NANLAKI ang mga mata ni Vienna nang makitang nabuwal si Lander pagkatapos niyang makarinig ng putok ng baril. Sa sobrang takot at galit na naramdaman niya, itinutok niya ang baril kay Lamar Exxon at binaril ito hanggang sa maubos ang kanyang mga bala. Duguan ang katawan ng lalaki nang matumba ang katawan nito sa sahig.
“Tingnan natin kung mabuhay ka pa n’yan,” nagtatagis ang mga bagang na sabi ni Vienna. Binalingan niya si Lander na nakahandusay sa sahig at nag-uumpisa nang maligo sa sariling dugo. “Call an ambulance, Dad!” nag-aalalang sigaw niya sa ama na mabilis namang tumalima. “Ako na’ng bahala kay Lander.”
Abala naman ang ibang tauhan na kasama ng daddy niya na ilagay ang lahat ng bangkay sa itim na bodybag.
Pasalampak na umupo si Vienna sa sahig at pinakatitigan si Lander. Nag-uumpisa na itong mamutla kaya naman hinawakan niya ang pupulsuhan nito. Nang maramdaman niyang medyo malakas pa ang pulso ng lalaki, nabuhayan siya ng loob. “Kampante ako kasi alam kong hindi mo ako iiwan. Alam kong hindi mo hahayaan na makahanap ako ng iba, hindi ba? Sabi mo, mahal mo ako. Patunayan mo `yon ngayon. Huwag kang mamamatay, huwag mo akong iiwang mag-isa. Please, Lander, mabuhay ka,” umiiyak na sabi ni Vienna, pagkatapos ay inilapat niya ang mga labi sa mga labi nito. “Just hang in there, my love. Parating na ang tulong,” bulong niya sa mga labi nito habang walang patid pa rin ang kanyang pag-iyak.
Lumapit sa kanya ang ama. “The ambulance is coming, Vienna.”
Nag-angat si Vienna ng tingin. “Salamat, Dad.”
“He’ll be fine,” sabi nito. “He won’t leave you.”
“Alam ko, Dad, pero nag-aalala pa rin ako.”
“He’ll just have to make sure that he is going to marry you afterwards because I’ll kill him if he doesn’t,” banta ng ama na ikinangiti niya.
Mayamaya ay narinig na niya ang tunog ng ambulansiya.
Nakahinga si Vienna nang maluwag nang pumasok sa barko ang mga nurse at attendants. Inilagay ng mga ito sa stretcher si Lander at inilabas ng barko habang siya naman ay sumusunod sa mga ito.
“Vienna, call me when you get the chance, okay?” sabi ng daddy niya na nakasunod sa kanya. “I’ll stay here to clean things up.”
“Salamat, Dad. Tatawagan kita kaagad.”
Nang ipasok ng mga nurse si Lander sa loob ng ambulansiya, pinapasok din siya ng mga ito sa loob at mabilis na humarurot iyon patungo sa ospital.
HABANG nasa operating room si Lander para kunin ang bala na bumaon sa likod nito, nasa labas si Vienna ng OR at hindi siya mapakali. Kanina pa siya pabalik-balik sa paglalakad. Hindi niya alam kung ilang oras nang naroon ang lalaki. Halo-halo ang emosyong nararamdaman niya habang naghihintay. Hope. Fear. Love. Guilt. Napakahirap maghintay habang nagdarasal siya na sana walang mangyaring masama rito habang inooperahan.
God. I love him. Please, save him.
“Is he okay?”
Mabilis siyang tumingin sa direksiyon na pinanggalingan ng boses. “Daddy.”
Nginitian siya nito. “What did the doctor say?”
Nagkibit-balikat si Vienna. “Hindi pa lumalabas, eh. Dad—” Yumakap siya sa ama. “—I’m worried.”
“Don’t be. He’ll be okay.”
“I know,” tumatango-tangong sabi niya na parang kinukumbinsi ang sarili. “Alam kong magiging okay lang siya. Hindi niya ako iiwan kasi mahal niya ako. `Di ba, Dad?”
Hinagod ng ama ang kanyang likod na parang pinapaklama siya. “Yes, baby.”
Kumawala si Vienna sa pagkakayakap dito at umupo sa sofa na naroon. “Hindi ko lang maiwasang mag-alala. Ayokong may mapahamak na naman nang dahil sa `kin. I love him, Dad. Hindi ko kakayanin kung may mangyayaring masama sa kanya.”
“Nothing bad will happen,” puno ng kompiyansang sabi ng daddy niya. “He’ll survive.”
Hindi na siya nagsalita pa at hinintay na lang na lumabas ng OR si Lander. It was a long painful hours of waiting. Hanggang sa wakas ay inilabas din ito. Mabilis ang kilos ng mga doktor at nurses nang isugod ng mga ito ang lalaki sa ICU. Mabilis niyang sinundan ang mga ito.
Nang makapasok si Vienna sa ICU, ang daming tubong nakakabit kay Lander. Nangangamba siya habang nakatingin dito na inaasikaso ng mga nurse.
“Doc, kumusta po si Lander?” tanong niya nang makapasok ang doktor.
“Wala namang natamaang vital organs sa katawan niya,” sagot nito na ikinahinga niya nang maluwag. “Wala lang siyang malay kasi under sedative pa siya. Kinailangan din siyang salinan ng dugo dahil marami ang nawala sa kanya. Magigising siya pagkalipas ng mga lima o anim na oras.”
“Salamat, Doc.”
“Don’t mention it. Sige, alis na ako. Babalik ako mayamaya para i-check ang lagay niya.”
“Okay po, Doc.”
Nang makalabas ang doktor, pumasok naman ang daddy niya. Tinitigan nito si Lander at tumingin sa kanya. “I approve him for you.”
Napatitig si Vienna sa kanyang ama. “Really?” Noong nag-aaral pa siya, wala itong inaprubahan na boyfriend niya. Pero mukhang iba ang tingin nito kay Lander.
“Yes. Only a man who loves you so much will risk his life to save yours. And because of that, he earned my respect and trust.”
Napangiti siya. “Salamat, Daddy.”
Inakbayan siya nito at hinalikan sa noo. “I have to go now. I still have to talk to some people.”
“Okay, Dad.” Hinalikan niya ito sa pisngi. “Salamat sa pagpunta, Daddy.”
Tinapik ng ama ang balikat niya, saka lumabas na ng ICU.
Nang masiguro ni Vienna na maayos na ang lagay ni Lander, lumabas na rin siya ng kuwarto at nakitawag sa telepono sa information desk.
Tinawagan niya si Cali.
“Who’s this?” masungit na tanong nito.
“Si Vienna `to. Puwede mo bang hanapin si Eizel San Diego? Pakisabi sa kanya na nasa Leyma Medical Hospital si Lander.”
“At ano naman ang kinalaman ng model na iyon kay Lander?” naguguluhang tanong ng kapatid.
“Basta. Gawin mo na lang ang ipinapagawa ko.”
“At bakit ko naman gagawin `yon?”
“Kasi kaibigan mo si Lander at kapatid mo ako. Now, do it,” utos niya at ibinaba na ang telepono.
Nagpasalamat si Vienna sa information clerk at bumalik sa ICU. Tulog pa rin si Lander kaya naman umupo siya sa sofa para makapagpahinga. She was beaten up and she needed to rest. Hindi naman masyadong malala ang mga pasa niya at nabigyan na rin siya ng first-aid. What she needed now was pain reliever and lots of rest.
NAGISING si Vienna dahil sa mga boses na naririnig. Napabalikwas siya at tumingin sa higaan ni Lander. “Lander!” sigaw niya, puno ng pag-alala ang boses.
Three pair of eyes looked at her direction.
“Gising ka na pala,” sabi ng lalaki na kamukhang-kamukha ni Lander.
Alam niyang may kakambal ito pero hindi niya iyon nakilala noon. Hindi rin niya akalaing magkamukhang-magkamukha ang dalawa. Sinuklay ni Vienna ang buhok gamit ang mga daliri at umayos ng tayo. “I’m Vienna Sugon—”
“Oh, yeah. Kilala kita. Ikaw `yong nang-iwan sa kakambal ko nang walang paalam.”
Napatungo siya. “Oo, ako `yon.”
“Ano’ng nangyari sa kakambal ko?” Nasa boses ng lalaki ang paninisi na parang kasalanan niya ang nangyari—which was, kasalanan naman talaga niya. “Bakit siya nabaril? Ano ba’ng nangyari?”
Nag-angat si Vienna ng tingin. “May ahm….” Shit! Ano’ng sasabihin niya? Wala siyang order na sabihin sa mga kapatid ni Lander! “May gustong magnakaw ng mga sasakyan ng LaCars, nanlaban siya kaya siya nabaril.”
“Ano naman ang nangyari sa `yo? You look like someone has beaten you up.” sabad ng babae na medyo kamukha rin ni Lander.
“I ahm… the reason why he got shot,” pag-amin niya.
Lander’s twin glared at her. Si Eizel San Deigo naman ay yumakap sa baywang ng lalaki na parang pinapakalma ito.
Are they a couple? I think so.
“Hindi naman niya siguro kasalanan `yon,” malumanany na sabi ni Eizel. Kilala niya ang babae dahil isa itong sikat na model. “Sigurado akong hindi niya ginustong mabaril si Lander. Tingnan mo nga, kahit nga siya, nabugbog, o.”
Matiim siyang tiningnan ng lalaki. “Mahal mo ba ang kakambal ko?”
“Oo,” mabilis na sagot ni Vienna.
“Hindi mo siya iiwan?”
“Hindi.”
“Papakasalan mo siya?”
Natigilan siya. “Kapag nag-propose siya, oo, magpapakasal ako sa kanya. Ayoko namang ako ang mauna. Nakakahiya `yon.”
“Mabuti naman,” sabi nito at inilahad ang kamay. “Lancelott Storm, call me ‘Lance.’ Kakambal ako ni Lander.” Itinuro nito si Eizel. “And this beautiful woman beside me is my fiancée, Eizel San Diego.”
“Hi. Nice to meet you,” nakangiting bati niya. “I’m Vienna Sugon.” Tinanggap niya ang pakikipagkamay ng dalawa.
Ang batang babae naman na nakaupo na sa gilid ng kama ni Lander ay pumihit paharap sa kanya, saka inilahad ang kamay. “I’m Louie Storm, their little sister.”
Tinanggap ni Vienna ang pakikupagkamay nito. “Vienna Sugon.”
At pagkatapos ng mga tanong at pagpapakilala, parang naging magaan na ang pag-uusap nilang apat. They talked, they joked around, and they shared their worries towards Lander’s condition. Masarap sa pakiramdam na hindi na galit ang kakambal ni Lander sa kanya. Ayaw niyang may isang kapamilya ng lalaki na hindi siya gusto. She wanted peace and harmony with his siblings.
Pagkalipas ng dalawang oras, umalis na ang tatlo pero nangakong babalik din kaagad. Naiwang mag-isa si Vienna sa ICU. Umupo siya sa gilid ng kama ni Lander at hinawakan ang kamay nito. “Gumising ka na,” pagkausap niya rito. “Nag-alalala na kaming lahat. Please? Gusto kong makita ang asul mong mga mata na nagniningning at ang mga labi mong nakangiti. Wala na si Lamar Exxon at sisiguruhin kong wala nang mangyayaring masama sa `yo… sa `ting dalawa.”
Bigla siyang napalingon sa pintuan ng ICU nang makarinig ng katok mula roon. Nang bumukas iyon, pumasok si Hellion.
“Hey,” sabi nito at ngumiti. “Kumusta?”
Sinuklian ni Vienna ang ngiti ng lalaki. “Okay lang naman ako. Medyo nabugbog nang kaunti pero ayos lang naman.”
“How about Lander?”
“Okay naman siya. Nabaril siya sa likod pero sabi ng doktor, okay naman daw siya ngayon.”
Tumango-tango si Hellion at naglakad palapit sa higaan ni Lander. Napailing-iling ito nang makita nang malapitan ang binata.
“What?” nagtatakang tanong niya.
“Akala ko hindi ko makikita si Lander na binubuwis ang sariling buhay para sa isang babae. Sabi niya noon, wala siyang babaeng mamahalin. Only to find out, sinabi pala niya iyon dahil may mahal na siya noon pa.”
Napamaang si Vienna. Nagtataka siya kung bakit alam ni Hellion ang mga bagay na iyon tungkol kay Lander. “Paano mo nalaman ang mga `yon?” kunot-noong tanong niya. “A-ano’ng... S-sino ka ba?”
Misteryosong ngumiti ang lalaki. “Hindi mo naman siguro inisip na ‘Hellion’ ang tunay kong pangalan, `di ba? Saka, nag-volunteer lang akong magtrabaho sa ahensiya. I ought to have a code name.”
“So, ano’ng pangalan mo?”
Ngumisi ito at inilahad ang kamay sa kanya. “Shun Kim at your service, Miss Sugon.”
“Shun Kim?” ulit ni Vienna. “Are you related to Lander?”
Mas lumapad ang ngiti ni Hellion. “I’m one of his friends.”
Naguguluhan pa rin siya nang tanggapin ang pakikipagkamay nito. “Kaibigan ka niya, `tapos hindi mo man lang sinabi sa akin?” medyo naiinis na sabi niya.
“Hindi tayo close. By the way, tell Lander I said get well soon,” nakangiting sabi ng lalaki, saka lumabas ng ICU.
Nakatanga pa rin si Vienna sa nilabasang pinto ni Hellion na ang tunay na palang pangalan ay “Shun Kim.” At kilala ito ni Lander. What the fuck! At hindi raw sila close para sabihin nito ang tunay na pangalan sa kanya, samantalang pinagkatiwalaan niya ito?
Letse! Hindi pala close, ha?! `Kainis! Akala ko pa naman matino ang partner ko, `yon pala hindi.
Naiinis pa rin siya kahit nakalipas na ang ilang minuto. Nawala lang ang inis niya nang marinig ang pabulong at mahinang boses ni Lander.
“Vienna…” tawag nito sa pangalan niya.
Nanlaki ang mga mata ni Vienna. “Gising ka na.”