um-attend sa kasal mo pero gusto kong kahit papaano, maging parte naman ako sa espesyal na araw mo. Kahit ngayon lang. Pangako, aalis din ako pagkatapos.”
Tumango siya. Ayaw niyang masira ang masayang araw na ito sa buhay niya. “You can stay, mother.”
Nanubig ang mga mata ng ina. “Salamat, anak.” Niyakap siya nito at hinalikan sa pisngi. “Maraming salamat, Vienna.”
Tumango si Vienna, saka tumingin kay Lander na naghihintay sa kanya sa altar habang may matamis na ngiti sa mga labi. Nang mag-umpisa siyang maglakad palapit dito, isang napakagandang kanta ang biglang tumugtog.
“Girl, I’ve been searching so long in this world… Trying to find someone who could be… What my picture of love was to me… Then you came along… When I saw you I knew you were the one… The love that I’d been dreaming of…`Cause I’ve been waiting for you… All my life for somebody who… Makes me feel the way I feel when I’m with you, baby… Have you been waiting, too? `Cause I’ve been waiting for you…”
“Take good care of my daughter, Lander Storm,” sabi ng daddy niya nang tuluyan na silang makalapit sa lalaki.
“I will, Sir.”
Ngumiti ang kanyang ama. “It’s ‘dad,’ Lander. Call me ‘dad.’”
Bumakas ang kaligayahan sa mga mata ni Lander, pero may kalungkutang kumislap sa mga mata na agad din namang naglaho. Siguro na-miss nito ang sariling mga magulang.
“Mahalin mo ang anak ko, Lander,” sabi naman ng mommy niya. Pagkatapos ay umalis na ang mga magulang niya sa harap ng altar, at nakangiting iniwan siya… sa tabi ni Lander.
“Hindi mo man lang ako pinagbihis,” reklamo ni Vienna.
“Hindi na kailangan. Masyado ka nang maganda.” Hinaplos ng lalaki ang kanyang pisngi. “I promise, after this, we’ll prepare the grandest wedding for you. Ngayon, gusto ko lang na makasal tayo para akin ka na talaga.”
Tumango siya. “Okay.”
Humarap silang dalawa sa lalaking nakabarong. Hindi ito mukhang pari at tama siya. “I’m Judge Cardenas at nandito ako para ikasal kayo,” sabi nito at sinimulan na ang seremonya. “Lander Storm, do you take Vienna Sugon to be your lawfully wedded wife?” tanong ng judge mayamaya.
“Yes,” sagot ni Lander na buong pagmamahal na nakangiti sa kanya.
“Vienna Sugon, do you take Lander Storm to be your lawfully wedded husband?”
“Yes,” buong-pusong sagot naman niya.
Ngumiti ang judge at may iniabot sa kanilang singsing. “Say your vows to each other.”
Si Lander ang naunang magsuot ng singsing sa kanyang daliri. “I can’t give you the stars and the moon. I can’t show you the whole universe. I can’t take you to another planet. I can’t give you impossible promises. I can’t stop the time just so I can be with you. I can’t return to the past if we ever argue so I can fix what went wrong. I can’t do a lot of things, Vien, but if there’s one thing I can do best, it’s loving you the best way that I can until I’m gone. It would be my pleasure to love you for a lifetime with no regrets, no limits, and no fear. I love you so much, Vienna.”
Napahikbi si Vienna. Napakasimple ng mga sinabi ng kanyang asawa at wala itong ibang ipinangako kundi ang mahalin siya. God! Lander really loved her so much and she’s so lucky to have him.
Kinuha niya ang singsing at humanga siya sa disenyo niyon. May mga maliliit na pulang bato na nakabaon paikot sa singing. Pareho sila ng disenyo ng singsing ni Lander. Tumikhim siya at isinuot iyon sa daliri ng asawa. “My vow, huh? Hindi ako handa kasi ginulat mo ako.”
Mahina itong tumawa. “It’s okay. Sabihin mo lang ang gusto mong sabihin sa `kin. Tulad ng ginawa ko.”
“Ang gustong kong sabihin sa `yo?” Tumango si Lander kaya nagpatuloy siya. “Well, first of all, I didn’t mean to hurt you. Naipaliwang ko na sa `yo ang dahilan ng pag-alis ko.”
“And I understand.”
“Salamat.” Humugot si Vienna ng malalim na hininga. “Second, I just want to say thank you for giving me a chance to be with you and for loving me again. Sapat na sa akin `yon at wala na akong mahihiling pa. Ang maipapangako ko lang sa `yo ay ang hindi kita iiwan kahit ano pa man ang mangyari. Hindi ako aalis sa tabi mo. Mananatili ako at mamahalin ka hanggang sa kunin ako ng Diyos. Pero kahit mawala na ako, makakaasa kang nasa tabi mo pa rin ako at minamahal ka nang lubos. I love you so much, Lander. I can’t live without you.”
“Me, too, Vien. Me, too.” Pagkatapos ay lumapat ang mga labi ng asawa sa kanyang mga labi. Napapikit siya sa sarap ng sensasyong dulot niyon.
“And I now pronounce you man and wife,” anunsiyo ng judge.
Maraming nagpalakpakan at naghiyawan pero wala silang pakialam. Patuloy lang sila sa paghahalikan. Punong-puno ng pagmamahal ang mga puso nila. Hindi man pang-fairytale ang love story nila ni Lander, nasisiguro naman ni Vienna na ito na ang kanyang Prince Charming at siya lang ang nag-iisang prinsesa sa buhay nito. And she believe that they would live happily ever after.