noveltoon logo noveltoon
Lander Storm (Possessive Series 4)

Chapter 19

Ch. 20 / 26 Feb 09, 2022

HINIHINGAL na bumagsak ang katawan ni Vienna sa kama sa tabi ni Lander, may ngiti sa kanyang mga labi. As usual, making love to Lander was always mind-blowing and breathtaking. Ni hindi niya alintana ang sugat sa braso at alam niyang naging maingat doon ang lalaki.

“That was amazing,” hinihingal din na sabi nito.

Napangiti siya. “Yeah. Always is.”

Tumagilid ng higa si Lander at yumakap sa baywang niya. “Vienna?”

“Hmm?”

“Huwag mo na akong iiwan uli, ha?” pakiusap nito habang ikinikiskis ang tungki ng ilong sa pisngi niya.

Ipinikit ni Vienna ang mga mata at ngumiti. “Hindi kita iiwan, Lander. Hindi ko na kakayanin pang mawalay sa `yo nang ganoong katagal.”

He sighed in relief and kissed her cheeks. “Please be safe. Always. Okay? `Yon lang ang hihilingin ko sa `yo. Hindi na ako magtatanong pa ng mga tanong na alam kong hindi mo sasagutin, kaya bilang kapalit, palagi mong aalagaan ang sarili mo, ha?”

“I will,” sabi niya. “I’ll keep you safe, too, Lander.” Pangako niya iyon sa binata at sa sarili. “Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa `yo. Pangako `yan. Hindi ko hahayaang mapahamak ka.”

Humigpit ang pagkakayakap ni Lander sa kanya. “I can keep myself safe, Vien. Ang sarili mo ang isipin mo, huwag ako. Kasi lalong hindi ko kaya kapag may nangyaring masama sa `yo.”

His words… does it mean he feel something for me? Hindi lang ba imagination lang ni Vienna ang emosyong nakikita sa mga mata ng lalaki? Nakapasok na ba talaga siya nang tuluyan sa puso nito?

Pinagsalikop niya ang kamay nila ni Lander na nasa baywang niya. “I’ll keep you safe. At balang-araw, masasabi ko rin sa `yo ang totoo. Pero ngayon, hindi pa puwede. Ang tanging masasabi ko lang sa `yo ay mahal kita.”

“For now, that’s enough for me,” anito. “Pero hayaan mo ring protektahan kita.”

“Hindi na kailangan,” puno ng kompiyansang sagot ni Vienna. “Ako na’ng bahala.”

Lander kissed her cheek again. “No. Just let me. Please.”

Huminga siya nang malalim. “Matulog ka na, Lander.” Hahaba lang ang usapan nila. Hindi niya ito papayagan sa gustong mangyari. “Bukas na natin pag-usapan ito. You’ll be safe, I promise.”

“Okay. Good night, my sweet,” bulong ng lalaki sa kanyang tainga.

“Good night.”

Nilukob ng katahimikan ang buong kuwarto. Then a minute later, Lander’s breathing became even. Mukhang tulog na ito. Dahan-dahang tinanggal ni Vienna ang pagkakayakap ng braso ng lalaki sa baywang niya, saka umalis sa kama. Kinuha niya ang first-aid kit sa banyo bago hubo’t hubad na lumabas ng private room na iyon habang hawak ang cell phone niya.

Umupo siya sa swivel chair, saka niya tinawagan ang kanyang daddy.

“Is this Vienna or Agent Light?” tanong nito nang sagutin ang tawag.

Kapag tumatawag si Vienna, palagi iyon itinatanong ng ama. At kapag kasing sinabi niyang siya iyon, alam na nitong mangungumusta siya at gusto niya itong makausap kaya mabilis na nawawala ang awtoridad sa boses nito.

Ini-loudspeaker niya ang cell phone, pagkatapos ay inilapag sa ibabaw ng mesa. Nag-umpisa na rin siyang linisin ang sugat niya sa braso gamit ang nakitang first-aid kit sa banyo ng opisina ni Lander.

“This is Vienna, Dad,” sabi niya sa mahinang boses.

Napabuntong-hininga ang daddy niya. “Are you okay? I heard from Hellion that you got shot.”

Lihim na napamura si Vienna. Bakit ba sinabi pa niya kay Hellion na tinamaan siya? “Hindi naman po malala ang tama ko. Daplis lang po.”

“That’s good to hear. Anyway, how’s your talk with your mother?”

“Hindi kami nag-usap.” Nalukot ang mukha niya nang maramdaman ang hapdi dulot ng alcohol na ipinahid niya sa sugat. “Hindi ba sinabi ko na po na ayoko siyang makausap? So please, Dad, stop it. Huwag ka nang gumawa ng paraan para makausap ko siya.”

“Baby, your mother is sad because you won’t talk to her.”

“Paki ko naman. Bakit? Nalungkot ba siya nang iwan niya tayo para sumama sa lalaki niya? Hindi naman, `di ba? Spare me, Daddy. Hindi ako ikaw. I can’t forgive her like you did.”

“Okay.” Malalim uli itong napabuntong-hininga. “Anyway, how are you? Where are you?”

“In LaCars Building,” sagot ni Vienna habang nilalagyan ng Betadine ang sugat. “I’m worried, Dad. Nag-aalala ako para kay Lander. Can you please send him to a safe place?”

“Isn’t he safe by your side?”

Umiling siya na parang nasa harap niya ang ama. “Dad, please, ayokong mapahamak siya. Ayokong mawala siya sa `kin.”

“Okay, baby. I’ll send a unit that would take him to a safe place,” sabi nito na ikinatuwa niya.

“Thanks, Daddy.” Kumuha si Vienna ng gauze at itinakip iyon sa sugat.

“You’re welcome, Vienna. Now, go to sleep.”

Napangiti siya. “Sige po. Good night, Dad.”

“Okay. Take care.”

Akmang ibaba na niya ang tawag nang magsalitang muli ang daddy niya. “You really love this Lander guy, huh?”

“Yes,” walang pag-aalinlangang sagot ni Vienna. “I do.”

“Then I should meet him personally, don’t you think?”

Napangiti siya. “Soon, Dad. Soon.”

“I’ll hold on to that,” her father said and the line died.

Nakangiting napapailing-iling si Vienna. Medyo may pagka-intimidating ang daddy niya pero malambot ang puso nito kapag pangangailangan ng iba ang pinag-uusapan. Kaya nga ito ang napili na maging pinuno ng ahensiya.

Her father had a heart for innocent people, but had none for criminals and murderers.

Isinara ni Vienna ang first-aid kit, pagkatapos ay tumayo siya at naglakad palapit sa glass wall ng opisina. Walang ilaw sa loob maliban sa dim light sa gilid kaya hindi siya natatakot na maglakad nang nakahubad. She was confident to walk around naked because she was not ashamed of her body.

Huminga siya nang malalim at tumingin sa ibaba ng gusali. Hindi safe ang lugar na iyon para sa kanila ni Lander. Kailangan maitago niya ito bago siya kumilos. May inilagay na siyang C-4 sa Exxon Garage, madali lang pasabugin iyon. Makakakilos lang siya nang malaya kapag alam niyang safe na ang lalaki.

Bumalik na si Vienna sa private room ni Lander. Napangiti siya nang makitang mahimbing itong natutulog. Umupo siya sa gilid ng kama, saka pinakatitigan ang guwapong mukha ng lalaki. Umangat ang kamay niya para haplusin ang pisngi nito, saka siya dumukwang para halikan ito sa mga mga labi.

“Mahal na mahal kita, Lander. And I promise to keep you safe,” bulong niya at humiga sa tabi nito.

NANG maramdaman ni Lander na tulog na si Vienna, iminulat niya ang mga mata. Nang marinig niyang papasok ito sa kuwarto kanina ay mabilis siyang umaktong natutulog.

Naramdaman niyang umalis sa kama ang babae kanina kaya naman bumangon siya. Sinundan niya ito at pinakinggan nang may tawagan ito. Naramdaman kasi niyang may ipinaplano si Vienna at tama nga siya. Tinawagan nito ang daddy nito. Dahil naka-loudspeaker ang tawag, dinig na dinig ni Lander ang pinag-uusapan ng dalawa. At base sa pag-uusap ng mga ito, may kapangyarihan ang ama ng babae na iligtas sila, pero ang hiniling nito ay ang iligtas siya. Siya lang at hindi ito kasama!

What is she thinking?!

Narinig din ni Lander nang tanungin si Vienna ng daddy nito kung mahal talaga siya ng babae. Nang marinig niyang ang sagot nito, alam niyang hindi niya kakayanin kapag nawala si Vienna sa kanya. Kaya naman hindi siya papayag na ilagay siya sa isang ligtas na lugar samantalang ito ay malaki ang posibilidad na masaktan. Hindi siya papayag. Hindi .

Pinakatitigan ni Lander ang dalaga, saka ito kinumutan at binulungan. “I love you, Vien.”

NANG magising kinabukasan si Lander, wala na si Vienna sa tabi niya. Pagkatapos niyang ayusin ang sarili, lumabas siya ng kuwarto. Natigilan siya nang maabutan ang babae na may inilalapag na Starbucks coffee at mini-chiffon cake sa ibabaw ng mesa niya.

“Ano `yan?” tanong niya.

Ngumiti si Vienna nang makita siya. “Agahan mo.”

Umupo si Lander sa swivel chair. “Para sa `kin?”

“Yeah. Nag-jogging ako, kaya nang mapadaan ako sa Starbucks, binilhan na kita ng agahan.”

“Jogging?” Tumingin siya sa sugat nito sa braso. “Okay lang ba na mag-jog ka kahit may sugat ka?”

Tumango ang babae at ngumiti. “Oo naman.”

“Sigurado ka ba d’yan?”

“Hmm-mm.”

Akmang sisimsim si Lander ng kape nang may pumasok sa isip niya. “Ikaw, nag-agahan ka na?”

“Oo.” Umupo si Vienna sa visitor’s chair. “Doon na ako nag-breakfast sa Starbucks. I had a nice talk with the couple next to my table.”

Tumaas ang isang kilay niya. “Couple?”

“Hmm-mm.” Mas matamis ang naging ngiti nito. “The man is very handsome.”

Nagsalubong ang kanyang mga kilay at nagdilim ang mukha. “Handsome, huh?” Jealousy seeped into him. “Handsome than me?”

“Ahm…” Nagkibit-balikat ang babae. “Medyo magka-level kayo sa kaguwapuhan.

“Not acceptable.” Tumalim ang mga mata ni Lander. “May gusto ka sa lalaking `yon? Do you like him—”

“Train Wolkzbin.”

Lumalim ang gatla sa kanyang noo. “Ano?”

“Train Wolkzbin. `Yon ang pangalan ng lalaki na nakausap ko sa Starbucks. Magkaibigan kayo, `di ba? Kasama niya ang asawa niya. Maganda siya. Bagay sila.”

Noon nawala ang pagkakakunot ng noo ni Lander, saka niya sinimangutan si Vienna. “You’re making me jealous aren’t you?”

Bumungisngis ito. “Nope.” Tumayo ang babae at umikot patungo sa swivel chair niya para gawaran siya ng halik sa mga labi. “Good morning, by the way.”

“Good morning.” He kissed her, deeply. “That’s the good morning kiss that I want. Not just a peck or light kisses.”

Umikot ang mga mata ni Vienna. “Yes, baby.”

Hindi mapigilan ni Lander ang mapangiti. “I like you calling me endearments, pero masyado nang overused ang ‘baby,’ eh. Mag-isip ka ng iba, `yong unique.”

Umupo ito sa armrest ng swivel chair at inakbayan siya gamit ang isang braso na walang sugat. “How about ‘my in denial king’ o kaya naman ‘my pakipot guy?’”

Pinukol niya ng masamang tingin ang babae. “Iyon talaga? Puwedeng iba na lang?”

“Bakit naman iba?” May paglalambing sa boses nito. “Those endearments describes you well, my love.”

“My love?” gagad ni Lander sa huling sinabi ni Vienna. “Parang mas gusto ko `yon.”

“Asus…” Inungisan siya nito. “Ako daw ang pipili pero siya rin pala sa huli.”

Mahina siyang natawa. “I was just suggesting.”

“Ewan ko sa `yo.” Umalis ang babae sa pagkakaupo sa swivel chair. “Anyway, pinakuha ko na ang mga gamit natin sa kotse mo. Nasa kuwarto na kanina pa.”

Tumango-tango si Lander at nag-umpisang kainin ang agahan. Habang kumakain siya, nakatingin naman sa labas ng glass wall si Vienna. He could feel that she was tense. She was on her guard, kahit pa nga nakatayo lang ito at nakatingin sa labas. Maybe she was thinking about his safety again.

Nawalan siya nang ganang kumain at nilapitan ang dalaga. “Ayos ka lang?” Niyakap niya ito mula sa likuran. “You look tense.”

“Kanina, noong nag-jogging ako, may nakita akong kotse,” pagkukuwento ni Vienna. “Sinundan niya ako, mula nang lumabas ako sa LaCars hanggang sa tumigil ako sa Starbucks, hanggang sa nakabalik ako dito. Nararamdaman kong may mangyayaring masama. Kung ano man `yon, kaya ko `yong harapin. Pero ikaw—” Humarap ito sa kanya at puno ng pag-aalala ang mga mata na tiningnan siya. “—ayokong mapahamak ka.”

“Vienna, nakakalimutan mo na ba na may nagtangka na rin sa buhay ko? Why don’t we call the police to take care of the matter?”

Umiling ang babae. “No cops, Lander. Mas gugulo lang ang sitwasyon. Saka kaya ko `to.”

Bumagsak ang mga balikat niya. “Vienna naman…”

Inilabas nito ang cell phone at may tinawagan. “Hellion,” sabi ni Vienna sa nasa kabilang linya. “Under surveillance mo ang garage, `di ba?”

Kumunot ang noo ni Lander sa narinig. Garage? Anong garage? At bakit tinatawagan na naman niya si Hellion? Nagtatanong ang mga matang tumingin siya sa babae. Pero umiling lang ito, saka nagpatuloy sa pakikipag-usap sa telepono. Pagkatapos ay biglang tumalim ang mga mata.

“Shit! Give me the coordinates of the pier. Pupunta ako do’n.”

Pinanlakihan niya ng mga mata si Vienna. “Saan ka pupunta?” nag-aalalang tanong niya. “Don’t do this…”

“Thank you, Hellion,” sa halip ay sabi nito sa kausap. “Titingnan ko ang pier at hahanapin ko ang barko na sinasabi mo. Dadaan ako d’yan sa bahay mo para kumuha ng C-4. Kailangang masira ang cargo ship na `yon bago iyon makaalis ng Pilipinas. Thanks. I’ll be there in ten. Bye.” Ibinaba nito ang tawag at akmang maglalakad patungo sa private room nang pigilan niya.

“Hindi ka puwedeng umalis!” galit na sabi ni Lander. “Hindi mo ako puwedeng iwan!”

“Ito lang ang tanging paraan para maging ligtas ka. Hindi ako puwedeng manatili dito sa opisina mo at walang gawin. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa `yo.” Hinaplos ni Vienna ang kanyang pisngi. “I love you, Lander.”

Wala siyang imik nang halikan naman siya nito sa mga labi, saka pumasok sa private room. Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas ang babae at nakasuot na ng kulay-pulang overall leather suit. May dala rin itong duffel bag na sa hula niya ay naroon ang mga baril nito.

He would not let her leave. Damn it! “Vienna… Don’t do this. We can go to another country for our safety. Hihingi tayo ng tulong.”

“No.” Umiling-iling ito. “Ayokong tumakbo dahil ayokong mabuhay na palaging nakatingin sa likuran ko. At ayokong mabuhay ka nang ganoon.”

“Okay…” Hinawakan ni Lander sa kamay si Vienna. “Papayagan kitang umalis, pero isama mo ako sa kung saan ka man pupunta. Please!”

“No. You stay here and be safe. Please, Lander,” may pagmamakaawa sa boses na sabi nito. “For me.” May inilagay itong baril sa kamay niya. “Para ito sa proteksiyon mo. Kapag may pumasok sa opisina mo na sa tingin mo, kahina-hinala, barilin mo.”

“No—”

She kissed him and left his office.

Nakatanga lang si Lander sa hangin nang ilang minuto. Kinakain ng takot ang buo niyang pagkatao. Natatakot siya para kay Vienna. Hindi niya kakayanin kung may mangyaring masama rito. Hindi niya kaya kung mawawala ito sa kanya.

Mabilis niyang inilapag ang baril sa ibabaw ng mesa, saka niya sinundan ang babae. There were two elevators outside his office. Ang isa ay bumabiyahe pababa at alam niyang si Vienna ang lulan niyon. Ang isa naman ay pataas at baka si Stephanie ang sakay niyon dahil malapit nang mag alas-otso.

Hinintay ni Lander na bumukas ang elevator. Napakunot-noo siya nang makita si Mr. Exxon.

“Where are you going, Mr. Storm?” tanong nito nang makalabas sa elevator kasama ang pito nitong mga bodyguard na kasama rin ng lalaki noon nang huli silang magkausap.

“Sa ibaba,” sagot niya. “Kayo? Ano’ng kailangan n’yo?”

Mala-demonyong ngumiti si Mr. Exxon. “Good. Sa ibaba rin ang punta namin.” Bigla siya nitong tinutukan ng baril na ikinaatras niya. “Get in the elevator. You’re coming with me.”

Napamulagat si Lander. “What the hell?! Ano’ng ibig sabihin nito?! Ano’ng kailangan n’yo sa `kin?”

“Huwag kang maingay kundi babarilin kita,” pananakot ng lalaki.

Gulong-gulo ang isip na sumakay siya sa elevator. Ayaw niyang mabaril kaya naman sinunod niya ang gusto nito nang walang reklamo. Sumakay din si Mr. Exxon sa elevator at ang apat sa mga tauhan nito. Nagpaiwan naman ang tatlo sa hindi niya malamang dahilan.

Please, God, keep Vienna safe, dasal niya habang pababa ang elevator at nakatutok ang baril ni Mr. Exxon sa kanya. Mas mabuti na rin sigurong umalis ang babae at iniwan siya dahil hindi ito nadamay sa nangyayari ngayon.

“Don’t make noises,” sabi ni Mr. Exxon, nakatutok pa rin ang baril sa kanya. “Kung mag-iingay ka, madadamay ang mga empleyado mo, nagkakaintindihan ba tayo, Mr. Storm?”

Lander nodded stiffly. Hindi niya alam ang kailangan ng mga ito sa kanya pero wala siyang ibang pagpipilian kundi ang makinig. Ayaw niyang mapahamak ang mga empleyado niya nang dahil sa kanya.

“Okay,” sagot niya.

A sinister smile appeared on Mr. Exxon’s face. “Good answer, Mr. Storm. Good answer.”