noveltoon logo noveltoon
Lander Storm (Possessive Series 4)

Chapter 18

Ch. 19 / 26 Feb 09, 2022

HINDI alam ni Lander ang gagawin. Oo nga at may hawak siyang baril at may background naman siya sa shooting. Pero isang karton na may naka-drawing na tao ang binabaril niya, hindi isang tunay na taong humihinga! Napatingin siya kay Vienna na binabalot ng malaking panyo ang sugat sa braso. Nilapitan niya ito at hinawakan ang braso nitong walang tama. “Tumawag kaya ako ng pulis—”

“No cops,” mabilis na putol ng babae sa iba pa niyang sasabihin.

Natatakot si Lander hindi para sa sarili niya kundi para kay Vienna. Nakikita niya ang katapangang taglay nito sa mga mata at alam niyang lalaban ito nang patayan para mailigtas siya. But he couldn’t lose her. Hindi niya kakayanin kapag may nangyaring masama rito.

Vienna looked at him and smiled reassuringly. “It’s okay. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa `yo.”

Umiling siya. “No.” Niyakap niya ito. “Wala akong pakialam sa sarili ko kung ano’ng mangyari sa `kin. Ikaw ang inaalala ko.”

Ngumiti si Vienna na parang nagbibiro siya, saka siya ginawaran ng halik sa mga labi. “Don’t worry too much, we will survive.” Pagkatapos ay pinagsiklop nito ang mga kamay nila, saka siya hinila palabas ng kuwarto. At habang tahimik silang bumababa ng hagdan, pahigpit naman nang pahigpit ang hawak ng babae sa kanya.

Panay ang tingin ni Vienna sa paligid. Habang si Lander naman ay hindi inaalis ang tingin sa bintana para tingnan kung may tao sa labas. Inatake na naman ng takot ang buo niyang pagkatao nang makitang tumatagos na ang dugo sa panyong nakabalot sa braso ng babae. Huminga siya nang malalim at pinakalma ang sarili. Walang mangyayari sa kanya kung matatakot siya sa kalagayan nito. She was strong ang brave.

Ginaya ni Lander si Vienna nang magsimula itong gumapang sa sahig. Gumapang sila patungo sa sofa. At tumaas ang kilay niya nang may hugutin itong baril mula sa ilalim niyon.

“Paborito mo talagang magtago ng baril sa sofa, `no?” pabulong na tanong niya.

Mabilis na tinakpan ng babae ang kanyang bibig. “Huwag kang maingay,” bulong nito.

Nagtatago sila sa likod ng mahabang sofa. Kung may masamang-loob man na pumasok sa pinto, hindi kaagad sila makikita at may pagkakataon siyang unahan ito.

Nilukob ng pag-aalala ang puso ni Lander nang iwan siya ni Vienna at gumapang ito patungo sa pintuan at mabilis na binuksan iyon. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang walang tao sa labas ng pinto. Isinara ng babae ang pinto at naglakad patungo sa kusina. Alam niyang dapat siyang manatili sa pinagtataguan niya pero nag-aalala siya para kay Vienna. Kaya naman sinundan niya ito.

Nang makapasok si Lander sa kusina, wala na roon ang babae pero bukas ang back door. Akmang susundan niya ito nang pumasok si Vienna sa back door at nagulat nang makita siya.

“`Di ba dapat nagtatago ka?” nakataas ang kilay na tanong nito.

“Nag-alala ako sa `yo.”

Isinara ni Vienna ang back door at inilapag ang baril na hawak sa island counter. “May kuwarto ka ba dito sa bahay mo na close-in? `Yong walang malaking bintana at walang sliding door?”

Parang napaso na inilapag naman ni Lander ang baril sa tabi ng baril nito. “Meron. Sa kuwarto mo.”

“Great. You’ll be sleeping with me,” sabi ng babae at kinuha ang dalawang baril, saka naglakad patungo sa hagdan paakyat sa second floor. Nasa likuran lang siya hanggang sa makarating sila sa kuwarto nito.

“Wala bang tao sa labas?” tanong niya mayamaya.

“Wala,” sagot ni Vienna at inilapag ang dalawang baril sa night stand. “I assume that it’s a long range gun. Ikaw ang inaasinta pero ako ang tinamaan.” Kinuha nito ang cell phone sa maleta na dala at may tinawagan. “Hellion, can you check the perimeter around Lander’s house?” sabi nito na ikinakunot ng kanyang noo. “Maghanap ka ng bahay na nakaharap sa kuwarto ni Lander—” Tumigil ang babae sa pagsasalita at napamulagat na parang may biglang naisip. “Shit! Alam ko kung nasaan siya!” Itinapon nito ang cell phone sa ibabaw ng kama at patakbong lumabas ng kuwarto.

DAHIL basag na ang salamin ng sliding door ng terrace sa kuwarto ni Lander, ang mga bubog ang dapat alalahanin ni Vienna habang naglalakad palapit sa railing ng balkonahe. Napatitig siya sa kuwartong inookupa niya sa bahay ni Cali. Instinctively, her body moved to jump off the terrace, pagkatapos ay mabilis siyang tumakbo patungo sa kabilang bahay.

Nang makapasok, mabilis na tinungo ni Vienna ang kuwarto niya. Unfortunately, wala na roon ang lalaki. Pero nang buksan niya ang ilaw ng kuwarto, she saw footprints on the white wooden floor.

“Damn it.” Lumapit siya sa bukas na bintana na pansamantalang isinara niya iyon kanina bago umalis ng bahay. Nagsalubong ang mga mata nila nila ni Lander na nakatingin sa kanya mula sa terrace nito.

Napabuntong-hiningang napailing-iling si Vienna, saka lumabas ng kanyang kuwarto. Ini-lock niya ang pinto ng bahay ni Cali at naglakad patungo sa bahay ni Lander.

Pinagbuksan siya nito ng pinto at kaagad na niyakap at hinalikan sa noo.

“Let’s go to the hospital,” sabi ng lalaki.

“Hindi na kailangan. Hindi naman pumasok ang bala sa loob. Daplis lang `to. Lilinisin ko lang, `tapos okay na ako,” sagot niya, saka ini-lock ang pinto ng bahay.

“Sigurado ka?”

“Oo. Anyway, may iba ka pa bang bahay na puwede nating puntahan? Hindi tayo puwedeng mag-stay dito, hindi tayo ligtas.”

Kumunot ang noo ni Lander na parang nag-iisip hanggang sa biglang lumiwanag ang mukha nito. “Yeah. We can stay in my office.”

“Your office?” gulat na tanong ni Vienna.

“Yeah. May private chamber ako sa office. Puwede tayong mag-stay do’n. Mas safe pa do’n kasi may security guard na nagra-rounds doon every hour and then not to mention the CCTV cameras.”

“May private room ka sa opisina mo?” Tumalim ang mga mata niya nang maisip kung bakit may ganoon ito sa opisina. “Please, huwag mong sabihin sa `kin na doon mo dinadala ang mga babae mo?”

Biglang naging mailap ang mga mata ng lalaki at hindi makatingin nang deretso sa kanya. “Kind of, pero bagong bili naman `yong matress ngayon.”

Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Ilang babae ang dinala mo do’n?”

Lander bit his lip, and even though she found it hot, she was still pissed. “Ahm, hindi ko na mabilang.”

Naiinis na sinuntok ni Vienna ang binata sa dibdib gamit dahilan para mapa-“aray” ito. “Gago.”

He gave her a sheepish smile. “Sorry. `Di ba, sinabi ko na sa `yo na sinubukan kong kalimutan ka?”

“At `yon ang napili mong paraan para makalimutan ako?” sikmat niya.

Napakamot si Lander sa batok. “That was the easiest way.”

“Anong nahita mo?” nakataas ang kilay na tanong niya rito na hindi pa rin makatingin nang deretso sa kanya.

“Wala. Hindi ka naman nawala sa puso’t isip ko.”

Ang sarap batukan ng lalaking ito pero pinigilan ni Vienna ang sarili. “Pasalamat ka talaga dahil mahal kita.”

“Thank you,” nakangiting sabi ni Lander.

Inirapan niya ito at nagmamartsang umakyat para kunin ang maleta niya.

HABANG nagmamaneho si Lander patungo sa LaCars Building, panay ang tingin niya kay Vienna. Kausap nito si Hellion at nararamdamam niya ang selos na unti-unting lumulukob sa puso niya.

Sino ba naman ang hindi magseselos? Panay ang ngiti at tawa ng babae habang kausap ang lalaking iyon!

“Hindi ka pa ba tapos makipag-usap?” naiiritang tanong niya.

Umiling si Vienna. “Tapos na.” Ibinaba nito ang cell phone at pumihit sa upuan paharap sa kanya. “Ano ba ang problema mo? Kanina pa hindi maipinta `yang mukha mo.”

Umirap si Lander sa hangin. “Bakit ba ang tagal mong kausapin ang Hellion na `yon? At panay pa ang tawa mo. Bakit, nagjo-joke ba siya?”

Nanunudyong sinundot-sundot ng babae ang baywang niya. Panay naman ang iwas niya dahil nakikiliti siya.

“Ano ba?! Stop that!” Irritation filled his voice.

Tumawa si Vienna. “Asus. Huwag kang magselos kay Hellion. Ikaw ang mahal ko.”

Umingos siya. “Bakit panay ang tawa mo habang kausap siya?”

“Bakit, hindi ba puwedeng tumawa habang nakikipag-usap sa isang kaibigan?” Inirapan siya nito. “Ewan ko sa `yo, Lander. I like you being jealous and all but it is not healthy for both of us.”

“I’m not jealous!” mariing sabi ni Lander. “But what’s mine is mine. End of freaking story.” Natigilan siya nang bigla na lang dumukwang ang babae palapit sa kanya at hinalikan siya sa gilid ng kanyang bibig.

“What’s mine is mine, too,” sabi nito. “Kaya kapag may ginawa kang kalokohan, babarilin ko kayong dalawa ng higad mo.”

That made him smile. Jealous Vienna made his heart flutter. God! What this woman could do to his heart was beyond his understanding.

“Teka.” Sumulyap siya rito. “Sino ba talaga si Hellion? Bakit siya ang tinawagan mo? At anong perimeter checking?”

Kaagad na naging mailap ang mga mata ni Vienna. “I can’t answer you, Lander.” Umiling ito. “Please huwag ka na lang munang magtanong, hindi ko `yan kayang sagutin ngayon.”

Napabuntong-hininga si Lander, saka humigpit ang hawak niya sa manibela. Sabi na nga ba at iyon ang sasabihin nito sa kanya. Bakit ba hindi na siya nasanay? Nag-concentrate na lang siya sa pagmamaneho. Nang makarating sila sa LaCars Building, pinatay niya ang makina ng sasakyan at humarap sa babae.

Sinalubong naman ng mga labi ni Vienna ang kanyang mga labi. Napaungol siya at kaagad ding sinagot ang halik nito. Unti-unting nabubuhay ang pagkalalaki ni Lander habang naglalaban ang mga dila nila ng babae. Parang mababaliw siya sa halikan nilang iyon.

“I’m sorry...” bulong ni Vienna sa mga labi niya. “Hindi kita kayang sagutin ngayon. Gustong-gusto kong malaman mo ang totoo, pero ayokong mapahamak ka nang dahil sa `kin.”

Sa halip na sagutin ito, siniil ni Lander ng mapusok na halik ang mga labi ng babae at mas pinalalim pa iyon. Wala sa sariling napahawak siya sa braso nito.

Vienna instantly pulled away. “Ouch!”

Napamulagat siya nang makitang dumudugo na naman ang sugat nito.

“Shit! I’m so sorry,” hinging-paumanhin niya, saka hinubad ang pang-itaas niyang damit at ibinalot iyon sa dumudugong braso ng babae. “Sa ospital muna kaya tayo? Nag-aalala ako sa `yo, eh.”

“Huwag kang mag-alala sa `kin. I’ve already experienced much worse than this.” Binuksan nito ang pinto ng kotse, saka lumabas.

Kaagad namang sumunod si Lander papasok ng entrance ng LaCars Building. Patay-malisyang naglakad siya nang napapantastikuhang tumingin sa kanya ang mga security guard. Siguro ay nagtataka ang mga ito kung bakit wala siyang damit-pang-itaas.

Laking pasalamat niya nang makapasok na sila ni Vienna sa elevator. “God, it’s cold,” aniya.

Lumapit ang babae, saka siya niyakap sa baywang. “Nilalamig ka pa?”

Mataman siyang napatitig dito. He could feel his heart beating wildly.

Nang makarating ang elevator sa destinasyon nila, sabay silang lumabas ni Vienna. At nang makapasok sila sa kanyang opisina, hinawakan siya nito sa braso at pinihit paharap dito. “`Di ba sinabi ko na sa `yo, huwag mong pagselosan si Hellion dahil hindi ko siya gusto at ikaw ang mahal ko—”

Natigil sa pagsasalita si Vienna nang hilahin ito ni Lander patungo sa kama na naroroon sa kanyang private chamber. Kaagad niya itong pinahiga at kinubabawan. Pagkatapos ay madamdaming hinalikan niya ang babae sa mga labi at niyapos.

“Lander—” Napamulagat si Vienna nang pumasok ang dalawa niyang kamay sa loob ng suot nitong pang-itaas at nagsimulang pisilin ang mayayaman nitong dibdib. “Oh…” ungol nito.

Pansamantalang pinakawalan ng babae ang mga labi niya, saka matiim na tumingin sa kanya. “Sa mga nangyari sa `tin ngayong gabi, gusto kitang maangkin nang paulit-ulit. Please let me. I want to ravish you, Vien. I want to make love to you.”

Napakagat-labi si Vienna. “Yes, Lander.” Sandaling inilapat nito ang mga labi sa kanya. “I want that, too.”