noveltoon logo noveltoon
Lander Storm (Possessive Series 4)

Chapter 15

Ch. 16 / 26 Feb 09, 2022

NAPAIGTAD si Vienna nang makarinig ng tikhim mula sa kanyang likuran habang nakaupo siya sa recliner na nakaharap sa swimming pool. Kakauwi lang niya galing China at napagod siya kaya naman kailangan niyang magpahinga dahil nasisiguro niyang mapapasabak siya sa labanan nitong mga darating na araw.

“You owe me an explanation,” sabi ng boses sa kanyang likuran.

Sumikdo ang puso ni Vienna nang marinig ang pamilyar na baritonong boses ni Lander. Kaagad niyang pinakalma ang puso, saka tumayo at humarap sa binata. “Umalis ka na, Lander.” Hangga’t hindi nawawala si Exxon, nasa panganib ang binata, lalo na’t kapag nakita silang magkasamang dalawa. “Baka mapahamak ka—”

“Bullshit.” Nangingiti ang ilalim na mga mata nito, mukhang kulang sa tulog.

Hindi niya ipinahalatang nag-aalala siya para kay Lander. Ang gusto niyang gawin sa mga sandaling iyon ay yakapin ang ito. “Umalis ka, please,” nagmamakaawang sabi niya.

Umiling ito. “No. You owe me an explanation—”

“I don’t owe you anything,” matigas ang boses na sabi ni Vienna pero parang kinatay ang puso niya nang mawala ang emosyon sa mukha ng lalaki. Pero kailangan niya itong ipagtabuyan para hindi ito mapahamak. “Umalis ka na, Lander, wala kang mapapala sa `kin.” Nilampasan niya si Lander at nang nasa pintuan na ay bigla itong nagsalita na nagpatigil sa pagtibok ng kanyang puso.

“Akala ko ba mahal mo ako?” tanong nito. “Ano `to ngayon? Naglalaro ka lang ba? Pinaglalaruan mo na naman ba ako? Tulad noon, iiwan mo ako sa ere nang gano’n-gano’n na lang?”

Napaawang ang mga labi ni Vienna habang pinipigilan ang mga matang gustong umiyak. “Umalis ka na, Lander. Please, iwan mo na ako.” Iyon ang pinakamasakit sa lahat ng sinabi niya sa lalaki. “Huwag ka nang babalik dito sa bahay.” Nahulog ang isang butil ng luha sa mga mata niya. “Please lang—” Kinagat niya ang ibabang labi. “—ayaw na kitang makita pa.” Pagkatapos ay mabilis siyang pumasok sa kabahayan. Nang maisara ang pinto, doon niya hinayaan ang mga luha na mamalisbis sa kanyang mga pisngi.

Sinapo ni Vienna ang bibig nang papalakas na nang papalakas ang hikbing lumalabas doon. Mahal na mahal niya si Lander at ang pinakamahirap niyang ginawa sa tanang buhay niya ay ang itulak ito palayo. God knew how much she wanted to keep him, to love him, but he would be in danger if she let her heart cloud her better judgment.

No! She had to keep Lander safe. At kung ang kapalit niyon ay ang pagkadurog ng puso niya, kakayanin niya para sa lalaking minamahal.

Napaigtad si Vienna nang parang may sumuntok sa pintong pinasukan niya. “Damn it, Vienna! Talk to me! Hindi ako aalis hangga’t hindi mo ako kinakausap! Hangga’t hindi ka nagpapaliwanag sa `kin!”

Pinakalma niya ang sarili, saka sumigaw pabalik sa binata. “Umalis ka na!” Pinigilan niyang mangatal ang kanyang boses. “Please, Lander, just leave me alone. Please.”

“No, Vienna— ”

“Leave me the fuck alone!” sigaw niya, saka patakbong tinungo ang kuwarto niya at doon hinayaan ang sariling umiyak nang umiyak.

“VIENNA, may problema tayo,” sabi ni Hellion na nakikipag-usap sa kanya sa pamamagitan ng mini-speaker na nasa tainga niya. “Kanina ko pa sinusundan ang kotse ni Lander Storm sa pamamagitan ng satellite at nakita kong may sumusunod sa kanyang isang kotse at dalawang motorsiklo.”

Kinain ng takot at kaba ang puso niya. “Give me the coordinates and I’ll be there in a jiffy.”

Mabilis namang ibinigay sa kanya ng lalaki kung nasaang parte si Lander. Pagkatapos ay mabilis na rin niyang tinapos ang palihim na paglalagay ng tracking device sa mga sasakyan ni Mr. Exxon, saka maingat na lumabas sa garahe ng bahay nito. Pagkatapos ay patakbong tinungo ang motor niya at pinaharurot iyon patungo kay Lander.

“Kinonekta ko ang GPS mo sa location ni Lander,” sabi ni Hellion. “Tell me if you need help.”

“Okay.”

Mas pinabilis pa ni Vienna ang pagmamaneho. Napamura siya nang makita sa GPS na nakakonekta sa motorsiklo niya ang kinaroroonan ni Lander. Nasa freeway ito, hindi masyadong ma-traffic sa daang iyon sa mga oras na iyon. Mas binilisan pa niya lalo ang pagmamaneho at nang paliko na siya at papasok sa freeway, tinawagan niya ang lalaki. Matagal bago nito sinagot ang tawag. Pero ganoon na lang ang gulat niya nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa kabilang linya.

Kinain ng takot ang buong pagkatao ni Vienna. “Lander? Lander!”

“Nandito ako,” nagpa-panic na sabi nito at parang pinipilit lang maging matatag.

“Just keep on driving, baby. Malapit na ako sa `yo.”

“Ano? Huwag!” pigil ni Lander. “Hayaan mo na ako, kaya ko ang sarili ko!”

Hindi niya ito sinagot at mas binilisan pa ang pagmamaneho. At muling inatake ng takot at kaba ang puso niya nang makita ang dalawang magkahiwalay na lalaking nakasakay sa motorsiklo ang bumabaril kay Lander.

“Vienna? Vienna?” May pagpa-panic sa boses nito. “Please don’t come. Baka mapahamak ka. Please… please, don’t.”

Galit na nagtagis ang mga bagang ni Vienna, saka kinuha ang silencer na naka-strap sa gilid ng kanyang hita. Walang mentis na binaril niya ang dalawang lalaki. Sabay na natumba ang dalawa.

“Tumigil ka, Lander, pero huwag kang lalabas ng sasakyan,” utos niya sa binata na nasa kabilang linya pa rin. Hindi sumagot si Lander pero nakita niyang tumigil ang kotse nito. Mabilis niyang ipinarada ang motorsiklo sa likuran ng sasakyan nito, saka tumakbo palapit sa driver’s seat at kumatok sa bintana. Nang buksan ng lalaki ang pinto, nakita niyang mahigpit ang hawak nito sa manibela, namumutla ang buong mukha. “Umusog ka doon sa passenger seat,” utos niya.

Walang tanong-tanong naman na lumipat ito sa passenger seat.

“Hellion,” pagkausap ni Vienna sa partner niya na nasa kabilang linya nang makaupo na siya sa driver’s seat. “Pick up my motorcycle. Thanks. Bye.” Inalis niya ang mini-speaker sa tainga, saka iyon ibinulsa. Pagkatapos ay mabilis na niyang pinaharurot ang sasakyan paalis.

Nabalot ng katahimikan ang loob ng kotse hanggang sa basagin iyon ni Lander. “Explain, Vienna.”

Umiling siya. “Iuuwi kita at mananatili ka sa bahay mo hanggang sa maayos na ang lahat—”

“Explain!” galit nitong sigaw. “You were carrying a gun for Christ’s sake, Vienna! Normal lang na magtanong ako kung bakit!”

Umiling uli siya. “Hindi ko puwedeng sabihin—”

“Palagi na lang `yan ang sinasabi mo!” May panginginig sa boses ng lalaki. “Am I not worthy to know the truth?”

“Please, Lander.” Huminga si Vienna nang malalim. “Huwag mo akong kulitin ngayon, hindi kita masasagot.”

“But, Vienna—”

“Mahal kita, Lander,” sabi niya, saka inabot ang kamay nito at pinisil iyon. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi nito binawi ang kamay. “Mahal kita at `yan lang ang kaya at puwede kong sabihin sa `yo. Mahal kita at hindi kita ipapahamak kaya ginagawa ko `to. So please, stop asking questions that I’m not allowed to answer.”

“Pero, Vienna—”

“Hindi pa ba sapat na sabihin ko sa `yong mahal kita?” deretsong tanong niya kay Lander.

Malakas itong napabuntong-hininga. “Sige, pagbibigyan kita, pero ipangako mo sa aking magpapaliwanag ka pagkatapos ng lahat ng `to.”

Huminga si Vienna nang malalim. “Okay.” Nakahinga siya nang maluwag nang makapasok sila sa Bachelor’s Village. Kahit papaano ay safe dito. Mas pinaigting kasi ng may-ari ng village ang seguridad pagkatapos ng nangyari sa bahay ni Cali. “Pumasok ka sa bahay mo,” utos niya kay Lander nang maiparada niya ang sasakyan sa labas ng bahay nito. “Hintayin mo ako sa loob. Kukuha lang ako ng bala.”

Mabilis na lumabas ng sasakyan ang lalaki, saka pumasok sa bahay nito. At mabilis siyang nagtungo sa bahay ng kapatid para kumuha ng baril, pagkatapos ay agad siyang lumipat sa bahay ni Lander kung saan nasa sala ito at mukhang hinihintay siya.

“You’re staying with me, right?” tanong nito nang salubungin siya.

“Oo. Kailangan kitang bantayan pagkatapos ng mga nangyari.”

Tumango ang lalaki, saka tumitig sa kanyang mga mata. “Shall we?” Iminuwestra nito ang kamay sa hagdan patungong second floor.

Tumango si Vienna, saka nauna nang umakyat dito.