HINDI na nagtaka si Vienna nang maabutan niya si Lander sa labas ng bahay ni Cali. Nakahilig ang binata sa pinto ng bahay at walang emosyon ang mukha. Matiim itong nakatingin sa kanya habang naglalakad siya palapit dito.
Pinagalitan niya si Hellion nang sagutin nito ang tawag ni Lander kanina. Nainis daw kasi ang lalaki dahil ang ingay-ingay ng cell phone niya habang may ginagawa ito. Bakit naman kasi iniwan niya ang cell phone sa computer room ni Hellion? Oh, yeah. Kasi naghanap siya ng malapad na salamin para makita at masuri ang pasa niya sa likod. Hindi na iyon masyadong masakit pero halata pa rin ang pasa.
Ipinilig ni Vienna ang ulo. Sa halip na sisihin si Hellion, dapat siyang mag-isip ng isang magandang paliwanag kay Lander. “Hey,” bati niya rito nang makalapit siya.
“Saan ka nagpunta?” tanong ng lalaki na matalim pa rin ang tingin sa kanya. “Ano’ng ginawa n’yo ni Hellion? Pinaglalaruan mo ba ako, Vienna? Iyon ba ang ginagawa mo sa `kin ngayon?”
Huminga siya nang malalim, saka marahang pinakawalan iyon. Kailangan niyang maging maingat sa pagpapaliwanag kay Lander. She wanted to be honest with him, but she had her rules and protocols.
Para tuloy siyang naipit sa batong nag-uumpukan. Hindi niya alam kung paano siya maninimbang.
Si Lander ba na mahal niya at siyang dahilan ng pag-uwi niya? O ang trabaho niyang marami ang mapapahamak kung hindi niya ititikom ang bibig?
“Lander,” panimula ni Vienna. “Wala kaming ginagawang masama ni Hellion. May pinag-usapan lang kami tungkol sa trabaho. Kung ayaw mong maniwala sa `kin, ipapakilala kita sa kanya.” Hinaplos niya ang pisngi nito.
Tinabig ng lalaki ang kamay niya. “Ayoko siyang makilala.”
“Hindi ako nagsisinungaling sa `yo. Please, maniwala ka naman sa `kin,” pagmamakaawa niya.
Napatiim-bagang si Lander. Finally! May emosyon na sa mukha nito. “Nakapag-isip na ako ng isa pang paraan para makuha mo uli ang tiwala ko.”
Kinabahan si Vienna. “Ano?”
“Layuan mo si Hellion. Ayokong nagkikita kayong dalawa—”
“No. I can’t.”
Natigilan ang lalaki, saka iritadong napatitig sa kanya. Napakadilim ng mukha nito. Halata ang tinitimping galit. “Bakit ayaw mo? Kasi gusto mo siya? Kasi mas mahal mo siya kaysa sa akin? O dahil kaya niyang ibigay ang pagmamahal na hindi ko ibinibigay sa `yo?”
“Hindi niya ako mahal at lalong hindi ko siya mahal!” sigaw niya na puno ng inis ang boses. “Lander naman, eh! Ilang ulit ko bang dapat sabihin sa `yo na ikaw lang ang lalaking mahal ko? Ilang ulit pa ba para maniwala ka?”
“Mahal mo nga ba talaga ako?” Puno ng pagdududa ang kislap ng mga mata ni Lander.
Mapaklang natawa si Vienna. “Manhid ka pala, eh. Sa tingin mo, hahayaan kitang angkinin ako nang ilang beses kung hindi kita mahal? Hindi ako pakawalang babae, Lander.” Please listen to me. Ito lang ang dahilan na kaya kong ibigay. “Wala akong nararamdaman ni katiting na pagmamahal kay Hellion dahil ikaw ang mahal ko. Wala nang iba.”
Umiling-iling ito. “Wala akong pakialam kung may nararadaman ka man o wala, stay away from him. Kapag hindi ka lumayo sa kanya, ako ang lalayo sa `yo. Mamili ka.”
Umawang ang kanyang mga labi. “Lander, naririnig mo ba ang sarili mo? You’re being irrational—”
“I am always irrational when it comes to you!” frustrated na sabi ng lalaki. “Palagi kang nasa isip ko kaya hindi nakapagtatakang hindi ako nakakapag-isip nang tama kapag ikaw ang pinag-uusapan. Alam mo kung bakit?” Sinapo nito ang mukha niya. “Kasi nababaliw ako kapag may lalaking malapit sa `yo. When I heard that man’s voice earlier, I wanted to murder him. Ganyan ako ka irrational kapag ikaw ang pinag-uusapan, Vien.”
Napamaang si Vienna. “You mean to say… you still love me?”
Nawala ang lahat ng emosyon sa mukha ni Lander. “Hindi ko sinabi `yon.”
Parang may tumarak na patalim sa puso niya. “S-sorry. Nag-assume lang ako na baka—”
“Don’t assume.”
Tumango si Vienna, saka nilunok ang sakit na nararamdaman at pinilit ang sariling kausapin nang normal ang lalaki. “Anyways, how was your meeting with Lamar Exxon?” Sa totoo lang, wala siyang interes na alamin ang kinahantungan ng meeting nito. Alam na alam na niya iyon dahil narinig niya ang buong pag-uusap ng dalawa.
Napakasimple ng gusto ni Lamar—iyon ay ang makapasok sa garahe kung saan nandoon ang lahat ng sasakyan ng LaCars. At alam niyang isa iyon sa mga plano ng lalaki para pasukin ang pag-aari ni Lander na naglalaman ng mahigit isandaang bagong sasakyan. Not just your ordinary cars but expensive cars.
“It went well,” maikling sagot nito.
“Bumili ba siya ng mga bagong sasakyan?”
Umiling ito. “Hindi. Gusto niyang makita muna ang garahe ko kung saan naroon ang sasakyang gusto niya. Kapag nakita na niya, saka pa lang siya bibili.”
Napatango-tango si Vienna. “Pumayag ka bang makapasok siya sa garahe ng LaCars?”
Napabuntong-hininga si Lander. “Hindi pa, pero naisip ko, wala namang masama kung papapasukin ko siya sa LaCars Garage. And he wants fifty cars so, I think I have to say yes.”
Pilit siyang ngumiti. Kung puwede lang niyang pigilan ang binata, ginawa na niya. “Anyway, ano’ng ginagawa mo dito sa labas ng bahay ni Cali maliban sa pagdudahan na nagsisinungaling ako?”
Tumayo nang tuwid ang lalaki at hinawi ang buhok na nakatabing sa kanyang mukha. “Ahm, may itatanong lang ako.”
“Ano `yon?”
Humugot ito ng malalim na hininga. “Magtatanong lang ako kung puwedeng dito ako matulog ngayong gabi. Wala kang kasama dito sa bahay na `to, `di ba?”
“Wala. Pero kaya ko namang mag-isa, eh.”
“No. Natatakot ka, `di ba?”
“No, I’m not. Safe naman ang bahay na `to—”
“Goddamn it! Can I sleep with you or not?” tanong ni Lander na ikinatigil niya sa pagsasalita. “Magsabi ka lang kung ayaw mo nang makabalik ako sa bahay ko.”
Kumabog nang mabilis ang puso ni Vienna. Para siyang kinakapos ng hininga dahil sa mabilis na pagtibok niyon. Bahagyang nanginginig ang kamay na binuksan niya ang bahay. “Pasok ka.”
Lander gave out a deep breath and entered the house. Akmang uupo ito sa mahabang sofa nang maalala niyang nasa ilalim pala niyon ang itinago niyang baril. Mabilis niyang hinawakan ang lalaki sa kamay at hinila patungo sa kuwartong inookupa niya.
“This is my room,” aniya. “Feel at home. Sa banyo lang ako,” saka siya pumasok doon at ini-lock iyon. Shit! Kailangan niyang siguruhing maayos na nakatago ang mga baril niya.
Inayos ni Vienna ang pagkaka-scotch tape ng kanyang .M9 sa ilalim ng lababo, pagkatapos ay chineck din niya ang USP .45 niya na nasa likod ng toilet bowl. Nang masigurong hindi iyon makikita ni Lander—kahit magkampo pa ito sa banyo—lumabas na siya. Nakita niyang komportableng nakahiga na ito sa kama.
Nanlaki ang mga mata ni Vienna at inatake siya ng kaba nang maalalang may baril din pala siyang itinago sa ilalim ng unan. Fuck! Kasimbilis ng kidlat na nahiga siya sa tabi ng lalaki at pasimpleng hinugot ang baril sa ilalim ng unan. Napaawang ang mga labi niya nang hindi makapa ang baril.
No! Nasa unan yata ni Lander nakatago ang baril ko. Holy sweet mercy of heaven!
Kinubabawan niya si Lander. Halata ang gulat na gumuhit sa mukha nito. “Vienna—”
“I missed you,” sabi niya at sinakop ang mga labi ng lalaki, kasabay ng pagkapa ng baril sa ilalim ng unan. At nang makapa, mabilis niyang hinugot iyon at inilagay sa ilalim ng kama. Mabuti na lang at hindi mataas ang kama! Whew!
Pinakawalan ni Vienna ang mga labi ni Lander nang masigurong hindi na nito makikita ang mga baril niya. Akmang aalis na siya sa pagkakakubabaw dito nang ipulupot ng lalaki ang isang braso sa kanyang baywang at hindi siya hinayaang makaalis.
“Lander—”
“Stay there,” sabi nito at ipinikit ang mga mata. “I want to feel your body pressed against mine until I fall asleep.”
Napatitig si Vienna sa mukha ni Lander. Nararamdaman niya, nagbabago na ang pakikitungo nito sa kanya. Unti-unti na ba siyang nakakapasok sa puso ng lalaki? Unti-unti na ba niyang natitibag ang pader na inilagay nito sa pagitan nilang dalawa?
Sana naman tama ang obserbasyon niya.
“Vien?” Napakalambing ng boses ni Lander habang sinasambit ang kanyang pangalan.
Inihilig ni Vienna ang ulo sa matitipuno nitong dibdib. “Hmm?”
“Ano ba talaga ang pakay mo sa `kin?” tanong ng lalaki. “After eight years, bumalik ka. Bakit?”
Walang pag-aalinlangang sinagot niya ang tanong ni Lander. “Bumalik ako kasi gusto kong humingi ng tawad sa pag-alis nang walang paalam. Bumalik ako kasi gusto kong itanong sa `yo kung mahal mo pa rin ako. Kasi ako, mahal na mahal pa rin kita. Pero mukhang hindi ko naman kailangang itanong `yon, halata naman kasing hindi na.”
Hinaplos nito ang buhok niya, saka nagsalita. “Nakakatakot ka naman kasing mahalin, Vienna. Naranasan ko na kung paano ka mahalin at kung gaano ako nasaktan dahil minahal kita.” He sighed heavily. “Ang hirap nang magtiwala sa `yo at mahalin ka uli. Minsan mo na akong sinaktan, Vienna. Ayoko nang maranasan ang sakit na pinaranas mo sa `kin noon.”
Nag-angat si Vienna ng tingin at nagtama ang mga mata nila ng lalaki. Puno ang mga mata nito ng mga emosyong hindi niya kayang pangalanan. Habang siya naman ay unti-unting pinapakalma ang kanyang puso na malakas at mabilis ang tibok.
“Wala akong ibang masabi kundi ‘I’m sorry.’” Nanubig ang mga mata niya. “Kinailangan kong umalis kasi ayokong may taong nagdurusa habang ako, nagpapakasaya. Hindi ko puwedeng sabihin sa `yo ang dahilan ng pag-alis ko noon, pero palagi mong tandaan na mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon. At ikaw ang dahilan kung bakit ginawa ko ang lahat para mabuhay sa loob nang walong taon na wala ka sa piling ko. Hindi lang naman ikaw ang nahirapan at nasaktan, ako rin. Kasi alam kong kinamumuhian mo ako sa mga panahong ipinagdarasal ko na sana nasa tabi kita at yakap ako.”
Tinuyo ni Lander ang ilang butil ng luha na dumaloy sa kanyang pisngi. “Let’s not talk about the past. Masasaktan lang tayo pareho.”
Tumango si Vienna habang humihikbi. “Sorry talaga, Lander. I’m so sorry.”
Niyakap siya ng lalaki at hinagod ang likod niya. “Tahan na, huwag ka nang umiyak.” Ipinahiga siya nito sa kama at kinubabawan.
Tumigil na sa wakas ang mga luha ni Vienna. “Sorry again, Lander.”
Masuyo nitong hinaplos ang kanyang pisngi. “Stop saying sorry. Wala namang magagawa ang sorry mo. Hindi na n’on mabubura ang sakit na naramdaman ko. Bumawi ka na lang, hindi ba `yan naman ang isa sa mga dahilan kung bakit ka umuwi dito?”
Tumango siya. “Oo. Hahayaan mo ba akong makabawi sa `yo?”
Lander chuckled. “Yeah, sure. Ikaw ang bahala.”
That made her smile. “Thank you! It means a lot to me.”
“No problem.”
Bumaba ang mga labi ng binata at lumapat ang mga iyon sa mga labi ni Vienna na bahagyang nakaawang. Buong-puso naman niyang sinagot ang halik nito at mas ibinuka pa ang bibig para makapasok ang dila nito. Tumigil ang kanyang paghinga nang maramdamang pumasok ang isang kamay ni Lander sa loob ng suot niyang denim jeans. Nang ipasok nito ang dalawang daliri sa pagkababae niya, humigpit ang yakap niya sa lalaki.
Parang may sariling isip ang mga hita ni Vienna na bumuka iyon, pagkatapos ay ipinulupot niya ang mga binti sa baywang ni Lander. That made him chuckle. “Giving me full access I see,” sabi nito at pinaglandas ang mga labi sa gilid ng kanyang pisngi. “Want to shower with me, Vienna?”
Hinihingal na tumango siya. Gustong-gusto niyang angkinin siya ng lalaki sa ilalim ng shower.
Mabilis siyang pinangko ni Lander patungo sa banyo, pagkatapos nitong hubarin ang kanilang mga suot. Nang makapasok doon ay binuksan nito ang gripo ng malaking bathtub na kasya ang dalawang tao.
Habang hinihintay na mapuno iyon, bumaba ang tingin ni Vienna sa pagkalalaki ng binata na nag-uumigting at tayong-tayo. Namumula iyon at parang nanghihingi ng atensiyon. Napalunok siya. Hindi niya napigilang lumapit dito, saka hinawakan ang kahabaan nito.
“Oh,” daing ni Lander, punong-puno ng pagnanasa ang mga mata habang nakatingin sa kanya. “Gusto mo `yan?”
Tumango si Vienna at nang-aakit na ngumiti. “Yeah, gustong-gusto ko.”
Bigla siyang pinangko ng lalaki at pinaupo sa bathtub na may laman nang tubig. Isinara muna nito ang gripo bago sumama sa kanya roon. Pagkatapos ay naupo ito sa kanyang likuran, saka nagsimulang halik-halikan ang balikat at batok niya. Napaungol siya nang maramdaman ang matigas nitong ari na sumusundot sa kanyang likod.
“Oh, Lander,” daing ni Vienna nang ipulupot ng lalaki ang braso sa baywang niya para hapitin siya palapit dito. Ipinatong niya ang isang paa sa gilid ng bathtub nang dumapo na ang kamay nito sa kanyang kaselanan. “Lander?” muling tawag niya sa pangalan nito.
“Hmm?” Gumapang ang isa pang kamay ng binata mula sa baywang niya patungo sa pagkababae niya kung saan naroon na ang isang kamay nito.
“I think sex in the bathtub is uncomfortable.”
Mahinang tumawa si Lander. “Then we’ll make it comfortable.” Nagsimula na itong himasin ang kanyang dibdib. “You’ll like it. I promise, Vien.”
Napaliyad si Vienna nang ipasok na ng lalaki ang dalawang daliri sa loob ng kanyang ari. Napaungol siya nang malakas nang mag-umpisa nang maglabas-masok ang mga iyon sa loob niya. Nanindig ang mga balahibo niya sa masarap na sensayong dulot niyon.
Bumulong si Lander sa punong-tainga niya pagkatapos nitong hugutin ang mga daliri sa kanyang pagkababae. “Lumuhod ka, then grip the edge of the tub.”
Sinunod ni Vienna ang utos ng lalaki. Nakagat niya ang ibabang labi nang maramdamang hinimas nito ang pisngi ng kanyang pang-upo. Ilang sandali lang ay gumapang na ang mga labi ni Lander patugo sa spinal cord niya. At nang marating niyon ang batok niya ay dahan-dahan nitong ipinasok ang kahabaan sa kanyang ari.
“Oh, God!” malakas na ungol ni Vienna nang magsimula nang umulos ang lalaki. “Oh, Lander— Oh. Bilisan mo pa.” Hinawakan siya nito sa baywang at mas binilisan pa ang pagbayo. Walang siyang ibang ginawa kundi ang mapahalinghing na lang. Hanggang sa tuluyan nang napuno ng malalakas niyang ungol ang banyo habang pabilis nang pabilis ang paglabas-masok ni Lander sa kanya. “Oh, Lander.” Mas humigpit ang kapit niya sa gilid ng bathtub nang maramdamang malapit na siyang labasan. “Bilisan mo pa! Malapit na ako— Oh... Oh, God! Hayan na ako, Lander.”
Lander groaned. Sinapo nito ang mayayaman niyang dibdib at pinisil ang nipples niya. “Keep moaning, Vien— Oh, fuck!”
Para siyang mababaliw sa sarap na dulot ng bawat pag-ulos ng lalaki sa loob niya. “Oh! Oh! Lander! Please, oh! I’m coming. Malapit na— Oh, God.” Halos manginig ang bawat kalamnan niya habang nag-o-orgasm. At habang habol ang hininga, naramdaman naman niya ang pagsabog nito sa kanyang sinapupunan.
“Fuck, that feels good,” sabi ni Lander na habol na rin ang hininga habang nasa loob pa rin niya ang kahabaan nito. “Still thinking that sex in the bathtub is uncomfortable?”
“Okay,” hinihingal na sabi ni Vienna. “Binabawi ko na.”
Tumayo ang lalaki at umalis sa bathtub, pagkatapos ay pinangko siya patungo sa ilalim ng shower. Hinalikan nito ang leeg niya dahilan para makaramdam siya ng nakakakiliting sensasyon. “I like this,” sabi ni Lander nang kagatin ang punong tainga niya.
“Like what? Having sex in the bathroom?”
Mahina itong natawa, saka siya niyakap mula sa likuran. “No, silly. I like this. `Yong nandito ka at kasama ko.”
Bumilis ang tibok ng puso ni Vienna sa sinabi ng lalaki, pagkatapos ay humarap siya rito. “Gusto mo akong makasama?”
Kaagad na nawala ang emosyon sa mukha ni Lander. “Ayaw mo? Ayaw mo akong makasama?”
Umiling siya. “Gusto.”
“Good.” Kinuha ng lalaki ang sabon at sinimulan nang sabunin ang braso’t balikat niya. Pagkatapos ay bumaba ang kamay nito sa kanyang dibdib at ipinaikot ang sabon sa nipples niya.
Napaungol si Vienna sa ginawa ni Lander.
“I like it when you moan.” Hinalikan nito ang gilid ng kanyang bibig. “Nakakabaliw ang ungol mo, alam mo ba `yon?”
“Hindi.”
“Ngayon alam mo na,” sabi ng lalaki at tuluyang sinakop ang mga labi niya.