noveltoon logo noveltoon
Lander Storm (Possessive Series 4)

Chapter 23

Ch. 24 / 26 Feb 09, 2022

NAPANGITI si Vienna nang maramdamang dahan-dahang iginagalaw na ni Lander ang mga labi at nagsimula na ring humaplos ang isang kamay nito sa kanyang likod. Habang ang isang kamay ay humahaplos na rin sa hita niya na nagdudulot sa kanya ng kakaibang kiliti na nagpapainit sa kanyang katawan.

“Vienna...” ungol ni Lander sa pangalan niya nang pansamantalang maghiwalay ang kanilang mga labi.

Napangiti siya nang magtama ang mga mata nila. “Hey. Good morning, my love.”

He smiled, his eyes sparkling. “Hey.” He rolled her over the bed. Siya na ngayon ang nasa ilalim ng lalaki. “Good morning, Vien.” Ang lambing ng boses nito habang puno ng pagmamahal na nakatingin sa kanya. “So beautiful.”

Hinaplos ni Vienna ang leeg ni Lander pababa sa dibdib nito. Walang pang-itaas na damit ang lalaki kaya damang-dama niya ang init ng balat nito. Napapikit si Lander nang humaplos ang kamay niya pababa sa puson nito at pumasok sa suot nitong sweat pants. Pagkatapos ay hinaplos niya ang pagkalalaki nitong buhay na buhay.

“Hmm... someone’s awake.”

Lander chuckled and then he pressed his lips on hers, while his hands caressed her waist and back.

Mas lalong nag-init ang katawan ni Vienna, lalo na nang dumako ang isa nitong kamay sa mayaman niyang dibdib. Minamasahe iyon ng lalaki. Napaungol siya at mas diniinan pa ang paghalik kay Lander nang pisilin nito ang nipple niya.

“Lander...” ungol niya nang pakawalan nito ang mga labi niya at bumaba iyon sa kanyang leeg. Ang kamay naman nito ay abala sa paghuhubad ng damit niya.

Kinagat ni Vienna ang ibabang labi nang hubarin din ni Lander ang sweatpants na suot. Lalong nag-init ang kanyang katawan nang maramdaman ang kahabaan nito na kumikiskis sa kaselanan niya. Hanggang sa malakas siyang napaungol at napaliyad nang dahan-dahang ipasok ng lalaki ang ari sa loob niya. Napaawang ang mga labi niya habang dinadama ang sarap na dulot niyon sa kaibuturan niya. Parang mapupugto ang kanyang hininga, lalo na nang sumagad ang kahabaan nito sa loob niya.

“Oh!” Iniyakap ni Vienna ang mga binti sa baywang ni Lander. “Lander! Oh! Oh!” Lumapat uli ang mga labi nito sa mga labi niya at kinagat ang ibaba niyon na parang gigil na gigil ito sa kanya.

“God, Vien—” Pinagsalikop ng lalaki ang mga kamay nila, saka inipit iyon sa magkabilang bahagi ng unan. Pagkatapos ay mas isinagad pa nito lalo ang kahabaan sa loob niya. “—you feel so good, Vien... so good.”

Humigpit ang hawak ni Vienna sa kamay ni Lander nang lalo pa nitong isagad ang ari sa bawat ulos na pinapakawalan nito. “Oh! Lander! Oh!” malakas na daing niya habang sinasalubong ang bawat pag-ulos ng lalaki. “Lander... Oh! Sige pa… Oh!” Para siyang nababaliw sa sobrang sarap na nararamdaman. Halos mapugto ang hininga niya at tumirik ang mga mata sa sarap.

“Vien...” ungol ni Lander sa pangalan niya. “God, you feel so good. You’re so tight, Vien.”

Pareho silang umuungol habang ang mga labi nila ay magkalapat at gigil na naghahalikan.

Naitirik ni Vienna ang mga mata nang maramdamang malapit na siya. “I’m coming, Lander!”

“Yeah...” hinihingal na sabi ng lalaki. “Me too, Vien.” At mas binilisan at nilakasan pa nito ang bawat ulos na walang patid na pinapakawalan sa loob ng pagkababae niya.

Parang nagdedeliryo sa sarap ang katawan niya sa bawat pag-ulos ni Lander.

“I love you, Vienna,” bulong nito kasabay ng huling pag-ulos. Hanggang sa maramdaman niya ang pagpuno ng katas nito sa kanyang sinapupunan.

“I love you, too, Lander,” nakapikit na sabi ni Vienna.

Hinihingal na yumakap si Lander kanya, nasa loob pa rin niya ang kahabaan nito. “Thanks for waking me up like that,” sabi ng lalaki, saka siya hinalikan sa mga labi. “I like it.”

Napangiti si Vienna at bahagyang binigyang distansiya ang mga labi nila. “Gusto mo araw-araw kitang gisingin sa gano’ng paraan?”

“I would love it,” sagot ni Lander, saka siya muling hinalikan.

Napapikit siya nang hugutin ng lalaki ang ari. Itinulak niya ito at napasimangot siya habang nararamdaman niyang dumadaloy palabas sa pagkababae niya ang katas nito. “Sayang naman.”

Kumunot ang noo ni Lander. “Sayang ang?”

“Your semen.”

Mahina itong natawa. “Nanghihinayang ka d’yan?”

“Sayang kasi lumabas.” Yumakap si Vienna sa lalaki. “Isa pa please?” ungot niya. “Please? Ayokong may lumabas ni isang patak ng katas mo.”

Kahit natatawa sa sinabi niya, hinalikan uli siya ni Lander na kaagad naman niyang sinagot. At sa araw na iyon, ilang ulit siya nitong inangkin at siniguro nga niyang walang ni isang patak ng semilya nito ang masasayang.

Dinner came and they were still tangled in between the sheets. Wala silang ginawa buong maghapon kundi ang magtalik nang magtalik. Nagpapahinga lang sila nang ilang minuto at magtatalik uli sila. Para silang bagong kasal na sabik na sabik kung magtalik.

Siguro naman magbubuntis na siya sa lagay na iyon.

Nararamdan ni Vienna ang pananabik at pagmamahal ng binata sa kanya sa bawat pagdampi ng mga labi nito sa mga labi niya, sa bawat pag-ulos nito, at sa bawat “I love you” na binibitiwan nito.

Being with Lander was like a dream come true for her. Matagal niyang inasam ito at matagal niyang pinangarap.

“Nagugutom na ako,” reklamo ni Vienna habang hinahalikan ng lalaki ang kanyang leeg.

Tumigil ito. “Let’s eat outside.”

“Sa labas? Totoo?”

Tumango si Lander.

“Yes!” hiyaw niya at mabilis na nagpunta sa banyo para maligo. Hindi na nagulat si Vienna nang pumasok ang lalaki at sinabayan siyang maligo na nauwi na naman sa mainit na pagtatalik.

MASAYANG magkahawak-kamay sina Vienna at Lander habang papasok sa Zaired Restaurant, isang kilalang restaurant sa bansa. Ilang beses pa lang siyang nakapasok doon, pero masasabi na niyang masasarap ang mga pagkaing isine-serve. At hindi niya iyon sinasabi dahil kilala niya ang may-aring si Anniza dahil talagang masasarap ang luto ng mga ito.

Nagulat si Vienna na magkakilala ang maître d’ at si Lander. The maître d’ was a stunning woman and jealousy was eating her inside. Kaya naman nang akbayan siya ng lalaki at ipinakilala, kaagad na nawala ang selos na kanyang nararamdaman.

“Kia, this is the love of my life, Vienna Sugon,” pagpapakilala nito sa kanya. The pride in his voice was enough to boost her confidence.

“Hi, nice to meet you,” sabi ng babae na medyo pilit ang ngiti habang nakikipagkamay sa kanya. May panghihinayang sa mga mata nito kapag dumadako ang tingin kay Lander. Mukhang may gusto ito sa boyfriend niya!

“Nice to meet you, too,” Vienna said politely. Nang igiya sila ni Kia patungo sa mesa nila ni Lander, inilingkis niya ang braso sa braso nito. “Maganda siya,” sabi niya habang nakaturo ang nguso sa babae.

“Mas maganda ka, Vienna. Wala nang iba.”

Umirap siya sa hangin, pero ang totoo, kinilig siya sa sinabi nito.

Nang makaupo sila sa sariling mesa, agad silang um-order ng lalaki. At nang makaalis ang maître d’, tumaas ang sulok ng mga labi nito. “Selos ka, `no?”

Inirapan niya ito. “Heh!”

Tumawa si Lander. “You look more beautiful when you’re jealous. Pero kahit napakaganda mo at nate-turn on ako, ayokong nagseselos ka dahil ikaw lang ang laman ng puso at isip ko.”

Lumamlam ang mga mata ni Vienna sa sinabi nito. Kayang tanggalin ng binata ang iritasyong naramdaman niya kani-kanina lang. Siguro dahil mahal na mahal niya ito at hindi niya kayang magalit dito nang matagal.

NANG i-serve ang in-order nilang pagkain, magana silang kumain ni Vienna. They talked. They joked. They laughed. Ganoon kasaya ang pananghalian nila ng kasintahan. Vienna was so much fun to be with. Walang dull moments habang kasama niya ito.

At habang kausap ni Lander ang babae tungkol ng mga bagay-bagay na wala namang halaga, napagdesisyunan niyang ito ang gusto niyang makasama hanggang sa kanyang pagtanda.

Sana, pareho sila ng nararamdaman.

Naputol ang pag-iisip ni Lander nang may narinig siyang ingay mula sa mesa na medyo malayo sa kanila. Nakarinig siya ng matinis na pagsigaw ng isang babae. Dumako roon ang tingin nila ni Vienna. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Dark Montero. Hindi niya ito masyadong ka-close pero pareho silang investor sa kompanya ni Calyx kaya naman magkakilala silang dalawa.

Dark looked bored as he sat there, with a shrieking woman beside him. Maybe his date.

“I told you that I want ice!” Itinapon ng babae ang tubig sa mismong mukha ng waitress. “Bakit walang ice `to?!” mataray na sigaw pa sa waitress na madilim na ang mukha at sasabog na ang tinitimping galit.

Segundo na lang ang bibilangin.

Hinilot ni Dark ang sentido at naglagay ng maraming tag-iisang libo sa ibabaw ng mesa. Pagkatapos ay hinawakan nito ang maingay na ka-date sa pupulsuhan. May sinabi pa muna ang lalaki sa waitress bago hinila patungo sa pintuan ang ka-date.

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Mukhang hindi lang sila ang nagulat nang hubarin ng waitress ang suot nitong may takong na close shoes, saka ibinato kay Dark. Napangiwi si Lander nang makitang tumigil ang lalaki sa paglalakad at humarap sa babae.

He didn’t know Dark very well, but he was a badass. Like he was bad and also an ass.

Hindi na siya nagulat nang balikan nito ang waitress at walang pagdadalawang-isip na nilakumos ng halik ang mga labi ng babae. Pagkatapos ay bale-walang iniwan ang dalawang babae.

“Oh, God,” sambit ni Vienna habang nakatingin sa waitress na nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa papalayong bulto ni Dark.

“That’s Dark,” biglang sabi ni Lander. “He is sort of a friend of mine. Ganyan na talaga siya. Sana kasi hinayaan na lang ng waitress na makaalis `yong dalawa. Baka masesante siya dahil sa ginawa niya.”

Umiling ang nobya. “Hindi siya masesesante.”

“At bakit naman?”

“Because she is Anniza Gonzales, the owner of Zaired Restaurant. And she is sort of a friend of mine, too.” Napabuntong-hininga na lang ito. “Oh well, let’s continue eating. We’ll still make love later after we get home.”

Napangiti si Lander nang makitang umiling-iling si Vienna, pero iba naman ang kislap ng mga mata nito. Beautiful. And she’s mine. At wala na siyang balak na pakawalan ito.