NAPAIGIK si Lander nang maramdamang sumakit ang likod niya nang subukan niyang bumangon. Vienna pushed him back to bed causing the pain to double.
“Fuck!” Pinukol niya ito ng masamang tingin, saka sapilitang tinanggal ang oxygen mask. “That hurts, Vien.”
Napangiwi ang babae. “Sorry.” Ginawaran siya nito ng halik sa noo. “Magpahinga ka lang, okay? Hindi ka pa puwedeng maggagagalaw. Try not to move, Lander.”
He grimaced in pain. “Trust me, I’m trying.”
Sinuklay ni Vienna ang kanyang buhok. “Humiga ka lang diyan, okay? Tatawagin ko ang doctor para sabihing gising ka na.”
Tumango si Lander at hinayaan itong lumabas ng kuwarto kahit ang gusto niya ay ang yakapin siya nito nang mahigpit. He wanted to feel her body next to his.
Nagsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya natakot nang maramdaman ang bala na tumama sa kanyang likod. Takot na takot siya na baka mamatay siya at makahanap ng iba si Vienna. Baka minulto niya ang lalaki kung nagkataon. Pero mas natakot siya na ang babae ang tamaan ng bala. Natakot siya na mawala ito sa kanya.
Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik si Vienna at may kasama itong lalaki na sa hula niya ay ang doktor. Biglang sumama ang pakiramdam niya nang makita niya kung paano nito tingnan ang babae.
Lander felt smug when Vienna went to his side and kissed him.
“Magiging okay ka na,” sabi nito na puno ng pamamahal na ngumiti.
Kaagad namang gumaan ang pakiramdam niya. “My back hurts.” He gave her a puppy dog face. Wala siyang pakialam kung may doktor sa harap nila.
“You’ll be fine.” Hinaplos ng babae ang pisngi niya. “Masakit lang talaga `yan kasi kakaopera mo pa lang. Huwag kang masyadong maggagagalaw.”
Biglang nagsalita ang doktor. “Tama ang sinabi ni Miss Sugon. Kailangan hindi ka maggagagalaw para madaling gumaling ang sugat mo.”
Ngumiti si Lander nang pilit. “Salamat.”
Nang makaalis ang doktor, maingat siyang niyakap ni Vienna. “So mahal mo ako?” tanong nito habang yakap siya.
“Mahal na mahal,” sabi niya, saka bumaling dito nang maalala ang nangyari sa kanila sa barko ni Mr. Exxon. “I want to kill them for hurting you, Vienna. Pakiramdam ko wala akong kuwentang lalaki kasi hinayaan ko silang gawin `yon sa `yo. Kung nakakasiguro lang ako na hindi ka na nila sasaktan kapag pinirmahan ko ang papeles na iyon, gagawin ko. Pero alam kong papatayin din naman nila tayo. I’m so sorry for letting them beat you up.”
“Okay lang ako. Minor bruises compared to yours.” Hinaplos ni Vienna ang kanyang buhok. “Sinalo mo ang bala para sa `kin, Lander. Kaya huwag mong iisipin na wala kang kuwenta. Because what you did was more than enough. Sobra-sobra na. Ibinuwis mo ang buhay mo para sa akin, ako ang walang kuwenta kasi hindi kita naprotektahan katulad ng ipinangako ko.”
Napailing-iling si Lander. “You protected me, Vienna, for as long as you could possibly protect me. Sapat na sa akin `yon. At please lang, huwag na nating pag-usapan `yon, nakaraan na `yon. Ang mahalaga, buhay ako, buhay ka, at dapat natin `yong ipagpasalamat.”
Tumango ang babae at malapad na ngumiti. “Tama ka.”
Mataman niya itong tinitigan. “Kapag nakalabas ako ng ospital, magse-celebrate tayo. At sisiguruhin kong hindi ka na makakalakad pagkatapos nating mag-celebrate.”
Mahinang natawa si Vienna. “Iba naman `yang celebration na nasa isip mo, eh.”
Tumawa si Lander na nauwi sa ngiwi. “Shit! Ang sakit ng likod ko.”
Napailing-iling ang babae. “`Yan kasi, ang halay-halay, eh, nakaratay ka nga. Bago ka makapag-celebrate, magpagaling ka muna. Promise, may premyo ka sa akin kapag gumaling ka nang mabilis.”
“Talaga?” Nanlaki ang kanyang mga mata. “Ano naman `yon?”
“Secret. Abangan mo na lang.”
Kung may record man sa pasyenteng mabilis na gumaling pagkatapos barilin, tatalunin niya iyon. Excited na siya para sa premyo niya. Yes!
PAGKALIPAS ng dalawang linggo, nakalabas na si Lander ng ospital. Sa dalawang linggong iyon, madalas bumisita sa kanya ang dalawang kapatid. Vienna got along well with his twin and little sister. Nakakagaan sa pakiramdam na nagbibiruan ang mga ito at mabuti ang pakikitungo ni Lance sa babae.
Maingat ang paglalakad niya palabas ng ospital, nasa tabi niya si Vienna at inaalalayan siya sa paglalakad. Nauna nang umuwi ang mga kapatid niya. Nagsara na ang sugat sa likod niya kaya naman puwede na siyang gumalaw nang ayon sa gusto niya. At gusto na niyang umuwi. Gusto na niyang masolo ang babae.
Nang makapasok si Lander sa Audi niya, napatingin siya sa driver’s seat kung saan naroon si Vienna. Iyon ang pangalawang beses na iba ang magmamaneho ng sasakyan niya.
“Saan mo naman ako dadalhin?” tanong niya nang paandarin na nito ang sasakyan.
Nagkibit-balikat ang babae, ang mga mata ay nakatutok sa kalsada. “Sa bahay mo, saan pa ba? Magpapahinga ka do’n.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Magpapahinga na naman?” Napasimangot siya. “Vienna naman, eh! Nasaan na ang premyo ko?”
Natatawang pinaikot ni Vienna ang mga mata. “Magaling ka na ba? Kaya nga, `di ba, sabi ng doctor, bawal kang magbubuhat ng mabibigat na at kasama na doon ang sex.”
Napangisi si Lander nang maintindihan ang sinasabi nito. “Ang ibig mong sabihin, sex ang premyo ko? Nice.” He wiggled his eyebrows. “I’m excited.”
Pinukol siya ng babae ng masamang tingin, saka ibinalik ang atensiyon sa daan. “Wala kang premyo hanggang sa sigurado akong maayos na talaga ang kalagayan mo.”
Bumagsak ang mga balikat niya sa narinig. “Argh! I hate you, wound.”
Tinawanan lang siya ni Vienna. “Gagaling na `yan basta huwag lang matigas ang ulo.”
“Magaling na nga siya. Naghilom na nga, eh.”
Bad trip si Lander hanggang sa makarating sila sa bahay niya. Shockingly, malinis iyon nang makapasok sila. Lalo na ang kuwarto niya na inaasahan niyang may mga bubog pang nagkalat dahil sa nabasag na sliding glass door sa terrace. Pero maayos na iyon na parang walang nangyari. Naroon na rin ang maleta kung saan nakalagay ang mga gamit ni Vienna. Ang huli niyang naalala, ang maletang iyon ay nasa private chamber niya.
Wow.
“Surprise,” nakangiting sabi ni Vienna nang pumasok sa kuwarto dala ang mga gamit niya na dinala ng mga ito sa ospital.
“Sino’ng salarin sa pagpapaayos ng sliding door ko?” pabiro niyang tanong habang may malapad na ngiti sa mga labi.
“Your friends, of course. Namely Calyx, Cali, and Shun.” Biglang naglaho ang ngiti nito sa mga labi. “Speaking of Shun, nakakairita ang lalaking iyon. Hindi man lang nagsabi ng totoo na kaibigan ka pala niya. Argh!”
“Kilala mo si Shun Kim?” Naguguluhang napakunot-noo si Lander. “Ano’ng hindi nagsabi?”
Humarap sa kanya si Vienna pagkatapos nitong ibalik ang mga damit niya sa closet. “Hindi ba, kilala mo si Hellion?”
“Hindi ko siya kilala at ayoko siyang kilalanin. He just checks perimeters, that’s all,” naiiritang sagot niya. “At ano naman ang kinalaman ng lalaking `yon?”
Bumuntong-hininga ang babae. “Si Hellion at si Shun Kim na kaibigan mo ay iisa lang. Nalaman ko lang `yon nang dinala ka sa ospital. Binisita ka niya at pinapasabi niyang ‘get well soon.’”
Napanganga si Lander sa balitang iyon. No fucking way! “Ang gagong `yon,” sabi niya at kinuha ang cell phone na nasa bulsa nang pantalon niya, saka tinawagan si Stephanie.
“Stephanie, pakikuha ng folder na nasa right side ng mesa ko. Titulo `yon ng lupa. Ipadala mo dito sa bahay ko at ipapakain ko `yan kay Shun Kim. Nag-advance payment pa naman ako sa kanya, nagsisinungaling pala siya sa `kin.”
“Ho?” gulat na tanong ng sekretarya.
“Send it to my home immediately. Bye.” Tinapos niya ang tawag, saka humarap kay Vienna na nakakunot ang noo.
“Ano’ng nakain mo? Bad trip ka rin kay Shun Kim?”
“You have no idea,” nanggigigil sa inis na sagot ni Lander.
NAGUGULUHAN man si Vienna sa iritasyon na nakapinta sa mukha ni Lander, hindi na siya nagtanong. Kung anuman ang kinaiinisan nito kay Shun Kim, sa lalaki na iyon, at labas na siya roon.
Inayos niya ang higaan ni Lander at tinapik-tapik ang unan. “Halika dito. Mahiga ka na, kailangan mong magpahinga.”
Napasimangot ang binata. “Ayoko pang mahiga. Let’s go to the backyard. May duyan ako do’n. Do’n tayo, please?” Ang lambing ng boses nito at siyempre, walang nagawa ang marupok niyang puso kundi ang pumayag.
Inalalayan niya ito habang naglalakad sila patungo sa likod-bahay. Nang makarating sila sa duyan, si Lander ang unang humiga, saka siya tumabi rito.
“The weather is nice today,” sabi nito mayamaya.
“Yeah. Ang aliwalas ng kalangitan.”
“Oo nga.” Ipinikit nito ang mga mata. “Vienna?”
“Hmm?”
“Do you want me to be your husband?”
Sumikdo ang puso ni Vienna sa narinig. Was he insinuating something? “Hindi mo naman kailangan sundin ang sinabi ni Daddy na pakasalan mo ako—”
“‘Yes’ or ‘no’ lang ang sagot sa tanong ko, Vienna.” Nagmulat ito ng mga mata at bumaling sa kanya. “Is it a yes or a no?”
Napatitig siya kay Lander. Hindi na kailangang pag-isipan pa ang sagot sa tanong nito. “Yes.”
He smiled. It was the kind of smile that melted her insides. God! “Good answer.” Pinagsalikop nito ang kamay nila. “I love you, Vienna. And I’ll risk my life for you anytime.”
Lumobo ang puso niya sa sinabi nito. “I love you, Lander. So much.”
Pinisil ni Lander ang kamay niya at muling pumikit. “Sana ganito na lang tayo palagi, `no? Pero alam kong hindi mo iiwan ang pagiging agent mo at magkakaroon ka ng mga misyon na kailangan mong pumunta sa ibang bansa. Mag-aalala ako siyempre, pero kailangan kong sanayin ang sarili ko at pagkatiwalaan ka na hindi mo ipapahamak ang sarili mo.”
Alam ni Vienna ang pakiramdam na mag-alala para sa kaligtasan ng isang minamahal. At ayaw niyang maramdaman iyon ni Lander. Siguro naman sapat na ang serbisyo na ibinigay niya sa agency nila. Pinisil niya ang kamay nito. “Everything will be fine, Lander.”
“I know.” Pinisil pabalik ng lalaki ang kanyang kamay. “Magiging maayos ang lahat kasi nandito ka na sa tabi ko. Just don’t leave my side and everything will be fine.”
“Hindi ako aalis sa tabi mo. Pangako.”
“That’s good to hear, Vien.”
NAKAUPO si Vienna sa sofa ng kuwarto ni Lander habang nakaharap sa laptop niya. Sinamantala niya ang pagkakataong tulog ang binata para kausapin niya ang kanyang daddy sa Skype. Tatlong linggo na ang lumipas mula nang makalabas si Lander sa ospital at maayos na ang lagay nito.
“Are you sure about this, Vienna?” paniniguro ng ama.
Tumango siya. “Oo, Dad. Sigurado na ako.”
Napatango-tango ito, saka may sinusupil na ngiti sa mga labi. “Did he ask you to marry him? Or are you pregnant?”
Pinaikot ni Vienna ang mga mata. “Dad, huwag kang excited.”
Tumawa nang mahina ang ama. “What? Since you are a woman, the agency will only allow you to leave if you are pregnant or married. Are you?”
“Hindi ako buntis, Dad.” Napasimangot siya. “Can’t you pull some strings for me?”
“Sorry, sweetie.” His father had this apologetic look on his face. “A rule is a rule. Get pregnant first so you’ll have a valid reason for leaving.”
Nagpakawala si Vienna ng malalim na hininga, saka napatitig kay Lander na mahimbing na natutulog. Ibinalik niya ang tingin sa daddy niya. “Magpapabuntis muna ako bago ako hayaang makaalis sa agency? Sige, noted `yan, Dad.” Isinara niya ang laptop, saka lumapit sa tabi ng binata. Pinakatitigan niya ang guwapo nitong mukha.
Buntis pala, ha? Maghintay ka lang, Daddy.
Maingat na sumampa si Vienna sa kama, saka ipinuwesto ang sarili sa ibabaw ni Lander. Pagkatapos ay tumitig siya mga labi nitong bahagyang nakaawang. Napalunok siya nang makaramdam ng pagkauhaw sa halik ng lalaki. Kaya naman inilapat niya ang mga labi sa mga labi nito.