noveltoon logo noveltoon
Lander Storm (Possessive Series 4)

Chapter 12

Ch. 13 / 26 Feb 09, 2022

TITIG na titig si Lander kay Vienna na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at naisipang matulog sa bahay nito. Gumagawa lang siya ng dahilan para makasama ang babae. Pagkatapos kasi niyang marinig ang boses ni Hellion sa tawag, gusto niyang bakuran si Vienna.

He wanted to possessively wrap his arms around her sexy waist and pull her closer so no man would ever have the privilege of getting close to her.

Bumangon si Lander sa kama at kinuha ang purse ni Vienna na nakapatong sa vanity mirror. Kinuha niya ang cell phone sa loob, saka binuksan. Protektado iyon ng password.

Mataman niyang tinitigan ang babae habang iniisip kung ano ang password ng cell phone nito. Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin sa screen niyon. Ang pangalan ni Vienna ang inilagay niya pero incorrect password ang naging sagot sa kanya. He groaned and typed her surname, pero incorrect password na naman. Mayamaya ay pumili siya ng mga ramdom na bagay na maiko-connect niya sa babae pero wala pa ring nangyari. Kailangan pa tuloy niyang maghintay ng sampung segundo para masubukang buksan uli iyon.

Habang naghihintay, nahiga si Lander sa tabi ni Vienna at tinitigan ito. Isang ngiti ang kumawala sa mga labi niya nang maalala ang sinabi ng babae—siya lang ang mahal nito at wala nang iba. Gustong-gusto niya itong paniwalaan pero hindi niya magawa. Kailangan din muna niyang alamin ang rason ng pag-alis nito para sa peace of mind niya.

Nagpasalamat si Lander na lumipas na ang sampung minuto. Sinubukan na naman niyang buksan ang cell phone ni Vienna. Nakakatatlong subok na siya nang tumagilid ng higa ang babae, paharap sa kanya, at bahagyang ngumiti na parang nananaginip.

“Lander,” bulong nito sa pangalan niya.

Napabuntong-hininga siya at parang wala sa sariling itinype ang mga letrang L-A-N-D-E-R , saka pinindot ang Okay button. Nabitawan niya ang cell phone at tumama iyon sa kanyang ilong nang bigla iyong bumukas. “Holy hell. Your password is my name?” hindi makapaniwalang sabi niya, saka napatitig kay Vienna.

Ganoon ba siya kaimportante sa babae para ang pangalan niya ang gamitin nitong password? Parang may humaplos sa puso ni Lander sa nalaman.

Binuksan niya ang GPS ng cell phone nito, pati na rin ang GPS ng kanya. And then he registered her number on his GPS tracking app and connected his number on hers. Sa ganoong paraan, malalaman niya kung saan ito nagpupupunta kapag nawawala bigla. Hindi na niya hahayaang iwan na naman siya ng babae sa ikalawang pagkakataon. Never again.

Alam ni Lander na sobra na ang ginawa niyang iyon pero wala na siyang pakialam. Ang gusto lang niya ay malaman kung saan pumupunta si Vienna. At dahil nabuksan na niya ang cell phone nito, binuksan niya ang Gallery niyon. Wala namang kakaiba sa mga larawan na nandoon hanggang sa may mahagip ang kanyang mga mata na pamilyar na larawan.

Of course it was fucking familiar! Siya mismo ang nag-encode ng file ni Lamar Exxon. Kinunan ng babae ng larawan ang listahan ng order na sasakyan ni Mr. Exxon. From the list to car prices and its technical specification.

Nakaawang ang bibig na binalingan niya si Vienna na mahimbing pa ring natutulog. “Bakit mo kinunan ng picture ang file ni Mr. Exxon?” tanong niya. Hanggang sa biglang bumalik sa isip niya ang araw na nakita niya ito sa harap ng nakabukas niyang laptop. “Iyon ba ang ginawa mo habang nasa board meeting ako?”

Nanghihinang inilapag ni Lander ang cell phone sa night stand at tumitig sa babae. Bakit? Magkakilala ba ang dalawa? May relasyon ba ang mga ito? Ano ang koneksiyon ni Mr. Exxon kay Vienna para alamin ng babae ang listahan ng ino-order na sasakyan ni Mr. Exxon? Did Mr. Exxon send her to spy on him? Kailangan niyang malaman ang katotohanan.

Muling kinuha ni Lander ang cell phone at tinawagan ang pinakamagaling na detective na kilala niya. Pagkatapos ng dalawang ring, sinagot ni Shun Kim ang kanyang tawag. “You better have a fantastic reason why you’re calling me in this hour,” puno ng iritasyon ang boses na sabi nito. “Ano ba’ng kailangan mo, Storm? Bibili ka ba ng bahay sa akin kaya ka tumawag?”

Natigilan siya nang marinig ang boses ng lalaki. Parang magkaboses ito at si Hellion, pero mas malalim nga lang at mas baritono ang boses ng huli. Oh, well. They couldn’t be the same person. Kaibigan niya si Shun, tiyak na hindi nito gagawin ang kung anuman ang ginagawa ng Hellion na iyon laban sa kanya.

Huminga si Lander nang malalim. “Hindi ako bibili ng bahay. Puwede mo bang imbestigahan si Vienna Sugon?”

Ilang minuto ang lumipas bago sumagot ang lalaki. “How much are you going to pay?”

“Name your price.”

Walang-buhay na tumawa si Shun. “Trust me, Lander Storm, hindi mo kayang bilhin ni kuko ko. Sabi sa Bachelor’s Magazine , nagkakahalaga ako ng bilyones. Pero dahil kaibigan kita at isa ka sa mga investors ng kompanya ko, bibigyan kita ng discount. How about buying a lot?”

Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ano naman ang gagawin ko sa lot na `yan?”

“Kainin mo baka masarap ang lasa ng lupa,” sarcastic na sabi nito. “Malay ko kung ano’ng paggagamitan mo. Basta iyon ang kabayaran mo sa pag-iimbestiga ko sa ex-girlfriend mo.”

Muling nagpakawala ng malalim na hininga si Lander. “Magkano ba ang lupa na `yan?”

“Fifty million. Barya mo lang naman `yon. And anyways, malaki naman ang lupang `yon. You can even build a race track there.”

“No, thanks. My race track na ako. Anyway, I’ll send you the check tomorrow.”

“Great. Tatawagan kita kapag nalaman ko na ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya.”

“Okay.”

Tinapos ni Lander ang tawag at ibinalik ang cell phone sa night stand. Pagkatapos ay napatitig siya sa maamong mukha ni Vienna. Sana naman mali ang nasa isip ko ngayon.

KINAUMAGAHAN, maagang nagising si Lander. Nagtungo siya sa kusina para ipagluto ng agahan si Vienna, pero natigilan siya habang nakaawang ang bibig na napatitig sa stove.

“What the hell am I supposed to cook?” Napailing-iling siya. “Eh, wala nga akong alam sa pagluluto.” Nagpakawala siya ng malalim na hininga, saka tinawagan si Train. “Hey, man,” bati niya sa kaibigan. “Am I disturbing you?”

“Hindi, bakit?”

Nag-aalangan siyang magsabi— No, more like, nahihiya siya. “Ahm—” Tumikhim siya. “—puwede mo ba akong turuang magluto?”

Ilang segundong natahimik si Train bago ito nagsalita. “What the fuck, Storm?”

“Turuan mo ako,” sabi ni Lander, saka naglakad palapit sa stove. “Ano ba’ng gagawin ko?”

“Ano ba’ng lulutuin mo?” Parang hindi pa rin makapaniwala ang kaibigan. “Teka, ano ba’ng nangyayari sa `yo? Are you okay? Wait, are you high?”

“Wolkzbin, I don’t do those kind of shits.” Hinilot niya ang sentido. “It’s just that... Gusto kong ipagluto si Vienna ng breakfast at—”

“Vienna?” gagad ni Train. “Cali’s sister?”

“Yeah.”

Napapalatak ito. “Damn. Malapit ka na bang maging miyembro ng Possessive Men’s Club?”

“Hindi.”

Train snorted. “Sige, Storm, magsinungaling ka pa.” Tumikhim ito. “Ano’ng gusto mong lutuin? Tuturuan kita, step by step.”

“Ahm…” Ni-ransack ni Lander ang isip para sa gustong lutuin, pero walang pumasok sa utak niya. “Something special?” mayamaya ay sabi niya.

Mahinang natawa ang kaibigan. “Nasaan ka?”

“Sa bahay ni Cali.”

“Lumabas ka d’yan, nasa labas ako ng bahay ni Cali. Nagdya-jogging kasi ako, tamang-tamang napadaan ako. I’ll teach you in person.”

“Nandiyan na ako,” sabi niya at ibinaba na ang tawag, saka lumabas ng bahay. “Hey, man,” tawag niya kay Train nang makita ito.

Makahulugang nginitian siya ng kaibigan. “Hey. Come on?”

Tumango si Lander. “Let’s do it.”

Pagkalipas ng isang oras, pagkatapos ng murahan at sigawan, natapos din silang dalawang magluto.

“Hindi na kita uli tutulungang magluto,” naiiling na sabi ni Train, saka itinapon sa basurahan ang nasunog niyang kawali. “You nearly burned the house!”

Napangiwi siya. “Ahm, hindi ko naman kasi alam na—”

“No talking, Storm. Aalis na ako bago pa kita mabatukan.”

Nang makalabas ang kaibigan sa bahay ni Cali, napatitig si Lander sa niluto nila, pagkatapos ay napatingin siya sa mga paso niya sa daliri at pupulsuhan dahil sa mainit na kawali. “Fuck!” Mabilis niyang kinuha ang first-aid kit, saka pinahiran ng ointment ang mga paso. “Fuck. Fuck.” Kahit mahapdi pa, hindi na iyon pinansin ni Lander at naghain na sa mesa. Pagkatapos ay lumipat siya sa bahay niya para maligo at magbihis na rin.

Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita si Calyx sa labas ng kanyang bahay. Nakahiga ito sa hood ng sasakyan at naka-shades habang nakatingin sa kalangitan. Nilapitan niya ang kaibigan at tinapik ang balikat nito.

Mabilis na bumangon si Calyx, saka tinanggal ang sunglasses at humarap sa kanya. “Hey, man.”

Kinunutan niya ito ng noo. “You look like shit,” komento ni Lander nang makita ang malalaking eyebags nito.

Walang-buhay na ngumiti ang kaibigan. “I know and I don’t give a fuck.” Tumingin ito sa pinto ng bahay niya. “Puwede na ba tayong pumasok para makapagkape ako?”

Pinaikot ni Lander ang mga mata. “Doon ka magkape sa bahay mo. May gagawin akong importante.” Naglakad siya patungo sa pinto ng bahay at binuksan iyon. Mabilis siyang humarap kay Calyx nang sumunod ito sa kanya. “Seriously, Calyx, umalis ka na. May gagawin nga akong importante.”

“Like what?”

“Like eating breakfast with Vienna.”

Napamulagat ang kaibigan at halatang nagulat sa sinabi niya. “Okay na kayo?”

Nagkibit-balikat si Lander, saka pumasok sa loob ng bahay habang nasa likuran pa rin niya ito.

“So nagkabalikan na kayo?” tanong ni Calyx, saka napapalatak. “Alam ko namang mahal mo pa si Vienna, in denial ka lang talaga. That word ‘love’ is a fucking disease.”

Napatigil siya sa paglalakad at humarap dito. “Come again?”

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang kaibigan. “I met this woman and it was love at first sight. I know, it’s a cliché, it’s cheesy, and it’s yucky, but I don’t care.” Itinuro nito ang puso. “Kahit ano’ng gawin ko, hindi ko `to matalo-talo, kaya naman sinabi ko kanina kay Etheyl ang nararamdaman ko. Alam mo ba kung ano’ng sagot niya?”

“Ano?”

“She said that I was a worthless playboy who needed to be buried six feet under the ground.” Walang-buhay itong tumawa. “Halos lipulin ko ang lahat ng tapang na meron ako. Kahit kinakabahan ako, sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko, `tapos iyon ang isasagot niya sa akin? Fuck!” Sinipa ni Calyx ang malapit ditong indoor plant. “Inuman na lang tayo. Tara, maglasing tayo. Libre ko.”

Hindi makapaniwalang napatitig si Lander sa kaibigan. “Ikaw, ang first runner-up sa pagiging kuripot, `tapos manlilibre ka? Ano’ng nakain mo?”

“Lander, my friend—” Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. “—I’m brokenhearted right now. Puwede bang damayan mo ako? Malapit na akong maging pasyente sa mental hospital. Malapit na malapit na kasi mababaliw na ako sa kakaisip kung paano ko papapaniwalain ang babaeng `yon na totoong mahal ko siya. So, habang wala pa akong maisip na paraan, maglasing muna tayo.”

Nagpakawala si Lander ng malalim na hininga, saka napailing-iling. “Okay, but let me call Wolkzbin. Ayokong makipag-inuman sa `yo na tayong dalawa lang.”

“Sure, whatever.”

Bago niya tawagan si Train, nagpadala muna siya ng mensahe kay Vienna.

Good morning, Vien. Nasa mesa na ang agahan mo, sana magustuhan mo. May importante lang akong gagawin, tatawagan kita kapag hindi na ako busy. Bye.

Walang sumasagot sa telepono ni Train nang tawagan niya ito. Ipinaalam niya kay Calyx na hindi sumasagot si Train kaya naman wala siyang choice kundi ang makipag-inuman nang mag-isa dito.

Habang nagmamaneho patungong Bachelor’s Bar, nakatanggap si Lander ng text galing kay Vienna.

Good morning. Ingat sa kung ano man iyang importante mong gagawin. Salamat sa agahan. Mwah. Love you.

Hindi niya napigilan ang ngiting kumawala sa kanyang mga labi nang mabasa ang dalawang huling salitang iyon. I’m fucked!