I SANG mahinang katok ang narinig ni Chantal subalit hindi niya gustong bumangon. Narinig niyang bumukas ang pinto.
“Hey, sleepyhead,” bati ni Nayumi na tuloy-tuloy sa loob ng silid at naupo sa gilid ng kama. “Talaga bang ganyan ang naglilihi? It’s past nine already.”
“Oh...” ungol niya. Tumagilid paharap kay Nayumi. Inabot at niyakap ang isang malaking unan. “Wala pang alas-siyete ay gising na ako. Pero nahilo ako at sumakit ang ulo kaya hindi ako bumangon... nakakahiya naman.”
“Rubbish!” exclaimed Nayumi. “You can sleep the whole day at wala sana akong balak na pasukin ka pero nagbilin si James na sasamahan kitang magpa-checkup ngayon. Pero kung ganyang masakit ang ulo mo’y mamayang makapananghali na lang. I’ll ask Adora to give you something safe for the headache. Temporarily, until you see the doctor.” Tumayo na ito at muling lumakad patungo sa pinto. “Don’t worry, Adora knows which medicine to give you. She’s a retired nurse...” Nagkibit ito ng mga balikat. “Magpapapanhik ako ng breakfast dito sa silid mo.”
“Si... si James?” pahabol niyang tanong subalit hindi gustong salubungin ang mga mata ni Nayumi.
“Nasa office na. Hindi ka na ginising nang umalis siya, pagod ka raw sa pag-iikot sa rancho at sa disteleria kahapon at sa biyahe. Itatanong ko kay Adora kung anong gamot ang dapat mong inumin, okay?”
Bahagya na siyang tumango at nang makalabas si Nayumi sa silid niya at maisara ang pinto’y muli niyang ibinaon ang mukha sa unan.
Ano ang iniisip ni James at nakaalis itong nakahiga pa rin siya? Totoong sa pangalan lamang ang pagpapakasal nila pero mag-asawa pa rin sila at dapat niyang gampanan ang tungkulin niya bilang asawa kung hindi man pagdating sa sex life nila.
He opened up yesterday sa disteleria, at nakita niya sandali ang isang bahagi ng pagkatao nito. At bagaman agad ding nagbalik ang kalamigan sa tinig nito’y nagsimula siyang bigyan nito ng impormasyon tungkol sa pamilya at sa rancho. At naisip niyang simula na iyon ng pagiging magkaibigan nila.
Kinahapunan din ay bumalik sila sa Maynila sakay ng Cessna with Renz piloting. Subalit nagpaiwan si Alvaro at sinabing mananatili na muna ng ilang araw sa rancho.
Only James became even more remote and colder nang lumapag sa hangar sa Parañaque ang cessna at lapitan siya ni Renz.
“So,” wika nito na nakangiti. His blue eyes sparkling. “Welcome to the family. At kung sakali mang may problema ka, Chantal, huwag kang mag-aatubiling tawagan ako. Ask Naya my hotline.” Kinamayan siya nito at sa pagkabigla niya’y hinapit siya ni Renz at muli siyang hinagkan sa pisngi.
She smiled at him, sinisikap bale-walain ang halik. It was a brotherly kiss, nothing more. Iyon ay kung hindi niya nalingunan si James na nakatingin sa kanila. His eyes grew darker, his face grimmer.
Kung sa normal na pagkakataon ay iisipin niyang nagseselos ito. But of course he couldn’t be jealous. He didn’t even like her.
At hanggang sa makasakay sila sa naghihintay na sasakyan na nakaparada sa parking area ng hangar ay hindi nagsalita ang asawa at nag-concentrate sa pagmamaneho. Nayumi and Adora did all the talking. Kung ano-ano na lang na mapag-uusapan subalit ang karamihan ay tungkol sa pamilya. Na sa tantiya niya’y kilala na niyang lahat ang mga Navarro at ang iba pang miyembro ng pamilya sa pakikinig pa lamang kay Nayumi.
At nagtaka siya nang lumabas ng Metro Manila ang sasakyan at makitang binabaybay na nila ang coastal road.
“Saan tayo pupunta?” she couldn’t help asking him.
“I have a ranch and a house in Tagaytay,” sagot nito subalit ang mga mata’y nanatiling nasa daan.
Gusto pa niyang magtanong subalit sa tono nito’y tila ipinahihiwatig na hindi nito gustong makipag-usap. Kung sa bagay ay bahay ng matatandang Navarro ang mansiyon sa Neopolitan. Bagaman doon niya inaasahang uuwi sila dahil noong unang dumating siya sa Maynila ay sa mansiyon siya itinuloy ni James kung saan doon din tumutuloy si Alvaro. At sa pagkakaalam niya, ang mag-asawang Franco at Beatriz ay isang taon nang nasa America.
Nakalampas na sila sa pinakabayan ng Tagaytay at ang nakikita niya sa magkabilang daan ay mga bulubundukin. Nang sa may kaliwang bahagi ay may matanaw siyang isang pribadong daan at lumiko roon ang sasakyan. Ilang sandali pa’y may natanaw na siyang wooden gate na tila sa kastilyo. Bukas iyon at dere-deretsong pumasok doon ang Ford Explorer.
Mula sa gate ay may limampung metro marahil hanggang sa bahay. At napapaligiran iyon ng mga puno na ang iba’y mga pine trees. Sa loob ng compound ay may natanaw pa siyang hile-hilerang pinya. Habang palapit sila’y natatanaw na niya ang dalawang palapag na bahay.
Inihinto ni James sa tapat ng bahay ang sasakyan subalit hindi pinatay ang makina niyon. Nang makababa ang tatlong babae’y binilinan nito si Adora na ituro sa kanya ang magiging silid niya at walang paalam na muli ring umalis.
“Alas-singko pasado na, Adora,” aniya at sinundan ng tanaw ang papalayong Ford Explorer hanggang sa mawala ito sa pagitan ng mga puno. “Saan siya pupunta?”
“Don’t worry about him. Natitiyak kong sa opisina ang punta ni James,” sagot ni Nayumi at naunang pumasok sa bahay.
Wala sa loob na tumango siya. Ang sampung palapag na Navarro building ay nasa malapit sa town proper. Iyon ang sinasabi kanina ng dalawang babae nang maparaan sila sa isang intersection sa Tagaytay.
“Tatlong araw din halos na naging abala si James sa kasal ninyo. Marahil ay may mga nakabinbing trabaho,” wika naman ni Adora. Tinawag nito ang isang katulong na bumungad sa malaking pinto at inutos na ipanhik ang mga gamit niya sa itaas.
Sumunod siya kay Adora sa pagpanhik habang ang mga mata’y iginagala sa buong kabahayan. Looking around her, hindi niya mapigil ang mapahugot ng paghinga. The house was made of wooden beams and trusses, stones and cedar. So it really was a ranch house!
Nang may mahagip ang mga mata niya sa bahagi ng sala. Napahinto siya sa pagpanhik. “A fire place?” hindi makapaniwalang usal niya. The walls were made of grey and greenish adobe stone. At sa ibabaw niyon ay ang trusses and beams. Then a chandelier made of iron na napipinturahan ng itim again caught her attention. At hindi iyon ordinaryong bakal sa tingin niya. It looked antique, tulad niyong mga nakikita niya sa sine sa isang kastilyo.
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Adora. “Natatandaan kong ipinilit ng arkitekto kay James ang bahaging iyan para daw bumagay sa istilo ng bahay. At malamig sa bahaging ito ng Tagaytay, Chantal. Ang sabi ni James ay ang lupaing ito ang pinakamataas na lugar. Mula nang maitayo ang bahay na ito minsan ko lang nakitang pinag-apoy ni James iyan. Hindi dahil labis ang lamig kundi sa kahilingan na rin ng bisita niya.” Umasim ang mukha ni Adora sa bahaging iyon.
Gusto niyang itanong kung sinong bisita iyon subalit minabuting hindi na lang at nagpatuloy sa pagpanhik habang nililinga ang buong kabahayan.
“Ang... ang chandelier na iyon, is it antique?” hindi niya mapigil ang di-magtanong.
“That’s repro.” s i Nayumi ang sumagot na sumungaw mula sa barandilyang kahoy sa itaas. “But James brought that from Europe.” She smiled at pagkuwa’y nawala na sa pagkapanungaw.
Ang landing sa itaas ay maluwag at may sitting room na may salaming dingding na nakatanaw sa labas. Isang silid ang binuksan ni Adora at ipinapasok sa katulong ang maleta niya.
“K-kaninong silid ito, Adora?” tanong niya nang nasa bungad siya ng pinto bagaman nahuhulaan na niyang iyon ang master bedroom.
“Ito ang silid ni James, Chantal at—”
“Bakit dito?” Luminga siya sa paligid. Natitiyak niyang may iba pang mga silid ang bahay na iyon. “Ilang silid mayroon ang bahay na ito?”
“Apat. Isa sa ibaba, ang guest room. Isa’y ginagamit ni Nayumi, ang isa’y ipinagagamit sa akin ni James habang naririto ako.”
“M-maari kong gamitin ang guest room sa ibaba,” may pangambang sabi niya.
“Si James ang nag-utos na ang silid na ito ang gamitin mo, Chantal,” wika nito. “At tama ang asawa—”
“Subalit alam mong sa pangalan lamang kami mag-asawa!” nagpa-panic ang tinig niya. “Hindi maaaring—”
“Ang batang ito,” naiiling na putol nito sa sinasabi niya. “Gusto mo bang pag-usapan kayo ng mga katulong? Mag-asawa kayo subalit magkahiwalay kayo ng higaan...” Magsasalita pa sana si Chantal nang lumakad si Adora patungo sa isang pinto sa may dulo ng malaking silid. Binuksan iyon at natambad sa kanya ang isa pang silid na marahil ay kalahati ng silid na iyon ang laki.
“May en suite ang silid na ito, hija. Natitiyak kong ito ang gagamitin ni James. Kung tulog ka na mamaya’y hindi ka maaabala dahil may sariling pinto ang silid sa dulo ng pasilyo.” Humakbang ito patungo sa airconditioner at binuksan iyon. “Siya, magpahinga ka na at ipatatawag na lang kita sa hapunan.” At lumabas na ito ng silid.
Naiwan si Chantal na hindi agad makakilos sa kinatatayuan. Iba’t ibang emosyon ang nag-uumalpas sa dibdib niya.
En suite. Nababasa lang niya iyon sa mga imported magazines.
How her life had changed dramatically. May pakiramdam siyang para siyang si Cinderella. Sa loob ng wala pang dalawang buwan ay ito ang ikatlong magandang bahay na natirhan niya. At wala siyang maiangkop na salita.
Ang tatlong bahay ay may iba’t ibang disenyo. Ang mansiyon ng mga Navarro sa Neopolitan na hindi yata niya nagawang bilangin ang mga silid, ay neo-classic. At ang Alta Tierra Villa na may tatlong palapag ay French-Mediterranean ang pagkakadisenyo na tila ba mula sa ibang bansa’y inilipat iyon at inilagay sa ituktok ng talampas.
At ang bahay na ito, it’s rustic, a ranch style.
The house wasn’t so imposing mula sa labas. It was a two-storey-four-bedroom ranch house. Subalit ang loob ng bahay ay tila pinilas mula sa pahina ng Architectural Digest. At sa buong buhay niya’y noon lang siya nakapasok sa ganoong bahay. Not to mention the other two houses.
The master bedroom has natural varnished log walls. Ganoon din ang king-size log bed na sa paanan ay isang antigong chest. Ang kisame ay mahahabang tabla ng palo china na nangingintab sa natural na varnish. And floor carpet was in soft brown. Ang mga bintana’y maliliit na jalousies na yari sa pinong palo china na ang silbi’y para lamang umakma sa interior ng silid dahil salamin ang kabila ng wooden jalousies.
The room was subtle but striking. It expressed the man himself. Kahit ang scent ng silid ay pag-aari ni James, of woods and limes.
May dalawang magkaharapang armchair sa may bungad ng malaking pinto palabas sa balkonahe. Ang ceiling-to-floor na pinto ay yari sa kuwa-kuwadradong salamin na naka-frame sa mga bakal na itim. Mula roon ay natanaw ni Chantal ang labas.
Hindi makapaniwalang lumakad siya patungo roon at binuksan ang pinto. Malamig na hanging- dagat ang sumalubong sa kanya. And yet, hindi ang Taal Lake ang nabungaran niya na tulad ng kanyang inaasahan. Ang maliit na terasa ay nakatanaw sa isang gubat, at sa dako pa roon ng natatanaw niya’y rolling hills!
The lake must be beyond the hills at ng makapal at nagtataasang mga puno. Dumungaw siya sa ibaba at nakita niya ang kural ng mga kabayo! At kahit walang magsabi, natitiyak niyang propriedad ni James ang bulubunduking natatanaw niya.
Dinala nito ang Alta Tierra sa Tagaytay! She loved the whole place instantly. She couldn’t wait to explore the verdant hills. Siguro’y papayagan siya ni James na matutong mangabayo. Sa Alta Tierra’y napakaraming magagandang kabayo siyang nakita. Nang makita niyang nangabayo isang umaga si Nayumi’y nangimbulo siya.
Ang Aurora ay napapaligiran din naman ng mga bundok at dagat, subalit wala silang pag-aaring lupain maliban sa kinatitirikan ng bahay ng mga magulang niya. At ang magagandang lugar ay karaniwan ng tourist spots. And yet Aurora’s tourist spots wouldn’t even come close to the beauty of Alta Tierra.
At ang nakikita niya ngayon ay tila isang bahagi ng AltaTierra. At hindi niya kailanman naramdaman sa Aurora ang nararamdaman niya ngayon.
She felt as if she belonged to this place... in this house. And that she would love to spend the rest of her life here... with James.
Now where did that thought come from?
At kagabi’y matapos nilang maghapunan ay sinikap niyang manatiling gising upang hintayin ang pag-uwi ni James. Subalit ni hindi na niya namalayang nakatulog siya. Hanggang sa pakiramdam niya’y nananaginip siya... back in Aurora, sa ilog. Naririnig niya ang lagaslas ng tubig mula sa talon. She forced herself to wake up. Hindi niya gustong nasa Aurora siya. Hindi niya gustong makitang muli ang tiyahin at ang asawa nito.
Doon siya napabangon kasabay ng pag-ikot ng paningin sa buong silid. Nang luminaw sa isip niya kung nasaan siya’y napahinga siya nang malalim. Wala siya sa Aurora. Nananaginip lamang siya. Mahihiga sana siyang muli nang maulinigan ang mahinang lagaslas ng tubig sa banyo.
Hindi ba niya naisarang mabuti ang gripo?
Mabilis siyang bumangon at lumakad patungo sa en suite kung saan naroon ang banyo. Itinulak niya pabukas ang pinto nang makarinig siya ng ungol at pagbalandra sa dingding.