noveltoon logo noveltoon
Lander Storm (Possessive Series 4)

Chapter 20

Ch. 21 / 26 Feb 09, 2022

GAMIT ang Hummer ni Hellion, nagtungo si Vienna sa pier na sinasabi nito. Pinagdarasal niya na sana walang mangyaring masama kay Lander habang wala siya. Maraming tao sa LaCars Building at may mga security guard pa kaya malabong mangyari na makapasok si Exxon doon.

Nang makarating sa nasabing pier, hindi siya nahirapang hanapin ang barko na kinalululanan ng mga sasakyan ni Lamar Exxon. It had an Exxon Cargo written on the side.

Huminga si Vienna nang malalim, saka isinukbit nang mabuti ang duffel bag sa balikat niya. Kinuha niya ang baril sa gun holster na nasa baywang niya, pagkatapos ay naglakad siya papasok ng barko.

Habang maingat na naglalakad, paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang sinabi ni Hellion habang nasa sasakyan siya.

“The C-4 is already set and the time is running. You only have ten minutes and it will detonate. Bago pa mag-ten minutes, dapat nakaalis ka na sa barkong iyon. I will detonate the bomb on Exxon Garage in exact time as the cargo ship.”

Nang makapasok si Vienna sa barko, humigpit ang hawak niya sa kanyang silencer gun. Mas makakabuting walang tunog ang pagputok ng baril para hindi makakuha ng atensiyon. Ang misyon niya ay ilagay ang mga C-4 sa bawat sulok ng barko, hindi ang makipag-barilan sa mga ito. Aminado siya na wala siyang laban sa mga tao ni Exxon. Nag-iisa lang siya at marami ang mga ito.

She was good at planting bombs and making something explode.

Maingat siyang naglalakad nang may nagsalita sa kanyang likuran.

“Ibaba mo ang baril mo.”

Itinirik ni Vienna ang mga mata. Para namang makikinig siya. Mabilis siyang lumuhod at umikot paharap, sabay kalabit ng gatilyo ng baril na hawak. Napatingin siya sa lalaking humandusay sa sahig na nag-uumpisang maligo sa sariling dugo. Sa halip na makonsiyensiya, mas nadagdagan pa ang inis niya. Bakit ba ang daming masasamang-loob sa mundong ito?

Iniwan niya ang bangkay at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa lower deck ng barko, doon niya balak ilagay ang C-4. Nakarating siya sa lower deck nang walang masyadong aksiyon. Panay ang tago niya kapag nakakakita ng tauhan ni Exxon. As much as possible, ayaw niyang kumitil ng buhay. Pumapatay lang siya kapag wala na talagang ibang pagpipilian.

Dahan-dahang itinulak ni Vienna ang pinto ng lower deck. Napahiyaw siya at biglang naisara ang pinto nang may bumaril sa kanya mula sa loob. “Fuck!”

Mabilis siyang tumakbo pabalik sa main deck. Nang marinig niyang bumukas ang pinto ng lower deck, mas binilisan pa niya ang kilos. Nasa main deck na siya nang biglang may lumabas na lalaki na nagtatago sa isa sa mga sasakyang naroon at tinutukan siya. Naabutan na rin siya ng kung sinumang humabol sa kanya at inilapat ang dulo ng baril sa likod niya.

There’s no way out! Fuck!

Kung lalabanan ni Vienna nang hand-to-hand combat ang nasa harap niya, babarilin siya ng nasa likuran niya. Ang makakabuting gawin ay maghanap ng magandang tiyempo. Hindi siya babarilin ng mga ito. May balak itong iba sa kanya, nararamdaman niya. Dahil kung nasa isip ng dalawa ay ang patayin siya, kanina pa sana iyon ginawa ng mga ito.

“Hinihintay ka ni Boss,” sabi ng lalaking nasa harap niya.

“Dalhin n’yo ako sa kanya.” Sa pamamagitan niyon ay makakapag-isip siya ng paraan para makatakas sa barkong iyon.

Inagaw sa kanya ng isang lalaki ang baril na hawak niya at hinawakan siya ng mga ito sa magkabilang balikat. Nagtatagis ang bagang niya habang naglalakad. Nang makarating doon, kaagad niyang nakita si Lamar Exxon na nakaupo sa pandalawahang mesa. May kausap ito na nakatalikod sa kanya.

Inatake si Vienna ng kaba nang makilala ang likod ng lalaki.

No way! He’s safe! He’s in his office!

“No…” Baka mali lang siya ng pagkakakilala.

Ngumisi si Exxon nang makita siya. “Miss Sugon, it’s nice of you to join us. Come here.”

Binitawan siya ng dalawang lalaki dahil nasisiguro na mga ito na hindi siya gagawa ng kahit na ano. Bukod kay Exxon ay may sampung kalalakihan na naroon at nakatutok ang baril ng mga ito sa kanya.

Naglakad si Vienna palapit sa demonyo habang nagdarasal na sana mali siya ng akala.

But no! She was not! Si Lander nga ang kausap nito na nakatalikod sa kanya.

“Lander…” naibulong niya nang makita na niya ito nang harapan. Nakagapos ang lalaki sa upuan, may pasa sa pisngi at dumudugo ang mga labi nito. “Oh, God… ano’ng ginawa nila sa `yo?”

Lander just looked at her, fear and worry were visible in his blue eyes. “Vienna, go… escape.”

Nanubig ang kanyang mga mata. “Hindi…”

Biglang tumawa si Lamar Exxon. “Nagtataka ka siguro kung bakit may pasa ang boyfriend mo, Miss Sugon.”

Dumako ang mga mata ni Vienna sa lalaki. Gusto niyang itama na hindi niya “boyfriend” si Lander pero wala naman iyong magagawang maganda sa kanila. “Ano’ng ginawa mo sa kanya?” sa halip ay tanong niya.

Nagkibit-balikat ang hayup. “Pinapapirma ko siya sa isang kasunduan na hindi ko kayo papataying dalawa basta ibigay niya lang sa akin ang lahat ng sasakyan na nasa LaCars Garage. At siyempre pa, ako na ang magiging may-ari ng LaCars Import and Exports. Bagay naman sa `kin, hindi ba?”

Hindi niya napigilang umingos. “Hindi bagay sa magnanakaw na katulad mo na pamahalaan ang kompanyang dugo at pawis ang ipinuhunan ni Lander. Ang bagay sa `yo, mamatay kasama ang magnanakaw mong mga tauhan.”

Tumawa si Exxon.. “Well, Mr. Storm didn’t sign the contract so I will take the liberty of killing you in front of him.”

Naramdaman ni Vienna ang paninigas ni Lander sa kinauupuan. Puno ng takot at pag-alala ang mga mata nito pero nagawa pa rin niyang ngitian ang lalaki.

“Okay lang ako,” sabi niya.

“Pero dahil mabait ako,” biglang sabi ni Exxon. “Bibigyan kita ng pagkakataong lumaban. My two men versus you,” sabi nito, sabay turo sa kanya. “Tingnan natin kung kaya mo.”

Mabilis na binitawan ni Vienna ang duffel bag na nakasukbit sa kanyang balikat at malakas na sinipa ang kamay ng lalaki na mabilis na lumapit sa kanya. Tumilapon ang dalawang baril na hawak nito. Ikinuyom niya ang dalawang kamay at pumosisyon.

Itinapon ng dalawang lalaki ang mga hawak na baril at pumosisyon na rin. Tanging utos na lang ni Exxon ang hinihintay ng mga ito.

“Kill her,” utos ni Exxon at kasabay niyon ay ang sabay na pag-atake sa kanya ng dalawang lalaki.

HINDI kayang tingnan ni Lander si Vienna na nakikipaglaban. His heart was in his throat and he was unable to move. Panay ang tingin niya sa baril ni Exxon na inilapag nito sa ibabaw ng mesa nang mag-umpisang makipaglaban ang babae. Kung pupulutin niya ang baril na iyon, ilang segundo ba ang mayroon siya bago barilin ang mga tauhan ng lalaki? Hindi siya puwedeng gumawa ng padalos-dalos na desisyon.

“So, Mr. Storm—” biglang sabi ni Exxon. “—ready to sign the contract?”

Walang buhay siyang ngumiti. “No. Hindi ko sa `yo ibibigay ang LaCars.”

Nagkibit-balikat ito. “Okay, ikaw ang bahala,” sabi nito, saka tumingin kay Vienna na nakikipaglaban pa rin.

Lander dragged his eyes towards Vienna. Para siyang mamamatay nang makitang sinsisipa ito ng dalawang lalaki sa tiyan. Oh, God! “Please, ako na lang ang ipabugbog mo,” biglang pakiusap niya.

Mala-demonyong ngumiti si Mr. Exxon. “It’ll be your turn later, huwag kang mag-alala. Saka kaya `yan ng girlfriend mo. She’s an agent.”

May hinala na si Lander tungkol kay Vienna pero nagulat pa rin siya nang marinig iyon. At mukhang napansin iyon ni Mr. Exxon.

“Mukhang nagulat ka. Hindi ba niya sinabi sa `yo?” Napapalatak ang lalaki. “I pity you.” Napailing-iling ito. “Ganoon talaga ang ahensiyang pinagtatrabahuhan niya. They don’t want people to know the truth, or else, they’ll kill you and her.” Tumawa si Exxon na parang isang baliw. “See?” Itinuro nito si Vienna na bugbog-sarado na. “Buhay pa siya. Kung normal `yang babae, kanina pa `yan nawalan ng malay. Pero siya, gising pa rin. Pinapabilib niya ako masyado. Looks like she’s been trained very well by her agency. Well, siya lang naman kasi ang anak ng director ng agency na pinagtatrabahuhan niya kaya siguro gano’n. But I don’t care. Mamamatay din siya mayamaya lang.”

Nagtatagis ang mga bagang na ibinalik ni Lander ang tingin kay Vienna, panay ang atras at ilag nito sa bawat suntok at sipa ng dalawang lalaki. Napasinghap siya nang malakas nang biglang suntukin nang malakas ng isang lalaki ang babae sa mukha dahilan para bumagsak ang katawan nito at mapadapa sa sahig.

“No! Vienna!”

Humalakhak si Mr. Exxon. “Nakita mo na? Hindi siya bubuhayin ng mga tauhan ko. Kami pa kasi ang kinanti n’yo.” Pagkatapos, may sinenyasan itong lalaki na kunin ang dalang duffel bag ni Vienna. “Akin na `yan. Titingnan ko ang laman.” Nang maibigay ng lalaki ang duffel bag kay Exxon, malutong itong napamura. “Gamitin mo ang speedboat, ilayo mo ang duffel bag na iyan dito. Malayong-malayo, naiintindihan mo?”

“Opo, Boss.”

Ibinalik niya ang tingin kay Vienna, nakadapa ito sa sahig at gumagapang. Nang ma-realize kung saan ito papunta, bigla siyang naalarma. Sinusubukan ng babae na gumapang patungo sa baril na tumilapon kanina.

Get it, Vien, sigaw ni Lander sa kanyang isip. Kaya mo `yan!

“I’ll sign the contract,” sabi niya dahilan para mapatingin ang lahat sa kanya. Wala na ang atensiyon ng mga ito kay Vienna. That’s good. It’s working.

Ngumisi si Mr. Exxon. “Madali ka naman palang kausap, eh. Densio, pakikuha nga ako ng—” Hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil dalawang putok ang biglang umalingawngaw sa paligid. At kasabay niyon ay ang pagbagsak ng dalawang lalaki na kalaban ni Vienna kanina.

The response of Mr. Exxon and his men were fast and automatic.

Ang natitirang walong tauhan ng lalaki ay itinutok ang mga baril sa babae habang itinutok naman ang baril sa gilid ng ulo niya. Kinakabahan si Lander habang hinahanap ng mga mata si Vienna. Nakatayo ito sa gilid ng railing ng barko at may hawak na dalawang baril—ang isa ay nakatutok kay Exxon ang isa naman ay sa mga tauhan nito.

Naninikip ang dibdib niya habang nakatingin sa mukha ng babae may mga pasa. Sana siya na lang ang binugbog. Hindi niya kayang makitang ganoon ang hitsura nito.

“Mamamatay tayong lahat dito,” sabi ni Vienna sa matigas na boses. “`Yong duffel bag na— Fuck! Nasaan ang duffel bag ko?!”

To answer her question, isang malakas na pagsabog ang naganap malayong-malayo sa barko na kinalululanan nila.

Ngumisi si Exxon at lalong inilapit ang dulo ng baril sa kanyang ulo. “Sa tingin mo ba bobo ako? Ipinatapon ko na.”

Lander saw it. Hopelessness was written in Vienna’s almond eyes but she didn’t put down her gun. “That’s okay. May baril pa naman ako.”

“At nakatutok ang baril ko sa boyfriend mo,” pang-uuyam ni Exxon. “Sino sa atin ngayon ang nakakalamang?”

He looked her in the eyes. Kung iyon na nga ang huling pagkikita nila ng babae, kailangan niyang sabihin dito ang nararamdaman niya. Ayaw niyang mawala sa mundong ito nang hindi nasasabi ang tunay na nararamdaman.

“Vien?” Humigpit ang hawak ni Vienna sa baril, saka tumingin sa kanya. Nagtatanong ang mga mata nito. “I love you, Vien.”

Gumuhit ang gulat sa mukha ng babae at isa-isang pumatak ang mga luha, pagkatapos ay puno ng pagmamahal na tumingin sa kanya. “I’m sorry. Hindi ko sinabi sa `yo ang dahilan ng pag-alis ko. It’s against the rules of the agency I’m working for. Pero ayoko nang maglihim sa `yo, lalo na sa sitwasyon natin ngayon.” Humigpit lalo ang paghawak nito sa baril. “No’ng unang gabing may nangyari sa `tin, may misyon ako no’n na tinanggihan ko, ang partner ko ang sumalo sa `kin. `Tapos nalaman kong may namatay na civilian dahil kulang sa manpower ang nag-rescue sa kanila. Nang malaman kong may namatay, kinain ako ng konsiyensiya ko. Pero mas pinili pa rin kita, mas pinili ko pa ring makasama ka.

“Pagkatapos dumating ang second monthsary natin, may misyon uli ako. Tinanggihan ko iyon. Tulad ng nauna, my partner got me covered again. Madaling-araw no’n ng monthsary natin, nasa bahay mo ako noon kasama ka, nang tumawag ang boss ko at ibinalita sa `king patay na ang partner ko. Hindi ko naisalba ang mga taong iyon, ang kaibigan ko, kaya naman bilang kapalit, gusto kong pagbayaran ang buhay na nasira ko nang dahil sa pagiging selfish ko. Dahil do’n, may namatay at hanggang ngayon, mabigat pa rin sa loob ko ang pagkawala niya. Iyon ang rason kung bakit ako umalis, Lander. Alam kong makasarili ang rason ko, pero sa panahong iyon, kinain ng guilt ang buong pagkatao ko.”

“I understand, Vien. And it made me love you even more.”

Tumingin si Vienna sa kanyang mga mata. “Mahal din kita, Lander—”

“Tama na ang satsat!” sigaw ni Lamar Exxon. “Nasusuka ako sa kadramahan n’yong dalawa!” Pinagduldulan pa uli nito ang dulo ng barili sa ulo niya. “Ang dapat sa inyong dalawa, mamatay!”

Ipinikit ni Lander ang mga mata. Hinintay niyang pumutok ang baril, at nang marinig iyon, hinintay niya ang sakit. Pero walang nangyari. Hanggang sa nakarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril. Nagmulat siya ng mga mata at nakitang dumudugo ang tiyan ni Mr. Exxon. Nanlalaki ang mga ito habang nakatingin sa dumudugong tiyan.

Ipinalibot niya ang tingin nang wala nang marinig na putok ng baril. Hanggang sa dumako ang mga mata niya sa sampung kalalakihan na nakaitim at nakatutok ang mga baril sa mga walang buhay na mga tauhan ni Exxon.

“Who the hell—”

“Daddy!” masayang sigaw ni Vienna, saka sinugod nang mahigpit na yakap ang lalaking nasa gitna.

“Baby.” Medyo nasa mga late-fifties na ang lalaking nakayakap sa dalaga ngayon. “Thank God, you’re okay. We came here as fast as we could. Thanks to Hellion for giving us the coordinates.”

“I’m okay, Daddy. May pasa at may cut sa labi pero magiging okay din po ako.” Tumingin sa kanya si Vienna, saka inilahad ang kamay sa kanyang harap. “Come here, Lander.”

Tumayo si Lander at huminga nang malalim, pagkatapos ay naglakad palapit at tinanggap ang nakalahad nitong kamay. “Thank God, you’re okay,” sabi niya at niyakap nang mahigpit ang babae. “Akala ko katapusan ko na. Akala ko mawawala na ako at hindi na kita makikita pa uli. Mahal na mahal kita, Vienna. Mahal na mahal.” Mariin niyang inilapat ang mga labi sa mga labi nito.

Biglang may tumikhim sa harap nila.

Mabilis na naghiwalay ang mga labi nila ni Vienna at napatingin siya sa ama nitong nakalimutan niyang nasa harap pala nila.

“Sir,” sabi niya at tinanguan ito. “I’m Lander Storm,” pagpapakilala niya, sabay lahad ng kamay dito.

Hindi tinanggap ng lalaki ang pakikipagkamay niya at matalim ang mga matang tiningnan siya. “You better have plans on marrying my daughter because I just saw you kiss her.”

“Dad!” saway ni Vienna sa ama.

Nagkibit-balikat lang ang lalaki. “What? I am your father and it is my duty to scare the shit out of your boyfriend.” Muling tumalim ang mga mata nito nang tumingin sa kanya. “So, are you going to marry my daughter?”

Mabilis na tumango si Lander. “Absolutely, Sir.”

“Good answer. Or else I’m going to kill you and I’m not kidding.”

“Yes. I’ll marry her.”

Tumango ito, saka bumaling sa anak. “Tell him, Vienna.”

Nanlaki ang mga mata ng babae. “P-uwede ko nang sabihin sa kanya ang lahat?”

“Yes, baby.”

Pagkatapos ay wala sa sariling napalingon si Lander sa kinauupuan niya kanina. Nanlaki ang kanyang mga mata at nilukob ng takot ang buo niyang pagkatao nang makitang nakatayo ang may tamang si Lamar Exxon, nakatutok ang baril nito kay Vienna.

He moved instinctively. Hindi puwedeng masaktan muli ang babaeng mahal niya. Niyakap niya ito at nang makarinig ng putok, naramdaman niya ang pagsigid ng hindi maipaliwanag na sakit sa kanyang likod niya hanggang sa biglang nagdilim ang paningin niya.

Bago mawalan ng malay si Lander, narinig niyang sumigaw si Vienna at may sunod-sunod na putok ang umalingawngaw bago siya tuluyang kinain ng kadiliman.