noveltoon logo noveltoon
Lander Storm (Possessive Series 4)

Epilogue

Ch. 26 / 26 Feb 09, 2022
Prev Next

NAKANGITI si Vienna habang pinapalibot ang tingin sa V Couture Boutique. Halos kalahati ng damit na naka-display ay gawa niya, ang kalahati naman ay binili niya sa mga kilalang designer sa New York at Paris.

Paunti-unti, nakikilala na ang V Couture. Kung noon ay hindi nabigyan ng atensiyon ang negosyong itinayo, ngayon ay napakarami na niyang oras para gawin ang gusto. Hindi na siya agent ngayon at isa nalang simpleng housewife.

Mga sikat na celebrity at models ang madalas na customer ni Vienna. Her business was doing good—more than good actually. Ginamit niya ang perang ibinayad ng agency sa kanya sa bawat tagumpay na misyon na kanyang nagawa para mas palaguin ang V Couture.

Nakatulong din sa kanya ang pagiging konektado niya kay Lander Storm, ang isa sa mga sought after bachelor noon na ngayon ay asawa na niya.

Lumapit siya kay Monique, ang pinagkakatiwalaan niyang cashier. “Kumusta ang sales natin sa buwang `to?”

Malapad itong ngumiti. “Super doing well, Ma’am Vienna. Ang laki ng sales natin ngayon, lalo na sa mga gowns na gawa n’yo. Halos lahat po ng celebrity na dumalo sa Star Circle Ball ay sa atin kumuha.”

Masayang napapalakpak si Vienna. “That’s great. Sana magtuloy-tuloy `to.”

“Sana nga po, Ma’am Vienna,” nakangiting sabi ng babae.

Biglang tumunog ang bell sa pinto, Ibig sabihin, may customer sila. Pero nang tumingin siya sa pintuan, sinalubong siya ng kulay-asul na mga mata ni Levin, ang anak niya.

“Baby.” Ibinuka ni Vienna ang mga braso para salubungin ito. “Come here.”

Ngumiti naman si Levin. “Mommy!” Tumakbo ito palapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. “I miss you, Mommy,” paglalambing nito.

Hinigpitan niya ang yakap sa limang taong gulang na anak. “I miss you, too, baby. How’s your camping trip?” Nag-camping ang mga ito kasama si Train at ang anak nitong si Trek. They were camping for the weekend. Mag-isa lang siya sa bahay nila kaya naman miss na miss na niya si Levin, at siyempre ang asawa niya.

Ang lapad ng ngiti ng anak. “It was so fun, Mom! Super fun!” Pagkatapos ay kumawala ito sa pagkakayakap sa kanya at nagpaikot-ikot.

Natatawang pinigilan ni Vienna si Levin. “Baby, stop spinning around, baka mahilo ka. Anyway, where’s your daddy?”

As if on cue, bumukas ang pinto ng boutique at pumasok doon ang asawa niya na nakangiti nang malapad. “Hello, Vien.” Hinalikan siya nito sa mga labi nang makalapit sa kanya. “How was your weekend?”

Sumimangot siya. “Boring. Wala kayo, eh.”

Nakangiting mahigpit siyang niyakap ni Lander. “Our weekend was fantastic, unlike yours,” tudyo nito at pinanggigilan ang tungki ng kanyang ilong. “Pero na-miss ka namin ni Levin.”

“Daddy!” Levin gleefully shouted. “Buhatin mo ako.”

Umuklo naman asawa at binuhat ang anak nila. Nang magpantay na ang mukha nila ni Levin, hinalikan siya sa pisngi ng kanyang anak.

“I love you, Mommy, and I missed you. Next time, sama ka na sa amin, please?” He gave her a puppy dog face.

Hinalikan ni Vienna ang tungki ng ilong nito. “I will, baby. Pero bonding time mo `yan with Daddy, `di ba? Hindi puwedeng sumama si Mommy kasi alone time n’yo `yon ni Daddy.”

Umaktong nagtatampo ang anak at inihilig ang ulo sa balikat ni Lander. “Daddy, saan tayo next weekend? Gusto ko `yong kasama si Mommy, ha?”

Napailing-iling siya at pinanggigilan ang pisngi ng anak. “Saka na natin pag-usapan `yan.” Tumingin siya kay Lander. “Ikaw? Hindi ka pa papasok sa opisina?”

Umiling ito. “Bukas na siguro. Na-miss kita, eh.”

That made her heart flutter. As always. Ayaw na ayaw ni Lander na nawawalan ng oras sa kanila. Kaya naman hangga’t maari, naglalaan ito palagi ng time para sa kanya at sa anak nila. Mabuti na lang at mapagkakatiwalaan ang sekretarya nito at ang COO ng LaCars.

Vienna hugged her husband from the side and kissed his cheeks. “I love you, Lander.”

Puno ng pagmamahal na nginitian siya nito. “Mas mahal kita.”

“Mommy? Daddy?” tawag-pansin sa kanila ni Levin.

“Yes, baby?” sabay na sabi nila ng asawa.

“Kailan ako magkakaroon ng baby sister?”

Nagkatinginan sila ni Lander. They already talked about having another baby. Kaya nga ilang buwan nang tumigil si Vienna sa pag-inom ng pills. And speaking of getting pregnant again, mukhang kailangan niyang gamitin ang pregnancy test na binili niya noong isang araw. May hinala siyang buntis siya dahil magdadalawang buwan na siyang walang dalaw.

“Bakit mo naman naitanong `yan, anak?” tanong niya. “Hindi ka ba masaya na kami ang kasama mo palagi?”

Sumimangot ito. “Kasi naman, all my classmates have siblings. Ako lang `yong wala. Kailan ako magkakaroon ng baby sister?”

Ngumisi si Lander at ginulo ang buhok ng anak. “Later, baby. Gagawa kami mamaya ni Mommy ng magiging kapatid mo.”

Kinurot ni Vienna sa tagiliran ang asawa. “Lander, magtigil ka,” saway niya, saka ito pinandilatan.

“Yehey!” masayang sigaw ni Levin. “Thank you, Daddy.” Pagkatapos ay hinalikan sila nito sa pisngi. “Thank you, Mommy. Call n’yo na si Lola, doon muna ako matutulog sa kanila para makagawa na kayo ni Daddy ng baby. Yehey! I’m so happy!”

Lander grinned and Vienna sighed. Mukhang mapapalaban siya mamaya. Thanks to her son who innocently asked them to make a baby. Kung alam lang nito kung ano ang ginagawa nila para makagawa ng baby.

Lumabas silang mag-anak sa V Couture at sumakay sa sasakyan ni Lander. Tinawagan ni Vienna ang ina habang biyahe. Kahit papaano, medyo maayos na ang relasyon nila nito. Paunti-unti, nawawala na ang pagtatampo na nararamdaman niya dito. Slowly, she could call her “mommy” again. Nag-usap silang mag-ina noong araw ng kasal nila ni Lander sa cruise ship ni Cali. Hinayaan niya itong magpaliwanag at nangako siyang susubukan itong tanggapin uli.

“Hey, Mom. Puwede bang sa inyo muna ni Tito Carl si Levin?” tanong ni Vienna nang sagutin ng ina ang tawag.

“Sure, anak. Ihatid n’yo na lang.” Palaging excited ang mommy niya na makasama si Levin, lalo na si Tito Carl, ang daddy ni Cali.

“Thanks.” Ibinaba niya ang tawag, saka bumaling kay Lander na nagmamaneho. “Sa bahay tayo nina Mommy. Ihahatid natin si Levin.”

“`Tapos gagawa na kayo ng baby, Mommy?” inosenteng tanong ng anak.

“Yes,” sagot niya at huminga nang malalim.

“We will,” nakangising sagot naman ng asawa.

NANG maihatid nila ni Lander si Levin sa bahay ng kanyang ina, dumeretso sila sa Early Bird Restaurant to eat brunch. Nag-order si Vienna ng pancake, samantalang arozcaldo ang in-order ng asawa.

Habang kumakain, nagkukuwento si Lander sa mga nangyari sa camping. Panay ang kuha rin nito sa pancake niya. She looked at him dryly. “Really? Sana pancake na lang ang in-order mo.”

Lander gave her an apologetic look. “Sorry, sweetheart. Parang ang sarap, eh.”

Itinulak ni Vienna ang pinggan niya sa harap ng asawa. “Here, sweetheart, sa `yo na. Wala akong ganang kumain, eh.”

“Thanks,” sabi nito at nagsimula nang kumain.

Naiiling na kinuha naman niya ang arozcaldo ni Lander. Sayang naman kung magtitira sila. Knowing him, hindi na nito uubusin ang arozcaldo Dahil napunta na ang atensiyon nito sa pancake niya.

Vienna scooped a spoonful of arozcaldo. Isusubo na sana niya nang manuot sa ilong niya ang amoy niyon. Mabilis niyang binitiwan ang kutsara nang maramdamang parang hinalukay ang kanyang tiyan. Mabilis siyang tumakbo patungo sa restroom, saka doon isinuka ang pancake na kinain.

Nasa labas asawa ng banyo na ikinagulat niya. “Okay ka lang ba? You look pale, sweetheart.”

Yumakap siya rito at inihilig ang ulo sa balikat nito. “Uwi na tayo, I feel awful.”

“Okay.”

Hindi na tumutol si Vienna nang pangkuin siya ni Lander patungo sa sasakyan. Alam niyang pinagtitinginan sila ng mga tao sa paligid pero wala na siyang pakialam. She liked being inside his arms. At saka nasanay na siyang ganoon palagi ang asawa kapag masama ang pakiramdam niya at nasa labas sila dahil ayaw nitong naglalakad siya.

Lander opened the passenger door, and deposited her on the seat. Pagkatapos ay umikot ito patungo sa driver’s seat at pinaharurot ang sasakyan patungo sa bahay nila. Pinangko na naman siya ng asawa hanggang sa makapasok sila sa kuwarto nila.

“Masama pa ba ang pakiramdam mo?” tanong nito nang maihiga na siya sa kama.

“Medyo,” sagot ni Vienna at ipinulupot ang mga braso sa leeg ng asawa. All of a sudden, she felt horny. “Make love to me, sweetheart.”

Lander smiled. “My pleasure, Vien.” Yumuko ito at mabilis na sinakop ang kanyang mga labi. Punong-puno ng pagmamahal ang bawat paggalaw ng mga labi nito.

Pinalalim ni Vienna ang halik at mas hinapit ang katawan ng asawa sa kanya. Naramdaman niyang gumalaw ang kamay nito patungo sa baywang niya, papasok sa suot niyang pang-itaas. Napapikit siya nang mariin nang dumako ang kamay ni Lander sa mayayaman niyang dibdib at marahang minasahe iyon.

Pinakawalan nito ang mga labi niya at hinubad ang pang-itaas niyang suot. Sunod naman nitong hinubad ang kanyang bra at pantalon.

“Oh...” ungol ni Vienna nang gumapang ang mga labi ng asawa pababa sa kanyang leeg hanggang sa makarating iyon sa gitna ng malulusog niyang dibdib. Parang uhaw na uhaw ito na sinisipsip ang nipple niya. Palipat-lipat ang bibig nito sa kanyang mga umbok na parang sabik na sabik sa kanya. Well, they were separated for two days. Palagi naman silang sabik sa isa’t isa at hindi na iyon mawawala sa kanya.

Bumalik ang mga labi ni Lander sa mga labi niya habang abala ang kamay nito sa paghuhubad ng pantalon at boxers na suot. Ang kamay naman niya ay nag-umpisang buksan ang butones ng suot nitong polo, pagkatapos ay nagmamadaling hinubad iyon. Kaagad hinimas ni Vienna ang matitipunong dibdib ng asawa at pinagapang ang isa niyang kamay sa likod nito. Nang dumako naman ang mga kamay niya sa pang-upo nito ay nanggigigil na pinisil niya iyon.

Lander groaned and deepened the kiss.

Her breathing became ragged when she felt his hand slipping inside her panty.”Oh!” Napaliyad siya at malakas na napaungol nang hawakan nito ang kanyang kaselanan, saka marahang pinisil iyon. “Lander!” Ekspertong hinawakan ng asawa ang garter ng panty niya at ibinaba iyon. Napasabunot siya sa ulo nito nang gumapang ang dila pababa patungo sa pagkababae niya. “Lander! Uhm!” Mas ibinuka ni Vienna ang mga hita. “Lick me, sweetheart.”

“Gladly,” sabi ng lalaki at pinaikot nga ang dila sa kanyang tinggil.

“Ahh! Yes! Do that, sweetheart— Oh!” Mahigpit na napakapit si Vienna sa bedsheet nang bumilis ang paggalaw ng dila ni Lander. Every flicked of his tongue on her clit was breathtaking and mind-blowing. Nagdedeliryo siya sa sarap na dulot ng pagpapaligaya nito sa kanya. “Oh! Lander... I’m coming,” hinihingal niyang sabi. Mayamaya ay ipinasok na ng asawa ang dalawang daliri sa kanyang pagkababae. “Oh, God! Yes! Faster, honey— Ah! Ohhhh, like that. Hayan na ako... Sige pa. More, Lander—ah!” Napasigaw si Vienna sa sobrang sarap nang sa wakas ay labasan siya.

“Oh, yeah,” ungol ni Lander nang ipasok ang ari sa loob niya.

“Oh, ang sarap,” ungol niya habang ninanamnam ang sarap na dulot ng kahabaan nito.

Pinalipas muna ni Lander ang ilang minuto bago nag-umpisang umulos. At habang naglalabas-masok, hinahalikan nito ang leeg niya, ang tainga, at ang kanyang mga labi.

Vienna’s toes curled when she felt another orgasm coming. “Bilisan mo pa, Lander.”

Sinunod naman ni Lander ang utos niya. He thrust deep and long and she couldn’t help but shout in sheer pleasure. Nang maramdamang malapit na siyang labasan, ipinulupot ni Vienna ang dalawang binti sa baywang ng asawa para salabungin ang bawat pagbayo nito.

Napuno ng malalakas nilang ungol ang kuwarto. At nang sabay silang labasan, pareho silang lumupaypay sa kama.

“I love you, Vienna,” sabi Lander habang habol ang hininga at nakapatong pa rin sa kanya.

“Mahal din kita.”

He rolled over and lay beside her, pagkatapos ay niyakap siya nang sobrang higpit. “You know,” panimula nito. “Pasalamat talaga tayo at nanghihingi na ng kapatid si Levin. At talagang binigyan pa tayo ng privacy para makagawa tayo ng baby.”

“Yeah.” Iyon lang ang nasabi ni Vienna. Nasa isip kasi niya ang pagduduwal kaninang umaga at kanina sa may restaurant. Could it be? Buntis ba siya?

“You okay?” kunot-noong tanong ng asawa. “Parang ang layo ng iniisip mo.”

Nginitian niya lang ito, saka bumangon. “Lander, puwede bang igawa mo ako ng mango shake? Gusto ko fresh, okay?”

“Mango shake?” Nagsalubong ang mga kilay nito. “Hindi ba ayaw mo sa mango shake? The last time I made you that, you vomited for hours.”

“Basta. Gawan mo na lang ako.” Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Go.”

“Okay, okay. I’m going.” Umalis ang lalaki sa kama at nagsuot ng roba, saka lumabas.

Nang sumara ang pinto, nagmamadaling pumasok si Vienna sa walk-in closet at hinanap ang pregnancy test. Nang mahanap niya, kaagad siyang nagpunta sa banyo. Kagat niya ang ibabang labi habang hinihintay ang resulta. At nang makita ang dalawang guhit sa pregnancy test, halos magtititili siya sa sobrang tuwa. “Yes! Yes! Yes!” Mabilis siyang lumabas ng banyo para hanapin si Lander. Nakita niya itong gumagawa ng mango shake sa kusina. “Lander, I’m pregnant!” sigaw niya, sabay yakap dito mula sa likuran, saka hinalik-halikan ang leeg ng asawa. “I’m pregnant! Yes! Yes!”

Niyakap siya nito nang mahigpit. “Another blessing! Mukhang matutupad ang gusto ni Levin na magkaroon ng kapatid.”

“Yeah.” Vienna felt giddy inside. Gusto niyang magtatatalon pero baka mapaano ang baby niya.

“I’m happy that you’re pregnant but you’re naked, my love,” sabi ng asawa na puno ng pagnanasang nakatingin sa hubad niyang katawan. “I’m horny, Vien. Good thing wala tayong katulong. We can do it in the kitchen.”

Natatawang hinalikan niya ito. “Sex in the kitchen is uncomfortable.”

“Then we’ll make it comfortable, my sweet. And I promise that you’ll like it.”

Pabirong inirapan ni Vienna si Lander. “Siguruhin mo lang na magiging kambal itong dinadala ko.”

“Then we better hurry.”

She giggled. “Yeah, we should hurry.”

“But first…” Hinalikan siya nito sa mga labi, saka hinalikan ang kanyang tiyan at tumingala sa kanya. “I love you, Vienna.”

Puno ng pagmamahal na nginitian ni Vienna ang asawa. “I love you, too, Lander.”