noveltoon logo noveltoon
Lander Storm (Possessive Series 4)

Chapter 16

Ch. 17 / 26 Feb 09, 2022

ABOT-ABOT ang kaba ni Vienna habang nakaupo sa harap ng mesa ng direktor ng ahensiyang pinagtatrabahuhan niya. In short, ito ang boss niya. Pinatawag siya ng direktor pagkalapag na pagkalapag ng eroplanong sinakyan nito mula London patungong Pilipinas at agad siyang pinapunta sa isa sa headquarters nila na nakabase sa Manila.

“Do you know why you’re here?” tanong ng boss niya habang matiim na nakatingin sa kanya na parang binabasa ang nilalaman ng kanyang isip.

Tumango si Vienna. Alam niyang nakarating na rito ang balita na may nakakita sa kanya habang pinoprotektahan ang sarili laban sa mga lalaking sumugod sa bahay ni Cali. Napag-alaman niya mula kay Hellion na ipinadala ang mga iyon ni Lamar Exxon para iligpit siya. “I’m here because of Lander Storm,” sagot niya. “He saw me fighting and killing those men.”

Tumango-tango ang direktor. “What do you suggest we do, Agent Light? What do you think is the best possible way to solve this matter?”

“You can punish me for my incompetence, Sir. Just please don’t hurt him,” pagmamakaawa niya. “I’ll do anything. Please don’t hurt him. It was my fault and not his. I’ll take all the responsibility.”

Sa halip sa sumagot, tumayo ang direktor at lumapit sa malaking computer monitor na nakakabit sa dingding at nasa bandang kanan ng opisina nito. Pinindot ng matanda ang malapad na screen ng computer at bigla iyong nabuhay at nagliwanag. Humingi iyon ng fingerprint kaya naman inilapat ng director ang palad nito roon at kaagad iyong na in-scan ng computer. Pagkalipas ng ilang segundo, abala na ang matanda sa pagpindot-pindot sa monitor, pagkatapos ay tumigil nang may lumabas doong picture ni Lander.

Inatake ng kaba ang puso ni Vienna. Panay ang dasal niya na sana wala itong gawin kay Lander. Bakit naman kasi hindi siya nag-ingat? She compromises Lander’s safety!

“I have a mission for you,” sabi ng direktor at tumingin sa kanya.

“But I already have a mission—”

He narrowed his eyes at her. “New mission. No buts.”

Napipilitang tumango siya. “Okay.”

“Good.” Itinuro nito ang picture ni Lander. “Lamar Exxon now knows your relationship with Lander Storm. Mr. Storm’s life is now in danger and that’s because of you and your mission. I’ve received an information that Mr. Exxon is not only planning to steal all the cars of LaCars Import and Export, he is also going to end the existence of Mr. Storm, because Mr. Exxon is thinking that you might have spilled some information to Mr. Strom regarding Mr. Exxon’s thieving activities.”

“But I didn’t.” Nag-aalala na talaga si Vienna nang sobra kay Lander, lalo na’t wala sa tabi niya ngayon ang lalaki at nasa bahay lang nito.

“I know that you didn’t. Therefore, your new mission is to protect Lander Storm and his assets.”

Napamulagat siya. “What? I can’t.” Mabilis siyang napailing. “I know that you’re aware of my relationship with Lander Storm. He doesn’t trust me after everything that has happened—”

“That’s not my problem anymore,” anang matanda. “Protect him.”

“But, Sir—”

“Do something for him to trust you without telling him anything.” Tumuon ang matalim nitong mga mata sa kanya. “I’m warning you, Agent Light. We have protocols and you should abide by it.”

Bumagsak ang mga balikat ni Vienna. “Yes, Sir.”

Ngumiti ang direktor sa kanya. “Good luck, Vienna. And take care of yourself, please.”

Sinuklian niya ang ngiti nito. “Thanks, Dad.”

PAGKATAPOS makipag-usap ni Vienna sa ama, ipinahatid siya nito pauwi sa bahay ni Cali. Isang half Filipino-half American ang daddy niya kaya naging “Sugon” ang surname nito. Nang dalawang taong gulang pa lang ang ama, dinala na ito ng Amerikanang ina sa Amerika at doon pinalaki kaya hindi ito marunong mag-Tagalog. Gayunpaman nakakaintindi naman ito nang kaunti papaano. At nang makatapos sa kolehiyo ang daddy niya, bumisita naman ito sa Pilipinas at doon nakilala ang mommy niya niya na niloko rin naman ito.

Pero bago maghiwalay ang mga magulang ni Vienna, tinuturuan na siya ng iba’t ibang uri ng martial arts ng kanyang ama kaya naging malapit siya rito. Kaya nang maghiwalay ang dalawa, pinili niya ang kanyang ama. At noong nagkolehiyo siya, sinabi nito sa kanya ang tungkol sa tunay nitong trabaho. In her eyes, her father was a hero. At gusto niyang maging katulad nito na marami nang buhay ang naisalba, that’s why she joined the Human Protection Organization.

Noong una, ayaw ng ama ni Vienna, pero pumayag din ito kalaunan ng ipaliwanag niya ang rason kung bakit gusto niyang maging kasapi ng ahensiyang kinabibilangan nito. At dahil isa ito sa mga direktor ng HPO, hindi siya nahirapang makapasok.

Pagkalipas ng ilang oras na biyahe, nakarating din si Vienna sa bahay. At laking gulat niya nang makita ang mommy niya na nasa labas ng gate.

“Honey.” Ngumiti ito nang makita siya at kaagad siyang niyakap nang mahigpit.

Ngumiti siya kahit napipilitan. Ni hindi rin niya sinuklian ang yakap ng ina. “Ano’ng ginagawa n’yo dito?”

“Tinawagan ako ng daddy mo,” sabi nito at pinakawalan siya mula sa pagkakayakap. “Kailangan mo raw akong makausap.”

Mapait na ngumiti si Vienna. Napatawad na ng daddy niya ang mommy niya, pero siya, hinding-hindi makakalimot. Mula nang magkaayos ang kanyang mga magulang, palaging gumagawa ng kung ano-anong plano ang daddy niya para lang makapag-usap sila ng mommy niya, tulad na lang ngayon.

“Mother, wala akong kailangan sa inyo. Simula nang lokohin mo si Daddy, pinagbawalan ko na ang sarili ko na kailanganin ka. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa mong pag-iwan sa amin ni Daddy para lang sa lalaki mo.”

Bumadha ang lungkot sa mukha ng ina. Nakonsiyensiya si Vienna, pero agad ding nawala ang guilt na kanyang nararamdaman. Napalitan iyon ng pagtatampo para dito na iniwan sila para sumama sa daddy ni Cali.

“Mabuti naman at dito ka kay Cali nakatira,” pag-iiba ng mommy niya ng usapan. “Salamat naman at hindi ka galit sa kuya mo.”

Nalukot ang mukha niya nang marinig ang salitang “kuya . ” Letse!

“Hindi naman kasalanan ni Cali na iniwan mo kami. Kasalanan mo `yon at ng daddy niya.” Inayos ni Vienna ang pagkakasukbit ng bag sa balikat, saka naglakad papasok sa bahay, palayo sa inang malaki ang tampo na kanyang nararamdaman.

Nang makapasok sa kuwarto, kaagad na inilagay niya ang mga gamit sa travelling bag pati na rin ang mga baril na naiwan niya. May bago na siyang misyon—at iyon ay ang bantayan si Lander. Pero paano niya ipapaliwanag dito ang tungkol doon? Kung poprotektahan niya ang lalaki, kailangang kasama siya nito twenty-four-seven. At hindi niya magagawa iyon kung nandoon lang siya sa bahay.

Pagkatapos ilagay sa traveling bag and mga gamit niya, lumabas siya ng bahay at ini-lock iyon. Salamat naman at wala na doon ang kanyang ina. Mayamaya ay naglakad patungo sa bahay ni Lander.

NANG kumatok si Vienna sa pinto ng bahay ni Lander, kaagad nito iyong binuksan. Nanlaki ang mga mata ng lalaki nang makita siya. “Saan ka nagpunta?” tanong nito nang nasa sala na sila.

“May pinuntahan lang ako.”

“With Hellion?”

Napabaling siya kay Lander at natigilan nang makita ang madilim nitong mukha. “Bakit naman napasok si Hellion sa usapan?”

Nagtagis ang mga bagang nito. “You two seem close.”

Tumaas ang isang kilay niya. “O, `tapos?”

“Palagi mo siyang kasama.”

Napatitig si Vienna sa mga mata ng lalaki at napangiti nang makita ang emosyon sa mga mata nito. “Nagseselos ka?”

Tiningnan siya ni Lander nang masama. “Ano sa tingin mo?”

Natatawang nilapitan ni Vienna ang lalaki, saka iniyakap ang mga braso sa leeg nito. “Lander, wala ka namang dapat ipagselos kay Hellion. Ikaw ang mahal ko—”

“He knows you better than I do.” Nagtagis ang mga bagang ni Lander. “That’s what’s pissing me off, Vien. May alam siya sa `yo na hindi ko alam.” Kumuyom ang kamay nito. “I don’t like the thought of that man knowing you more than I do. Ako lang dapat ang nakakaalam ng mga sekreto mo. Ako lang dapat kasi akin ka. Akin…”

Hinaplos niya ang mukha ng lalaki at pinakatitigan ito sa mga mata. “Sa `yo naman talaga ako. Iyong-iyo ako.”

“Then why are you not telling me everything?” Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Lander. “Pakiramdam ko, hindi ako mahalaga sa `yo tulad ng sinasabi mo sa `kin. Ni hindi mo nga masagot ang mga itinatanong ko sa `yo. Pakiramdam ko, saling-pusa lang ako sa buhay mo. And as much as I want to deny it, it hurts like hell, Vienna.”

“Lander...” Ginawaran ni Vienna ng masuyong halik sa mga labi ang lalaki, saka binigyan-distansiya ang kanilang mga mukha para tumitig sa kulay-asul nitong mga mata na siyang umakit sa kanya noong una niya itong makita at makilala. Nginitian niya ito. “I came back for you, Lander. Nang umalis ako nang walang paalam, pinagsisihan ko `yon pero kailangan kong gawin `yon. At ngayon, heto ako, nagbabalik, at dahil `yon sa `yo.”

Umiling si Lander, halatang hindi naniniwala sa sinabi niya. “Kung para talaga sa `kin ang pagbabalik mo, sasabihin mo ngayon sa `kin kung bakit ka umalis in the first place.”

Nagbaba si Vienna ng tingin. She couldn’t tell him. She couldn’t! Gusto niyang sumigaw sa sobrang frustration na nararamdaman. Bakit ba hindi puwedeng maging simple ang lahat? Huminga siya nang malalim. “Can I stay here for a while?” tanong na lang niya mayamaya. “Puwede ba?”

“Okay lang.”

Nagulat siya sa mabilis na pagpayag ng lalaki.

“Follow me to your room,” anito.

Walang imik na sinundan ni Vienna si Lander sa second floor. Tumigil ito sa harap ng isang pinto.

“Ito ang magiging kuwarto mo,” sabi nito at itinuro ang kaharap na pinto ng magiging kuwarto niya. “And that is my room. Kung may kailangan ka, pumasok ka na lang. Hindi ko `yon ila-lock.”

Tumango siya at binuksan ang pinto ng kuwarto niya. Akmang papasok na siya nang magsalita ang lalaki.

“Sino ang mga lalaking `yon na bumaril sa `kin?” Puno ng kaguluhan ang mga mata nito. “May kinalaman ba ito sa mga lalaking pumasok sa bahay ni Cali?”

“Hindi ko alam.”

“Bullshit, Vienna.”

Gumalaw ang kamay niya para haplusin ang mukha ni Lander pero mabilis nitong iniiwas ang mukha sa kanya.

“Magpapahinga na ako,” sabi nito at pumasok na sa sariling kuwarto.

Huminga si Vienna nang malalim, parang sinakal ang puso niya. Pagkatapos ay pumasok na rin siya ng kuwarto, saka inilagay ang travelling bag sa ibabaw ng malapad na kama at binuksan iyon. Inilabas niya ang limang baril. Ang isa ay inilagay niya sa ilalim ng unan, ang dalawa naman ay balak niyang ilagay sa sala, at ang isa naman ay sa kusina kaya lumabas siya ng kanyang kuwarto.

Natigilan si Vienna nang sabay silang lumabas ni Lander. Bumaba ang mga mata nito sa dalawang baril na hawak niya. Bahagyang umawang ang mga labi ng lalaki habang nakatitig pa rin sa kanyang mga kamay. Tinanguan na lang niya ito, saka nauna na siyang bumaba ng hagdan.

Nang mailagay na niya sa mga tagong lugar ang baril na hindi siya mahihirapang hagilapin kapag nagkaroon ng emergency, naramdaman niya ang pagkulo ng kanyang tiyan. Kaya naman pinakialaman na niya ang refrigerator at cupboards sa kusina.

She cooked a simple caldereta.

Matapos ayusin ang hapag-kainan, tatawagin na sana ni Vienna si Lander para sabay na silang kumain nang matigilan siya dahil nagtama ang mga mata nila ng lalaki. Nakatayo ito at nakahilig sa hamba ng pinto ng kusina.

Nginitian niya ito. “Kain na tayo.”

“Puwede ba tayong mag-usap?” sa halip ay seryosong tanong ng lalaki.

“Sure,” nakangiting sagot niya. “We can talk over dinner.”

“Okay.” Naglakad ito palapit sa mesa at pinaghila siya ng upuan. “Upo ka na.”

Kinilig si Vienna sa simpleng ginawa ni Lander pero kaagad niyang sinaway ang sarili. Nang makaupo siya ay saka ito umupo sa katapat niyang puwesto. Akmang kukunin niya ang lagayan ng kanin nang unahan siya ng lalaki at nilagyan ng kanin ang pinggan niya. Kasunod niyon ay nilagyan ni Lander ng caldereta ang pinggan niya, saka nito binigyan-atensiyon ang sariling pinggan.

Her heart couldn’t stop beating so fast, until he spoke.

“Kumain ka na at mag-uusap na tayo.”

Nadismaya ang puso niyang umasa. Mukhang hindi siya matutunawan nito.