noveltoon logo noveltoon
James Navarro (Kristine Series 19)

Chapter 4

Ch. 4 / 21 Apr 09, 2022

“H INDI ko alam ang gagawin ko, Quinn...”

Quinn sighed, then he looked at her intently. Nakaupo siya sa silya sa may tabi ng bintana ng bahay nito, looking so lost and so helpless.

Dumating si Helen sa montessori kaninang bago mananghalian. “Nasa bilyaran ni Ka Celso si Mariano, Chantal, ang aga-agang lasing.” Ang bilyarang sinasabi nito ay kadikit ng karinderyang binibilhan ni Helen ng pagkain kapag tanghalian dahil magkamag-anak ang may-ari at sawaling dingding lang ang pagitan.

“Ano naman ang bago roon?” bale-walang sabi niya. Sinaway ang isang batang pumatong sa silya.

“Puwes, makinig ka. Bumibili ako ng pagkain nang marinig kong ipinagyayabang ng asawa ng tiyahin mong hindi lilipas ang linggong ito at... at maaangkin ka niya!”

“N-nagbibiro ka ba, Helen?” tanong niya, napatuwid ng tayo kasabay ng pagbundol ng kaba sa dibdib.

“Bakit naman ako magbibiro?” wika nito. “Ang layo nitong montessori para sadyain ko at biruin ka. At halang naman talaga ang kaluluwa ng lalaking iyon. Hindi nga ba’t may kasong rape iyan sa kabilang bayan? Ewan ko ba riyan sa tiya mo at pinatulan.”

Hindi makuhang magsalita ni Chantal. Hindi miminsang pinaalalahanan siya ng ilang kapitbahay na mag-iingat kay Mariano dahil hindi miminsang ipinagyabang nitong iiwan si Lolita at basta na lang itatanan siya. Bagaman hindi niya iyon sineryoso, hindi rin naman niya binale-wala. Minsang wala ang dalawa’y ipinagawa niya at ipinaayos ang lock ng silid niya.

At sa nakalipas na mga araw ay hindi miminsang nahuhuli niyang malimit siyang titigan ni Mariano. At minsan namang lumabas siya ng banyo galing sa paliligo’y nakatayo ito sa mismong harap ng pinto at puno ng pagnanasang tinititigan siya nito mula ulo hanggang paa.

Hindi niya alam na nagbalik ito. Ang alam niya’y kasama itong umalis ng tiya niya. Hinawakan siya nito sa braso subalit mabilis niyang napakawalan ang sarili at halos takbuhin ang hagdan papanhik sa silid niya at nag-lock.

“Ano ang gagawin ko, Helen?” nanlulumong tanong niya sa kaibigan.

“Hindi ko rin alam,” sagot nito kasabay ng buntong-hininga. “Kung bakit kasi nama’y wala ka pang sinasagot sa mga nanliligaw sa iyo. Kung may nobyo ka na’y di mayayakag mo nang magtanan kayo...”

Napasandal siya sa hamba ng pinto ng classroom. May mukhang nagpipilit na gumuhit sa balintataw niya.

“Alin, kung ako ang may mukha at tindig na tulad ng sa iyo, nakasampu na siguro akong nobyo,” dagdag pa ni Helen.

“Wala akong gusto sa mga manliligaw ko, Helen...”

Umismid ito. “Paano, ang hinahanap mo’y iyong makadama ka ng magic kapag tinitigan at hinahawakan ka, iyong tipong nananayo pa ang balahibo mo sa batok. Puwes, tiyak mong mararamdaman iyon kapag na-rape ka ng tiyuhin mo! Black magic! At mananayo ang balahibo mong tila si Troll, loka!”

“Helen, naman...”

Muling nagbuntong-hininga si Helen. “Nagpapaalala lang ako, Chantal. Ayokong may masamang mangyari sa iyo. Wala kang laban doon. Rereypin ka ng lalaking iyon sa harap ng tiyahin mo at hindi mag-aangat man lang ng daliri si Lolita. Hibang kay Mariano iyon.”

Ang pag-iisip niya’y pinutol ng tinig ni Quinn. “Hindi ba maaaring lumipat ka muna kina Helen?” suhestiyon nito.

“Wala akong maidadahilan para gawin iyon, Quinn. May tatlong malalaking silid ang bahay na iyon ng Tiyo Delfin ko. Isa pa, mas di-hamak na doble ang layo ng bahay nina Helen patungo sa montessori.”

Hindi rin niya alam kung bakit siya kay Quinn nagtungo. She was desperate and scared. Kung tutuusin ay estranghero din si Quinn. Wala pang anim na buwan mula nang unang magtungo ito sa montessori at naging magkaibigan sila. At dayo rin lang naman sa lugar na iyon. At hindi rin naman niya alam kung tagasaan dahil hindi naman ito nagsasalita ng tungkol sa pagkatao nito. Subalit mas panatag ang loob niya rito, mas nagtitiwala siya rito. h igit sa lahat ay may pakiramdam siyang mahal niya si Quinn.

All right, she couldn’t feel the magic, the spark, o kung ano man iyong dapat niyang maramdaman kapag magkasama sila ni Quinn. Marahil ay hindi iyon totoo... marahil ay nababasa lang iyon sa libro para paganahin ang imahinasyon ng mga mambabasa. Though she did feel something for him, at iyon ay ang pagtitiwala at kapanatagan.

And wouldn’t you call it love? Hindi ka magtitiwala at mapapanatag sa isang tao kung wala kang pagtingin sa taong iyon.

At dahil doon ay hindi miminsang hinihintay niyang manligaw ito sa kanya. She had this feeling that he desired her. Nakikita niya iyon sa mga mata nito kapag nahuhuli niyang nakatitig sa kanya.

“A-ayoko nang bumalik sa amin, Quinn...”

“At... saan ka titira?” Quinn asked.

She swallowed a couple of times, bago sa determinadong tinig ay, “Dito sa bahay mo.”

“Dito ka titira?” ani Quinn sa amused na tono. Ni hindi ito nagpakita ng pagkamangha sa sinabi niya na para bang inaasahan na nitong kasunod niyang sasabihin iyon. “Paano ang sasabihin ng mga tao? Dalaga ka at ako nama’y—”

“Hindi mo ba ako gusto, Quinn?” aniya bago nito natapos ang sinasabi. Ni hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon, ganoon din ang mga sumunod niyang sinabi. “You’re a thirty-five-year-old bachelor. At the prime of your life—”

“Prime of my life...” he repeated, at napatanaw sa labas ng bintana at saka nagbuntong-hininga.

“Yes,” aniya, hindi pinagtuunan ng pansin ang tono sa tinig nito at ang biglang pagbabago ng anyo. She was desperate. “Hindi pa naman katandaan para mag-asawa ka...” Sandaling nangulubot ang noo niya at tumitig dito. “U-unless you’re... you’re already married.” Iyon ang hindi niya matiyak. Ipinalagay lang nila ni Helen na binata ito dahil hindi ito tatagal sa Quirino nang nag-iisa kung may asawa.

“May... asawa ka na ba?”

“Binata ako, Chantal. But that is not—”

“Then you could marry me!” Muling bumalik ang excitement sa tinig niya. “I promise to be a good wife to you. Look at you...”

Tumayo siya at humarap dito. “Tuwing nagkikita tayo’y tila nababawasan ang timbang mo. Nangangalumata ka... at namumutla pa yata. Nagpupuyat kang masyado sa pagguhit at paggawa ng children’s books at marahil ay nakakalimutan mo nang kumain. Kung magpapakasal tayo’y maaalagaan kita—”

“You’re desperate,” putol nito sa litanya niya. “You don’t know what you’re talking about, Chantal...”

“No. Alam ko ang sinasabi ko,” she persisted. “I love you, Quinn... and I want to be your wife...”

Sa loob ng ilang sandali’y hindi sumagot si Quinn. Nakatitig lang sa kanya. Then a sad smile crossed his face. It was so sad na may pakiramdam siyang gusto niyang maiyak. Pero iglap iyong naglaho. Umiling ito, na tila ba isang malaking kalokohan ang sinasabi niya. At gustong manlumo ni Chantal.

He was rejecting her. And what would she do now?

“Well, whyever not?” ani Quinn makalipas ang ilang segundo.

Her head jerked sharply. May pag-asang umahon. “W-whyever not what?”

“Marry you...”

UMUWI si Chantal nang hapong iyon at palihim na inilagay sa bag ang mga kakailanganing dokumento sa pagpapakasal nila ni Quinn. Nagpaalam sa tiyahing sa bahay nina Helen matutulog dahil wala itong kasama at lumuwas ang mga magulang. Hindi iyon totoo subalit wala siyang ibang maisip na dahilan.

“Naloloka ka na ba!” bulalas ni Helen nang marinig ang napili niyang solusyon sa problema niya.

“Matagal na nating kilala si Quinn, Helen. He was a perfect gentleman. Kahit minsan ay wala akong makita sa kanyang dapat kong ipintas...”

“Estranghero pa rin siya, Chantal!” protesta nito. “At ni wala tayong alam tungkol sa buhay ng lalaking iyon. Dayo lang siya sa kabilang barangay. For all you know, isa siyang ex-con.”

“Hindi totoo iyan,” depensa niya. “Quinn’s too gentle and mild. Isa pa’y wala ka namang nakikitang tattoo, `di ba?”

“Baka natatago lang ng damit,” giit pa rin ni Helen. “At saka napakalaki ng agwat ng edad ninyo!”

“I love him, Helen...” halos pabulong niyang sabi at nagyuko ng ulo.

Nanlaki ang mga mata ni Helen. May ilang sandali ang pinalipas bago nagsalita. “Hindi mo ako mapapaniwala sa sinasabi mong iyan. Sa kalagayan mo ngayo’y nakikita mo si Quinn bilang lifeline. At ipinagkakamali mong pag-ibig...”

“Kung magsalita ka’y para namang marami kang alam tungkol sa pag-ibig,” aniya, sinamahan iyon ng ngiti. “Magkasing-edad lang tayo halos. Isa pa’y buo na ang pasya ko, Helen...”

Nalulungkot itong umiling. “Sana’y hindi mo pagsisihan itong ginagawa mo, Chantal. At ikinalulungkot kong wala akong magagawa para matulungan ka sa problema mo. Ni hindi ko maisuhestiyong tumakas ka at lumuwas ng Maynila dahil baka higit na kapahamakan ang sapitin mo roon.”

“Basta bukas pagkatapos ng oras ko sa mga bata’y samahan mo kami ni Quinn...”

At kinabukasan nga ng hapon pagkatapos ng oras niya sa montessori ay halos magkasabay na dumating sina Quinn at Helen. Sinamahan sila nito sa kakilala nitong officiating minister. Si Helen na rin ang tumayong testigo.

“Congratulations, Mr. and Mrs. Borromeo,” wika ng nagkasal at kinamayan sila. Pagkatapos ay tinapik nito sa balikat si Quinn. “Ikaw na ang bahalang magdala ng mga papeles sa munisipyo sa bayan, Mr. Borromeo...”

Tumango si Quinn at ibinigay sa kanya ang dokumento ng kasal nila at tinanggap ang pagbati ni Helen at ang maybahay ng officiating minister. Kasama pa rin si Helen nang umuwi sila ni Quinn sa kanila upang kuhanin ang mga gamit niya.

Galit na tinitilian siya ni Lolita nang sabihin niyang mag-asawa na sila ni Quinn. Sabi nito’y wala siyang utang-na-loob; na ano ang mapapala niya sa pagpapakasal sa isang tulad ni Quinn; at kung ano-ano pang mga salitang ipinagbingi-bingihan na lamang ni Chantal.

Palabas na siya sa silid niya nang hawakan siya sa braso ni Mariano. “Naunahan ako ng lalaking iyon, Chantal...” wika nito, nasa mga mata ang pagkasuklam at malisya. “Dapat sana’y—”

Subalit hindi pinatapos ni Chantal ang sinasabi nito. Halos takbuhin niya ang hagdanan pababa, hila-hila ang maleta niya. Higit kailanman, noon niya natiyak na tama ang ginawa niya. Nakahinga lamang siya nang maluwag nang makasakay sila ni Quinn sa tricycle at pauwi na sa bahay nito.

ANG PAGHAWAK ni Nayumi sa braso niya ang nagpabalik ng isip ni Chantal sa kasalukuyan.

“Tayo na, natitiyak kong nag-iisip na niyan si James kung bakit kay tagal mong bumaba...” wika nito at inilagay sa mga kamay niya ang bouquet ng mga sariwang bulaklak. Roses, in varieties of colors. Sa ibang pagkakataon, she would have appreciated the flowers.

“I... I wonder why James agreed to this marriage, Nayumi,” anas niya. Tila ba may bolang bakal na nakakadena sa mga paa niya nang humakbang. Na para bang sa silid-bitayan siya pupunta sa halip na sa kasal niya. “Natitiyak kong hindi dahil pinanghihinayangan ni James na mawala ang trust fund ni Quinn. Sa nalaman ko sa nakalipas na limang linggo’y alikabok lamang iyon sa kayamanang pag-aari ng mga Navarro.”

“Nangako si James kay Quinn, Chantal, na magiging legal na Navarro ang magiging anak ninyo. Even in his deathbed, Quinn was so obsessed about that...” Gumaralgal ang tinig nito at umiwas ng tingin, marahil upang hindi niya makita ang pagkislap ng namumuong luha sa mga mata nito.

Hindi pa natatagalang namamatay si Quinn, sariwa pa ang sakit na iniwan ng pagkawala nito sa pamilya. Na marahil ay mas pinatindi ng guilt na taglay ng bawat isa, dahil nag-iisa ito sa panahong alam nitong may taning na ang buhay. At si Alvaro ay ganoon na lamang ang pasasalamat kay Chantal dahil sa paningin nito’y inalagaan niya si Quinn sa panahong nag-iisa ito; na pinaligaya niya si Quinn sa mga huling araw nito.

She even doubted that. It was the other way around. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya’y mas naging matiwasay at maligaya siya sa dalawang linggong pagsasama nila ni Quinn—kung matatawag mang pagsasama iyon. Na nang dahil kay Quinn ay nakalaya siya mula sa manipulasyon ni Lolita at sa kapahamakang maaaring sapitin mula sa mga kamay ni Mariano.

“You see,” patuloy ni Nayumi, “Quinn was my father’s son, his spitting image. Iba man ang ina niya’y isa pa rin siyang Navarro. Kung hindi man sa pangalan ay sa dugo, Chantal. At isa iyan sa alam kong hinanakit ni Quinn—ang hindi niya magamit ang pangalan ng Papa... Though my father would have had done anything in his power mapalitan lang ang pangalan ni Quinn, But there are things in this world money can’t buy...”

Yes, she agreed silently. Hindi miminsang sinabi ni Quinn na hindi pera ang pagmumulan ng kaligayahan ng isang tao.

“But now that Quinn’s dead, maiintindihan ng lahat na hindi itutuloy ni James ang ipinangako niya kay Quinn... He didn’t have to marry me... isa iyong malaking pagsasakripisyo sa sarili, Nayumi...”

“Siguro nga. But my father was holding him on to his promise to Quinn.”

“W-what do you mean by that?”

“Si Papa ang nag-pressure kay James na pakasalan ka sa sandaling malamang nagdadalang-tao ka...”

Nahinto siya sa paghakbang. “A-ang papa mo?” Hindi siya makapaniwala roon. Hindi si James ang uring nagpapa-pressure sa kanino mang tao.

“Madali para sa amin ang ibigay ang pangalang Navarro sa sandaling maisilang ang anak mo. Subalit bastardo pa rin ang kalalabasan ng bata. Walang ipinagkaiba kay Quinn. At iyon ang hindi gusto ng Papa. And James would do anything to please him...” Nabahiran ng lungkot ang tinig nito sa bahaging iyon. Humakbang na ito palabas sa pinto. Sumunod siya.

Nasa bungad na ito ng hagdanan nang lumingon. “On top of all that, si James ang uring hindi tumatalikod sa pangako, Chantal.”

Yes. She could believe that.