noveltoon logo noveltoon
James Navarro (Kristine Series 19)

Chapter 20

Ch. 20 / 21 Apr 09, 2022

P AGGISING kinabukasan ay agad ang pagsalakay ng “morning sickness” kay Chantal. Tutop ang sikmurang nagmamadali siyang pumasok sa banyo at sumalampak sa tiled floor at nagduwal nang nagduwal sa toilet bowl.

Si James na nasa shower ay biglang pinatay ang gripo at marahas na hinawi ang kurtina.

“Chantal!”

Uncaring of his nudity, nilapitan nito ang asawa, squatted on the floor beside her at hinagod siya sa likod.

“ i s it really this bad?” he asked gently, worriedly. “How can I help?”

“You can’t!” she hissed, tinabig ang kamay nito. Hindi niya gustong makita siya ni James sa ganoong ayos. Magkasama ang luha mula sa pagduduwal at pawis sa mukha niya, huwag nang idagdag pang nakasabog ang buhok niya. She felt and looked wretched. “Get out... iwan mo ako!”

“No,” he said determinedly. And then added softly. “Gusto kitang tulungan...”

“Hindi... ko kailangan ang tulong mo!” halos patili niyang sabi. At saka tinutop ang tiyan sa pagbabadya ng pagsukang muli. “Leave... me... alone, please!”

May ilang sandaling namangha si James at nakatitig sa kanya. Pagkuwa’y tumayo at hinila ang tuwalya mula sa towel rack at itinapis sa ibabang bahagi ng katawan at atubiling lumabas ng banyo. Mula sa banyo’y naririnig niyang tinawag nito si Adora sa interphone.

Napayupyop siya sa may rim ng toilet bowl at tahimik na umiyak nang umiyak. She wanted him... needed him. Kaninang hinahagod nito ang likod niya’y gusto niyang pumaloob sa mga bisig nito, gusto niyang yumakap dito. But she held herself.

Kagabing umuwi sila’y halos hindi niya ito kausapin. And he didn’t try talking to her either. James even looked angry. Nang mahiga na siya’y nanatili ito sa kabilang silid at binuksan ang computer at nagtrabaho. Kung gaano katagal ay hindi niya alam. Later, she dozed in complete exhaustion, physically and emotionally.

Hanggang sa maramdaman niyang nahiga ito sa tabi niya, calling her name softly.

Subalit hindi niya kayang harapin ito. The emotional tidal wave she’d been riding since she learned of his betrayal had left her drained and empty. Gusto niyang matulog. Kapag tulog siya’y hindi siya nakadarama ng kahit na ano. She kept her eyes closed and pretended not to hear him.

“I know you’re awake, darling,” James had whispered, hinawi nito mula sa mukha niya ang buhok niya and ran a gentle fingers across her cheek. She flinched.

James had stilled for a moment, pagkatapos ay narinig niya ang malalim nitong pagbuntong- hininga. Halos hindi siya huminga nang umuga ang kama at tumayo itong muli at bumalik sa kabilang silid. She heard him opened the linen cabinet na malapit sa banyo at alam niyang kumukuha ito ng sariling kumot.

Nang magmulat siya ng mga mata’y patay na ang ilaw sa kabilang silid.

Sapat iyon upang lubusan siyang magising. Ang pagtulog nito sa kabilang silid ay lalong nagpatibay sa hinala niya. At least he had the decency not to sleep beside her kung ang laman naman ng isip nito’y ibang babae.

Si Sylvia ang dahilan kung bakit kumuha ito ng silid sa hotel sa gabing iyon. At napigil niya ang tangkang pagtatagpo ng dalawa sa hotel, right under her nose.

She had cried silently. At nang wala na siyang maiiyak, she laid awake the whole night aware of nothing but her pain.

“Chantal...”

Ang tinig ni Adora ang pumukaw sa pag-iisip niya. Mabilis niyang pinahid ng palad ang pawis at luha sa mukha niya at tumingala kay Adora nang pumasok ito sa banyo.

“Pinahihirapan ka ba nang husto sa paglilihi mo?” malumanay nitong tanong. Inalalayan siyang tumayo.

Humugot siya ng k leenex na nasa ibabaw ng marbled counter and blew her nose savagely. Itinapon sa trash bin at muling kumuha ng k leenex at muli ring suminga.

“P-pati ikaw ay inabala ni James...” aniya, binuksan ang gripo sa lababo at naghilamos at pagkatapos ay tinuyo ang mukha ng tuwalya mula sa towel rack. “Hindi ba’t talaga namang ganito ang naglilihi?”

Tinitigan niya ang sariling reflection sa salamin. Mugto ang mga mata niya at namumula ang ilong sa halos magdamag na pag-iyak, nagtitikwasan ang buhok at nakasabog sa mukha niya. How unglamorous she might have looked sa paningin ni James. At pagkuwa’y nag-flash sa isip ang anyo ni Sylvia. The model-perfect face and body.

At kung wala ang nang-uuring tingin ni Adora na nakikita niya sa salamin ay baka muli siyang humagulhol ng iyak.

“Pinaglilihian mo ba ang asawa mo?” tanong ni Adora sa bahagyang amused na tono.

Iyon ba ang sinabi ni James dito? “Posible naman iyon, `di ba, Adora?” she said miserably. Mabuti na ngang iyon ang paniwalaan ni James upang magkaroon siya ng dahilan upang huwag siyang lapitan nito... o hawakan. She couldn’t afford him to touch her and kiss her gayong may ibang babaeng kinakatalik ito.

“Chantal?” Hinawakan siya ni Adora sa mga balikat nang hindi niya mapigil ang pagkawala ng hikbi.

Suminghot siya, forced a smile. “Nagiging emotional ako, Adora. S-sabi mo’y kasama ito sa paglilihi.”

Huminga nang malalim si Adora. Tumango. “At natitiyak kong naiintindihan ka ni James. Kaya lang, hindi mo maiaalis sa asawa mo ang mag-alala. `Ku, alam mo naman ang mga lalaki. Gusto nga’y dalhin ka ngayon din sa doktor. Pinayapa ko lang ang kalooban.”

“S-salamat, Adora...”

“Gusto mo bang ipapanhik ko ang almusal mo rito? O sabay na kayong mag-almusal ng asawa mo?” nananantiyang tanong nito.

“Bababa ako, Adora. Maliligo lang ako at mag- aayos...”

Umaliwalas ang mukha nito. “Payapain mo ang dibdib ng asawa mo, Chantal. Kung makapag-alala’y akala mo’y kung ano na ang nangyayari sa iyo.” Pagkasabi niyon ay lumabas na ito ng banyo.

Of course he was worried. Pero hindi sa kanya kundi sa nasa sinapupunan niya. Hindi nito gustong may mangyari sa dinadala niya, she thought bitterly.

Muli niyang tinitigan ang reflection niya sa salamin. Ano ngayon ang gagawin niya? Makikipaghiwalay ba siya sa sandaling makapanganak siya? Pero hindi ba’t nangako siya kay Franco at Beatriz na gagawin niya ang lahat upang maging matagumpay ang pagsasama nila ni James? At hindi ba’t nangako siya kay Alvaro na bibigyan niya ito ng maraming apo?

At ano ba ang dapat niyang ikasakit ng loob gayong siya mismo ang nagsuhestiyon kay James nang araw na sila’y ikasal na nakahanda siyang palayain ito sa sandaling makatagpo ng babaeng mamahalin?

But that was before she had fallen in love with him.

Pero paano niya tatanggaping may ibang babae sa buhay ng asawa? Na may mga pagkakataong gagawa si James ng dahilan upang ilang araw na makasama si Sylvia?

Makakaya ba niyang tiisin iyon kaysa makipaghiwalay dito? Hindi ba’t iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit ninais ni Quinn na makasal sila ni James? Na kung magdalang-tao siya rito’y bigyan niya ng buong pamilya ang magiging anak nila?

At si James? Hindi ba at ito man ay buong pamilya ang hinahangad para sa magiging anak nila? While discreetly having an affair with another woman!

The hypocrisy of the man.

Angrily, she turned and walked to the shower. Sa galit niya’y hindi niya napuna ang sabong nasa tiles sa ibaba na nabitiwan ni James kanina nang marinig siya nito.

She slipped. On instinct, ang mga kamay niya’y naghanap ng makakapitan. Ang shower curtain ang nadaklot niya. Subalit hindi nito kaya ang bigat niya at napigtal ang mga iyon mula sa curtain hook. Her hands grasped for the toilet rim at naalalayan nito ang pagbagsak niya sa tiles.

Humihingal siyang naupo nang tuluyan sa tiles at isinandal ang sarili sa dingding. Nang bigla’y maramdaman niya ang pagguhit ng bahagyang sakit sa puson. It took her seconds before her horror penetrated her dull brain.

“N-no... no! Oh, God... no, please!” She panicked. Sa nanlalaking mga mata’y inabot niya ang rim ng toilet bowl. Doon kumuha ng lakas upang makatayong muli. Mabilis siyang lumabas ng banyo habang hawak ang tiyan at tuloy-tuloy sa labas ng silid.

“James!”

SA IBABA sa kuwadra’y napatingala sa silid nila si James nang marinig ang tinig ni Chantal. Nagdikit ang mga kilay na ibinigay niya ang renda kay Simon at nagmadaling pumasok sa bahay. Nasa loob na siya ng bahay nang muling marinig ang pagtawag nito. In a matter of seconds, he was at the foot of the stairs.

Nagsasalubong ang mga kilay na tiningala niya ang asawa na nasa landing.

“Anong—” He stopped in midsentence nang makitang halos walang kulay ang mukha nito. Dinalawang hakbang niya ang mga baitang sa pagpanhik. “Chantal, what’s wrong?”

“S-sumasakit ang tiyan ko.. ”

“Why? I mean, what happened?” nalilitong tanong niya. Hindi malaman kung paano hahawakan ang asawa.

“I-I fell... nadulas ako sa banyo...”

“Oh, l ord!” Mabilis niyang pinangko ito at ibinaba ng hagdan at palabas ng garahe. “Adora, tawagin mo si Josue!” utos niya nang matanaw si Adora.

Si Adora na sandali lamang ang pagkabigla’y mabilis na sumunod. Naisakay na niya si Chantal sa backseat nang dumating si Josue.

“Sa pinakamalapit na ospital, Josue!” utos niya rito. Agad itong sumampa sa driver’s seat at binuhay ang makina ng four-wheel drive. Ilang sandali pa’y inilalabas na nito sa garahe ang sasakyan.

“I’m sorry,” ani Chantal, sobbing in fear and hysterics. “Hindi... ko sinasadya. Please, believe me, James... I didn’t do it on purpose...”

“Hush, darling... Of course, I believe you...” he said gently. Pinahid niya ng palad ang mga luha nito. Hinawi ang buhok nito mula sa mukha patalikod at dinampian ng halik sa noo.

“H-hindi ko... mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa baby ko, James...”

“Please, darling, calm down. It isn’t a baby yet... You’re only a month pregnant...”

“How can you say that! Buhay ang nasa sinapupunan ko...” Sob after sob racked her body.

Hindi niya malaman kung paano kakalmahin ang asawa. He held her against his chest and kissed her hair. Ang isang kamay niya’y humahaplos sa braso nito.

“Everything will be fine,” he whispered in her ear. Held her trembling body against him, giving her the security she needed at the moment. “You won’t have a miscarriage... not if I can help it.” And he was worried because it didn’t stop her from crying so miserably.